Chapter 3: Pokemon Unite Stream
Plus OneKIMKIMKIM
You added Kim Yerim and Kim Jungeun.
heyyyy guess who (33
Yerim: FINALLY!
MINJEONG OUR BB
nagkaroon na rin tayo ng group chat!
Jungeun: ready ka ba maging third wheeler samin bunso? :pp
Yerim: yuck!
are u saying may something tayo, jungeun?
Jungeun: suuuus
kunwari ka pa
lam ko namang gusto mong inaasar ka sakin
Sa totoo lang, ginawa ko itong group chat para naman may mapaglabasan ako ng thoughts and feelings ko tungkol kay Jimin.
Well, in a blind item type of way ko siya sasabihin sa kanila. Ayoko namang bigla sila mang-asar tuwing may meetings kami with the Broadcast Quest team.
With all that in mind, bakit naman sobrang active nila magharutan… right in front of me, na kakagawa lang ng group chat na ito?
Offensive! Get a room!
KIMKIMKIM
nako
may nabubuo na yatang something sa inyo ah
Jungeun: HAHAHAHAHA
Yerim: YUCK MINJEONG
U KISS UR MOM WITH THAT MOUTH
kadiri ka minjeong wag mo yan sabihin
kadiri talaga
HAHAHA
andami naman po sinabi
parang tunog guilty po
charot
Yerim: MAGSAMA KAU DYAN
papanget kabonding
hmp
hehehe
Jungeun: musta na nga pala, minjeong?
di ko na yata nakikita memes mo sa feed ko recently ah
nilalagnat ka ba
blink if u need help
ay xori po
madami lang pong hinahabol na reqs this week
pero pagtapos naman nito, i'll flood na po ulit yung tl with memes hehehe
Jungeun: HAHA
yan
dyan kayo magaling ni jimin
puro memes
musta na nga pala yun
Yerim: OO NGA
kwento naman dyan
kayo lagi nagtatag sa isat isa pag may memes
oki naman po sya!
busy rin mag aral, mukhang heavy ang subjects sa journ e
pero ayun, fun naman po siya kausap!
Yerim: our bb minjeong :'(
all grown up
nagffriendship na with big time personalities
friend nyo rin naman po sya ah
HAHA
Jungeun: well, hindi kami yung tinatag nya sa memes so that's different
at least po may nagtatag naman po sayo sa whats ur ulam pare
Yerim: NAUUUUR
Hindi ba nila ako tatanungin kung bakit ko ginawa yung group chat? Ito namang mga 'to, parang others.
Gusto ko lang naman ichika sakanila na may crush na ko, at gusto ko malaman kung ano insights nila sa nararamdaman ko.
KIMKIMKIM
may
Yerim: may?
may crush na po pala ako
>///<
Jungeun: onis
si jimin
?
xD
What the hell, ate Jungeun!? Either sobrang galing ng intuition nito, or dahil lang nakikita nya na si Jimin lagi kong kausap.
Paano ko ba to maiiwasan..?
I need to reply fast bago pa nila maisip na guilty ako.
KIMKIMKIM
asa sya
Yerim: ay wow!
sya pa talaga aasa
HAHAHA
Jungeun: awww sayang
i was thinking pa naman na u guys wld be cute
lalo sa interactions nyo
v nice dynamic
eeee
ayoko umasa noh
super sikat nun tsaka super pretty
kayaaa
checked off na sya sa listahan ko
pero i do think shes very nice !!!!
but for me po ahhh hanggang friends lang kami
Jungeun: awww
i see
It's a nice feeling na very supportive si ate Jungeun if ever magkaroon kami ng something ni Jimin. At parang ang taas pa yata ng tiwala niya sakin na I'll be good for her.
Ang lakas naman mambola nito si ate Jungeun. Hay, kung magkatuluyan man kami ni Jimin, kahit siya pa maging abay ko sa kasal.
I'm getting curious na rin tuloy tungkol sa kanilang dalawa ni ate Yeri. In my personal opinion, it's very jowa culture na mag-tag sa posts on What's Your Ulam Pare? na group.
Hindi man lang sila chumichismis sakin kung ano na nangyari sa kanila. I get it na hindi ko naman sila super kaclose, pero as group mates nila… Gusto ko rin naman malaman.
My inner Marites is shaking.
Kim Jungeun
hello po ate!
ano po balita sa inyo ni ate yeri :pp
HAHAHAH
wala yun nukaba
trip nya lng siguro
tsaka nagpapalibre lng yun
kaya di ko pinapansin
ohhh
corny naman po akala ko kung ano na po meron eh hehe
yikes
di mangyayari yan HAHA
i swear dami rin kausap ni yeri
kaya just think of it as something normal
it's v platonic
oki po ahaksha
sorry po nacurious lng din
HAHAHA cge gotchu kiddo
ano na pala ung crush mo
sino ba yun
halaaa
di ko na po papangalanan
pero i feel really cared for
tsaka i love it pag they make time for me
nakakakilig po
oh, to be young and in love
enjoy what you have! HAHA im sure you deserve whoever your crush is
napaka kind hearted mo eh, even underneath your poser online persona
ay wow shfksha
salamat po ate jungeun
anytime
balitaan mo nalang ako kung may nangyayari sa inyo :pp
ate jungeun will be here to listen
oh pak
hhh noted po
sainyo rin po ni ate yeri :pp
shutacca bata ka
---
Around 3:00 PM, inaya kami nina ate Jungeun and Hyejoo para manood ng livestream. Maglalaro daw ng Pokemon Unite yung dalawa, kasama yung ate ni Hyejoo named Sooyoung.
