Mabini.

Falling, Calling, Chasing.
Please Subscribe to read the full chapter

 

          “Okay na?” I looked at Karina na nakatayo sa kabilang dako ng sala, arms crossed habang pinagmamasdan ang bagong ayos ng living room namin. 

 

          Nasabi niya kagabi na gusto niyang iredecorate yung sala. Nagulat nga ako dahil nakabili na siya ng bagong coffee table, side cabinet at mga throw pillows. Dineliver sa bahay nitong umaga. 

 

          Hindi kami natuloy nina Kuya Baek na umuwi ng Laguna dahil nagkaproblema sa isang project nila. 

 

          Paano na lang pala kung wala ako? Edi mag-isa lang si Karina na nagtutulak at nagbubuhat ng mga gamit? 

 

          Pero sa totoo lang, ako lang talaga yung kanina pa kumikilos. Wala siyang ginawa kundi utusan ako. Chos.

 

          Bawal magreklamo. Ginusto ko naman ‘to.

 

          Hahayaan ko na lang sana siyang gawin lahat tutal idea naman niya ‘yon but when I saw her trying to pull the old cabinet aside nanghimasok na ako. Sinabi ko sa kanya na ako na yung magtutulak at i-guide na lang niya ako kung saan ko ilalagay, kung saan niya gusto. She took it too seriously at talagang hindi ako tinulungan. 

 

          Feeling ko sinasadya niyang pahirapan ako.

 

          Kanina ko pa kasi tinutulak kung saan saan yung sofa. Parang hindi siya makapagdecide kung saan niya gustong ipwesto. Nalibot na ng sofa ang bawat sulok ng living room. Hindi naman sobrang bigat pero mabigat pa rin. 

 

          “Just a little bit more to the left.”

 

          “To the left?” wala sa sariling ulit ko. Tinulak ko ng kaunti tulad ng gusto niya. “Ayan?” napathumbs-up pa ako sa kanya. Sana naman okay na ‘yan.

 

          She was pursing her lips when I looked at her. Halatang nagpipigil ng ngiti at pinipilit ikunot ang noo niya. 

 

          Ano na naman bang nakakatawa?

 

          Pansin ko lang sa tuwing mapapatingin ako sa kanya, parang lagi siyang tuwang-tuwa. 

 

          Di ko alam kung dapat na ba akong mainis kasi ginagawa na niya akong katatawanan o dapat na ba akong matakot? 

 

          “Yeah. I think it’s good.”

 

          You think?

 

          I looked around at napansin kong binalik ko lang sa dating pwesto yung sofa.

 

          Wow.

 

          I almost scoffed. Sinadya niya ba ‘to?

 

          “You look tired,” she said kaya napatingin ako sa kanya. She didn’t even try to hide her smile anymore.

 

           I frowned at her. Sinadya nga niya.

 

           Hmp.

 

           “May ipapagawa ka pa ba?”

 

           “You want more?”

 

           “Nagtatanong lang.”

 

           “Actually —”

 

           We both paused when we heard a knock on the door.             

 

           Ano? May delivery na naman?

 

           Sandali pa kaming nagkatinginan hanggang sa muling kumatok yung tao sa labas.

 

           “I’ll get it.”

 

           Tama. Ayokong humarap sa tao. Kung sino man ‘yan.

 

           Inayos ko na lang yung mga throw pillows sa sofa habang sinusundan ng tingin si Karina. 

 

           “What took you so long?!”

 

           I didn’t need to see to know who it was. Boses palang at base rin sa pagbagsak ng balikat ni Karina, kilala ko na.











 

          Nagkamali ako. Hindi lang pala si Giselle ang bisita namin ngayon dahil kasama rin niya ang Mommy ni Karina. Minsan ko lang siya nakita noon pero tandang-tanda ko pa ang itsura niya. Hindi naman sila nagkakalayo ni Karina ng mukha. 

 

          Nakakahiya lang na hindi pa ako nakakaligo at medyo pawisan pa nang dumating sila.

 

          Gusto ko na lang magpalamon sa lupa nang magtama ang tingin namin ng Mommy niya. Hindi naman ako mukhang dugyot pero kahit na! 

