~Our Time~ 08

Our Time
Please Subscribe to read the full chapter

Jeongyeon's Pov


Katulad nang sinabi ni Nayeon kagabi, bumalik siya kinaumagahan at may dalang napakaraming pagkain.

"Pwede pa atang makain 'to hanggang bukas." natatawang sambit ko habang kumakain.

"Kumain ka nalang diyan, ang daldal mo." lumapit siya kay Yujin at hinaplos yung buhok ng huli. "May tama ata siya sa ribs, nakausap mo na ba yung doktor tungkol sa kondisyon niya?" uminom muna ako ng tubig bago siya sagutin.

"Wala namang nabaling buto sa ribs niya, namamaga lang yung part na yun kaya masakit. Pero tinanong ko rin kung may ginawa ba silang test para sa internal organs niya, baka mamaya o bukas pa makuha yung results." paliwanag ko at kumain na ulit.

"Kailan tayo pupunta sa restaurant mo?"

"Ako nalang siguro yung pupunta dun bukas." tumango siya at kinausap na si Yujin. *Kahit tulog pa si Yujin, kakausapin niya talaga basta gusto niya.*

Pagkatapos kong kumain inayos ko na muna yung mga lunch box na dala ni Nayeon.

"Pupunta lang ako sa nurse station sandali, tatanong ko kung anong oras iinom ng gamot si Yujin para makakain muna siya." tinanguan lang ako ni Nayeon.

"Hyung? Saan punta mo?" salubong sakin ni Dahyun na kasama si Jieun.

"Nurse station lang, baka naman inabala mo nanaman si Jieun ah." natawa silang dalawa.

"Sandali lang naman kami, pinapaabot lang ni mom yung mga prutas para kay Yujin." tumango ako.

"Si dad?"

"Hindi ko na siya tinanong, di rin naman sasagot yun." napabuntong hininga ako.

"Sige, pasok nalang kayo nandun naman si Nayeon sa loob." tumuloy na ako sa nurse station. "Good morning." nakangiting bati ko. "Anong oras yung inom ng gamot ni Yoo Yujin?" may mga tinanong pa siya sakin, kung bakit daw gusto kong malaman at kung kaanu-ano ko si Yujin bago niya tinignan yung chart na nasakaniya.

"11am po." tumango lang ako at nagpasalamat na tsaka bumalik sa kwarto ni Yujin.

Gising na si Yujin nang makabalik ako sa kwarto niya.

"11am pa daw yung gamot niya, pakainin nalang muna natin siya kahit konti lang." tumayo naman si Nayeon para ayusin yung kakainin ni Yujin.

"Sigurado ba kayong papasukin si Ryujin sa school?" tumingin ako kay Dahyun. "Hindi sa pinangungunahan ko yung mga mangyayari, pero sa napanuod kong cctv footage na malapit sa school nila halatang sinadya yung nangyari kay Yujin."

"Nakita ba doon sa cctv footage yung driver nung sasakyan?" tanong ko.

"Hindi nga eh, halata mong sinadya niyang itago yung mukha niya kasi may suot siyang face mask at sombrero." saad ni Dahyun.

"Jeong, tawagan mo na kaya si Ryujin." tinignan ko si Nayeon na ngayon ay pinapakain na si Yujin.

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-ring yun.

"Hello, Ryu?"
: You really let your son go to school today?
"Dad?"
: Sinundo ko na si Ryujin, sa bahay na muna namin siya magi-stay.
"Pero dad-" napabuntong hininga nalang ako nang tapusin na niya yung tawag.

"Si dad?" tanong ni Dahyun, napatango nalang ako at umupo sa tabi ni Yujin.

"Ikaw kumain ka na ba?" tanong ko kay Nayeon. *Hindi ko pala siya natanong kanina.*

"Hmm, ginising pa ako ni Ryujin para lang makasabay sakanila nila papa kumain." natatawang saad niya.

"Wala ka bang naiwan na trabaho? Baka busy ka ako nang bahala dito." umiling lang siya at tinuloy na yung pagpapakain kay Yujin.

----------------------------

"Ayaw mo talaga akong pansinin?" tanong ko kay Nayeon nang makaalis na sila Dahyun at Jieun.

"Anu ka ba, kakilala ni Jieun si Jungkook. Paano kung mabanggit niya yung tungkol satin, edi sinabi na ni Jungkook kay Jimin na okay na tayo?" napabuntong hininga ako.

"Hindi naman siguro ganun si Jieun, tsaka kung sasabihin naman natin na dapat isekreto yung relasyon natin gagawin naman nila yun." tinitigan niya ako. "Sinabi nga natin kela Jisoo at Rosé, diba sa law firm niyo rin nagta-trabaho si Rosé?"

