pangsampu

pangakong hindi kita papangakuan
Please Subscribe to read the full chapter

Tahimik sa buong Auditorium.


Nanlalamig ang mga kamay ni Seulgi nang subukan niyang ayusin ang mic holder. Alanganin siyang tumikhim at nagulat nang marinig niya ito sa speakers. Nagtawanan ang lahat.


Pati rin siya.


Hanggang dito ba naman, sabi niya sa sarili niya.


Tinanguan niya ang DJ na nakapwesto sa gilid, at sa susunod na mga segundo, nahanap niya ang sarili niyang kinakanta ang kantang una niyang napili nang malaman niyang kasali siya sa contest.


Isang kanta na nagbalik ng libo-libong ala-ala.


Napangiti nang mapait si Seulgi sa naisip.


Sa pagkanta niya ng unang verse, kusang lumibot ang kaniyang mga mata sa paligid ng Auditorium. Sinusubukan niyang hanapin si Byulyi pero hindi niya ito makita.


Kung ako si Byulyi, saan ako uupo?


Agad na dumako ang kaniyang mga mata sa bandang dulo. Nahanap niya ang tropa niyang naputol ang pag-idlip dahil sa pagkanta niya. 


Napansin niya ang bahagyang pag-usog ng kinauupuan nito na parang iniiwasan siya kaya napatingin ito sa katabi ni Byulyi.


Wala sa sariling kumunot ang noo niya. Napansin niya agad ang purple face mask na suot ng babaeng katabi ni Byulyi. Iisang tao lang ang naaalala niyang nagsusuot ng ganon at ito ay walang iba kung hindi ang babaeng naaabutan niya sa Antipolo. 


Nagtataka pa niyang tinignan ang babae dahil naka-shades ito. Nakita niya kung paano umangat ang kilay ni Byulyi nang tinignan niya ito patagilid na muntik ikatawa ni Seulgi (kung wala lang siya sa stage).


Dahil sa pagkalibang niya sa kaniyang nakikita, hindi niya namalayan na malapit na palang matapos ang kanta. Hinanap kaagad ng kaniyang mga mata ang nag-iisang dahilan kung bakit. 


Mabigat ang loob na tinapos niya ang pagkanta. Hindi man lang niya nakita si Wheein. Iniisip niya na narinig naman siguro ito ng babae from backstage kung hindi pa ito nakakaalis. 


Eh paano kung nakaalis na?


Tipid na ngiti ang binigay ni Seulgi sa mga judge at sa mga nanunuod. Hindi na niya inisip pa ang pagkanta dahil alam niya sa sarili niya na binigay niya ang kaniyang best.


“You nailed it girl!” basa niya sa labi ni Byulyi nang marating niya ang ibaba ng stage. Ngisi na lang ang iginanti niya rito. 


Gusto sana niyang itanong kung sino ‘yung babaeng katabi niya pero nawala ito sa isip niya. 


Lumingon siya sa kanilang likod, doon sa dating pwesto ni Byulyi. 


Nahanap niya ang pares ng mga matang pamilyar sa kaniya. Gulat na tumingin ang babae sa kaniya nang mahuli ito ni Seulgi na sinusundan sila ng tingin. 


Umiwas ito ng tingin na nagpakunot sa noo ni Seulgi. Tinanggal na ng babae ang kaniyang shades kaya nakita niya nang maigi ang mga mata nito.


Pero hindi gano’n katagal upang malaman niya kung sino ang nagmamay-ari. 

 

 

 

 


Balisang bumaling si Byulyi sa kaniya habang kumakain sila sa tapsihan sa may bandang likuran ng school nila. Kanina pa napapansin ni Seulgi na parang may gustong sabihin si Byulyi pero hindi naman nito matuloy.


Hinayaan niya ulit. Leche siya, isip niya.

 

 

Naglikot si Byulyi sa kinauupuan niya habang tumitingin sa paligid na tila parang may pinagtataguan. 


“Para kang tanga,” puna ni Seulgi.


“‘Wag ka ngang epal.”


“Ano bang ginagawa mo?” 


“May hinahanap ako,” sagot ni Byulyi habang nakatingin pa rin sa paligid nila. 


Napatingin na rin si Seulgi sa paligid niya, umaasang may makukuhang sagot dahil hindi siya sinasagot nang maayos ni Byulyi.


“Ano ba hinahanap mo?”


“Basta, ‘wag ka maingay diyan.”


“Tutulungan na nga kita, eh,” pilit ni Seulg

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1151 streak #1
Chapter 16: It's okay otornim. I understand your desicion. And I respect it. Pero will wait for your time to update once you're okay and not busy. 💚
akosizig #2
Chapter 16: thank you for this story author-nim! it was so nice to read AM kahit na hanggang dito na lang (will still hope for future chapters tho pero will wait respectfully!). hope all is good with you author!!
kang_ddeul
#3
Chapter 16: fighting authornim! thank you po sa story na 'tooo! wait po namin ang mga susunod na chapters soon kapag meron na po. hehehe rest ka muna :)
iamriou_
1151 streak #4
Chapter 15: Push mo na yung gusto mo Seulgi. 🥰 Sign na yan. :D
akosizig #5
Chapter 15: AHHAHAHAHA SAMPUNG MAGKAKAPATID PA NGA

pero real talk ang hirap ng mga tanong regarding sa profession at passion kasi ang dalas na hindi sila napapagsabay. as someone na sinunod ang desisyon ng magulang kesa desisyon ng puso, naiimagine ko lang ang frustrations ni seulgi. pero ang maganda is she took a step forward na para sa passion niya and sana sa future chapters maging masaya talaga siya sa desisyon niya (:
lazygirl18 #6
Chapter 15: "sampu ang kapatid" pucha HAHAHAHA
iamriou_
1151 streak #7
Chapter 14: Seulgi sign na yan!!! 🥺
yujiverse
#8
Chapter 13: Omg
svgktrn
#9
Otor anuena