Pampito: Ang Sinisintang Anak

Tanikala ni Bathala

TW: violence

Joohyun was forced to live the life as a single mom to sustain the needs of her son. Hindi nilisan ni Joohyun ang Pilipinas. Nanatili pa rin siyang desididong hindi magiging OFW para sa anak niya.

Ang ama o kaya mga manugang niya ang nagbabantay kay Jun kapag nasa trabaho siya. But that was just the start of her struggles.

Noong una, hirap na hirap siyang alagaan ang anak niya dahil parang nararamdaman nito na may kulang sa pamilya niya. Hinahanap-hanap ng bata ang presensya ng ama. Sinusubukan naman niyang hindi maramdaman ng anak na may kulang dahil alam niya ang pakiramdam na mawalan ng magulang. Kaya sinisigurado niyang puno ng pagmamahal si Jun mula sa kanya at sa mga natitirang kamag-anak niya.

Sa mga nakalipas na panahon, nalimutan na rin ng bata ang presensya ng ama. Naaawa ako na lumaki si Jun na walang ama. Maswerte pa talaga ako noong buhay pa ako dahil buo ang pamilya ko. Walang kulang. Kung tutuusin, sobra-sobra pa nga ang pagmamahal na binigay sa'kin ng pamilya ko. 

Enough about me... Simula ngayon, gusto kong magfocus kay Joohyun. Pagpasensyahan mo na kung ang unti-unting nagiging sentro na ng pagkkwento ko ay si Joohyun na. Na halos mawalan na ng bahid na 'Seulgi' sa istorya. Wala naman na kasi akong maisabi patungkol sa'kin kasi mismong sariling emosyon ko ay halos kinalimutan ko na. Baka parte 'to ng pagiging kaluluwa o baka nasanay lang ako na magpigil.

Tiyaka, sa tingin ko, isa lamang akong manonood sa buhay ni Joohyun. At bilang isang mapagmahal na kaibigan, gusto kong ilimbag lahat ng mga sa tingin kong mahahalagang sandali ng buhay niya. Like when you're hanging out with your friends, kadalasan you take pictures 'di ba? O kaya kapag pinapasulat kayo ng critique paper sa isang pelikula. Parang ganoon.

Medyo biased nga lang kasi ako 'yung nagsusulat. Ako 'yung pumipili ng mga mahahalagang sandali ng buhay niya. Bilang kabiyak niya, pwede ko naman iyon gawin 'di ba? Ewan ko ba.

Kung naaalala mo ang unang pangungusap ng kwentong ito. Gusto kong malaman mo na nagkamali ako. 

 'Itong istorya ko ay medyo cliche, medyo hindi.'

Kasi hindi ko maaaring angkinin sa sarili ang istoryang ito. This is not just about a soul who's waiting. This is also about a soul whose soulmate left her too early. Sa kwentong dalawa ang bida, magkaiba man ang kasukdulan ng kani-kanilang buod, ang bawat katapusan naman ang maglilingkis ng kanilang mga istorya. Minsan maaga ang , sa iba naman ay matagal. Sa sitwasyon ko, matagal nang tapos ang istorya ko. 

Now, my purpose is to tell you how the story goes for Joohyun.

At kung paanong kahit katapusan na ay may panimula muli.

 

Sa edad na tatlumpu't apat, kahit na may pag-aalinlangan sa pagpapalaki sa anak, itinaas siya nang sobra-sobra ni Jun.

Hindi tulad niya, very vocal ang anak niyang si Jun. Sa murang edad, alam nito kung anong gusto niyang mangyari. Medyo spoiled dala na rin na hindi siya matiis ni Joohyun. Maligalig ang anak niya ngunit hindi naman ito nakikipag-away sa mga kaklase niya. At 4 years old, he insisted to go to school. 

"Mama! Mama! Gusto kong mag-school!" Sigaw ni Jun habang nakadungaw sa bintana ng kotse. Halos tumayo na ito sa kinauupuan niya. Liningon siya ni Joohyun mula sa passenger seat. Natawa naman si Jisu na nagmamaneho, kasalukuyang nakabakasyon ito. Fun fact lang na hindi magawa ni Joohyun na matutong magmaneho dahil sobrang nerbyosa siya. Next time nalang daw kapag malaki na ang anak niya. 

"Baby, sabing umayos ka ng upo. 'Wag makulit please." Joohyun reached her hands towards her son, fixing his seatbelt. All the while, Jisu was entertaining the kid. "Nako po! Gusto mo ba talaga, Jun?" Sinilip ni Jisu ang pamangkin sa rearview mirror. 

"Opo!"

"Bakit mo naman gustong mag-school?" 

"Gusto ko ng bag! Mama, bili tayo bag please po! Gusto ko rin magsuot ng unicorn!" Natawa si Jisu sa sinabi nito at paunti-unting umabante na ng sasakyan nang lumuluwag ang traffic. 

"Uniform 'yun nak. Uniform" 'Di na rin mapawi ang ngiti ni Joohyun. Bumalik na si Joohyun sa pwesto nang masigurong ayos na ang anak.

"Uniform."

"Very good! At dahil dyan, bibilhan ka ni Tita Jisu mo ng bag." Saglit na nilingon siya ng kapatid niya at inirapan. Natatawa lang sa reaksyon nito si Joohyun. Nang huminto ang sasakyan ulit, tinignan ni Jisu ang pamangkin sa rearview mirror. "Anong gusto mong bag? Batman? Spiderman? Cocomelon? Minions? Hello Kitty? Barbie?" Inisa-isa ng tiyahin ang mga cartoons na alam niya. Jun chuckled. "Barbie? Sa babae 'yun eh!"

"Baby, anong sabi ko tungkol dyan? Kahit lalaki o babae, pwedeng magustuhan ang barbie o kaya mga robots. Even if you're a boy, you can like the color pink, okay?" Joohyun calmly reprimanded her son.

"Okay, Mama" Tumatangong sagot ng anak.

"Masyado pa ata siyang bata para maintindihan 'yan, Ate." Mahinang side comment ng kapatid niya. Bumulong naman ng sagot si Joohyun, "Masyado pa bang maaga 'yun na naiisip niyang may limits sa dapat niyang magustuhan ngayon? Walang tamang edad para ituro sa kanya. Better start young right? Para makalakihan niya na." Ngumiti lang nang mataman si Jisu, satisfied on what her sister answered.

"Jun, ano nang gusto mong bag?" Balik atensyon ni Jisu sa pamangkin. Simpleng sumagot ang bata, "Chanel" 

Nanlalaking matang nagkatinginan ang magkapatid, malalawak ang mga ngiti na humahagikgik. "Sa'n mo naman nalaman 'yan, 'nak?"

"Sabi po ni Tita Jennie maganda Chanel!"

"Hindi pwede, 'nak. Pag malaki ka na siguro. Tiyaka 'di pwede 'yun sa school, baka 'di magkasya books mo." 

"Don't buy books, Mama. Only bag and unicorn." Umiling-iling ang bata. Halatang aliw na aliw ang magkapatid. "Napasobra na atang tambay kay Jen. Nirecord ko sana 'to, matutuwa siguro 'yun na tandang-tanda ni Jun 'yung Chanel na bukambibig niya." 

"Naaadapt niya na nga pati pananalita ni Ate Jennie. Conyo ng anak mo, Ate." 

"Tita Jisu, bili mo po ko Chanel?" pagsasabat ni Jun sa usapan.

"For grown-ups lang 'yun, Baby Jun." sagot ng Tita niya. Nag-ring ang cellphone ni Joohyun, senyales na may nag-text. Mabilisan niyang tinignan iyon para basahin, ayaw niyang gumagamit ng cellphone habang nasa byahe kasi nahihilo siya. 

"Like you and Mama?"

