Chapter 6: Secret Combo

Plus One
Please Subscribe to read the full chapter

I still remember it so vividly.

 

It was the middle of April when I was in grade school; first few weeks pa lang ng school kaya masaya pa ako kuno. Walang bahid ng paghihirap, walang spelling bee competitions na iniisip, wala pang multiplication table na dapat aralin.

 

Kakauwi ko lang from school on a hot, Friday afternoon. Tumutulo pa pawis ko mula noo hanggang leeg, kasi naglaro pa ako sa playground nung dismissal bago ako tuluyang naglakad pauwi.

 

Inisip ko pa noon kung ano kaya kakainin ko para sa merienda; yung naiwan na pudding sa ref mula sa snacks ko the day before that, o yung binili kong Piattos nung lunch break na hindi ko nakain?

 

Tapos nakita ko si dad… Nakapark yung motor nya not too far away from home. 

 

May bumaba na babae mula sa motor niya. Hindi ko kilala yung babae, and never ko pa siya nakilala. Pero mukhang sobrang close nila.

 

Naalala kong inisip ko na baka friends sila. I had a bike na two-seater, at lagi naman ako nag pasakay dati sa mga kaibigan ko.

 

Tapos hinalikan ni dad yung babae sa labi niya. Hindi nagtagal yung halik nila, pero hindi rin siya sobrang bilis.

 

Parang… halik lang ni dad kay mommy. Ganoon ko rin ba dapat sabihan ng goodbye ang mga kaibigan ko?

 

Nagtawag ng taxi yung babae at hinintay pa muna ni dad na makapasok at makaalis yung babae, bago siya sumakay muli sa kanyang motor.

 

Aalis na dapat siya, nang bigla siyang napatingin sa direksyon ko at nakita ako.

 

Hindi ko pa siguro naprocess noon, pero now that I think about it, he did look like a deer in headlights. And I was still so clueless kung ano nangyari.

 

But that was my first memory nang panloloko niya sa pamilya namin. 

 

The first of the many.

 

At yun din ang unang pang-uuto niya sakin. Tinawag niya ako, na parang hindi ko nakita ang lahat ng nangyari, at inaya akong kumain ng merienda sa Jollibee bago umuwi.

 

Tinanong niya ako tungkol sa school, tungkol sa friends ko, at kung may crush na raw ba ako sa klase ko.

 

Andami kong kinuwento sa kanya, habang kumakain ako ng Jollibee spaghetti na kumalat na sa paligid ng bibig ko.

 

Kinuwento ko rin sa kanya na nagpatintero kami ng mga kaklase ko sa playground nung araw na yun, at ako yung may pinaka maraming nahuli.

 

Sabi niya, mana raw ako sa kanya. Nung bata rin daw siya, marami siyang nahuhuli, at mabilis siyang tumakbo kapag sila na ang taya.

 

Kaya siguro dati, favorite ko si dad. Lagi kong nakikita yung sarili ko sa kanya, na para bang lahat ng qualities na meron siya ay napasa na sakin.

 

Mula sa skills, sa favorite music at genre, pati na rin yung galing niya sa subject na Math.

 

Nakuha ko rin ang panlasa niya. 

 

Dati raw kasi, nung baby pa ako, siya lagi nagpapakain sa akin. Habang nag aantay ako ng pagkain na isusubo sa akin, lagi raw akong napapatingin sa plato ni dad. 

 

Nag-iwan siguro yun ng unconscious thought sa isip ko na yung mga pagkain na gusto nya yung masarap at dapat kainin.

 

Naaalala ko kung paano nagsawsaw si dad ng fries sa sundae na binili niya para sa aming dalawa, at tulad ng dati, isinubo niya rin ito sa akin. 

 

"O diba? Magandang combo yan!" Sabi niya. Ngiti ngiti pa siya noon, para bang sanay na siya magsinungaling sa pamilya niya. "Secret combo ko yan, wag mo sasabihin sa iba, ah?"

 

I guess hindi lang yung combo niya ang itinago ko nung araw na iyon.

