Good morning.

Falling, Calling, Chasing.
Please Subscribe to read the full chapter

 

          Nang sabihin sa'kin ni Mama na palalayasin na niya ako sa bahay, pumayag na ako agad kasi new environment means new beginnings. Gusto kong ma-experience mabuhay mag-isa. You know, as an independent adult.

          Nag-aalinlangan pa sina Mama at Papa kasi baka raw hindi ko kayanin. And to be honest, worried rin ako for myself pero walang mangyayari kung hindi ko susubukan. 

          Hindi ko alam kung matatawa ako sa parents ko o ano. Kasi naman, sasabihin nilang 'wag na lang kaya' pero nakahanap na pala sila ng boarding house para sa akin.

          Now I know kung saan ko nakuha pagiging indecisive ko minsan. It runs in the blood pala.

          Kaya ngayon hindi ko alam kung sasabihin ko ba na ayaw ko sa boarding house. Baka hindi na nila ako paalisin pag sinabi ko 'yon. Gusto kong umalis pero gusto ko may sarili akong space. Apartment gano'n. Kahit shared. Basta hindi sa boarding house.

          Pag shared apartment kasi, dalawa o tatlo o apat lang kami. May privacy. Hindi tulad sa boarding house na kama lang ang personal space ko. Jusko.

          Bukod sa privacy, ayoko rin kasi sa maraming tao. Naaalibadbaran ako. No offense sa mga tao ha, ganito lang talaga ako. Para kasi akong malalagutan ng hininga pag maraming tao sa paligid ko. Feeling ko kinukuha nila lahat ng oxygen sa hangin kaya wala na akong mahinga.

          Sa tingin ko, valid naman ang reasons ko. Kaya nang sabihin ko sa parents ko, pumayag naman sila. Naks. Perks of being the magandang bunso. Walang pilitan na nangyari, oo agad.

          Ayos na ang lahat. Nakahanap rin naman agad kami ng apartment. Dalawa lang daw kaming magsheshare do'n kasi maliit lang. Kakilala ni Papa ang may-ari kaya mabilis ang negosasyon. 

          Nakapag-enroll na rin ako online. Luluwas na kami ni Papa para maayos na lahat sa university at para makita na rin niya yung apartment. Isang buwan pa naman bago ang pasukan pero excited na akong pumasok. Ngayon na lang ulit ako na-excite pumasok. Nung Grade 1 pa kasi yung huli. 

          Nag-iingay na ang mga kaibigan ko sa group chat namin. Nagtatanungan na sila kung saan papasok. Syempre dahil mabait akong friend, hindi ko muna sasabihin sa kanila na sa ibang lugar ako magcocollege. 

          Wala naman kaming napag-usapan na sama-sama kami sa iisang university. Hindi nga namin napag-usapan na magcollege kami or kung anong course gusto namin i-take. As in wala. Para kaming mga walang plano sa buhay hanggang makagraduate ng senior high school. 

          Nang magsubmit nga ako ng form online, di ko pa sure kung business ad or engineering kukunin ko. Nag-eenie-meenie-miney-mo pa ako. Engineering nga tumapat daliri ko pero business ad kinuha ko. O diba? Wala rin kwenta pagkanta ko. 

Winter & Friends 

Baccla 1: Wala pa akong maisip na course. 

Panaloter: Wala ka naman talagang isip.

Upuan: Saan ba tayo papasok?

              Di pa nga natin alam kung saan tayo mag-eenroll. Pero tanong ko lang kung mag-aaral pa ba tayo?

Panaloter: Kayo lang hoy. Wag niyo ako idamay.

Baccla 1: Bakit iba na nickname mo? 

Panaloter: 'Yan pa talaga inuna mo

                    Mag-enroll na kayo.

Upuan: Enrolled ka na ba Win?

Panaloter: Ewan

Baccla 1: Iniwan mo kami

                 Saan ka nag-enroll?

                 Sumagot ka hoyyy

Upuan: Akala ko ba walang iwanan? Bakit nauna ka nang mag-enroll?

Panaloter: Sinabi ko bang enrolled na ako?

Upuan: Yung ewan mo means yes eh

Baccla 1: Saan ka nga nag-enroll? At anong course? Bakit di mo sinabi sa amin???

Panaloter: Sabi nila Mama sa Maynila daw ako mag-aaral

Baccla 1: Sama kami

Upuan: Oo nga

Panaloter: Para kayong shunga

Baccla 1: Anong school ba?

Upuan: Sasabihin ko na kay Mama na Maynila rin ako

Panaloter: HOY

Baccla 1: Ako rin

Panaloter: Bahala kayo dyan

Upuan: School mo Win saan?? Pati course

Panaloter: Ewan ko di ko alam

Baccla 1: Sabihin mo na magpapaalam na ako e!

Panaloter: Bakit kasi kailangan sama-sama tayo? 

Upuan: Para masaya!

Panaloter: Hindi ako masaya

Baccla 1: You think we care?