"Yes, like me and your Mama. Nako, gusto ng Mama mo 'yun pero ikaw lang bibigyan ko ng gift. Bilhan nalang kita ng iba, okay?" Agad na sumagot ang bata, "Opo!"

"Anong sasabihin mo kay Tita?" Side comment ni Joohyun habang binabasa ang ibang chats and texts ng mga katrabaho niya. "Sa...?" Panimula ni Joohyun.

"Salamat po!" Sigaw ni Jun at humagikgik. "Cute mo talaga, Baby Jun. Kiss mo ko mamaya!" Nanggigigil na sabi ni Jisu.

Maya't-maya natahimik sila sa kotse matapos ang ilang minutong harutan. Tanging tunog mula sa radyo ang pumapagitan sa kanila.

"Mama, Mama!" Biglang tawag ni Jun. "Yes, 'nak?" Liningon ni Joohyun si Jun kahit halatang medyo nahihilo sa paggamit ng cellphone. 

"Gusto mo Chanel po, Mama?" Casual na tanong ng bata. "Yes, Baby. Bakit?" Nakangiting sabi ni Joohyun.

"Pag laki na ko ganun, laki. Parang... parang si Tatay!" Tukoy niya sa Lolo niyang ama ni Joohyun. May hand movements pa si Jun para iemphasize kung gaano kalaki. "Bili po ako Chanel para sayo, Mama!" 

Naunang nag-comment si Jisu. "Awwww! Ang sweet naman ni Baby Jun." 

"Talaga? Thank you, Baby!" Nginitian nang matamis ni Joohyun ang anak. Tumatango ang bata at mukhang tuwang-tuwa na makitang nakangiti ang ina. Pati kami ni Chanyeol na kapwa nakaupo sa tabi ni Jun ay hindi mapawi ang mga ngiti. At mukhang sa pagkinang ng kwintas sa leeg ni Jun, gano'n din si Sehun.

Kung curious ka kung paano napunta kay Jun ang kwintas. Well, his grandfather, father of Junmyeon, gave it to him. Hindi lang 'yun ang minana niya mula sa mga gamit ng Papa niya.

Joohyun wants him to remember his dad, even only a fragment of his life. Na sa kada sitwasyon na titingin siya pababa, maaalala niya ang Papa niya na 'gumagabay' sa kanya. Kaya lagi niyang pinapasuot sa anak ang kwintas kapag umaalis sila. Somehow, Jun adapted the habit of wearing it sometimes even at home. Walang kaso naman 'yun kay Joohyun. Masaya nga siya dahil doon pero nagiging maalala rin siya na baka masira ang kwintas dahil napakaligalig ng anak niya. 

Bukod pa rito, napakadaldal ng anak niya. Sa tingin niya nagmana ito sa ama niya. Hindi siya ganito kachismosa. 'Yung anak niya pa mismo minsan ang nagdadala ng balita sa pamamahay nila.

Isa pa sa namana niya sa ama ay ang talino. Hindi ko lang nakukwento pero sa pagkakatanda ko valedictorian si Junmyeon noong high school at grade school pa sila. Magkaklase na sila ever since, they just parted ways noong college. Doon na nagsimula na magbulakbol si Junmyeon sa hindi ko malaman na dahilan.

Sa edad na apat na taon, alam niya na ang alphabet at abakada. Marunong na rin siyang magbilang, in English, Tagalog at konti sa Spanish. Jennie even jokingly suggested that Joohyun should start teaching her son Hangul because she, apparently, is a Korean descent. Her lola is Korean, sa mother side. Thus, the name Joohyun and Jisu.

Ako naman?

Well, hindi.

Nasaktuhan lang na pasado akong maging Koreana kasi singkit. Siguro may lahi kaming East Asian pero kaya lang naman ako pinangalan na Seulgi ay dahil may bestfriend si Mama noong college na Koreana. Ipinangalan niya ako sa kanya. Hindi na sila nagkita muli noong natapos na sila sa kolehiyo, ayon sa kwento niya. 

Anyway, evident naman na matalino ang anak nila. Hindi sa sinasabi kong hindi matalino si Joohyun ah. Si Joohyun mismo nagsabi niyan dati noong minsang nag-usap sila ni Jennie. 

 

Joohyun enrolled her son for Kindergarten months after. By then, her son was already 5 years old and wiser than before. Medyo kinakabahan pa si Joohyun kasi alam niyang ayun na 'yung oras na mapapansin niyang may kulang sa kanya. Lalo na kapag nakikita nitong kumpleto ang pamilya ng mga kaklase niya. Kadalasan siya ang naghahatid-sundo sa anak. Ngunit minsan tuwing may offsite projects siya, ang Papa niya ang nag-aalaga kay Jun.

One time, ilang araw na wala si Joohyun dahil may trabaho siya sa Cebu. Pagbalik niya ng Maynila, dumiretso siya agad sa school ng anak para sunduin ito. 

Tuwang-tuwa naman ang anak nang makita siya sa bungad ng classroom at sinalubong siya ng yakap. May mga natitira pang ilang bata sa loob ng kwarto at kasama na doon ang isa sa mga teacher neto. 

"Can we wait until Ten's Daddy arrives, Mama? Wala pa Daddy niya eh." tukoy ng anak sa bestfriend nitong si Ten. Naging englishero na rin ang bata, gawa na lagi itong sumasama kay Jennie. Pati na rin sa kakanood niya ng mga cartoons. "Sure, anak. Kakausapin ko pa si Teacher Solar." Umupo si Joohyun para maging kasing height sila ng anak niya. "Kiss mo muna ako." Tinuro ni Joohyun ang pisngi. Nakangiting niyakap siya ni Jun sa leeg at pinaulanan ng halik. Matapos ay tumakbo na ito pabalik sa bestfriend nito para ipagpatuloy ang laro. 

Lumapit si Joohyun sa guro nito para kausapin tungkol sa progress ng anak. 

"Miss Solar, excuse me" Bungad ni Joohyun sa teacher na nag-aayos ng mga libro ng mga bata sa shelf. "Ay! Ma'am, mabuti't nandito na po kayo." Agad na nagpagpag ng kamay si Solar at tumayo. Kumuha ito ng alcohol at ibinalik ang tingin sa kanya.

"Kakausapin po sana kita tungkol kay Jun. Hindi ko po alam kung nabanggit sa inyo ni Sir ito." Tukoy nito sa Papa niya. Agad na napalitan ng alala ang ekspresyon ni Joohyun. "Bakit? May nangyari ba?"

"Ah hindi naman po." Ngumiti si Solar para mawala ang kaba ni Joohyun. Solar clasped her hands in front of her. "In one of their writing exercise po kasi, pinasulat po namin sa kanila 'yung name ng parents nila."

May hinalukay si Solar sandali sa desk niya. Kinuha niya ang papel at ibinigay kay Joohyun iyon. Agad na binasa ni Joohyun ang papel. Sa mother, nakasulat ang pangalan niya. Sa father, nakasulat ang pangalan nilang dalawa ni Junmyeon. Immediately her eyes watered when she read it, she smiled widely. 

"I heard his seatmate ask him kung bakit nakalagay ang pangalan ng Mommy niya sa father. Ang sagot ni Jun, dahil nasa heaven na raw ang Papa niya, kayo raw po 'yung tumatayong Mom and Dad niya." Natigil nang kaunti si Solar para alamin ang reaksyon ni Joohyun pero hindi pa rin umimik ang ina na 'di makapaniwaang nakatingin pa rin sa papel. Nakangiting nagpatuloy ito,


"Sa progress naman niya po, matalino po ang anak niyo, Ma'am. He is way ahead than his classmates sa reading and writing and simple Math..." Hindi na mapawi ang ngiti ni Joohyun sa oras na 'yun. Tanging ngiti at tango lang ang sagot sa mga sinasabi ng guro na mga papuri sa anak.

