Wrong idea.

Falling, Calling, Chasing.
Please Subscribe to read the full chapter

 

          Simula nang isali ako ng classroom adviser namin sa Essay Writing Contest nung English Week nung Year 7 at nagfirst place pa, hindi na ako tinantanan ng mga teachers na isali sa mga academic contests sa school. 

          I understand they need students to participate sa programs nila pero bakit kailangan sapilitan kaming isasali? 

          One time, during Year 8, may inorganize silang intraschool Quiz Bee. General subjects lang naman daw ang questions kaya open siya for all year levels. Of course, by division. Junior level and Senior level. 

          Kung sino yung gustong sumali at manalo ng certificate, plus grade sa exams, at ma-excuse sa araw na iyon, can sign up. But the thing is, hindi naman talaga by year level ang labanan. By color teams pala. Yellow team ako. Nagdoor-to-door ang ibang teams para makahanap ng pambato nila except sa team ko. Ang saya lang kasi ibig sabihin okay na ang line up namin.

​​​​​          Nung araw ng competition, nagulat na lang ako kasi inexcuse ako ng isang student from Year 10. Kasali daw ako sa Quiz Bee. 

          Anakngtokwa.

          Di ko alam kung matutuwa ba ako na naexcuse ako sa boring na Science class namin o maiinis kasi sinali na naman nila ako without my consent. 

          Kaya nung Year 9, nakaisip ako ng way para umiwas sa ganyang mga events. Huh. Alam ko naman na may lists sila ng names for each color teams pero madalas, students na rin kasi ang naghahanap ng mga pwedeng sumali sa ganito ganyan echebureche ng school. Madalas familiar lang sa kanila ang name pero di naman nila alam kung anong itsura ng tao. Kaya ako, sa tuwing may magtatanong kung anong team ko, iba iba ng sagot ko depende kung anong team ang kaharap. Red team na ako kaya if alam kong taga-red team ang nagtatanong, sasabihin kong Yellow ako. Minsan Blue, pero madalas Green. Pero ang pinakaeffective sa lahat ay hindi ko paggala-gala sa campus tuwing break. Stay put na lang ako sa classroom after ko bumili ng food.

          Iyon nga lang, hindi pa rin talaga safe. Lalo na kung SGO officer ang Team Leader at kakilala pa nila Ryujin at Chaeryeong. Ipagtulakan ba naman ako nang kumatok na ang Red Team sa classroom namin para sa Cheerdance competition. Badtrip.

          “Wala pa tayong Muse and ,” banggit ni Jia, yung treasurer ng SGO at Team Leader rin namin. Tapos na nilang i-discuss sa amin ang schedule of activities for this year’s intrams. Next week daw ang start ng practice for Cheerdance. Need na naman magdala ng pamalit na damit. Dagdag labahin na naman!

          Maingay na nag-aasaran ang mga magkakakilala. May isa from Year 8 na inuudyok nila pero mariin siyang tumanggi. Mayroon rin from the Seniors pero sabi niya nagsasawa na raw siyang maging Muse, kung pwede raw naman siya sabay kindat sa babaeng katabi niya na friend niya rin ata.

          Malalakas at tila nanunuksong sumigaw ang iba. Pati ako ay natawa sa banat ni Ate Girl. Kahit ang mga officers na siyang dapat ay sumusuway sa ingay, nakigulo na rin. 

          My eyes landed to the girl in front, kay Jia na nakangiti rin habang nakatingin sa dalawang babaeng namumula na ngayon. Her doe eyes and small smile as were captivating as it is. Hinawi niya ang mahabang buhok dahilan para mapatingin siya sa banda ko. 

          I looked away instantly, biglang kinabahan.

          I clasped my hands together when siya naman ang naramdaman kong nakatingin sa akin. I can’t look up even if I want to. 

          “Hellooo everyone!” 

​​​​​​          Lahat kami ay napatingin sa kapapasok lang na si Kathy, iyong classmate ni Jia na sadyang may pagkabaliw. 

          “Sorry, late. Ano na bang gagawin?” sambit niya at tumingin sa likod. “Halika beh!” 

          “Naghahanap na lang ng Muse and ,” sagot ni Jia.

​​​​​​          “Oh?” masayang nilingon ni Kathy ang kung sinong kasama niya. Hindi ko makita dahil nanatili sila sa may pinto at di pa tuluyang nakakapasok. “Sakto pala e! Kasama ko si Karina!” 

​​​​          Parang nabuhayan naman ang karamihan lalo na yung mga lalaki na mabilis siyang binati. Karina shyly greeted them too and smiled. 

          Agad na tumayo yung isang lalaki sa harap para paupuin si Karina. 

