Chapter 1: Discord Bardagulan

Plus One
Please Subscribe to read the full chapter

Ayoko sa mga kabit.

 

Simula pa man nung pagkabata ko, tuwing may teleserye sa TV na nagpapakita ng third party as a conflict, ginawa ko nang personality trait ang pagkamuhi ko sa mga kabit.

 

Galit ako sa mga kabit, sa kahit anong kondisyon man. Iba iba ang kwento ng mga tao kung paano o bakit sila nagkaroon ng kabit.

 

May mga taong hindi tinatrato ng tama ng mga jowa nila, kaya nakahanap sila ng kaligayahan sa iba. O kaya, masyado na silang naboboringan sa relasyon nila, kaya naghahanap siya ng something that would spice up their life. Meron namang few cases na yung kabit talaga originally yung minahal, pero may nauna lang manligaw kaya the person lives a double life na nagkukunwaring masaya sa piling ng kasintahan nya.

 

Whatever the reason may be, tingin ko hindi pa rin tama. Hangga't may commitment pa ang isang tao sa iba, hindi tama na may kalampungan siya na iba.

 

Maybe it stemmed from my past experience, nung nakita ko si dad na may kasamang ibang babae, at ipinaliwanag sakin ni mommy kung bakit kailangan naming humiwalay sa kanya.

 

From that point onwards, naiinis ako tuwing may mga kwento tungkol sa mga kabit; ayoko sa mga taong naninira ng relasyon ng dalawang tao. Lalo na kung may ibang tao rin na madadamay.

 

So bakit..?

 

Bakit nung ako yung naging kabit, parang nag-iba ang pananaw ko?

 

---

 

May annual competition lagi sa university ko for Broadcast Media students.

 

Nagmemerge lagi ang willing students coming from Journalism, Communication, Creative Writing, at Production at inaassign into mixed groups, para makagawa ng mini broadcast company.

 

Isa ako sa mga nag sign up. Sayang din yung five thousand pesos na prize kung sakaling swertehin ako this year sa mga magiging kasama ko. 

 

Based kasi from my previous experiences, lagi akong nakakabilang sa groups na merong matataray na Production students. Kung ano gusto nila, yun dapat ang masusunod kasi yun ang convenient sakanila. Ayaw nila makinig sa iba. Pero that's a story for another time.

 

Ngayon na irerelease ang listahan ng mga grupo. Dahil third year student na ako, mas maluwag na ang schedule ko sa academics. Lahat ng spare time ko, pwede kong gamitin para maging productive sa competition na ito. 

 

Sana lang, onti ang Journalism students na mapunta sa grupo ko, dahil kung ano ang ikinaluwag ng schedule ko, yun naman ang ikunapuno ng sa kanila. 

 

Naka-abang na ako sa official page ng Central Student Council. Any minute now, ipopost na nila ang groupings. 

 

Nang magsimulang mabuhay ang group chats ko to talk about the competition groupings, dun ko na nalaman na napost na nga ang pinakahihintay naming mga media students.

 

Hinanap ko ang pangalan ko. Grabe, andami pala namin sumali this year, pero for sure nyan na next week maraming magwiwithdraw lalo na ang mga freshies na di pa kayang magpa-overwhelm sa demands nito.

 

Group 5

Kim Jungeun - Irregular, Production

Kim Yerim - 4th Year Creative Writing

Son Hyejoo - 3rd Year Production

Yoo Jimin - 3rd Year Journalism

Kim Minjeong - 3rd Year Communication

 

Gagi, napunta nanaman yung masungit na Production student sa grupo ko. 

 

Three years consecutive ko na nagiging kagrupo itong Son Hyejoo na 'to. Maganda naman insights nya, pero ayaw niya talaga magpasalita samin pag may ideas kami.

 

Narinig ko rin na okay daw kagrupo itong irregular student na napunta samin. Si Ms. Jungeun, na laging nasa group na nananalo or nakakapasok sa top 3. 

 

Hindi ako familiar kay Mx. Yerim at Mx. Jimin. Sana okay rin sila kagrupo.

