Pangalawa: Sumpa

Tanikala ni Bathala

Simula noon, naging buntot na ako ni Joohyun. Kung nasaan siya, nandoon ako. Sa bahay, sa jeep, sa school. Repeat. Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kanya. In a way, I was afraid that something might happen to her. Feeling ko pasado na nga ako at pwede na akong maging guardian tulad nina Wendy. Syempre tuwing naliligo siya, 'di ako sumasama. Ikaw ah. Kung ano-ano iniisip mo. Bad 'yan.

At the same time, I was conflicted. Kaya ko bang tapusin ang buhay ni Joohyun na walang lungkot at pagsisisi para makapagpahinga na ako? Alam kong hindi ko kaya. That's why for the past days, I questioned myself if I can wait for a very long time. It was not difficult to grew fond of Joohyun. I think we really compliment each other. Sa kada araw na kasama ko siya, mas lalo akong namamangha sa kanya. At syempre, nandoon pa rin ang panghihinayang. Kasi what if buhay pa ako. Maybe I would appreciate my life more if she was a huge part of it. Maybe, I'll learn new things about myself too. Siguro sobrang masaya ako.

 

On the first day of staying sa bahay nila, nanibago pa ako. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko. Should I get to know her? Pwede ba akong magbathroom break kahit na hindi naman na gumagana excretory system ko? Nangangamoy pawis ba ako? Pwede ba akong maligo? Paano pamalit ko ng damit? Matutulog ba ako o babantayan ko lang si Joohyun?

Ang dami kong tanong noong araw na 'yun. Pero wala akong nagawa kundi sundan lang si Joohyun sa buong araw habang nagkklase siya. Ang dami ko pa ngang napansin noong araw na 'yun. Isa na doon kung paano ko malalaman kung tao, tagapagbantay o kapwa kaluluwa 'yung mga nakakasalubong ko kasi parang puro tao lang naman ang nakikita ko.

Sa ikalimang araw, mabuti nalang nasa bahay lang si Joohyun buong mag-araw dahil weekend. Nanood lang ang magkapatid ng Netflix. Kaya 'yun din yung oras na nakapagtanong ako kay Chanyeol sa mga pwede at hindi ko pwedeng gawin.

I don't need to do the things I normally do when I was still alive. Patay na ang katawan ko. So, yung mga usapang katawan, hindi ko na raw magiging problema. Ang sabi niya as much as I can, dapat lagi kong katabi si Joohyun lalo na pag mag-isa lang siya. Pwede raw akong matulog kung bored ako. Niyaya niya rin akong bumaba at uminom ng tsaa tuwing gabi kapag tulog na ang magkapatid. Hindi ko raw dapat ikabahala kung baka mapano si Joohyun kasi madali naman nilang nase-sense na mga tagapagbantay kung may demonyong malapit sa alaga nila. At masesense ko rin daw.

Kaya simula noon, paminsan-minsan bumababa ako para maki-tsaa kay Chanyeol. As usual, walang lasa 'yung tsaa. Pero nararamdaman ko 'yung init sa lalamunan at tiyan ko, kaya ok na 'yun. Nagkwe-kwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Isang gabi na pagkwe-kwentuhan, nalaman ko na hindi pala talaga kape 'yung iniinom nila tulad ng ininom nina Wendy at Joy sa kubo. Isa raw 'yung klase ng tsaa para sa mga immortal para raw lumakas sila. Lalo na para sa mga tagapagbantay na kailangan ng maraming energy para protektahan ang mga alaga nila. May iba-ibang uri raw ng tsaa. May panglunas ng karamdaman at sugat, may parang energy drink ang epekto, mayroon din silang iniinom para mas tumagal 'yung kakayanan nilang maging tao at magpakita sa mga mortal.

Na-curious ako sa sinabi niya. Pwede palang magkunwaring mga tao ang mga tagapagbantay. Sabi niya, nabalitaan niyang ilang beses na raw ginawa 'yun ni Wendy sa akin dati. Minsan, hindi mo alam, na 'yung katabi mo sa jeep ay tagapagbantay mo na pala. The only way to distinguish guardians from humans is the lack of piltrum. Pero kadalasan, hindi napapansin ng mga tao 'yun.

Sa mga kapwa kaluluwa ko naman, wala naman daw pinagkaiba sa anyo ng mga tao. Mapapansin nalang daw sa kilos at pananamit 'yun.

