pangalawa

pangakong hindi kita papangakuan
Please Subscribe to read the full chapter

“Late ka na namang kupal ka.” 

 

 

Inirapan ni Seulgi si Byulyi nang marinig niya ang sinabi nito pagkapasok niya sa Library. Dito na siya dumiretso dahil wala pa raw silang klase at wala atang balak um-attend ‘yung professor nila. 

 

 

Sana pala ‘di na lang ako pumasok.

 

 

“Gago, hindi kasi nag-alarm ‘yung phone ko kanina. Nakainom pa ‘ko kaya napatagal tulog ko,” binaba niya ang bag sa tabi at nilabas ang kaniyang Macbook Pro, “May nag-discuss?”

 

 

“Oo, sa Shopwork.”

 

 

“Puta.”

 

 

“Haha, inom pa. Saan ka galing kagabi?”

 

 

Napahinto sa pag-type ang daliri ni Seulgi at automatic na hinanap ng kaniyang mga kamay ang kaniyang cellphone. Nang mahanap niya ito, pumunta agad sa sa contacts at tinawagan si Yeri.

 

 

“Nakapasok ka na?”

 

 

“Oo, bakit?”

 

 

“Wala. Baka na-late ka rin kagaya ko.”

 

 

“Mukha ba akong iresponsable?”

 

 

“Hoy— ang kapal! Hindi lang nag-alarm ‘yung phone ko, iresponsable na agad?”

 

 

“Oh, eh bakit ‘di nag-alarm?”

 

 

“Hindi ko alam hehe.”

 

 

“Bakit ka ba tumawag? Wala ka bang klase?”

 

 

“Wala—”

 

 

“Ako meron. Mamaya na tayo mag-usap.”

 

 

“Oka—”

 

 

Nakita ni Seulgi si Byulyi na nagpipigil ng tawa habang kunwaring nagta-type sa laptop niya. Sinamaan niya ito ng tingin at bumalik ang atensyon sa kaniyang ginagawa kanina. 

 

 

“May gusto ‘yun sa‘yo,” hindi siya pinansin ni Seulgi, “Oh, baka ‘di mo pansin? Ang manhid mo naman.”

 

 

“Pwede ba, ‘wag natin pag-usapan ‘yung mga walang katuturang bagay? Walang gusto sa akin si Yeri, iba gusto niyan.”

 

 

“‘Sus, sabi mo lang ‘yan kasi—” tinignan ulit siya nang masama ni Seulgi, “Okay, zip ko na mouth ko.”

 

 

 

 

 

 

 

 

Bago pa makalabas ng classroom sila Seulgi, inaya na kaagad nito si Seulgi na maglaro ng Crossfire. 

 

 

“Ayoko, may gagawin pa ako,” pagtanggi nito.

 

 

“Ayaw mo ba sa TNC? Sige, Peenoise na lang.”

 

 

“Ang kulit mo.”

 

 

“Wala akong kasama, eh.”

 

 

Tinignan ni Seulgi si Byulyi na parang nang-aasar. “Away kayo ni Yongsun, ‘no? Ayan, babaero ka kasi!”

 

 

“Hindi ako nangbabae! Gago ‘to!”

 

 

“Eh, ano lang?”

 

 

“Nag-binge watch lang ng series sa Netflix tapos nakalimutan kong may date pala kami. ‘Di ko nasipot.”

 

 

Tinapik ni Seulgi ang balikat ni Byulyi bago akbayan. “Pwede naman kasi kayong mag-binge watch together. Sana inaya mo na lang.”

 

 

“Ayaw niya kasi yung pinapanuod ko, eh,” sabi ni Byulyi habang nakabagsak ang mukha nito.

 

 

“Ano ba pinapanuod mo?”

 

 

“YOU.”

 

 

Napahalakhak si Seulgi sa sagot ng kaibigan niya. “Tarantado ka pala, eh. Alam mo namang nasasagwaan si Yongsun doon tapos ‘yun pa papanuorin mo.”

 

 

“Por que ayaw niya, ayaw ko na rin? I appreciate beautiful things kaya.”

 

 

“Bahala ka sa buhay mo, uuwi na ‘ko.”

 

 

Hindi pa nakakalayo si Seulgi sa kinaroroonan nila ni Byulyi kanina nang may tumawag sa kaniya. Lumingon siya kaagad at hindi niya inaasahan ang taong nakita niya.

 

 

Si Wheein. 

 

 

Si Wheein na nakangiti sa kaniya.

 

 

Nagwawala na naman ang puso niya. Alam niyang hindi na dapat gano’n ang reaksyon ng katawan niya sa simpleng ngiti ng babae, pero hindi niya mapigilan. 