Siya rin yata yung Facebook user na may pangalang Yves, kasi isa siya sa naka-tag sa livestream post.
Kasama rin nilang kalaro si Park Chaewon, yung madalas mag spam sa comments section ni Hyejoo, and a Facebook user with the name of Jindori.
Saktong lima sila sa team, kaya sila sila lang rin magkakasama sa mga laro. Maririnig through the stream yung sagutan nila at mga pre-game strategies.
"Okay, kailangan po natin ng defender, all-rounder, speedster, and dalawang attacker." Sabi ni Hyejoo, calm yet authoritative as ever. "Or instead na dalawang attacker, pwede rin po na yung isa maging support."
"I can play support." Sabi ng isang mahina na boses. Ang cute at ang tinis pakinggan. "May Blissey ako."
"Okay maganda yan, Chae." Sabi ni Hyejoo. Ah, so si Chaewon pala yun. "Sino po pwede maging speedster?"
"Ako na." Sabi ng isa. Halos kasing charismatic yung tunog ng boses niya kay Hyejoo, so I would assume ito yung ate niya na si Mx. Yves. "Sino marerecommend mo boss?"
Napaisip si Hyejoo. Cute rin pala 'to eh. "I'd say Zeraora, or si Gengar."
"So sino sa kanila?" Tanong ulit ni Mx. Yves.
"Check mo yung skills nila, see if there's someone na comfortable ka gamitin." Utos ni Hyejoo.
Nasa lobby pa rin ang lima, nag-uusap kung ano magiging strategy nila.
"Wait lang." Sabi ng isang boses na medyo mahina. Hindi ako pamilyar sa boses na ito, so I'll guess ito si Mx. Jindori. "Pwede ako mag attacker?"
"Pwede naman po, sino po ba main mo?" Tanong ni Hyejoo.
"Okay ba si Gardevoir? Siya madalas ko gamitin, nananalo naman kami so far."
The look of disapproval on Hyejoo's face says enough for me. "Oof, Gardevoir is a hit or miss for me."
See? I told you guys.
"Pili ka po from the meta, si Venusaur para may life steal. Or si Sylveon po para okay rin na ranged, and good for pressuring lanes."
"That leaves me with either defender or all-rounder." Sabi ni ate Jungeun. "Anong role ka mas confident, Hyejoo?"
"Hay, kahit ano po, kaya ko." Yabang talaga nito ni Ms. MVP.
Pati mga tao sa comments section ng live, nang aasar na rin kay Hyejoo. Ang hangin daw.
"Sige, ikaw na mag defender." Sabi ni ate Jungeun, sabay tawa. "Last pick always gets the defender."
"Okay lang po, sige." Sabi ni Hyejoo. "Guys ayusin niyo muna yung held items ng Pokemon na gagamitin niyo, ah? Para po hindi tayo mangarag sa battle prep."
"Kk, boss." Sabi ni Chaewon.
Nag wait na sila for other players. Nagpop up na sa screen ni Hyejoo na may nakita na silang match na pwedeng kalabanin, at isa-isa silang nag click ng ready.
Ayun na nga, napunta na sila sa battle preparation stage. Stage ba ang tamang term?
Nagsisimula na sila maglock-in ng Pokemon. Pinili ni Hyejoo si Blastoise; isa siya sa mga kilala kong Pokemon kasi naaalala ko, starter Pokemon ko siya sa Fire Red back then.
Squirtle supremacy!
"Hey babe, gusto mo ba mag double tank tayo?" Paasar na tanong ni Chaewon. Despite the asar, ang sweet pakinggan ng pagkakasabi niya nun.
"Babe? Ew, please, yuck." Sabi ni Hyejoo, pero despite the response, mukha siyang flustered sa stream. "Kain nalang ako ng bubog than hear you call me that ulit."
"Haha, joke lang." Sabi ni Chaewon. "Mag support ako this round, tapos mamaya try natin mag double tank. Gamitin ko si Mamoswine."
Mamoswine? Is that even a real Pokemon? And what the hell is a double tank now?
Sobrang outdated ko na yata sa Pokemon franchise.
To be fair, yung Fire Red lang naman talaga nalaro ko na Pokemon game, and hindi naman ako nanonood nung anime.
I feel like marerefresh ang Pokemon knowledge ko through this stream.
"Okay we got this, guys! Enjoy lang po natin yung laro, at wag magpadala sa pressure." Aww, morale booster naman pala itong si Hyejoo... Kahit na due to her unenthusiastic nature, ang tamlay pakinggan ng attempt kahit na nagsmile nama
Comments