Kwek-kwek

Falling, Calling, Chasing.
Please Subscribe to read the full chapter

 

          I can't believe this!

          Paano ba kami umabot sa panonood ng movie na 'yon? 

          Bakit kailangan magising si Ryujin at marinig ang usapan ng dalawa? 

          Bakit hindi pa niya napapanuod yung movie? Pati ang inosenteng si Chaeryeong dinamay pa niya!

          "Akala ko comedy?" banggit pa ni Ryujin sa akin habang palabas kami ng library.

          Malapit na kasing mag-simula ang sunod na class kaya kahit nasa kalagitnaan palang ang movie, tinigil na muna nila ang panunood. Later or bukas na daw nila itutuloy. Di ko gets kung paano nila itutuloy, kung kanya-kanya ba o sama-sama ulit sila.

          "Kunwari ka pa dyan Ryujin," asik ni Chae.

          Tumawa ang friend namin. "Di ko talaga alam. Promise."

          Di ako ignorante. Di rin sobrang inosente. But I really do find it weird to watch it with other people. Okay lang kung mag-isa. Ang awkward kasi kung may kasama tapos lalabas sa screen yung bedscenes. Like, feeling ko whatever kind of reaction I show will turn out weird.

          Kanina, habang nanunood sila using Yujin's phone, naglalaro naman ako ng traffic rider sa phone ko. Di naman halatang prepared siya kasi may dala pa siyang multi headphone splitter. 

          Si Yujin yung kasama ni Ningning, pinakilala niya sa'min as her friend from engineering. Cute ng name ni Ning though.

          "Ay!" 

          Natigilan kaming lahat sa biglang sigaw ni Yujin. Nasa may hagdan na kami, pababa ng second floor. We all looked at her.

          Yujin smiled sheepishly. "Naalala ko lang na may audition pala ang dance club for new members. Baka gusto niyong sumali."

          Lumiwanag ang mukha ng tatlo kong kasama. Kitang-kita ko ang pagkinang ng mga mata nila habang nakatingin kay Yujin. 

          "Talaga? Kailan 'yan?" tanong ni Chaeryeong.

          "May dance club pala sila?" manghang sabat naman ni Ryujin.

          Nabanggit kaya 'yon nung orientation. Hindi ka lang kasi nakikinig.

          Tiningnan ko si Karina. Baka may sasabihin din siya.

          "Friday, next week ang audition. Nasabi lang ng friend ko na member ng club. Nafeel ko kasi na mga dancers rin kayo."

          Nafifeel pala 'yon? Parang gaydar lang gano'n? 

          Wala kasi akong nafeel. Di talaga ako dancer.

          "What time sa Friday?" si Karina na ngayon ang nagtanong.

          Parang sira ulo naman na napangiti si Ryujin. 

          "4pm," sagot ni Yujin.

          Halos magkapareho pala ang pangalan ng dalawang 'to.

          "Wala na kaming class no'n kaya try na rin namin," malapad ang ngiti ni Chaeryeong. 

          "Sasali kami," confident na saad ni Ryujin.

          Nagdesisyon na naman siya mag-isa. 

          Magrereklamo sana ako pero naisip kong mamaya na lang. Mahirap makipagtalo sa may hagdan. Delikado lalo na kung kasama si Ryujin. 

          Tuwang-tuwa naman si Yujin sa nalaman. Kalaunan, nagpaalam na rin siya. Tatakbuhin pa niya ang kabilang building for her next class. 

          Pagdating sa classroom, we sat on our usual seats. Parang alam na rin ng classmates namin kung saan kami madalas umupo kaya laging bakante ang row.

          Pero dahil lima kami ngayon, si Ning ay naupo sa bakanteng chair sa likod ko. Madalas sa harap ko siya nakaupo pero dahil may iba nang nando'n wala siyang choice kundi umupo sa likod.

          Dumating naman agad ang prof namin at nagsimula na ang klase. Dahil mukhang occupied si Chaeryeong sa kaiisip sa dance club, ako ang nagnotes para sa amin. 

          Ngayon pa lang, humihingi na ako ng pasensya kay Chae. Bukod sa magulo ako magsulat habang nakikinig, hindi rin lahat nailalagay ko. Kung ano lang yung narinig at natandaan kong sinabi ni Sir King. 

          Di naman siya mareklamo tulad ni Ryujin pero minsan rin nahihiya na ako sa kanya. May naisusulat naman ako pero kulang-kulang kaya need ko rin talagang kumopya sa kanya. Sinubukan ko na rin i-record ang mga prof habang naglelecture pero dahil malayo ako sa harap, mahina ang pagkakarecord. 

