Remember.

Falling, Calling, Chasing.
Please Subscribe to read the full chapter

          “Nakita niyo na ba yung transferee sa kabilang section?” bungad sa amin ni Ryujin nang makapasok ito ng classroom. 

          Nalilito namin siyang tiningnan. 

          Madalas kapag late siya at pagkatapos mag-flag ceremony kasama ng ibang students na late rin, kunot noo itong papasok ng classroom at magrereklamo na mahal ng singil ng SGO sa kanila. 

          Bakit daw isang daan na yung sinisingil sa kanya eh sampu lang yung sa iba? Kailangan pa namin siyang batukan ni Chaeryeong para maalala niyang ilang araw na siyang late at laging tinatakbuhan ang officers ng SGO.

          Pero ngayon, mukhang masaya pa na nalate siya. Nakapagbayad na ba siya ng utang sa council? 

          At anong transferee ang pinagsasabi niya?

          Landi na naman ang inatupag.

          “Ang ganda nung transferee. Kasabay ko kanina paakyat.”

          “Late din?” tanong ko. 

          Umiling siya. “Galing yata sa restroom. Pero shet ang ganda!” 

          Napahampas na lang siya kay Chaeryeong dahil sa kilig. Buti na lang hindi ako ang katabi niya.

          Hindi ko na nga rin maalala kung paano ko sila naging seatmates. After ng CR incident, lapit na sila ng lapit sa akin. Tapos ngayon, katabi ko na sila. Wala naman kaming permanent seat plan. Pinaghihiwalay lang ng teachers namin yung mga maiingay pero kaming mga tahimik sa klase, okay lang magtabi-tabi. 

​​​​          Tapos ayun... napansin ko na madalas siyang magkwento about girls hanggang sa sinabi niya sa akin ang preference niya. Alam na ‘yon ni Chaeryeong since magkababata sila. 

          Di ko nga lang alam if they know about me. Hindi ko kasi masabi. At hindi pa rin naman ako sure. 

​​​​​          “Di niyo ba siya nakita kanina nung flag cem?” tanong ni Ryujin.

          “Yung matangkad ba na mahaba ang buhok?” Chaeryeong asked back. Tumango si Ryujin.

          “Ah. Oo. Nakita ko kanina.”

          Napaisip ako. May bago ba? Parang wala naman akong nakita. O dahil ba nasa bandang harap ako kaya di ko alam?

          Bakit kasi by height pa yung linya namin? High school na kaya kami!

          Di tuloy ako makarelate sa pinag-uusapan nila.

          “May jowa kaya ‘yon?” isip pa ni Ryujin.

          Ayan na naman siya.

          “Akala ko ba kay Shane ka lang?” sabi ko.

          Si Shane yung crush niyang Grade 10. One year ahead of us pero kung makalapit si Ryujin parang kaedad lang namin. 

          “Kay Shane lang naman talaga. Nagagandahan lang ako dun sa transferee. Walang malisya do’n,” sagot niya pero duda ako. Baka bukas friends na rin sila ng transferee.

​​​​​​          “Alam ba ni Shane na sa kanya ka lang?” asar ni Chaeryeong.

​​​​​          “Does it matter?” maarteng sagot ni Ryujin.

          Nope. It doesn't. 

          

          Nakalkal ko sa bag ang mga basurang papel at pinagbalatan ng candy. Nakalimutan kong maglinis ng bag kahapon. Tapos na ako sa activity na pinasagutan ng Math teacher namin kaya sinamantala ko nang lumabas. Need ko rin kasing mag-CR.

          Pagkalabas ko ng classroom, wala na naman yung basurahan namin.

          Ano ba naman school ‘to? Nagbabayad kami ng pagkadami-daming fees tapos basurahan lang di pa maprovide. Nag-aagawan pa ang bawat classroom.

         Tignan mo, nando’n na naman sa tapat ng Section A yung pulang trash bin namin. Sino na naman kayang magaling na estudyante ang humila no’n?

