Girlfriend.

Falling, Calling, Chasing.
Please Subscribe to read the full chapter

 

                May boyfriend siya.

                Well, what do I expect?

                She’s beautiful. Her gummy smile and crescent eyes were enough to capture everyone’s hearts. The intimidating aura she exudes whenever she’s serious and focus on something is just as captivating as when she smiles.

                Marami nga ang nagsasabi na mataray siya. Maybe if I hadn’t met her nung Christmas Party, I would’ve believed those rumors. Though it was there even before we actually met, who am I to judge? Hindi ko pa siya kilala noon and I never really cared about sa mga chismis dati.

                From the way she treats us sa team and yung mga friends niya, di ko makita saang parte sa kanya ang mataray. She just looks like she’s ready to devour people with her sharp eyes but she’s actually very nice and approachable.

                She’s very likeable.

                Di ko alam kung tama ba yung term pero yes, oo, totoo ‘yon.

                Kaya hindi na nga ako nagtaka na may boyfriend siya. Nagulat lang ako ng slight.

                Wala rin naman kasing nababanggit ang mga kasama namin sa cheerdance. Kahit yung mga classmates niya. Never ko silang narinig nag-usap tungkol sa relasyon niya though madalas naman nilang topic yung jowa nung isa nilang kaibigan. Nagulat na lang ako, may sumundo sa kanya after practice. Akala ko nga kapatid niya. Jowa pala.

                Would it be an exaggeration if I say that my heart broke into pieces when I saw them together?

                I never really know how it felt like kapag sinabi ng iba na nadudurog ang puso nila. I always thought they're only over reacting. Pero ngayon, naiintindihan ko na.

                Since then, I couldn’t look at her the same. Dati, gustong-gusto kong nakikita siya and my heart would leap in joy everytime she’d smile back at me. I know there’s nothing behind that smile but for me it meant everything. Ngayon, kapag nakikita ko siya, naiisip ko silang dalawa ng jowa niya. Then I’ll feel bad about myself after kasi wala pala talaga akong pag-asa sa kanya.

               Iniisip ko palang noon kung may chance ba na pwede siyang magkagusto rin sa babae then suddenly may boyfriend siya. Hindi ko pa nasusubukan pero tapos na agad ang laban.

                Tanggap ko. Hanggang dito na lang siguro. Hinayaan ko na lang ang sarili na maging masaya sa munting atensyon na binibigay niya sa akin tuwing practice or kapag nakakasalubong ko siya sa hallways. Kung noon, mapapa-overthink pa ako kung para saan yung mga gestures niyang ganun, ngayon, natuto na akong wag na masyadong mag-isip dahil wala naman talagang meaning iyon.

                Maybe that was the problem. I gave meanings to the simple interactions we had. Masyado akong assuming noon.

                Yun nga lang, hindi pala madaling mag-uncrush kasi kahit nung nagbakasyon at nagsimula na ang panibagong school year, siya pa rin yung hinahanap ko. But unlike before, kuntento na akong makita lang siya. You know... admire her from afar.

                Pwede naman ‘yun. It’s not bad to like someone who likes somebody else as long as I know where I stand and I don’t cross the line. I respect them but I also can’t force myself to like someone else just because I can’t have her.

                Hahayaan ko na lang na lumipas ito. Iyon lang naman ang kaya ko sa ngayon. And I’m sure this will pass. Sabi nga ng mga Tito ko, bata pa ako kaya wag magmadali. Marami pa akong time para mag-explore.

                So explore, I shall.

                Nung summer, may discover akong new hobby — silkscreen printing. It all started nung namasyal kami ni Mama sa mall. Bibili sana ako ng t-shirt kaso di ko gusto yung mga nakaprint na designs so I decided to buy yung plain na lang tapos sinita ako ni Mama. Ang dami ko na raw plain na damit sa bahay tapos plain pa ulit yung bibilhin ko. Kaya ayun, pinagdiskitahan ko na lang yung mga lumang damit at ginawa kong canvas.

                Then I realized, pwede pala na ako na lang magdesign ng mga t-shirts ko. Sinabi ko kay Papa na gusto kong magtatak kaya binilhan niya ako ng mga gamit.