 

Gawa na rin kaya ako ng group chat? Kaso kung ako gagawa, baka isipin nila na ako pinaka may initiative. Ayokong umasa sila sakin na ako makikipag coordinate sa event organizers tuwing may kailangan i-raise sakanila. 

 

Hay, buti nalang talaga online set-up na ngayon. Hihimatayin yata ako kung harap harapan ulit kaming magmemeeting para dito. Lalo na't kasama na naman itong si Son Hyejoo.

 

Masaya naman ako na puro kami higher batches na napunta dito. Along with the fact na may veteran kaming kasama, feel ko maganda magiging output namin kasi lahat kami, medyo may experience na dahil rin sa dami ng elective subjects na nakuha namin by now.

 

Bukas ko nalang iisipin kung paano ako makikihalubiro sa grupo na 'to.

 

---

 

Sike.

 

Naexcite yata sila magpakilala sa isa't isa.

 

I mean, sa aming lima, isa lang yata yung high energy at go na go makipaghalubiro. May GC na kami kaagad, courtesy of Mx. Kim Yerim.

 

Sa profile pictures palang nila, makikita na kung anong klase ng tao sila. 

 

Si Mx. Yerim na sobrang kikay, for sure very extroverted ito.

 

 Si Ms. Jungeun naman, naka-hoodie at may hawak na kape. Mukhang very busy lagi, at tinatry lamang mag-puyat. 

 

Si Hyejoo naman, may suot na headset. Yung umiilaw. Tapos nasa gaming chair siya. As we all know, member sya ng Gaming Society ng university; lagi siya kasama sa competitions against other schools pagdating sa e-sports. 

 

Si Jimin naman… Wala siyang profile picture. Gamit niya lang yung default ng Facebook. Wow, either mysterious type sya or kakabreak nya lang. Either way, na-excite tuloy akong malaman itsura nya.

 

Masyado akong nalibang sa pagjudge ng profile pictures nila, na di ko namalayang nagsesend na pala sila ng messages sa chat.

 

 

Group 5 Broadcast Quest

 

Yerim: hello goizeee

g ba kayo mag meeting later for an icebreaker lng and task delegation

may discord ba kau

omg gawa na lang kaya ako ng server para andun din yung outputs natin sama sama

 

Jungeun: g naman ako hehe

 

Jimin: Sure. Ako din.

 

Hyejoo: ok lng sakin pero baka mayang gabi pa ko maging free lolz

 

Jimin: Ako rin actually. Nasa labas ako ngayon, and gabi pa ako makakauwi.

 

Jungeun: aww, tulong nalang ako ngayon sa pag set up ng server if u want @Kim Yerim

 

Yerim: bet

 

Jungeun: log

 

Yerim: huh

 

online din po ako :^)

pwede rin ako maghelp

 

Yerim: BEAUTIFUL

sige send mo sakin username mo sa dc

add ko kayo then pwede tayo magcall sa server while we set up

 

Jungeun: yaaay okioki

 

 

Napaka approachable ng upperclassmen namin sa grupo. Pagpasok na pagpasok ko sa server, nagspam na ng GIFs si Mx. Yerim to welcome me. Si Ms. Jungeun naman, minention ako para sabihing sumali na ako sa call.

 

Oh my god, ang cute nila pareho? Naka-on cam sila pareho; napaka-fresh ng itsura nila samantalang ako, mukha nanamang tatlong araw hindi nakatulog.

 

Naka-fitted, pink tee si Mx. Yerim, at blonde ang buhok nya ngayon. Mukha pa siyang blooming, feeling ko kumpleto tulog nito. All pink ang kwarto niya, although iba iba ang hue. Hindi naman masakit sa mata, I think she makes pink look great.

 

On the other hand, si Ms. Jungeun naman ay nakasuot ng ibang hoodie. Gray ito, at mas malaki compared sa color black na hoodie na suot niya sa profile picture nya. Sa likod niya, makikita ang isang kama. Mukhang marami siyang plushies. Ang cute!

 

"Omg." Sabi ni Mx. Yerim. Naka-smile siya, sabay hawi ng buhok. "Kim pala tayong tatlo dito. May pa-subunit na tayo agad."