 

Magkahawak kamay na lumabas sila ng anak niya mula sa paaralan. "Anong gusto mong food?" Tanong niya out of the blue sa anak. 

"Jollibee!" 

"Okay"

Masayang kumain ang mag-ina. Tila may sariling mundo. Lingid sa kaalaman nila, halos hindi na ako makahinga sa araw na 'yun. Katabi ng table kasi nila, ang pamilya ng Kuya ko. May anak na rin itong babae. Ilang taong mas matanda kay Jun. Nagkatinginan nga si Jun at si Seulki. Oo, pinangalan sa akin ang pamangkin ko.

"Seulki" Mariin na pagsuway ni Kuya sa anak niyang hindi matanggal ang tingin sa iPad. Somehow, narinig ni Joohyun iyon at napalingon sa direksyon nila. Hindi maipinta ang mukha niya. 

"Akin na 'yang iPad. Ayan na si Mommy oh. Kakain na." Turo nito sa asawa niya. Binigay ni Seulki kay Kuya ang iPad at tinago naman nito ito sa bag. Nang dumating ang asawa niya kasama ang tray, sinamahan nito ang anak para maghugas ng kamay. Naiwang mag-isa ang Kuya ko.

Bigla-bigla namang humiyaw si Jun sa harap kaya bumalik ang tingin ni Joohyun sa anak niya. Kunot-noong nakatutok ito sa cellphone niya, naglalaro ng car racing habang hinihintay nitong matapos niyang kainin ang natirang pagkain ng anak. 

"Jun, stop na 'yan. Galit ka na." 

"One more round, Mama"

"Give it to me please." Nilahad ni Joohyun ang kamay pero nanatiling nakapirmi sa posisyon ang anak. Napabuntong hininga siya. "Pinagbigyan na nga kitang mag cellphone habang nasa harapan ng pagkain. Tama na 'yan." Hinintay ni Joohyun ang reaksyon ng anak, nanatiling nakalahad ang kamay at hindi pinilit kunin mula sa anak.

Tumayo si Jun at padabog na nilapag ang cellphone sa table. Natigil si Joohyun at inobserbahan ang anak bago dapat pagsabihan. Nasagi nito sa siko ang cellphone nang sumandal ito sa table para makatuntong ang paa sa upuan. Malikot kasi ang bata kapag naiinip. Nahulog ang cellphone sa bandang direksyon ni Kuya. Kumunot lalo ang ulo ni Joohyun.

"Tsk." Mariin niyang tinignan ang anak na natahimik sa pangyayari at nagmukmok na sa upuan. Dali-daling tumayo si Joohyun para kunin ang cellphone pero naunahan siya ng kapatid ko at inabot sa kanya. 

"Ang kulit ng mga bata talaga kapag nakahawak na ng gadgets, ang hirap nang sawayin." Panimula ni Kuya habang inaabot kay Joohyun ang cellphone. Nagpasalamat si Joohyun at nagdugtong, "Ang tigas ng ulo pero hindi rin naman natin matiis kapag nakasimangot sila."

"Sinabi mo pa." Ngumiti si Kuya at ngumiti pabalik si Joohyun. At umuwi si Joohyun na may ngiti sa labi sa hindi ko mawaring dahilan. Mismong si Jun ay halatang nagtataka kung bakit biglang nag-iba ang mood ng Mama niya. I felt his sigh of relief and the wonder in his eyes. 

Sigurado akong hindi dahil kay Kuya kaya siya masaya. 'Di naman kagwapuhan si Kuya. Yes, I'm setting him up. Bait ko na kapatid noh?

Ayun nga, hindi kami magkamukha ni Kuya, siguro sa singkit lang ng mata. Kaya hindi ko rin naman masabi na baka namukhaan ako ni Joohyun sa kanya, kung naaalala niya man ang mukha ko. Hindi sa pag-aassume pero parang ganoon na nga.

Siguro may naramdaman siyang pamilyar sa interaksyon nila dahil magkadugo kami. O kaya siguro naramdaman niya 'yung saya ko dahil nag-uusap sila ng kapatid ko. Hindi ko naman maipagkakaila na ni minsan sumagi na 'yan sa isip ko. Paano kung magkrus ang landas ni Joohyun at ng pamilya ko? O kaya paano kung buhay pa ako at pinapakilala ko si Joohyun sa pamilya ko? Lagi kong iniisip kung anu-ano ang mga possibleng reaksyon nila o kaya mga scenarios. Paano kaya kung ako 'yung manunulat ng sarili kong buhay at hindi ang tadhana o si Bathala? Would life be dull?

Tinatanong ko rin sa sarili ko kung parte ba talaga ng tadhana na magkikita sina Joohyun at Kuya. Was it part of the original plan of Bathala? Kahit ba namatay na ako at mababa na ang tiyansa na magkrus ang landas nila, nakatadhana na magkita sila? Kasi what are the odds di ba? Sa dinami-dami ng tao sa Maynila, siya pa ang makakatabi nila sa restaurant sa Jollibee. 

When I died, maybe Bathala didn't fully abandon the "original plan." Maybe some alterations were made, almost the same things will happen, same people will meet but my existence was just erased on the future events. 

Kung nagtatanong ka, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong tunay na nakatadhana sa'kin noong buhay pa ako. Ang alam ko lang ay dapat mabubuhay ako nang matagal, mapayapa at kasama si Joohyun. That was Bathala's greatest plan for my life and Joohyun's. But looking back, I guess my life was splendid enough. My needs were met. I studied in prestigious schools since the day I can remember. I even have amazing parents and a supportive brother. Minsan, iniisip ko kung tama ba na manghinayang pa ako sa nangyari sa'kin. Kasi kung tutuusin, hindi naman ako masyadong nahirapan sa buhay. Nahirapan lang sa edukasyon at sa paminsan-minsang away sa mga naging karelasyon ko pero normal lang naman 'yun at kung iisipin mo, parang pribiliheyo na rin 'yun. 

Anyway...

Back to Joohyun, that was the first and last time Joohyun and one of my family crossed paths. Minsan nasa iisang simbahan sila dahil dumadayo pa talaga si Joohyun para magsimba kasi gusto niyang dalawin ang puntod ng asawa. May malapit na simbahan sa bahay namin na may katabing sementeryo at doon din kadalasang nagsisimba ang pamilya ko kahit noong buhay pa ako.

Naikwento ko na ba na parehas kami ng sementeryo na pinaglibingan ni Junmyeon? Kung hindi pa, alam mo na. Malawak naman 'yung sementeryo kaya magkalayo kami ng pinaglibingan. Ayoko ring makita ni Joohyun ang puntod ko, ayokong makita ang reaksyon niya.

At dahil nga, parehas kami ng pinaglibingan ng asawa niya, hindi na ako nananatili sa sementeryo tuwing November 1 at 2. Bibisita lang ako saglit para makita ulit pamilya ko pero aalis na rin pagkatapos.

Tumatambay ako sa kubo ni Joy, nakikichika sa mga ganap sa immortal world. Most of the time, it's Joy who is asking me a lot of questions about my life or any mundane things. She's very fascinated about mortals to the extent that she once admitted that she wanted to be one. 

"Paano kayo umirog? Paano niyo nalalaman na may sinisinta kayo?" 


"Una sa lahat, hindi namin ginagamit 'yang words na 'yan. Magmahal o umibig, kadalasan na ginagamit sa panahon ngayon. Pangalawa, siguro malalaman namin na tunay na mahal namin ang isang tao kung kaya naming ibuwis ang buhay namin para sa kanya..." Nanlaki ang mata ni Joy sa sinabi ko at akmang magtatanong ulit nang putulin ko. " ...O siguro lagi mo siyang iniisip o kaya paminsan-minsan sumasagi siya sa isipan mo sa mga simpleng bagay na nakikita mo. At alam mo sa sarili mo na ano mang mangyari, nandoon ka pa rin sa kanya. Basta... Medyo komplikado. Hindi ko rin ma-explain. Huli, hindi ba kayo nagmamahal? May feelings naman kayo ah." 

