Chapter 8: Init

Plus One
Please Subscribe to read the full chapter

It was warm when the day started. Parang uminit yung unan ni Jimin na yakap yakap ko kagabi. Ang bango, ang init, and it definitely fits my size perfectly.

 

Hinigpitan ko ang yakap ko at nagbalak na matulog pa, pero lahat ng antok ko nawala nung nagsimulang tumawa yung unan.

 

"Good morning, Jeong."

 

Minulat ko ang mga mata ko at nakita kung paano nakatitig sa akin si Jimin, na parang kanina pa siya gising pero ayaw niya lang gumalaw kasi baka magising ako.

 

Hihilahin ko na dapat yung braso ko palayo sa bewang ni Jimin, pero pinigilan niya ako. 

 

Nakakahiya naman…

 

"Inaantok ka pa yata, eh." Sabi niya, na may halong pang-aasar sa boses niya. 

 

Hindi ko alam kung mukha ba kong nagtatampo, pero naging mas soft at gentle na siya sa sunod niyang sinabi. 

 

"You can sleep pa if you want, hm?" Ngumiti siya. "Samahan kita dito buong umaga."

 

"Noooo…" I said, dragging the word out. Pero wala, nahalata niya rin yung pagsisinungaling ko nang humikab ako.

 

Sabay kaming natawa.

 

"Okay lang." Sabi niya. Hinawakan niya yung kamay ko at hinila palapit sa kanya. Binalot niya ulit yung arm ko around her. "Go sleep pa, Jeong."

 

Kung payag ka naman, sino ba ako para humindi?

 

Medyo nahihiya pa rin ako, given the fact na talagang eto yung bumulaga sakin pagka gising ko. 

 

Pero what can I do? Ang comfortable niya kasama matulog. Napa-snuggle tuloy ako sa tulog ko.

 

Nang magsimulang bumigat yung mata ko, siniksik ko muli ang ulo ko sa may leeg ni Jimin. 

 

It seemed like she didn't mind naman, and I'm getting too sleepy to think more about it.

 

Naramdaman kong hinawi niya ang buhok ko palayo sa mukha ko, at bumalik na naman ako muli sa tulog.

 

---

 

"Jimin may pupuntahan ka daw — oh, sorry."

 

Nagising ako nang nag-roll si Jimin over to her other side. 

 

May pupuntahan daw siya..?

 

"Anyway…" Tuloy nung nagsasalita. Sumilip ako mula sa balikat ni Jimin at nakita si Ms. Joohyun na ayaw tumingin sa amin. "Magprepare ka na. Darating daw si kuya manong around 10:00."

 

"Noted." Sagot naman ni Jimin. 

 

Pinanood namin na umalis si Ms. Joohyun bago siya umupo. 

 

Lumingon siya sa direksyon ko, at pinindot ang ilong ko.

 

I got booped..!?

 

"Sad." Sabi niya, kahit hindi naman tunog malungkot. Nakangiti lang siya, para bang aliw na aliw makita akong bagong gising. 

 

Nag pout ako, realizing na wala na yung init sa tabi ko. Unti unting bumabalik sa room temperature yung side niya sa kama.

 

"Kailangan mo na mag prepare?" Tanong ko.

 

Inabot niya yung phone niya mula sa drawer sa tabi ng kama niya. Chineck niya ang oras, at ipinakita sa akin ang screen.

 

9:20 AM…

 

Kailangan niya na nga talagang mag prepare.

 

"What time ka uuwi?" Tanong niya sa akin, completely disregarding me, na gusto pang matulog.

 

Usually, kapag may pinupuntahan si mommy, hanggang early evening siya doon. So I think around 8:00 PM pa ako hahanapin.

 

"Siguro 7:30 PM pa…" Tugon ko.

 

Tumayo na si Jimin at nag-stretch. "Papipiliin kita if gusto mo pa matulog dito, or kung gusto mo sumama sa amin."

 

"Ano gagawin niyo?" Tinanong ko. 

 

Bigla kong narealize na baka wala akong karapatan mag tanong since hindi naman ako parte ng kung ano man yun.

