Thirteenth Glimpse

Glimpse of Yu
Please Subscribe to read the full chapter

Isang linggo nalang bago mag-exam.

 

Currently, tinatry kong tapusin na lahat ng dapat na gawin within this week para after non ay makapagfocus na ako sa pagrereview para sa nalalapit na exam namin.

 

Naging routine ko na rin na pumunta sa library after class para doon gawin yung mga activities ko.

 

Si ningning or si ryujin yung palagi kong kasama kapag napunta ako rito pero ngayong araw, mag-isa lang ako.

 

Kailangan daw kasi umuwi kaagad ni ningning kasi may pupuntahan pa raw siya.

 

Medyo suspicious nga kasi iba yung aura niya ngayon pero hindi ko na nagawang tanungin kasi nagmamadali yung gaga umalis.

 

Tapos si ryujin naman, pabulong na sinabi sa akin na may movie date raw sila ng bebe niya.

 

Edi wow.

 

Eh ano naman kung magmomovie date sila?

 

Naranasan ko rin naman yon.

 

Manood ng movie.

 

Talagang ininggit pa ako kanina bago umalis tapos sinabihan pa akong "keep up" naman daw, parang baliw lang.

 

Akala niya ba maiingit niya ako?

 

Hindi ako naiingit.

 

Hindi talaga.

 

Slight lang.

 

Half-half ganon.

 

Speaking of pala roon sa dalawa, after kong malaman yung about sa kanila parang naging silent agreement namin na huwag nang banggitin pa kasi hindi naman na kailangan.

 

Thankfully, wala rin namang nagbago sa pakikitungo nila sa akin after kong malaman yung about sa kanila. 

 

I mean wala naman kasing dapat magbago diba, siguro naisip ko lang na ganun kasi akala ko nung una maiilang or magiging awkward sila sa isa't isa or like hindi nila alam i-aakto kapag andoon ako pero wala namang ganung nangyari.

 

Kung ako kasi nasa posisyon nila, feeling ko baka mailang ako ng kaunti dun sa taong nakalaam if ever na mabuking yung dapat 'secret' na relationship namin especially if ako or yung partner ko ay hindi pa out sa ibang tao.

 

Pero ewan ko, iba-iba naman kami ng way ng paghahandle ng mga bagay-bagay kaya buti nalang talaga walang ilangan na nangyari.

 

Actually, parang mas naging komportable at carefree pa nga silang gumalaw around me.

 

Yung tipong maglalandian sila sa harap ko kapag alam nilang walang ibang tao. Hindi ko nga alam kung nanadya ba silang inggitin ako or what.

 

And when I say na wala namang nagbago, kasama rin don yung palagi pa rin silang nagbabangayan na parang aso't pusa. 

 

Siguro ganun talaga yung love language nilang dalawa. Magbangayan.

 

Simula rin ng malaman ko yung about sa kanila, mas napapansin ko na yung patago nilang tinginan at ngitian sa isa't isa or should I say patagong landian kapag walang nakatingin.

 

Minsan nga natutuwa at kinikilig nalang din ako para sa kanilang dalawa. 

 

Normal pa ba 'yon?

 

Kiligin sa relasyon ng iba?

 

Napapatanong nalang tuloy ako minsan Lord, when?

 

Beke nemen...

 

Kahit isang Karina Yu lang.

 

Chos. Masyado na siguro akong gahaman kung ang hihilingin ko ay isang Karina Yu.

 

Pero kasi naman, kung hindi siya ang para sa akin, huwag nalang.

 

Mamamatay nalang siguro akong mag-isa.

 

Oo, choosy ako.

 

Ayoko ng iba, bakit ba?

 

Libre naman mangarap diba, sasagarin ko na aba.

 

Napailing nalang ako sa mga naiisip ko, as if namang may chance ako.

 

Mas minabuti ko nalang na gawin na yung activities ko since 'yon naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito.

 

Tahimik kong nilabas yung laptop ko mula sa bag.

 

Pindot sa power on.

 

Kuha ng earphones.

 

Lagay ng earphones sa magkabilang tenga.

 

Open spotify.

 

Select music then play.

 

Then tadaa, ready na 'ko gumawa.

 

Mas nakakagana talagang gumawa kapag may music na pinapakinggan kaya hindi pwedeng mawala yung earphones ko.

 

Bukod sa gadgets ko at wallet, yung earphones yung next na pinakaimportante na dapat hindi mawala.

 

Feeling ko hindi ko kayang makasurvive ng isang araw na walang music.

 

No music no life.

 

Nung ready to gawa na ako, chineck ko muna sa phone ko yung mga kailangan kong tapusin at tinignan kung alin yung uunahin kong gawin base kung kailan yung due.

 

Kung alin yung mas malapit na due, iyon ang mauuna. 

 

Tatlo nalang naman yung kailangan kong matapos kaya sa tingin ko kaya ko na 'tong matapos ngayong araw.

 

Sana...