Kumibit balikat si Joy at bumalik sa pagkakasandal sa sofa. Iwas ang tingin na sinagot ako, "Hindi tulad niyo, kaming mga immortal ay walang kabiyak. Kahit sina Wendy at Yeri. Naisip ko lang na baka iba tayo ng paraan kung paano magmahal dahil sa ganoong dahilan. Sa ilang siglo na nandito ako sa mundo, masasabi kong mas higit pa kayong magmahal na mga mortal kaysa kami." 

"Hindi ba anak ka ni Kamatayan? Hindi ba dapat alam niyo kung paano tumakbo ang isip namin?"

"Oo, anak niya ako pero hindi ako anak ni Bathala. Sila lang nakakaalam kung paano kayo ihubog at ano ang magiging takbo ng buhay niyo. Nako, tama na. Masyadong marami na akong sinasabi na wala pa sa kapasidad mo para malaman." I clasped my hands together and slightly pouted my lips. "Please! Tell me more about it! Gusto ko pa malaman kung paano ba sistema niyo sa kabilang mundo."

Marahang ngumiti si Joy at umiling-iling. "Pasensya ka na, Seulgi. Ngunit hindi pwede."

"Anong hindi pwede? Na-spill mo na nga 'yung iba eh. Please, Joy. Lilinisin ko kubo mo hanggang mamaya. Pwede rin tuwing tulog si Joohyun, pupunta ako dito para alagaan 'yung mga halaman mo sa hardin. Please!" Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harapan niya. 

"Ang kulit naman na kaluluwa 'to! At lumuhod ka pa talaga" 

"Sige na..." Hindi ko alam kung natutuwa ba sa'kin si Joy o naiinis dahil nakangiti siya habang pinipigilan ako. Nagiging itim tuloy ang mga mata niya. "Ikwento mo muna muli kung paano naging ganyan ang 'yong buhok." Turo niya sa bangs ko na ginupit ko.

Yes, tama ka ng binabasa, ginupit ko ang buhok ko gamit ang gunting ni Joy sa C.R. nila kasi bored ako noong naiwan akong mag-isa as kubo dahil may gagawin raw sila ni Wendy.

Opo, may C.R. siya sa kubo, hindi ko alam kung umiihi ba sila o hindi. Matanong ko nga next time. 

"Ano ulit sabi ni Kamatayan noong nakita niyang pula buhok mo dati? 'Mukha kang manok, anak'?" rebat ko.

Naabutan kami ni Wendy na nag-aasaran. Oo, umabot na sa ganoong punto ang friendship namin ng anak ni Kamatayan. Pumagitan siya samin ni Joy. Oras na raw para umalis ako at bumalik kay Joohyun. Sa isang pitik, napunta kami sa isang sementeryo. 

Medyo makalat ang sementeryo dala ng undas. May mga tao pa na natira. Mga alas tres ng hapon noon, hindi naman ganoon kainit pero panay ang pagpaypay ni Joohyun sa anak, na natutulog.

They were sitting on a blanket a few steps from Junmyeon's gravestone. Simula noong namatay ang asawa niya, nagbalik-loob na si Joohyun sa Panginoon. Kahit na hindi naman ganoon karelihiyoso pa rin, pansin kong sinusubukan niyang maging mabuting ehemplo sa anak. They often attend mass on Sunday when she's free. At tulad ng sabi ko kanina, kadalasan sa simbahan pa na malapit sa sementeryo ng asawa. Sa sementeryo ko.

Ang saklap noh?

Sabi nila, the most tragic part of loss is longing. I've lost my life but what I'm longing for was not even a part of my life in the first place. What I'm longing for is the person in front of me, longing for her deceased husband. What I'm longing for is Joohyun. And all I can do is pray for her, that she may pass through the longing in her heart as I am to her.

Kahit ilang beses kong ibaon sa pinakasuluksulukan ng utak ko. Hindi ko pa rin maiwasang hindi manghinayang. Maybe I am still not contented with what everything now. Maybe I will never be contented. Sometimes I think, will I forget ever these emotions in the afterlife? Hanggang doon ba magsisisi pa rin ako?

Kaya nananalangin ako kasi iyon lang naman ang kaya kong gawin ngayon. Manalangin na nawa'y dumating ang mas mabubuting araw. 

And as if Joohyun was reading my thoughts and sharing my sorrows, a lone tear fell down her cheek as she stare on her husband's grave. She sniffed, which abruptly woke her son. 

"Mama, why are you crying?" 

Unconsciously, Joohyun touched her cheek as she looked down upon her son who was lying on her lap. Nag-aalalang tinignan siya ng anak. Nginitian niya ito para siguro hindi ito mag-alala pa.

"Miss ko lang Papa mo." 

Bumangon na ang bata at tinignan ang lapida ng ama. "Ikaw ba... miss mo rin ba siya?" tanong ni Joohyun sa anak. Tumango si Jun at tinignan ang kwintas na nakasabit sa leeg nito. Hinawakan nito ang kwintas sa likod, akmang tatanggalin ito.

"What are you doing, Jun? No... 'wag mong tanggalin  'yan."

"Mama, ikaw na po ang magsuot ng kwintas. Kasi kapag namimiss ko si Papa, tinitignan ko lang po 'to tapos I'm better na." Sinusubukan pa rin ni Jun na tanggalin sa pagkahook ang kwintas. Parang estatwang nakatingin lang si Joohyun sa anak, halata na may nagbabadyang luha sa mga mata. Niyakap niya si Jun at natigil sa pagpilit ng pagtanggal ng kwintas ito para yakapin siya pabalik.

"It's okay, anak. Mas kailangan mo 'yan." Hinimas niya ang likod ng anak na parang pinapatahan niya ito. Pero parang baliktad...

"I love you..." Dugtong niya.

"I love you too, Mama. Don't be sad na. Papa will not like it." The kid hugged her mother tighter and patted her back. Joohyun tightly closed her eyes and beamed.

 

Ang pagmamahal ni Jun sa ama ay nakapag-antig sa puso ng kanyang ina. Kung tutuusin, halos walang alaala si Jun kay Junmyeon pero nagawa niya pa rin itong mahalin na tila nakakasama niya pa ito. Paminsan-minsan naririnig ni Joohyun na kinakausap ng bata ang ama habang nakatingin ito sa picture frame sa kwarto nila. Junmyeon was Joohyun's greatest love but it seems that Jun's love for his father was greater. 

 

Speaking of love, it would be a lie if I tell you that Joohyun never looked for another man. Hindi lang para mapunan ang lungkot sa puso niya pero para na rin sa anak niya. She believed that her son needed the presence of a father. Alam na alam niya ang mga tingin ng anak. Nakikita niya sa mga mata nito ang kaunting inggit sa mga pamilyang kumpleto. She has been there before.

When she told Jennie about it, she was supportive to her decision. Jennie even arranged a blind date for her. Noong mga panahon na 'yun ay may asawa na rin si Jennie at ang nirereto niya kay Joohyun ay isa sa mga kumpare ng asawa niya. 

Pero biglang umurong si Joohyun. Kailangan niya pa raw konsultahin kung okay lang ba sa anak na may dumating na tatayong ama sa kanya. Nang kausapin ang anak na nasa edad na walo na, medyo hindi maipinta ang mukha nito. But he gradually agreed with Joohyun's words. 

"If that's what makes you happy, Mama." Her boy was too mature for his age.

 

Sa edad na tatlumpu't walo, nagsimula ang paghahanap ni Joohyun ng bagong kasintahan. 