When I ran out of questions concerning me. I started asking about Joohyun's life. Chanyeol was so enthusiastic sa pagkukwento tungkol kay Joohyun lalo na tuwing kinukwento niya 'yung mga oras na magkasama sila ng kapatid niya. Parang kilalang kilala niya talaga ang alaga niya. Sometimes I wonder, ganto rin siguro si Wendy sakin noon. She was with me my whole life. Nakahalubilo ko na siya ilang beses na noong buhay pa ako pero hindi ko lang napansin. Siguro nga pumasok na siya sa mga panaginip ko noon lalo na tuwing binabangungot ako. I kinda remember once, when I was still in elementary, I had a nightmare. 'Di ako makagising. Tumatakbo raw ako mula sa isang malaking pusa. Para raw aswang na ewan. At habang tumatakbo ako may biglang humawak sa kamay ko at hinila ako sa isang gilid para magtago. Siguro, si Wendy 'yun.

Chanyeol also told me that I can enter Joohyun's dreams but I should be careful. Dapat hindi ko raw ipakita 'yung mukha ko. Kasi once na makita raw ni Joohyun mukha ko, hindi na raw siya magigising ulit. And that's when I learned how to end my soulmate's life. Napansin ata ni Chanyeol na napalalim ang isip ko noong sinabi niya 'yun kasi bigla akong tumahimik. Tumayo na ako para bumalik kay Joohyun nang pinigilan ako ni Chanyeol. "Seulgi, alam kong mahirap pero pag-isipan mo muna. Whatever your decision is, it would greatly affect Joohyun's life. Please think about it." Tumango nalang ako at marahang ngumiti sa kanya.

Simula noon, hindi na muna ako uminom ng tsaa ulit kasama si Chanyeol. Mas pinili kong mag-isip at magcontemplate nalang habang binabantayan si Joohyun tuwing natutulog siya. It was torture for me. Ang dami kong emosyon na nararamdaman. Minsan nagigising si Joohyun out of nowhere. Siguro nananaginip ng masama. Sabi kasi ni Chanyeol, kapag panay negative ang nararamdaman at iniisip ko, mas prone raw sa negative energies si Joohyun. But I can't help it. Kahit patay na ako, ang hilig ko pa ring mag-overthink.

 

Weeks passed, I learned a lot of things about Joohyun. She doesn't drink coffee at all during the mornings and even when she pulls an all-nighter. Kaya siguro hindi niya tinanggap 'yung kape na ibinigay ko dati.

I discovered how she loves the sunlight during the early mornings. Paggising niya, ang unang-una niyang gagawin ay buksan ang kurtina niya at tumingin sa langit.

She's shy especially to strangers and acquaintances, tahimik lang siya. She doesn't really initiate the conversation. It's funny to think na hindi naman siya mukhang mahiyain noong binalik niya 'yung kape sakin at siya pa nga 'yung lumapit sakin noon. Thinking about it... Maybe, it was really destined to happen.

She has sensitive ears. I find it funny how she easily gets surprised and how she screams when she does. I noticed that she is silent most of the time which is a completely opposite me. Nalaman ko rin na lagi niyang pinipigilan ang sarili niya.

She holds herself back, her feelings, her thoughts, and her dreams. I can sense it. Parang may laban na nangyayari sa utak niya tuwing mag-isa siya. Iba sa pakiramdam. Minsan nararamdaman ko kapag malalim ang iniisip niya. It's kinda suffocating. 'Pag ganoon, ang bigat sa pakiramdam. Puno ng negative energies. Maybe ganoon rin yung nararamdaman niya kapag nag-ooverthink ako. I don't really know. Like what I said, she holds herself back. She doesn't really express her feelings that much even when she's alone. The only means of expressing herself was through writing her diary but I don't read it. Feel ko I am crossing the line if I did.

I also learned that she dislikes her college program. I know it since I don't see any passion in her eyes whenever she attends her classes and does her homeworks. Her father has high expectations of her, I believe. 'Di ko pa nakikita ang tatay niya dahil OFW siya. 'Yung nanay naman niya, matagal nang namaalam sa mundo. Makes me wonder if her mother is still here on Earth like me. Kasama niya kaya asawa niya? Siya ba talaga ang soulmate niya?

Nakwento sakin ni Yeri noong isang beses na bumisita siya na hindi lahat ay 'yung soulmates nila ang nakakatuluyan nila. It was the sad truth and she expressed how she feels bad about that reality. Everyone deserves to be with the person he or she truly deserves. Minsan lang talaga, hindi raw nasusunod, she quotes, ang "pinakamalupet na plano ni Bathala". Pero hindi ibig sabihin niyon na wala nang ibang plano ang Bathala sa kanila. Nakasalalay pa rin talaga sa mga tao kung ano ang magiging takbo ng kapalaran nila.

Yeri didn't say anything about Joohyun's parents. She felt like it's not hers to tell since it does not mean anything to Joohyun's life whether her parents are soulmates or not. She changed the subject at sinabing napansin niya na mas masigla na si Joohyun kaysa dati noong wala pa ako. Paminsan-minsan Yeri shows up to check Joohyun, ganoon rin si Wendy to check up on me. Minsan nga nagugulat ako biglang lilitaw si Yeri kapag may nararamdaman siyang kakaiba kay Joohyun lalo na tuwing malungkot siya o kapag may malapit na demonyo o aswang.

