Una
Abot Langit
“Minjeong? Aba’y akala ko ay pupunta ka sa bayan ngayon bata ka!” Rinig kong sigaw ni nanay mula sa kusina.
Sinipat ko muli ang sarili ko sa salamin, tanned na talaga ang aking balat. Gawa din siguro ito ng maghapon na pagdedelivery ng kaban ng mga bigas at pagbibilad magdamag sa araw.
“Eto na ho!” Sigaw ko pabalik at lumabas na ng banyo.
Huling bakasyon ko na ‘to as a student. Graduating na kasi ako sa susunod na pasukan kung hindi ako madedelay at maenlist ko lahat ng kailangan kong subject. Pero eto, nilalaan ko lang naman ang oras ko mostly ngayon sa summer job ko bilang delivery girl ng kaban ng mga bigas sa bayan namin. Si tatay ang nag refer saakin sa kakilala niya since agri student daw ako.
Medyo mas napaaga lang ang gising namin mag ina ngayon dahil nagmakaawa lang sakin si Aling Susan na sunduin daw ang pamangkin niya na galing Maynila bilang marami daw siyang inaasikaso na papeles tuwing umaga para sa business niya. Pumayag naman ako since ipapahiram naman nila sakin ang truck nila. Si Aling Susan pala ang may ari ng pinagtatrabahuan ko.
Nakakaligaw pa naman dito sa lugar namin. Kaya siguro wala halos dumadayo dito dahil dulong dulo pa ito at napakaraming pasikot sikot na daan. Hindi rin gagana ang Waze o ano pang GPS dahil halos walang signal sa buong lugar. Magkakilala halos lahat dito at alam na agad if ever kung sino mga dayo dahil bago ito sa paningin nila.
“Ikaw ba ay ba didiretso muna kayla Susan o sa bayan na?” Tanong ni nanay pagkatapos ko magmano sakanya. Kasalukuyan siyang nagkikiskis ng kaliskis ng karpa na uulamin namin buong araw.
“Baka ho kayla Aling Susan muna. Kukunin ko po yung truck mula dun.” Sagot ko.
Tumango nalang si nanay at binilinan akong mag ingat sa pagmamaneho. Malapit lang naman ang anihan ng bigas dito nila Aling Susan na pinagtatrabahuhan ko, ilang lote lang ay nandun na ‘ko. Kaya hindi na kailangan dalhin yung lumang motor ni papa na binigay niya na sa’kin nang mag first year college ako. Malayo kasi yung pinapasukan kong school mula samin.
After ko naman kunin ang truck ay agad akong humarurot papuntang bayan na halos kalahating oras pa ang layo. Tinaas ko ang suot suot kong cap, malapit na ulit sumilay ang araw.
Pagkatapos ko daw sunduin ang pamangkin ni Aling Susan, kailangan ko parin daw siyang bantayan if ever na hindi pa nakakauwi mula sa kabilang bayan si auntie. Yari daw ako kapag may nangyari masama dito. Ayos, babysitter narin pala ako.
Hindi na rin ako masyado nagtanong about sa susunduin ko, trabaho ko naman ‘to at mabait ang pamilya nila saakin. Tinext lang ni Aling Susan sakin ang plaka nung otto na sinakayan nung pamangkin niya at magpakilala daw ako sa driver tapos i-diretso ko na ito sa bahay nila.
Yes, may driver yung pamangkin niya!
Ang sosyal lang eh, ano? Pero ayun, hindi narin naman ako nagtanong pa. After ng kalahating oras ay nag park ako sa bungad nung welcome arch ng bayan. Hinanap ng mata ko ang black na Prado gaya ng sinabi ni Aling Susan.
Tinupi ko ang manggas ng suot suot kong flannel shirt. Iba talaga ang init sa probinsya. Iba rin talaga ang breed ng mga tao dito at buti ay hindi kami nagkakaroon ng skin cancer. Nang medyo tumagal ang paghihintay ko, nag pasya akong maglaro muna ng games sa cellphone ko. Yung offline games lang na dinownload ni Ryujin sa phone ko one-time nung lumuwas kami papunta Aliaga sa bahay nung isa pa naming kaibigan na naka wifi sa bahay nila. Hindi naman talaga ako mahilig sa mga mobile games. Sumasakit kasi agad ang mata ko sa exposure sa blue light.
After ko makailang level sa Gardenscapes, sinipat ko ulit ang paligid. Naaninag ko na sa hindi kalayuan ang otto at dinouble check ko pa ang letra at numero sa lisensya bago ito babaain.
Lumapit ako at kinatok nang mahina ang binatana na bumukas naman at sumalubong sa’kin ang isang lalakeng maskulado na naka wayfarer, “Kim Minjeong?”
“A-ako nga po, susunduin ko po si K-karina.” Nauutal kong sagot. Muntik ko pa makalimutan name niya!
Tumango tango lang naman ang lalake at may sinabi pa kay ateng na naka shades din sa likod ng kotse. Walang sabi na inabutan ako ni kuya ng payong at ngumuso papunta sa kabilang side ng otto. Napatulala pa ako saglit.
Ay tokwa, gets ko na! Sige, since linggo linggo naman kami binibigyan ng kalahating kaban ng dinurado ng tiyang mo, papayungan kita.
Agad agad kong pinagbuksan ng pinto itong mala prinsesa na babae na ‘to. Naamoy ko na agad sakanya ang matapang na floral scent na pabango.
Amoy mayaman.. ganon.
Nahiya ako bigla na amoy araw na agad. Umiwas naman ako ng tingin nang tignan ako nito na para akong jinujudge.
“Tara na?” Light kong tanong ko after buksan ang payong.
Tumingin pa ulit siya sakin saglit, teka te, nacoconscious ako. May tumalsik ba na kaliskis sa mukha ko kanina nung humalik ako kay nanay?!
“You didn’t need naman na payungan pa ako.” Mahina niyang sambit.
Napakamot ako sa ulo habang naglalakad na kami pabalik ng truck.
“Okay lang, sobrang init din kaya. Bilin din ng tyang mo sa’kin.” Bulaslas ko nalang.
Nakangisi siya habang inaayos ang suot niyang shades, “She told you specifically na payungan ako?”
Sige galingan mo pa, Winter.
Hindi nalang ako sumagot at baka kung ano nanaman ang masabi ko, nginitian ko nalang siya. Okay, mukhang maayos naman ‘tong pamangkin ni Aling Susan.
“Sorry, walang aircon yung truck. Buksan mo nalang yung bintana para mahanginan ka.” Nahihiya kong paalala pagkasakay namin sa truck.
Umiling iling lang siya, “It’s fine.”
Sinubukan niya naman pihitin yung pambukas ng bintana. Nagpapanic siyang tignan ako, agad akong nag lean in at pinihit ito pa clockwise. Lumang klase kasi itong truck at paikot pa ang need gawin bago ito mabuksan.
Namula ako nang marealize ko ang pwesto ko. Halos nakadagan na pala ako sakanya!
Quota ka na sa kashungahan, Minjeong.
Napaubo ako kunwari at agad naman bumalikwas pabalik sa pwesto ko, sinimulan ko na ang ignition at pinaharurot ang sasakyan.
“So, what should I call you, Winter or Minjeong?” Panimula niya. Tinanggal niya na ang suot niyang shades.
Distracted akong napatingin sakanya, “Ah, Winter nalang..”
Maganda siya. San napulot ‘to ni Aling Susan?
Comments