~Our Time~ 03

Our Time
Please Subscribe to read the full chapter

Jeongyeon's Pov


Mula nang umalis sa unit ko si Nayeon kahapon, hindi pa ako nakakatanggap nang tawag o kahit text man lang.

"Akala mo ba hindi ako umasa?! Nung yumakap ako sayo, umasa na kagad akong babalik ka sakin!!" napatingin ako sa cellphone kong nakapatong sa hita ko.

"Hello?"
: Can you fetch me?
"Saan?" napaayos ako nang upo nang marinig ko yung pag-iyak niya.
: At the law firm.
"On my way."

Nang babaan ko na siya nang tawag agad akong nagpalit ng damit at pumunta sa parking lot.

Pagdating ko sa law firm na pinagtatrabahuhan niya agad ako tumakbo palapit sakaniya.

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" yumakap siya sakin.

"Puntahan na natin si Chaeryeong, please?" tinignan ko siya.

"Saan? Saan natin siya pupuntahan?" umiling siya. *Stress na stress na siguro siya.* "Sumakay ka na muna sa sasakyan." marahan ko siyang hinila palapit sa sasakyan ko at pinagbuksan siya nang pintuan sa backseat.

Naghintay lang ako sa labas nang sasakyan ko hanggang sa kumalma siya at kausapin na ako.

"Jeongyeon?" tinignan ko siya, nasa loob parin siya nang sasakyan, binaba niya lang yung bintana. "May tumawag sakin, pumunta daw doon si Chaeryeong nung isang araw. Jeongyeon, pumunta na tayo dun baka nandoon pa si Chaeryeong." napayuko nalang ako nang makita ko kung paano dahan dahan na tumulo nanaman yung mga luha niya.

"Pupunta na tayo doon." sumakay na ako sa driver's seat at nagmaneho papunta sa unit ko para kumuha nang mga gamit.

Pagbalik ko sa sasakyan ko nakatulala lang si Nayeon.

"Gusto mo bang kumain muna?" umiling siya. "Saan ba tayo pupunta?"

"Nasaan yung mga picture na nakita mo sa kwarto ni Chaeryeong?" kinuha ko yun sa bag ko at inabot sakaniya. "Dito." napatingin ako sa picture at napayuko.

"Sigurado ka ba?" tinignan ko yung reaksyon niya. "Sabi ko nga siguradong sigurado ka na." nagmaneho na ako.

Sa totoo lang hindi ko alam kung anong tawag dun sa lugar na yun basta nasa parte lang siya ng Incheon, pumunta kami doon nung minsang mag-aya siyang gumala. Nadaanan lang namin yun nang bigla niya akong sinabihang huminto, motor palang yung gamit namin nun.

"Sigurado ka bang dito yun?" tumango siya.

"Muui Island, dito nga." bumaba na siya nang sasakyan, kaya sumunod na ako.

"Imposible namang magpunta dito si Chaeryeong, sigurado ka bang dito yun?" tinignan niya ako nang masama.

"Bakit ba wala kang tiwala sakin?" napabuntong hininga nalang ako.

"Sige na, magtanong ka na." naglakad na siya at nagtanong tanong sa mga taga doon.

"Nakita nga nila dito si Chaeryeong, pero umalis din kagad." sumandal siya sa sasakyan.

"Suko ka na kagad?" umiling siya. "Umuwi na tayo?"

"Maghintay pa tayo, please?" tumingin siya sakin. "Baka bumalik si Chaeryeong dito." napabuntong hininga nalang ako.

"Sige, pero humanap muna tayo ng pwede nating mapag-parkingan, para hindi nakaharang sa daan yung sasakyan natin." tumango siya at sumakay na sa backseat.

Nang makahanap na ako nang mapaparadahan, hinihintay ko siyang magsalita.

"Jeong?" hindi ko alam pero may kung anu sa dibdib ko na kumirot dahil sa pagtawag niya lang sa pangalan ko.

"Nagugutom ka na ba?" natawa siya.

"Tell me." tinignan ko siya. "Tell me I'm not the only one who sees it."

"Sees what?"

"Our memories here?" may kung anong parang humipan sa batok ko at nagtayuan yung mga balahibo ko.

"Siguro, maghahanap nalang muna ako nang makakain natin, baka gutom ka lang." bumaba na ako nang sasakyan at lumanghap nang sariwang hangin.

*Bakit tumitibok ka nanaman nang ganiyan?!* humawak ako sa dibdib ko. *Hindi na kayo pwede, kaya huwag ka nang umasa!* napailing nalang ako bago maglakad.

"Saan po ba pwedeng makabili nang pagkain dito?" tanong ko sa medyo may edad nang babae na naglilinis sa tapat nang bahay nila.

"Pwede naman kaming magbigay ng pagkain sa inyo, pero kung may gusto kayong pagkain, duon ka pa makakabili sa kabilang isla." napatango nalang ako.

"Sige salamat po." tumingin ako sa sasakyan namin, tulog narin naman si Nayeon.

Pumunta nalang muna ako sa talampasigan.

"Depende naman kasi sa puso ko Nayeon, kung gusto ba niyang alalahanin yung mga alaala natin." kinuha ko yung mga picture na galing sa kwarto ni Chaeryeong at yung picture namin ni Nayeon na nasa wallet ko.

Tignan ko palang yung mga ngiti niya, napapaisip nalang ako kung bakit ba dumating samin yung napakalaking pagsubok na yun.

