pangwalo

pangakong hindi kita papangakuan
Please Subscribe to read the full chapter

Payapang nakarating si Seulgi sa eskwelahan nila, ngunit noong umagang iyon ay nakabusangot ang kaniyang mukha. 


Padabog niyang isinara ang pinto ng kaniyang kotse at naglakad paalis ng parking lot. 


Mamayang tanghali na kasi uumpisahan ng school ang yearly contest nila kung saan pwede mong i-showcase ang iyong talentong may kinalaman sa pagkanta at pagsayaw. 


Noong nakaraang school year ay nagawang tanggihan ni Seulgi ang kaniyang dating dance troupe coach dahil wala noon si Byulyi. Umalis sa grupo si Seulgi dahil hirap siyang ipagsabay ang pagsayaw at ang kaniyang pag-aaral. 


Ngayong taon naman ay akala niya, Ownatakasan na niya ang—para sa kaniya—kalbaryong paparating. Ang sariling kaibigan niya pala ang maglalapit sa kaniya roon. Kaya minsan ay ayaw niyang iniiwang mag-isa si Byul dahil sa mga kalokohan nito.


Bukod sa walang oras si Seulgi, mahiyain din ito. Nawawala ang composure niya kapag magsasalita siya sa harap ng maraming tao o kapag may hindi siya ka-close na nanunuod sa kaniya. Automatic na mauutal siya o ‘di kaya’y ma-me-mental block siya. 


Ilang taon na rin ang nakaraan noong huli siyang tumapak sa entablado at nagpakitang gilas sa harap ng maraming tao. 


Putang ina kasi ni Byulyi, eh. 


Gustuhin man niyang ipatanggal ang kaniyang pangalan sa listahan ng mga lalahok, masyado na siyang huli dahil napasa na pala ang master list nito sa director ng school at sa mga organizer ng event. 


Habang naglalakad siya papasok sa Engineering bldg. ay nakasalubong niya ang kaniyang hinayupak (according to Seulgi) na kaibigan na may nakakabit na ngiti ng aso sa mukha nito. 


“Lumayas ka sa harapan ko,” diretsong sabi ni Seulgi habang patuloy pa rin sa paglalakad. 


“Ito naman, ‘di ko naman alam na—”


“Ilayo mo ‘yang pagmumukha mo sa harapan ko.”


Hinayaan na siya ni Byulyi at sumunod na lang sa kaniyang paglalakad nang tahimik at hindi na siya kinulit pa hanggang sa makapasok sila ng classroom. 


Dinumog si Seulgi ng kaniyang mga blockmate dahil nakarating na rin sa kanila ang balita na si Seulgi ang magiging pambato ng kanilang department. 


Ngiting pangiwi na tinignan ni Seulgi ang mga tao sa harapan niya at sa cellphones na nakatutok sa kaniya. 


“Seulgi, picture tayo!”


Para saan?


“Gusto ka makita ng mga friend ko from COM. Smile ka naman!”


Umirap siya.


Naguguluhan si Seulgi— mali. Naiinis na pala siya at gusto nang layasan ang mga taong pinapansin lang siya kapag may kailangan sila sa kaniya.


Bumibigay na ang pasensya niyang nauubos na, kaya itinaboy niya ang kaniyang mga kaklase sa paraang alam niyang hindi sila ma-o-offend dahil ayaw ni Seulgi ng issue. Ayaw niyang may naririnig siyang masamang bagay tungkol sa kaniya. 


Well, okay lang naman kay Seulgi since minsan, wala siyang pakialam sa sinasabi ng iba. All in all, ayaw niya ng ng gulo.


Ang gusto niya, peace of mind. 


At si...


“Irene?”


Napalingon si Seulgi sa kaniyang tabi nang marinig niyang magsalita si Byulyi. May kausap ito sa telepono. 


“Ah, yes, bakit?”


Tahimik na pinagmasdan at pinakinggan ni Seulgi si Byulyi na kausapin si Irene na nasa kabilang linya. Inoobserbahan niya ang kaniyang kaibigan at nahalatang namumutla ito habang namamawis ang noo. 


Napaisip si Seulgi kung bakit ganito pa rin ang epekto ng ex ni Byulyi sa kaniya kahit na may girlfriend na siya. Kahit na may Yongsun na siya. 


“H-Hindi ako pwede no’n, eh,” kita ni Seulgi ang pagngiwi ni Byulyi kahit hindi ito nakikita ng kausap niya sa kabilang linya. 


Iniwas na ni Seulgi ang tingin sa kaniyang kaibigan at baka masabihan pa siya nitong chismosa. Hihintayin na lang niya na magsabi or makwento ito sa kaniya kung kailan siya handa.


Nahihiwagaan pa rin siya kung bakit naghiwalay ang dalawa. Talented naman si Irene at mukhang matalino pa. Bonus na lang ‘yung pagiging sikat at ‘yung natural na ganda niyang hindi pantao. 


Si Byul kaya ang nakipag-break o si Irene? O baka mutual ang decision nila? 


Napailing si Seulgi nang matauhan. Hindi niya dapat iniisip iyon. 


Ano namang paki ko?


“Pasensya na, Irene.”


Ibinaba na ni Byulyi ang tawag matapos nitong humingi ng pasensya kay Irene. Walang ideya si Seulgi kung tungkol

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1142 streak #1
Chapter 16: It's okay otornim. I understand your desicion. And I respect it. Pero will wait for your time to update once you're okay and not busy. 💚
akosizig #2
Chapter 16: thank you for this story author-nim! it was so nice to read AM kahit na hanggang dito na lang (will still hope for future chapters tho pero will wait respectfully!). hope all is good with you author!!
kang_ddeul
#3
Chapter 16: fighting authornim! thank you po sa story na 'tooo! wait po namin ang mga susunod na chapters soon kapag meron na po. hehehe rest ka muna :)
iamriou_
1142 streak #4
Chapter 15: Push mo na yung gusto mo Seulgi. 🥰 Sign na yan. :D
akosizig #5
Chapter 15: AHHAHAHAHA SAMPUNG MAGKAKAPATID PA NGA

pero real talk ang hirap ng mga tanong regarding sa profession at passion kasi ang dalas na hindi sila napapagsabay. as someone na sinunod ang desisyon ng magulang kesa desisyon ng puso, naiimagine ko lang ang frustrations ni seulgi. pero ang maganda is she took a step forward na para sa passion niya and sana sa future chapters maging masaya talaga siya sa desisyon niya (:
lazygirl18 #6
Chapter 15: "sampu ang kapatid" pucha HAHAHAHA
iamriou_
1142 streak #7
Chapter 14: Seulgi sign na yan!!! 🥺
yujiverse
#8
Chapter 13: Omg
svgktrn
#9
Otor anuena