 

"I mean… Sorry for asking… If you don't mind lang, tell me sana." 

 

"I'm not sure pa." Sabi niya. "Pero I won't force you to come with me if you want to stay here. You can sleep in til the afternoon, since it looks like you're such a sleepyhead."

 

Onti na lang, Jimin, magtatampo na talaga ako kaka-asar mo sa akin ng ganyan.

 

"I'm kidding." Nagbukas na siya ng cabinet para tumingin kung ano pwede niyang suotin pagkatapos niya mag-shower. "Pero seriously, you can sleep pa! I'll prepare food for you or send delivery na lang for your breakfast."

 

"I'll… sleep pa." Sabi ko. Ngayon lang ako nakatulog sa sobrang lambot na kutson. Gusto ko sanang lubusin ang araw na 'to. "Pero I want to drink… Saan may water?"

 

"Baba ka lang! Tapos from the living room, diretso ka to your right, may hall dun papunta sa dining." Sabi ni Jimin, at isinabit na ang towel niya sa balikat niya. "Maliligo na ako, katok ka lang sa pinto ng banyo if may need ka."

 

Nag-inat muna ako bago ako tuluyang bumangon. 

 

Naramdaman ko ang antok kong unti unting bumalik sakin. Iba talaga epekto pag maganda yung kama, talagang mapapasarap ang tulog ko.

 

Nang makababa na ako ng hagdan, dumiretso ako sa living room. Kabisado ko pa 'to, kasi andito ako kagabi.

 

Pero pag pasok ko sa living room, parang gusto kong lumiko pabalik at umakyat na lang ulit.

 

On the couch, nakita kong nakahiga si Ms. Seulgi at nasa ibabaw niya naman ay si Ms. Joohyun. 

 

Mabagal ang pagkilos ng labi nila habang naghahalikan sila.

 

Oh .

 

Iba naging pakiramdam ko dito ah… Parang umiikot ulo ko, and I can't even begin processing everything I'm seeing.

 

I just stepped back silently, para hindi nila ako marinig at mafeel na naistorbo ko sila. Dali dali akong umakyat muli.

 

---

 

"Gising ka na agad?" 

 

Pumasok si Jimin sa kwarto na nakabihis na. Yung towel niya, nakabalot sa buhok niya.

 

"No… Hindi ako makatulog ulit." Sabi ko. Sorry, kama ni Jimin. Malambot ka lang, pero wala ang epekto mo compared sa epekto ng nawitness ko.

 

"Aww…" Lumapit siya sa akin at tinabihan ako sa aking pag upo. "Do you want to come with me na?"

 

Ano pa nga ba.

 

Kaysa naman I accidentally walk in on Ms. Joohyun and Ms. Seulgi ulit. Mas pipiliin ko na lang sumama kay Jimin.

 

Tumango ako. 

 

"Edi maligo ka na pala!" Sabi niya. "Bilisan mo lang though, since darating na si kuya manong any minute now."

 

Oo nga pala.

 

Coming with Jimin means kailangan kong maligo. 

 

Hay.

 

---

 

Pinahiram sa akin ni Jimin ang damit na suot ko ngayon.

 

Kumatok siya kanina sa banyo habang naliligo ako, at nagpatong ng damit sa isa sa mga upuan doon.

 

It's a combo ng long sleeved top na medyo manipis, tapos dress na walang sleeves. Paano ko ba ito i-eexplain?

 

Basta madalas na rin ako makakita nito on Instagram. 

 

Nagpahiram rin siya sakin ng maiksi at manipis na shorts, para naman protected ako from below.

 

Sinuot ko rin yung pinahiram ni Jimin na sapatos at socks. Hindi ko alam kung dapat bang ma-offend ako kasi wala siyang tiwala sa fashion taste ko, o kung matutuwa ako kasi I get to dress myself with her clothes na fashionable at mamahalin.

 

"Naks, bagay sayo." Sabi niya, nang makita nya akong pababa sa hagdan. "Sa kotse ka na magpatuyo ng buhok, you can bring the towel."

 

Naka blue siya na off-shoulder shirt at high-waisted jeans si Jimin.

