pang-anim
pangakong hindi kita papangakuan“Byul.”
“Oh?”
“Nakapunta ka na ba sa concert?”
“Malamang.”
“Naka-VIP?”
“Oo.”
“Eh, nakapunta ka na ba sa backstage after concert?”
Napalingon si Byulyi kay Seulgi.
“Bakit, bibigyan mo ba ako ng backstage pass sa concert ni Irene?” asar ni Byulyi.
“Oo sana,” sabi ni Seulgi sabay kamot sa kaniyang batok. Hindi niya alam kung tama ba na pumunta sila sa backstage pagtapos ng concert ni Irene. Hindi naman sila close at mas lalong hindi niya kilala nang lubusan ‘yung tao.
Ngayon pa lang iniisip na niya kung anong gagawin nila kapag pumunta sila sa backstage.
A. Tutunganga
B. Papasok lang sa backstage pero hindi makikipag-meet kay Irene
C. Dalhan ng regalo si Irene, o
D. Ibenta ang tickets at backstage pass
Pero alam ni Seulgi na hindi papayag si Byulyi, lalo na’t nasabi na nito ang tungkol sa libreng backstage pass na galing pa mismo kay Irene.
“Gago, seryoso ka?” tanong ni Byulyi habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.
Napaiwas ng tingin si Seulgi. “Oo, libre lang naman ‘yun kaya ‘okay lang.”
“Weh? Kanino galing?”
“Kay...”
“Kanino?”
Pumikit si Seulgi at humugot ng malalim na hininga.
“Kay Irene. Galing kay Irene,” pikit-mata niyang sabi.
Namayani ang katahimikan.
Si Byulyi, nanigas sa kaniyang kinauupuan.
Si Seulgi, hindi pa rin binubuksan ang kaniyang mga mata. Hindi niya rin alam kung bakit.
Para pa ring na-stuck si Byulyi sa kaniyang pwesto. Ni konting kibot ng kaniyang mga muscle ay hindi makita. Hindi pa sigurado kung gumagalaw ba talaga siya o humihinga.
Bumuka ang isang mata ni Seulgi para tignan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. Hindi ba, dapat lang na matuwa si Byulyi kasi fan siya ni Irene?
Nagtaka siya nang makita ang kaniyang kaibigan na nakatulala sa kawalan. Gusto niya sanang tumayo at lumapit kay Byulyi para isara ang kaniyang nakabukas na bibig, kaso baka masapak siya nito.
Hindi ba siya fan?
“Teka, Byul, hindi ka fan ni Irene?” inosenteng tanong ni Seulgi.
“Gago, anong fan?!” galit na tanong ni Byulyi.
“Eh, bakit gusto mong manuod ng concert niya?” balik na tanong ni Seulgi.
“‘Wag mo nang itanong.”
“Si Yongsun ba ‘yung fan niya?”
Hindi na kinakaya ni Byulyi ang usapan nila.
“‘Tang ina mo, Seul. Manahimik ka na lang, pwede?”
“Bigay ko na lang sa inyo ‘yung backstage pass, tapos bigay ko na rin kay Yongsun ‘yung—”
“Kung gusto mong magkaroon ng World War III, ‘wag mo kaming idamay.”
Clueless pa rin si Seulgi. Pilit niyang iniintindi ang mga pinagsasabi ni Byulyi, pero wala talaga siyang alam. May nangyari ba? May hindi ba siya alam?
“Ipaliwanag mo, ‘tang ina ka.”
Byulyi heaved a frustrated sigh before answering. “Naalala mo ba ‘yung sinasabi kong ex ko noon bago si Yongsun?”
“Oh? ‘Yung sinabi mong nag-break kayo kasi ayaw niya ng distractions?”
“Si Irene ‘yun.”
Turn naman ni Seulgi para maestatwa sa pwesto niya.
“Wala akong oras sa mga biro mo, Moon Byulyi. Sabi ko, magpaliwanag ka.”
“Leche, nagsasabi ako nang maayos, ha. Bahala ka kung ayaw mong maniwala,” sabi ni Byulyi, tapos umirap.
“Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?!” inis na bulong ni Seulgi kay Byulyi.
“Nagtanong ka ba?” balik ni Byulyi.
May point naman siya. Bakit niya sasabihin, hindi naman nagtanong si Seulgi?
‘Tsaka, baka isipin pa ni Seulgi, nagyayabang ako.
“Magagalit ba si Yongsun kapag pumunta ka sa concert ni Irene?” usisa ni Seulgi.
Mahirap nang walang alam, baka sabihin no’n, kunsintidor pa ako.
“Hindi, pabor pa nga siya ro’n eh,” nakayukong sabi ni Byulyi.
“Oh, anong pinoproblema mo diyan
Comments