 

 

 

 

Nung nasa kalagitnaan na ako ng ginagawa ko nang bigla nalang ako makaramdam ako ng katamaran.

 

Parang ayoko na gumawa.

 

Punong-puno na ng tabs yung browser ko kakasearch pero parang wala pa rin akong progress.

 

What if 'wag nalang ako gumawa?

 

Ang lamig-lamig din dito sa loob kaya para akong biglang inantok, parang gusto ko nalang umuwi at matulog.

 

Habang busy ako magcontemplate kung uuwi na ba ako o hindi, biglang napa-angat yung tingin ko mula sa screen ng laptop nang may isang anghel na pumasok sa library.

 

Parang ang bilis marinig ni Lord yung iniisip ko at binigyan agad ako ng motivation para gumawa.

 

Siguro totoo nga yung sinasabi nila na instant motivation talaga kapag nakikita mo yung crush mo kasi para akong nabuhayan ng diwa at nagkaroon bigla ng gana na mag-aral.

 

Pasimple kong sinundan ng tingin yung bawat galaw niya, kung paano siya nagstop sa entrance ng library at lumingon sa paligid bago magtungo doon sa information desk.

 

Pati kung paano siya makipag-usap doon sa librarian, pinanood ko rin.

 

Nung makita ko siyang ngumiti doon sa librarian para na rin akong napangiti. 

 

 

It's the way you walk

The way you talk

The way you make me feel inside

It's in your smile

It's in your eyes

 

 

Wala na, kinikilig na naman ako.

 

Para na naman akong baliw na nakangiti rito.

 

Talagang sumakto pa talaga yung pagdating niya sa kantang pinapakinggan ko kaya mas lalo pa akong kinilig.

 

Sa tingin ko, simula ngayon siya na yung maaalala ko tuwing maririnig ko 'tong kantang 'to.

 

Kakilig!

 

 

So I'm daydreamin'

With my chin in the palm of my hands

About you, you, and only you

 

 

Nang ma-sense ko na titingin siya sa direksyon kung nasaan ako, mabilis kong binalik yung tingin ko sa screen ng laptop.

 

Poker face. Kunwari hindi kinikilig.

 

Kaya ko 'to.

 

Inhale.

 

Exhale.

 

Okay, focus.

 

May kailangan pa akong tapusin.

 

Kailangan ko munang i-set aside yung kilig ko, mamaya na 'yon.

 

Aral muna 'ko para sa future namin. Chos!

 

Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko habang tumutugtog pa rin yung kanta.

 

Gagawa tuloy ako ngayon na kinikilig.

 

Sa sobrang motivated ko, parang gusto ko nalang gawin yung mga activities ng ibang tao na nasa library ngayon.

 

Feel ko nga makukuha ko perfect score rito sa ginagawa ko.

 

I mean, dapat lang talaga na makuha ko perfect score kasi sobrang motivated ako ngayon kaya yung effort ko lagpas 100 percent sa paggawa.

 

At dahil sobrang kinilig ako, nilagay ko sa on repeat yung daydreamin' ni ariana grande. 

 

Hays, ang sarap pala mag-aral kapag inspired.

 

 

You walked in

Caught my attention

I've never seen

A man with so much dimension

 

 

Unconsciously, napapasabay na rin ako sa pagkanta habang nagpplay sa utak ko yung mukha ni karina.

 

Wala na akong pake kung mag mukhang baliw ako rito na nakangiti mag-isa, kinikilig ako moment ko 'to!

 

"You have a nice voice,"

 

Napapitlag ako sa kinauupuan ko nang makarinig ako ng boses na nanggaling mula sa likod ko. 

 

Muntikan pa nga ako mapasigaw pero buti nalang napigilan ko yung sarili ko.

 

Agad akong napatanggal ng earphone sa tenga ko at lumingon sa likod ko.

 

"Hi!" masiglang bati nung babaeng bigla-biglang nag-appear out of nowhere.

 

Hindi siya familiar sa akin pero mukha siyang may lahi, matangkad tapos blonde yung buhok.

 

"Uh hello," bati ko rito pabalik. Sinundan ko siya ng tingin kung paano siya naglakad papunta sa bakanteng upuan sa harap ko at umupo doon. 

 

"I'm somi pala," masiglang sabi nito at nilahad yung palad niya sa harap ko. Wow, dami niyang energy.

 

"I'm from specialized section B." dagdag pa niya. medyo nagulat nga ako na taga kabilang section lang siya kasi hindi talaga siya familiar sa akin.

 

Saglit kong tinignan yung kamay niya, medyo nagdalawang isip pa nga ako kung tatanggapin ko 'yon o hindi pero in the end, kinamayan ko nalang din siya at pinakilala yung sarili ko since mukha naman siyang friendly. "Winter, from section A."

 

"Your name suits you, I like it." nakangiting komento niya kaya ngumiti ako pabalik sa kanya at nagpasalamat.

