Chapter 9: Auto Lock

Plus One
Please Subscribe to read the full chapter

Group 5 Broadcast Quest

 

Hyejoo: oy mga potah

asan na output nyo para sa programming segment

@Yoo Jimin @Kim Minjeong

 

Jimin: Minumura mo ako?

 

Hyejoo: hindi po mam

 

Yerim: oooooo

 

Jungeun: oooooo (2)

 

oooooo (3)

 

Yerim: wla ka pla hyejoo e

mahina nambabawi k nmn pla ng mga salita

 

Hyejoo: lol stoko lang naman makapag pasa na tayo nito sa organizers

pls lang lapit na ng bakasyon

gusto ko nang maubos tasks ko

 

baka mamaya ko matapos yung part ko

edit nalang rin ako ng parts later pag nainput ko na akin

para di mo na need mag proofread @Son Hyejoo

yiee ayaw nya mag proofread

 

Hyejoo: lets be real sino ba may gusto hm

 

Yerim: tamah

 

Jimin: Lol.

I'll input mine tonight. I'll help Minjeong out na lang rin sa proofreading.

 

yiee

dahan dahan

kinikilig ako :pppp

 

Jimin: Kita ko nga. 

Haha cute mo.

Pisilin kita dyan eh.

:pp

 

Hyejoo: ???

 

Yerim: omggg magkasama pa ba kau

SAKANILA KA NAGSLEEP OVER DIBA MINJEONG

PIC NGA

 

Hyejoo: gagi wag

lugi kay minjeong

pag pinagtabi sila ni jimin

 

ANO???? >:(((

 

Jimin: Haha galit talaga siya.

Mag sorry ka daw, Hyejoo.

 

Hyejoo: bleh

 

>:((( !!!!


 

Magkatabi kami ni Jimin the entire conversation. Apparently, sabi ni mommy she would have to take until tomorrow to go to another place para sa work.

 

Makapag demand talaga mga clients niya, akala mo walang pandemya eh. 

 

Pero hindi rin naman ako makapag complain kasi aminin ko man o hindi, alam naman nating lahat na nag-eenjoy pa ako sa mansyon ni Jimin.

 

Nakakahiya nga lang na pinahiram lang yung sinuot ko na damit, kasi balita ko isang gabi lang akong makikitulog sa kanila… Pang isang gabi lang tuloy nadala kong mga pamalit.

 

But that's behind my concerns na, kasi now ang kailangan namin asikasuhin ni Jimin ay yung mga needed for Broadcast Quest.

 

"If you want I can borrow Joohyun's laptop." Sabi ni Jimin. "Baka nahihirapan ka kasi mag type and mag format pag sa phone mo lang."

 

"No, hala, it's okay!" Agad kong sinabi, kasi nakita ko na parang tatayo na siya after nya magsalita. "Tsaka sa kanya yung laptop, eh. Ayaw ko naman mag invade ng privacy niya."

 

Nakita kong nag cross legs siya sa upuan niya. Inikot niya ang swivel chair niya para humarap sa akin.

 

"What if bilhan kita ng laptop para magamit ngayon?"

 

"The !" I didn't mean to curse Jimin in her house, pero grabe kasi yung panggugulat niya sakin. 

 

I know she's rich, and her family is rich; pero hindi niya naman kailangan maging ganito ka-accommodating sa akin. 

 

"Why? Para naman may magamit ka." Sabi niya. "Mag proofread pa tayo, tapos tayo rin magfoformat." She animatedly moved her hands habang nagsasalita siya, as if bawat galaw nito was to further prove her point kung bakit kailangan niya ako bilhan ng laptop. "Tayo na rin magpapasa ng first batch of requirements sa mga organizers, eh mahihirapan ka pag phone lang gamit mo."

 

She has a point… pero her proposed idea is very impractical for me.

 

Nasanay ako sa isang household na lagi kaming tinitipid. My dad barely provided for us dati nung part pa siya ng pamilya, and my mom had to get us into decent schools kaya mahal tuition fee. 

 

Lahat ng gusto namin, we had to push them back for the sake of practicality. We only really spend if it's a necessity, or if pangmatagalan namin magagamit yung item.

 

Kaya hindi rin ako naka experience magkaroon ng Apple product. Minsan pag makikitext ako sa mga phone ng kaibigan ko, feeling ko ang bobo ko kasi parang ibang iba ang features ng iPhones nila.

