Malikmata.

Falling, Calling, Chasing.
Please Subscribe to read the full chapter

 

          Busangot ang mukha ko nang maupo sa loob ng udon restaurant after namin manuod ng movie. 

          And no, it's not because of the sad ending of the movie we saw. Don't get me wrong, maganda yung story and magaling yung actors. The characters, the lines, everything was actually perfect. But it's just not the movie that I wanted to watch today. 

          I thought Ning wasn't serious when she said she wanted to see that movie pero mali ako. And all of them even agreed to it. Hindi ko pa naman napapanuod 'yon pero I also didn't think we'd watch a romance drama film on a friends day out! Mas masaya kung action!

          Mygosh! Pinili nila si James Reid kaysa kay The Rock!?

          Sabi naman nila pwede akong humiwalay at panuorin yung movie ni Dwayne Johnson. I was actually going to pero nagsimula naman silang i-guilt trip ako. I didn't fall for it so they threatened to leave me sa mall. Natakot ako. 

          Kaya ko naman magcommute mag-isa... pero di ko sure kung makakauwi ako ng safe o buhay. 

          Nasa loob na kami ng cinema nang maalala ko si Kuya. Pwede nga pala akong magpasundo na lang sa kanya dito kung sakali nga na iniwan ako ng mga magagaling kong friends. 

          Nakakainis lang na hindi ko agad naisip 'yon!

          "Masaya ako pag nakikita kita. Pero pag mag-isa lang ako, narirealize ko na hindi na ako masaya e."

          Ning imitated Nadine's character. At sumunod naman si Yujin na ginaya si James. 

          I stopped myself from rolling my eyes. 

          Nagpatuloy pa ang batuhan nila ng linya habang kumakain. Aliw na aliw naman ang iba sa pinaggagawa ng dalawa. 

          Hindi pa ako makakain ng maayos kasi ang likot-likot ni Ning sa tabi ko. Sinasadya ko na nga siyang sikuin para umayos siya pero di niya ako pinapansin. 

          Nagulat pa ako nang bigla siyang humarap sa akin, nanlalaki ang mata. 

          "Kaya kayo, wag kayong nagpapadala lang sa mga nararamdaman niyo. Di porke't masaya kayo ngayon, masaya na palagi. Di porke't sinabi niyang mahal ka niya, at mahal mo siya, eh sapat na para mabuhay."

          She pointed her fingers at each one of us. She stopped at Yujin, who's on her other side. Natatawa naman siyang tinitingnan ng tatlo sa harap namin.

          Hinawi ni Yujin ang kamay ni Ning.

          "Kung makaturo ka naman..." sambit ni Yujin. "Kumain ka na nga. Gutom lang 'yan, Ning."

          Kinuha ko ang plate ng tempura sa harapan ko at inilapit kay Ning. Tiningnan pa niya ako saglit bago siya kumuha ng isa. Kumuha rin ako ng akin bago ibinalik sa gitna ang plato. 

          "Okay ka na ngayon, bes? Di ka na galit?" tanong ni Ning sa'kin. 

          Tumingin silang lahat sa amin. Napailing na lang ako. 

          Ngumisi si Ryujin. "Kung gusto mo balik ka do'n. Panuorin mo yung Skyscraper na kanina mo pa minamaktol."

          Matalim ko siyang tinitigan. "Ewan ko sa'yo."

          Nakakainis talaga. Sa susunod, di na ako magpapadala sa kanila. 

          "Gano'n mo ba kagusto si The Rock?" natatawang tanong pa ni Yujin.

          Wala na ako sa mood makipag-usap sa kanila kaya si Chaeryeong na ang sumagot para sa'kin.

          "Celebrity crush niya 'yon."

          Napa "ah" na lang ang dalaw sa nalaman. 

          "Gano'n pala mga type mo, gurl?" 

          Nabitin sa ere ang pagsubo ko ng udon dahil sa sinabi ni Ning. Di pa nakatulong yung malakas na tawa ni Ryujin na kulang na lang mapahiga na siya sa kinauupuan. Habang si Chae ay halatang nagpipigil lang din. Nalilito naman silang tiningnan nina Karina, Ning at Yujin. 

          "Type mo daw Winter..." sambit ni Ryujin in between her laughs. Halos maiyak na siya sa katatawa.

