Chapter 11: 01/01

Plus One
Please Subscribe to read the full chapter

Seulgi

 

hello :]

 

ate seulgi ????

as in,, ate seulgi from mansiones de elitista ???$?4?

 

ahajshwjwj anudaw huhu

it's meeee!

ano address mu

 

halaaahdkdjaka

bakit po

tsaka paano nyo po nahanap fb ko waaaaa

 

sa friend list ni jimin

eh konti lang naman friends nun sa fb

so nakita kita!

 

ay ganun po ba ahwkdhwkwjs

para saan po yung address hsudhdidhu

 

late na kasi eee tsaka stoko sana magpadala ng simpleng gift nung pasko sayo and kina jimin

e di ko na kayo natanong that time kasi wala signal sa probinsya namin nun

andito na ko manila now! padalhan kita kahit breakfast lang

para xmas and end of year gift :]

 

shwlahwksh?$?3!#!$!

seryoso po baaaaa huhu

 

uu

send number, full name, tsaka address

 

baka iniiscam mo po ako ah huhu

 

hindi baliw kaaa ahqkshdksk

 

baka gamitin mo info ko sa shopee e hmPppzz

tas order ka tas cod naman pala

husheuhdudhu

 

HUYYY AHAJQJA

gawin ko nga next time yan hmm

 

ate seulgi namansmdnd

 

joke lang!

send mo na baliw to

 

ito na po ito na poooo

waaaaaa

thank you po ate seulgi huhu

 

anytime~



Sinend ko na kay ate Seulgi yung mga info na kailangan niya. 

 

Nakakataba ng puso na kahit na may mga taong ngayon ko lang nakilala at naka-close, naalala pa rin nila ako for the holiday.

 

Nung Pasko, nag tanong rin si ate Jungeun ng GCash details namin. Isa isa niya kami sinendan ng 500 PHP na pamasko.

 

Actually, 200 PHP lang sinend niya kay Jimin kasi sabi niya mayaman naman na daw siya.

 

Tapos 100 PHP kay Hyejoo kasi hindi raw team player tuwing naglalaro ng CODM. Agad naman nag send ng additional 400 PHP si ate Jungeun nang sabihin ni Hyejoo na isusumbong daw niya ito sa ate niya.

 

Nagpadala rin si Jimin ng vouchers sa kanila for different clothing and jewelry lines. Sabi rin niya na sabihin lang nila sa clerks na nanggaling kay Jimin yung voucher, and they'll give them an even bigger discount.

 

Kaso wala akong nareceive na email regarding a voucher that time. Maiinggit na sana ako sa kanila kasi baka nakalimutan lang ni Jimin isali yung email ko, pero sabi niya late na lang daw yung regalo niya sa akin.

 

Baka naubusan na siya ng redeemable vouchers to her name. Pero imposible naman yun, kasi sponsor niya yung brands na yun.

 

Nakaka curious tuloy. 

 

Sana mamahalin yung regalo ko. 'Di naman sa nag eexpect ako, pero deserve ko yata matapos ba naman niya ako utusan maging co-leader niya sa Broadcast Quest.

 

Bababa na sana ako para sabihin kina mommy na hindi ako magbbreakfast (dahil may padala si ate Seulgi), nang bigla akong nakakuha ng text mula sa PayMaya regarding a payment ng delivery. 

 

Siguro pinalitan ni ate Seulgi yung shipment details niya sa app niya, para mapadala sa address ko and direkta sa akin yung updates ng pagkain.

 

Sa Golden Arches Dev Cor yung bayad, so for sure McDo na 'to. 225 PHP yung total, so feel ko siguro chicken meal na 'to.

 

Kaso alam ko hindi naman lalagpas ng 100+ yung chicken meals eh. May kasama kaya 'to na kape?

 

Nagtext na sa akin ang McDelivery para i-update ako na on the way na sa akin yung pagkain. 

 

"Ma, may magpapadala po sa akin ng pagkain." Sabi ko. Nakita kong magkatabi si mommy at si ate Taeyeon sa hapag kainan. 

 

"Yung boyfriend mo ba yan from the other night?" Tanong ni mommy.

 

"Ikaw? May boyfriend ka, Jeong?" Muntik nang masamid si ate sa spaghetti na kinakain niya. 

 

Hindi ko alam kung dapat ba na ma-offend ako kasi hindi naniniwala si ate kung may boyfriend ako. Either nasesense niya na medyo rainbow ako, or iniisip niya na walang magkakagusto na lalaki sa akin.

