Touch the grass(roots)
Chapter 23, Limited Edition, Issue: ForeverHabang buhay na buhay ang usapin at video sa social media kung saan bull's-eye ang pagkabato ng mga kamatis sa pagmumukha ni Sen.Aguinaldo, minabuti nila Jennie, Jisoo, Wendy at Joy na bumaba sa mga communities mismo - sa grassroots level- para naman magbahagi ng kaalaman nila sa alokasyon ng public funds.
Naisip kasi nila, kahit matapang at malakas ang diskusyon online, iba pa rin 'pag ibinababa mo ang laban sa mga tao mismo. Habang nag-eeducate ang mga disaster risk reduction management officers tulad nila Jennie at Jisoo at agripreneurs o social enterprise advocates tulad nila Wendy at Joy, sila din ay mas natututo tungkol sa karanasan, kalinangan at pulso ng mga tao.
Habang humaharap sina Seulgi at Irene sa political arena sa Senado, sila naman ay gumagawa ng konekyson sa mga tao para mas mapayaman ang kaalaman ng isa't isa sa usaping paggamit ng tama sa pondo ng bayan, at by extension, sa pamamahala overall.
This combination proved effective because the results of the presidential elections showed the people are still willing to learn, listen and reform institutions.
Natalo si Sen. Aguinaldo. Nanalo ang mga kamatis. Nanalo ang mga magsasakang sinubukan nilang goyohin.
Isa siyang himala, kung tutuusin.
At ika nga ni Nora Aunor sa karakter niya sa seminal film na "Himala," walang himala, ang himala ay nasa puso ng mga tao.
True naman. Dahil ang "himalang" ito - talo ang isang trapo! - ay nangyari naman talaga hindi dahil sa supernatural, magical, Papuri sa Diyos (remix) na galawan lamang, kundi dahil ginusto ng tao, ng publiko.
Comments