panglabingtatlo

pangakong hindi kita papangakuan
Please Subscribe to read the full chapter

Walang eksaktong salita ang makapagsasabi kung gaano kabado si Seulgi.


Kinukutkot niya ang kaniyang mga kuko habang nakatingin sa ibaba. Nasa loob siya ng unit ni Byulyi at hinihintay itong matapos sa pag-aayos ng sarili. Hindi alam ni Seulgi kung paano niya napapayag si Byulyi sa pagsama sa kaniya sa concert ni Irene, pero wala na siyang pakialam doon.


At wala na rin siyang pakialam kung alam ba ni Yongsun na isasama niya ang kaniyang girlfriend sa concert ng ex-girlfriend nito. Siguro naman ay nagpaalam si Byulyi, ‘di ba?


“Ang tagal mo naman!” sigaw ni Seulgi noong makita niya si Byulyi na lumabas mula sa kaniyang kwarto at dumiretso sa kusina.


“Saglit lang naman! Atat ka ba?” tanong ni Byulyi. Lumabas ito mula sa kusina at huminto sa gitna ng sala kung saan naroon si Seulgi. “Aminin mo na kasi sa akin na fan ka talaga ni Irene. Hindi naman ako magagalit.”


Awtomatikong gumalaw ang kamay ni Seulgi at inabot ang bagay na kaya niyang abutin sa lagay na iyon at binato kay Byulyi.


Nag-e-echong tawa lang ang narinig niya matapos nitong salagin ang binato.


Bumalik si Seulgi sa pagkakatulala habang kinukutkot ang kuko. Tinatanong niya ang kaniyang sarili kung tama bang nag-inom siya kagabi dahil parang ngayon pa lang tumatama ang ilang lata ng beer sa sistema niya.


Kasalanan to ni Ateng naka-face mask palagi, eh. 


Sinapo niya ang ulo niya dahil nakaramdam siya nang hilo. Walang dapat ipag-alala dahil gano’n lang talaga siya kapag kinakabahan. 


“Ah, ‘tang ina,” bulong ni Seulgi matapos niyang isandal ang ulo sa ulohan ng couch ni Byulyi.


Kung iisipin, si Byulyi dapat ang mas kinakabahan sa kanilang dalawa dahil sila ang may nakaraan. Idagdag pa natin na hindi alam ni Yongsun ang pagpunta ni Byulyi sa concert ng best friend niya na ex ng girlfriend niya.


Eh, bakit siya kinakabahan sa pagpunta? Dahil ba first time niyang makakapunta sa backstage after concert? Dahil baka mahuli sila ni Yongsun na pumunta sa concert kasama si Byulyi?


Masyadong maraming tumatakbo sa isip niya. Kasama na ro’n ‘yung kung ano ang mangyayari sa kaniya after no’ng contest sa school nila. Wala na siyang pakialam sa resulta, pero kung mananalo man siya, anong gagawin niya? Lalabanan ba niya ang tiga-ibang school?


Naramdaman ni Seulgi na may nakatingin sa kaniya kaya agad niyang binuksan ang kaniyang mga mata at tumingin sa harapan. 


“Ang pangit mo,” asar niya kay Byulyi. Inabot ni Byulyi ang kamay niya at tinulungan siyang tumayo. 


“Sa’n mo na naman nakuha ‘yang lakas ng loob mo?” hindi ito pinansin ni Seulgi. “Pero seryoso, Seul, okay lang mag-fangirl ka. ‘D kita itatakwil bilang kaibigan.”


Naiinis na siya rito dahil panay ang pilit ni Byulyi na idol niya si Irene. Si Byulyi nga ang dahilan kung bakit lumalabas sa Twitter timeline niya ‘yung mga tweet ni Irene. 


Irap na lang ang naisagot ni Seulgi dahil masyado siyang napagod kaiisip. 

 

 

 

 

Si Byulyi ang pinag-drive ni Seulgi dahil masyado siyang maraming iniisip. Tahimik ang biyahe na talagang nakakapanibago dahil wala sa bokabularyo ng dalawa ang pumirmi. Hindi na rin nangulit si Byulyi dahil pinakiramdaman niya ang mood ni Seulgi.