 

Kapag nakikita kong naka-ayos si Jimin, I can't help thinking na siya si Karina. Like I'm around the model persona niya.

 

"Tara na! Nasa labas na yung van."

 

Sumunod ako kay Jimin, at sumakay sa van nang pag buksan niya ako. Walang ibang tao sa van, kaya naman naisipan kong umupo sa second row.

 

Sinara na niya ang pinto, at tumabi sa akin. 

 

"Good morning po, Ms. Jimin!" Bati ni kuya manong. "Good morning rin po sayo, Ms. Minjeong."

 

"A-Alam mo na po pangalan ko?" Nabigla ako nang marinig kong kilala niya ako. 

 

"Opo naman, ma'am!" Sagot ni kuya manong. Through the mirror lang siya tumitingin sa amin. "Basta po kaibigan nina Ms. Jimin, kilala ko. Sinabi niya rin po kasi kagabi at kaninang umaga pangalan mo, kaya naalala ko na po!"

 

"A-Ah, ganun pala…" Sabi ko. "Good morning din po…"

 

"Good morning, kuya manong." Bati ni Jimin. "Nag breakfast na po kayo?"

 

"Hindi pa po!" Sabi ni kuya manong. "May dinaanan pa po kasi ako kanina eh, pinapick up po ni Ms. Eunbi. Inagahan ko po pagdrive."

 

"Nako, daan po muna tayo sa drive thru, kuya!" Sabi ni Jimin. "Sinabihan naman po ako ni ate na mamayang 12 pa po mismong meeting. Liko ka po muna sa McDo."

 

Nahiya si kuya manong sa pag alok ni Jimin. Parang laging galante 'tong kasama ko, ah? Pero nakakatouch makita na may pake si Jimin sa mga taong tulad ni kuya manong. 

 

"Sagot ko na kuya. Bili po kayo tatlong McMuffin with fries, tapos tatlong coffee na rin po."

 

"I-Iced gusto ko…" Tahimik kong sinabi.

 

Nagsmile si Jimin. "Okay, yung isa po palang coffee, iced." Nag-abot si Jimin ng 500 peso bill kay kuya. 

 

Binaba na ni kuya manong ang window niya para umorder.

 

Si Jimin naman, busy na sa phone niya. Sana all may data.

 

"Kuya, sino pa po pala kailangan sa meeting? May mga dadaanan pa po ba?"

 

"Si Mr. Hyunjin!" Sagot ni kuya manong. "Kailangan ko rin daanan si Ms. Aeri, kasi kailangan rin daw siya doon."

 

"Oh, okay." Sabi ni Jimin. "Hindi na po dadaanan mga manager?" 

 

"Nandoon na raw po sila, e." Sabi ni kuya. "Si Ms. Minjeong po ba, isasama niyo po sa loob mamaya?"

 

Saglit na nag isip si Jimin.

 

Damn, sorry naman if hindi ako pwede doon.

 

"Isasama ko na lang po sa loob." Sabi niya. "I'm sure maaalagaan siya ng staff doon."

 

So iiwan mo ko with strangers!?

 

"Sige po!" Sabi ni kuya. "Pero if hindi po komportable si Ms. Minjeong, pwede rin po siya sumama sa akin sa pag send ng mga gamit kay Ms. Yoona."

 

"Ano gusto mo, Jeong?" Agad akong tinanong ni Jimin.

 

Hindi ko naman alam kung ano mas prefer kong option. 

 

Kapag sumama ako kay Jimin, God knows kung kanino niya ako iiwanan. Wala naman akong kilala doon in the first place.

 

Pag sumama naman ako kay kuya manong, baka mag engage siya sa akin ng small talk. And most of the time, I don't really know how to respond to people. Pero ang upside doon, pwede kong mameet si Ms. Yoona, na sikat na artista na ngayon.

 

Pero kay kuya manong, pareho ko silang hindi kaclose. Unlike if sumama ako kay Jimin, at least may kakilala na talaga ako.

 

"Sama na lang ako sayo…"

 

Medyo nahihiya ako kasi feeling ko inaasa ko lahat kay Jimin. Pero tuwing tumitingin ako sa kanya, parang masaya siyang dumedepende ako sa kanya.

