~Our Time~ 04

Our Time
Please Subscribe to read the full chapter

Jeongyeon's Pov


Nagising ako na nasa tabi ko parin si Nayeon.

*Paano ba ako hindi magkakagusto sayo,* *Bukod sa maganda ka, matalino at mabait ka pa.* *Sobrang swerte ko talaga na nakilala kita, pero hindi siguro talaga tayo para sa isa't isa.*

"Alam kong maganda ako, pero hindi ko naman ako kailangang titigan nang ganiyan." nginitian ko siya.

"Masakit ba yung leeg mo?" umiling siya. "Yung braso ko kasi sobrang sakit na." tinulak niya ako at bumangon na.

"Bilisan mo na, baka maabutan pa natin si Chaer." bumangon na ako at inayos yung mga gamit ko.

Napatingin ako sa cellphone niya at nakita ko yung pangalan ni Jimin.

"Sagutin mo na kaya, baka emergency." tinignan niya lang yung cellphone bago ituloy yung pag-aayos. "Ako nalang sasagot." kinuha ko yun at inilapat sa tenga ko.


: Hello? Nayeon pasensiya na alam kong may problema kayo ngayon, nasa hospital kasi si Jimin baka pwedeng pumunta ka?

Inabot ko kay Nayeon yung cellphone niya.

"Hello?.... pwede mo bang ulitin yung sinabi mo?" lumabas na ako nang kwarto namin at pumunta na sa parking lot.

Ilang minuto pa akong naghintay sa loob nang sasakyan bago dumating si Nayeon.

"Saang hospital?" napayuko lang siya. "Ihahatid na kita, tapos ako nalang yung pupunta doon sa park."

Nagmaneho na ako kahit hindi ko alam kung nasaang hospital si Jimin.

"Dito nalang siguro ako." tumango lang ako at pumarada sa gilid nang daan. "Salamat."

Umuwi nalang muna ako para makapagpahinga at mag-isip isip.

"Dad, kakauwi mo lang?" napatingin ako kay Ryujin.

"Anong ginagawa mo dito?" umupo siya sa tabi ko.

"Dad I met someone." tumango ako. "Sobrang ganda niya." natawa ako. "Totoo nga dad, kaso lang mas matangkad siya sakin, ayos lang kaya yun?"

"Siguro, hindi naman yung height niyo yung magdedesisyon sa pagmamahalan niyo." tumango siya. "Anu bang pangalan niyan?"

"Hwang Yeji? Oo tama, bagong lipat lang kasi siya sa school namin." napa-iling ako.

"No, not her." kunot noo siyang napatingin sakin.

"Bakit naman dad? Si Minjoo hindi pwede dahil may boyfriend na siya, tapos ngayon hindi parin pwede? Anu namang dahilan ngayon?" natawa ako sa itsura niya.

"Pinsan siya ni Dahyun." nanlaki yung mga mata niya.

"Ibig sabihin? Auntie ko siya? As blood related?" umiling ako.

"Makapatid kami ni Dahyun kay dad, pinsan siya ni Dahyun sa side ng mom niya." napabuntong hininga siya.

"Pero hindi parin magandang tignan." tumango ako. "Nakakainis naman!!" napangiti ako.

"Ganiyang ganiyan din ako sa mom mo noon, pero tyagaan lang talaga." inakbayan ko siya. "Basta darating din yung para sayo."

"Dad bakit ka nga pala nandito? Sabi ni mom kay Yujin kagabi may pupuntahan daw kayo."

"Hmm, kaso lang may emergency kaya kailangan naming bumalik dito." tumayo siya at naglakad papunta sa kwarto nila ni Yujin dito sa unit ko.

"Dad, tara na?"

"Saan?" natawa siya.

"Hanapin natin si Chaer, wala naman po kaming gaanong ginagawa sa school." tumayo na ako at kinuha yung susi ng sasakyan ko.

Habang nasa biyahe kami tinitignan ni Ryujin yung mga picture na nakuha ko sa kwarto ni Chaeryeong.

"Bakit kaya niya ginawa 'to satin?" napabuntong hininga siya. "Kung kailangan niyo po 'tong puntahan isa isa, bakit hindi niyo nalang po puntahan yung pinakahuli at doon maghintay?"

"Oo nga, sasabihin ko sa mom mo." natawa siya.

"Dad? Bakit lahat nang bagay na may kaugnayan saming magkakapatid, kailangan mo pa pong ipaalam kay mom? Anak mo rin naman po kami." ngumiti ako.

"Mas mahabang panahon kasi na nakasama niyo siya, kaya mas kilala niya kayo." tinapik ko siya sa balikat. "Apat na taon palang kayo nung makulong ako, walang wala yun sa sampong taon na yung mommy niyo yung nag-alaga sa inyo."

"Tutol ka ba dad sa kasal nila ni Jimin?"

Pinarada ko na yung sasakyan ko dahil nakarating na kami sa destinasyon namin.

"Syempre tutol ako, dahil umaasa parin ako na magkakabalikan pa kami." tumingin ako sakaniya. "Nagmakaawa ako kay Jimin nang kausapin niya ako tungkol sa kasal nila, pero hindi niya ako pinakinggan. Sa ayaw o sa gusto ko, ikakasal sila ni Nayeon."

"Tara na dad?" nauna na siyang bumaba nang sasakyan. "Mag-iikot ikot lang ako, dad." tumango ako.

Umupo ako sa ilalim nang puno kung saan kami laging pumipwesto ni Nayeon.

