~Our Time~ 06

Our Time
Please Subscribe to read the full chapter

Nayeon's Pov

Napangiti nalang ako nang makita ko yung mga bulaklak na binigay ni Jeongyeon kagabi. *He really never change.* bumangon na ako at kinuha yung bulaklak.

"Good morning mom, hinihintay na tayo ni dad sa baba." saad ni Ryujin.

"Ilalagay ko lang 'to sa sasakyan niya." umiling silang dalawa.

"Kami nalang mom, mauna ka na doon sa baba." kinuha na ni Yujin sakin yung bulaklak at marahan nila akong hinila.

"Hmm, anong meron?" takang tanong ni Jeongyeon.

"Wala naman dad, sige pupunta lang po kami sa sasakyan." napatango nalang si Jeongyeon.

"Mukhang maganda yung gising nung dalawa." sambit ko.

"Baka may nagreply lang doon sa mga nakilala nila kahapon, kumain ka na." umupo na ako at kumuha nang pagkain.

Nagkatinginan naman kami ni Jeongyeon nang may lalaking tumayo sa gilid namin at nagsimulang tumugtog ng violin.

"Happy anniversary Mr. and Mrs. Yoo." saad nung lalaki pagkatapos niyang tumugtog.

"Thank you." sambit namin ni Jeongyeon, nag-bow na yung lalaki at naglakad palayo.

"Anong kanta nga ulit yun?" tanong ko kay Jeongyeon.

"So Close by John McLaughlin." tugon niya.

"Plano mo ba 'to?" umiling siya.

"Mas magaling naman akong magplano kesa sa nagplano nito." tinuloy na namin yung pag-kain namin.

"Masarap ba dad?" si Ryujin.

"Umupo na nga kayo, kaya pala maganda yung gising niyo may plano kayo." saad ko.

"Plano? Anong plano mom?" si Yujin, napailing nalang ako at hindi na nagsalita.


Pagkatapos naming kumain nauna na akong sumakay sa sasakyan ni Jeongyeon.

Hanggang ngayon hindi ko parin nakikita o kinakausap si Jimin, nung umuwi kami ni Jeongyeon nung nakaraan, hindi ako tumuloy nun sa hospital dahil ayoko na talagang harapin pa si Jimin.

"Umuwi na muna tayo, kailangan pang pumasok nung dalawa bukas." saad ko nang makasakay na silang tatlo sa sasakyan.

"Yes ma'am!!" sabay na saad nung magkapatid.

Habang nasa biyahe kami, tuloy tuloy yung pagtawag ni Jimin sakin.

"Sagutin mo na." tinignan ko si Jeongyeon. "Baka importante." umiling ako.

"Hindi naman importante." napabuntong hininga siya bago huminto sa tapat ng isang convenience store.

"Bumili muna kayo ng snacks para may makain kayo." inabutan ni Jeongyeon yung dalawa ng pera.

"Okie dokey." mabilis na bumaba yung dalawa nang sasakyan.

"Answer it." tinignan ko siya. "Give it to me." inabot ko yung cellphone ko sakaniya.

"Hello?" sambit ko nang i-loudspeaker niya yung tawag.
: Nayeon nasaan ka?
"Nasa biyahe." simpleng saad ko.
: Bakit mo pinapostpone yung kasal natin?
"Diba nasa hospital ka?"
: Alam ko, pero hindi mo naman kailangan na ipostpone yung kasal.
"Tsaka nawawala parin si Chaeryeong."
: Gaya nang sabi mo, umalis siya. Gusto lang niya nang atensyon, paniguradong kusang babalik din yun.
"Gusto mong ituloy ko yung kasal? Kahit nawawala yung anak ko?"
: Hayaan mo nalang si Jeongyeon na maghanap sakaniya, tutal dahil naman sakaniya kaya nawawala yung anak niyo diba? Kung hindi siya nakulong noon, hindi naman magkakaganiyan yung anak niyo.
"Ibababa ko na, mamaya nalang tayo mag-usap." natawa siya sa kabilang linya.
: Naniniwala ka talagang wala siyang kasalanan? Namatay sila dahil sakaniya, siya yung pumatay sakanila.

Kinuha ko na kay Jeongyeon yung cellphone ko at pinatay yung tawag.

"Dad ito na yung sukli." inaabot ni Ryujin yung pera kay Jeongyeon, pero nakatitig lang sa daan si Jeongyeon at mahigpit na nakahawak sa manobela.

"Dad ayos ka lang?" si Yujin, hinawakan ko yung kamay ni Ryujin.

"Itago mo nalang muna yan." saad ko at hinawakan yung kamay ni Jeongyeon. "Calm down, Jeong kasama natin yung mga anak natin." lalong himigpit yung pagkakahawak niya sa manobela. "Shh, calm down." niyakap ko na siya.

Nang kumalma na siya, nakipagpalit ako sakaniya ng upuan para ako nalang yung magdrive.