"Uhm, mom, dad? Sana hindi niyo nakakalimutan na nandito pa po ako." sabay kaming napatingin kay Yujin. "Opo, nage-exist po ako." nakangiting sambit niya.

Umupo kami ni Nayeon sa magkabilang gilid ng kama niya.

"Jeongdad?" napalingon ako kay Nayeon. "Nag-resign na ako sa trabaho ko."

"Anu?!"

"Nag-resign na ako." napabuntong hininga ako.

"Narinig ko, pero bakit ka nag-resign?" yumuko lang siya at hindi tumugon. "Sa susunod nalang natin pag-usapan yan." saad ko nang wala talaga siyang balak na sumagot.

Natulog nalang muna ako dahil kahapon pa ako gising, ayoko rin na mailang si Nayeon sakin.

--------------------------

Paggising ko nakatulog na si Nayeon habang nakaupo sa gilid ng kama ni Yujin, marahan ko siyang ginising at pinalipat sa sofa.

Lalabas na sana ako nang kwarto ni Yujin nang may makita akong dalawang lalaki na nakatayo sa harap ng pintuan.

"Anong ginagawa niyo dito?" lumingon sila sakin.

"Ililipat daw ng hospital si Yujin." bulong ni Chaeyoung.

"Bakit?" bulong ko pabalik.

"Nandito daw sa hospital na 'to si Jimin." si Seulgi.

"Bakit nga kayo nakatayo diyan?"

"Para cool." sabay nilang sambit.

"Cool? Mukha kayong bodyguards na laging nalulusutan." tuluyan na akong lumabas nang kwarto ni Yujin at umupo sa bench. "Talagang iniimbistigahan niyo si Jimin?" tumango silang dalawa.

"Pero masyado siyang magaling, alam mong hindi lang siya yung tumatrabaho." si Seulgi.

"Excuse me?" napatingin kami dun sa nagsalita. *Si Jimin.*

"Gusto lang sana niyang bisitahin si Yujin." saad ni Taehyung.

"Sige, pasok lang kayo." nanatili lang akong nakaupo at tinuro pa yung pintuan nang kwarto ni Yujin.

"Hindi mo man lang kami pagbubuksan ng pinto?" natatawang saad ni Jimin.

"Nakaakyat nga kayo dito nang kayong dalawa lang, tapos pagbukas lang sa pinto iuutos mo pa sakin?" nakatitig lang ako sakaniya at natawa nang makita ko kung paano siya umismid.

Wala naman silang nagawa kundi buksan yung pinto at tumuloy sa kwarto ni Yujin.

"Maayos na ba lahat? Langya malapit na yung kasal ni Seungwan, baka naman may pake kayo." natatawang sambit ni Limario nang makalapit siya samin.

"Huwag ka nga munang maingay." saway ni Seulgi sakaniya.

"Bakit naman, gwapo gwapo ko pinapatahimik mo ako?" napabuntong hininga nalang kaming tatlo at hindi na siya pinansin. "Pasok lang ako sa loob, nagugutom na ako." dirediretsyo lang siya papasok sa kwarto ni Yujin, sumunod na ako dahil pag nagkita sila ni Taehyung gulo yung kasunod nun.

"Huwag mo nang pansinin kumain ka nalang." saway ko kay Limario nang maabutan ko siyang nakikipagtitigan kay Taehyung.

"Aalis narin naman kami." si Jimin, tinulak na ni Taehyung yung wheelchair niya palabas nang kwarto.

"Kala mo naman kung sinong gwapo, mas gwapo pa si uncle dun, diba Yuj?" tumango nalang si Yujin sa tanong ni Limario.

"Nayeon?" tinapik ko siya sa balikat.

"Hmm?" hinila niya ako sa batok at niyakap nang mahigpit. "Anong oras na?" tuminging ako sa relo ko.

"2pm na." tumango siya.

"Uwi na tayo." natawa ako.

"Hmm, sige pero ayusin muna natin yung gamit ni Yujin." tumingin siya sakin.

"Kanina pa kita kasama, pero bakit miss na miss kita?" ngumiti ako.

"Kasi mahal mo ako?" tumango siya.

"I love you." hinalikan niya ako sa labi.

Napatingin nalang kami ni Nayeon kay Limario.

"Ayos ka lang?" tanong ko, marahan niya kasing hinahampas yung dibdib niya. *Nabulunan ata.*

"Tama ba yung narinig tsaka nakita ko?" napailing nalang ako at hindi na siya pinansin.

