Wrong send.

Falling, Calling, Chasing.
Please Subscribe to read the full chapter

 

          Yung katatapos lang ng sembreak niyo tapos wala pang isang buwan, Christmas break naman. Ang saya sana. Yun nga lang, ang daming ganap. Nandyan yung exams, then programs such as Search for Mr. & Ms. Yuletide and Christmas convocation. Tapos may Homeroom Christmas Party pa. 

          Lahat ng activities na ‘yon required daluhan. Kahit yung Christmas Party dahil may exchange gifts. Though di talaga siya required. Kumbaga madala ka na lang hiya. Nakakahiya naman sa nakabunot sa‘kin kung nag-effort siya sa gift niya tapos di ko tatanggapin personally. Kawawa rin yung pagbibigyan kung ipapadala ko na lang yung gift. 

          Remix version ng ‘All About That Bass’ ang nagpeplay sa stereos ng multi-purpose hall kung saan gaganapin ang pageant for Yuletide.

          From the second floor, overlooking the hall, nanonood kami ni Chaeryeong ng practice ng mga candidates. Kanina pa namin sila pinanood actually. Nakita na namin ang opening number nila at iba pa. At kanina pa namin sila hinuhusgaan. Muntik na kasi silang magsabay-sabay.

          Dahil busy na sa upcoming programs ang mga teachers na siya rin punong mga tagapamahala ng mga events, binigay na nila sa amin ang buong araw na ito para magreview for the exams on Monday. 

          Full packed ang ganap next week. Lunes, exam. Tuesday, pahinga daw. Wednesday, Yuletide pageant. Thursday, convocation, at sa Friday, ang party. 

          “Anong oras na?” tanong ni Chae. 

          Nagkibit-balikat ako. “Wala pa naman gumagalang students sa baba kaya hindi pa lunch break.”

          “Hindi ka pa nagugutom?”

          Nilingon ko siya. “Gutom ka na?”

          “Di pa naman. Pero gusto ko nang kumain.”

          Edi gutom ka na nga.

          “Bili ka muna ng snacks kung gusto mo.”

          Binalik ko ang mga mata sa mga kandidata sa stage. Isang linggo na rin silang nagpapractice pero di pa nila memorized ang steps nila for the opening kaya di ko rin masisisi si Mr. Baks na pinapagalitan na sila ngayon. Nasa kabilang dako sila from where we are pero rinig na rinig ko ang mga sinasabi niya sa kanila.

          I even heard him cursed but none of them even flinched. Natatawa pa nga sila. Haynako. Magaganda nga pero... shungabells. Anyways, di naman ‘to battle of beauty and brains. Perahan lang ‘to. Kung sino mas maraming nabenta na tickets, siya ang panalo. Kumbaga, popularity contest lang.

​​​​          Lahat ng estudyante required bumili ng isang ticket from any candidate. Pero ako, limang ticket ang nabili ko dahil kay Ryujin. Suportahan daw namin yung friend ni Shane. Depungal. Siya lang naman may gusto do’n pero pati kami dinadamay. 

          “From the top!” sigaw ni Mr. Baks na umalingawngaw sa buong hall. Nagpunta ang mga candidates sa backstage tsaka muling tumugtog ang kanta ni Meghan Trainor. 

          I nudged Chaeryeong. “Tingnan mo si Kyla,” sambit ko, nakatuon ang pansin sa babae sa stage. 

          Hindi siya nagsalita kaya lumingon ako sa kanya.

          My face heated up when I saw a different person standing next to me. Si Karina. Bahagya akong lumayo at nalilitong tumingin sa paligid.

          She was slightly towering me with a confused look. 

​​​​          Naistorbo ko yata sa panunood niya. 

          “Sorry,” sabi ko na lang at agad nang umalis do’n.

          Maraming students na nanonood ng pageants na nakahilera dito sa second floor. Hindi ko na napansin na iniwan na pala ako ng magaling kong kaibigan. Hindi man lang nagpaalam!