          Lumapit ako doon at tinapon ang basura. Walang ibang tao sa corridor kaya inisip kong ibalik sa tapat namin yung trash bin. Hawak ko na ang handle at hihilain ko na sana pabalik sa tapat namin pero biglang bumukas yung pinto ng classroom nila.

          Shemay.

          Nagtatakang tiningnan ako ng babaeng kalalabas lang ng classroom. Hawak ko pa rin yung basurahan.

          I can feel my face heating up in embarrassment habang pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa trash bin. 

          Caught in the act ba naman na nagnanakaw ng basurahan. Kahit sa amin talaga ‘yon, nakakahiya na nahuli pa niya ako. 

          Nakita ko ang hawak niyang nilukot na papel.

          Haynako.

​​​​​          Ano bang dapat gawin? Ibabalik ko ba?

          Dahan-dahan ko na lang binalik kung saan ko ‘yon kinuha at mabilis na umalis pagkatapos. I didn't look back dahil hiyang-hiya na ako. Wala naman akong ginawang masama pero... basta!

          Hanggang sa nakabalik ulit ako ng classroom after mag-CR, ramdam ko pa rin ang pagkapahiya. 

          Ayos lang sana kung kaklase ko yung nakakita sa akin e. Talagang ibang section pa?

          “Ayun siya,” bulong ni Ryujin sa amin nang mamataan ang transferee na tinutukoy niya.

          Breaktime na at nakapila na kami sa may cashier, dala ang snacks na binili namin. Sinundan namin kung saan siya nakatingin. I even squinted my eyes to see them clearly. Ang dami kasing tao.

          “Sino dyan?” tanong ko.

          “Yung matangkad na kasama nila Queenie.”

          Okay. 

​​​​          Sino si Queenie?

          Iilan lang ang kilala ko sa kabilang section. Yung iba kilala ko lang sa mukha at hindi sa pangalan. 

​​​​​          “Ayan na. Papalapit na sila...”

​​​​​          “Saan!?” pabulong kong sigaw. 

          “Ayan sa harap natin. Saan ka ba nakatingin!?” 

          My brows creased as I followed her sight for the second time. At agad nanlaki ang mga mata nang makita kung sino ang papalapit sa amin — yung babae kanina!

          Mabilis kong nilihis ang tingin at umayos na sa pagkakatayo sa linya. Tinalikuran ko na sina Ryujin at Chaeryeong. 

          Alam kong wala lang naman yung nangyari kanina at baka nga nakalimutan na rin niya pero nakakahiya pa rin. 

​​​​​​          Nakakainis na ang dami kong hiya. Pwede bang i-share ‘to kay Ryujin? Parang wala siya nito e.

          “Win, yung mahaba ang buhok,” sambit pa ni Ryujin sa likod ko. Hindi ko siya pinansin. Pero naririnig ko silang nagbubulungan ni Chaeryeong. 

​​​​​​​​​​​​​​​          Mahaba at medyo wavy na buhok...

          Matangkad...

          Maganda...

          Wait lang. Yung transferee ba...

          Unti-unti kong nilingon yung grupo ng mga babae na namimili ng pagkain, malapit sa amin. 

          Gosh. Ni hindi ko man lang naisip kanina na siya yung transferee na tinutukoy ni Ryujin. Hindi ko napansin na ngayon ko lang siya nakita dito sa school. Marami rin kasi akong hindi kilala dito kaya akala ko she's just one of those people.

          “Karina daw ang name niya.”

          I looked at my friend. “Paano mo nalaman?”

          “Narinig ko lang kanina. Apparently, everyone's talking about her. Kahit yung mga Senior High.”

          Mahina niya akong tinulak dahil umusad na ang linya. 

          Well, it's not really questionable why Ryujin and our other classmates kept talking about her in class earlier. And even the seniors. 

          Mas magtataka pa ako kung hindi siya pansinin ng mga estudyante. 

          She's definitely an eye-catcher. 

          Bulag na lang ang hindi mabibighani sa kanya.

          Ryujin nudged me on the side. Napatingin ako sa kanya. She was smirking at me. 

          “Crush mo ‘no?” 

