~Our Time~ 07

Our Time
Please Subscribe to read the full chapter

Nayeon's Pov

Tinignan ko yung lalaking katabi ko ngayong umaga at hinaplos yung pisngi niya.

"Hindi ka pa ba gigising? Samantalang kagabi ang dami dami mong kwento." ngumiti siya.

"Gising na ako kanina pa, pumikit lang ulit ako baka kasi panaginip lang 'to." niyakap niya ako nang mahigpit. "Pwedeng konting minuto pa?" hinalikan ko siya sa labi.

"Pwedeng pwede naman, kahit hanggang gabi pa." natawa siya sa sinabi ko.

"Imposibleng mangyari yun, hindi ka makakatiis at tatayo ka rin mamaya para kumain." hinampas ko siya sa braso.

"Limang minuto." hinaplos ko yung likod niya at gumuhit doon nang kung anu-ano gamit yung daliri ko.

"Limang minuto na ba?" tumango ako. "Ayoko pang bumangon."

"Nagugutom na ako." tumingin siya sakin.

"Kala ko ba hanggang gabi tayong ganito?" hinalikan ko siya sa labi.

"Jeongdad? Gutom na si Momyeon." natawa siya at tumango.

"Okay suko na ako, pwedeng isa pang halik?" kinunutan ko siya nang noo. "Sabi ko nga, ito na tatayo na." bumangon na siya at naglakad na papunta sa kusina.

Naghilamos na muna ako bago sumunod sakaniya sa kusina.

"Jeong?" nag-hum lang siya. "May sasabihin ako sayo." tumingin siya sakin. "I love you." saad ko bago siya halikan sa labi.

"Busog na ako, tara doon nalang tayo sa higaan." piningot ko siya sa tenga.

"Bilisan mo na diyan." yumakap ako sakaniya at pinanuod lang siyang magluto.

Habang kumakain kami sinabihan ko siyang nakausap ko na yung mga abogado namin para makipagkita mamaya bago maglunch.

"Mauna ka nang maligo, aayusin ko lang yung gamit nila Ryujin sa kwarto nila." saad ni Jeongyeon, tinanguan ko lang siya at pumasok na sa kwarto niya para doon maligo sa banyo na nasa loob nun.

Paglabas ko nang banyo nakaligo narin si Jeongyeon. Kumuha lang siya ng mga damit niya at naglakad narin kagad palabas nang kwarto niya.

"Anu kayang pwedeng masuot dito?" bulong ko habang naghahalungkat sa aparador niya.

"Woah, Ms. Im Nayeon, ikaw ba talaga yan?" inirapan ko si Jeongyeon. "Nakakapanibago, yung asawa ko na araw araw naka blazer at high heels, naka hoodie at rubber shoes ngayon." inakbayan niya ako. "Ang ganda mo parin." napailing nalang ako habang naglalakad kami palabas nang unit niya.


----------------------------

Pagdating namin sa isang coffee shop kung saan kami makikipagkita sa mga abogado namin, wala pa silang dalawa dun.

"Alam mo pakiramdam ko, may relasyon na yung dalawa." saad ni Jeongyeon habang naghihintay kami.

"Paano mo naman nasabi?" nagkit balikat siya, napatingin naman ako sa pintuan ng coffee shop nang may pumasok dun. "Okay, mukha ngang masaya na sila sa isa't isa." sambit ko.

"Good morning." bati nila samin, agad naman kaming tumayo ni Jeongyeon para mag-bow sakanila.

"Kamusta?" tanong ni Jeongyeon bago paupuin yung dalawa.

"Well, ayos naman, umamin din." si Rosé.

"After nang ilang taon, patanggi tanggi pa kayo nung college tayo." si Jeongyeon.

"Cut it off, we're here to talk about the two of you." saad ni Jisoo.

"Oo nga, bakit biglaan naman ata yung meeting natin, base pa sa nakalap kong balita nawawala daw si Chaeryeong." halata sa boses ni Rosé ang pag-aalala.

"May plano na kami tungkol dun, pero sa ngayon ito ang dapat nating pag-usapan." nilapag ko yung annulment papers namin sa lamesang nasa harap naming apat.

"Pipirma na kayo?" si Jisoo, natawa kami ni Jeongyeon.

"Bakit sa itsura niyo parang mas malunkot pa kayo kapag pumirma na kaming dalawa." si Jeongyeon.

"Okay okay, pwede bang sabihin niyo nalang yung pinakadahilan kung bakit tayo nandito." saad ni Rosé.

"Hindi na namin itutuloy yung annulment." umauos nang upo si Jisoo at tumitig sakin.

"Kaklaruhin ko lang, gusto mo o niyo ng annulment dahil ikakasal ka?" tumango ako sa tanong ni Jisoo. "Tuloy parin yung kasal, pero ayaw mong ma-annulled kay Jeongyeon? Teka, lugi naman yung kliyente ko at hindi mo pwedeng ituloy yung kasal kung walang annulment na magaganap." tinapik siya ni Rosé sa kamay at binulungan.

"May kailangan bang pagtaguan kaya hindi mo parin inuurong yung pagpapakasal?" tanong ni Rosé sakin.

"Hindi ko alam kung anong pwedeng gawin samin ni Jimin, lalo na sa mga anak ko. Kaya hangga't hindi pa namin nahahanap si Chaeryeong, hindi ko pa maiuurong yung pagpapakasal kay Jimin." tumango silang dalawa.