          Buti na lang wala akong sinabing kung ano kanina! Nagmukha akong tanga doon ah. Wala na pala yung kausap ko.

          Bumalik ako ng classroom. Nakabukas na naman ang pinto. Parang mga walang pinto sa bahay. Sayang ang lamig ng aircon! Naabutan kong naglalaro ng Uno si Ryujin with our classmates. Wala si Chaeryeong.

          “Si Chae?” tanong pa ni Ryujin nang makita niya akong pumasok. 

          “Akala ko nga nandito e.”

​​​​          Akmang isasara ko na ang pinto nang dumaan si Karina. 

          “Karina!” tawag ni Ryujin kaya naudlot ang pagsara ko ng door.

​​​​​​          Nagkatinginan muna kami bago niya sinilip ang loob ng classroom. Nanatili ako sa tabi ng pinto, hawak ang doorknob. 

          “Sali ka? Uno?” yaya ni Ryujin.

          “Pwede ba ‘yan dito?”

​​​​​​          “Oo naman! Tara laro tayo.”

          Umusod si Ryujin at tinapik ng bakanteng tabi niya. Nakaupo sila ngayon sa sahig na nilatagan ng manila paper. 

​​​​​​          Tumingin sa‘kin si Karina. 

          “Pwedeng pumasok?” 

          Niyaya ka na nga nilang maglaro di ba?

         “Pasok na.”

          Kanina ka pa nakasilip. Sayang ang lamig.

          She gave me a small smile before entering the room at lumapit na kina Ryujin. 

          Isasara ko na sana ang pinto nang magpakita si Chaeryeong. May dalang mga chichirya. 

          “Sa’n ka galing?” 

          “Sa canteen.”

          “Di ka man lang nagsabi.”

          “Nagpaalam kaya ako.”

          “Hindi kaya.”

          “Oo kaya. Di mo lang siguro narinig. Bumalik nga ako doon tapos wala ka na.”

          “Hinanap kasi kita. Akala ko bumalik ka ng classroom.”

          “Huy!” 

​​​​​​          Sabay kaming napalingon kay Ryujin dahil sa pagsita niya.

          Tumahimik na kami ni Chaeryeong. She pouted at me nang pumasok siya at naupo sa armchair.

 

 

          “Sure ka ba na nanliligaw talaga?” 

​​​​​​          Palabas na sana ako ng cubicle nang pumasok ang dalawang babae sa restroom.

          “Halata naman kaya! I even saw them kahapon sa Dunkin. I’m telling you something is going on between them,” giit nung isa na mas maarte ang boses.

          Jusko naman. Gusto ko lang mag-CR pero may bonus pang nagbabagang balita.

          Ilang beses na rin akong nakasagap ng chismis while nasa banyo. Ewan ko ba. Nakasubscribe yata ako sa newsletter ng restroom. Paano ba i-cancel ‘to?

          Sino kayang pinag-uusapan nila?

          “Oh? You said nanliligaw palang tapos ngayon may something na sa kanila? I don’t think that’s possible though. Ang alam ko may boyfriend si Karina.”

​​​​​​          My ears perked at the mention of her name.

          “May boyfriend siya? Sino nagsabi?”

          “Siya. Si Karina.”

          “Totoo ba? Then what’s up with her and Nate?”

          Narinig kong nagbukas ang pinto ng katabi kong cubicle. 

          “Nate is not sulutero and it’s impossible for Karina to cheat. Ang gwapo na kaya ng jowa no’n,” sabi ng babaeng nasa loob ng cubicle. 

​​​​​          “Talaga? Nakita mo na? Saan?”

          “She showed his picture pero she didn’t give any names and other details about their relationship except sa LDR sila.”

          Teka nga, sino ba sila?

          Classmates ba sila ni Karina?

          At sino yung Nate? Classmate din ba nila ‘yon?

          “Naniwala ka naman na boyfriend niya ‘yon? What if she’s lying?”

