Fourteenth Glimpse

Glimpse of Yu
Please Subscribe to read the full chapter

"Kayo ni karina?"

 

Halos mabulunan ako sa tubig na iniinom ko nang biglang sumulpot out of nowhere sila ryujin at yung tanong na 'yon yung unang lumabas sa bunganga nila.

 

Idagdag mo pa na medyo naalog pa ako nung biglang inakbayan ako ni lucas, napaka talaga!

 

Inis kong siniko yung tyan ni lucas at inalis yung akbay niya sa akin bago ko pinunasan gamit yung likod ng palad ko yung tubig na tumapon mula sa iniinom ko, "Ano ba, lucas! napaka-- gusto mo bang hampasin kita, ha?"

 

Akmang lalapitan ko na sana si Lucas para hampasin ng plastic bottle na hawak ko pero natatawang pinigilan ako ni ryujin. 

 

Napatingin ako sa kanila, si ryujin, yujin, lucas tapos si ningning pa talaga magkakasama.

 

Natatawang lumayo naman sa akin si lucas, "ang init-init naman ng ulo mo, lq ba kayo ng bebe mo? kagagaling niyo nga lang ng date kahapon eh,"

 

 "Pinagsasabi mo? baliw ka na?" 

 

Atsaka sino raw bebe ko?

 

Si Karina?

 

Hah! How I wish.

 

Halos mapatili naman ako sa sakit nang maramdaman ko na kinurot ako ni ningning sa tagiliran, napatakip ako sa bibig ko habang yung kabilang kamay ay nakahawak doon sa parte na kinurot niya.

 

Medyo napalakas ata yung pagtili ko kasi nagtinginan yung ibang estudyante na malapit sa amin. Bwiset kasi si Ningning!

 

Nasa covered court kasi kami ngayon, pe namin tapos since may meeting daw si sir hinayaan niya nalang muna kami gawin kung anong gusto namin dito.

 

Pinagsabay din kami pati yung kabilang section sa pe namin kaya heto sila ngayon, kinukulit ako.

 

Sinamaan ko ng tingin si ningning, "Bakit nangungurot??"

 

"Magkwento ka! Gaga ka kagabi pa kita chinachat pero ni hindi ka manlang nagreply," taas kilay na sabi nito sa akin habang nakapakrus yung kamay niya sa dibdib niya.

 

Aba, bakit parang obligado akong ikwento sa kanila yung nangyari?

 

"Mamaya na," 

 

"NGAYON NA!" sabay-sabay nilang sigaw sa akin dahilan na mapatakip ako ng tenga ko, kulang nalang masira eardrums ko sa lakas ng pagkakasabi nila.

 

And again, napatingin na naman sa amin yung ibang estudyante. May iba pa ngang ang sama ng tingin sa amin. Binalik ko yung tingin ko sa kanila at inis ko silang sinamaan ng tingin, "Ang ingay-ingay niyo!"

 

"Magkwento ka na kasi!"

 

"Wala naman kasi akong ikukwento," sabi ko tapos nirolyohan ko pa sila ng mata.

 

Tinaasan naman ako ng kilay ni ningning, "Talaga ba? Tinext mo pa ako kung anong pwedeng orderin, sana pala hindi nalang kita tinulungan!"

 

Luh.

 

Wala nga siyang naitulong!

 

Nagtanong ako kung anong masarap tapos isasagot lahat daw. 

 

I mean, sinagot niya naman pero gusto ko yung specific! Kaya nga ako nagpapatulong para hindi ako mahirapan mamili eh.

 

"Sabi mo kahapon magrereview ka tapos malalaman namin may ka-date ka pala kahapon," panunuksong sabi ni Yujin, issue talaga 'tong gagang 'to tapos ginatungan pa ng mga kasama ko.

 

Actually kagabi pa nila ako china-chat about doon.

 

Mga isang oras pa nga lang yung nakakalipas nung pagkauwi ko nang makatanggap ako ng chats galing sa kanila.

 

Ang bilis nilang masagap yung balita, kaloka.

 

Pero hindi ko pinansin yung mga chats nila kasi busy pa rin akong kiligin during that time.

 

Moment ko 'yon eh.

 

In-ignore ko lahat ng chats nila kaya heto sila ngayon, mga hayok na malaman yung nangyari.

 

At alam kong hindi nila ako titigilan buong araw hangga't hindi ko kinukwento sa kanila.