          Sana kabagin.

          Matagal-tagal pa bago nakarecover si Ryujin sa pagtawa. At kung hindi pa siya binulungan ni Karina, hindi pa talaga mag-aayos ng sarili. Di naman nakatakas sa mata ng mga kasama namin ang bulungang nangyari. 

          "Huy, ano 'yan? Sali kami," malisyosang sabi ni Ningning.

          Yujin's eyes squinted at the two. "Kayo ha..."

          Pinandilatan sila ni Ryujin. "Wag nga kayong ano dyan..."

          "Ano? Wag kaming ano? Ha?" 

          Kahit ako ay nakangisi na sa kanilang dalawa. Napawi nga lang ng maramdaman ko ang sakit sa binti ko. Di ko man nakita pero alam kong si Ryujin 'yon.

          Namumula na siya dahil sa pang-aasar nung dalawa. Ang bilis talaga ng karma. Parang kanina lang ako pa yung tinatawanan niya. Huh.

          "Para kayong mga ewan," sita niya sa dalawa na tinawanan lang siya.

          Okay. I found my kakampi. 

          Nag-eenjoy pa ako sa asaran nung tatlo nang dumapo ang mga mata ko kay Karina na tahimik lang sa tabi ni Ryujin, nakangiti habang nakikinig sa mga wala nang kwentang pinagsasabi nila. 

          It was the same smile she wore everyday but I felt something different about it today. Parang ano... parang may kung ano sa ngiti niya na di ko maexplain. 

          Kung ikukumpara sa mga dati nang nagustuhan ni Ryujin, wala akong makitang pagtanggi o pagkaayaw sa mukha nito. Her reactions towards my friend don't seem forced. Di rin siya nagrereklamo kahit pa nga medyo napapasobra na ang pang-aasar sa kanila.

          Nitong mga nakaraang araw, pansin ko nga na mas napapalapit na sila sa isa't isa. And Ryujin seems happier these days too. 

          Bumalik ang tingin ko sa kaibigan. Halos hindi na siya makatingin sa katabi niya dahil sa hiya. Di na nga rin makakain ng maayos si shunga at parang naiilang nang gumalaw sa tabi ni Karina. 

          Naalala ko ang tanong niya sa amin kahapon.

          "​​​​​​​​Tingin niyo, may pag-asa ako kay Karina?" 

          Paano kung mabait lang talaga siya? 

          Paano kung magaling lang siyang umarte at napipilitan lang talaga siya?

          Paano kung... pinapaasa niya lang ang friend ko?

          Hindi naman siguro.

          Sana nga hindi.

          Please lang. Ayoko na mag-alaga ng lasing at broken na Ryujin. 

          Napako ulit ang mata kay Karina pero agad rin umiwas dahil nakatingin rin pala siya sa'kin. 

          Anubayan.

          Pero teka... Bakit ako pa umiwas? Siya kaya yung nahuli kong nakatingin sa'kin... or ako ba yung nahuli niyang tumitingin sa kanya?

          Ah basta! 

          Eto kasing si Ryujin. Daming hanash sa buhay pati ako nadadamay. 


 

 

 

 

          

          Ibinigay ko kay Chaeryeong ang sketch na ginawa ko nang sandali siyang nagpahinga mula sa pagpapractice ng isang kpop dance. 

          Kaming dalawa lang ngayon dito sa bakanteng classroom, Tuesday ng hapon. Katatapos lang ng last subject namin at naisipan niyang magpractice for the audition.

          Confused pa ako kasi sabi nila impromptu ang mangyayari kaya bakit siya magpaparactice? Then I realized, si Chaeryeong nga pala 'to. Dance is never a petiks-petiks to her kahit basic na sa kanya ang ginagawa. 

          Sana lahat magaling sumayaw. Hanggang head bop lang kasi ako sa music habang pinapanood siya. Minsan ginagaya ko yung hand movements niya pero kahit 'yon wala pa rin sa kalingkingan ng galaw niya. 

          Tama talaga ang desisyon ko na hindi sumipot sa Friday. Mas okay na 'yun kaysa tumayo ako sa stage na parang hinahangin na kawayan. 