 

Joohyun was crying one night while doing her plates. It was 2 AM. Mamaya may pasok siya ng 9 AM tapos hindi niya pa nakakalahati ang plates niya kasi nagkakamali siya. I didn't know what to do. First time ko siyang makitang ganoon. I wanted to help her but I know it would only spook her. Nagp-practice kasi ako kung paano maghawak ng objects. Last time nakahawak ako ng ballpen sa likod ng classroom ni Joohyun. Maaga pa noon, kaya iilan lang sila ng mga blockmates niya sa kwarto. Naisipan kong hawakan 'yung gtec na 0.3 na nakakalat sa sahig. Naangat ko siya, a few inches from the ground. Pero may sumigaw kaya nahulog ko 'yung ballpen. Nakita ng kaklase ni Joohyun na nag-levitate mag-isa 'yung ballpen. Hindi naniwala 'yung iba sa sinabi niya, pero si Joohyun natakot. Narinig niya raw kasi na may nahulog na ballpen. Lumabas tuloy ng kwarto. Tinawanan lang ako ng mga tagapagbantay ng mga kaklase niya.

Anyways, back to the topic. Kung okay sana, ako nalang gagawa ng plates niya. Kaya ko naman. Nakikinig kasi ako sa klase niya minsan. Kaso syempre, matatakutin itong babaeng ito baka akala niya kung anong klaseng elemento akong gumagambala sa kanya kapag makita niyang kusang gumuguhit mag-isa 'yung lapis niya. Biglang lumitaw out of nowhere si Yeri at sinabi ko sa kanya 'yung sitwasyon. I really wanted to help Joohyun. At bilang suggestion ni Yeri, subukan ko raw yakapin si Joohyun. Pagkatapos ay bigla nalang siyang nawala na parang bula. Ginawa ko syempre. Niyakap ko siya habang pinipilit niyang tapusin 'yung plates niya.

Anong feeling? It felt warm. It felt human. It felt right.

Nang ginawa ko 'yun, mabilis na tumahan si Joohyun. Hindi ko siya pinakawalan hanggang sa natapos niya na 'yung plates niya sa loob ng isang oras. Hindi ko alam kung nararamdaman niya bang yumayakap ako sa kanya. But for me, it felt like I was really hugging her. Pagkatapos niyang gawin plates niya, dumiretso na siyang matulog. And she was sleeping with a smile on her face.

Doon nagsimula na tuwing nagbre-breakdown si Joohyun dahil sa academics niya, niyayakap ko siya. Ayun lang kasi ang kaya kong gawin para matulungan siya. Maaga niyang natatapos at ramdam ko na nawawala kahit papaano ang stress niya. And for me, that's more than enough.

 

 

Isa siguro sa pinakamalaking pagsubok ko sa pagiging kaluluwa ay 'yung ika-apatnapung araw ng pagkamatay ko. Nakakatawa, kaluluwa na nga ako, nagdudusa pa rin ako. Papalapit sa araw na 'yun, ang dami kong paghihinagpis at mga dasal na narinig galing sa mga pamilya at mga kaibigan ko. Gabi-gabi, naririnig ko ang boses ng mama ko na umiiyak. Gusto ko siyang bisitahin pero hindi ko naman maiiwan nang basta-basta si Joohyun. Pagsapit ng hatinggabi ng 40 days ko, sinundo ako ni Wendy para bumalik sa bahay. Dahil 40 days ko raw, may handaan para sakin ang pamilya ko. Ayun ang unang beses na magkawalay kami ni Joohyun. Si Yeri muna ulit ang nagbantay sa kanya habang bumisita kami ni Wendy sa bahay.

 

Doon ko lang narealize na hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang pagkamatay ko. I watched my family sleep. My mother seems to have a hard time sleeping. Isang beses, nagising siya at mahinang umiyak nang makita ang litrato ko sa bedside table nila. She slept while hugging my portrait.

Ma, sana ako nalang ulit niyayakap mo.

Hindi ako umalis sa kwarto hangga't 'di pa siya nakakatulog.

 

I went to my room afterwards. Nailigpit na karamihan ng mga gamit ko at nakalagay na sa mga karton. Nag-iba na rin ang punda ng mga unan at bedsheet ko. Parang nawalan ng buhay ang kwarto ko. Napahiga nalang ako sa kama at umiyak. Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Wendy. Tahimik lang siya hanggang sa tumigil ang pagtangis ko.