          “Walangya ka Neil! Pag si Karina, tumatayo ka agad. Kapag ako, dedma?” singhal ni Kathy nang maupo na si Karina sa kaninang upuan nung lalaki. 

          “Bakit? Si Karina ka ba?”

          Binatukan siya ni Kathy dahilan para matawa ang lahat. 

          “Miss Leader, I volunteer to be Karina’s po!” sigaw nung isang senior rin ata. Bumaling kaming lahat sa kanya. 

          Ngumiwi si Jia at aktong babatuhin niya ng blackboard eraser iyong lalaki. “Di pa nga pumapayag si Karina maging muse, gusto mo pang maging . Batuhin kita dyan e.”

​​​​​​          Everyone laughed, kasama ako. Iyon nga lang, hindi nakatakas sa ‘kin ang sinabi nung kaibigan niya sa kanya. Hindi malakas ang pagkakasabi niya pero may ilang nakarinig na natawa pa. I heard it too but I didn’t find it funny at all. 

​​​          “Himas rehas ka, pre.”

​​​​​          I know they’re joking pero hindi nakakatawa. It irked me more when the other boys laughed. 

​​​​​​          Napatingin ako sa harap. Mukhang wala naman silang narinig. 

          Nagpatuloy ang meeting pero wala na akong ganang makinig pa. Sa huli, hindi si Karina ang naging Muse kundi si Jia. Lalo akong nainis dahil yung niya, may crush pa sa kanya. 

 

 

          

          “Saan kayo magpapractice?” tanong ni Ryujin. Nasa loob siya ng cubicle, nagpapalit ng damit for practice. Si Chaeryeong naman sa isa pang cubicle. Nakatayo ako sa harap ng vanity mirror at sinusubukan itali ang mahabang buhok. Tapos na ako magpalit kanina pa.

          “Sa covered court ata sa extension.”

​​​​​​          “Dyan kami nagpractice kahapon. Grabe ang init!” reklamo ni Chaeryeong.

          Natawa ako. “Mas mainit sa gym, Chae. At least pag outdoor, humahangin minsan.”

          “Naiinggit ako. Ka-team mo sina Shane. Magkateam na kami dati eh binago pa nila.”

          “Magreklamo ka dun sa nag-ayos ng teams.”

          “Win, palit tayo ng team.”

          “Mukha mo!” singhal ko. 

          Masaya na ako sa current color team ko kahit na madalas magulo at wala akong naiintindihan sa mga announcements nila. At kahit naiinis ako sa mga ka-team na maiingay at mayayabang na lalaki, pinagtitiisan ko na lang kasi...

​​​​​​          Kasi... Kapalit naman no’n, I get to see her almost everyday. Though hindi siya sumali sa cheerdance, lagi naman siyang kasama sa practice to supervise. 

          Nang matapos silang magbihis at mag-ayos, lumabas na rin kami. Nagpaalam na si Ryujin nang makita ang mga ka-team niya na naghihintay sa open hall. Sumunod naman si Chae sa nakasalubong namin na kagroup niya at dumiretso na sa gymnasium. 

          Ako naman, nagpunta na sa may gate ng campus kung saan raw ang hintayan. Sabay-sabay kaming maglalakad papunta sa extension ng campus. Di naman kalayuan. Mga sampung minutong lakaran lang.

​​​​​​          Naabutan kong nandoon na halos lahat sila. Yung officers na lang siguro ang hinihintay. Lagi naman. Pero walang nagrereklamo kasi libre naman nila ang merienda. 

          Tahimik akong tumabi doon sa isang babaeng tahimik lang din na nakadistansya mula sa kumpulan ng mga grupo grupo within the team. Mag-iisang linggo na rin kaming magkakasama sa practice pero parang hindi sila nagsasawa makipagkwentuhan sa isa’t isa. 

          The girl smiled at inayos ang eyeglasses niya. Tinatanggal niya ‘yon before kamo magstart sa routines. Sa buong team, kaming dalawa lang yata ang hindi madalas sumama o makisali sa buong grupo. And honestly, okay lang sa ‘kin na ganito. I don’t feel left out kasi hindi naman talaga ako kasali in the first place. I’m just here for the incentives. At para na rin sa malandi kong puso. 

          Though I don’t know if it should be called ‘landi’ since wala naman akong kaharutang ginagawa. Malandi na bang matatawag yung pag-ubos ko ng tubig sa tumbler ko sa umaga para makapagrefill ako during practice dahil si Jia ang madalas bantay sa may water jug. Hindi, di ba?

