~Our Time~ 01

Our Time
Please Subscribe to read the full chapter

Nayeon's Pov


Tingin ko, gumigising nalang talaga ako para magtrabaho nang magtrabaho. At ngayong umaga na'to masyadong nakakapanibago para sakin. *Madalas kasi sa opisina na ako nag-aagahan.*

"Oo nga pala mom, malapit na yung family day namin." nag-angat ako ng tingin kay Chaeryeong.

"Chaer, alam mo namang hindi makakapunta si mom dun. Si dad nalang yung itext mo." napakunot ang noo ko at napatingin kay Yujin. *Sinasabi niya bang, hindi ko sila kayang bigyan ng oras?!*

"Oo nga Chaer, nabanggit ko narin kay dad yun, ipaalala mo nalang." nakangiting sambit ni Ryujin.

"Kailan ba yan, baka naman hindi ako busy sa araw na yan." natawa silang tatlo sa sinabi ko.

"Report card po namin, pasok na po kami." si Chaeryeong.

"Bye mom." saad nung dalawang lalaki kong anak bago sumunod kay Chaeryeong .

Tinignan ko yung report card nilang tatlo.

"Pumapanget yung report card nung dalawa dahil sa mga kalokohan nila, may pinagmanahan talaga." kinuha ko nalang yung cellphone ko at tinawagan siya.

"Hello?"
: Hmm, napatawag ka?
"Nakuha ko na yung report card nung tatlo, siguro tignan mo nalang sa araw nang family day sa school nila."
: Tungkol dun, hanggang junior high school talaga? May family day sila?
"Makakapunta ka ba o hindi?"
: Hindi pa ako sigurado, pero sabihan ko nalang sila kung makakapunta ako o hindi.
"Yung sa kasal naman namin ni Jimin."
: Wait, kailangan na ako sa kusina, tawagan nalang kita mamaya.

Napabuntong hininga nalang ako nang babaan niya na ako nang tawag.

"You never change." tumayo na ako para ligpitin yung pinagkainan namin at nilagay yun sa lababo. *Huhugasan naman nila yung mga hugasin pag-uwi nila mamaya.*


-------------------------------------

"Attorney, wala na ba talaga tayong magagawa para manalo sa kasong 'to." napabuntong hininga ako.

"Mr. Nam, lahat nang ebidensya na makakapagturo sa inyo nakuha na nila." napa-iling siya.

"Kaya siguro nakulong yung asawa mo, dahil nagtiwala kayo masyado sa ebidensya na nakuha ng mga pulis." nagulat ako sa sinabi niya. "Sa ibang abogado nalang siguro ako hihingi nang tulong." tumayo na siya at lumabas nang opisina ko.

"Hey, baka naman ma-stress ka sa sinabi ni Mr. Han?" tumingin ako sa lalaking pumasok.

"Buti naman at nakita kita, masyado na akong stress ngayon." ngumiti siya. "Oo nga pala, nakausap mo na ba si Jeongyeon tungkol sa kasal natin?"

"Oo nakausap ko na siya, pero syempre kailangan niyo din mapag-usapan yung tungkol sa inyo, lalo na may mga anak kayo." tumango ako.

"Let's have dinner with them."

"Sure, later?" tumango lang ako. "Maiwan na muna kita." hinalikan niya ako sa pisngi bago lumabas nang opisina ko.

*Sana hindi tumutol yung tatlo.*

Nagtuloy tuloy yung araw ko na para bang hindi talaga para sakin yung araw na 'to. Lahat nang kliyente ko hindi sumasang-ayon sa mga suhwesyon ko. Hindi ko alam kung gusto nilang matalo sa kaso o gusto lang nilang ipamukha sakin na wala akong kwentang abogado dahil sa nangyari sa relasyon namin ni Jeongyeon.