          It's either magsusulat ako or makikinig lang ako sa klase. The latter is more effective for me. Sinusulat ko na lang ang mga natandaan at naintindihan ko pagdating sa bahay or immediately after class kung may time. Pero hindi ko talaga kaya gawin both in one sitting.

          Bukod pa dyan, mabilis rin akong madistract. One time, nagrerewrite ako ng notes tapos narinig ko yung dalawang classmate namin na nag-uusap about "fried chicken", imbes na "check" ang isulat ko, I unconsciously wrote "chicken." Hindi ko pa agad napansin until Chaeryeong read my notes. Tinanong pa niya ako kung gutom ba ako nung nagsusulat ako.

          Pasensya na talaga kung may maisama na naman akong words na unrelated sa lesson sa History. Naririnig ko na rin kasing nag-uusap si Ryujin at Chae about sa audition. 

          May naaamoy pa akong french fries!

          Tumigil ako sa pagsusulat at pasimpleng hinanap kung sinong kumakain ng fries. 

          Nang lingunin ko si Ning, nakita ko ang hawak niyang paperbag ng isang fastfood na tinatago niya sa may likod ko. 

          Hay naku!

          Pansin ko lang na kung hindi siya nagcecellphone sa class, kumakain naman. I'm quite impressed na hindi pa siya nahuhuli when almost everyday ganyan ang ginagawa niya. 

          Inalok niya ako ng fries. Di na ako tumanggi at dumukot na rin sa paperbag. Parang kaninang tanghali pa 'yon sa bag niya. Soggy na pero keri lang. Di naman ako maarte pagdating sa food. Basta pwede pang kainin, go lang. Pasimple kong sinubo agad at umayos na sa pagkakaupo.

          Pero ilang sandli lang ay tinusok niya ako sa tagiliran. Nilingon ko ulit siya.

          She was holding the paperbag open for me. Kaya ayun, foodtrip kami ni Ning buong klase. Di lang pala fries ang meron siya. May burger din. Hati kami.

          Hindi na ako nakapagnotes. 

          Ang kapal lang din ng face ko.

          Kanina nung nasa library kami, nagrereklamo pa ako na feeling close si Ning tapos ngayon nakikain pa ako sa food niya. 

          Natapos ang klase na busog ako.

          Salamat kay Ning para sa libreng merienda.

          Pababa na kami ng building, ang dance audition pa rin ang pinag-uusapan ng tatlo. At thankful ako na hindi nila ako sinasama sa usapan nila kasi wala rin talaga akong interes. 

          Mas mabuti na rin na manahimik ako. Sa ngayon kasi hindi nila ako napapansin. Pag sumabat ako, isasama na naman nila ako sa mga trip nila. 

          "Di nasabi ni Yujin kung impromptu or we have to prepare a dance number. Better if we prepare na lang din," Karina sugggested.

          Tumango ang dalawa.

          Napaisip si Ryujin. "Pwede kayang duo?"

          "We should ask Yujin about it," sagot ni Karina.

          Lumapit si Ning sa'kin. Napatingin ako sa kamay niyang nakakapit sa braso ko.

          "Di ka sasali?" tanong niya.

          Umiling ako. "Di ako sumasayaw."

          Sinalubong agad kami ni Yujin nang makababa kami. Parang kanina pa siya naghihintay. 

          "Wala na kayong class?"

          Hindi pa bumibitiw sa akin si Ning.

          "Wala na. Ikaw ba?" 

          Ang parehong "jin" ang nag-uusap. 

          Nagsimula na silang magtanong tungkol sa mangyayaring audition. Habang kami ni Ning, tahimik silang pinapanood. Medyo naiilang na nga ako kasi kanina pa siya nakadikit sa'kin. Ngayon lang kami nagkasama tapos kung makacling siya parang ang tagal na namin magkakilala. 

          "Gusto niyo puntahan natin yung club? Para alam na rin natin ang mangyayari," suhestyon ni Yujin na agad nag-agree ang tatlo. 

          Wala kaming choice kundi sumama na lang. 

          Nasa huli kami ni Ning, si Ryujin at Karina naman sa harap namin, at si Yujin at Chae ang nangunguna. 

          By two's ang lakad para hindi kami makaharang sa daan. Di lang naman kami ang estudyante dito. 

          "May sasalihan kang org?" biglang tanong ni Ning. 

          Umiling ako. "Wala."

          Ngumiwi siya. "Bes, isang tanong, isang sagot talaga? Ayaw mo akong kausap?" 

          Since when kami naging mag-bes?

          Sumulyap sa'min si Karina, nakangiti. Narinig ata si Ning.

          "Wala akong org na sasalihan. Di rin naman required."