"Kailangan ba talaga natin pagdaanan lahat nang yun?" pinunasan ko yung mga luha ko. "Bakit hindi nalang tayo nanatiling masaya, katulad nung pumunta tayo sa lugar na 'to noon?" napapikit ako para pigilan yung mga luha ko sa pagtulo, pero lalo lang tumulo yung mga ito nang makita ko yung alaala naming dalawa.

~~~~~~~~~

"Yah!! Jeongyeon-ah!" napapikit nalang ako nang marinig ko yung boses na yun. "Saan ka galing?"

"Nagkayayaan lang kaming mag-inuman nila Dahyun kagabi." tumango siya.

"Bakit? May problema nanaman sila ni Jieun-unnie?" umiling ako.

"Matutulog nalang muna ako, umuwi ka na sa dorm niyo." ngumiti siya.

"Gala tayo, please?" napabuntong hininga ako. *Bakit ka ba ganiyan?*

"Pagod ako." ngumuso siya.

"Sige na, please?"

"Saan mo ba gustong pumunta? Pupuntahan natin bukas." pinagkrus niya yung mga braso niya.

"Huwag na nga lang, pero huwag kang magtatampo kapag nakaalis ako bukas nang hindi nagpapaalam sayo." tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.

"Saan ka naman pupunta?" hindi siya sumagot. "Tara na, kahit saan mo gustong pumunta!" sigaw ko dahil medyo malayo na siya sakin.

"Talaga?" tumango lang ako. "Tara na!!" tumakbo siya palapit sakin. "Sumakay ka na sa motor mo." sinuotan niya pa ako ng helmet.

Bumili nalang muna kami nang helmet niya bago tuluyang gumala.

"Ang ganda doon!! Doon nalang tayo." hinampas niya pa ako sa braso.

"Sandali lang, huwag kang magulo!" sigaw ko, pero hindi parin siya tumigil sa kakahampas sa braso ko. *May hangover na nga ako, ang kulit pa nitong angkas ko.*

"Ang ganda dito, kasing ganda ko!!" napailing nalang ako, *Hindi sa hindi siya maganda, ang ingay niya lang kasi masyado!!*

Umupo ako sa buhanginan at pinanuod lang siyang tumakbo at tumalon talon.

*Bakit ko ba minahal 'tong babaeng 'to?!* *Bukod sa medyo may amats siya, manhid pa sa mga pinapakita ko na nagsasabing gusto ko siya.*

"Nahihilo ka ba?" tinignan ko siya.

"Medyo, pero sanay narin naman ako." umupo siya sa tabi ko.

"Bakit nga pala kayo nag-inuman kagabi?" *Dahil sa kamanhidan mo!*

"Ewan ko rin sakanila, stress ata sila." tumingin ako sa kung saan aabutin nang paningin ko.

"Aalis nga pala kami bukas, mga isang linggo siguro kami dun." napatingin ako sakaniya nang isandal niya sa balikat ko yung ulo niya. "Salamat, kasi kahit na wala ka pang matinong tulog sinamahan mo parin ako." *Salamat lang?!* *Wala bang I love you diyan, Im Nayeon?!!* "And I love how willing you are to spend your time with me." *I love you sakin, pero ayos narin yun.*

"Tss, napilitan lang ako, hindi ako willing na samahan ka."

"Whatever."

"Nayeon?" nag-hum lang siya. "Bakit wala ka paring boyfriend hanggang ngayon?" natawa siya. "Siguro panget ka talaga kaya ganun." tinignan niya ako ng masama.

"Alam mo, napakabalagbag at pasmado talaga niyang bunganga mo." inirapan niya ako.

"Pwede bang ako nalang?" halata sa mga mata niyang nagulat siya. "Ako nalang maghahanap ng boyfriend para sayo." sinuntok niya ako sa dibdib.

"Ang panget talaga ng ugali mo!!" nginitian ko lang siya.

"Pero seryoso na." hinawakan ko yung kamay niya. "Pwede bang ako nalang?" napa-iling nalang ako nang bigla siyang sinukin. *Napakasinukin naman nito kapag kasama ako!*

"Ser 'hiccup' yoso ba ya 'hiccup' yan?" hinawakan ko siya sa baba.

"Minsan lang ako magseryoso, kaya sulitin mo na." tuloy parin siya sa pakikipaglaban niya sa sinok niya. "I love you, Ms. Im Nayeon." hinalikan ko siya sa labi, napangiti nalang ako nang makita ko siyang pumikit. "Ihahatid na kita sa inyo?"

"Sandali lang." tinignan ko lang siya habang may kinukuha sa bag niya. "Picture muna tayo." inabot niya sakin yung kamera niya.

~~~~~~~~~

Napakasaya ko nang araw na yun, kahit wala pa akong tulog.

"Pwede pa kayang mangyari ulit yun? Maging masaya tayo sa oras na magkasama tayong dalawa." napakagat ako sa labi ko.

"Hindi sa gusto kitang maistorbo, pero gusto niyo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
paradoxicalninja
#1
Chapter 5: Chapter 5: first time ko makahanap ng fic na 2yeon tapos wenrene ang side ship (and yermseul!!!) tagalog fic pa, amazing
Ghad20
31 streak #2
Chapter 11: this was amazing ♥ thank you so much authornim ^^
fitflop #3
tuwing kelan po ang update?
Muymoy8272
#4
Chapter 7: 2yeon parin hanggang sa hulu. 2yeon stay strong.
Muymoy8272
#5
Chapter 2: Grave ka Nayeon para masabing walabg kwenta so Jeongyeon. Baka magulat ka mas mayaman pa to Kay jimin.