 

 

Kailan niya mapipigilan?

 

 

Mapipigilan niya pa kaya?

 

 

“Wala kang class?” tanong ni Seulgi.

 

 

“Parang hindi mo naman alam schedule ko. Oo, wala na akong class,” sagot ni Wheein. Awtomatikong sumukbit ang braso ni Wheein sa braso ni Seulgi.

 

 

Napaso siya sa ginawa ng babae.

 

 

Pero hindi niya tinanggal. 

 

 

Bakit?

 

 

“Saan ka pupunta?”

 

 

Huminto sa paglalakad si Wheein, hindi pa rin niya tinatanggal ang braso niyang nakakapit sa braso ni Seulgi. “Saan ka ba pupunta?”

 

 

“Uuwi na ako, eh,” sagot ni Seulgi. Pero sa loob niya, gusto niyang sumama si Wheein sa kaniya. 

 

 

“Edi sama ako sa‘yo.”

 

 

Napalingon si Seulgi sa kabilang direksyon at tsaka ngumiti nang pagkalawak-lawak. 

 

 

Bago pa sila makatapak sa labas ng school, nag-ring ang cellphone ni Wheein. Huminto ito at sinagot ang tumatawag. 

 

 

Sumenyas ito kay Seulgi na hindi makahinga nang maayos. Ngumiti ito nang alanganin tapos hinintay matapos si Wheein sa pagkausap sa kung sino man ‘yung kausap niya. 

 

 

Hindi nito marinig kung anong sinasabi ni Wheein kaya inilibot na lang niya ang kaniyang tingin sa paligid. Dumampi ang malamig na palad ni Wheein sa kaniyang braso at nakita ang malungkot na mukha ng babae.

 

 

“May tawag rep namin, kailangan daw ako kasi ‘di pa complete references namin,” malungkot na sabi ni Wheein.

 

 

Bumuntong-hininga si Seulgi bago ipatong ang kaniyang kamay sa ulo ni Wheein at tsaka ginulo ang buhok nito. “Okay lang. Wala ‘yung problema, ano ka ba?” 

 

 

Ngumiti si Wheein sa kaniya pagkatapos siya nitong yakapin na nagpatalon sa puso mo. Kinabahan si Seulgi, baka kasi naramdaman ni Wheein. Hindi kaagad nayakap ni Seulgi si Wheein sa sobrang pagkagulat sa inakto ng babae.

 

 

Nang mawala na sa kaniyang paningin si Wheein, sarili niya namang telepono ang tumunog.

 

 

 

From: Wheepup

 

 

Sa Maria’s tayo sa Concepcion, hintayin kita sa entrance. :)

 

 

 

Napangiti si Seulgi. 

 

 

Nagmadali siyang umuwi para gawin ang mga dapat niyang gawin. Nang matapos siya, hindi na siya nagdalawang-isip na bawiin ang tulog niyang nabitin kaninang umaga.

 

 

 

 

 

 

 

 

Nauna siyang dumating sa lugar na pinag-usapan nila.

 

 

Pero walang Wheein na dumating.

 

 

Nasa pangatlong bote na ng b

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1159 streak #1
Chapter 16: It's okay otornim. I understand your desicion. And I respect it. Pero will wait for your time to update once you're okay and not busy. 💚
akosizig #2
Chapter 16: thank you for this story author-nim! it was so nice to read AM kahit na hanggang dito na lang (will still hope for future chapters tho pero will wait respectfully!). hope all is good with you author!!
kang_ddeul
#3
Chapter 16: fighting authornim! thank you po sa story na 'tooo! wait po namin ang mga susunod na chapters soon kapag meron na po. hehehe rest ka muna :)
iamriou_
1159 streak #4
Chapter 15: Push mo na yung gusto mo Seulgi. 🥰 Sign na yan. :D
akosizig #5
Chapter 15: AHHAHAHAHA SAMPUNG MAGKAKAPATID PA NGA

pero real talk ang hirap ng mga tanong regarding sa profession at passion kasi ang dalas na hindi sila napapagsabay. as someone na sinunod ang desisyon ng magulang kesa desisyon ng puso, naiimagine ko lang ang frustrations ni seulgi. pero ang maganda is she took a step forward na para sa passion niya and sana sa future chapters maging masaya talaga siya sa desisyon niya (:
lazygirl18 #6
Chapter 15: "sampu ang kapatid" pucha HAHAHAHA
iamriou_
1159 streak #7
Chapter 14: Seulgi sign na yan!!! 🥺
yujiverse
#8
Chapter 13: Omg
svgktrn
#9
Otor anuena