"Ililipat daw si Yujin ng hospital? Bakit hindi nalang dun sa bahay nila papa?" saad ni Nayeon.

"Kung yun yung gusto mo, edi sa bahay nalang nila papa." hinalikan ko siya sa labi. "Aayusin ko na yung mga gamit ni Yujin." tumango lang si Nayeon bago bumangon at lumapit kay Yujin.

"Hindi niyo ako sinagot? Sumbong ko kayo kay Jennie." natawa ako sa sinabi niya.

"Talaga ba? Diba naghiwalay na kayong dalawa?" natulala siya. "Ayos lang yan, kung hindi ka kasi nagpahuli tulad ni Seulgi hindi naman kayo maghihiwalay." sinamaan niya ako ng tingin.

"Para ka ring si Jennie, hindi ko nga kilala yung babaeng yun." tinawanan ko nalang siya.

Pagkatapos kong ayusin yung mga gamit ni Yujin nakisuyo na ako sa nurse nang wheelchair.

"Dad, dahan dahan masakit." nginitian ko lang si Yujin at inalalayan siya sa pag-upo sa wheelchair. "Hindi pala ganun kasakit." natatawang sambit niya.

Ako na yung nagtulak sa wheelchair ni Yujin, habang yung tatlong lalaki naman yung may bitbit nang gamit ni Yujin.

"Pagdating natin sa bahay nila papa, pwede ba tayong matulog?" saad ni Nayeon na naka angkla sa braso ko, nasa elevator na kami kaya clingy nanaman siya.

"Pwedeng pwede, hindi ka ba nakatulog kagabi ng maayos?" tumango siya.

"Paano ako makakatulog, alam kong nasa hospital si Yujin tapos hinahanap pa natin si Chaeryeong." napabuntong hininga siya.

"Pwede ba mom, ang sabihin mo hindi ka nakatulog kagabi dahil umuwi kayo ni Ryujin na hindi kasama si dad." mapang-asar na sambit ni Yujin.

"Kung hindi ka lang nakasakay sa wheelchair." pinitik ni Nayeon yung tenga ni Yujin.

"Hindi sa nangengealam kami ah, pero ayos na kayo?" si Seulgi.

"Sabi ko nga sayo bro, nagkiss pa sila kanina." sabat ni Limario.

"Aish, hayaan niyo na nga sila. Palibhasa mga babaero kayo, kaya mga wala kayong girlfriend ngayon." si Chaeyoung.

"Ay wow, parang nung isang araw lang nagsusumbong si Mina na ibang babae daw yung kasama mong lumabas nang bar." si Seulgi.

"Hindi ko kilala yung babaeng yun, tsaka binalikan ko naman sa loob ng bar si Mina. Nagkamali lang ako nang naisamang babae, pero hindi ako babaero." napabuntong hininga nalang ako at hinalikan si Nayeon sa sintido niya.

"Ang ingay nila." saad ko.

-------------------------------

Pagdating namin sa bahay nila papa, may inihanda na silang kwarto na nasa unang palapag lang pero hindi namin naabutan sila papa sa bahay nila.

"Dad si Ryujin?" tanong ni Yujin nang makahiga na siya.

"Nasa bahay nila hal-abeoji mo." tumango siya. "Ito yung cellphone mo, check mo yung mga messages mukhang importante." tumango siya at kinuha yung cellphone niya.

Iniwan ko nalang siya dahil mukhang kinikilig sa mga text na nabasa niya, pumunta ako sa sala kung nasaan si Nayeon. Yung tatlong lalaki naman sa kusina dumiretsyo.

"Yeon?" pinalapit ko siya sakin at pinaupo sa hita ko. "May kilala ka bang nagugustuhan ni Yujin?" kumunot yung noo niya.

"Wala naman, bakit?"

"Jang Wonyoung ata yung pangalan, yun yung nabasa kong pangalan nung may magtext sakaniya." hinampas niya ako sa balikat.
<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
paradoxicalninja
#1
Chapter 5: Chapter 5: first time ko makahanap ng fic na 2yeon tapos wenrene ang side ship (and yermseul!!!) tagalog fic pa, amazing
Ghad20
#2
Chapter 11: this was amazing ♥ thank you so much authornim ^^
fitflop #3
tuwing kelan po ang update?
Muymoy8272
#4
Chapter 7: 2yeon parin hanggang sa hulu. 2yeon stay strong.
Muymoy8272
#5
Chapter 2: Grave ka Nayeon para masabing walabg kwenta so Jeongyeon. Baka magulat ka mas mayaman pa to Kay jimin.