 

---

 

"I've compiled everything you requested, and I'll email them all to you by tonight."

 

May kausap si mommy sa phone, at narinig ko sa pagkakasalita ni mommy na naiirita siya sa kausap niya. Napalingon ako sa kanya, at nalaman na tama ang hinala ko nang makita ko yung kunot niyang noo.

 

"Yes, I'll also be there tomorrow. Kailangan ng may mag-aasses ng area."

 

Private investigator si mommy. Hindi siya araw araw nagkakaroon ng clients, since one case takes a lot of effort and work to finish.

 

Although paisa-isa lang mga nakukuha niyang clients, mahirap pa rin trabaho niya. It requires her a lot of hours on her laptop to view CCTV footage with full attention. 

 

Minsan, nagsscan through din siya sa accounts and posts ng complainant and the case's defendant.

 

Laging wala si mommy to conduct private investigations, interviews, and the like. At pag nasa bahay naman siya, laging nag aaway si mommy at si dad for whatever reason.

 

Back then, I didn't know. Pero of course, it was about how dad cheated on her countless times, blaming her na wala siyang time for the family — and of course, for him.

 

In my mom's defense, she's working naman talaga for the good of our family. So now that I understood the grounds, I know na dad was really in the wrong. 

 

To be fair though, they were never on the same page. They never understood each other, lagi silang may clashing conflict.

 

It's like they never really loved each other. Honestly, they only married because my dad had to take responsibility for whatever they had ni mommy. 

 

They had ate kasi at a young age of 20-something. And you know how olden times were, lalo in a conservative country like the Philippines.

 

They never really had much choice rin.

 

Kaya because of this, the whole set up made us have a difficult childhood.

 

Ate Taeyeon and I weren't really close rin. Nung sobrang bata pa kami, I guess we were. She was really all I had sa bahay.

 

Sinasamahan niya ako manood ng cartoons sa harapan ng TV set, tapos hahatian pa niya ako minsan ng merienda. Tutulungan niya ako sa mga homeworks ko kapag may hindi ako alam.

 

We only really drifted apart when she got busier sa acads. To be fair, she's way ahead naman given our big . 

 

She studied really well and managed to even help me out with my own homeworks. In turn, she was praised by both of our parents. 

 

Through ate lang sila lagi nagkasundo, kasi pareho silang nagbobond over her successes. It added a lot of pressure on her dati, so instead of savoring the short moments na magkasama ang buong pamilya, she worked even harder.

 

It was the opposite for me. 

 

I wasn't as good as ate Taeyeon, I can't follow how good she was. And to think na ako pa nga daw yung gustong maging compromise ng parents ko para magstay sila… Ako pa yata ang nagpapahirap sa kanilang dalawa.

 

So now that dad is gone, si mommy laging unreachable, at si ate nabaon na sa nakasanayan na pagpplease kay mommy… I'm left with no one at home.

 

It because I'm stuck here. I can't even leave home even if I wanted to, milagro na lang nga na napayagan ako nung sa meet up namin nina ate Yeri. 

 

That time, I believed na next year na ulit sunod kong sleep over, given na rin na may pandemya pa.

 

So laking gulat ko nang sabihan niya ako na,

 

"Jeong, may matutuluyan ka ba tonight? Baka gusto mo mag sleep over somewhere." 

 

I know she'll be busy kasi may pupuntahan siya bukas. Pero bakit niya naman ako pinapalayas? Lagi naman akong napapakain ng maayos ni ate pag wala si mommy.

 

"Kaya ko naman dito sa bahay, ma."

 

"You'll feel bored dito mag-isa. Magssleep over ate mo kina Tiffany, yung friend niya." Sabi niya. 

 

Ah, si ate. Siya pala nauna nagpaalam, kaya syempre pwede na rin pag ako. 

 

And 'friend'? Please, kung alam mo lang na pareho ng anak mo bakla. Does it run in the family? Who knows!

 

"Okay." Sabi ko, at napakagat sa loob ng pisngi ko. 

