pang-apat
pangakong hindi kita papangakuan“Wheein?” takang banggit ni Irene sa pangalan ng kaniyang kaibigan.
“Bakit ganyan tono mo? May problema ka ba?”
“Wala, ah!” na-realise niya na ang defensive niyang pakinggan, “Nagtaka lang ako kasi anong oras na, natawag ka pa.”
“Parang ‘di ka naman sanay na gising ako nang ganitong oras,” ngumiti si Irene nang pilit kahit hindi siya nakikita ng kausap niya, “Anyway, hindi mo na ba kayang i-resched ‘yung concert mo?”
Kahit wala si Wheein sa harap ni Irene, alam niyang nakanguso ang kaniyang kaibigan. Tumawa si Irene nang marahan bago sumagot.
“Hindi na talaga kaya, Whee, eh. Puno na rin sched ko for this month.”
“Sayang naman, hindi ako makakatuloy sa concert mo.”
Bumagal ang pagtakbo ng sasakyan ni Irene nang banggitin iyon ni Wheein.
“Ikaw, bakit ayaw mong i-resched ‘yung date ng second audition mo?” tanong ni Irene.
“Para namang kaya ko. Tsaka, masyadong excited ‘yung mga staff ng company kasi gandang-ganda sila sa boses ko,” tumawa nang malakas si Irene, kaya tumawa na rin si Wheein.
“Paano ba ‘yan, ikaw lang wala sa tropa?”
“Nakakainis nga, eh, pero babawi ako. Hindi pwedeng hindi tayo kumpleto sa concert mo.”
Natapos ang pag-uusap nila bago pa man makarating si Irene sa Antipolo. Tinignan niya ang oras at na-realise na nahuli siya nang isang kumpara sa usual niyang dating doon.
Hinanap agad ng kaniyang mga mata ang bulto ng babaeng nakausap niya no’ng nakaraan. Umaasa siya na baka makita niya ito ro’n.
Nandito kaya siya?
Nalibot na niya ang kaniyang mga mata sa paligid, ngunit wala pa rin siyang makita kung hindi ang mga puno lang. Hindi naman siya disappointed, pero paparating na rin doon.
At bakit siya ma-di-disappoint?
Pinaalala niya sa sarili niya na isang estranghero ang babae na ‘yun. Ni hindi niya nga alam ang pangalan at wala siyang balak alamin, unless ‘yung babae mismo ang kusang magsasabi sa kaniya.
Pero hindi pwedeng sabihin ni Irene—
“Kanina ka pa?” rinig niyang sabi ng babaeng kararating lang.
Lumingon si Irene sa kaniyang likuran upang makita ang babaeng naglalakad papalapit sa kaniya habang pinapaikot ang susi ng kaniyang sasakyan sa daliri nito. Muntik nang mapangiti si Irene sa kaniyang nakita.
“Bakit, kung ikaw ang nauna, hihintayin mo ba ako?”
“Malamang. Gusto ko ng chismis, ‘no,” pabirong sabi ni Seulgi at umupo sa tabi ni Irene.
“Gago ka.”
Napalingon si Seulgi sa kaniya. “Bakit ‘yung mura sa‘yo, parang bible verse? Ang sarap sa ears.”
Tumawa nang malakas si Irene. “Itulog mo ‘yan.”
“Hindi pwede.”
“Bakit?”
“Hindi ako makatulog, eh,” sabi ni Seulgi. Namayani ang katahimikan nang ilang minuto bago ulit siya magsalita. “So, ano? Wala ka bang sama ng loob na ilalabas?”
“Pinipilit mo ba ako?” pagtataray ni Irene.
At dahil siya si Seulgi, hindi siya magpapatalo. “‘Di ba, sabi mo kapag naabutan ulit kita rito, sasabihin mo na kung anong bumabagabag sa‘yo?”
Nagsalubong ang kilay ni Irene. “May sinabi ba akong ganon?”
“Oo—”
“Ah, baka ‘di ako ‘yun. ‘Di nga kita kilala, eh,” patuloy pa rin si Irene sa pang-aasar kay Seulgi.
“Ako rin naman, ah.”
“Ano?”
“Hindi rin kita kilala,” sabi ni Seulgi habang nakatingin sa mga mata ni Irene. Naiinis na naman ito dahil sa face mask na tumatakip sa kalahati ng mukha ng babae. “Teka, seryoso ka ba?”
Umalingawngaw ang halakhak ng babae habang pumapalakpak pa ang kamay nito. Tinitigan lang ito ni Seulgi na parang yamot na yamot ito sa kaniyang buhay.
“Grabe, ang seryoso mo naman,” sabi ni Irene habang pinupunasan ang luha na papalabas na dahil sa katatawa. “Pero baka kilala mo ‘ko.”
“Ha?”
“Ham.”
“Hatdog ‘yun.”
“Ayoko sa hatdog, ham ang gusto ko, okay?” sabi ni Irene. Si Seulgi naman ang napahalakhak. Nagmaang-maangan si Irene na walang ibig-sabihin o double meaning ang kaniyang sinabi. “Mukha ba akong nag-jo-joke? Seryoso ako.”
Pero hindi nakinig si Seulgi, patuloy pa rin ito sa pagtawa hanggang sa nagsawa siya.
“Go na, kwento ka na. Hindi naman kita i-ju-judge, eh.”
Tinignan ni Irene si Seulgi na parang nanghihingi ng assurance na hindi talaga siya i-ju-judge nito. Napatingin din sa kaniya si Seulgi.
“Ganito, hindi natin sasabihin ang pangalan ng isa’t-isa. Stories lang ang sasabihin natin. You don’t need to say who you are. Is that alright?”
Tumango si
Comments