          “Gaga,” I blurted. “Baka ikaw.”

          

​​​​​
 


 

          I clenched my fists as I made my way sa stage. Katatapos lang ni Yujin sumayaw sa kanta ni Katy Perry na “Part of Me.” It wasn't the remix version but she did amazing showcasing her dance moves. 

          Nang matapos sila tsaka ko lang narealize kung gaano ako kadehado. Ang gagaling nilang lahat. Wala akong binatbat sa pagluhod ni Ryujin, sa paghiga ni Chaeryeong, sa body rolls ni Karina at sa popping dance ni Yujin.

          Baka sa kantahan, may ibubuga pa ako e. Kahit magdamag kami ni Ning sa videokehan at pataasan kami ng score, okay lang. Pero sa sayawan... pass agad!

          Nahihiya na akong tumuloy sa stage. Tumakbo na kaya ako palabas ng audi? 

          “Go, bes!” I heard Ning yelled nang nasa stage na ako, papunta sa center.

          Malakas ang kabog ng dibdib ko habang sinusuyod ang buong audi. Dito sa stage, mukhang konti lang ang tao kasi malaki yung auditorium. Pero first time ko kasi ‘to!

          My eyes caught my friends waving at me. I pursed my lips. 

          Kitang-kita ko ang pagbulong ni Ryujin kay Karina habang nakangisi. 

          Lumipat ang tingin ko sa club members sa harap. Eunbi was signalling with her hand. She asked, mouthing if I was ready. I nodded. Agad niyang nilingon ang isa pang member na incharge sa sounds.

          The song played at napapikit na lang ako ng mariin at pinapanalangin na sana lamunin na lang ako ng lupa.

 

Harana para sa dalaga

Na kung 'di dahil sa pag-ibig ay tinalikuran ko na sana

Dalaga na balak makasama

Mula sa simula hanggang sa magsipagtunugan 'yung kampana

 

          Huli na ang lahat para tumakas pa. 

          Kahit hindi ko alam kung anong gagawin, I started moving to the beat. Getting myself into it. Mabuti na lang catchy ang kanta.

          Pwede bang i-rap ko na lang din?

 

Makasama ka na para bang tadhana

At kamatayan lamang ang nag-iisang pintuan kung wala ka

Ang tadhana, sadyang kahanga-hanga

Ibang mga babae sa mundo kinalimutan ko na para

 

          May natutunan naman ako sa mga dance videos from YouTube. Sinasabayan ko na lang rin yung beat. Iniwasan ko na lang tumingin sa mga audience. 

 

Masabi lang sa 'yo na tapos na ang panggiginaw

Ng puso kong naghihikahos 'pagka't naliligaw

Ngayon, paos na paos na sa kasisigaw

Ng iyong pangalang laos na sa kalilitaw

 

          Di ko naman kailangan kumendeng kendeng dito. Yung tipong cool lang kaya konting popping, footworks at hand movements ang ginagawa ko. Ikot here, ikot there kung may chance. 

          Medyo tanggap ko na na mukha akong tanga dito. 

 

Ngunit bakit parang maraming nakatitig sa 'tin?

At parang hindi sila sang-ayon sa pag-ibig natin

Mahal kita kahit may pagka-alanganin

'Pagka't sa 'tin, mas mukha ka pang lalaki kaysa sa 'kin (oh-woh-woh-woh)

 

          Favorite part ko na. Hindi ko na napigilan mapakanta. 

          Feeling ko lang ako si Michael Jackson. 

 

Hindi ko maipaliwanag

(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)

Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap

(Ikaw ang laging hinahanap sapagka't)

Paggising ko, ikaw ang nasa isip

Ka-date kita hanggang sa panaginip

Kasi ikaw ang iniibig ko (Ikaw lang at wala nang iba)

          

Ngunit hindi ko maipaliwanag

(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)

Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap

(Ikaw ang laging hinahanap sapagka't)

Paggising ko, ikaw ang nasa isip

Ka-date kita hanggang sa panaginip

Kasi ikaw ang iniibig ko

 

          Kahit nagpalakpakan ang mga tao after my performance, di ko magawang maging proud sa sarili ko. Nung dumaan ako sa tabi ng mga members, they conplimented me. Nahihiya akong yumuko dahil alam kong hindi naman talaga maganda yung ginawa ko. 

