~Our Time~ 09

Our Time
Please Subscribe to read the full chapter

Nayeon's Pov


Isang linggo na yung lumilipas mula nang maaksidente si Yujin, araw araw namang pumupunta sa restaurant niya si Jeongyeon para tignan kung napapadaan ba si Chaeryeong dun.

"Nandito na tayo." tumingin ako sa labas ng bintana.

Nandito kami ngayon sa university kung saan kami nagkakilala, hindi ko naman maitatanggi kung bakit isinama ni Chaeryeong yung picture ng school namin sa mga clue na iniwan niya, dahil dito kami unang nagkita ni Jeongyeon.

'Enozi University'

"Wala paring pinagbago." naunang bumaba si Jeongyeon nang sasakyan at pinagbuksan ako nang pintuan.

Walang klase ngayon, pero may mangilan ngilang estudyante kaming nakikita sa field pero hindi ko alam kung bakit sila nandito. Dati kapag walang pasok hindi talaga ako pumapasok, di bale nalang kapag may practice sila Jeongyeon pinipilit niya akong panuorin siya.

"Anong mas namiss mo, itong university natin o yung law school mo?" hinawakan niya yung kamay ko.

"Siguro yung law school ko." natawa ako sa itsura niya. "Biro lang, syempre dito."

"Tss, sabihin mo namiss mo si Jimin na kasama sa law school niyo." hinampas ko siya sa beraso.

"Huwag mo nga akong simulan." hinila ko na siya para maglakad.

Unang pinuntahan namin yung hallway kung saan makikita yung mga malalaking achievement na nakuha ng university namin.

"Siguro kung dito mag-aaral yung tatlong anak natin, matatanggal na yung trophy niyo diyan sa pinakamataas." natawa si Jeongyeon sa sinabi ko.

"Oo pati yung trophy at medal mo sa regional quiz bee." inirapan ko siya.

"Tignan mo nga yung picture mo diyan habang hawak yung trophy niyo, mukha kang natatae na ewan." napakagat siya sa labi ni na para bang nagpipiggil na masuntok ako. "Oo nga pala, nasayo parin ba yung baseball glove na niregalo ko sayo?" tumango siya.

"Buti nga hindi nasunog nung nakaraan, kundi mapapatay ko yung gumawa nung sunog sa bahay ko dati." inakbayan niya ako. "Balak ko pa namang ibigay kay Chaeryeong yun." yumakap ako sa bewang niya.

"Alam kong hindi mo na ako maintindihan sa mga nagdaang mga araw, bigla nalang kitang hahalikan o kaya hihilain papunta sa kung saan para lang yakapin ka at sabihan nang matatamis na salita. Sobra lang talaga kitang namiss, iniisip ko nga hindi ba nakakahiya sayo, pagkatapos kitang ipagtabuyan sa loob nang dalawang taon kung makalingkis ako sayo ngayon parang iiwan mo ako." hinalikan niya ako sa sintido.

"Bakit ka naman mahihiya, asawa kita." sinandal niya yung ulo niya sa ulo ko. "Nung ipagsigawan mo nga nung festival natin kung gaano mo ako kamahal, nahiya ka ba?" natawa siya nang pumadyak ako dahil sa kahihiyan. "Kahit anu namang gawin o iparamdam mo sakin, makakalimutan ko lahat nang yun dahil sa pagmamahal ko sayo." hinarap niya ako at niyakap nang mahigpit.

"Jeong?" nag-hum lang siya. "Sinong kumuha nang litratong yun?" kunot noo siyang tumingin sakin. "Ayun." tinuro ko yung university's newspaper na nakadikit malapit sa trophy nila Jeongyeon.

"Si Chaeyoung ata, bakit?" lumapit ako sa glass door at sinigurado kung ako ba talaga yung nasa likuran ni Jeongyeon. "Kuha yan isang taon bago ka lumipat dito." tinignan ko yung date nung araw na irelease yung newspaper na yun.

"Anong ginagawa ko dito nung araw na yan?" natawa si Jeongyeon.

"Aba malay ko sayo, baka naman stalker kita." inirapan ko siya at inisip kung anu bang ginagawa ko dito sa university nung araw kuhaan yung picture ni Jeongyeon nang manalo sila sa intramurals kalaban yung ibang school.

"Naalala ko na." hinampas ko siya sa braso kaya napaatras siya. "Diba yung mom ni Dahyun yung doktor ko?" tumango siya kaya hinampas ko siya ulit sa sa braso. "Yun yung araw na lumabas yung resulta nang test ko dalawang buwan pagkatapos kong maoperahan." hinampas ko siya ulit sa braso.

"Okay, pero hindi mo naman kailangang manghampas."

"Wait? Ikaw yung mvp nung game na yun diba?" tumango siya kaya sinampal ko siya. "I hate you."

"Teka, bakit? Anu nanamang ginawa ko?" inirapan ko siya.

