panglima

pangakong hindi kita papangakuan
Please Subscribe to read the full chapter

Tae naman.

 

 

Nagmamadaling nag-park si Seulgi sa basement ng condo na tinutuluyan niya. Hindi niya rin alam kung bakit siya nagmamadali. Bakit nga ba?

 

 

Dahil ba sa tae? O baka dahil sa tao?

 

 

Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin kung sino ‘yung bagong gagamit ng unit na tapat sa kaniya. Si Lisa kasi ‘yung gumagamit sa tabi ng kaniya. 

 

 

Ilang araw na rin noong huli silang nagkita nito. Hindi pa rin kasi ito umuuwi galing sa family outing nila kasama ‘yung family ni Jennie. 

 

 

Pagkabukas ng pinto ng elevator, agad na dumukwang ang ulo ni Seulgi papuntang kanan. Nakita niya si Manong Janitor na nakatayo sa tapat ng unit niya kasama ‘yung babae. Ito siguro ‘yung bago naming kapit-bahay.

 

 

Nang ma-spot-an ni Manong si Seulgi, agad itong ngumiti nang alanganin. Napansin ‘yun ng babae dahil agad din itong napalingon sa kaniyang likod. 

 

 

Puta.

 

 

Ang ganda. 

 

 

Teka, siya ‘yung—

 

 

“Hi, my name’s Irene and these are my dogs. They, uh, pooped in front of your unit and it’s terrible, I know. I’m really sorry. Manong already cleaned your doorstep. I’m really sorry—”

 

 

“Irene?” putol ni Seulgi sa sinasabi Irene.

 

 

“Yes?” kabadong sagot ni Irene. Mabuti na lang at masyadong maliwanag ‘yung lugar kung saan sila nagkikita tuwing madaling-araw. Mabuti na lang. 

 

 

Akala ni Irene ay nakilala siya ni Seulgi, pero pumasok sa isip niya na walang palya niyang pinoprotektahan ang kaniyang mukha kahit saan man siya magpunta. Gustuhin niya mang sabihin kay Seulgi o kaya ay ipakita rito ang kaniyang mukha, hindi niya magawa.

 

 

Hindi pwede. 

 

 

Bakit?

 

 

Trip niya lang. Pa-suspense, kumbaga. 

 

 

Nakaramdam siya ng kaunting guilt sa kaniyang katawan nang ma-realise niyang siya, alam niya kung sino ‘yung kinikita niya sa madaling-araw. Nakikita niya nang buo. Alam niya ‘yung pangalan. 

 

 

Kapit-bahay niya pa. 

 

 

“‘Di ba, ikaw ‘yung singer?”

 

 

Ah, kilala niya nga ako. 

 

 

Gustong kumawala ng malawak na ngiti mula sa labi ni Irene, ngunit mas pinili niyang sarilihin na lang ito at umarte sa harap ng babae. 

 

 

Puta, ang lakas ng pakiramdam niyang artista ‘yung kausap niya.

 

 

“Ah, oo,” nahihiyang sagot niya, “If you want, pwede kang pumunta sa concert ko sa Saturday.”

 

 

“Pupunta talaga ako sa concert mo, kasama ko ‘yung kaibigan ko. Gusto ka raw niya kasi mapanuod,” kamot-batok na sabi ni Seulgi. Nararamdaman niyang umiinit ang kaniyang magkabilang mukha at gusto na niyang pumasok sa unit niya. 

 

 

“Ganon ba? Fan ba ‘yung kaibigan mo?”

 

 

“Hindi ko alam, eh. ‘Di ko nga alam na kilala ka pala no’n, kanina niya lang nabanggit, eh. Pero ask ko siya.”

 

 

“Eh, ikaw?”

 

 

Tumaas ang kilay ni Seulgi. “Ano meron sa akin?”

 

 

“Hindi ka fan?”

 

 

Hindi alam ni Seulgi ang isasagot niya. Hindi niya alam kung magagalit o magtatampo ang babae kung sasabihin niyang kilala lang niya si Irene bilang singer, pero wala siyang alam sa mga kanta nito. Nag-iisip siya kung paano niya i-a-approach si Irene nang hindi niya ma-o-offend ‘yung tao. 

 

 

“A-Ah...”

 

 

Tumawa si Irene. “Hindi, ‘no? Okay lang ‘yan. Bigyan ko na lang kayo ng backstage pass.”

 

 

Parang magandang musika ang tawa ni Irene sa pandinig ni Seulgi. Her head automatically tilted itself as if she was trying to remember something. Parang narinig na niya ‘yung tawa. 

 

 

Bumalik siya sa katinuan niya. “Hala, ‘wag na. Sobra naman ata ‘yan, hehe. Okay na kami manuod na lang.”

 

 

“No, I insist. Besides, dinumihan din naman ng dog ko ‘yung unit mo.”

 

 

“Sa labas lang naman ‘yun, no biggie.”

 

 

“Kahit na.”

 

 

Napangiwi si Seulgi. Nahalata niyang wala na talaga siyang pag-asa na matanggihan ‘yung celebrity na nasa harap niya. Sumilay sa mukha ni Irene ang isang matagumpay na ngiti na pilit niyang pinipigilan. 

 

 

“Sige, sabihan ko agad ‘yung tropa ko about diyan.”

 

 

“Cool. Guess I’ll see you at the venue na lang? Busy na ako starting tomorrow. You know, rehearsals and such.”

 

 

Hindi alam ni Irene kung bakit niya shinare ‘yun sa stranger. Well, technically, hindi na stranger si Seulgi sa kaniya. Hell, they’ve been talking to each other no’ng isang araw pa. 

 

 

Pe

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1150 streak #1
Chapter 16: It's okay otornim. I understand your desicion. And I respect it. Pero will wait for your time to update once you're okay and not busy. 💚
akosizig #2
Chapter 16: thank you for this story author-nim! it was so nice to read AM kahit na hanggang dito na lang (will still hope for future chapters tho pero will wait respectfully!). hope all is good with you author!!
kang_ddeul
#3
Chapter 16: fighting authornim! thank you po sa story na 'tooo! wait po namin ang mga susunod na chapters soon kapag meron na po. hehehe rest ka muna :)
iamriou_
1150 streak #4
Chapter 15: Push mo na yung gusto mo Seulgi. 🥰 Sign na yan. :D
akosizig #5
Chapter 15: AHHAHAHAHA SAMPUNG MAGKAKAPATID PA NGA

pero real talk ang hirap ng mga tanong regarding sa profession at passion kasi ang dalas na hindi sila napapagsabay. as someone na sinunod ang desisyon ng magulang kesa desisyon ng puso, naiimagine ko lang ang frustrations ni seulgi. pero ang maganda is she took a step forward na para sa passion niya and sana sa future chapters maging masaya talaga siya sa desisyon niya (:
lazygirl18 #6
Chapter 15: "sampu ang kapatid" pucha HAHAHAHA
iamriou_
1150 streak #7
Chapter 14: Seulgi sign na yan!!! 🥺
yujiverse
#8
Chapter 13: Omg
svgktrn
#9
Otor anuena