Si Minho ang inireto ni Jennie. May dugong Koreano na ayon kay Jennie ay swak na swak dahil may something in common sila. Unfortunately, isa itong seaman. Something that Joohyun disliked because she wanted to find someone who will stay with them. And Minho stayed. Kaya lang...

Unang date nila, alam na agad ni Minho ang sitwasyon. Tanggap niya si Jun. Ayun naman ang mahalaga para kay Joohyun. Sa pangatlong date nila, pinakilala na ni Joohyun kay Jun si Minho. The two got along well. Although, Jun was still quite aloof to him. He called him "Tito" and was introduced as Joohyun's boyfriend. The kid understood the implication, alam niyang pwedeng mahantong sa kasalan kapag tumagal.

Si Minho 'yung tipo ng lalaki na sobrang sweet. At kahit nasa barko ito, nagpapadala ito palagi ng liham kay Joohyun. Medyo old school. Kinilig naman si Joohyun sa mga padala nito tulad ng mga iilang chocolates and perfume na kasabay ng liham. Pero hindi man lang tinangkang magsulat pabalik ni Joohyun. Sa chat lang at paminsan-minsang video call sila nag-uusap.

Syempre meron ding pasalubong para kay Jun. Sapatos kadalasan ang pinapadala ni Minho na ikinatuwa naman ng bata.

Hindi rin nagpapahuli si Minho tuwing may okasyon tulad ng mga kaarawan at Mother's day.

"Good morning dyan." Bungad ni Minho nang sagutin ni Joohyun ang tawag. Saglit na napatingin si Joohyun sa orasan tila nagkalkula ng oras kahit bagong gising lang. "Good evening. Madaling araw na dyan ah. Bakit gising ka pa?"

Ngumiti lang si Minho, halatang pagod ang mga mata pero pinipilit pa ring manatiling gising. Sinandal ni Joohyun sa isang tabi ang cellphone niya habang naghahanda siya ng pang-almusal nilang mag-ina. "Nagkaproblema sa makina kanina pero okay na. Hindi ako makatulog kaya tumawag nalang ako."

"Ah ganoon ba? Mabuti naman at naayos niyo rin. Delikado pa man din minsan dyan."

Nagkumustahan sila ng ilang saglit. Tinanong ni Minho kung kumusta si Jun. "Tulog pa. Maya-maya gigising na 'yun." Napansin ni Joohyun na humikab na ito. "Inaantok ka na. Matulog ka na kaya?" 

"Di pa. Gusto pa kitang kausap." Natawa nalang si Joohyun. "Marami pa tayong panahon. Matulog ka na. Baka kailanganin ka ulit sa makina."

"Kiss muna."

"Ewan ko sayo para kang teenager. Ang tanda-tanda na natin." Napahagikgik nalang si Minho sa sagot ni Joohyun. "Ito naman, life is just starting at 40. Tiyaka, kiss lang eh. Ayaw pa magpabigay." Nagbatuhan sila ng mga asaran nang biglang sumegway si Minho. "Siya nga pala... Joohyun." tawag sa kanya nito. Sakto namang natapos na sa pagsasangag ng kanin si Joohyun kaya nilapag niya ang plato sa mesa at kinuha muli ang cellphone para pakinggan ang sasabihin ni Minho.

"Kahit bago palang tayo, alam kong mahal na mahal mo si Jun at kahit ano mang mangyari, siya ang uunahin mo. And I admire you for that." Ngumiti lang si Joohyun at hinayaang magsalita pa ulit ang nobyo dahil mukhang may sasabihin pa ito.

"Ang totoo niyan, tumawag ako sayo kasi gusto kong harapan kong sabihin sa'yo 'to. Happy Mother's Day, mahal ko." Mukhang hindi mawari ni Joohyun kung anong dapat sabihin, namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Hala, bakit ka umiiyak? Nagandahan ka ba sa speech ko o naiyak ka sa sibuyas na chinochop chop mo kanina?" Natatawang asar ni Minho. "Loko!"

"'Wag ka na umiyak. Smile ka lang. May pinadala ako dyan." 

"Na naman?"

"Oo, baka dumating maya-maya. 'Wag ka na magluto ahh. Sinigurado ko rin na kasama ang favorite chicken ni Jun." Joohyun smiled sweetly at the mention of her son's name. 

"Thank you, love."

"No. Thank you, Joohyun. Deserve mo 'yan for being the best mother for Jun. You don't know how grateful I am for you. Hindi na ako makahintay. Gusto ko nang umuwi para yakapin ko kayo ni Jun. Ilang taon mo siyang inalagaang mag-isa. Simula ngayon, hindi ka na mag-iisa sa pagpapalaki sa kanya." 

Tumulo na ang luha ni Joohyun at agad-agad niya itong pinunasan. "Ang aga-aga, Minho. Pinapaiyak mo kong ganito." Tinawanan lang siya ng lalaki. Maya-maya lumabas na sa kwarto si Jun at naabutan niya pa si Minho. Their morning was full of sweet words that anyone who will hear Minho's touching speech would surely swoon. Joohyun was grateful too especially on the way he treated Jun as if he is his own. Laging bukambibig ni Joohyun kay Jennie ang napansin niyang pag-aalaga ni Minho sa anak niya. 

Minho seemed to be the perfect guy for Joohyun. He loves her dearly and he loves Jun as well.

May kaya rin ang binata. Well, not exactly binata pero hindi pa siya kinasal. Nakakapagtaka nga na halos magkasing-edad lang naman sila ni Joohyun—isang taon ang tanda ni Minho—pero hindi pa ito kinasal. Sa pagkakatanda ko sa kwento niya, ang huling relationship niya ay ang long-term girlfriend niya na Amerikana. May naipundar na siyang bahay at kotse. Kumpleto na ang lahat. Pamilya nalang. At sa kagwapuhan ng lalaki, parang impossible na wala siyang mahanap na babaeng mapapakasalan niya. But who am I to judge di ba? 

Walong buwan lang tinagal ang relasyon nila. Akala ko magtatagal sila kasi kitang-kita kay Minho na tapat siya kay Joohyun. Pero mismong si Joohyun ang nakipagbreak limang buwan nang sumakay na sa barko si Minho. Hindi naman na-attach si Jun kay Minho dahil tatlong buwan lang sila nagkita bago ito sumakay. Joohyun just felt like there's a gap between them even though Minho is still consistent in pursuing her. Siguro naaalala niya 'yung lungkot niya noong bata siya tuwing umaalis ang Papa niya. She also confessed to Jennie that he's too good to be true. Alam niyang walang tinatago sa kanya si Minho. She just felt like she does not deserve him at all. He's perfect. Too perfect for her, she said. She feels like she's holding him back. Lalong lalo na sa mga pangarap nito sa buhay abroad.

Naghabol si Minho pagkababa niya mula sa barko matapos ang tatlong buwan mula ng break-up nila pero desidido na si Joohyun. He deserves someone better. Someone who will love him not just because he fits the description to become a foster dad to someone's son. Minahal niya naman pero sa tingin ni Joohyun ay sa maling dahilan. At baka nga isa sa rason na rin, 'yung lungkot na nararamdaman ni Joohyun tuwing magkawalay sila. They parted ways from then on and never met again. 

 

The second time Joohyun tried again was a year after. The guy's name was Jackson. Tumagal sila ng limang taon. Akala ko nga panghabambuhay na. Magjojoke sana ako na napakaraming "J" sa buhay ni Joohyun.

Unlike Minho, hindi ganoon ka sweet si Jackson. He's more on actions. Hindi rin siya palakibo like Joohyun pero palakilos naman. Hindi ganoon kashowy pero appreciative. At higit sa lahat, may oras siya palagi sa kanilang dalawa ni Jun. Isa siyang businessman, may-ari ng isang hardware sa Manila. They met through a common friend. Pinsan ng katrabaho ni Joohyun si Jackson at nagkita sila noong naghandaan ang katrabaho niya sa bahay nito para sa birthday ng bagong silang na anak.