Saktong bababa na ng sasakyan si Byulyi matapos niyang i-parking ang sasakyan sa parking lot ng arena. Walang masyadong tao pero maraming sasakyan kumpara sa mga normal na araw. 


Lumingon si Byulyi no’ng maramdaman niya ang kamay ni Seulgi sa kaniyang braso na pumipigil sa kaniya sa pagbaba. Tinaasan niya ito ng kilay pero buntong-hininga lang ang isinagot nito. 


Sumandal pabalik si Byulyi. 


“Bakit ka ba kinakabahan?” basag ni Byulyi sa katahimikan. 


Huminga muna ito nang malalim bago sagutin ng tanong si Byulyi. “A–Alam ba ni Yongsun na pupunta ka?”


“Puta, akala ko naman kung ano.”


“Ano nga?”


Isinandal ni Byulyi ang ulo niya sa manibela bago sumagot. “Hindi naman siguro niya malalaman, ‘di ba?”


“Gago?”


Tumawa si Byulyi. “Hayaan mo na. Hindi ka naman madadamay, don’t worry.”


“Anong hindi, eh ako ‘yung kasama mo?”


“Sabihin ko alam mong alam ni Yongsun.”


“‘Wag na, uuwi na lang ako,” sabi ni Seulgi. 


Pinigilan naman ni Byulyi sa paglabas ang kaibigan niya. “Nasa venue si Yongsun. Kapag nakita niya tayo, sasabihin ko na nagkita lang tayo sa venue.” 


“Kaibigan niya ba si Irene?”


“‘Yan ang aalamin natin.”

 

 

 

 

Hindi pala nag-e-exaggerate ang mga tao kapag sinasabi nilang dumadagundong ang arena kapag nasa concert, isip ni Seulgi. 


Pahirapan sila maghanap ni Byulyi ng pwesto nila dahil VIP Standing pala ang nakalagay sa ticket. Nasa pagitan ng VIP Standing Section ang main stage at ang isa pang stage na mas malapit sa audience.


Siksikan na bago pa makapasok. Sa tingin ni Seulgi ay hindi pa nakakapasok ang lahat kahit mukhang puno na ang buong arena. Pucha, Irene’s impact. 


“Malayo pa ba?” tanong ng hinihingal na si Byulyi. 


Hindi sila sa mismong entrance ng VIP audience pumasok dahil nagk

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1150 streak #1
Chapter 16: It's okay otornim. I understand your desicion. And I respect it. Pero will wait for your time to update once you're okay and not busy. 💚
akosizig #2
Chapter 16: thank you for this story author-nim! it was so nice to read AM kahit na hanggang dito na lang (will still hope for future chapters tho pero will wait respectfully!). hope all is good with you author!!
kang_ddeul
#3
Chapter 16: fighting authornim! thank you po sa story na 'tooo! wait po namin ang mga susunod na chapters soon kapag meron na po. hehehe rest ka muna :)
iamriou_
1150 streak #4
Chapter 15: Push mo na yung gusto mo Seulgi. 🥰 Sign na yan. :D
akosizig #5
Chapter 15: AHHAHAHAHA SAMPUNG MAGKAKAPATID PA NGA

pero real talk ang hirap ng mga tanong regarding sa profession at passion kasi ang dalas na hindi sila napapagsabay. as someone na sinunod ang desisyon ng magulang kesa desisyon ng puso, naiimagine ko lang ang frustrations ni seulgi. pero ang maganda is she took a step forward na para sa passion niya and sana sa future chapters maging masaya talaga siya sa desisyon niya (:
lazygirl18 #6
Chapter 15: "sampu ang kapatid" pucha HAHAHAHA
iamriou_
1150 streak #7
Chapter 14: Seulgi sign na yan!!! 🥺
yujiverse
#8
Chapter 13: Omg
svgktrn
#9
Otor anuena