"Sisimulan nalang muna naming ayusin yung mga papel niyo, dahil hindi lang naman basta bastang hindi maitutuloy yung annulment niyo. Tatawagan nalang siguro namin kayo kapag nakuha na namin yun yung pipirmahan niyo, para mapawalang bisa yung mga naproseso nang papel." paliwanag ni Jisoo.

"May lakad pa ba kayo?" tanong ni Jeongyeon sa dalawa.

"Meron, kaya pwede na ba nating tapusin 'tong meeting na 'to? Ayokong sa pang-limang pagkakataon, maka-cancel nanaman yung panunuod naming nang sine." saad ni Jisoo bago tumayo. "Congrats, buti naman at natauhan na kayo. At tungkol sa kaso niyo kay Jimin, sa susunod nalang natin pag-usapan." sumunod na sa pagtayo ni Jisoo si Rosé.

"Pupunta na ba tayo sa restaurant mo?" tanong ko kay Jeongyeon.

"Tara, para matapos na 'tong paghahanap natin kay Chaeryeong." tumayo na siya at inalalayan ako sa pagtayo.

Nakasakay na kami sa sadakyan niya nang mag-ring yung cellphone niya.

"Hello, Tzu?.... anu?.... si Minjoo nakalabas ba?.... sige papunta na kami diyan." tinapos na niya yung tawag at nagmamadaling pinaandar yung makina ng sasakyan niya.

"Anong nangyari?"

"Nasusunog daw yung bahay na tinitirhan ko dati, may sakit si Minjoo ngayon kaya nandun lang siya sa bahay." mabilis niyang pinaandar yung sasakyan niya.

Pagdating namin doon sa bahay niya dati, naapula na yung sunog at kinakausap nalang si Minjoo.

"Chef Yoo, pasensiya na po hindi ko na nakuha yung mga gamit na pinababantayan niyo sa basement." umiiyak na sambit ni Minjoo.

"Huwag mo nang isipin yung mga yun, ang importante ligtas ka." ngumiti si Jeongyeon at bahagyang ginulo yung buhok ni Minjoo.

"Chef Yoo, kamusta po si Minjoo." tinignan ko yung lalaking lumapit kay Jeongyeon.

"Maayos na siya Chaewon, maiwan ko na muna kayong dalawa." nag-bow sila sa isa't isa bago maglakad palapit sakin si Jeongyeon.

"Anu ba yung mga nasa basement mo at kailangan pang bantayan ni Minjoo." saad ko.

"Mga trophy, tsaka yung ibang gamit ko sa baseball." naglakad na siya palapit sa mga pulis. "Tzu, anong dahilan ng sunog?" lumapit ako sakanilang dalawa ni Tzuyu.

"May nakitang container ng gas sa bandang likuran nung bahay, iniimbistigahan nalang yung container para makita kung kaninong fingerprint yung nandoon." napabuntong hininga si Tzuyu. "Kaparehong kapareho nung pamamaraan sa pagsunog nung restaurant mo dati, pero hanggang ngayon hindi parin natin nakikilala kung sino ba yun." tumingin ako kay Jeongyeon.

"Kailan nangyari yun?" tumingin silang dalawa sakin nang tanungin ko yun.

"Matagal na yun." nakangiting saad ni Jeongyeon, tinignan siya ni Tzuyu at napailing nalang ang huli.

"Tss, ako nang bahala sa mga gamit mo sa basement." hindi na hinintay ni Tzuyu na magsalita si Jeongyeon at naglakad na siya papunta sa bahay na tinutuluyan ng pamangkin niya.

"Dad!!" tumingin kami kay Ryujin. "Dad si Yujin, dad!!" umiiyak siya.

"Anu bang nangyari?" hinawakan ni Jeongyeon sa balikat si Ryujin.

"Si Yujin dad, dinala ni uncle Dahyun sa hospital, dad tara na." hinila kami ni Ryujin at pinasakay sa sasakyan ni Jeongyeon.

Nasa backseat si Ryujin at tuloy parin sa pag-iyak habang pilit na kinukwento yung nangyari sa kapatid niya.

"Naglalakad na kami pabalik sa school, dahil nga sa labas kami kumain.... tapos bigla nalang pong may humaharurot na sasakyan na dumaan, nakarinig po ako nang malakas na tunog pagtingin ko po kay Yujin nakahiga na po siya sa kalsada."

Nanatili lang akong nakatingin sa daan habang nagkukwento si Ryujin.


~~~~~~~~~

"Mommy!!!!" yun yung unang narinig ko pagdating ko sa hospital. "Mommy sila Yujin!!" nilapitan ko si Chaeryeong at agad siyang niyakap.

"Anu bang nangyari?!" tanong ko kay Chaeyoung.

"Sinubukan daw nilang tulungan yung dalawang babae na kaklase ni Chaeryeong, kaya silang dalawa yung nasagas

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
paradoxicalninja
#1
Chapter 5: Chapter 5: first time ko makahanap ng fic na 2yeon tapos wenrene ang side ship (and yermseul!!!) tagalog fic pa, amazing
Ghad20
#2
Chapter 11: this was amazing ♥ thank you so much authornim ^^
fitflop #3
tuwing kelan po ang update?
Muymoy8272
#4
Chapter 7: 2yeon parin hanggang sa hulu. 2yeon stay strong.
Muymoy8272
#5
Chapter 2: Grave ka Nayeon para masabing walabg kwenta so Jeongyeon. Baka magulat ka mas mayaman pa to Kay jimin.