panglabing-isa

pangakong hindi kita papangakuan
Please Subscribe to read the full chapter

Nakahilata si Irene sa kama niya habang nakatulala sa kisame. Nakadipa ang mga braso at nakalaylay ang mga binti sa dulo ng kama.


Day-off niya kaya wala siyang magawa. Ang akala niya ay sa susunod na linggo pa ito kaya wala siyang pinlano para sa sarili niya, kaya iyon siya’t nag-iisip ng pwedeng gawin bukod sa tumunganga. 


Ang ayaw ni Irene sa day-off ay kailangan niyang magluto ng sarili niyang pagkain. Usapan nila iyon ng manager niya na si Hwasa dahil puro instant o take-out foods ang kinakain niya halos araw-araw ‘pag nasa trabaho. 


Minsan ay nadala siya sa hospital dahil sa sobrang pananakit ng tiyan at tagiliran, ‘yun pala’y may U.T.I. siya kaya humingi siya ng break sa company bago ipagpatuloy ang pag-record ng kanta. 


Naalala ni Irene kung paano nagalit si Hwasa nang malaman nito ang lagay ni Irene noon. Lahat ng pagkain na ibinibili o ibinibigay kay Irene ay dumadaan muna kay Hwasa bago niya makain. Para na rin niyang kapatid si Hwasa kaya hindi na ito bago kay Irene.


Noon lang niya makita kung paano mag-alala si Hwasa. Sa loob ng limang taon na magkasama sila ay bibihira niya itong makitang umiyak. 


Pumasok sa isip ni Irene ang kalagayan niya noong mga panahong iyon. Namumutla ang kaniyang labi at balat, lumalim ang kaniyang mga mata pati na rin ang kaniyang mga pisngi. Halos minu-minuto siyang nanginginig habang naka-confine sa hospital. 


Alam ni Irene kung gaano kahalaga ang tubig sa katawan, pero ang nasa isipan niya noong mga oras na iyon ay matapos na ang pag-record sa album na i-re-release niya. Hindi niya makakalimutan kung ilang beses niyang tinanggihan ang mga aya ng kaniyang mga katrabaho kada-break dahil kailangan niyang i-revise ang lyrics na sinulat niya.


Ang gusto niya lang ngayon ay may magawa siya.


“Inaantok ako, Hyegi,” bungad ni Irene kay Hwasa pagkasagot nito ng tawag.


“Hindi ko tinatanong,” umirap si Irene kahit hindi siya kita ni Hwasa. “Sa’n ka? May sched ka raw pala today nakalimutan sabihin sa’yo ni Chu.”


“Wow ha, sa day-off ko pa talaga?”


“Bayad ‘to, gaga. Need mo lang mag-observe sa mga bagets then you’re good to go,” pagpilit nito.


“Bakit ‘di na lang ikaw?” humikab si Irene.


“Hehe,” sumimangot si Irene. “Kaya mo na ‘yan. Disguise ka na lang pero ‘di ‘yung O.A., ha! Nagiging attention seeker ang labas mo, eh.”

 

 

 

 

Hindi ito ang hinihingi niyang gagawin. 


Mainit sa pinuntahan niya. Pagdating niya sa parking lot ay nilakad niya agad ang daan papunta sa Auditorium base sa guide na binigay ni Hwasa sa kaniya after ng tawag. Nag-send din ito ng mga dos and don’ts na kabisadong-kabisado na niya.


Kahit kailan talaga ‘yun.


Hindi siya aware na wala palang masisilungan habang papunta ro’n. Sariling sikap siya sa pag-block ng sinag ng araw dahil wala siyang makita sa dadaanan niya. Hindi muna siya pumasok sa Auditorium dahil masyado pang mainit ang body temperature niya at ayaw niyang mabigla ito.


Pumasok si Irene na walang bahid ng pawis sa katawan. Kating-kati na siyang tanggalin ang blazer na suot niya pero ‘di niya magawa dahil alam niyang head turner ang kaniyang kutis. 


Napangisi siya sa naisip.


Lumibot ang kaniyang mga mata sa paligid. Hirap siyang inaninag ang kaniyang nasa harapan dahil naka-shades siya. Sabi ni Hwasa na mag-disguise siya kaya ayan ang ginawa niya. 