                Ang supportive lang niya. Siya pa nga yung una kong customer. Bumili siya ng dalawang t-shirt tapos ako daw magdesign pang couple shirt nila ni Mama.

                Jusko.

                Muntik na niyang bawiin yung limang daan na binigay niya sa akin as bayad daw sa design dahil natawa ako sa idea niya.

                Eh kasi naman! Di ko lang inexpect na gugustuhin niyang makipag-couple shirt kay Mama sa edad nila ngayon.

                Happy ako, syempre. Ang cute lang ng Tatay ko. Nahihiya pa nga siya nung sinabi niya yung “couple shirt” tapos tinawanan ko lang. Wala e. Nainggit ako. Sana all may ka-couple shirt.

                Pinagkakitaan ko na rin ‘yun. Walang pasok kaya walang allowance. Hindi naman ako mahilig mamasyal kaya okay lang kahit walang pera pero mas maganda kung may ipon ako para sa pasukan.

                Customized ang designs ko base sa gusto ng customer. Hindi ako tumatanggap ng mga sobrang hirap na designs. Pero gusto kong subukan yung mga mukha... yung lines lang ang gamit... like one line art tapos itatatak ko sa damit.

                I tried making one. Si Chaeryeong ang ginawa kong model. It didn’t turn out the way I wanted it to be pero nang ipakita ko sa kanya, sabi niya okay at maganda naman. But I still wasn’t satisfied with it. Hiningi niya yung t-shirt pero di ko binigay. Gusto kong ulitin at kung mas maayos ang kalabasan, iyon ang ibibigay ko sa kanya.

                I didn’t stop there though. Ginawan ko rin si Jia but it was worst than my first tries. Pati si Ryujin. Wala naman akong choice dahil sila lang talaga ang pwede kong kuhanan ng inspo aside from my parents, that is. Tinry ko rin si Kuya and I hate to admit pero mas maayos yung gawa ko nung siya ang ginawa kong model. Pinost pa nga ni Papa sa FB niya tapos may gusto pang bumili. Eh hindi naman yun for sale!

                “Tao po!” sigaw ng kung sino sa labas sa ng bahay, Sabado ng umaga. Agad kong pinahinaan ang volume ng TV at lumabas, yung tipong enough lang para makita ako nung nagtatawag mula sa gate.

                “Magandang umaga po!” bati ni Manong kalbo na nakaputing polo shirt. Hindi ko siya kilala. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya dito sa amin. May sasakyan na nakaparada sa harap ng gate namin. Sa kanya ata iyon. “Pick up lang po ng order ni Ma’am Karmina Yu.”

                 Ah. Pick up lang pala ng order. Akala ko census.

                Sideline ni Mama ang magbenta ng cakes online. Siya ang nagbebake at nagdedesign ng mga iyon. Minsan tumutulong ako pero madalas pinapalayas niya ako ng kusina dahil pampagulo lang daw ako. Hmp. Gusto ko lang naman tumulong.

                “Okay po. Wait lang po, Manong.”

                Pumasok ulit ako ng bahay at hinanap iyong order nung Karmina Yu...

                “Karmina Yu...” bulong ko habang tinitingnan ang bawat post-it sa mga box na nasa dining table. Iniwan ni Mama ang mga orders for pick up. Umalis sila ni Papa para ideliver naman yung iba.

                Bakit parang familiar yung pangalan? Konsehal ba ‘yun?

                Nang makita ko na yung dalawang cake na order niya, lumabas na ulit ako iniabot yun kay Manong. Binigay na rin niya ng buo ang bayad. Nagpasalamat ako.

                I was about to turn back when he opened the back seat door and nakita ko si Karina na nakaupo sa loob, sa kabilang side.

                Kaya naman pala familiar yung name!

                Mabilis lang na nilagay ni Manong yung mga cakes sa tabi niya. Hindi naman lumingon si Karina at nanatiling nakatitig sa labas ng bintana, sa kalsada.

                “Salamat po ulit,” sinara na ni Manong yung pinto ng back seat at dumiretso na sa driver’s seat. Driver ba siya nila Karina?

                “Salamat rin po. Order po ulit kayo.”

                Pagbalik ko sa loob ng bahay, bigla akong nagka-idea. Ni hindi na nga ako nakaakyat sa kwarto para kunin yung sketchpad ko. Yung sketchpad na lang ni Kuya na nasa ilalim ng center table namin sa sala yung ginamit ko.