 

"Wala po akong boyfriend…" Sabi ko.

 

Napataas lang kilay ni ate sa akin.

 

Whatever that was for, alam kong may something siya na alam. Hindi ko lang alam kung alin don yung alam niya. 

 

Kung sinabihan ba ni mommy si ate na lalaki yung kumatok sa pintuan namin nung sinundo ako nina Jimin, o alam niya na hindi ako straight. 

 

Whatever, I won't let it get to me muna.

 

"Idedeliver na po sa akin." Ipinaalam ko.

 

Kumuha ako ng face mask mula sa box ng supply namin, at dumiretso sa sala.

 

Nag abang ako sa sofa na katapat ng pintuan. Nakarinig ako ng kaluskos mula sa likod ng sofa, na para bang papalapit ang tunog sa akin.

 

Sumilip ako at nakita si Zero. Siya yung asong poodle na inadopt ni ate dati kasama si ate Tiffany.

 

Sumampa siya sa tabi ko nang makarating na siya sa harap ko.

 

"Gutom ka na?" Tanong ko sa kanya. Kinalong ko siya at hinalikan ang kanyang ilong. "Dun ka kay ate Taeng. Papakainin ka nun."

 

"Lika dito." Narinig kong pumunta sa sala si ate. Dala na niya ang bowl para kay Zero, na may laman na kanin at Pedigree. 

 

Ganun madalas na ipakain ni ate sa kanya. Kanin with Pedigree's wet food, or with boiled chicken and chopped carrots. 

 

Iniisip ko na palang sana na nakakainggit kung paano kaclose si Zero kay ate compared sa amin nang bigla siyang umupo sa tabi ko.

 

She leaned close, as if what she's about to discuss with me was something secret.

 

"Ano sabi mo kanina? May boyfriend ka ba?"

 

"Wala po akong boyfriend." Sinagot ko nang mas klaro. Baka kasi nafeel niya na may hesitation sa sagot ko kanina.

 

"Wala kang boyfriend?" Pilit niya na binigyan ng diin yung tanong.

 

Ah… It's that question.

 

"Wala pa po akong boyfriend…"

 

Nakita ko sa mga mata niya yung concern. Minsan lang siya mangamusta sa akin, o magtanong tungkol sa buhay ko dahil nga iba na schedule at takbo ng buhay namin.

 

Hindi ko alam if I can be honest with her without judgment.

 

May kaba sa dibdib ko, kasi hindi pa siya nagsasalita ulit. 

 

Dapat ko yatang ibahin yung topic. Siguro pwede ko siya kamustahin sa sleep over niya kina ate Tiffany.

 

Pero may narinig akong motor sa labas ng bahay. Tumigil ito sa may tapat namin. 

 

Sumilip ako mula sa maliit na buka ng pintuan, at nakita kong yung McDelivery na yun. 

 

"Kunin ko lang po." Sabi ko kay ate. 

 

Tumango siya, at tumayo na ko para kunin yung padala ni ate Seulgi.

 

From my peripheral view, nakita kong tumayo na rin si ate at tumungo sa hagdan. 

 

Pagbalik ko, wala na siya at nakaakyat na sa taas.

 

Dumiretso na lang ako sa dining area, to eat my chicken, pancake, hash brown, and iced coffee meal from ate Seulgi.

 

With added note pa nga sa loob, saying "Ito favorite meal ko sa McDo :] Sana mabusog ka!"

 

---

 

"Nak, ano gusto mong handa?"

 

Since January 1 ang birthday ko, yung handa namin pang media noche magiging handa ko na rin para sa birthday ko. 

 

Every year ganun, kasi it's the only way my mom could apologize to me for giving me a birthday shared with a public worldwide holiday.

 

"Baka pwedeng yung hot dish na lang ulit from last year, yung may chicken tsaka pasta." 

 

Tumango siya, at isinulat yun sa notepad ng mga kailangan niyang tawagan ngayon. 

 

Nakita ko rin na balak niyang mag make ng call kay dad, probably to remind him again na it's my birthday kaya dapat namin siyang hiramin mula sa iba niyang pamilya.

 

I actually think it would be awkward. Gusto ko sana sabihin na wag na, na okay lang ako if this year (and for the following years), kaming tatlo na lang magsama sama for all holidays including my birthday.