​​​​​​          Di nagtagal, dumating rin sila at sabay sabay na kaming umalis ng campus. At tulad ng ginagawa ko nitong mga nakaraang araw, tamang tanaw lang ako mula sa likod. Kuntento na ako sa paminsan-minsan niyang pagbaling sa likod dahil sa panggugulo ng ilang kaklase niya. 

          Iniisip ko, paano kaya nagagawa ni Ryujin yung magtapat at lantarang magpapansin sa mga crush niya? Kasi ako... hindi ko kaya. 

          I’ve thought about doing what Ryujin does sa mga crush niya. Yung aabangan ko siya sa may gate tuwing umaga at susunduin ko kapag uwian. Yung sasabayan ko siya tuwing lunch o kaya naman tutulungan ko siya sa ibang gawain niya as officer. Do simple things for her pero... waley!

          I tried. Pero lang. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinihintay siya sa gate noong Lunes. Di ko nga alam kung anong gagawin ko no’n. Basta nandoon lang ako. Nang makita ko siyang bumaba ng jeep, kumaripas na ako papasok ng campus.

          Nakakainis. Paano ba kasi yun? 

​​          Kasalukuyan na kaming naghahanda para sa practice. Nakaupo ako sa maliit na platform sa gilid ng court. Kasama ko pa rin si eyeglass girl. 

          “Excuse me,” umangat ang tingin ko sa babaeng lumapit sa amin. Si Karina. 

          She smiled. “Uhm, may extra hair tie ka pa? Pwede mahiram?”

​​​​​​          Umiling ako. “Wala na e.”

          “Ako meron.”

          Napatingin kami sa katabi ko na busy na maghanap sa bag niya. Ngumiti siya nang makita ang panali at iniabot agad kay Karina.

          “Thanks!”  

          She immediately walked back to her group of friends while sinusubukang itali ang buhok. I watched her hair sway and her little skips. Ang cute lang. 

          Nagtawag na ang choreographer kaya dali-dali kaming nagsipuntahan sa gitna ng court. Chineck niya ang bawat isa at masayang pinuri kaming mga babae dahil nakaponytail na kaming lahat. Mahigpit niyang bilin na dapat nakatali ang mga buhok namin during practice or else kakalbuhin niya kami.

          Nagsimula na ang practice. Malapit na namin maperfect ang mga naunang routines na tinuro sa amin kaya nagsimula na siyang magturo ng panibago, yung lifting.

          I quietly stepped aside nang maghanap na si Teddy (yung baklang choreographer) ng pwedeng buhatin. Last year, isa ako sa mga binuhat buhat at ayoko nang maulit iyon. Bukod sa takot akong mahulog, ayoko rin na nahahawakan ako ng iba. Hindi sa pag-iinarte pero nakakailang kasi tapos kung saan saan pa sila napapahawak. Alam kong hindi naman nila sinasadya pero syempre... ayoko pa rin ng ganun.

          Nasobrahan nga lang ang pag-atras ko kaya muntik na akong matumba nang maapakan ko ang paa ng sinuman ang nasa likod ko. 

          “Sorry!” I said quickly before I realized who it was. 

​​​​​​          “May balak ka pang tumakas?” nanlolokong ngiti ang ginawad niya sa ‘kin. My face heated up instantly at our closed gap. 

          Sobrang lapit niya!

          Yung puso ko... halos kumawala sa dibdib ko!

          I literally held my breath as I could only stare at her, too stunned to even speak. I couldn’t hear anything aside from the loud beating of my heart.

          I heard her laughed at something but I don’t know what. My eyes were only focused on her as she speaks at kahit nung nilingon niya ako, hindi na ako nag-iwas.

          Pinoprocess pa ng maharot kong puso ang pagkakalapit namin nang maramdaman ang pagpalo sa ‘kin sa may likuran ko. 

​​​​​​          “Ano teh? Tulala na lang tayo? Di na tayo magpapractice?” pagtataray ni Teddy. 

          I consciously looked around and saw everyone staring at me amusingly. Di ko na napansin na nasa gitna na pala ako at nagsisimula na ulit kami sa routines. Hinanap ng mga mata ko si Jia pero wala na siya. 

          Nawala na naman siya. Lagi na lang nang-iiwan after akong pakiligin! Nakakarami na yun ha!

 

 

 

 

 

 

          Wala pang calendar of activities na nirerelease ang uni pero alam ko na agad na malapit na ang exams. Halos lahat kasi ng prof namin madalas nang magpaquiz. May announced at surprise quizzes kami this week. Tapos may mga reflection essays pa na need ipasa next week. Ganito naman lagi ang mga prof kapag malapit na exams. 