                It was a spur of the moment.

                Gusto ko siyang i-drawing. Nung nakita ko siya kanina sa loob ng kotse, she looked like a character from a movie, a scene full of longing for someone... or something... basta ganun yung dating.

                Hindi siya yung usual na Karina na nakikita ko sa school na laging nakangiti. I think it was the first time I saw her na parang... may pinagdadaanan.

                Ano kayang nangyari?

                “Tingin mo, anong mas mag—”

                Agad kong tinago ang cellphone nang maupo si Ryujin sa tabi ko. Wala pa ang teacher namin.

                “Uyy, sino yun ha...” pang-aasar niya.

                Bakit ba kasi bigla na lang siyang sumusulpot?

                “Wala.”

                “Nakita ko kaya. Sino ‘yun? Crush mo?”

                “Hindi,” agap ko. “Bumalik ka na nga sa upuan mo. Lagi ka na lang lumalapit dito. Pag ikaw napagalitan ni Ma’am—”

                “Aysus! Kunwari ka pa! Patingin nga. Nakita ko kanina parang maganda eh.”

                “Wala nga!”

                “Ang damot. Di ko naman aagawin. Patingin lang. Kikilatisin ko lang kung pasado ba siya para maging jowa mo.”

                “Anong jowa?! Wala nga lang ‘yon. Nagtitingin lang ako sa Pinterest.”

                “Eh Facebook kaya yung nakita ko. Pinterest ka dyan. Style mo bulok.”

                Bwiset.

                Pinilit pa niya akong ipakita sa kanya pero hindi talaga ako pumayag. Hindi ko naman talaga crush ‘yon. I just randomly came across her picture sa timeline ko then chineck ko lang saglit yung profile niya. Saglit lang. Sa saglit na yun, nahuli pa ako ni Ryujin. Ang malas nga naman.

                Hindi niya ako tinigilan buong maghapon sa agenda niyang makita kung sino yung iniistalk ko. Kinasabwat pa niya si Chaeryeong sa kalokohan niya.

                “Anong bang itsura? Di mo man lang nabasa yung pangalan?”

                “Di ko masyadong nakita pero maganda. Pahapyaw lang kasi ang bilis niyang tinago yung cellphone. At alam mo naman na malabo yung mata ko so paano ko pa mababasa yung pangalan.”

                “Sa susunod, magsalamin ka na bago ka lumapit sa kanya.”

                Kunwari hindi nila ako kasama. Kunwari hindi ko sila naririnig na mag-usap about sa akin. Mga walangya. Pagtulungan pa nga ako.

                “Kahit pangalan na lang, Win. Or initials.”

                “Wala nga. Hindi ko nga crush ‘yon.”

                Paulit-ulit na lang kami.

                “Hindi naman pala eh ba’t ayaw mong ipakita?”

                I groaned. “Eh kasi nga...”

                Wala talaga akong pakialam kahit malaman pa nila. Ang ayoko lang ay yung inaasar nila ako ng ganito. Kung ano ano na ang iniisip nila tapos ayaw pang maniwala sa akin.

                 Eh kung ipakita ko yung picture ni Karina na tinitignan ko kanina, ano na lang iisipin nila?

                Kilala ko pa man din si Ryujin. Mapang-asar. Siya yung friend na literal na ipagtutulakan ka sa crush mo para mapansin ka. And it doesn’t help na medyo close sila ni Karina. Jusko. Baka magdrop-out ako nang di oras.

                “I was only looking at her photo for reference. Nagtatry kasi ako ngayon na magsketch ng portraits,” explain ko, which is partly true.

                Pero hindi pa rin sila naniwala. They kept on insisting na crush ko siya. They said it’s their first time to see me stalking on someone online so there must be something. Well, it’s not my first time though. Ngayon lang nila ako nahuli.

                Kahit nung mag-uwian, pinagpipilitan pa rin nila kung anong akala nila. Hindi ko na lang sila pinapansin.

                I’ve had enough of those “crush” kineme.

                Tama na muna yung isa.

 

 

 

 

 

                 I already saw it coming.