 

To be honest, I don't even see him as a dad anymore. He's just… A giver. The moment he broke the sanctity ng marriage nila ni mommy, hindi na sya parte ng pamilya namin. And the first instance started way before I was even born.

 

I'm sure ate feels the same. Hindi niya sinasabi, pero alam kong she feels indifferent na rin to dad. 

 

Di ko lang alam ano nafefeel ni mommy. Na dapat pa niyang kaladkarin si dad na sumama samin pag birthday ni ate at birthday ko, kahit na tatlo tatlo na pamilya niya sa labas.

 

Nakita yata ako ni mommy na nakatingin sa notepad niya, at bigla niyang sinara ito.

 

"Sorry, Jeong." Bulong niya. "Alam mo namang namimiss rin kayo nun."

 

Sure, namimiss niya daw kami. If he did, he would reach out on his own, hindi yung mukha pa tayong nagmamakaawa na pumunta siya sa atin. 

 

Kahit na tayo yung pilit na nagluwa sa kanya mula sa bahay natin, kasi sobra sobrang kagaguhan na ginawa niya sa atin.

 

"Okay lang naman ma if hindi na natin siya ayain." I told her. Aminin na natin, wala na kaming mapag-usapan pa.

 

If he ever talks to me, I don't think I can even talk to him at all. 

 

"He already agreed to come." Sabi ni mommy. "He'll bring gifts daw, then he'll leave after the New Year's countdown."

 

Wow, so parang nakikain lang siya sa bahay natin?

 

Ayoko na nga 'tong isipin. Matutulog ako mamaya para maavoid siyang kausapin. Ayoko sa kanya.

 

Nagbukas na lang ako ng phone ko na kanina pa nagvivibrate.



Group 5 Broadcast Quest

 

Jungeun: ha ?? birthday na ni minjeong ????

 

Yerim: birthday na ni minjeong

birthday na ni minjeong

birthday !! ni minjeong !! ngayon !!

 

Hyejoo: get get aw

 

Jungeun: HAPPY BIRTHDAY BOMB MINJEONG

 

ANO PO YAAAANNN HUHUEHDUEHDUHUHU

 

Yerim: GAGO

D MO TO ALAM

JUNGEUN DI NYA ALAMDGMFMF

 

Jungeun: nakakahiya ka

pati si hyejoo alam to

tas ikaw hindi

 

Hyejoo: onga onga

 

ano to huhuehdudhu

 

Yerim: ewan q sau balakajan

 

Hyejoo: lol

 

Jungeun: happy birthday minjeong taena mu bday mo pala

 

hindi ?$??&?

bukas pa po bday ko huhu

san nyo naman po yan nakuha

 

Jungeun: ay ganun

e nakita namin may mga kamag anak ka naggreet na sayo sa timeline mo

 

ah jusko shdkfjsk

bukas pa poooo huhu

baka now lang po sila bumabati kasi busy na sila magparty bukas 

 

Jungeun: oooo ganek

sayang kung ngayon sana bday mo may regalo kami

kaso hindi pala

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zekrom
erratum;; gentle reminder that some events in this story are inspired by personal experiences kaya naggather pa muna ako ng holiday experiences ahskshs sorry it took some time </3 mwaps to all

Comments

You must be logged in to comment
aligathuff #1
Chapter 1: rereading kasi miss ko na silaaa
dalki_cy
#2
Chapter 14: Wala na ako masabi :< Binasa ko pa din 'to even though last yr pa yung latest update. Stoko maiyak dahil for sure mamimiss ko to. Tor, hope ur doing well. :> baik ka na cutiiee
aligathuff #3
Chapter 14: HUHUHUUHU NABITIN AKO DON THANK U PO DUTO SUPER GANDAAA
aligathuff #4
Chapter 1: grabe sobrang realistic ni minjeong dito huhu shes just like me FR!
Jung_SooyeonBD
#5
Chapter 6: this is AMAZING
Giv_d_moomoo
#6
Chapter 14: Sana magupdate po si otornim. 🤞
Jiminez #7
Chapter 14: Take your time po author nim❤️🥰
Jiminez #8
Chapter 14: New reader poooo huhu nextt pooo
Teapot2020 #9
Chapter 14: Bumalik muna ako
brdfillet #10
Chapter 14: at napamahal nako sa kwento. am i nervous? very. haahahaha thanks author-nim, i shall wait for the update!