          Sinilip niya ang laman ng brown paper. Binalot ko kasi yung 1/8 na illustration kasi hindi pala siya kasya sa envelope. Kanina ko pa 'yon dala, pero di ko maibigay sa kanya kasi makikita ni Ryujin. Sinabi ko na lang na akin iyon at ipapasa ko na kay Ma'am Lazaro.

          Ngumiti ako at inabangan ang papuri niya sa'kin pero... 

          "ARAY!" daing ko at napahawak sa tagiliran. 

          Ito ba ang kapalit ng ginawa ko para sa kanya?

          Kurot?

          Bagong way ba 'to ng pasasalamat? Ba't di ako nainform?

          "Ginawa mo talaga!?" 

          Kunot-noo ko siyang binalingan. "Ayaw mo? Pinaghirapan kong gawin 'yan kahapon tapos—"

          "Loko ka ba? Joke lang kasi 'yun," mariin niyang sabi.

          "So, ayaw mo nga?" medyo may pagtatampong sambit ko.

          "Sana kasi pinangitan mo man lang..." 

          Kasalanan ko pa pala.

          "Paano ko ipapasa 'to kay Ma'am Lazaro? Eh kung ipaulit niya sa'kin 'to? Sige nga." 

          May point naman siya pero...

          "Di naman niya siguro gagawin 'yon."

          "Eh pa'no ka? Drawing din ba ipapasa mo?"

          Umiling ako. "Painting."

          Naisip ko na 'to. Syempre, mahuhuli kami kung parehong sketch ang ipapasa namin kaya dapat iba yung sa'kin. Di naman kailangan sobrang ganda e. Yung tipong sapat lang para makakuha ng magandang grade. 

          "Sabi niya hindi na siya magpapapresent sa class, di ba? Kaya okay na 'yan."

          Nakasimangot pa siya pero napangiti na rin ng tingnan ulit ang sketch ko.

          It was a picture of her na nakataas ang isang kamay, nakatalikod sa audience at sideview lang ng mukha ang kita. Her pose before the music cues. 

          "Simula," basa niya sa title na nakasulat sa hiwalay na papel kung nasaan rin ang explanation ko about the drawing. I wrote it para sana sa sharing na mangyayari sa klase but since kinansel na ni Ma'am iyon kanina, balewalain na lang sana niya.

          Tinakpan ko ng kamay ang binabasa niya dahilan para mapatingin siya sa'kin. 

          "Wag mo nang basahin." 

          "Bakit?" she chuckled cutely. "Ayaw mong marinig kakornihan mo?"

          Inirapan ko siya. "Corny nga kaya ayoko."

          "Eh ikaw naman nagsulat nito."

          "Exactly!" 

          Natawa siya nang tuluyan. 

          Tinago na niya ang sulat at pati ang sketch. Alam naman niya kung anong mangyayari kapag nalaman ni Ryujin na pinagdrawing ko siya. Maiinggit 'yon at magpapagawa rin sa'kin. At kahit gusto ko, di na kaya ng powers ko. Bukas na ang deadline at hindi ko pa nga tapos yung sa'kin. 

          Lumabas na rin kami. Alas singko na rin kasi at paniguradong hinahanap na kami nung apat. Naghiwalay kami kanina dahil gusto nga magpractice ni Chae at gusto naman kumain nung apat. 

          Actually, si Karina lang ang inaya ni Ryujin kumain sa labas pero biglang nagutom si Ning at sakto pang dumating si Yujin kaya ayun di na naman niya na-solo si Karina. 

          Tinawanan na lang namin siya ni Chaeryeong nang umalis sila na hindi maipinta ang mukha ni Ryujin.

          Sabi nila, babalikan nila kami dito campus but we told them we'll just go kung nasaan man sila. Nagtext na kanina si Ryujin na they were at the milktea shop na pinuntahan din namin nung Friday. 

          Pagpasok namin sa lugar, hinanap namin sila. Namataan ko sina Karina at Ryujin na nakaupo sa may dulo, kaharap ang tatlong babae. 

          Bakit tatlo? Sino yung isa?

          Abala pa sila sa kung anong pinag-uusapan nila nang makita kami ni Karina na papalapit. She smiled at us at agad na umusod to make space sa couch. 

          Lumingon sa amin ang tatlo pang iba. Parang tumigil ang mundo ko nang makita kung sino iyong isang kasama nila.