Naupo siya sa bandang likuran ng mga audience. Una sa lahat, ang pinakaayaw niya ngayon ay atensyon. Wala si Hwasa sa tabi niya kaya malamang ay mahihirapan siyang makaalis doon if ever na may nakakilala sa kaniya.


Lumipas ang ilang minuto ay may babaeng tumabi sa kaniya. Akala ni Irene ay sinadya ito pero ‘di naman siya nito pinansin o tinapunan ng tingin kaya hindi na ito inisip ni Irene.


Umunat ang kaniyang katabi at pumikit.


Grabe naman ‘to. Kung gusto niya matulog, do’n siya sa library, hindi rito na makikita siya ng mga participant. Nakakahiya! 


Sinubukan niyang umubo pero wala itong epekto sa babae kaya hinayaan niya na lang. 


Naging weird ang atmosphere ng dalawa. Maya-maya pa’y naramdaman ni Irene ang titig nito sa kaniya. 


Shet, sana ‘di niya ko nakilala.


“‘Di ka ba aware na staring is rude?” tanong ni Irene sa katabi niya.


Matagal ito bago nakasagot.


“Ako ba ang kausap mo?” tanong sa kaniya nito pabalik.


“Hindi, ‘yung upuan ang kausap ko,” pamimilosopo ni Irene.


Nakita niya kung paano nagtimpi ang babae na batukan siya harap-harapan. 

 

“Kung ako man ‘yung kausap mo, FYI lang ha, hindi kita tinititigan,” depensa nito.


“Eh, bakit parang jina-judge ako ng mga tingin mo?”


“Ka-judge-judge naman kasi talaga ‘yang suot mo.”


“Aba—” tumigil si Irene, offended. ”—ang kapal mo rin, ‘no? Inaano ka ba ng suot ko?”


“Eh, ikaw? Inaano ka ba ng mga ilaw dito sa Auditorium at naka-shades ka?” nabuhay ang inis ni Irene sa katawan niya. 


Bakit ba ako pinapakealaman ng epal na ‘to?


“Walang kinalaman ang mga ilaw dito sa shades ko,” sagot ni Irene.


“Eh ‘di tanggalin mo ‘yan. Para kang tanga, pinagtitinginan ka ng ibang estudyante.”


Pasimpleng tumingin si Irene sa paligid. 


Nag-stutter si Irene. Puta. “A-Ano bang pakialam niyo? Pinapakialaman ko ba kayo?”


“Bahala ka sa buhay mo,” sabi ng babae bago bumalik sa pagpikit. 


Humikab ito at talagang hinarap pa a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1150 streak #1
Chapter 16: It's okay otornim. I understand your desicion. And I respect it. Pero will wait for your time to update once you're okay and not busy. 💚
akosizig #2
Chapter 16: thank you for this story author-nim! it was so nice to read AM kahit na hanggang dito na lang (will still hope for future chapters tho pero will wait respectfully!). hope all is good with you author!!
kang_ddeul
#3
Chapter 16: fighting authornim! thank you po sa story na 'tooo! wait po namin ang mga susunod na chapters soon kapag meron na po. hehehe rest ka muna :)
iamriou_
1150 streak #4
Chapter 15: Push mo na yung gusto mo Seulgi. 🥰 Sign na yan. :D
akosizig #5
Chapter 15: AHHAHAHAHA SAMPUNG MAGKAKAPATID PA NGA

pero real talk ang hirap ng mga tanong regarding sa profession at passion kasi ang dalas na hindi sila napapagsabay. as someone na sinunod ang desisyon ng magulang kesa desisyon ng puso, naiimagine ko lang ang frustrations ni seulgi. pero ang maganda is she took a step forward na para sa passion niya and sana sa future chapters maging masaya talaga siya sa desisyon niya (:
lazygirl18 #6
Chapter 15: "sampu ang kapatid" pucha HAHAHAHA
iamriou_
1150 streak #7
Chapter 14: Seulgi sign na yan!!! 🥺
yujiverse
#8
Chapter 13: Omg
svgktrn
#9
Otor anuena