Kinaumagahan, binisita ng pamilya at iilan sa mga kamag-anak at mga kaibigan ko ang puntod ko. I was glad na hindi mabigat ang atmosphere. Nag-jo-joke joke na nga si Papa. Nagdala pa ng gitara kapatid ko at kinantahan nila ako. Mga dalawang oras lang sila doon at bumalik na rin sa bahay para sa handaan.

Walang bahid ng hinagpis ang handaan. Tila parang hindi nila ipinagdiriwang ang 40 days ko. Parang nagbirthday lang ako. May painuman pa si Papa at may pa-karaoke pa si Kuya. Si Mama naman, todo sa pagluto ng handa ko, madaling araw palang ay gising na sila ng mga tita ko. Sinigurado pa nilang iluto mga paborito kong pagkain.

Busy akong nanonood kung paano pumiyok ang isa sa mga tropa ko sa karaoke nang bigla akong kinalabit ni Wendy. Tinuro niya si Mama na paakyat ng hagdan na may dala-dalang pagkain. Sinundan ko siya hanggang sa harap ng altar kung saan niya nilapag ang dalawang mangkok. Katabi ng rebulto ni Sto. Niño ay ang litrato ko. Ngumiti siya at sinabing "Kumain po Kayo." Hinimas niya ang paa ni Sto. Niño. Matapos ay kinuha niya ang litrato ko. "Nak... kain ka na rin. Eto oh, pancit malabon, lumpiang shanghai at fried chicken. Mga paborito mo." Ngumiti si Mama. Oh how I miss that smile.

"Yung kuya mo, nakahanap na ng trabaho. Si Papa mo naman napromote. Ok lang kami dito, anak. Kaya namin 'to. Pag-pray mo kami dyan. Sana nakaakyat ka na dyan sa langit. Hindi ka na ulit magdudusa pa..." Bumalik na si Mama pagkatapos niyang ilapag ang litrato ko muli sa altar. Naiwan kami ni Wendy doon.

"Sana nga, Ma... Sana nga nakaakyat na ako." bulong ko. Hinawakan ni Wendy ang balikat ko, kinuha ang mangkok o 'yung kaluluwa ng mangkok at binigay sakin. "Kain na..."

Totoo nga, may lasa ulit ang pagkain basta nakahain sa altar. Bumalik ako sa kinauupuan ko sa may karaoke at doon kumain. I spent the day listening to random chitchats of my friends and family. Kahit saan talaga, basta may chika, ichichika. Kung sino-sinong mga kapitbahay na namin ang naitsismis ng mga tiyahin ko sa isa't-isa. Samantalang 'yung mga kaibigan ko naman, 'di naubos ang mga rants nila sa school. Paminsan-minsan nagkwento sila tungkol sakin. Madalas mga funny o nakakahiyang moments sa buhay ko. Nilabas pa nga ni Mama 'yung mga baby pictures ko. Kasama doon 'yung kaisa-isang picture ko. Kinuhanan ba naman ako ng litrato ni Mama nung 1 year old ako na nakahubad.

'Di nila nakikita pero parang gusto ko na magpalamon sa lupa dahil sa hiya.

Si Kuya pa nga nahuli kong kahalikan 'yung jowa niya sa may tagong parte ng hardin. Si Papa naman nakailang beses na atang natalo sa tongits at pusoy dos. Parehas sila ni Kuya, wala pang alas nuwebe, mga lasing na. Ewan ko talaga. Parang gusto ko silang multuhin lahat. Joke lang.

Kung tutuusin parang hindi talaga ako namatay eh. Masaya ako na ganoon ang nangyari sa handaan. Akala ko nga, ako nalang ang hindi talaga nakakatanggap ng pagkamatay ko. But I was wrong...

Nang makauwi na halos lahat ng bisita, naiwan ang iba naming mga kamag-anak para magligpit. Pinaakyat na ni Mama sina Papa at Kuya dahil lasing na lasing na. Sinundan ko sila sa kwarto.

"Ma, pwede bang dito nalang ako matulog?" out of the blue na tanong ng kapatid ko. Hindi makapaniwalang tinignan siya ni Mama. It was rare for him to sleep in our parents room. Siguro noong bata pa kami 'yung huling beses na natulog siya sa kwarto nila. Sumang-ayon naman si Mama. Habang tinutulungan ni Mama ang kapatid ko na ilatag sa sahig ang maliit na kutson, biglang umiyak si Papa na nakahiga na sa kama. Tinuro niya ang kisame. Sinundan namin ng tingin ang tinuturo niya at may isang puting paru-paro doon.

"Anak ko..." Hagulgol niya. "Seulgi... Bakit nauna ka? Bakit Niyo naman po kinuha siya samin?!" Sigaw ni Papa. Sinita siya ni Mama pero alam kong nahihirapan na rin si Mama na pigilan ang iyak niya. Humiga na ang kapatid ko at tinakpan ang mata niya gamit ang braso niya.