 

So in the end, wala akong nagawa kundi magkwento pero hindi ko na masyado pang ginawang detailed yung kwento. 

 

Sinabi ko lang sa kanila yung totoong nangyari, na na-meet ko yung friend ni karina na hindi ako aware na friend niya pala tapos nagkasabay lang umuwi at nagkayayaan lang na kumain kasi nadaanan namin yung pares house na sinasabi ni ningning. Then the end!

 

After nun pinanood ko yung mga reaksyon nila. Nakatingin lang sila sa akin na para bang sinusukat nila kung nagsasabi ako ng totoo or hindi.

 

"Kailan pa kayo nagsimula maging close ni Karina?" 

 

"Hindi kami close," sagot ko which is totoo naman. Hindi naman talaga kami ganun ka-close, nakakapag-usap naman kami kahit papaano pero hindi masyado kahit na seatmate kami sa isang subject namin.

 

Bukod sa hindi ko alam kung paano siya kakausapin, wala rin naman kaming time para magdaldalan no.

 

Paano ba naman kasi pagpasok na pagpasok ng teacher namin maglelesson agad tapos sinasagad talaga yung time sa dismissal time.

 

Minsan nga overtime pa!

 

Then after nun, lunch break na.

 

So ayun, seatmate lang talaga kami.

 

Edi wow.

 

Pero aarte pa ba ako? at least katabi ko siya. 

 

Hehe.

 

Tumaas yung kabilang kilay ng mga kasama ko nung marinig yung sinabi ko, "Ows? Hindi halata,"

 

Nirolyohan ko ng mata si Lucas, "edi huwag kang maniwala,"

 

"Hindi talaga!" sabi pa nito tapos halatang hindi pa rin sila naniniwala sa sinasabi ko.

 

Mukha ba akong nagsisinungaling?

 

Nagkataon lang naman kasi talaga na sabay kami kahapon umuwi tapos ano.. kinuha ko na yung chance na 'yon para yayain siya kumain hehe.

 

Nagugutom na rin kasi ako, okay? Alangan naman ako lang kumain tapos hindi ko siya yayain. 

 

'Wag kayong ano d'yan.

 

"Hindi close pero magkasamang kumain sa labas na kayong dalawa lang?" sabi naman ni ryujin na may mapang-asar na ngiti sa labi niya. Palibhasa alam nito yung pagkakacrush ko kay karina eh, kainis.

 

"Hindi close pero sabay umuwi? nagdadate?" dagdag pa ni ningning

 

"Ang kulit niyo, sabing nagkataon lang nga!"

 

"Pati yung story niyo sa instagram nagkataon lang din, ganon?" taas kilay na sabi ni ningning, talagang ayaw magpatalo.

 

Oo, may pa ig story kami. 

 

Pak, hindi niyo keri!

 

Lume-level up na ata kami.

 

"For someone na hindi nagamit masyado ng instagram, ang sus." sabi pa ni yujin na sinang-ayunan naman nilang lahat.

 

Okay, ganito kasi 'yan.

 

Wala naman kasi talaga akong plano na i-story yung picture namin.

 

Ang balak ko kasi talaga, i-keep lang yung picture niya sa phone ko. Bakit ko naman kasi ipopost, diba?

 

Hindi ko naman picture 'yon atsaka hindi kami ganun ka close ni Karina. Wala pa kami sa ganung phase, okay?

 

Atsaka, kailan ba 'ko nagpost ng kahit ano sa instagram kong malapit nang amagin? nung time lang talaga na 'yon.

 

And mind you, hindi ko 'yon idea.

 

 

 

Lagpas alas-siete na nung makauwi ako sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko para maghilamos.

 

Buong time na nasa loob ako ng cr, masayang kumakanta ako kasi grabe, ang ganda lang ng mood ko.

 

I mean, sino ba namang hindi gaganda ang mood kung nakasabay mo na ngang umuwi crush mo tapos kumain pa kayo sa labas na kayong dalawa lang? 

 

At hindi lang 'yon, nahatid ko pa siya sa bahay nila-- well, madadaan ko naman kasi talaga bahay nila  since same street lang pala kami pero ganun na rin 'yon! 

 

Feel ko nga napansin nila mama yung mood ko dahil sa palitan nila ng tingin ni ate as if naweweirdan sila sa inaakto ko.

 

Tapos suspicious din akong sinundan ng tingin ni ate nung papasok na ako ng kwarto pero hindi ko nalang pinansin.