​​​​​​          Narinig ko ang pagbukas ng tubig sa gripo. 

          “Bakit naman siya magsisinungaling?” naiiritang sambit ng babaeng sa cubicle. “You’re just being paranoid. Palibhasa gawain mo e.”

          “Excuse me?!”

          Okay. I think I know who these people are. 

          Bumukas at sumara ang pinto sa kabila.

          “Halika na. Baka nasa classroom na si Ma’am.”

          Pabalik na ako ng classroom ng makasalubong ko si Karina. She smiled at me and I nodded at her.

          Inisip ko yung nangyari kanina. I don’t think she knows na people talk about her behind her back. Yung mga babae kanina, classmates niya ‘yon na madalas niyang kasama. Alam ko dahil nabosesan ko. 

​​​​​​          Though yung isa, pinagtatanggol siya. Who knows kung anong nasa isip niya rin that time? 

          Parang naawa ako bigla. 

          Tama ba yung term? Mali yatang sabihin na naaawa ako kay Karina. 

​​​​​​          Shuta. Mali nga. Pangit pakinggan.

          Basta gano’n. Kung ano pa bang pwedeng itawag do’n. 

 

 

          Ang daming estudyanteng nagkalat sa hallways. Particularly, mga lalaki. May mga nakatambay rin sa may hagdan. Nakakailang tuloy umakyat sa second floor. 

          Ngayon ang Christmas Party kaya feeling gwapo at heartthrob sila. Taon-taon na lang ganito. Nakakaadwa naman mga itsura. 

          Sabi nila Ryujin nasa classroom na raw sila ni Chae. Alas nuebe pa ang start ng program namin, gano’n rin sa iba. Dala ko ang regalo sa isang kamay at nakakuyom naman ang isa, ready to attack kung may lumapit na pangit. 

          Paliko na ako sa pasilyo nang makasalubong ko naman ang isang senior. 

          “Hi!” bati nito nang makita ako. 

          Magkakilala ba kami?

          May dinukot siya sa supot na dala. 

​​​​​          “Merry Christmas!” 

          Kunot noo kong tiningnan ang maliit na box na binibigay niya sa akin. She remained smiling.

          I didn't move. Ano bang pakulo ‘yan? 

          Kinuha niya ang kamay ko at binigay sa‘kin ang maliit na regalo. She giggled and even poked my cheek lightly. 

          “Cute mo. Merry Christmas ulit.” 

​​​​​          Nagmamadali na siyang umakyat sa third floor na parang walang nangyari. Na parang di niya ako pinakilig dun sa ginawa niyang pagtouch sa pisngi ko. 

          Uminit ang buong mukha ko hanggang batok. 

          Ano ‘yon?!

          Sino ba ‘yon?!

          At bakit may paregalo agad?!

          ​​​​​​I looked at the small box with a red ribbon. Walang card. 

          I opened it and saw a snowman keychain. 

          Napangiti ako. Ang cute naman nito.

          Nang makarating ako ng classroom, si Ryujin agad ang bumungad sa‘kin hawak ang camera niya. Tumunog ang shutter senyas na nakuhanan ako ng picture. 

​​​​​​          “Uy! Binigyan ka?” turo niya sa box na hawak ko pa rin. “Ba’t ikaw binigyan, ako hindi?”

          “Ito ba?”

​​​​​          Tumango siya. “Galing ‘yan kay Jia, di ba?”

          “Sino ‘yun?”

          “Di mo kilala? Kadadaan niya lang kanina dito. Namigay ng keychain.”

​​​​​​          Napatingin ako sa box na hawak. Pinamimigay lang pala ‘to. Akala ko naman may special something. Bwiset.

          “Ang daya naman. Hindi ba ako maganda ngayon?”

          Umikot ang mata ko. “Kailan ka pa gumanda?”

          “Sabi nila bibigyan lang nila yung mga magaganda at cute ngayon. Pero bakit hindi ako binigyan?” she complained.