 

So to hear Jimin offer to buy me a laptop, only for this reason…

 

"Jimin, sorry. Naiintindihan ko talaga mga sinasabi mo." I assured her na she made a point naman talaga. "Pero aanhin ko yung isa pang laptop, since meron naman akong isa sa bahay? Sayang lang pera mo." 

 

"Hanggang bukas ng umaga ka magsstay sa bahay, ayaw mo ng pang-attend mo ng morning classes tomorrow?" Tanong niya.

 

Well… Una, tinutulugan ko lang naman iba kong mga prof. Pangalawa… Hindi naman ako nago-on ng camera, so mapa-phone o laptop, wala naman pinagbago ang attendance record ko.

 

"I can attend through my phone." Sagot ko. 

 

I had to sound a bit stern, kasi ayaw kong gumastos sa akin si Jimin for an item na kasing mahal ng isa kong sem sa UST.

 

At isa pa, I'm burdening her and Ms. Joohyun enough na patuluyin at asikasuhin ako dito sa bahay nila. Ayoko na madagdagan yun by allowing Jimin to get me a new laptop. I don't want to feel indebted, especially for things I can't afford.

 

"Fine…" Sabi niya. "Pero I have an old laptop. Sira yung keyboard niya so I'll find the extra keyboard sa baba. I'll lend it to you para hindi ka mahirapan." 

 

I feel really grateful na she's this hands on sa akin. May nagawa siguro akong mabuti in my past life, kaya sobra sobra na 'tong binibigay sa akin ni Lord through meeting Jimin. 

 

Hay, paano ba ako naging deserving nito?

 

Tumayo na si Jimin para buksan ang isang 'maliit' na storage area sa kwarto niya. Doon niya kinuha ang isang lumang Mac mula sa isang malaking plastic box na puno ng old gadgets.

 

Kinuha niya rin mula doon yung charger ng laptop na ipapahiram niya sa akin. 

 

"Sabihan mo lang ako if may need ka dyan." Sabi niya nang inabot niya sa akin. "I'm sure okay pa yung Microsoft and Adobe stuff there." 

 

As if naman kailangan namin gumamit ng Adobe softwares right now? I can't even edit a video for my dear life!

 

I opened the laptop anyway, at nabulaga sa isang lock screen wallpaper ng dalawang magandang babae. 

 

Isa sa kanila ay si Jimin, at kayakap niya ay isang babae na may singkit na mga mata. Mahaba ang buhok niya, at matangos ang kanyang ilong. Halos magkapareho sila ng height, at naka-kissy face si Jimin sa kanya.

 

Sa ganda ng kasama niya, I'm pretty sure na isa rin siya sa mga models na nakasama niya na sa trabaho. Pero kung ganoon, dapat namukhaan ko na siya.

 

Sino kaya 'to?

 

Ang pangalan ng main user ay 'HYYJ', at kailangan ng password para mabuksan.

 

"Uhm, Jimin?" Tawag ko. 

 

"Ay, oo nga pala!" Lumapit siya muli para tumabi sa akin at itype ang password. 

 

Sinundan ng mata ko unconsciously ang mga daliri niyang nagtype. 0005260411 ang password ng user na ito. 

 

Nakita ko rin kung paano siya nag blush nang matapos siya mag type. 

 

Was this person someone special?

 

"Let me know lang if may need ka pa. Tinext ko na si Joohyun para i-akyat yung keyboard." Sabi niya. "I'll get back to my own work muna… Hahabol pa ako for some requirements."

 

Parang ipinilit niya ang sarili niya sa isang sulok ng kwarto niya. Nandoon siya sa pinaka gilid ng desk niya, na parang iniiwasan ang direksyon ko.

 

Weird… pero ayaw ko nang makisawsaw pa sa kung anong meron sa buhay niya.

 

Hintayin ko na lang muna si Ms. Joohyun para sa keyboard. Magtatype ako ng mga ideas ko sa Microsoft Word para ayusin ko mamaya at ilagay sa Docs namin.

 

---

 

Hapon nang biglang may magring ng doorbell. Rinig pala sa buong bahay yung doorbell kapag may nasa may pintuan. 

 

Sumilip ako mula sa bintana ng kwarto ni Jimin, at nakita ang van ni kuya manong. Saan na naman kaya kakailanganin si Jimin?