 

          Hindi pa nakatulong na parang galit yung nanay niya. Nakakunot kasi ang noo at tikom na tikom ang bibig habang tinitignan ang apartment. Kahit si Giselle ay parang tuod sa tabi ni Karina. She doesn’t look scared but more like apologetic. Gulat na gulat naman si Karina habang nakatingin sa ina.

 

           Di ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko lalo na nang ayain ni Karina ang Mommy niya papunta sa sala kung nasaan ako. 

 

           Buti na lang pala nakapaglinis kami kahit papaano.

 

           Bakit naman kasi may pa surprise visit ang Mommy niya? 

 

           Kapag ganitong eksena sa bahay, yung bigla na lang may darating na bisita, nagtatago na ako sa kwarto at hinahayaan na lang sina Mama mag-asikaso dun sa tao lalo na kapag hindi pa ako ligo. Kung nakapag-ayos na ako okay lang eh pero kapag hindi, bahala na sina Mama.

 

          “Do you want something to drink?” Karina asked her mom. Medyo nahimigan ko ang pagod sa boses niya. 

 

          Hindi lang pala boses. Even her eyes seemed tired as she looked at her mom. Hindi naman ‘yan ganyan kanina. 

 

          I suddenly felt weird as I continue to watch them. Parang may mali.

 

          Marahang umupo ang Mommy niya sa sofa. Her eyes still wandering around the room. 

 

          Nakatayo lang ako sa may gilid ng sofa, parang malalagutan ng hininga sa bawat kilos ng bisita. Giselle quietly stood beside me with a small smile on her face. May gana pa talaga siyang ngumiti sa sitwasyon nila ngayon ha. 

 

          I don’t exactly know what’s going on pero mukhang may importanteng bagay silang need pag-usapan. At base sa itsura niya kanina, parang alam niya na mapapagalitan pa sila. Kung nahuli siya, edi lagot siya? Madamay pa ako.

 

           “I’m fine. I just need to talk to you.”

 

           Malumanay ang boses ng Mommy niya. Malayo sa inaasahan ko pero who knows. Si Mama nga kapag galit pero may ibang tao, nagagawa niya pa rin magpigil. 

 

           Nanlamig ako nang dumapo sa akin ang mapanuri niyang mata. I straightened up at sinubukan ngumiti. 

 

          Jusko! Yung kaba ko!

 

          She smiled back kaya gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko.

 

          Okay. Mukhang hindi nga siya galit.

 

          Hinanap ng mga mata ko si Karina. She was standing hindi kalayuan sa amin ni Giselle at pabalik-balik ang tingin sa akin at sa Mommy niya. Namumula rin ang bandang leeg niya. 

 

          “Mom, si Winter pala. Housemate ko,” bigla niyang pagpapakilala sa akin.

 

          Ano ba ‘yan! Bakit ba lagi silang nambibigla?

 

          “H-hello po.”

 

          Her mom chuckled lightly. “Ah. I know her. I thought she looked familiar kanina. Siya pala talaga,” malapad ang ngiti niya sa akin. “You’re Winona’s daughter, right?” 

 

          Naalala pa niya si Mama. Pati na rin ako.

 

          “Opo.”

 

          “Good to see you here, Winter.”

 

          “Nice to see you here din po, Ma’am.”

 

          “You know her na po pala Tita?” Giselle commented which got everyone’s attention. May malapad na ngisi sa kanyang labi. “Friend po pala kayo ng Mom niya?”

 

          Karina was already eyeing me curiously. Nagulat ata siya na magkakilala kami ng Mommy niya. Pareho lang naman kami. Di ko rin inasahan na makikilala niya ako.

 

          Akala yata ni Giselle na madidistract niya si Ma’am Karmina. Pinigilan ko na lang matawa nang pagsabihan siya nito na wag nang subukan baguhin ang topic.

 

          She then asked Karina if they could talk in private so the latter led them to her room, excusing themselves. 

 

          Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok na sina Karina at Mommy niya sa kwarto. Hindi sumunod si Giselle sa kanila. 

 

          “Hindi ka ba sasama sa kanila?” tanong ko sa kanya. 

 

          Lumaki ang mata niya at mabilis na umiling. “No. Why would I?”

 

          Wala. Akala ko lang kasama ka sa magaguidance office.