          Wala pa naman kaming major subjects this semester kaya di rin nakakastress. Mas naiistress pa akong sumama sa mga magugulo kong frennies na parang laging mga nakawala sa hawla kapag nagsasama-sama. 

          Tulad ngayon, nagbabangayan na naman si Yujin at Ningning. Hindi ko na nga alam kung ano pang pinag-aawayan nila. Kanina lang, about sa pang-iiwan daw ni Yujin kay Ning sa mall. Tapos maya-maya about sa aso na yung pinagtatalunan nila. 

          Tapos itong si Ryujin at Chaeryeong, parang nag-away rin. Kanina pa sila hindi nagpapansinan. Nung dumating sila sa classroom for our first subject, wala silang kibuan. 

          Ano bang meron ngayon at parang uso ang away?

          Hindi ko na alam kung ano ang uunahin. Ang pagrereview ba para sa recitation mamaya or itong mga kasama kong masasama ang gising kaninang umaga?

          Napatingin ako kay Karina na kausap si Chaeryeong. Di ko sila marinig pero parang about sa isang subject namin yung pinag-uusapan nila base sa pagbuklat ni Chae sa notebook niya. 

          Nilingon ko na lang ang katabi kong si Ryujin na halos magsalubong na ang mga kilay sa binabasa niyang notes. Teka. Mali pala. Tintitigan niya lang pala yung notes niyang naka-upside down. 

          Kung magkukunwari kang nagbabasa, dapat tama yung orientation ng notebook mo shunga.

          Tiningnan ko yung isa pa namin kasama. Simula kasi nang makilala namin siya two weeks ago, lagi na rin siyang sumasabay sa amin tuwing lunch break at uwian. At kung magkakasabay rin ang free time namin. Tahimik lang na nagsusulat si Wonyoung. 

          How can she focus kahit na maingay?

          Sinilip ko ang notebook niyang puro formula. Nahilo ako. 

          She giggled kaya napaangat ako ng mata sa kanya. 

          “Hm, gusto mo i-try?”

          I frowned at her. Yan na naman siya.

          Nung isang araw, pinagsolve niya ako ng assignment nila sa Math 1. Though familiar dahil napag-aralan naman siya nung high school, hindi ko na tanda kung paano yung solution kaya ayun... mali lahat. 

          Hindi naman niya pinasa yung mga sagot ko pero nakakahiya pa rin. Yung Math kasi namin ngayon, more on appreciation lang ng subject. Ngayon lang ako nakaencounter ng Math subject na nagpapa-essay ang prof. Gusto ko na lang madaliin ang paglelecture ni Sir at doon na agad kami sa computations. 

          Mariin akong umiling at binalik ang tingin sa sariling notes.

          “Yung kumot ko, hindi mo pa binabalik. Kailan mo balak isauli?”

          “Yung album ng 5SOS na hiniram mo sa ‘kin, nasaan na? Naiwala mo ‘no?”

          Malayo na ang narating ng pagtatalo nila Ning. Wala pa bang aawat sa kanila?

          I looked at Wonyoung. Pinapanood na lang rin niya ang dalawa sa harap namin. 

          Wala yung matandang librarian kaya walang sumisita sa kanila. Kahit yung ibang students na nasa kabilang table medyo maingay rin.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
baeryooii
Happy 600 subs!!! Maraming maraming salamat po sa pagsuporta sa fic na 'to. At dahil dyan hindi ko 'to ighoghost. Chaur. Next update po ay baka sa comeback na. Thank you po!!! 🥰

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
540 streak #1
Kamiss
howdoyouknowmee
540 streak #2
Hello po
akkaak #3
rereading kasi miss ko na huhu take ur time po otor sobrang ganda po ng story nyo thank u po
howdoyouknowmee
540 streak #4
Press 1
ckeljera_28 #5
Chapter 10: Otor ang gandan ng story mo heheehhe tuloy mo lang po pag may time ka na hehehheh
akkaak #6
reread lang while waiting. take ur time po otor. thank u po sa story
baeryooii
#7
Hello!

Sorry for being MIA. I got accepted sa work last month kaya medyo busy (para sa ikauunlad ng Pilipinas) chz may mga ate duties rin dahil pasukan na rin ng mga kapatid ko kaya ayun... hehehe I'll try to update within this month po pero wag masyado umasa baka ma-late ulit ng ilang days 😅

Yun lang naman... I just had to explain myself dahil baka sabihin niyo ginhost ko na kayo hehe. Thank you for all your support mga bebs! Balik ako soon! 😘

- o((*^▽^*))o
akkaak #8
miss na po
leaguepro #9
♥️
akkaak #10
reread ulit habang nag iintay ng update