 

"Hello Kim Minjeong." Bati ni Ms. Jungeun nang mag-unmute siya.. "Ano pwede namin itawag sayo? Min or Jeong? Gusto mo ba Kim?"

 

Natawa kaming tatlo. Pero usually nga, ganun ang nangyayari. Kung sino mga nauna mag usap usap, usually sila mas magiging close at nagkakaroon ng sub group. Kaya kahit wala naman talaga akong alam sa Discord, sumali nalang ako para makipag bonding sakanila.

 

"Minjeong po…" Sabi ko.

 

, nagtunog mahiyain. 

 

"Aww, okay Minjeong. Pero along the way baka magawan ka namin ng nickname. Si Jungeun dito nagawan ko na, eh." Sabi ni Mx. Yerim. 

 

Habang nagsasalita siya, naririnig ko ang pag-click ng mouse nya. Mukhang nagsisimula na siya mag set up ng server.

 

"Simula ngayon, tatawagin natin si Jungeun na log." 

 

"Please, bakit mo ko tatawagin na 'log'?" Tanong ni Ms. Jungeun. "Jungeun nalang ulit. Ito naman 'di mabiro, eh."

 

Para akong na-OP ng very slight. May inside joke na agad sila dahil sa messages nila sa Messenger GC. Sayang, nakisagot sana ako.

 

"Okay, ako nalang si Bet. Ikaw si Log. Si Minjeong si Betlog." Sabi ni Mx. Yerim. 

 

"Halaaaa, wag po." Sabi ko, medyo nagpapacute para kunwari soft lang. 

 

Tumawa silang dalawa. "Joke lang Minjeong, syempre di ka namin tatawaging betlog ano ba naman yun." Sabi ni Mx. Yerim. "Anyway, sakin kahit Yeri nalang itawag niyo. Ikaw, Minjeong, mag-ate ka sakin ha."

 

"Sige po ate Yeri." Tugon ko. Oh diba? Quick learner. 

 

Patuloy silang nag set up ng mga channels at server stickers. Yaman naman pala nito ni ate Yeri, naka Nitro naman pala sya kaya ang bibo mag suggest na ito na lamang gamitin.

 

"Nga pala," Sabi ni ate Jungeun. "Lahat ba tayo dito single pa?" 

 

"Ang random ah." Sagot ni ate Yeri, kunwari na-offend. "Kakabreak ko lang last month with someone. Okay lang, 'di naman ako umasa doon."

 

"Woah." Tumawa si ate Jungeun nang marinig yun. "Hindi ko ineexpect na mag-oopen up ka bigla like that."

 

"Nagtanong ka eh, baliw ka ba?" Sungit. Pero narinig ko sa tono ni ate Yeri na hindi naman siya nakikipag away. "Eh ikaw ba Jungeun, single ka?" 

 

"Oo," Sabi niya. "Pero maraming nakapila sakin. Charot!"

 

"Luh." Asar ni ate Yeri. "Maraming nakapila para maningil ng utang?"

 

"Binibiro mo lang ako ng ganyan ngayon. Sinasabi ko sayo Yeri baka mainlove ka sakin. Tsk." Naniniwala na ako sa sabi ng iba na kakaiba pala talaga maging kaibigan si ate Jungeun.

 

"Ikaw ba Minjeong, single ka?" Napunta naman sakin ang atensyon ni ate Yeri. 'Di ko alam kung genuinely gusto nya talagang malaman, o iniba nya lang ang usapan para tumahimik na si ate Jungeun.

 

"Single din po…" Sabi ko. 'Di ko sure kung dapat ba akong mahiya; never ako nagkaroon ng jowa, sure din ako na walang may crush sa akin.

 

And to top it all up, hindi ko nga sure kung matatanggap nila ako pag nalaman nilang I'm into girls. 

 

"May crush ka ba?" Tanong ni ate Yeri. "Pwede ka namin hanapan kung trip mo. Char."

 

"Wala po…" Sabi ko. "Pero kahit wag na po, ayoko po makaabala. Darating rin naman po yan."

