Part 1

Tittle-Tattle
Please Subscribe to read the full chapter

Kakaiba ang ere sa school ngayong araw.

 

Hindi ko alam kung sensitive lang ba ako, o talagang pinagtitinginan nila ako.

 

Lalo na nung dumaan ako sa tapat ng room ng section Rizal.

 

“Ning, may tagos ba ako?” Pabulong kong tanong sa best friend kong nakatambay sa labas ng classroom namin. Tumalikod ako sa kanya nung sinenyasan niya ako nang pasikreto.

 

“Wala naman, sis,” sabi niya habang umiiling. Figured. Alam kong hindi pa dapat ako magkaroon ngayon, unless naging irregular ang cycle ko. “Bakit? Feel mo ba meron ka na?”

 

“Hindi naman… Parang pinagtitinginan kasi ako pagkadaan ko sa tapat ng Rizal kanina.” Ikiniling ko nang slight ang ulo ko dahil sa kakaisip kung anong meron.

 

Baka nga assumera lang ako? Baka hindi naman talaga ako pinagtitinginan.

 

“Huy! Ayan na si ma’am Santos,” nandilat ang mata ni Ning bago niya ako hilain papasok sa classroom.

 

“Guys, guys, papunta na si ma’am,” anunsyo ni Ning habang nagkukumahog kaming pumwesto sa mga upuan namin.

 

Hindi kami seatmates ni Ning. Alphabetical kasi ang seating arrangement. Babae at lalaki rin ang magkatabi. Bale, first sa alphabetical order sa mga lalaki katabi ng first sa alphabetical order sa mga babae, second to second, and so on. 

 

Bilang letter Y ang apelyido, at may shortage ng lalaki sa klase, ako ‘yung nag-iisang nakaupo sa may sulok ng room. Wala akong seatmate, which is good for me dahil may sariling upuan ang bag ko. Hindi ko siya kailangang ilapag sa sahig.

 

Biglang nanahimik ang classroom dahil sa announcement ni Ning, at naudlot ang mga chikahan at nagtago na rin ng mga phones ‘yung mga naglalaro ng games.

 

English ang subject namin ngayon. Hindi naman terror o maldita si ma’am na teacher namin dito. Sa katunayan, chill nga lang siya eh. Nakikipagbiruan pa samin minsan. 

 

Ganito lang talaga ang normal na reaksyon ng mga high school students kapag parating na ang teacher.

 

“Good afternoon, class.”

 

“Good afternoon, ma’am Santos,” sabay-sabay kaming tumayo at bumati pabalik.

 

“You may take your seat,” umupo na kami ulit habang nilalapag ni ma’am ‘yung mga gamit niya sa teacher’s table. “Did you read the poem I assigned you last time?”

 

Nag-aatubiling tumango, at sumagot ng oo ang klase namin. Syempre, ‘yung iba kahit hindi nagbasa, naki-oo na lang dahil ayaw ma-special mention at maunang matawag sa recitation.

 

“Good,” naka-settle na si ma’am, at bumaling ang tingin niya sakin.

 

Wag mong sabihin na ako pa unang matatawag dito.

 

“Karina.” Hay nako. Wala na, natawag na ako. Tumayo ako para mag-recite. “What is the title of the piece that I assigned you to read?”

 

Okay na rin pala na mauna. Easy lang naman ‘yung tanong. At least hindi pa mga analysis at meanings kemerlu.

 

“It is an excerpt from Shakespeare’s play, As You Like It. It is a song called Blow Blow Thou Winter Wind,” confident kong sagot.

 

Sana lang wala ng follow-up question.

 

Magsasalita na dapat ulit ang teacher namin, pero na-interrupt siya ng isa naming kaklase.

 

“Yieee,” napalingon tuloy ako sa ka-row kong si Chenle na pinagmulan ng sound. Napakunot din ang noo ko dahil anong ka-yie yie sa sinabi ko? “Winter daw oh.”

 

Huh? Anong meron?

 

Lumibot tuloy ang mata ko sa room dahil hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Nakita kong nakangisi na halos lahat ng mga kaklase ko, at may mga dumagdag pang yie, Winter.

 

Tumigil ang mata ko kay Ning na mukhang naguguluhan din katulad ko. Nag-kibit balikat lang siya sa akin.

