~Our Time~ 02

Our Time
Please Subscribe to read the full chapter

Nayeon's Pov


Pagdating ni Jimin sa bahay pumunta na kaagad kami sa presinto.

"Good evening Attorney Im." bati sakin nang isang pulis na nandoon.

"Good evening, magpa-file lang sana ako nang case for missing person." tumango siya.

"Gaano na po ba katagal na nawawala yung taong 'yon?."

"Hindi ako sigurado, pero nung iwan ko siya sa bahay alas siyete ng umaga. Yoo Chaeryeong yung pangalan niya." may tinignan siya sa kung saan kaya napatingin din ako dun. *Si Jeongyeon kasama sila Ryujin at Yujin.*

"Kung kanina lang pong alas siyete ng umaga siya, kailangan pa po nating maghintay hanggang 48 hours." napasapo ako sa noo ko.

"Hihintayin ko pa talaga yung oras na yun bago niyo kami tulungang maghanap?" napapikit ako para pigilan yung inis ko.

Lumapit ako sa mag-ama ko.

"Wala ka talagang gagawin?" tanong ko kay Jeongyeon. "Uupo ka lang talaga diyan?"

"Anong gusto mo? Magwala ako katulad nung ginawa ko dati?" natawa siya. "Nagwala ako nun dahil wala akong kasalanan, pero sa pagkakataong 'to napakalaki nang kasalanan ko." huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "Bakit ko ba kasi hinayaang nasayo sila." tumayo na siya kasunod yung dalawang anak namin.

Umupo ako sa upuang kinaroroonan nila kanina.

"Nagkamali ba talaga kami sa kaso niya noon?" napahawak nalang ako sa noo ko.

"Umuwi nalang muna siguro tayo, ganun naman din siguro yung gagawin nila Jeongyeon, magpahinga ka muna." umiling ako.

"Kung kailangan kong maghintay dito, maghihintay ako." tumango lang si Jimin bago hawakan yung kamay ko.

"Makikita natin siya." pinatong niya yung ulo ko sa balikat niya.

--------------------------------------

Nagising ako dahil sa mahihinang tapik sa balikat ko.

"Mom?" si Yujin. "Kailangan kang makausap nung detective." napaayos ako nang upo.

"Bakit daw?"

"Mom, nawawala si Chaer, malamang kailangan ka ring makausap." tumayo na ako at pumasok sa isang kwarto kung saan ako hinatid ni Yujin.

"Attorney Im." nag-bow siya. "Detective Shin." nakipagkamay ako sakaniya. "Upo na po kayo."

"May nahanap na ba kayong pwede makapagturo kung nasaan yung anak ko?"

"Wala pa po, pero may mga nakuha si Mr. Yoo sa kwarto ni Chaeryeong." may nilapag siyang mga papel sa lamesang namamagitan samin.

"Anu namang meron sa mga picture na yan?" may nilapag siyang panibagong mga papel.

"Kuha po yan mula sa mga orihinal na picture na nakuha sa kwarto ni Chaeryeong, kung pagdidikitin po natin yung mga nakasulat sa likod nang picture-"

"I'm tired." pagbasa ko sa salitang nabuo na nakasulat sa picture.

"Tama po." tumingin ako sakaniya. "Ang tinitignan po naming dahilan nang pagkawala ni Chaeryeong, pwede pong naglayas siya."

"Bakit naman siya maglalayas?" hibdi ako makapaniwalang napatingin sakaniya.

"Base po sa sinabi ng mga anak niyo nang tanungin namin sila kanina, nagkaroon po nang pagtatalo sa pagitan niyo, kaya tinitignan namin na kaya siya naglayas kasi may mga bagay sa pagitan niyo na hindi niyo mapagkasunduan." natawa ako.

"Kasama ba sa trabaho niyo na pakielaman yung personal naming buhay ng mga anak ko? Normal lang naman yung magkaroon nang pagtatalo sa pagitan namin." tumango siya.

"Alam ko po, pero yun din yung sinabi niyong pwedeng maging dahilan sa kaso ni Mr. Yoo, nakaraang labing dalawang taon?"

"Bakit ba kinokonekta mo yung kaso ni Jeongyeon sa kaso ng anak ko? Malaki yung pinagkaiba nun!!" tumayo na ako at agad na lumabas nang kwartong yun.

"Umuwi nalang muna siguro kayo, mahirap na kung sasama pa kayo sakin sa paghahanap sa kapatid niyo." saad ni Jeongyeon sa mga anak namin, hinila ko siya sa braso.