                I don’t even know kung tama ba na pati ako ay nasaktan sa mga nalaman ko tonight. She didn’t admit to liking someone else but her smile says it all.

                 When she smiled and looked at me, it was if she was thinking of that person. I wanted to confirm if it was the guy that I saw on her phone but that would be weird since she might think I was spying on her. I don't want her to think that Ryujin’s using me to her advantage para lang makasagap ng info about her dahil hindi naman totoo.

               Ang bigat ng pakiramdam ko nang pumasok na ako sa kwarto at humiga sa kama. Hindi naman ako ang “babastedin” niya but it felt like it.

                Maybe because I was also hoping for them kahit na alam kong malabo rin?

                I feel guilty.

                Nagiguilty ako kasi parang ako yung dahilan kung bakit masasaktan yung friend ko. Kung hindi ako nacurious at nagtanong kay Karina, hindi niya rin siguro maiisip na umaasa si Ryujin. Sabi nga ni Ryujin, nag-iingat siya para hindi maweirduhan si Karina but the good friend that I am, just ruined every little chance she has with her.

                 I messed up, I know. But on the bright side, hindi na rin niya kailangan hulaan kung anong feelings ni Karina for her.

                “Okay lang?!” Chae and I said in unison. Agad naman kaming sinuway ni Ryujin dahil sa lakas ng boses namin.

                 “Sure ka?” pahabol pa ni Chae.

                 Umikot ang mata ni Ryujin. “Gano’n ba ka-shocking yung sinabi ko at ayaw niyong maniwala?”

                 We’re at the grocery store. Dito na muna kami nagkita-kita bago tumuloy sa bahay. Supposedly, kami lang ni Karina ang mamimili pero nagpumilit si Ningning na sumama kaya eto at nandito kaming lahat. Nasa meat section si Karina kasama yung tatlo. Kami naman nila Chae at Ryujin ay nasa canned goods section.

                Pinili talaga namin na kami ang magkakasama dahil ang daming ganap nitong nakaraang linggo. Di naman kami makapag-usap sa campus dahil lagi namin kasama yung iba. Ngayon lang kami nagkaroon ng time. Akala ko nga alam na ni Chae pero di pa pala.

                “Paano kami maniniwala sa ‘yo? Eh sabi mo, gustong gusto mo si Karina tapos biglang okay lang sa ‘yo na binasted ka niya?”

                Last weekend, nagkita sila. That was the day after namin mag-usap ni Karina. Hindi ko alam na balak na niyang kausapin si Ryujin agad-agad after that night. I thought she’d think about it more carefully pero ayun nga... hindi na niya pinatagal pa.

                 It saddened me, knowing she really wanted to end it immediately. Though hindi naman iyon para patagalin pa but it made me wonder kung bakit.

                 Then, eto si Ryujin... Nag-alala pa ako sa kanya tapos okay lang pala. Pero okay lang ba talaga?

                 She’s not someone who would say na okay lang after mareject ng taong gusto niya. Lagi niya kayang dinidibdib ‘yun. Yung panget nga na crush niya noon iniyakan pa niya, tapos kay Karina, okay lang?! Ano ‘yon?!

                 “Yun nga eh,” hinarap kami ni Ryujin, may hawak na 555 tuna. Kami ni Chae ang nagtutulak ng cart. “Hindi ko rin alam pero totoo, wala akong na-feel nung sinabi niya sa akin na may gusto siyang iba. Nagulat ako, oo, but I was more surprised sa naramdaman ko. I felt relieved rather than broken hearted.”

                Pwede ba ‘yun?

                 “What if she said na gusto ka niya? Malulungkot ka? Ang kapal naman ng mukha mo.” Di ko na napigilang sabihin.

                 “Hindi sa ganun. Pero... Ewan ko. I was in between sad and relieved. Gusto ko si Karina but it also felt wrong at that moment. At wala naman talaga sa plano ko ang magconfess that time. I only asked her out kasi I want to spend time with her. Di ko nga inexpect na papayag siya. Di ko rin alam na siya pala ang may icoconfess sa akin.”

                “Anong sabi mo sa kanya pagkatapos?” tanong ko.

                 “Okay.”

                 I glared at her. “Seryoso kasi Ryujin.”