 

“What’s going on?” Ni-redirect ni ma’am Santos ang tingin niya kay Chenle.

 

“Ma’am si Karina po tsaka ano si Winter,” sagot ni Chenle habang mapang-asar na nakatingin sakin.

 

“Huh?” Lalo lang akong nagulumihanan sa sinabi niya.

 

Winter? As in si Winter na taga-kabilang section? Ano namang meron samin?

 

“Yie. Kunwari pa siya,” taas-baba ang mga kilay niya. “Jojowain mo, diba?”

 

Jojowain? Sino? Si Winter? Hindi ko nga crush ‘yun eh. Ni hindi nga kami magka-close. Saan niya naman nakuha ‘tong chismis na ‘to?

 

“Yieeee.”

 

“Sana all merong may gusto jowain.”

 

“KathNiel who? JaDine who? WinRina lang malakas.”

 

Hindi ko na alam kung paano sisingit para depensahan ang sarili ko dahil sa sunod-sunod na pang-aasar ng mga kaklase ko.

 

Nakakahiya. Dito pa talaga ako na-chismis sa harap ng isang teacher. Buti na lang si ma’am Santos ‘to. Hindi niya ‘to pagtutuunan masyado ng pansin dahil priority ang lecture niya.

 

Napasinghal ako bago ako magsalita.

 

“Wala naman akong sina-,” naputol ang pagsasalita ko.

 

“Si Winter Kim ba?” Pag-kumpirma ng guro namin, at mabilis na nagtanguan mga kaklase ko. “As in Winter from Rizal?” Nagtanguan ulit.

 

Nanahimik bigla ang classroom namin.

 

Tapos na ba? Hopefully tapos na. Ituloy na natin ang lesson, please. Mamaya ko na siguro lilinawin ang mga chismis na umiikot tungkol sakin.

 

May ngiting unti-unting gumapang sa mukha ni ma’am na lalong nag-stir ng kaba sakin.

 

“Sino teacher nila ngayon sa kabila?” Tanong niya. “I mean sa Rizal?” Pagkaklaro niya.

 

Hindi ko na alam saan papunta ‘tong conversation na ‘to.

 

“Si sir Ferrer po yata, ma’am,” sagot ng isa naming kaklase.

 

Lumawak lalo ang ngiti ni ma’am.

 

“Perfect… Chenle, sabihin mo kay sir, pahiram muna ako kay Winter. Less than 5 minutes lang kamo.” Natutuwa namang tumayo agad si Chenle sa upuan niya para sundin ang utos ng teacher namin.

 

Don’t tell me na isa pa ‘to sa mga moment na makikisabay si ma’am sa trip ng klase?

 

Tumingin ako kay Ning para sumaklolo, pero mukhang ngayon lang nasagap ng radar niya ang chikang ‘to tungkol sakin at kay Winter.

 

Nag-isip akong mabuti kung may nagawa ba ako or nasabi ako para i-assume nilang gusto kong jowain si Winter, pero wala.

 

Except for one occasion.

 

Hindi naman siguro ‘yun? Kami-ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Sorry. Wala pang update huhu. Napindot lang ng jowa ko at natanggal niya sa draft status nung binabasa niya yung last chapter SORRYYYY DI SADYA MGA BEH 😭

Comments

You must be logged in to comment
mindeongie 0 points #1
Chapter 10: Chapter 10: miss u otor. It's been a year 😔
Wemon_ #2
Chapter 10: ang cute cute nila kainis huhuhu
Wemon_ #3
Chapter 7: supportive ng mama at friends
Wemon_ #4
Chapter 6: ang cuteeee potek kinikilig ako
M_1412 #5
Chapter 10: Cute talaga nila huhu
M_1412 #6
Chapter 8: Super supportive mama😭
M_1412 #7
Chapter 7: Yiee keleg HSHAHAHAHA
KULIT NG MGA MAMA
M_1412 #8
Chapter 6: AAAFHKZDJZLKS NAKAKAHAWA ANG KILIG CHAKRA
M_1412 #9
Chapter 4: YIEEE AHSHAHHAHAHA
yanymous
#10
Chapter 1: Awee excited me to read this