Alam niyo naman, si Joohyun kahit ilang taon na, wala pa ring kupas ang kagandahan. Halatang gusto nang pormahan neto ni Jackson si Joohyun sa unang pagkikita pero medyo nahihiya pa siya. Pero bago umalis si Joohyun sa party, nagkaroon ito ng lakas ng loob na kausapin siya at yayaing lumabas. The rest was history. 

Nag-ring ang telepono at sinagot naman iyon ni Joohyun at may ibinilin sa anak. Matapos ay dumiretso na siya sa C.R. para maligo.

Maya-maya may kumatok sa pinto ng unit nila. Binuksan iyon ni Jun at bumungad si Jackson. Jackson ruffled the boy's hair na medyo basa pa. 

"Asan Mama mo?" tanong ni Jackson nang makapasok na ito habang tinatanggal ang sapatos. "Naliligo po, Tito." The boy was struggling in buttoning his school uniform. Silently, Jackson willed himself to do it. After, he calmly led the boy to sit on the sofa. Kinuha ang suklay at gel para ayusin ang buhok ng anak-anakan. Nang lumabas si Joohyun mula sa banyo, bumungad sa kanya sa kusina ang dalawa. Nagluluto si Jackson ng almusal nila habang nagsusuot naman ng medyas ang anak niya habang hinihintay ang pagkain. 

"Late ka na nagising noh?" Nag-overtime kasi si Joohyun kagabi. Si Jackson ang mismong nagsundo sa kanya at dumaan pa sila sa Papa niya para sunduin si Jun. Kaya medyo late na sila nakatulog.

"Oo. Thank you talaga, Jack," He just smiled at her then went back to what he was cooking. Pumasok na si Joohyun sa kwarto para mag-ayos saglit.

Nang makakain na silang lahat, pumunta na sila sa school ni Jun para sa awarding ceremony. Jackson was smiling as he took a picture of Joohyun and Jun on the stage. Jun was wearing a very proud smile while Joohyun shook hands to the school's principal.

Top 1.

Joohyun can't hide her smile as she looked at her son. Her smile becoming wider as she saw the man behind the camera.

Sa una at pangalawang taon nilang magkasintahan, taga-hawak lang ng camera si Jackson.

Sa pangatlo, siya na mismo ang naghanap ng pwedeng kumuha ng litrato nilang tatlo. 

"Naaalala mo pa ba 'yung speech mo?" tanong ni Jackson habang inaayos ang polo ng bata. Tumango si Jun, "Opo, nakailang practice tayo kagabi, Tito. Don't worry." Jun showed him his speech and gave him a thumbs up. Tumayo na si Jackson mula sa pagkakaupo. "May tiwala ako sa'yo, Valedictorian!" Sumaludo kunwari si Jackson, tawang-tawa ang bata. Umalis na ito para luminya. Dumating si Joohyun sa kinauupuan  nina Jackson. Inabot nito kay Jackson ang tubig at isang pamphlet ng graduation ceremony. Umupo ito sa tabi niya. 

"Oh, hindi ba dapat nandoon ka na kasama si Jun?" Lumingon si Jackson sa may entrance ng auditorium at bumalik ang tingin kay Joohyun. 

"Mamaya pa raw." Uminom si Jackson ng tubig habang nakatingin sa stage.

"Nakahanap ka na ng kukuha ng litrato natin?" Joohyun nonchalantly asked. Napadiretso ng upo si Jackson at nanlalaking mata at kunot ang noong binalik ang tingin sa katabi. Sinarado nito ang bote at lumunok bago magsalita, "Bakit?"

"Ano ka ba?" Joohyun giggled and looked at him, "Sasama ka samin paakyat ng stage." 

Nag-announce na ang isang teacher na pumila na kasama ang mga bata sa may entrance. Tumayo na si Joohyun at pinatong ang pamaypay niya sa upuan niya. "Tara na." Joohyun held his hand and Jackson looked at him with teary-eyes. Pumikit ito at napangiti nalang habang hinayaan niyang hilain siya ni Joohyun papunta sa entrance.

Sa mga susunod na taon, kasama na palagi si Jackson sa paglagay ng medalya at pag-abot ng certificate kay Jun. Sometimes, si Joohyun ang nasa baba para kumuha ng litrato nilang dalawa. From then, I knew that Joohyun found another soulmate and that she would never let go of him like Junmyeon. Unfortunately, they never got married.

Hiwalay sa asawa si Jackson, may anak itong dalawang lalaki. Sa pagkakatanda ko, hindi talaga sila na-annul ng asawa niya. Kaya kahit gustuhin man nila Joohyun na magpakasal ay hindi pwede. His wife cheated on him with her colleague from work. Nasa puder ng ina ang mga anak nito pero paminsan-minsan bumibisita sa kanila. Umabot na rin sa puntong lumipat ng bahay sina Joohyun sa bahay ni Jackson at napakilala na kay Jun ang 'step-brothers' niya. Live-in partners, 'yun yung right term.

Pero sabi nga nila, hindi mo talaga makikilala ang isang tao kung hindi mo siya nakasama magtravel o tumira sa iisang bubong. Joohyun found some of his personality and interests weird. 'Yung una, depende siguro sa tao. Para sa'kin naman kasi ay hindi. Siguro dahil matatakutin sa mga hayop si Joohyun kaya ganoon ang tingin niya. Most especially if it's insects.

Yes, you read it right. Jackson keeps exotic pets particularly tarantulas, mantises and centipedes. He always corrects Joohyun that not all of them are insects. Arthropods is the precise term to name them. Pero para kay Joohyun, basta tumaas ang balahibo niya sa maliliit na mga nilalang, ipis na 'yun a.k.a. insekto.

Well, may mga alagang ipis nga naman talaga si Jackson para maging pagkain ng ibang mga alaga niya. Jun found his collections fascinating though and sometimes he helps Jackson feed them. Si Jun lang ang may lakas ng loob na pumasok sa kwarto para sa mga insekto ni Jackson. 

Pangalawa, mahilig siya sa mga palabas na rom-com. Masaya si Joohyun doon dahil ekis na agad ang horror sa listahan ng mga papanoorin nila. At kung hindi man ganoon ang palabas, balita lang ang pinapanood neto. Na kaunti nalang pakasalan niya na si Raffy Tulfo dahil lahat ng mga palabas nito mula umaga hanggang gabi ay pinapanood niya. 

Pangatlo, he does not like to share. Not literally ah. Katulad ni Joohyun, mahilig magkimkim din ang lalaki. Ironically, Joohyun seems ignorant on how to approach him. Hindi ba't dapat alam niya kung paano siya lapitan kasi ganoon rin siya? Same goes to Jackson. They let their relationship stay that way and I guess, that's one of the reason why they fell apart.

Huli, basagulero si Jackson kapag lasing. He has the tendency to drink whenever he has problems and oftentimes, the night of clasping to the arms of alcohol ends violently. To the point na minsan nasasaktan niya rin si Joohyun. I don't want to be detailed on this kasi kahit ako hindi ko maatim 'yung ginagawa niya. Hindi pwedeng rason ang pagiging 'lasing' o 'out of it' para manakit at manamantala. Joohyun endured though because she knows he's just going through something.

Tiyaka, hindi naman daw palagi. Bihira lang daw. Wala eh, mahal niya. But she later snapped out of that love because of Jun. She may tolerate it herself but when her son is involved, she couldn't. 