"Seulgi..." Walang nagawa si Mama kundi yakapin nalang si Papa at umiyak na rin.

Gusto ko silang yakapin. Gusto kong mabuhay nalang ulit. Parang hindi ko na kaya. Ang bigat sa pakiramdam. Paulit-ulit na sinabi ko sa isipan ko.

Umiyak silang tatlo sa harap ko. Umiyak sila dahil sakin. At wala akong nagawa. Lumipad ang paru-paro at dumapo sa bawat isa sa kanila.

 

I didn't want to leave. I asked Wendy if I can stay for a while. Pero hindi siya pumayag dahil may kailangan daw akong bantayan. She promised that I would be back during my death anniversaries. At doon nagsimula ang tradisyon namin na tuwing death anniversary ko, bumibisita ako sa bahay.

When I got back sa bahay ni Joohyun, sobrang lungkot ko. Namiss ko agad ang pamilya ko. At the back of my mind, I wanted everything to end. Parang gusto ko nang tapusin lahat ng paghihirap ko. Kada araw kasi na nananatili ako dito sa mundong ibabaw, mas nahihirapan akong tanggapin na patay na ako.

Madilim na ang buong bahay noong naabutan ko. It was March 30, Monday, at may pasok kinaumagahan si Joohyun. Sinalubong kami ni Yeri sa gate. Maaga raw natulog si Joohyun. Sa itsura ni Yeri, mukhang hindi maganda ang araw ng alaga niya. Kaninang umaga palang nasa isip ko nang ipaalam kay Yeri na parang gusto ko nang kunin ang alaga niya. Pero alam ko na kailangan ko pang pag-isipang mabuti ito. Nadala lang siguro ako ng lungkot. Naputol ang pag-iisip ko nang nagsalita si Yeri,

"Birthday na birthday niya kahapon pero malungkot siya."

At umalis na sila. Yesterday was both a special day for us. Even though it was a day to celebrate, we were both unhappy. Mag-soulmates nga talaga kami.

Pagpasok ko, bumungad sa kusina si Chanyeol at may kasama itong isang babaeng maigsi ang buhok at maliit. Naisip ko baka may bisita sina Joohyun. Pumitik ang babae at may lumitaw na santelmo. Nilagay niya ito sa isang sorihile o lampara. Ito ay isang bolang apoy. Isa iyong kaluluwa na hindi matahimik. Actually, it is considered as an aswang pero hindi naman nakakasama. Karamihan sa mga santelmo ay tubig ang dahilan ng pagkamatay, 'yung iba naman ay mga sanggol na hindi nagkaroon ng tiyansang mamuhay sa labas ng sinapupunan ng ina. Guardians often collect them because they chase mortals but it brings no harm. It's just a ball of fire with a lot of negative energies due to the rejection of the soul to its death. To avoid being harmful to mortals, guardians use them as their light until they learn to accept what happened to them. Mayroon din si Chanyeol na santelmo at 'yun ang ginagamit niyang ilaw pag nagtsa-tsaa sa gabi.

"Dumating ang ama nina Joohyun." sabi ni Chanyeol habang nagtitimpla nanaman ng tsaa. Napatingin ako sa babae na nakaupo. Ito ba ang nanay ni Joohyun? Parang iba ang itsura ah...

Tila parang nabasa niya ang nasa isip ko at nagsalita ang babae, "Tagapagbantay ako ng Papa ni Joohyun. Sunny ang pangalan ko. Nice to meet you, Seulgi." Straightforward na sabi nito. Napatango nalang ako at ngumiti. Matapos ay umakyat na ako kasi kailangan kong malaman kung ano ang kalagayan ni Joohyun. Nadaanan ko paakyat ang altar at may mga nakahain doon. Siguro galing sa selebrasyon nila.

Pag-akyat ko, nakita ko ang Papa ni Joohyun na nasa labas ng kwarto niya. "Hyun, gising ka pa ba?" katok nito. Hindi sumagot si Joohyun. "Pasensya ka na. Akala ko kasi matutuwa ka 'pag sinorpresa kita. Sorry." Naghintay ng ilang segundo ang Papa niya sa labas. Nang hindi pa rin umiimik si Joohyun, bumalik na siya sa kwarto niya.

Pumasok na ako sa kwarto ni Joohyun. Nakatalukbong siya ng kumot pero naririnig ko ang munting hikbi niya. Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya.

I guess we both had a bad day.

Nang makatulog na si Joohyun, bumaba ako para alamin kung ano ang nangyari. Nakwento sakin na biglaang umuwi raw ang Papa ni Joohyun galing Dubai. Mga alas nuwebe ng gabi dumating. Nagcecelebrate na raw sila Joohyun, kapatid niya, at ang pamilya ng tiyahin nila nang biglang dumating ito. Nawala bigla sa mood si Joohyun at matapos noon ay nagkulong na sa kwarto.

