pangatlo
pangakong hindi kita papangakuanHangover na naman.
Pang-ilang beses niya na ‘to simula no’ng nagsimula si Wheein na hindi siya siputin?
Bumangon ulit siya habang ang mga mata’y hirap sa pagdilat. Pati pagbuka ng mga mata niya, hirap siya. Sabado ngayon at wala siyang pasok, pero marami siyang gagawin.
Umupo lang siya saglit habang nakapikit tapos sinalubong na naman ng kaniyang likod ‘yung kama niya. Masarap sa pakiramdam kasi gusto niya pa matulog. Gustung-gusto.
Pero kailangan niyang kumilos.
Naiinis na sumigaw siya habang ginugulo ‘yung buhok niya. Kinuha niya ‘yung tuwalya niyang nakasabit bago pumasok sa banyo ng unit niya. Sinubukan niyang maghilamos, napapikit siya nang mariin no’ng humapdi ‘yung mga mata niya. Sa pagod siguro.
Pati katawan ko, susukuan na rin ako.
Natawa siya sa naisip niya.
Pagkatapos niyang ayusin ang sarili niya ay dumiretso agad siya sa eskwelahan. Nagulat siya nang magkita sila ni Byulyi sa parking lot ng school. Sabay na sabay silang lumabas ng kani-kanilang sasakyan.
“Buti ‘di ka na-late?” pang-aasar ni Byulyi habang naglalakad papalapit kay Seulgi.
“Gago, mukha bang parati akong late? Bilang lang sa daliri,” depensa ni Seulgi habang sinasalubong si Byulyi.
Sabay silang nilakad ang mahabang hallway bago makarating sa malawak na field ng school. Walang nagsasalita sa kanila na hindi na bago para kay Seulgi. Ganiyan talaga silang dalawa kapag maraming iniisip.
Pagkaapak nilang dalawa sa dalawang baitang na hagdan, may lumapit sa kanilan na babae—estudyante rin—at hinarang sila sa kanilang dinaraanan.
“Teka, Seulgi,” sabi ng babae, “Anong oras ka raw makakarating mamaya sa audition? Gusto ka nang makita ng mga panel mag-perform.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Seulgi habang si Byulyi naman ay tumingin sa ibang direksyon. Lumingon si Seulgi kay Byulyi na may mga matang nagtatanong, pero hindi nakatingin si Byulyi sa kaniya.
“Seulgi—”
“Byul, ano ‘to?”
Hindi ito sumagot.
“Puñeta naman, eh. Ang dami na nga nating ginagawa tapos—”
“Kakanta ka lang naman, eh. Sige na, pagbigyan mo na sila,” pagpilit ni Byulyi.
“Nila-‘lang’ mo lang ‘yun?”
“Kinukulit kasi ako ng mga Professor natin. Sabi nila ikaw na lang daw mag-represent sa Department natin kasi ikaw lang naman daw may malakas na charms.”
Bumuntong-hininga si Seulgi.
Tinitigan nito ang babaeng kanina pa nanunuod sa kanilang dalawa. Nagpapalit-palit ang tingin sa kung sino man ang magsasalita. Nakaramdam ng hiya si Seulgi at dali-daling nag-sorry.
Sinabihan niya ang babae na puntahan na lang siya ulit para sa sagot niya.
“Byul, consult mo naman ako next time. ‘Tang ina, mamaya ibugaw mo naman ako tapos hindi ko alam, eh,” sabi ni Seulgi at pinagpatuloy ang paglalakad.
Ngumisi si Byulyi dahil sa sinabi ni Seulgi sa kaniya. “Sorry, akin. Sige, next time, ibubugaw na kita kasi wala na akong pang-tuition.”
Tumawa nang malakas si Seulgi na nag-echo sa buong hallway. “Gago, puputi muna ang uwak bago ka mawalan ng pang-tuition.”
“Nasaan mo ba nilagay ‘yung second outfit mo?” sigaw ng stylist ni Irene. Madaling-madali itong maghanap sa bawat sulok ng dressing room.
“Bakit sa akin
Comments