          Pinapawis na ang noo ko nang makabalik ako sa pwesto namin. Well ventilated naman ang lugar pero ang init ng pakiramdam ko. 

          They smiled widely at me. I frowned at them.

          “Bes, ang galing mo kanina! Promise! Nahiya si Michael Jackson sa moonwalk mo!” 

          Di ko alam kung dapat ba akong matuwa sa sinabi ni Ning o ano. 

          “Ewan ko sa’yo Ning. Bakit ka ba nandito? Hindi ka naman kasali sa audition.”

          “I’m here to support you kaya! Sino na lang magchicheer sa’yo kung wala ako?”

          “Nagcheer ka ba?”

          “Oo kaya! Sabi ko, “go bes!” di mo ba narinig?!” 

          Cheer na ‘yon?

          “Nagcheer rin kaya kami,” sabat naman ni Chaeryeong.

          Mabilis akong bumaling sa kanya. “Wag ako Chae. Di kita narinig.”

          “Huy, nagcheer nga kami. Malakas lang yung kanta kaya siguro di mo narinig,” si Yujin.

          Karina nodded. “It was during the moonwalk part.”

          Jusko naman. Trip nila yung moonwalk ko. 

          “Win, my friend, you were great kanina! Walang halong biro,” nagthumbs up pa sa’kin si Ryujin.

          Akala ko aalis na kami agad pagkatapos ko but they insisted to stay and watch the others pa. Pero ang totoo, inaabangan lang ni Ning sumayaw yung guy na nakaupo sa harap niya. Ang gwapo raw kasi. 

          I gave her a disapproving face nang tawagin na iyong lalaking tinutukoy niya. 

          I don't know if it's just me and my preference sa babae pero hindi naman kagwapuhan yung lalaking gusto ni Ningning. Mukha pang mayabang base sa kilos nito while going up sa stage. Wind intensity 12 na dito sa loob ng audi. 

          Lalo pa akong napangiwi nang magsimula na siyang sumayaw.

          “Ning,” tawag ko sa kanya. “Wala kang taste,” sabi ko nang lumingon siya.

          “Tse!” 

          Kahit dalawang upuan ang pagitan namin, hindi ‘yon naging hadlang para abutin niya ang tigiliran ko. 

          Lumayo ako at dumikit pa lalo kay Chaeryeong para di niya magawa ang binabalak niya. 

          “Porke’t wala dito si Jia...” pinanlakihan niya ako ng mata.

          Pasalamat talaga ako na wala dito si Jia at hindi niya napanood ang walang kwenta kong performance. Baka ma-turn off pa ‘yon. 

          

 

 

 

 

          Nag-aayos na ang members ng club. Tapos na ang audition pero nandito pa rin kami sa audi. Ang sabi kasi ni Yujin ipapakilala niya kami sa Ate niya. Actually, kapatid ng babaeng gusto niya. 

          Ayaw nga sana namin pero pinairal na naman ni Ryujin ang kapal ng mukha. Baka raw maisipan nilang ipasa kaming lahat sa audition. 

          Kahit sila na lang. Wala talaga akong balak maging member ng dance club. 

          I know I’m probably wasting the chance to be with Jia pero alam ko rin naman na I don't have the talent and skills to be part of the club. 

          Ang nega ko. Wala pa nga ang resulta ng audition pero kitang-kita naman kasi kung sino lang yung mga mapipili. Kapag isa ako sa nakapasok, paniguradong may daya ‘yon. 

          Besides, may iba pa sigurong paraan.

          I pouted habang iniisip, paano kung wala na palang ibang way?

          “You okay?” 

          Napaangat ako ng tingin kay Karina. Umalis ako sa pagkakasandal sa pader. 

          I nodded at her. 

          “Parang ang lalim ng iniisip mo...” tumabi siya sa’kin. 