May alitan silang mag-ama na hindi ko pa mawari noong mga panahon na 'yun. Basta tuwing umuuwi ang Papa niya, laging wala sa mood si Joohyun. Noong una, akala ko maliit na misunderstanding o tampuhan lang. Pero nang tumagal ako sa bahay nila, nalaman kong matagal na palang may bitbit-bitbit si Joohyun na sama ng loob sa Papa niya.

Bumalik ako sa kwarto ni Joohyun dala-dala ang isang cupcake galing sa altar, na sabi ni Sunny ay paborito ni Joohyun. Sa gabing 'yun, desidido akong pumasok sa panaginip niya. Ginawa ko ang sinabi ni Chanyeol. I touched Joohyun's forehead, closed my eyes, and concentrated habang hawak-hawak ko ang isang red velvet cupcake na may konting langgam.

Sabi sakin ni Chanyeol, sobrang draining daw kapag papasok sa panaginip ng isang tao lalo na kung first time ito. Pero hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na 'yun. I entered her dreams hoping that I could alleviate her pain. Dinasal ko na sana kahit hindi nalang siya ang magdusa, kahit ako nalang.

Siya ang panalangin ko.

Nasa isang beach kami. Tahimik. Mag-isa lang siyang nakaupo sa buhangin habang nakamasid sa dalampasigan. The view was so breathtaking, something you would see in movies. Nasa paraiso na nga siguro kami. I went inside the resort at humiram ng ballpen at papel sa isa sa mga receptionist. 'Di ko rin alam kung bakit may receptionist. 'Di ko maexplain kung paano naging possible 'yun. Pero parang may sariling universe sa panaginip niya. It's amazing to think that a small mind can create a wonderful and quite complex world.

I wrote, 'Happy Birthday' sa papel. Then, asked the receptionist to give it to her together with the cupcake.

Sana naman this time, Joohyun, tanggapin mo na.

Nang naibigay na ng receptionist sa kanya ang cupcake, nakita ko kung paano tumigil ang paghampas ng alon pagkangiti niya.

At tumigil ang mundo... Nang ako'y tinuro... ng receptionist.

Lumingon siya sa direksyon ko at dali-dali akong tumalikod at naglakad papalayo para 'di niya ako makita. Bakit ba tuwing tinuturo ako lagi akong napapahamak? Moira Dela Torre, paki-explain.

Joohyun, gusto mo ba mamatay? isip ko noon. Natawa nalang ako mag-isa. Muntikan na 'yun. Nagtago ako sa isang spot na nakikita ko pa rin siya.

Bumalik na ulit ang paghampas ng alon. It was sunset. Kahit nasa harap ko na ata ang pinakamagandang tanawin na nakita ko sa talang buhay ko, walang binatbat ang tanawin sa mga ngiti ni Joohyun. Mas pipiliin ko pa ring tumingin sa kanya. It's like the world rejoiced as Joohyun smiled. Ito na ata ang pinakaperpektong tagpuan ni Bathala.

Miss Moira, bakit kaya fit na fit ang kanta mo sa istorya namin?

It was a pleasant dream and I hoped she won't wake up yet. Pero biglang may tumugtog na napakalakas na dambana, nagtilaok ang mga manok at naputol ang panaginip ni Joohyun. Sabay na dumilat ang mata namin. Napaupo nalang ako sa sahig sa pagod habang inaabot niya 'yung cellphone niya sa sulok ng kama. Nakakadrain nga.

Napabalikwas si Joohyun ng bangon. Late na siya sa school. Napahilamos siya ng mukha. "Bakit 'di ako ginising ng guardian angel ko?" Bungad niya paggising.

At mukhang kasalanan ko pa nga. Happy Birthday nalang, Miss Joohyun.

 

Ilang araw na mula nang umuwi ang tatay nina Joohyun. Napadalas na rin ang late na pag-uwi ni Joohyun galing sa school. Lagi niyang excuse: may project o may group study sila ng mga friends niya. Kahit na ang totoong nangyayari ay pumupunta siya sa mga bar o clubs o kaya nagliliwaliw lang kung saan. Mukhang malalim talaga ang away nilang mag-ama. Napapansin na nga ata ng Papa niya pero hindi lang niya sinusuway. Minsan umuuwi si Joohyun na lasing.

Kaya ayun, nasa 7/11 kami na malapit sa bahay nila para mahimasmasan si Joohyun. Alas onse na ng gabi. Ilang beses na siyang tinawagan ng kapatid niya. Kagagaling lang niya somewhere in BGC kasama ang mga kaibigan niya. Ang layo rin ng nilakbay ni Ate niyo Joohyun para magwalwal. Paalis na dapat siya nang may makasalubong siyang lalaki. Sinubukan niyang iwasan ito pero pinigilan siya nito.