 

          Wala pang isang minuto nang bumukas muli ang pinto. Sabay kaming napatingin kay Karina. Her eyes immediately darted to her friend beside me.

 

           “Gi,” she called and signalled her to come. 

 

           Kitang-kita ko ang pag-ayaw niya kaya tuluyan nang lumabas si Karina and tried to drag her friend inside. 

 

           Nagpumiglas siya. “Walang kasama si Winter.”

 

           Dinahilan pa ako.

 

           Karina looked at me and parang nagdalawang isip na dahil sa sinabi ni Giselle kaya agad akong sumagot. The latter was already smiling thinking she was safe pero… 

 

           “Okay lang. Sa kwarto na lang rin muna ako.”

 

           Nawala ang ngiti ni Giselle at napalitan ng matalim na tingin. 

 

           Goodluck sa kanila.

 

           Heh.

 

           Goodluck rin sa akin mamaya. 











 

          Hindi na ako lumabas ng kwarto for the next few hours hanggang sa narinig ko na ang malakas na boses ni Giselle. I can also hear Karina’s Mom bidding them goodbye and I thought I should too. 

 

          Wala naman na siyang ibang sinabi sa akin bukod sa ikumusta ko daw siya kay Mama. Parang close talaga sila ah. Minsan lang naman sila nagkita ni Mama, tuwing magpipick-up lang ng orders. But I guess ganun talaga ang mga nanay.

 

          Hinatid ni Karina ang nanay niya sa labas kaya naiwan na naman kami ni Giselle. Napahawak pa siya sa braso ko at malalim na bumuntong-hininga. 

 

          “Gosh. Ang hirap mag-alaga ng bestfriend,” she muttered helplessly and I’m curious. Ano bang nangyari? 

 

           Napatingin ako sa kanya. I didn’t know she was also staring at me kaya nung nagtama ang mga mata namin, umiwas kaagad ako. 

 

          “Gusto mo ng tubig?” pang-aalok ko at bahagya nang lumayo sa kanya.

 

          “Do you have coffee?” 

 

          “Instant coffee lang meron. Okay lang ba?”

 

          “As long as it’s coffee.”

 

          Basta kape. Okay.

 

          Past one na pala ng hapon. Hindi pa kami nananghalian. Hindi ko rin naman naramdaman yung gutom kanina. Ngayon lang nung naalala kong hindi pa kami kumakain. 

 

          Naupo si Giselle sa upuan sa harap ng lamesa. Ramdam ko ang pagtitig niya sa likod ko habang nagtitimpla ng kape niya.

 

          Ang tagal naman bumalik ni Karina.

 

          I saw her smirk nang ibaba ko na ang kape sa harap niya. Mabilis akong tumalikod ulit para magtingin naman ng pwedeng lutuin. 

 

          “What are you doing?” tanong niya nang buksan ko ang ref.

 

          “Magluluto sana.”

 

          “Oh. No need. Nag-order na si Rina kanina. Gutom ka na ba?”

 

          Ah. Nag-order na pala. “Hindi pa naman. Baka lang kasi gutom na kayo kaya magluluto na sana ako…” sinarado ko na ang ref. 

 

          Hindi pa ba siya babalik?

 

          Yung tinginan kasi nitong bestfriend niya parang may binabalak eh. Tapos naalala ko pa yung kanina… baka kung anong gawin nito sa akin.

 

          “So, you’re the one who cooks for the both of you?”

 

          Ayan. Nagsisimula na siyang magtanong. Nasaan ba kasi yung friend nito? Napakatagal bumalik.

 

          “Hindi. Minsan ako. Minsan si Karina.”

 

          “Oh?”

 

          Oo nga. 

 

          Tinitigan pa niya ako na parang may mali akong nasabi. At maya-maya ay sumilay ang mapanlokong ngiti. She sipped on her coffee, flicking her pinky finger out. 

 

          “Talaga?” her brows shot up in amusement. Nalilito na ako. “Okay, so, what else does she do around here?”

 

           Huh?

 

           Narinig ko ang pag-ikot ng door knob at mabilis pa sa alas kwatro akong napatingin sa kapapasok lang na si Karina. May hawak siyang brown bag na may mukha nung pulang bubuyog. I can smell chickenjoy. 