Dito sa park na 'to yung pinakaunang date namin ni Nayeon, at dito rin kami may tinagong alaala.

Isa isa ko nang tinanggal yung mga bato na naka patong sa mismong lupa na pinagtaguan namin ni Nayeon ng mga sulat at picture. Halatang hinukay yun bago pa kami dumating ni Ryujin dito, kaya madali ko lang nakuha yung capsule na tinago namin ni Nayeon doon.

"Pagkatapos nang ilang taon, ngayon lang kita nabalikan." pinagpag ko yung mga lupang dumikit doon bago buksan.

Wala na yung mga sulat at ilang picture na nandoon, tanging yung picture lang namin ni Nayeon nung araw na pumunta kami dito yung nandoon. Kinuha ko yung picture na galing sa kwarto ni Chaeryeong at dinikit dun yung picture namin ni Nayeon na nasa capsule.


~~~~~~~~~

"Jeong? Kung meron kang gustong hilingin sakin, anu yun?" pinatong niya sa balikat ko yung baba niya.

"Yung kamay mo." natawa siya.

"Bakit naman yung kamay ko?"

"Malaki." natatawang saad ko kaya hinampas niya ako sa balikat. "Hihilingin ko sa mga magulang mo, para ikasal sakin."

"Mahal mo talaga ako?" yumakap siya sa bewang ko. "Paano kung sabihin ko sayo na hindi na kita mahal?"

"Edi, mamahalin parin kita." hinawakan ko yung kamay niyang nasa tsyan ko. "Hindi ko naman hawak yung emosyon at mararamdaman mo para sakin, pero yung nararamdaman ko para sayo, ako lang yung makakapagdikta kung dapat ko pa bang ituloy o isuko na."

"Picture tayo." inabot niya sakin yung polaroid camera niya.

Habang hinihintay namin yung paglabas nung litrato namin sa polaroid, tinignan ko siya.

"Bakit lagi mong dala yung kamera mo?" pinaling niya yung ulo niya sa balikat ko.

"Para makabuo nang alaala kasama ka." tumingin siya sakin. "Baka kasi makalimutan ko."

"Bakit mo naman kakalimutan, may problema ba?" umiling siya.

"Baka lang naman, alam mo na kapag tumanda na tayo." hinalikan ko siya sa noo.

"Edi tutulungan kitang maalala lahat nang makakalimutan mo."


~~~~~~~~~

*Dahil sa sakit niya, nagawa niya akong hiwalayan.* *Pero syempre Yoo Jeongyeon 'to, babalik talaga siya sakin.* *Sana ngayon din.*

"Dad kain ka muna." inabutan ako ni Ryujin ng paper bowl na may lamang takoyaki at isang boteng tubig. "May nakita akong magandang babae habang bumibili ako, tingin mo dad hindi parin kami pwede?"

"Kung kayo talaga para sa isa't isa, magkikita at magkikita kayong dalawa." kumain na ako.

Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain, kaya naisip kong tanungin siya.

"Galit ka ba sa mom mo?" umiling siya. "Bakit ganun mo siya itrato?"

"Hindi ko po kasi maintindihan dad, kung bakit niya pa kailangang magpakasal sa iba. Diba kinasal narin naman kayo dati, anu pang point nung pagpapakasal niya sa iba kung pwede ka naman niyang balikan nalang." napangiti ako.

"Tama ka, pero hindi naman natin hawak yung nararamdaman ng mom mo. Paano kung hindi na niya pala ako mahal, ayoko namang pilitin siyang mahalin ako dahil mahal ko pa siya." tinignan ko yung picture namin ni Nayeon bago iabot sakaniya. "Kung anu man yung nararamdaman niya para sakin ngayon, siya lang ang nakakaalam nun. Dahil ang alam ko lang naman ay kung anong nararamdaman ko para sakaniya, yun yung hanggang ngayon ay mahal na mahal ko parin siya."

"Masaya naman kayo sa isa't isa, bakit kailangan niyo pang maghiwalay?"

"Dahil nga sa dahilan kung bakit ako nakulong." nginitian ko siya.

"Pero diba dad, napatunayan namang hindi totoong ikaw nga yung gumawa nun?" tumango ako.

"Pero sa ilang taon na lumipas, hindi naman natin alam kung ako parin yung mahal ng mom mo, kaya wala na tayong magagawa kung anu man yung meron samin ngayon." napabuntong hininga siya.

"Basta matuloy man o hindi yung kasal nila, ikaw parin naman yung dad namin diba?" tumango ako.

"Ibang usapan na yung sa inyo, kahit saang korte pa kami umabot. Ipaglalaban ko kayong tatlo." tinapik ko siya sa balikat. "Kaya huwag ka nang magalit o magtampo sa mom mo, hindi mo alam kung gaano siyang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
paradoxicalninja
#1
Chapter 5: Chapter 5: first time ko makahanap ng fic na 2yeon tapos wenrene ang side ship (and yermseul!!!) tagalog fic pa, amazing
Ghad20
31 streak #2
Chapter 11: this was amazing ♥ thank you so much authornim ^^
fitflop #3
tuwing kelan po ang update?
Muymoy8272
#4
Chapter 7: 2yeon parin hanggang sa hulu. 2yeon stay strong.
Muymoy8272
#5
Chapter 2: Grave ka Nayeon para masabing walabg kwenta so Jeongyeon. Baka magulat ka mas mayaman pa to Kay jimin.