          Sa gulat ko, napahinto ako sa paglalakad.

          Naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng dibdib at ang pag-iinit ng mukha ko nang magtama ang mata namin at ngumiti siya sa akin. 

          "Hi Chae. Hi Winter," bati niya pa sa amin. 

          Kinailangan pa akong hilain ni Chaeryeong upang maupo sa tabi niya. 

          Natutuod na naman ako. 

          Di ako prepared!

          Ilang linggo ko na rin siyang hinahanap sa campus tapos dito lang pala kami magkikita. 

          Malikot ang mata kong tumitingin-tingin sa mga kaibigan ko. Nakuha nga lang ni Ning ang atensyon ko dahil sa nanlalaking mga mata nito at malapad ang ngisi. Tumataas-taas pa ang kilay nito habang sinaside-eye ang katabi niya — si Jia. 

          

          "Sinong tinitingnan mo dyan?" 

          Napabalikwas ako sa pagkakaupo dahil kay Ning. Hindi ko man lang napansin ang paglapit at pagtabi nito sa akin. Akala ko sumama siya kina Chae sa cafeteria. Bakit ang bilis naman niyang bumalik?

          Marahan ko siyang tinulak palayo dahil ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Alam kong close na kami pero sana wag naman masyadong literal. 

          "Wala," sagot ko. I cleared my throat and looked away.

          "Alam mo, lagi ka na lang tulala. Ganyan ka ba talaga kahit dati pa?" 

          Isa sa pinakagusto ko kay Ning ay yung pagiging prangka niya. Not in a bad way but also not in a good way. Yung tipong sakto lang na hindi magcacause ng away kahit minsan ang sarap na lang tapalan ng tape yung bibig niya. 

          And I don't know how but I actually trusted her right away kahit na bigla na lang siyang pumasok sa buhay ko dahil sa isang romance film. 

          May naisip ako. Since napapansin kong may mga friends din siya sa ibang course, baka pwede niya akong tulungan. Di ko kasi mahingan ng tulong si Chae at Ryujin. Si Chae paniguradong sesermonan lang ako no'n at si Ryujin naman masyadong busy kay Karina. Wala na akong marinig sa kanya kundi puro Karina, Karina, Karina. Kahit sa chat, Karina pa rin. 

          "Ning," tawag ko sa kanya. 

          Nakaabang lang siya sa sasabihin ko. 

          "May kakilala ka bang Jia?" 

          ​​​​​​Kumunot ang noo niya. Di ko na kailangang lokohin ang sarili ko at umasa pa na may makukuha akong info sa kanya. 

          "Sinong Jia?" tanong niya pabalik.

          Umiling na lang ako. "Nevermind."

          "Sino ba 'yun?" pilit niya.

          "Wala."

          "Eh bakit mo hinahanap?"

          "Kalimutan mo na."

          "Bakit nga?"

          Napabuntong-hininga na lang ako. "May utang kasi sa'kin 'yon," I lied.

          "Ah..." sandali siyang nag-isip. "Eh ano bang course no'n? Freshie din ba?" 

          Medyo nabuhayan ako sa tanong niya. Baka narinig na niya yung name pero di niya lang maalala.

          "Di ko sure sa course pero alam ko third year na siya ngayon."

          Nanlaki ang mata niya. "Third year!? Talagang di ko kilala 'yon Winter. Third year na pala eh. Tapos di mo pa alam course!?"

          Sabi ko nga. 

          Wala naman kasing nakalagay na course sa profile niya sa Facebook! Yung university lang ang nando'n. Grabeng pagstalk na nga ang ginagawa ko pero di kasi siya madalas magpost ng kung ano-ano kaya di ko rin talaga alam!

          "Si Yujin kaya? Baka may kakilala siyang third year na Jia ang name? Di ba may friend siyang third year din from dance club?" 

          "Ewan ko... Gusto mo tanong natin?"

          Baka si Yujin na ang sagot sa mga dalangin ko. 

          Napangiti ako nang maisip na magkikita na kami. Napansin ni Ning 'yon at di na ako tinantanan kakatanong kung utang lang ba ang habol ko kay Jia. Bakit daw ang laki ng ngiti ko eh may utang sa akin yung tao?