Upuan: HAHAHAHAHAHAHAHA

Panaloter: Hindi ko sasabihin kung anong university

Upuan: Chat ko si Tita

 

          At ayun nga, wala na akong nagawa. Pagbaba ko kasi kay Mama, nasabi na niya lahat lahat sa mga kaibigan ko. Ang bilis rin talaga ng dalawang 'yon e. It's two against one. Lugi ako.

          Dahil wala akong choice kundi makasama sa school ang dalawang kolokoy, hinayaan ko na lang din. Basta ba hindi ko sila kasama sa iisang apartment. Gusto kong pasalamatan ang Tita ni Chaeryeong na manager ng girls' dormitory kasi doon daw sila titirang dalawa. Tinanong pa ako kung may nahanap na akong dorm or boarding, um-oo na lang ako. 

          Hindi naman nila ako pinilit pa na sumama sa kanila sa dorm. Okay na daw na gano'n ang set up para di kami lagi magkakasamang tatlo. Nakakasawa rin daw kasi.

          Mga shunga talaga.

          Pagkatapos nilang mag-enroll sa same school at same course din, sasabihin nilang nakakasawang kami lagi magkakasama. Parang ako pa pumilit sa kanilang sumama sa akin ah.

          My eyes wandered around the apartment. Nandito kami ni Papa ngayon para i-check. Two weeks na lang pasukan na. Next week ako lilipat dito. Next week rin ang lipat ni Chaeryeong at Ryujin sa dorm. 

          Malapit lang ang dorm nila sa apartment. Mga 15 minutes ride lang. Badtrip. Kung maisipan nilang puntahan ako, makakarating agad sila. Pero sana hindi nila maisip 'yon. 

          Dalawa ang kwarto. Isa sa akin at sa roommate ko. Shared ang living room, dining, kitchen, at bathroom. Syempre pati bills sa kuryente at tubig shared din. Hiwalay naman ang rent. Wala naman problema sa apartment. Akala ko nga studio type lang na may bunk bed pero may kwarto pala. Lalo tuloy akong na-excite lumipat. 

          "Saan ba ang school mo, neng?" tanong ni Mang Roy nang matapos na ang pagcheck namin sa apartment. Si Papa na ang sumagot para sa akin habang tahimik akong naglalakad sa tabi niya.

          "Aba! Same school pala kayo ng kasama mo e," madaldal pala itong si Mang Roy.

          Kanina nabanggit niya na nagpunta na raw dito ang makakasama ko sa bahay. Of course, babae. Kung lalaki 'yon, baka sumama na ako kina Ryujin sa dorm. 

​​​          "​​​​​​​​​Ayos naman pala. May kaibigan ka na agad sa university bukod kay Chaeryeong at Ryujin," natawa si Papa.

          Ilang araw ko na kasing nirereklamo sa kanila ang dalawang kaibigan ko. Pinagalitan ko pa nga si Mama kasi sinabi niya do'n sa dalawa ang plano ko.

          Sabi ni Mang Roy, sa makalawa na agad lilipat ang roommate ko. Ang bilis naman. Kung excited ako, mas excited pa ata 'yon. 

 

 

 

 

          "Wala ka na bang nakalimutan?" Si Kuya ang kasama kong maglipat ngayon. Kailangan kasing lumuwas ng parents namin para sa trabaho. Last minute na nagsabi ang boss nila. Hmp. 

          Binaba niya ang pangatlong box ng mga gamit ko. Siya talaga nagbuhat ng mga 'yon papasok sa kwarto ko at ako naman sa dalawang maleta ko. Nagreklamo pa siya bakit daw ang dami kong dala pwede naman dito ko na lang bilhin yung ibang kailangan ko. Mas mura kaya bilihin do'n sa amin. Mas tipid kung bumili na ako agad bago lumipat. Besides, may tagabuhat naman ako hehehe.

          Wala ang roommate ko ngayon. Sabi ni Aling

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
baeryooii
Happy 600 subs!!! Maraming maraming salamat po sa pagsuporta sa fic na 'to. At dahil dyan hindi ko 'to ighoghost. Chaur. Next update po ay baka sa comeback na. Thank you po!!! 🥰

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
540 streak #1
Kamiss
howdoyouknowmee
540 streak #2
Hello po
akkaak #3
rereading kasi miss ko na huhu take ur time po otor sobrang ganda po ng story nyo thank u po
howdoyouknowmee
540 streak #4
Press 1
ckeljera_28 #5
Chapter 10: Otor ang gandan ng story mo heheehhe tuloy mo lang po pag may time ka na hehehheh
akkaak #6
reread lang while waiting. take ur time po otor. thank u po sa story
baeryooii
#7
Hello!

Sorry for being MIA. I got accepted sa work last month kaya medyo busy (para sa ikauunlad ng Pilipinas) chz may mga ate duties rin dahil pasukan na rin ng mga kapatid ko kaya ayun... hehehe I'll try to update within this month po pero wag masyado umasa baka ma-late ulit ng ilang days 😅

Yun lang naman... I just had to explain myself dahil baka sabihin niyo ginhost ko na kayo hehe. Thank you for all your support mga bebs! Balik ako soon! 😘

- o((*^▽^*))o
akkaak #8
miss na po
leaguepro #9
♥️
akkaak #10
reread ulit habang nag iintay ng update