"Hyun, sorry na." Parang nanlisik ang mata ni Joohyun nang magsalita ang lalaki. Hinigit nito ang kamay niya. Napapikit nalang si Joohyun at huminga nang malalim bago lumingon dito.

"'Wag mo kong matawag-tawag na Hyun. Bitawan mo ko." Mahina pero makamandag na sabi nito.

"Uhm, excuse me po? Makikidaan po." Singit ng isang bata na may dala-dalang dalawang supot ng ice cream. 'Di ko alam pero natawa nalang ako. Pumiglas si Joohyun at lumabas na, sinundan naman siya ni kuya. Ang kulit naman ng kokote neto. Sino ba 'to?

Kanina pa sila nagsasagutan ni Joohyun. Apparently, Junmyeon ang pangalan niya. At mukhang may past sila na hindi pa naaayos.

"Hatid na kita."

"Ayoko."

"Hyun, let me please. I'm sorry na nga 'di ba?"

"'Yang sorry mo. It's a month late. Nagmukha akong tanga sa coffee shop. Hinintay kita tapos hindi ka naman pala magpapakita."

Coffee shop? So, siya pala 'yung hinihintay niya noong unang pagkikita namin? I believe it was a month ago.

"I'm sorry. I forgot. I woke up late that time from a hangover."

Naglakad na paalis si Joohyun. I felt that she was tired of hearing his excuses but the guy was so persistent. Sinundan niya sa paglalakad si Joohyun habang nagsasabi ng mga kung ano-anong explanation. I knew it annoyed her, I felt it.

Nasaan na ba 'yung tagapagbantay neto? Paki-pulot nga 'tong alaga niya. Masyado nang makalat.

Tumakbo na paalis si Joohyun. Nang hindi niya na makita si Junymeon, napahinto siya sa isang gilid at umiyak. Lingid sa kaalaman niya na sinusundan pala siya ni Junmyeon hanggang sa pag-uwi. Nakita ko kung paano nag-ningning sa dilim 'yung kwintas na suot niya bago siya naglakad papalayo sa bahay ni Joohyun.

 

NOVEMBER 1. All Saint's Day. It was a free day for the siblings. Bumalik na ang Papa ni Joohyun sa Dubai. They were planning to go to their mother's burial ground. Speaking of her mother, it's unfortunate to think na hindi pala magsoulmate ang parents ni Joohyun. Kinagabihan pagkatapos ng unang beses ko pumasok sa panaginip ni Joohyun, naki-tsaa ako sa kanila. Pinainom naman nila ako ng 'energy drink' nila kuno para bumalik kahit papaano ang enerhiya ko. At doon ko rin natanong kung bakit wala ang kaluluwa ng Mama ni Joohyun. Sunny explained na kung ang soulmate ng Papa nila ay 'yung Mama nila, dapat siya ang kasama nito noong oras na 'yun at hindi siya. It made sense. Napatanong tuloy ako kung anong mangyayari kung nagkatuluyan ang magsoulmates na parehas silang buhay. Chanyeol said that they don't need guardians as long as the soulmates are together. It will bring good luck and a long life. Kadalasan daw, sila 'yung mga soulmates na sabay namamatay. Parang nililive up 'yung saying na 'hindi ako mabubuhay kung wala ka.'

I found it amusing. I read a lot of stories of old couples na magkasunod na namamatay. Usually, they die in their sleep or nagkakaroon ng heart condition ang biyuda o biyudo. Minsan bigla-bigla nalang titigil ang puso. It's actually a social phenomena called the 'widowhood effect' o the 'broken heart syndrome.' Thinking about it, baka 'yung explanation kung bakit may mga namamatay habang natutulog ay dahil kinukuha na sila ng soulmates nila?

Ang astig ng mundo noh?

Ay eto, may isa pang astig. Going back to my very first statement. November 1. Sinundo ako ni Wendy. Sabi niya hindi raw ako pwedeng sumama kina Joohyun for two days. Malakas daw ang negative energies tuwing November 1 at 2 dahil nagsisilabasan ang mga demonyo at mga multo. At may tendency daw akong makita ng soulmate ko kasi 'yun din ang mga araw na halos nagiging isang mundo ang mundong ibabaw at mundong immortal. Isipin ko raw na parang venn diagram. Ang kaliwang bilog ay lahat ng mga bagay na nararanasan sa perspektibo ng mga immortal at ang kanan naman ang mga nararanasan ng mga mortal sa mundong ibabaw. Sa gitna nito, ay ang mundo o Earth mismo kung saan maaaring tirahan ng mga mortal at immortal. Tuwing November 2, nagiging isa ang dalawang bilog na 'yun. Kaya lahat ng mga pwedeng gawin sa immortal na mundo ay pwede mo na ring gawin sa mortal na mundo at vice versa. Kaya ayun. Sana nagets niyo explanation ko kasi medyo 'di ko nagets noong ineexplain ni Wendy. Grabe, sa tingin ko nakikinig talaga si Wendy tuwing may klase ako. Parang noong sinabi niya lang ko narinig ulit yung term na "venn diagram".