          Ayan. Pinahaba ko na. Masaya ka na Ning?

          "Pero may incentives. Extra points sa grade kapag sumasali sa cocurricular activities."

          Umiling ulit ako. "Ayoko. Mapapagod lang ako."

          Not to be nega pero sa totoo lang, pagod lang talaga inaabot ko sa mga activities na 'yan. I'm not saying this just because it's what I think pero dahil naranasan ko na.

          Nung Grade 10, naging part kami ng school play for Foundation week. Ryujin was one of the main casts. As her bestfriends, pinupuntahan namin siya ni Chae after class. Di para suportahan kundi para pagtripan. 

          All was fun, not until sinabi ni Ryujin sa teachers na organizers ng play na pwede kaming gawing back-up dancers niya sa isang scene. Timing lang kasi kulang sila ng dancers noon at two weeks na lang Foundation week na. Since lagi rin kaming nandoon tuwing practice, why not be part of it na rin daw.

           Nagbidding pa nga kasi ayoko talaga sumali. Hanggang sa nilabas na ng isang teacher ang alas niya. English teacher namin siya at sinabi niyang i-eexempt daw niya kami sa finals if we join the play. Hindi pa ako nakakaperfect sa exam niya kaya tempted kami ni Chaeryeong. Sa huli, pumayag na kami.

          Pero after ng play, nung malapit na ang finals, sinabi niyang 95 ang grade sa exams para sa mga exempted. 

          Nabadtrip ako no'n. Lowest exam ko sa kanya 92 tapos ang highest 97. We can take the exams daw. If we get higher than 95, iyon ang rerecord niya. So, need ko pang magreview at baka sakaling makakuha pa ako ng 96 or baka maperfect ko pa. 

          Grabe lang yung inis ko noon. Sinumpa ko talaga yung exam namin. Ngarag akong nagpractice for the play knowing na may magandang kapalit pero sheng! 

          The only pampalubag loob ko no'n ay yung crush ko. I get to see her everyday sa practice cause she's also one of the main casts at nakainteract ko pa. Kung di dahil sa kanya baka lahat sinumpa ko na.

          I told myself never again. Pero nung Senior High, napasabak na naman ako. Sumali ang dalawa at hinatak ako kasama nila. Graduate na ang crush ko kaya wala na akong motivation. Pero at least, hindi na ngarag ang practice ko no'n. 

          That was before. I won't let them do the same this time. 

          Tumigil kami sa harap ng clubroom. May designated rooms pala ang mga orgs dito unlike sa dating school namin na kung saang bakanteng classroom lang nagmimeeting.

          Si Yujin ang kumatok at unang pumasok sa room. Sumunod naman ang tatlo at kami ni Ning ay naiwan sa may pinto. 

          Nakasilip lang kami mula sa may pinto. Tinitingnan ang kabuuan ng clubroom. Kasing laki ng classroom iyon, may ilang armchairs rin, may set ng bamboo chair and table at may mahabang lamesa rin malapit sa may pinboard at white board.

          Nagkumpulan silang apat sa mahabang lamesa kasama ng ibang members ng club.

          Di na nahiya yung tatlo. Si Yujin sabi niya may friend siya sa club kaya okay lang siguro na pumasok siya agad.

          Hindi namin marinig ang pinag-uusapan nila at wala rin naman akong pakialam. Support lang ako dito. 

          "Di ka talaga sasali?"

          Ang kulit mo Ningning. Sabing hindi nga.

          "Hindi. Ikaw ba? Gusto mong sumali?"

          "Marunong akong sumayaw pero mas gusto kong kumanta. Wala silang music club dito though alam ko may college band daw." 

          "Edi sumali ka do'n."

          "Di ko nga alam kung anong klaseng banda sila. Baka rockband, di keri ng voice ko 'yon."

          I agree. Talking voice palang niya alam ko na pang-Regine Velasquez singing level siya. Di ko maimagine na kakanta siya ng Bon Jovi songs. 

          Natawa ako sa naisip. 

          May rendition naman si Regine ng "It's My Life" so maybe Ning could also try?

          "Sige po! Salamat po ulit!"

          Tumabi na kami ni Ning nang lumabas ang mga kasama namin. Nakadikit pa rin siya sa'kin. Di niya talaga ako binitiwan kahit sandali lang. 

          "Nag-sign up na kami for audition," sabi ni Ryujin. "Kasali ka rin, Winter."

          Halos mabali ang leeg ko sa bilis ng paglingon ko sa kanya. 

          "Bakit kasali ako!?"

          "Bakit hindi?"

          "Dinamay niyo na naman ako dyan! Ayoko nga ng mga ganyan e!"