 

"Sasama po siya sakin, kuya!"

 

"Sige po, mga ma'am!"

 

---

 

Naunang sunduin si Hyunjin.

 

As always, pogi styling na naman ang porma niya. Collared shirt under a loose, sleeveless vest na black. Tapos naka black jeans siya and black converse. Bagay na bagay sa overall vibe niya.

 

If I never heard him speak, nor had seen him act around people, I would assume na para siyang yung mga edgy boys sa Tumblr.

 

Pero wala, eh. Iba siya.

 

Nang aasar na naman siya kay Jimin. Umupo siya sa last row, directly behind us. Tapos tuwing tumatawa siya, kahit na wala namang nagsasalita, agad na maiinis si Jimin.

 

"Hyunjin subukan mo magsalita tutuktukan kita." Agad na nag threat si Jimin.

 

"Hala?" Natatawa na naman si Hyunjin. "Narinig mo yun, Minjeong? Wala pa akong sinasabi pero may nakahanda na agad siyang ganyan." 

 

"Jimin nakakatakot naman yan." Agad kong asar, para lang mafeel ni Jimin na I'm the same siraulong Minjeong she met online.

 

She just flipped her hair over her shoulder, in a way na matatamaan sa mukha si Hyunjin. 

 

"Masama na yan Jimin, nakakahiya naman sa friend mo." 

 

"Ano sabi ko sayo ngayon lang?" Parang nanay si Jimin na nanloloko ng pananakot, pero may capability talaga siyang gawin yun.

 

So umupo na lang ng maayos si Hyunjin, para hindi na tuluyang mainis si Jimin (kahit na feel ko, matagal tagal pa bago siya tunay na magalit).

 

Nasense ko naman na harmless teasing lang yun. May pagka playful sila pareho, but Hyunjin is nice naman. 

 

Di ko nga lang alam kung ano pinag usapan nila for them to reach this kind of asaran.

 

I feel like an outsider again.

 

The rest of the trip, it's just the two of them laughing and mocking each other about whatever inside joke yung meron sa kanila.

 

Lahat ng kilig ko from yesterday, parang nawala lahat kasi naalala ko na naman na friend nga lang ako.

 

Boyfriend si Hyunjin, so ano ba namang karapatan kong magselos at mainggit sa kung anong meron sa kanila? Ano karapatan kong magkagusto kay Jimin, and to take advantage of her platonic kindness sakin?

 

So buti na lang, the fourth person was finally fetched.

 

"Oh, it's the lovebirds." 

 

Yun ang unang bati ni Giselle pagka sakay niya sa van.

 

The thing about her, from what I see right now, is walang pinagkaiba yung model persona

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zekrom
erratum;; gentle reminder that some events in this story are inspired by personal experiences kaya naggather pa muna ako ng holiday experiences ahskshs sorry it took some time </3 mwaps to all

Comments

You must be logged in to comment
aligathuff #1
Chapter 1: rereading kasi miss ko na silaaa
dalki_cy
#2
Chapter 14: Wala na ako masabi :< Binasa ko pa din 'to even though last yr pa yung latest update. Stoko maiyak dahil for sure mamimiss ko to. Tor, hope ur doing well. :> baik ka na cutiiee
aligathuff #3
Chapter 14: HUHUHUUHU NABITIN AKO DON THANK U PO DUTO SUPER GANDAAA
aligathuff #4
Chapter 1: grabe sobrang realistic ni minjeong dito huhu shes just like me FR!
Jung_SooyeonBD
#5
Chapter 6: this is AMAZING
Giv_d_moomoo
#6
Chapter 14: Sana magupdate po si otornim. 🤞
Jiminez #7
Chapter 14: Take your time po author nim❤️🥰
Jiminez #8
Chapter 14: New reader poooo huhu nextt pooo
Teapot2020 #9
Chapter 14: Bumalik muna ako
brdfillet #10
Chapter 14: at napamahal nako sa kwento. am i nervous? very. haahahaha thanks author-nim, i shall wait for the update!