Isang hapon, maaga siyang nakauwi dahil masama ang pakiramdam niya. But she forgot what she was feeling when she discovered her son's state. Umiiyak ito sa may sahig sa sala, hawak-hawak ang kanang pisngi. Agad-agad na linapitan niya ang anak, tinanong kung anong nangyari. Umiling-iling lang ito. Matapos ay narinig nila ang sigaw si Jackson mula sa kwarto nito ng mga insekto niya. "Tangina, Jun! Sabi ko pakainin mo! Bagong bili ko lang 'to." 

"Ma... P-pinakain ko n-naman. H-hindi k-ko alam bakit namatay." Pagrarawon ni Jun sa ina. May inaayos na papeles si Jackson para sa annulment ng asawa kasabay nito ay may inaasikaso din itong bagong branch ng hardware sa probinsya nito kaya hindi ito nakauwi ng bahay ng ilang araw. Binilin nito kay Jun ang mga alaga.

Joohyun calmly kissed her son's forehead. She looked for her handkerchief in her bag. She was about to clean her son's cheek full of tears when she noticed he winced. Nandilim ang ekspresyon ni Joohyun. "Anong ginawa niya sa'yo?"

Takot. Punong-puno ng takot ang mga mata ni Jun. Umiling-iling ito na parang siya ang may kasalanan ng lahat. "Anong ginawa niya sa'yo?" Joohyun raised her voice. Her son just looked at her like he was trying to talk to her through his eyes. Hindi mabigkas ang mga gustong sabihin. Tila nanlisik ang mga mata ni Joohyun, tumayo ito at sinundan si Jackson sa kwarto na sumisigaw pa rin ng mga mura. Nanginginig si Joohyun. Hindi dahil sa takot kundi sa galit. 

"Jackson!" Sigaw niya sa may pintuan. Lumingon si Jackson sa kanya, kapwa na nanlilisik din ang mga mata. And by the looks of his red face, mukhang nakainom ito. 

"Putangina, pagsabihan mo nga 'yang anak mo! Pinagkatiwala ko sa kanya mga 'to. Kasimple-simpleng trabaho, hindi magawa! Tangina! Walang kwenta!" Halos batuhin na ni Jackson ang walang buhay na centipede na hawak-hawak. Nanatili sa may pintuan si Joohyun, distancing herself from him.

"Anong ginawa mo sa anak ko?! Walang hiya ka!" Hindi niya pinansin ang mga reklamo ng nobyo. Tumayo si Jackson mula sa kinauupuan niya. "Tama lang na bigyan ng leksyon 'yan! Nang malaman niya pagkakamali niya!" Tinuro-turo nito ang direksyon ng sala, pertaining to Jun.

"Anong ginawa mo?!!" Halos mawalan na ng boses si Joohyun sa sigaw. Natahimik si Jackson, mukhang nagulat sa naging reaksyon ni Joohyun. He looked guilty for a second but he brushed it off. "Kasalanan niya 'to" Mahinang sabi nito. Hindi niya pa rin maamin ang nangyari.

Narinig ni Joohyun na tinatawag siya ni Jun mula sa sala. Nilingon niya ito, lumuluha pa rin ang anak habang umiiling-iling. "Tama na, Ma..." She exhaled and when she diverted her attention to Jackson, her expression was less perturbed. Her harsh fingers ran through her hair in attempt to escape her frustrations. She closed her eyes and stayed still for a moment. When she opened her eyes, it was b with tears. Nanginginig ang boses niya sa galit at lungkot.

"Kahit kailan hindi ko pinagbuhatan ng kamay ang mga anak mo o kahit man lang sigawan at pagalitan. Kasi alam ko wala ako sa posisyon para gawin 'yun. Tinitiis ko rin kapag nakakasakit ka na." Makahaluguhang sabi nito. "Pero kapag 'yung anak ko na sinasaktan mo, hindi ako papayag Jackson. 'Wag mong dinadamay sa problema mo ang anak ko. Alam kong ikaw ang tumatayong ama niya pero hinding-hindi mo pwede saktan si Jun! Punyeta! Ako nga mismo na kadugo at ina niya, 'di ko siya kailanman pinagbuhatan ng kamay!" 

Tila nawala ang epekto ng alak sa sistema ni Jackson nang makitang tuluyan na siyang umiiyak. She looked at him with abhorrence in her eyes, not minding the endless tears flowing on her face. Tila naging bato ang kanyang kasintahan dahil hindi ito gumalaw at nakatingin lang sa kanya. Hindi mabasa ang ekspresyon.

Padabog na sinara ni Joohyun ang pinto. Matapos ay lumapit sa anak para alamin kung ayos ba ito. Sinabihan niya itong umakyat na at damputin lahat ng mga pwedeng maimpake. 

Fortunately, Joohyun had her car with her. Nang makarating sila sa dating condo unit, doon lang inamin sa kanya ng anak ang nangyari. Namatay 'yung bagong biling centipede ni Jackson sa hindi malaman na rason ng anak. Umuwi lang daw siya na ganoon na ang estado ng alaga. Nang dumating ang tatay-tatayan niya at nalaman ang nangyari, sinuntok siya nito sa galit.

But the confession does not only end there.

Ilang beses na raw itong kinurot, pinalo at sinampal dati tuwing wala siya simula noong nagsama sila. Kailanman hindi nagsumbong sa kanya si Jun o kahit man lang makita niya ang mga pasa na tinamo. I think she felt remorseful for lacking time for her son that she didn't take notice of these things. When she started meeting Jackson, Jun was ten. At that time, he was fifteen. Five years of unheard hostility and not once did she hear her son cry. Until now...

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin 'yan, 'nak? Kahit kailan ikaw pa rin kakampihan ko. Kasi anak kita eh." Yakap-yakap ni Joohyun ang nagbibinatang anak. 

"Noong una, akala ko normal lang 'yun kasi ganoon 'yung Papa ng mga kaibigan ko sa k-kanila." Humihikbi ang anak niya. Natigil ito para huminga nang malalim.

"Tiyaka, how could I take away your happiness from you, Ma?"

While Joohyun was being selfless for Jackson, Jun was being selfless for her. He endured too much. Kahit ako hindi ko rin napansin ang mga ganap na 'yun. The guardian angels never mentioned it to me. Maybe because they knew I would do something about it. At isa sa mga panuntunan sa kanila ay hindi dapat makielam sa buhay ng mga alaga nila. 

Mangilang beses na naghabol si Jackson sa kanila pero paulit-ulit na tinatanggihan ni Joohyun. Nasira na ang tiwala niya sa kanya. Natauhan sa hapdi ng sugat na dinulot. Hindi ko sinasabing naging madaling kalimutan ni Joohyun ang nangyari. Ganoon din kay Jun. Hindi ko na mabilang ang mga araw na umiyak si Joohyun sa nawalang tiwala. Sa katunayan, mukhang hindi nga niya sinubukang limutan. Bagkus, nakaburda na ito sa kanilang memorya.

Mahirap kapag 'yung taong naging pinagmulan ng pagmamahal at seguridad ang mismong nanakit sa'yo.

Sino ba namang hindi maninibago sa biglang pagpalit ng kulay ng minamahal mo?

She grew tired of losing soulmates that she never seeked for another again. 

 

May mga kaliwa't-kanang pumoporma pa rin naman sa kanya matapos pero hindi na masyadong binigyang halaga ni Joohyun. She became a more devoted mother to Jun instead. Isa sa mga pumorma sa kanya ay 'yung isa sa mga close friend ko noong college, si Moonbyul. Noong unang pagkikita lang niya 'yun ginawa. Siguro naramdaman na rin ni Byul na kailanman hindi siya magiging tipo ni Joohyun. Instead, they became good friends.

"Ma'am Joohyun, tawag ka po ni Boss, update daw sa project sa Tagaytay." Kinuha ni Joohyun ang mga papeles at ang laptop niya tapos dumiretso sa office ng Boss niya. Kumatok siya ng tatlong beses bago buksan ang pinto. Normally, kinakabahan siya sa mga ganitong projects lalo na kapag bagong palit lang ng head nila. Pero iba itong bagong boss nila, madali siyang naging kumportable sa kanya.

