Chapter 7: Garlic Bread

Plus One
Please Subscribe to read the full chapter

Nang madrop-off na lahat ng ibang kasama namin (including Hyunjin, thank God), dumiretso na ang driver papunta sa bahay nina Jimin.

 

Actually, to say 'bahay' is an understatement. 

 

Have you ever seen houses na nasa tuktok ng hills, tapos sobrang laki at sosy nila tignan? Yung mga bahay na complete with a patio, backyard swimming pool, may third floor…

 

May balcony na malaki, at parang may tea set pa akong nasisilip doon sa coffee table na nasa far right side nito.

 

Yung buong paligid, may flowers of different kind. And now that I've actually looked around, meron pa silang green house, kung saan may nakikita akong mas maganda pang mga halaman.

 

We might as well call it a mansion. Who are we kidding? 

 

Given na mayaman ang pamilya ni Jimin at ang mga tatay na pinanggalingan nila, of course it's inevitable na they would have a house this enormous.

 

"We're here." Sabi ni Jimin, dali daling pinindot ang doorbell nang makarating kami sa porch.

 

Ang lawak rin ng porch nila; may dalawang reclined na upuan, isa on one side ng pintuan. Each of them, mayroong maliit na table sa tabi. Yung isa, puro fashion magazines yung nasa taas ng mesa. Yung sa kabila naman, may empty wine glass.

 

"Sorry pala sa kalat…" Bulong ni Jimin nang mapansin niya na nakatingin ako. Kinuha niya ang glass, para na rin siguro dalhin sa loob. "Hay, si Joohyun talaga hindi napapansin pag nag iiwan siya ng mga gamit."

 

Bumukas ang pintuan ng mansiones. Si Joohyun ang bumati sa amin.

 

"Kuya manong, thank you po and have a great night." Kahit na malakas ang pagkakasabi ni Ms. Joohyun, hindi ko naramdaman na pasigaw itong sinabi. 

 

Narinig ito ni kuya manong at nag simula nang mag drive palabas ng gate. Nakita ko rin na siya na ang nagsara ng gate pagkalabas.

 

Naisip ko lang… Wala silang kasambahay sa bahay nila dito?

 

Alam ko kasi, based sa mga IG story ni Jimin, may mga kasambahay sila sa ibang lugar. Siguro dito wala?

 

Sila rin kaya nagpapatubo ng mga halaman dito? Kasi if yes, ang sipag at tiyaga naman nilang magkakapatid.

 

Nawala na 'to sa isip ko nung inaya na akong pumasok ni Jimin. Inabot ni Ms. Joohyun sa amin ang spray bottle ng alcohol na nakaready sa table sa loob.

 

Hindi nag-uusap si Jimin at Ms. Joohyun. Casual lang na nagbukasan sila ng pinto, at parang bumalik na ulit sila sa sarili nilang buhay.

 

Sa laki ng bahay nila, parang lobby tuloy ang itsura ng unang area na napasukan namin matapos malampasan ang pinto.

 

Maraming portraits ang nakasabit sa wall. They're all carefully lined up para it doesn't look too crowded, pero it doesn't give the wall blank spaces.

 

Iisa lamang ang family portrait na meron sila. As expected, yung matriarch at mga anak lang ang nasa larawan. Bata pa tignan si Jimin dito, so I'm sure it was probably the last time they were all free from their busy schedules at nagtipon tipon.

 

"Wait ka muna sa living room." Sabi ni Jimin sa akin. "Sundan mo lang si Joohyun, kasi for sure nanonood siya ng TV."

 

"Saan ka pupunta?" Tanong ko. I worried if I sounded too weak and clingy. In reality, ayoko lang naman mawala sa laki ng bahay na ito.

 

Namula nang onti ang mukha ni Jimin. Ngayon ko lang narealize na yung pamumula niya kanina nang makilala niya si mommy ay talagang pagiging flustered niya.

 

"Maglilinis muna ako ng kwarto…" Nahihiya niyang sinabi. I never expected na she can be this timid. "I'll fetch you from the living room naman after, then you can shower and change clothes na."

 

Tumango ako, at agad na sinundan si Joohyun bago pa ako malito sa dami ng rooms na nasa first floor.

 

---

 

It was… awkward.

 

Ang tagal matapos ni Jimin sa pag-aayos ng kwarto, kaya naman ang tagal na rin naming naka upo ni Ms. Joohyun at opposite facing sofas.

 

Nanonood siya ng rom-com na movie. Hindi ko pa 'to napapanood, pero si Toni Gonzaga yung leading lady so I'm sure na maganda 'to.

 

Umiinom si Ms. Joohyun ng red wine. It was her nightly dose daw, sabi niya kanina nang inalok niya ako kung gusto ko daw ba. I saw her pouring this serving kanina, right after niyang lumagok nung natitira na nasa glass.

 

Ilang 'doses' ba ang kailangan mo every night? 

 

Saglit siyang lumingon sa akin para tignan ako. Hindi ako makagalaw, kasi feeling ko isang maling movement ko lang, baka kung ano sabihin niya.

 

Jurassic Park yarn?