Hinatid ko muna sila Yujin sa bahay nila papa bago ihatid si Jeongyeon. Sinamahan ko si Jeongyeon sa condo unit niya, kahit na kalmado na siya hindi ko parin siya magawang iwan.

"Jeong?" nakahiga na kami ngayon sa kama niya. "Huwag kang mag-alala, nandito lang ako."

"Sorry." umiling ako.

"Hindi mo kailangang magsorry." hinawakan ko yung pisngi niya. "Magpahinga ka muna, dito lang ako." inayos ko yung buhok niya.

"Can you stay with me? Untill tomorrow?" tumango ako.

Nalaman kong may sakit siya nung araw mismo na mapagbintangan siyang pumatay sa mag-asawang kasambahay namin.


~~~~~~~~~

Nasa university pa ako hanggang ngayo, alas dose na nang gabi pero nandito parin ako, malapit na kasi yung midterm namin kaya kailangan ko talagang mag-aral. Gusto ko sanang sa bahay mag-aral pero sinama ako ni Jimin sa isa group study, tapos siya naman yung wala. Ayos lang naman kung wala siya, pero sana nahiya siya sakin na pinilit niya sumali dito. Tinignan ko yung cellphone ko para i-check kung may text na ba si Jeongyeon, ang huling text niya pa kasi kaninang alas siyete ng gabi.

From: Jeongdad
nakauwi na sila mom sa bahay, tulog narin yung mga bata
: papunta na ako sa bahay nila papa para sunduin sila Madam Shin
: sigurado kang ayaw mong sumama samin

To: Jeongdad
midterm na namin
: enjoy nalang kayo ng mga bata

Pagkatapos nung text kong yun, wala na siyang naging reply sakin.

"Nayeon?!!" napaayos ako nang upo nang makita si Dahyun sa pintuan. "Nayeon?!!" tumayo na ako dahil naaabala na yung mga estudyanteng nag-rereview sa sigaw niya.

"Bakit?" tanong ko, pawis na pawis siya.

"Si hyung nasa presinto." nung marinig ko palang yun kinuha ko na yung mga gamit ko at sumama kay Dahyun.

Pagdating namin sa presinto agad kong nakita si Jeongyeon, pinapaligiran siya nang mga reporter pero nananatili lang siyang nakayuko.

"Totoo ba na ikaw ang pumatay sa mag-asawang Shin?" lalapit na sana ako kay Jeongyeon nang bigla siyang sumigaw.

"HINDI NGA AKO YUNG PUMATAY SAKANILA!! LUMAYO KAYO SAKIN!!" nanatili lang ako sa kinatatayuan ko at tumitig sakaniya. *Hindi ko pa siya nakikitang magalit nang ganun.* "WALA NGA AKONG KASALANAN!! UMALIS NA KAYO!! PALABASIN NIYO NA AKO DITO!!"

Sapilitan nang pinaalis nang mga pulis yung mga reporter, habang ako hindi parin makalapit kay Jeongyeon dahil sa takot.

"SINABI NANG WALA NGA AKONG KASALANAN!! BAKIT BA AYAW NIYONG MANIWALA SAKIN!!" sinisipa na niya yung mga upuan at nagmumura narin siya.

"Hyung tama na." awat ni Dahyun sakaniya.

Nagagawa parin niyang magpumiglas kahit na nakaposas pa yung mga kamay niya, kaya tumulong na yung mga pulis kay Dahyun.

"Hey, hey son?!" nilapitan siya nang dad ni Chaeyoung na kararating lang. "Shh, don't worry we're here." niyakap niya si Jeongyeon kahit pa pumapalag ang huli.

"Hindi nga ako yung pumatay sakanila!" unti unti nang kumakalma si Jeongyeon. "Hindi nga ako." humahagulgol na siya.

"Dahyun, nasaan na yung daddy mo?" sambit nung mom ni Jeongyeon.

"Tinawagan ko na po siya tita, hindi ko lang po alam kung pupunta siya." hingal na sambit ni Dahyun dahil sa pagod kakaawat ka Jeongyeon.

"Ayos ka lang? Umupo ka muna noona." inalalayan ako ni Chaeyoung sa pag-upo. "Ayos lang naman kung

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
paradoxicalninja
#1
Chapter 5: Chapter 5: first time ko makahanap ng fic na 2yeon tapos wenrene ang side ship (and yermseul!!!) tagalog fic pa, amazing
Ghad20
31 streak #2
Chapter 11: this was amazing ♥ thank you so much authornim ^^
fitflop #3
tuwing kelan po ang update?
Muymoy8272
#4
Chapter 7: 2yeon parin hanggang sa hulu. 2yeon stay strong.
Muymoy8272
#5
Chapter 2: Grave ka Nayeon para masabing walabg kwenta so Jeongyeon. Baka magulat ka mas mayaman pa to Kay jimin.