"Sir, e-- Andito ka na naman?" Nakapamewang na umirap si Joohyun na ikinatawa naman ni Moonbyul na nakaupo sa swivel chair ng boss niya. Alam niyang asaran lang naman ang ganap kaya hindi niya sineryoso ang pagsusungit ni Joohyun. "Parang sawang-sawa ka na sa mukha ko ah."

"Minsan 'di ko alam kung empleyado ka na ba rito."

"Minsan project, minsan tambay ang pakay ko rito. Pero madalas para iritahin ko kayo ni Taemin." Palokong sabi ni Moonbyul. Architect din kasi ito katulad ko. Tropa namin si Taemin na Civil Engineer naman, 'yung boss ni Joohyun. Isang taon ang tanda niya sa'min at kamag-anak niya ang may-ari ng kumpanya.

"Che!" Lumapit sa kanya si Joohyun para ilapag sa lamesa ang mga bitbit niya. Umupo si Joohyun sa harap nito. "Nasaan daw si Sir?" 

"Bumili ng lunch." Tumayo si Moonbyul para mag-inat-inat. Maya-maya nagsalita ito, "'Di ba parehas tayo ng college? Same year din?" Humarap si Moonbyul sa may bintana. 

"Oo. Bakit?"

"Wala lang. Ang liit lang kasi ng mundo." 

"Ang bilis din ng panahon."

"Oo nga eh" Nilabas ni Moonbyul ang wallet niya at may kinuhang litrato doon. Sa polaroid palang alam ko na agad kung ano 'yung kinuha niya. Bumalik ito sa may swivel chair para umupo. Tinignan niya lang ang litrato na nakangiti.

"Tignan mo kung gaano ako ka-nene noong college."

Tila tumigil ng ilang segundo nang ilapag ni Moonbyul ang litrato sa harap niya. Sinulyapan saglit ito ni Joohyun bago ibalik ang tingin kay Moonbyul. 

"Ang dami niyo naman, saan ka dyan?" 

"Eto" Tinuro ni Moonbyul ang sarili niya. Ilang pagitan mula sakin. Joohyun intently looked at it. "Oo nga... Parang kang hindi makabasag pinggan noon." Kinuha na ni Joohyun ang litrato at tinitigan iyon.

Isang larawan ng pitong magkakaibigan na hindi na nagsama-sama muli ngayon. Karamihan sa'min ay nag-abroad na para sa career at isa sa'min ay patay na. Alam niyo na kung sino. 

Nakita ko kung paano gumalaw ang mata ni Joohyun mula sa kaliwa, kung nasaan si Moonbyul, pa-kanan. Tumigil ang mata niya sa gitna. Halos himatayin na ako rito sa totoo lang. Sana hindi naramdaman  ni Joohyun ang bilis ng tibok ng puso ko. "Si Sir ba 'to?" 

"Oo. Lahat dyan sila mga CE. Kami lang ni Seulgi, Arki." I was surprised at the mention of my name. Lalong lalo na noong nakita kong tumingala si Joohyun kay Moonbyul. "Seulgi?"

"Ayan 'yung nasa kanan ni Taemin." Binalik ni Joohyun ang tingin sa litrato at tinignan ako. Pakiramdam ko dumaloy ang dugo ko sa mukha ko. Like I was stripped . Ganoong hiya. Hindi ko rin alam bakit ganito nararamdaman ko. Feeling ko naexpose ako. Namamawis ang kamay ko sa kaba. Hanggang kamatayan, pasmado pa rin ako.

"Ahhh... Parang pamilyar siya, nakita ko na ata siya. Kahit 'yung iba rin." 

"Grabe naman memorya mo. Ako nga limot ko na itsura ng prof ko noong college."

"Baka hindi lang sa campus. Pare-parehas naman tayo ng field halos."

"Nag-abroad na 'yang apat. Kaming dalawa nalang ni Taemin nandito..." For a while, I caught a glimpse of sadness in Moobyul's eyes. "Si Seulgi matagal nang sumakabilang buhay." Humingang malalim si Moonbyul habang nakapikit na parang dumaan sa mga mata niya ang mga dating pangyayari.

"Ahhh..." Tanging sabi ni Joohyun. Sinulyapan muli ni Joohyun ang larawan bago ibalik sa kanya. Kinuha naman ito ni Moonbyul. Dahan-dahang binalik ni Moonbyul ang litrato sa wallet. Mas humina ang boses neto. "Second year ata kami. Isang umaga nabalitaan ko nalang na ninakawan siya. Pero hindi lang materyal na bagay ang ninakaw sa kanya pati buhay niya." Natahimik sila ng ilang segundo.

"Siguro kung buhay pa siya ngayon baka isa siya sa mga nang-aasar sa'yo. Maloko rin 'yun eh." Bumalik ang mapang-asar na ngiti ni Moonbyul. Mahinang tumawa si Joohyun.

Baka nga

"Sumalangit nawa" Huling sabi ni Joohyun bago dumating si Taemin sa kwarto.

Sana nga, Joohyun. Sumalangit nawa ang aking kaluluwa.

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sizterette
After much reconsideration, here is the epilogue. I agree with some of your sentiments regarding sa story but I just got scared of ruining it kasi napaglipasan ko na to ng panahon sa pagsusulat. Thank you so much if you reached this part! Sana naenjoy niyo ❤️

Comments

You must be logged in to comment
turtlenaut_ #1
Chapter 12: saktong sakto sa existential crisis ko author-nim 🙂 thank you! sana nga there's something beautiful on the other side ❤️
JiHyun12 #2
Chapter 12: Love this story author! Thank you so much!
redlighton #3
Grabe, this story is so underrated! Feeling ko yung movie line na “this is not a love story, but a story about love” applies to here as well. Seulgi’s narration, wala akong masabi. Para lang din akong nagbantay kay Joohyun throught the years. Love is patient nga talaga… I just wished the ending was a bit longer. An epilogue/special would be nice too… or even just add 5 paragraphs just to show a glimpse of the moment of finally meeting again! Feel ko deserve din ng readers yun bukod kay Seulgi na matagal nag antay 🥹
JiHyun12 #4
Tor what if irene’s pov naman kahit isang chapter lang hihi
JiHyun12 #5
Chapter 11: 🥺🥺🥺☹️
KaiserKawaii #6
Chapter 11: Hello author. Ngayon ko lang nabasa to. Pero grabe ka naman sa pagpapaiyak. Sobrang ganda ng pagkagawa. Ganda ng idea. Wow. May nakaisip nang ganitong style. Eto na ata ang fav Filipino fanfic.

Ansakit pala ng idea na forever ka lang nakamasid sa taong meant for you. At maging unselfish.

Sobrang ganda talaga. Wow. Di nga ako nakatulog nang maaga para lang matapos in one seating.
howdoyouknowmee
535 streak #7
Chapter 11: Came from twit and owemgee ngayon ko na lang din naalala to huhu
Usernam31 #8
Chapter 9: Napaka ganda po talaga nito authorrr!!! Waiting po sa nextt chapter.
sevi_ely #9
Chapter 9: Patapos naaaaaa?ಥ╭╮ಥ
Baechu29 #10
Chapter 8: Huhu binasa ko to in one seating author. Hindi ko alam pero basta na lang tumutulo luha ko. Hindi ko alam kung para kay Seulgi ba o kay Joohyun, siguro pareho. Parang bigla kong narealize na dapat sulitin ko ang mga panahon at pagkakataon na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Salamat kasi minulat mo ako ng totoo ngang, 'you only live once'. Salamat dahil madami akong natutunan sa story mo. Looking forward sa mga susunod na chapter. :)