"Nag-enroll talaga ako dito sa university na 'to para kay Dahyun, pero ikaw yung nakatuluyan ko. Sinabi ko pa naman sa sarili ko nun na hinding hindi ako lalapit sayo, napakababaero mo kaya. Lahat nang babaeng magpapa-picture sayo kung akbayan mo, akala mo girlfriend mo." napabuntong hininga ako. "Tapos kapag may nagre-request sayo na halikan mo sila sa pingi, ikaw naman itong si pa-cute sinusunod sil-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang halikan ako ni Jeongyeon sa labi.

"Tss, oo mahal din kita." inakbayan niya ako. "At least, nagbago ako nung maging tayo." nagkibit balikat pa siya. "Tara na nga, sa pagkakaalam ko may practice yung baseball team ngayon, nuod tayo." hinawakan niya ako sa kamay at naglakad na.

Nang makahanap na kami ng magandang pwesto nagpaalam si Jeongyeon na pupunta lang siya sa restroom.

"Hindi pa siya nag-restroom bago kami tumuloy dito." napatingin ako sa mga estudyanteng nagpa-practice ng baseball. "Siguro ilang sakanila dito may girlfriend na nanunuod. Hays, I remember how I cheered out loud for Jeongyeon even though it's just a practice game." tumingin ako sa entrance papunta sa mismong baseball field.


~~~~~~~~~

"Hindi ko alam kung bakit ginagawa 'to, pero kailangan ko talagang gawin." naglakad na ako papunta sa entrance. "I need to see that guy." nagsisimula na yung laro, napatingin ako sa paligid ko dahil nasa mismong baseball field ako. *Saan ba yung daan papuntang sa bleachers.* tatalikod na sana ako nang makita ko yung lalaking hinahanap ko.

With his white skin and the way how the sun reflects on it. *Is he even a human?* He's now batting, the way he swing his bat it gives me the feeling that I've never felt before.

'Kim Dahyun'

"Hey miss watch out!!"


------------------------------

"Ayos ka lang ba?" napahawak ako sa ulo ko. *Shoot, don't tell me?!* *The tumor?!!* *Not another surgery, please.*

"Ayos lang." tumango siya at napatingin sa cellphone niya.

"Hey Jieun? Yeah, tingin ko naman ayos na siya.. a date.. of course I remember that... bye I love you." binalik ni Dahyun yung atensyon niya sakin. "I'm really sorry, pwede ko bang itanong kung bakit ka nandun sa field kanina?"

"Nagkamali lang ako nang nadaanang entrance." tumango siya.

"Sana ayos ka na talaga, oo nga pala kailangan ko nang umalis pero huwag kang mag-alala may pupunta naman dito para bantayan ka, tsaka narinig kong tinawagan na daw yung parents mo kaya makakauwi ka narin." marahan akong tumango. "Kim Dahyun, Yoo Dahyun talaga yung pangalan ko pero mas gusto kong tinatawag na Kim Dahyun." ngumiti siya na kita yung gilagid niya. *Cute.* "You are?"

"Im Nayeon." ngumuso siya.

"Sounds familiar, again I really have to go I need to catch up with my girlfriend, bye." tinapik niya pa ako sa balikat bago naglakad palabas ng infirmary.

*Girlfriend.* napailing ko ako.

"He's already taken, why?" napahawak ako sa ulo ko. "Aish, dumb."

"I know I am." napatingin ako sa pumasok na lalaki. "Son Chaeyoung." nilahad niya yung kamay niya.

"Nayeon." ngumiti siya.

"Yung kapatid ko sana yung sasama sayo habang hinihintay yung parents mo, kaso lang may importante siyang gagawin." alangan akong ngumiti.

"Hindi ko naman kailangan nang kasama." tumango siya.

"Well, hindi mo kilala si Jeongyeon at ayoko pang mamatay dahil lang hindi ko siya sinunuod." natawa ako.

"Gangster ba siya at isa ka sa mga bata niya?" umiling siya at umupo sa gilid ng kama ko.

"We have this so called, siblings' give and take portion in our life." pinakita ko sakaniya yung mukha kong hindi interesado sa mga sinasabi niya. "Jeongyeon, Dahyun at ako, kung may kailangan ka pwede mo kaming lapitan. Transferee ka dito, diba?" tumango ako. "Mukhang hindi ka interesado, hays." ngumuso siya. *So, kapatid niya ba si Dahy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
paradoxicalninja
#1
Chapter 5: Chapter 5: first time ko makahanap ng fic na 2yeon tapos wenrene ang side ship (and yermseul!!!) tagalog fic pa, amazing
Ghad20
#2
Chapter 11: this was amazing ♥ thank you so much authornim ^^
fitflop #3
tuwing kelan po ang update?
Muymoy8272
#4
Chapter 7: 2yeon parin hanggang sa hulu. 2yeon stay strong.
Muymoy8272
#5
Chapter 2: Grave ka Nayeon para masabing walabg kwenta so Jeongyeon. Baka magulat ka mas mayaman pa to Kay jimin.