          “Gutom lang,” sabi ko.

          “Were you thinking about the audition?”

          “Hindi.” Medyo.

          “You really did well kanina so I’m sure makakapasok ka sa club,” she smiled.

          I chuckled softly at umiling. “Hindi rin...”

          “Why not? I think there's a big chance na makakapasok tayong lahat.”

          “You think? Para kaya akong shunga kanina sa stage.”

          Inalala ko yung mga ginawa ko. Kung napanood ko lang ang sarili ko, ako pa ang tumawa. Hindi napigilan ni Karina na matawa siguro dahil naalala niya rin pero tumigil naman agad nang simangutan ko siya. 

          “Well, not everyone can do MJ’s moonwalk,” bawi niya.

          Pabiro akong umirap. “Basic.”

          Yun lang ang pinakamatino kong ginawa kanina. And for someone else to praise it, nakakaproud lang.

          “Wow. Di man lang nagpahumble.”

          Ako naman ang natawa. Paano ba magpahumble? 

          “Ikaw nga eh... Ang galing mo rin kanina,” mahinang sambit ko habang nakatingin sa kanya.

          She smiled widely as she stared back at me. Nag-iwas ako ng tingin. 

          “So, you liked it?”

          Sino bang may ayaw sa ginawa mo?

          “Oo,” I nodded. “Lahat kayo magaling actually.”

          Tinanaw ko ang mga kaibigan namin na kausap na ngayon ng ibang members. Natahimik si Karina sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya.

          She was looking at our friends din while her lips were pursed. There was a slight tint of red on her cheeks. 

          “Karina! Winter!” sigaw ni Yujin.

          Lumapit kami ni Karina sa kanila. 

          Pinakilala niya agad kami kay Eunbi, na siya palang kapatid nung crush niya. Malapad ang ngiti ng VP ng club nang magtama ang mga mata namin. Nagtaas ako ng kilay. 

          She let out a hearty laugh. “I don't know if I should say this but your performance was my favorite sa lahat,” sabi niya.

          Hilaw akong ngumiti. 

          Favorite daw... Bakit ba gustong gusto nila akong pinagtitripan? 

          “All of you did great, sa totoo lang. Nagrereklamo na nga sina Wena ang hirap daw pumili.” 

          “Pero ako yung pinakamagaling sa amin, ‘di ba, teh?” sabat ni Yujin.

          Inirapan siya ni Eunbi. “Tigilan mo ako ha. Mukha ka kayang timang kanina.”

          Awts. Tapos yung sa’kin favorite daw niya... may problema ba siya mata?

          Humagalpak si Ningning. “Gurl, wag mo nang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
baeryooii
Happy 600 subs!!! Maraming maraming salamat po sa pagsuporta sa fic na 'to. At dahil dyan hindi ko 'to ighoghost. Chaur. Next update po ay baka sa comeback na. Thank you po!!! 🥰

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
540 streak #1
Kamiss
howdoyouknowmee
540 streak #2
Hello po
akkaak #3
rereading kasi miss ko na huhu take ur time po otor sobrang ganda po ng story nyo thank u po
howdoyouknowmee
540 streak #4
Press 1
ckeljera_28 #5
Chapter 10: Otor ang gandan ng story mo heheehhe tuloy mo lang po pag may time ka na hehehheh
akkaak #6
reread lang while waiting. take ur time po otor. thank u po sa story
baeryooii
#7
Hello!

Sorry for being MIA. I got accepted sa work last month kaya medyo busy (para sa ikauunlad ng Pilipinas) chz may mga ate duties rin dahil pasukan na rin ng mga kapatid ko kaya ayun... hehehe I'll try to update within this month po pero wag masyado umasa baka ma-late ulit ng ilang days 😅

Yun lang naman... I just had to explain myself dahil baka sabihin niyo ginhost ko na kayo hehe. Thank you for all your support mga bebs! Balik ako soon! 😘

- o((*^▽^*))o
akkaak #8
miss na po
leaguepro #9
♥️
akkaak #10
reread ulit habang nag iintay ng update