 

Then after kong maghilamos, mas lalo lang gumanda yung mood ko kasi nakatanggap ako ng chat galing kay karina.

 

Oo, kay karina! yung crush kong ubod ng ganda!

 

I repeat, chinat ako ni karina!

 

Legit, walang halong keme.

 

Maiingit kayo.

​​​​

 

Karina Yu: Hey, thank you again for tonight☺️
 

Winter: uy haha thank you rin:)
 

Karina Yu: Do you mind kung hingin ko yung instagram acc mo?
 

Karina Yu: I wanna tag you kasi sa story ko
 

Winter: hindi ko masyadong ginagamit ig ko pero sige
 

Winter: @kmjwinter

 

 

After nun, siguro mga isa or dalawang minuto akong naghintay bago ako makareceive ako ng follow request sa kanya.

 

Habang naghihintay nga ako, parang nanlalamig yung kamay ko at hindi ako mapakali.

 

Napapitlag din ako ng kaunti nang biglang mag-appear sa notification ko yung follow request niya sa akin.

 

@karina.yu requested to follow you.

 

Ackkkk! Ayan na, omg.

 

Feel ko mas mabilis pa ko kay flash nung in-accept ko yung follow request niya.

 

Ang daming nakapending at matagal nang nagrerequest na magfollow sa akin pero sorry kayo, may vip pass si karina.

 

Accept agad pagkarequest! uwu

 

At dahil pili lang yung mga pinapapasok ko sa account ko, kaunti lang talaga yung bilang ng followers ko.

 

Pang-twelve siya followers ko pero okay lang 'yon.

 

Una naman siya sa heart ko.

 

Ihhhhhhhhh pereng tenge!

 

Humagikgik ako na parang tanga tapos pumwesto na ako sa kama, nakadapa ako habang yakap-yakap ko yung unan ko.

 

Tapos syempre finollow back ko siya after ko siyang i-accept.

 

Then maya-maya nakatanggap na naman ako ng notification galing sa kanya.

 

@karina.yu mentioned you in their story.

 

Kinikilig na agad ako! Anubayan...

 

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago ko tignan yung story niya, baka kasi mapansin niya na kakapost niya lang tapos na-view ko agad. Hayok na hayok lang?

 

Syempre kunware hindi ako excited tignan yung story niya kahit ang totoo gustong gusto ko na talaga i-view nung pagkapost na pagkapost niya palang.

 

Siguro nagpalipas lang ako ng 2-3 minutes bago ko tignan-- oo, 2-3 minutes lang kasi gusto ko na talaga makita, bakit ba?

 

At dahil hindi ako mapakali sa pwesto ko, bumangon ako mula sa pagkakadapa tapos nag-indian sit habang yakap-yakap ko pa rin ng mahigpit yung unan ko.

 

Inhale.

 

Exhale.

 

Okay, kaya mo 'to Winter.

 

Fighting!!

 

Nagpakawala ako ulit ng isa pang buntong hininga bago ko pindutin yung story niya.

 

Tumambad sa akin yung stolen picture ko kasama yung mga pagkain.

 

Ito yung picture na hindi ko alam nakukuhaan niya pala ako.

 

Favorite niya siguro 'tong picture na 'to.

 

Grabe, ang ganda ko lang.

 

Bumaba yung mata ko sa caption at halos manlambot ako ng mabasa ko 'yung nakasulat.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 16: Author balik ka na pls :(
EzraSeige
#2
Chapter 16: Shuta balik kana otornim nag re-relapse eme nako sa storyang ito dahil sa kilig 😣😢😍💙❄
sonelai #3
Chapter 16: welcome back pi 🥹
cleofierayne 58 streak #4
Chapter 16: Ang pagbabalik yieeee kinilig ulit kami myghad Winter bat kasi sinasabi mo yung thoughts mo unconsciously hahaha ayan tuloy pero ahhh buti nlng talaga hayyy 🥰🥰🥰
wishwishwish #5
Chapter 15: wilkam back po
mellifluouswan
1690 streak #6
Chapter 16: halaaa welcome back po
jysowee
#7
Chapter 16: Waw otor nagbalik ka what if di ka na maglaho
howdoyouknowmee
528 streak #8
Chapter 16: Owemgee ang pagbabalik
Wintuuuury #9
Chapter 16: yeeey!!! mace u so mats huhu. 😭😭😭
BamBamOnce #10
Chapter 15: misss u na