 

"Sino kaya yan?" Tanong ni Jimin. Nagulat ako nang bigla na lang siyang sumulpot sa tabi ko. Ni hindi ko narinig ang yapak ng kanyang mga paa.

 

I'm sure alam niya namang van yan ni kuya manong. Baka hindi niya lang ineexpect na pupunta sila today?

 

As if on cue, narinig kong may naglalakad sa labas ng silid, papunta sa harap ng pintuan ng kwarto ni Jimin.

 

Bumukas bigla ang pintuan at sinalubong kami ng isang pamilyar na model.

 

"Surprise! What's u — oh! Nandito ka pa pala." 

 

Agad na tumakbo papunta sa akin si Ms. Aeri para yakapin ako, completely disregarding Jimin na nasa tabi ko lang. 

 

Mahigpit ang kanyang pagyakap sa akin. I found it a bit awkward because (1) hindi pa kami gaanong magkakilala, at (2) nahiya ako para kay Jimin na pinanood lang kaming magkayakap.

 

She loosened her arms around me, pero hindi niya ito tinanggal mula sa aking mga balikat.

 

"Hey, Jimin." Bati niya. "Dumalaw ako dito to discuss stuff with you, pero parang gusto kong i-postpone na lang yun because I wanna hang out with Jeong na lang."

 

"First of all, I keep telling you na magtext ka muna bago ka pumunta sa bahay." Jimin said, sternly. 

 

Ever since yung nangyari kahapon, natatakot na ko kay Jimin tuwing nagtutunog seryoso siya tulad nito.

 

"And hindi mo kami pwedeng kulitin ni Minjeong today." Sabi ni Jimin. "May mga requirements kami na kailangan tapusin. And we have to do stuff for a competition, too."

 

Dahan dahang bumaba ang arms ni Ms. Aeri habang naglakad siya papunta sa likod ko. Binalot niya ang arms nya sa waist ko, at pinatong ang baba niya sa balikat ko.

 

Nakita kong namula si Jimin sa panggagalaiti.

 

"Chill," Sabi ni Ms. Aeri. "Hindi ko naman dadaldalin buong magdamag si Minjeong. Hanggang kelan ka ba dito kina Jimin?" 

 

"None of your busine—"

 

"Hanggang bukas po…"

 

Nagkasabay kami ng pagsabi ni Jimin.

 

I didn't know if tama ba ginawa ko, but she stormed off papunta muli sa desk niya. I feel like hindi ko dapat sinabi kay Ms. Aeri ang totoo.

 

"That's wonderful!" Sabi ni Ms. Aeri. "Then I'll sleep over din for the night."

 

She leaned forward at inilapit ang kanyang bibig sa tenga ko.

 

"Let's get to know each other."

 

---

 

Yoo Jimin

 

God, I can't stand her.

Hindi ka ba naiinis?

 

no dnfmnfs okay lang namann

shes just asking me stuff every now and then

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zekrom
erratum;; gentle reminder that some events in this story are inspired by personal experiences kaya naggather pa muna ako ng holiday experiences ahskshs sorry it took some time </3 mwaps to all

Comments

You must be logged in to comment
aligathuff #1
Chapter 1: rereading kasi miss ko na silaaa
dalki_cy
#2
Chapter 14: Wala na ako masabi :< Binasa ko pa din 'to even though last yr pa yung latest update. Stoko maiyak dahil for sure mamimiss ko to. Tor, hope ur doing well. :> baik ka na cutiiee
aligathuff #3
Chapter 14: HUHUHUUHU NABITIN AKO DON THANK U PO DUTO SUPER GANDAAA
aligathuff #4
Chapter 1: grabe sobrang realistic ni minjeong dito huhu shes just like me FR!
Jung_SooyeonBD
#5
Chapter 6: this is AMAZING
Giv_d_moomoo
#6
Chapter 14: Sana magupdate po si otornim. 🤞
Jiminez #7
Chapter 14: Take your time po author nim❤️🥰
Jiminez #8
Chapter 14: New reader poooo huhu nextt pooo
Teapot2020 #9
Chapter 14: Bumalik muna ako
brdfillet #10
Chapter 14: at napamahal nako sa kwento. am i nervous? very. haahahaha thanks author-nim, i shall wait for the update!