           "Umamin ka, wala talaga siyang utang sa'yo 'no?" ngumisi siya. "Umamin ka na, bes, I won't judge you naman!" 

​​​​​          Anong 'I won't judge you'? 

          May idea na kaya siya? Alam na ba niya?

          Bagot niya akong tiningnan. "Gurl, it's okay to say na may gusto ka sa Jia na 'yon. Di naman ako judgmental, bes. Si Yujin rin naman..."

          Anong meron kay Yujin?

          "Gosh, bes, hindi ba nadetect ng gaydar mo si Yujin?"

           Ako naman ngayon ang nagulat.

          At, oo, hindi ko talaga alam na gay rin si Yujin. Ni hindi ko man lang naramdaman na pareho pala kami. Ako nga lang yata ang walang alam kasi parang alam na ni Ryujin. 

          So ayun, napaamin na ako kay Ning. Wala na rin dahilan para i-deny ko pa na crush ko nga si Jia at na bakla ako.

          Shock lang ako ng konti sa nalaman ko kay Yujin at pati na rin sa biglaang pag-out ko kay Ning.

 

​​​​​​          Sinabi niya sa'kin kahapon na magtatanong siya kay Yujin.

          Eto na ba 'yun? Kaya ba nandito si Jia sa harap ko dahil nahanap siya ni Yujin?

          "Buti hindi kayo nadapa papunta dito? Kanina pa namin kayo pinag-uusapan eh," kinindatan ako ni Yujin. 

          So siya nga...?

          Nararamdaman ko ang pag-iinit ng tainga at mukha ko.

          Ginusto ko 'to kaya dapat panindigan ko. Pero nasaan na yung tapang na inipon ko nitong mga nakaraang buwan? Ang lakas lang ng loob kong sundan siya tapos ngayon naduduwag na naman ako.

 

          "Gusto mo bang sa Maynila ka rin magcollege?" tanong ni Mama sa kalagitnaan ng hapunan. 

          Tumigil ako sa pagsubo ng kanin at nagtatakang hinarap si Mama. Seryoso ba siya?

          Nanatili siyang tahimik habang naghihintay ng isasagot ko. Minsan lang magjoke si Mama pero mahirap i-distinguish ang joke niya sa hindi. Madalas need ko pang hintayin ang reaksyon ni Papa kasi sa amin, siya ang nakakagets sa humor ni Mama.

          Nilingon ko si Papa sa kabisera. He had the same look on his face. 

          Seryoso ba sila?

          Kasi kung oo, hindi ako tatanggi!

          "Okay lang po," tahimik kong sagot, pinipigilan ang sariling ngumiti.

          "Anong okay lang? Gusto mo do'n mag-aral?" paniniguro ni Papa.

​          Tumango ako. "Opo."

          Jusko. Wala ako sa lugar para tanggihan ang grasya, Papa. Sino bang mag-aakala na kayo pa ang magiging daan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
baeryooii
Happy 600 subs!!! Maraming maraming salamat po sa pagsuporta sa fic na 'to. At dahil dyan hindi ko 'to ighoghost. Chaur. Next update po ay baka sa comeback na. Thank you po!!! 🥰

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
540 streak #1
Kamiss
howdoyouknowmee
540 streak #2
Hello po
akkaak #3
rereading kasi miss ko na huhu take ur time po otor sobrang ganda po ng story nyo thank u po
howdoyouknowmee
540 streak #4
Press 1
ckeljera_28 #5
Chapter 10: Otor ang gandan ng story mo heheehhe tuloy mo lang po pag may time ka na hehehheh
akkaak #6
reread lang while waiting. take ur time po otor. thank u po sa story
baeryooii
#7
Hello!

Sorry for being MIA. I got accepted sa work last month kaya medyo busy (para sa ikauunlad ng Pilipinas) chz may mga ate duties rin dahil pasukan na rin ng mga kapatid ko kaya ayun... hehehe I'll try to update within this month po pero wag masyado umasa baka ma-late ulit ng ilang days 😅

Yun lang naman... I just had to explain myself dahil baka sabihin niyo ginhost ko na kayo hehe. Thank you for all your support mga bebs! Balik ako soon! 😘

- o((*^▽^*))o
akkaak #8
miss na po
leaguepro #9
♥️
akkaak #10
reread ulit habang nag iintay ng update