          I scoffed. 

          Kinuha niya ang box ang tiningnan ang laman. It turns out pakulo pala ‘yon ng SGO. Yung mamigay ng random gifts sa students na sa tingin nila ay deserve no’n. 

​​​​​          Tsk. Yun lang pala. Bakit kasi may pagtapik pa sa pisngi ko?!

          Napairap ako nang maisip yung babae kanina. 

          Si Jia. 

 

 

 

 

 

 

          Kinikilig na pinaghahampas ako ni Chaeryeong matapos mabasa ang text confirmation na nakapasa siya sa audition. University club lang ang sinalihan niya pero kung mahampas siya parang na-cast siya sa isang teleserye ng ABS-CBN!

          Ryujin seemed ecstatic as well pero mas kalmado siya kumpara kay Chae. Ganoon rin si Yujin. Si Karina naman, parang wala lang sa kanya na natanggap siya.

          Ako, masaya ako na nakapasok sila. Walang kaso sa‘kin na naligwak ako. I was already expecting that. Mas malungkot pa nga sila kaysa sa akin. 

          I had to tell them over and over again na karamay ko naman si Ningning. And they won’t even start to practice until the next few months pero pinoproblema na nila kung anong mangyayari sa amin kapag kaming dalawa na lang daw magkasama.

          Parang mga shunga. Ano bang akala nila? Na hindi namin kayang mabuhay nang wala sila? 

          “May meeting raw mamaya for new members,” nag-angat ng tingin mula sa phone niya si Ryujin. “Sasama ba kayo?” 

          Nagkatinginan kami ni Ning. We both shrugged.

          “Hintayin na lang namin kayo sa cafeteria. Daanan niyo na lang kami kpag tapos na ang meeting niyo,” si Ningning na ang sumagot para sa amin. 

          “Pwede naman kayong sumama,” ngumisi si Yujin. “For sure, nandoon rin si Jia.”

          Eto na naman sila. Sumubo na lang ako ng chips.

          Bakit ba parang mas invested pa sila kay Jia kumpara sa‘kin? 

          Sa tuwing makikita nila ako, si Jia agad binabanggit nila. Nakakairita na minsan. Lalo na kung wala naman sa topic tapos biglang may magsasabi ng pangalan niya. 

          Ako nga sapat na sa ‘kin na makita lang siya. Pakitaan lang ako ng isang picture niya, buo na araw ko. 

          “Wala siyang pasok ngayon,” sambit ko na halatang kinagulat nilang lahat.

          “Paano mo nalaman?” 

          “Nag-usap kayo?” 

          They were all looking at me with curiousity. 

          Sana nga nag-usap kami, di ba? Pero hindi. Natameme nga lang ako nung nagkita-kita kami nung nakaraan. Nakakabigla rin kasi. Wala man lang heads up sa ‘kin sina Ryujin noon, lalo na si Yujin. Kung alam ko na nandoon siya edi sana nakapagprepare ako ng speech. 

          Tumikhim ako at umiling. “Nakita ko lang sa IG story niya. Nasa Quezon siya with her friends.”

          Dismayado naman silang napasinghap. 

          “Nakita mo or inistalk mo?” panunukso ni Chaeryeong.

          Tinikom ko ang bibig. Hindi ko naman siya inistalk talaga. Hinanap ko lang siya sa Instagram kagabi kasi hindi na siya madalas nag-uupdate sa Facebook. Inisip ko lang na may iba siyang account kaya...

          “At may Instagram ka na? Akala ko ba hindi ka mahilig sa mga ganyan?”

          Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi na lang sasagot.         

          Eh ano naman ngayon kung may IG na ako?
          
          Bawal ba?
          
          Masama ba na gustuhin kong maging makabagong tao minsan?
          
          Naisip ko lang siya kagabi. Nung nakita kong nagsscroll si Karina sa feed niya. 
          
          I was curious so I tried it. 
          