                 “Seryoso ako,” she sighed. “Yun lang talaga nasabi ko sa kanya. Hindi ko nga inexpect na may ganung ganap kaya shookt ako. Buti nga may nasabi pa ako kasi talagang napatulala na lang ako nung time na ‘yun dahil hindi ko maexplain yung nararamdaman ko.”

                 “Eh anong sabi ni Karina?”

                “Hindi ko alam. Hindi ko na naintindihan kasi English eh.”

                 Walangya.

                 Di na napigilang matawa ni Chaeryeong. Kahit ako ay napapikit na lang sa kalokohan niya.

                 “It could happen though,” napatingin kami kay Chae. Tinulak namin ang cart at tumigil sa mga meat loaf. “I mean, pwede na you think you still like her at umaasa ka pa rin but deep inside tanggap mo na na malabo talaga yung chances na maging kayo.”

                Nakikinig lang kami ni Ryujin sa sinasabi niya.

                 For some reason, natamaan rin ako. I remember those days back in high school when I was still crushing on Jia. Well, I still am but after ko siyang makita sa campus with a girl recently, I realized I’m only going on circles.

                 Ganito rin yung nangyari dati e. Just when I was thinking we could happen, biglang may darating na jowa. Laging may eeksena. Para bang sinasadya at pinapamukha sa akin ng tadhana na hindi talaga pwede.

                 But surprisingly, it didn’t hurt as much as it did before.

                Tama si Chae.

                 Siguro, we long accepted to ourselves na hanggang dito na lang. We just don’t realize it kasi occupied pa kami ng supposed feelings namin.

                 “Or...” dagdag pa niya, smirking at Ryujin. “It’s because you’re only trying to convince yourself na si Karina pa rin yung gusto mo when in fact may iba ka na talagang gusto. Nung time na nagsabi siya sa ‘yo, that was also the time you realized you don’t like her anymore.”

                Biglang namula ang tainga ni Ryujin at mabilis na nag-iwas ng tingin sa amin ni Chaeryeong.

                 Kunot-noo ko silang tinignan. Wala na akong alam sa nangyayari.

                May iba pang gusto si Ryujin bukod kay Karina?

                “Tama ba ako?” pang-aasar pa ni Chae.

                “Wala naman ‘yun,” tanggi niya sa sinabi ni Chae.

                Hindi ko na alam kung paano ipaprocess ang mga nalaman ngayon. Ryujin was obviously hiding something at alam iyon ni Chae!

                Gusto ko rin malaman!

 

 

 

 

 

 

                 “Wonyoung, ako na dyan. Dun ka na kina Yujin,” kinuha ko mula sa kanya yung hawak niyang mga de lata.

                Pumasok lang naman ako saglit sa kwarto pero paglabas ko nag-aayos na siya ng mga pinamili namin. Sina Ning naman ay pumwesto agad sa sala at naghahanda nang manuo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
baeryooii
Happy 600 subs!!! Maraming maraming salamat po sa pagsuporta sa fic na 'to. At dahil dyan hindi ko 'to ighoghost. Chaur. Next update po ay baka sa comeback na. Thank you po!!! 🥰

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
539 streak #1
Kamiss
howdoyouknowmee
539 streak #2
Hello po
akkaak #3
rereading kasi miss ko na huhu take ur time po otor sobrang ganda po ng story nyo thank u po
howdoyouknowmee
539 streak #4
Press 1
ckeljera_28 #5
Chapter 10: Otor ang gandan ng story mo heheehhe tuloy mo lang po pag may time ka na hehehheh
akkaak #6
reread lang while waiting. take ur time po otor. thank u po sa story
baeryooii
#7
Hello!

Sorry for being MIA. I got accepted sa work last month kaya medyo busy (para sa ikauunlad ng Pilipinas) chz may mga ate duties rin dahil pasukan na rin ng mga kapatid ko kaya ayun... hehehe I'll try to update within this month po pero wag masyado umasa baka ma-late ulit ng ilang days 😅

Yun lang naman... I just had to explain myself dahil baka sabihin niyo ginhost ko na kayo hehe. Thank you for all your support mga bebs! Balik ako soon! 😘

- o((*^▽^*))o
akkaak #8
miss na po
leaguepro #9
♥️
akkaak #10
reread ulit habang nag iintay ng update