"Hey, huwag mo na masyadong isipin yung tungkol sa mga kliyente mo. Marami pang lalapit sayo, sa ngayon mag-pukos ka nalang sakin at sa mga anak mo." hinalikan niya yung likurang bahagi ng kamay ko.

Bago kami bumaba ni Jimin sa sasakyan niya, nakita namin sila Ryujin kasama si Jeongyeon.

"Basta sa family day, dapat pumunta ka dad." dinig kong sambit ni Chaeryeong nang palapit na kami ni Jimin sakanila.

"Susubukan ko, marami kasi sa mga staff namin ang umalis para sa seminar sa ibang bansa." nag-bow si Jeongueon nang makita niya kami.

"Dapat pumunta ka, kailangan ka nila dun." saad ko.

"Oo nga pala dad, yung tungkol sa kasal nila mom, alam mo na ba yung tungkol dun?" napatingin kaming lahat kay Yujin.

"Hmm, nakausap na nila ako tungkol dun." tumingin ako kay Jeongyeon, nakangiti naman siya. "Mauuna na ako, marami pa akong gagawin, hinatid ko lang yung tatlo." nag-bow siya ulit bago naglakad palayo.

"May binili nga pala kami ng mom niyo, tar-" hindi na natapos ni Jimin yung sasabihin niya nang magsalita si Ryujin.

"Kumain na kami, salamat nalang." nauna na siyang maglakad.

"Pagpasensyahan niyo na si Ryujin, medyo mainit lang po yung ulo." si Chaeryeong.

"Ayos lang samin kung hindi ka makakapunta sa sabado, hindi rin naman kailangan." sambit ni Yujin.

"Yujin, halika na nga." nag-bow pa si Chaeryeong bago hilain si Yujin.

"Huwag kang mag-alala, makakasundo mo rin yung dalawa, halika pumasok na tayo sa loob." hinila ko na papasok si Jimin sa loob ng bahay namin.

Habang kumakain kami ni Jimin napansin kong panay ang pagpatay sindi nang ilaw namin sa kusina.

"Aayusin ko nalang mamaya." saad ni Jimin.

"Huwag na, tatawag nalang ako nanag maintenance bukas." umiling siya.

"Abugado ako, pero kaya ko ring mag-ayos nang mga sira sa bahay." napabuntong hininga nalang ako.

"Bahala ka."


Pagkatapos naming kumain naghanda na si Jimin sa pag-ayos sa ilaw namin.

"MOM!!" sabay na sigaw nung tatlo nang mawalan nang ilaw sa buong bahay. *Pumutok lang naman yung tinatanggal na ilaw ni Jimin.*

"Jimin, nasaktan ka ba?"

"Ayos lang ako, hindi naman ganun katindi yung nangyari sa kamay ko." itinapat ni Chaeryeong yung cellphone niya samin at doon ko nakitang dumudugo yung kamay ni Jimin.

"Halika itatakbo na kita sa hospital." hinawakan ko sa braso si Jimin.

"Really mom? Pagkatapos mawalan ng ilaw sa buong bahay, uunahin mo pa yung lalaking yan?" tinignan ko ng masama si Ryujin.

"Gusto lang niyang makatulong sa-"

"Hindi siya nakatulong, lalo lang niya tayong pinahirapan!"

"Ryujin!!" sigaw ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
paradoxicalninja
#1
Chapter 5: Chapter 5: first time ko makahanap ng fic na 2yeon tapos wenrene ang side ship (and yermseul!!!) tagalog fic pa, amazing
Ghad20
31 streak #2
Chapter 11: this was amazing ♥ thank you so much authornim ^^
fitflop #3
tuwing kelan po ang update?
Muymoy8272
#4
Chapter 7: 2yeon parin hanggang sa hulu. 2yeon stay strong.
Muymoy8272
#5
Chapter 2: Grave ka Nayeon para masabing walabg kwenta so Jeongyeon. Baka magulat ka mas mayaman pa to Kay jimin.