 

Hindi ko naman alam kung kanino ako makikitulog. Sure, kaya ko naman sarili ko sa bahay. Pero sayang rin yung opportunity na makalabas ulit.

 

"If kailangan mo magpahatid, I'll take you there. Let me know lang kung saan so I can take you there around 10:00 PM." 

 

---

 

KIMKIMKIM

 

elo pwede ba q makitulog senyo

 

Yerim: de wala bawal

 

lah:(

 

Yerim: HAJDHAJ 

seryoso tho, ayaw kasi ng parents ko magpapunta ng mga hindi pa kilala

takot makapasok yung virus amp

 

aww:(

ate jungeun?

@Kim Jungeun

 

Yerim: wala yun sa bahay nila ngayon

nag roadtrip yata

basta kasama si hyejoo tsaka yung ate nun

tsaka yung isa pa nilang kalaro sa pokemon unite

 

wowww updated po ah

 

Yerim: baliw ka sya nag update saken

 

ay wOW

@Kim Jungeun taray, jowa po yarn?

kelangan po nag uupdate? ahqkqhqk

 

Yerim: baliw ka talaga kim minjeong

 

HEHEHEHE

 

 

 

Mukhang no-go kina ate Yeri, ate Jungeun, at Hyejoo. 

 

Pwede ko naman i-message si Jimin… Pero nahihiya ako. And hindi ko rin alam kung nasaang lupalok na siya ng Pilipinas as of the moment, kasi the last I've heard from her, she's somewhere in Central Luzon for a shoot.

 

Doesn't hurt to try pa rin, I guess.

 

 

 

Yoo Jimin

 

hiii ahakahdkd

u there?

pwede makitulog sa inyo? hh wala kasi ako kasama sa bahay tonight and bukas hh

 

 

 

Nawawala na rin naman na yung feelings ko para sa kanya. Whether she agrees or she doesn't it wouldn't bother me too much.

 

Hindi rin ako magmumukhang tanga pag nagsama kami. This will literally just be a bestie bonding time lang. A bestie sleepover.

 

Kuha nga muna ako ng tubig. Nanuyot yung lalamunan ko pagkasend ko kay Jimin ng message.

 

I mean, uhaw lang naman ito. It's not like I'm scared naman knowing how she would reply.

 

Habang pababa ako ng hagdanan, nakita ko si Taeyeon na nag aayos na ng bag niya.

 

"Uy, Minjeong." Bati niya sakin. "Tutulog ka somewhere else tonight?" 

 

"Nag tatanong pa po ako sa friends ko kung pwede sa kanila." Sabi ko. "If in case wala, kaya ko naman po sarili ko dito."

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zekrom
erratum;; gentle reminder that some events in this story are inspired by personal experiences kaya naggather pa muna ako ng holiday experiences ahskshs sorry it took some time </3 mwaps to all

Comments

You must be logged in to comment
aligathuff #1
Chapter 1: rereading kasi miss ko na silaaa
dalki_cy
#2
Chapter 14: Wala na ako masabi :< Binasa ko pa din 'to even though last yr pa yung latest update. Stoko maiyak dahil for sure mamimiss ko to. Tor, hope ur doing well. :> baik ka na cutiiee
aligathuff #3
Chapter 14: HUHUHUUHU NABITIN AKO DON THANK U PO DUTO SUPER GANDAAA
aligathuff #4
Chapter 1: grabe sobrang realistic ni minjeong dito huhu shes just like me FR!
Jung_SooyeonBD
#5
Chapter 6: this is AMAZING
Giv_d_moomoo
#6
Chapter 14: Sana magupdate po si otornim. 🤞
Jiminez #7
Chapter 14: Take your time po author nim❤️🥰
Jiminez #8
Chapter 14: New reader poooo huhu nextt pooo
Teapot2020 #9
Chapter 14: Bumalik muna ako
brdfillet #10
Chapter 14: at napamahal nako sa kwento. am i nervous? very. haahahaha thanks author-nim, i shall wait for the update!