 

"So," Sabi niya. Inikot niya ang wine from inside the glass. "Ano ka ni Jimin?"

 

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Tama ba na friends kami..? I mean, si Jimin na mismo nagsasabi sa akin tuwing nag uusap kami, pero hindi ko alam kung may karapatan ba akong sabihin yun sa kapatid niya.

 

Kung sinabi ko naman na groupmate niya lang ako, baka isipin ni Ms. Joohyun na hindi pa deserve ng isang slapsoil na tulad ko makaapak sa loob ng mansion nila.

 

Friend it is, noh?

 

"Friends po kami…" Sabi ko, at nasimulan ko nanaman mafeel na manliit. 

 

Pakiramdam ko, lagi akong manliliit as long as napapaligiran ako ng mga kakilala ni Jimin. I'm simply not on the same level as her in terms of status and recognition.

 

Tumaas lang ang kilay ni Ms. Joohyun.

 

"Friends, huh." 

 

Uminom siya muli sa glass niya. Bumalik na naman kami sa awkward silence.

 

Naisip ko na magpa-good shot sa kanya. Baka isipin niya na ako yung snob kasi sino ba naman ako para hindi na mag-reply sa isang sikat at elitista na tulad ni Bae Joohyun?

 

"Um… Minjeong po pala pangalan ko." Sabi ko. "Kim Minjeong."

 

"Okay." Tumugon siya, agad agad. "Family friend from tito's side?"

 

"A-Ah, hindi po…" Sabi ko. Do they know so little lang about each other's personal lives? "Ka-school po."

 

"Tsk." Sabi ni Ms. Joohyun, shaking her head habang inilapag niya ang wine glass niya sa mesang kaharap niya. Pinause rin niya yung movie from the TV (uy, Starting Over Again pala 'to!), at umupo nang maayos para humarap sa akin.

 

"Thomasian ka pala kung ganun." Sabi niya. 

 

Here we go again, with the accusations and allegations. Oo na, ghosters na mga taga UST. Pero hindi ako ganun kasi wala pa ngang nagkakagusto sakin ever in my life eh.

 

Nakakakaba naman 'to. 

 

Jimin may itatagal ka pa ba!?

 

"What's your course?" Tanong niya.

 

"Communication po." Sagot ko.

 

She's just nodding to herself, na parang may inaassess siya about me.

 

"Third year ka rin, I'm assuming?" 

 

I nodded. 

 

! Disrespectful ba kung tumango lang ako? Siguro dapat ko siyang sagutin verbally. Am I thinking too much?

 

"Hey, don't panic." Sabi niya, at nag giggle siya nang onti. "Inaask ko lang to break the tension here. Ang tagal ni Jimin, eh." 

 

We both laughed at that. At least hindi ako nag-iisa between us na naiinip na maghintay kay Jimin.

 

Nakarinig kami ng footsteps na papalapit sa living room. 

 

Hay, sa wakas. Si Jimin na 'to.

 

Lumingon ako, only to see someone unfamiliar. They were wearing a robe, tapos nakatali yung buhok niya into a messy bun. 

 

Napatingin din siya sakin, probably thinking the same thing na I'm unfamiliar. May isa pa ba silang kapatid na hindi ko pa nakikita online?

 

"Ah, Seulgi, this one's Minjeong." Sabi ni Ms. Joohyun. Tumayo siya para yakapin ang bagong-gising na 'Seulgi', at inaya sa sofa na inuupuan niya. "Nagising ka ba?"

 

"Wala ka sa kwarto…" Sabi niya. What the… Mag-jowa ba 'to? Sensing something a little fruity.

 

Hinawi ni Ms. Joohyun yung loose strands ng hair ni Mx. Seulgi. "Sorry na, nagtext kasi sakin kanina si Jimin, pauwi na daw sila. So naghintay ako dito sa baba para pagbuksan sila." 

 

Naka-pou

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zekrom
erratum;; gentle reminder that some events in this story are inspired by personal experiences kaya naggather pa muna ako ng holiday experiences ahskshs sorry it took some time </3 mwaps to all

Comments

You must be logged in to comment
aligathuff #1
Chapter 1: rereading kasi miss ko na silaaa
dalki_cy
#2
Chapter 14: Wala na ako masabi :< Binasa ko pa din 'to even though last yr pa yung latest update. Stoko maiyak dahil for sure mamimiss ko to. Tor, hope ur doing well. :> baik ka na cutiiee
aligathuff #3
Chapter 14: HUHUHUUHU NABITIN AKO DON THANK U PO DUTO SUPER GANDAAA
aligathuff #4
Chapter 1: grabe sobrang realistic ni minjeong dito huhu shes just like me FR!
Jung_SooyeonBD
#5
Chapter 6: this is AMAZING
Giv_d_moomoo
#6
Chapter 14: Sana magupdate po si otornim. 🤞
Jiminez #7
Chapter 14: Take your time po author nim❤️🥰
Jiminez #8
Chapter 14: New reader poooo huhu nextt pooo
Teapot2020 #9
Chapter 14: Bumalik muna ako
brdfillet #10
Chapter 14: at napamahal nako sa kwento. am i nervous? very. haahahaha thanks author-nim, i shall wait for the update!