 

           “Ah, she’s here. Nevermind what I said earlier, Winter.”

 

           Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Karina habang papalapit. Binaba niya ang pagkain sa lamesa. 

 

           “What were you guys talking about?” she asked, eyes on me. 

 

           Mukhang okay naman na siya ngayon compared kanina. 

 

           Giselle shrugged. “Winter told me an interesting trivia.”

 

           Ako daw eh. Imbento ka.

 

           Nagtatakang nilingon muli ako ni Karina.

 

           Kinuha ko na lang ang brown bag at nilabas yung mga chicken meals. Spicy chicken. Alam ko dahil naamoy ko yung chili.

 

           “Anyway, what’s your plan?” pagiiba ni Giselle ng topic. And I know it has nothing to do with me pero pati ako kinabahan sa tanong niya. I don’t even know the context behind it pero alam kong may kinalaman yung nangyari kanina. 

 

           Curious tuloy ako sa kung anong meron. They look like they were in big trouble earlier. Ayaw pa ni Giselle sumama kanina sa kwarto. 

 

           Hindi ko sila nilingon. I don’t want them to think na interisado ako sa pinag-uusapan nila. Pagkatapos kong ayusin yung brown bag sa tabi, kumuha naman ako ng mga baso at ng tubig sa ref.

 

           “Talk to them,” sagot ni Karina sa mababang boses. 

 

           Muntik ko nang matapon yung tubig dahil sa pagkatipid na sagot niya. Hindi naman nila napansin dahil mukhang problemado na silang dalawa.

 

           “And if they… you know…”

 

           The filter.

 

           At least, aware sila na nandito ako.

 

           I took a very quick glance at Karina and immediately regretted it.

 

           Suddenly napakainteresting ng pitsel. Pink pala yung takip nito. 

 

           “If they want to talk then I’ll give them that. I already made myself clear kay Mommy kanina and I won’t change my mind,” she said. I could feel her staring at me. Tumalikod na ako para ibalik yung pitcher sa ref. “If anything goes wrong, nandyan ka naman.”

 

           Bahagyang umubo si Giselle kaya pati ako napatingin sa kanya. “You’re referring to me, right?” 

 

           Hindi sumagot si Karina. Bumalik na ako at medyo nalito pa kung saan ako uupo — sa tabi ba ni Karina o ni Giselle. In the end, I settled sa tabi ni Karina.

 

           “Malay ko ba. Sa iba ka nakatingin eh,” Giselle mutterred.

 

           Wala nang nagsalita after that though ramdam ko ang paminsan-minsan na pagsulyap sa akin ni Giselle habang kumakain. Karina was quiet than usual. 

 

           “You know what, we should hang out sometimes,” sambit ni Giselle. She was particularly eyeing me as she spoke then she smiled. “Not sure if you remember but we saw each other sa mall last week. You were with someone…” 

 

           I felt it coming. Yung pagtingin tingin palang niya alam ko nang may gusto siyang sabihin eh. 

 

           Yun pa man din yung ayaw ko nang maalala.

 

           Ngumiti na lang ako at tumango. “Oo.”

 

           “Oo?” ulit niya, looking at me with disbelief.

 

           Karina laughed beside me kaya siya naman ang sinamaan ng tingin ng kaibigan niya. 

 

           Ito na naman yung mga exchange glances nila. 

 

           Kumain na lang ako. Malapit na akong matapos pero kalahati palang sila. Naitabi ko na naman yung balat ng manok. 

 

           Pasimple kong tiningnan yung pagkain ni Karina. Meron pa naman balat yung chicken niya pero hindi niya rin ginagalaw yung laman.

 

           “Alright. I’ll stop prying na,” Giselle sighed defeatedly but rolled her eyes at her friend. 

 

           “Just don’t mind her,” Karina whispered to me as if hindi ko pa ginagawa yun? 

 

           I nodded at tinuro yung balat ng fried chicken. “Gusto mo?”

 

           Shet. 

 

           Gusto ko lang naman mag-offer kasi sabi ni Giselle paborito niya ‘to pero bakit ngayon parang ayaw niya?