 

"Soft." Komento ni ate Jungeun. Pero mukha namang hindi sarcastic. Mukhang napamahal na agad sila sakin as the bunsong Kim. "Tama naman, wag mo madaliin lalo na third year ka palang naman."

 

"Truly, tsaka sakit lang sa ulo mga yan." Sagot ni ate Yeri. "Basta pag nagkaroon ka ng crush sabihin mo samin ni ate Jungeun mo. We'll assess if they're good for you."

 

"Thank you po…" Napa-blush ako. Hindi yata napansin nina ate Yeri, pero I appreciated the fact na sabi nya 'they', meaning they're respectful kung ano man identity ng magiging crush ko. 

 

Na-touch ako, kasi first time ko magkaroon ng ate figures na hindi ako nirerequire maghanap kaagad ng jowa - a boyfriend, at that.

 

Nagpatuloy kami magkwentuhan tungkol sa mga prof namin, tungkol sa experiences namin in the university pre-pandemic, at sa kung anu-anong interests namin. Lahat yun, habang pinanood namin ni ate Jungeun si ate Yeri mag set up ng server mag-isa.

 

---

 

7:00 PM na, at mukhang kakauwi lang ni Jimin since ngayon na lang siya ulit nakapag online sa Messenger. 

 

Siya na lang hinihintay namin the entire time, since si Hyejoo busy lang naman kapag naglalaro siya ng Valorant niya. 

 

"Tawagin ko na ba yung dalawa?" Tanong ni ate Jungeun samin ni ate Yeri. 

 

Buong maghapon kaming nasa call; pero umalis for a while kanina si ate Yeri para maligo. Nag-off lang siya ng camera at nag mute, at siguro nakinig samin ni ate Jungeun habang naliligo through her phone.

 

"Oo, jusmiyo." Sabi ni ate Yeri. "Send mo na lang sa kanila yung invite link ng server."

 

At ginawa ni ate Jungeun kung ano ang sinabi niya. Nakita ko yung invite sa Messenger GC, at agad naman itong na-seen ni Hyejoo.

 

Wala pang isang minuto at andito na si Hyejoo sa server. Sumali na rin siya ng call, pero hindi siya nag-on ng camera.

 

"Hello, sorry hindi ako makapag-on cam." Bati niya. "Pero I'm Son Hyejoo, third year na ako from Production. Looking forward to working with all of you."

 

Nagkaroon ako ng war flashbacks to the very first time ko na makilala si Hyejoo. That time medyo mahiyain siya, pero nung nagsimula siya magsalita, lahat kami naintimidate sa kanya. Literal na a wolf in sheep's clothing. 

 

"Nice, may kasama pala ako sa Prod." Sabi ni ate Jungeun. "Sino prof mo sa Technical Operations?" 

 

"Si Sir Salazar." Tugon ni Hyejoo. "Mab

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zekrom
erratum;; gentle reminder that some events in this story are inspired by personal experiences kaya naggather pa muna ako ng holiday experiences ahskshs sorry it took some time </3 mwaps to all

Comments

You must be logged in to comment
aligathuff #1
Chapter 1: rereading kasi miss ko na silaaa
dalki_cy
#2
Chapter 14: Wala na ako masabi :< Binasa ko pa din 'to even though last yr pa yung latest update. Stoko maiyak dahil for sure mamimiss ko to. Tor, hope ur doing well. :> baik ka na cutiiee
aligathuff #3
Chapter 14: HUHUHUUHU NABITIN AKO DON THANK U PO DUTO SUPER GANDAAA
aligathuff #4
Chapter 1: grabe sobrang realistic ni minjeong dito huhu shes just like me FR!
Jung_SooyeonBD
#5
Chapter 6: this is AMAZING
Giv_d_moomoo
#6
Chapter 14: Sana magupdate po si otornim. 🤞
Jiminez #7
Chapter 14: Take your time po author nim❤️🥰
Jiminez #8
Chapter 14: New reader poooo huhu nextt pooo
Teapot2020 #9
Chapter 14: Bumalik muna ako
brdfillet #10
Chapter 14: at napamahal nako sa kwento. am i nervous? very. haahahaha thanks author-nim, i shall wait for the update!