          Si Jia ang una kong hinanap nang makagawa ako ng account kagabi. Hindi nga ako nagkamali ng akala. She had a lot of posts there. Buong buhay na niya ata ang nandoon. Ang saya ko lang. 
          
          Sa sobrang tuwa ko, nahuli pa ako ni Karina na nakangiti habang pinapanood ko ang videos sa highlights ni Jia. Nakakahiya. Nakita pa niya akong mukhang tanga. 
          
          Ryujin laughed suddenly. “Naalala ko nung junior high, may inistalk ka rin no’n di ba?”
          
          Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
          
          Nilingon siya ni Chaeryeong. “Huh? Bakit parang di ko alam ‘yan?”
          
          Ako rin. Wala akong maalala.
          
          “Di ko rin alam pero nakita ko siyang nagtitingin ng pictures sa Facebook eh.”
          
          I thought for a moment. Ginawa ko ba ‘yon dati? Parang hindi naman.
          
          “Crush mo ata ‘yon pero nung tinanong kita, sabi mo hindi.”
          
          “Ah! Oo, naalala ko na.”
          
          “Wow, bes. Stalker ka na pala dati pa?”
          
          “Parang ikaw Ning,” pang-aasar ni Yujin sa katabi niya kaya sinamaan siya nito ng tingin.
          
          “I’m guessing it’s Jia,” nakisali pa si Karina.
          
          Teka lang.
          
          Kailangan ko nang ipagtanggol ang sarili ko. 
          
          “Sandali—”
          
          “Hindi si Jia ‘yon. Iba eh. Di ko na maalala pero basta... maganda rin.”
          
          “Gaano kaganda?” usisa pa ni Yujin.
          
          Ryujin smirked. “Enough para mag-out siya sa amin.”
          
          Tumango si Chaeryeong.
          
          Naguguluhan ako. Ako yung topic pero wala akong alam sa mga sinasabi nila. At kailan ba ako nag-out? Distorted na yata ang memories ko.
          
          Sa pagkakaalala ko kasi, they just assumed na pareho kami ni Ryujin ng preference. Tapos yun na. Wala nang aminan na nangyari. Like, they knew right away.
          
          I wouldn't agree on Chaeryeong whenever she says Daniel Padilla is handsome. Malakas ang dating, oo. Pero handsome? Magkaiba kami ng definition ng gwapo. But Ryujin and I would totally agree that Kathryn’s a beauty. Sa tingin ko, doon ako nahuli.
          
          Nilingon ko si Yujin, nagtataka kung bakit pa siya nandito. Alam ko may class

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
baeryooii
Happy 600 subs!!! Maraming maraming salamat po sa pagsuporta sa fic na 'to. At dahil dyan hindi ko 'to ighoghost. Chaur. Next update po ay baka sa comeback na. Thank you po!!! 🥰

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
540 streak #1
Kamiss
howdoyouknowmee
540 streak #2
Hello po
akkaak #3
rereading kasi miss ko na huhu take ur time po otor sobrang ganda po ng story nyo thank u po
howdoyouknowmee
540 streak #4
Press 1
ckeljera_28 #5
Chapter 10: Otor ang gandan ng story mo heheehhe tuloy mo lang po pag may time ka na hehehheh
akkaak #6
reread lang while waiting. take ur time po otor. thank u po sa story
baeryooii
#7
Hello!

Sorry for being MIA. I got accepted sa work last month kaya medyo busy (para sa ikauunlad ng Pilipinas) chz may mga ate duties rin dahil pasukan na rin ng mga kapatid ko kaya ayun... hehehe I'll try to update within this month po pero wag masyado umasa baka ma-late ulit ng ilang days 😅

Yun lang naman... I just had to explain myself dahil baka sabihin niyo ginhost ko na kayo hehe. Thank you for all your support mga bebs! Balik ako soon! 😘

- o((*^▽^*))o
akkaak #8
miss na po
leaguepro #9
♥️
akkaak #10
reread ulit habang nag iintay ng update