 

           Nakatingin lang siya sa akin na parang may nasabi akong mali at gulat na gulat siya. Parang bigla siyang nawawalan ng sasabihin?

 

           Bakit ba ganyan na lang lagi ang reaksyon niya?

 

           Ngayon lang ba siya nakaranas na bigyan ng balat ng manok? 

 

           Pati yung pag-offer ko kanina na tulungan siyang mag-ayos ng sala. 

 

           Sa lahat ng ginagawa ko actually ganyan siya. Ayaw ba niyang tinutulungan ko siya? Pwede naman niyang sabihin kung ayaw niya. 

 

           “A-ayaw mo?”

 

           “Uhm, ikaw ba? You always put them aside… hindi ka ba mahilig sa chicken skin?”

 

           Mahilig. Pero keri lang. Kawawa naman yung manok niya. Wala halos bawas yung laman.

 

           “Hindi masyado.”

 

           “Are you sure?”

 

           Mabilis akong tumango at tinulak papunta sa kanya yung lalagyan. Hindi naman na siya tumanggi at nahihiya pang nagpasalamat. It was almost inaudible but I heard it. 

 

           Umangat ang tingin ko kay Giselle na kanina pa tahimik. She’s smirking again as she sips on her coffee. Hindi pa pala niya ubos ‘yon?

 

           “Kaya pala hindi hiningi yung sa ‘kin, may hinihintay na mag-offer — Ouch!”

 

           Hindi naman na nagtagal si Giselle sa bahay. Akala ko pa man din magstay siya hanggang dinner. Pagkatapos kasi ng lunch, kumportable na siyang pumirmi sa living room. She even said she likes the new look ng sala namin compared sa dati. Natuwa ako syempre. I did all the work — the hard work. Hmp. 

 

           Bago siya umalis, hiningi pa niya number ko at kung pwede daw i-accept ko na yung friend request niya sa FB. Di ko alam na nag-FR pala siya. Alanganin ko pang ibigay ang number ko pero sabi niya for emergency purposes daw. 

 

           Pinaalala pa niya yung hang out na sinabi niya kanina na hindi ko daw pinansin. 

 

           “I’ll set a date for us.”

 

           “Date?”

 

           “Not really a date, more like a get together. Bring your friends.”

 

            Jusko.











 

          It was an unusual sight. 

 

          Well, not really.

 

          Lagi kong naabutan si Kuya na nag-iinom mag-isa sa kusina dati kapag nagigising ako ng hatinggabi. 

 

          To see someone drinking alone is not really a rare sight to me. But seeing Karina alone with a beer on hand, now that’s something. 

 

          Wala naman talaga akong alam tungkol sa kanya so yung mga ganitong bagay about her, bago lahat sa akin ito. 

 

          I know a few about her but those are just generic information from people who weren’t really that close to her, people who doesn’t r

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
baeryooii
Happy 600 subs!!! Maraming maraming salamat po sa pagsuporta sa fic na 'to. At dahil dyan hindi ko 'to ighoghost. Chaur. Next update po ay baka sa comeback na. Thank you po!!! 🥰

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
540 streak #1
Kamiss
howdoyouknowmee
540 streak #2
Hello po
akkaak #3
rereading kasi miss ko na huhu take ur time po otor sobrang ganda po ng story nyo thank u po
howdoyouknowmee
540 streak #4
Press 1
ckeljera_28 #5
Chapter 10: Otor ang gandan ng story mo heheehhe tuloy mo lang po pag may time ka na hehehheh
akkaak #6
reread lang while waiting. take ur time po otor. thank u po sa story
baeryooii
#7
Hello!

Sorry for being MIA. I got accepted sa work last month kaya medyo busy (para sa ikauunlad ng Pilipinas) chz may mga ate duties rin dahil pasukan na rin ng mga kapatid ko kaya ayun... hehehe I'll try to update within this month po pero wag masyado umasa baka ma-late ulit ng ilang days 😅

Yun lang naman... I just had to explain myself dahil baka sabihin niyo ginhost ko na kayo hehe. Thank you for all your support mga bebs! Balik ako soon! 😘

- o((*^▽^*))o
akkaak #8
miss na po
leaguepro #9
♥️
akkaak #10
reread ulit habang nag iintay ng update