"May kinalaman ka ba sa pagkawala ni Chaeryeong?!" natawa siya.

"Anu bang sinasabi mo?"

"Ginagawa mo ba 'to para ipamukha sakin na nagkamali ako sa kaso mo noon?!" binawi niya sa pagkakahawak ko yung braso niya.

"Alam mo, kung naiwan ka sa nakaraan huwag mo akong idadamay." naglakad na siya palayo sakin.

"Wala ka na ba ibang alam gawin kundi isisi lahat kay dad? Siya nga 'tong nakahanap nang pwede makatulong sa paghahanap kay Chaer, tapos sisisihin mo pa siya." napatingin ako kay Ryujin. "Samantalang ikaw natutulog diyan kasama yung lalaki mo."

"Hindi kami babalik sa bahay hangga't wala pa si Chaer, huwag kang mag-alala hindi kami umaasang mahahanap mo siya. Busy ka sa kasal mo, diba?" saad ni Yujin. "Isisi mo na lahat kay dad, huwag lang yung pagkawala ni Chaer. Tandaan mo mom, ikaw yung huling kasama niya bago siya nawala." napayuko nalang ako nang sabay nila akong talikuran at naglakad paalis.


----------------------------------------

Tatlong araw na ang lumilipas mula nang mawala si Chaeryeong, ngayong araw yung isa sa mga kinakatakutan kong araw.

"Magandang umaga po." bati sakin nang mga kasambahay.

"Nandiyan na ba si Jeongyeon?" humigpit yung pagkakahawak ko sa bag ko.

"Kanina pa po." nanatili lang silang nakayuko, tsaka lang sila tumayo ng maayos nang makalagpas na ako sakanila.

"Magandang umaga po." bati ko sa mga magulang ko.

"Maupo ka na." sambit ni papa, umupo ako sa katabing upuan ni Jeongyeon.

"Bakit hindi niyo man lang pinaalam samin na nawawala pala si Chaeryeong." si mama.

"Sasabihin ko rin naman po, medyo busy lang po ako." tugon ko.

"Busy saan? Sa kasal mo?" nag-angat ako nang tingin kay papa.

"Hindi po."

"Jeongyeon, bakit hindi mo pinaalam samin yung nangyari?" umayos nang upo si Jeongyeon nang tawagin siya ni mama.

"Hindi ko po kasi alam kung paano, tsaka tuwing gabi lang po kasi ako may oras dahil kailangan po ako sa restaurant. Pinupuntahan ko po kasi yung mga nasa picture na nakita ko sa kwarto ni Chaeryeong, kaya wala na po akong oras para magsabi sa inyo." napa-irap nalang ako dahil sa sagot niya.

"Kahit kailan talaga kailangan lagi kang magpasikat." bulong ko.

"Meron ka naman bang nakuha sa mga napuntahan mo?" napatingin din ako kay Jeongyeon.

"Bukod po sa puyat? Wala na po." napahilot siya sa noo niya.

"Pwede ba, huwag ka ngang magpanggap na may ginagawa ka talaga." napatingin silang tatlo sakin.

"Totoo naman yung sinasabi ko." natawa siya na para bang napalaki nang pagkakamaling nasabi ko. "Kagaya po nang sabi ko, hindi po talaga pwede na magkasama kaming maghahanap kay Chaeryeong. Paniguradong mas pipiliin niya pang makasama si Jimin, kesa sakin na walang kwenta." tumayo na siya at nag-bow. "Mauuna na po ako." naglakad na siya palabas nang kwartong kinaroroonan namin.

Inis ko siyang sinundan.

"Yoo Jeongyeon!!" humarap siya sakin. "Pwede ba, wala ka naman talagang ginagawa, huwag mo nang palabasin na hinahanap mo talaga si Chaeryeong!"

"Alam mo, imbes na ituon mo sa pangmamaliit mo sakin yung atensyon mo, gumawa ka nalang nang paraan para makatulong sa paghahanap sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
paradoxicalninja
#1
Chapter 5: Chapter 5: first time ko makahanap ng fic na 2yeon tapos wenrene ang side ship (and yermseul!!!) tagalog fic pa, amazing
Ghad20
#2
Chapter 11: this was amazing ♥ thank you so much authornim ^^
fitflop #3
tuwing kelan po ang update?
Muymoy8272
#4
Chapter 7: 2yeon parin hanggang sa hulu. 2yeon stay strong.
Muymoy8272
#5
Chapter 2: Grave ka Nayeon para masabing walabg kwenta so Jeongyeon. Baka magulat ka mas mayaman pa to Kay jimin.