          "Girl, sasayaw lang tayo. Di na need umarte."

          "Kahit na!"

          "Naisulat na namin name mo kaya wala ka nang magagawa."

          "Ang daya niyo!"

          Nakakainis talaga 'tong dalawa. Seryoso ako pero tinatawanan lang nila ako. Parang nag-eenjoy pa silang inisin ako.

          "Bakit naman ayaw mo, Winter? Sabi nila, magaling ka raw sumayaw."

          Isa pa 'tong si Yujin. 

          At sino naman sa kanila ang nagsabing magaling akong sumayaw? Pahampas lang, isa.

          "Di ako magaling. Sino ba nagsabi?" kunot noo kong tanong.

          "Si Karina."

          Nagkatinginan kami. She smiled. I didn't. 

          Sorry pero sino ka para magdesisyon para sa'kin? 

          Naiinis ako. Gusto kong manakit pero di ko magawa kay Karina. 

          Wala pa kami sa gano'ng level ng closeness.

          Kaya ayun, di na ako nakapalag! Alangan naman awayin ko siya. Siguro nga friends na kami, pero di pa rin ako comfortable sa kanya. Baka pag awayin ko, di na kami magkabati. 

          Masama tuloy ang loob kong tinutusok yung kwek-kwek ni Kuyang nagtitinda sa harap ng campus. 

          Busog na ako kanina pero dahil sa sama ng loob, nagutom ako.

          Yung audition na naman ang pinag-uusapan nila. Sa totoo lang, naririndi na ako. Paulit-ulit lang naman yung mga sinasabi nila. 

          "Sumasali ba sila sa competitions?" tanong ni Chae.

          Sumagot si Yujin. "Ang alam ko, susubukan daw nilang sumali sa mga competitions this year."

          Pag sineswerte ka nga naman. Ngayon pa talaga nila naisipan. 

         "Bakit parang ang dami mong alam sa affairs ng club?"

          "Kaibigan ko yung isang officer ng club."

          "Higher year?" 

          "Yeah. Third year."

          "Tapos crush niya yung kapatid nung kaibigan niyang officer ng club," mabilis na sabat ni Ning. 

          Siniko siya ni Yujin. 

          "Ah, kaya pala..." Ryujin smirked.

          "First year din yung crush mo?" nakisali na si Chae sa pang-aasar.

          Namumulang umiling si Yujin. 

          "Oo. Classmate niya. Pero hate siya no'n kaya nagpapagoodshot 'yan ngayon."

          Nakita kong naglabas si Ryujin ng panyo at binigay kay Karina. She used it to wipe the sauce na tumulo sa damit niya. 

          Ang sweet naman ng friend ko.

          Sarap itulak sa kanal.

          "Ikwento mo na kaya lahat?" inis na sambit ni Yujin.

          Natawa kami sa sagutan ng magkaibigan. 

          Bumili pa ako ng dalawang baso ng kwek-kwek kay Kuya. Kinuha ko ang isa.

          Busy akong kumakain nang makita kong kinuha ni Ryujin yung isa kong order.

          "Hoy! Kwek-kwek ko 'yan!" 

          Napalakas yata ang sigaw ko dahilan para masamid ang mga kasama namin. Pati si Kuyang nagtitinda nakita ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
baeryooii
Happy 600 subs!!! Maraming maraming salamat po sa pagsuporta sa fic na 'to. At dahil dyan hindi ko 'to ighoghost. Chaur. Next update po ay baka sa comeback na. Thank you po!!! 🥰

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
540 streak #1
Kamiss
howdoyouknowmee
540 streak #2
Hello po
akkaak #3
rereading kasi miss ko na huhu take ur time po otor sobrang ganda po ng story nyo thank u po
howdoyouknowmee
540 streak #4
Press 1
ckeljera_28 #5
Chapter 10: Otor ang gandan ng story mo heheehhe tuloy mo lang po pag may time ka na hehehheh
akkaak #6
reread lang while waiting. take ur time po otor. thank u po sa story
baeryooii
#7
Hello!

Sorry for being MIA. I got accepted sa work last month kaya medyo busy (para sa ikauunlad ng Pilipinas) chz may mga ate duties rin dahil pasukan na rin ng mga kapatid ko kaya ayun... hehehe I'll try to update within this month po pero wag masyado umasa baka ma-late ulit ng ilang days 😅

Yun lang naman... I just had to explain myself dahil baka sabihin niyo ginhost ko na kayo hehe. Thank you for all your support mga bebs! Balik ako soon! 😘

- o((*^▽^*))o
akkaak #8
miss na po
leaguepro #9
♥️
akkaak #10
reread ulit habang nag iintay ng update