 

"I really love your voice by the way," dagdag pa nito. Akala ko doon na matatapos yung sasabihin niya pero may idadagdag pa pala siya, "I was walking around when I heard you sang, your voive sounds heavenly kaya I immediately searched for you because I really wanted to compliment you and let you know that you have a great voice!"

 

Ang daldal niya pala talaga no?

 

Hindi naman madaldal like nakakainis na daldal, actually nakakatuwa nga kasi ramdam na ramdam ko yung enthusiasm at excitement sa boses niya tapos tuloy-tuloy pa siya magsalita kaya parang ako pa yung hinihingal sa kanya.

 

"Malakas ba masyado boses ko?" nahihiya kong tanong, bigla akong naconscious kasi baka naka-istorbo ako ng ibang tao dahil sa pagkanta ko.

 

Hindi ko lang kasi namalayan na napapasabay na rin pala ako sa kanta kanina. Masyado ata akong na-carried away at nakalimutan kong nasa library pala ako at may ibang tao na makakarinig sa akin.

 

Bigla tuloy akong napaisip, narinig kaya ni crush?

 

Andito pa ba siya? Pasimple pa nga akong lumingon sa paligid baka sakaling makita ko siya.

 

Hindi ko alam pero merong part sa akin na nagwiwish na sana andito siya tapos narinig niya ako.

 

Edi sana nalaman niya kung gaano kaganda yung boses ko, diba?

 

Tapos mafafall siya sa akin tapos boom we'll live happily ever after. 

 

Chos.

 

"Kind of. But you have a really nice voice so you're good," 

 

"What if pangit boses ko?" 

 

Nagshrug siya bago sumagot, "Then... you need to leave this place for being noisy," natawa naman ako sa naging sagot niya. 

 

Nakakatuwa lang, she has this expressive behavior habang nag-uusap kami kaya mas lalong nakakaaliw na kausapin siya.

 

Tapos ang dami niya ring kwento, parang hindi siya mauubusan ng sasabihin.

 

And since madaldal naman siya, hinayaan ko lang siya na magsalita nang magsalita tapos syempre nasagot or nagrerespond din naman ako sa mga sinasabi niya.

 

At dahil nga napaka easy going niya, hindi ako nahirapan maging komportable sa kanya. 

 

"I'm actually waiting for a friend, she told me she's already here kanina pa. Naikot ko na yung buong place but we still can't see each other, gosh." pagrarant niya sa akin in a hushed voice. Nakatingin na kasi sa amin yung librarian, baka mapalayas pa kami rito.

 

"Baka nagkakasalisihan lang kayo?"

 

Napatingin siya sa akin at saglit na napaisip, "Why I didn't think of that? I'm so dumb, sinayang ko lang yung energy ko kakaikot."

 

Magsasalita sana ako nang biglang may tumawag sa phone niya, sinenyasan niya ako na wait lang daw kaya hinayaan ko muna siya.

 

Then bigla kong naalala, hindi pa pala ako tapos sa ginagawa ko!

 

Ano ba 'yan.

 

Mamaya ko na nga lang sa bahay tatapusin.

 

"Girl! Nasaan ka na?" rinig kong sabi niya habang ako binalikan ko yung ginagawa ko sa laptop ko. Wala naman akong balak makinig sa sinasabi niya, talagang naririnig ko lang. "Gosh, umikot na 'ko rito lahat-lahat and I already made friend with a cute girl here pero until now hindi pa rin tayo mapagtagpo."

 

Napa-angat ako ng tingin kay somi at medyo napataas ng kilay. 

 

Ako ba yung cute girl?

 

"Oh, I see you now!" medyo napalakas pa yung boses niya kaya agad siyang napatakip ng bibig at nagsorry sa ibang tao.

 

Yung likod ko yung nakaharap sa direksyon ng friend niya kaya kinailangan ko pang lumingon sa likod nung kinawayan niya yung friend niya.

 

At laking gulat ko nang makita ko yung source ng motivation ko slash pinakamagandang tao

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 16: Author balik ka na pls :(
EzraSeige
#2
Chapter 16: Shuta balik kana otornim nag re-relapse eme nako sa storyang ito dahil sa kilig 😣😢😍💙❄
sonelai #3
Chapter 16: welcome back pi 🥹
cleofierayne 60 streak #4
Chapter 16: Ang pagbabalik yieeee kinilig ulit kami myghad Winter bat kasi sinasabi mo yung thoughts mo unconsciously hahaha ayan tuloy pero ahhh buti nlng talaga hayyy 🥰🥰🥰
wishwishwish #5
Chapter 15: wilkam back po
mellifluouswan
1693 streak #6
Chapter 16: halaaa welcome back po
jysowee
#7
Chapter 16: Waw otor nagbalik ka what if di ka na maglaho
howdoyouknowmee
530 streak #8
Chapter 16: Owemgee ang pagbabalik
Wintuuuury #9
Chapter 16: yeeey!!! mace u so mats huhu. 😭😭😭
BamBamOnce #10
Chapter 15: misss u na