Anyways...

Kahit na 'di ko raw gustuhin, pwede raw niya akong makita na parang multo. To be honest, kinilabutan ako doon. Parang nararamdaman ko na 'yung takot na mararamdaman ni Joohyun. Matatakutin pa man din 'yun.

So, 'yun pumunta kami sa sementeryo at doon ako nagstay sa may lapida ko. Sabi kasi ni Wendy, safe ground ko raw iyon. Dahil maraming mga tao at malayo ako sa soulmate ko, mas mababa raw ang tiyansa na magpapakita ako. Bumisita rin pamilya ko noon. Buong dalawang araw, nakichika lang ako sa mga kapwa ko kaluluwa. Iilan lang sa mga kaluluwa ng katabi kong mga lapida ang nandoon. Pare-parehas silang may sariling istorya at naghihintay rin sa kanilang mga soulmates. 'Yung isa nga 20 years na raw siyang naghihintay. Grabe, ang tagal. Napa-isip tuloy ako. Kaya ko rin ba?

Kaya ayun, tuwing November 1 at 2, magkawalay kami ni Joohyun. Kahit magkawalay kami, nararamdaman ko pa rin siya. Nasesense ko kung malungkot siya, naiirita, natutuwa, umiiyak, nagugulat, natatakot o kung ano pa man. In a way kasi, nararamdaman ko rin kung ano 'yung emosyon niya. At siguro ganoon din siya sa akin. Kaya hanggang sa makakaya ko, sinusubukan kong maging masaya. Na wala masyadong negative emosyons or energies sa katawan. 'Yun lang kasi 'yung alam kong maitutulong ko sa kanya.

My happiness is her happiness. Her happiness is my happiness. Just like her sorrows are mine and my sorrows are hers.

Too bad though, she doesn't know. Hindi niya alam na sa bawat dalamhati niya nandoon ako na nakikiramay. Para akong fan at siya ang idol ko. Nandito ako pero hindi niya ako kilala. Alam niyang may sumusuporta sa kanya pero hindi niya alam kung sino. Ramdam niya lang pero hindi niya kayang panghawakan.

Knowing that someone supports you is one thing. But I think it's more motivating if you know the person who's supporting you. Kasi kung kilala mo personally, magiging motibasyon mo eh because that person is someone special. We don't need the validation of the world to feel that we are worth it. We just need the validation of those who we care to know that we are loved, cared and enough for them. However, some people just don't see this and that's the sad truth.

Makes me think, what if buhay pa ako? Siguro I might be someone Joohyun would care too. Siguro isa ako sa mga motibasyon niya. Siguro magiging rason ko siya sa lahat ng mga sitwasyon na naghahanap ng dahilan. Maybe we will become good friends. Or even more than friends.

It's an endless cycle kapag mga 'what ifs' ang tanungan noh?

Hanggang 'siguro' nalang ako. Akala ko kapag namatay ka na, tapos ka nang tumira sa mundong puno ng walang kasiguraduhan. Bakit parang mas mabibigat ang mga siguro 'pag patay na? Ah...

Siguro kasi—eto nanaman tayo sa siguro—mas mahirap maniguro kung wala na talagang possibilidad na mangyari ito. Mahirap nga namang kumapit sa kaisipan o ideya na una palang ay wala nang pag-asang matupad.

Minsan iniisip ko kung biyaya nga ba talaga ni Bathala ang pagbibigay niya ng tiyansa, sa mga kaluluwang maagang humimlay, na makasama at makilala nila ang kabiyak nila. Biyaya o sumpa? Biyaya pa rin ba kung magkasama nga kayo ng soulmate mo pero ibang mundo ang ginagalawan niyo kahit mukhang iisa naman? Biyaya pa rin ba kung nagdudusa ka sa araw-araw na nag-iisip ka kung kailan na ba ang oras? Biyaya ba 'yung may kapangyarihan ka na kitilin ang buhay ng kabiyak mo? Biyaya ba talaga? Parang sumpa kasi eh.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sizterette
After much reconsideration, here is the epilogue. I agree with some of your sentiments regarding sa story but I just got scared of ruining it kasi napaglipasan ko na to ng panahon sa pagsusulat. Thank you so much if you reached this part! Sana naenjoy niyo ❤️

Comments

You must be logged in to comment
turtlenaut_ #1
Chapter 12: saktong sakto sa existential crisis ko author-nim 🙂 thank you! sana nga there's something beautiful on the other side ❤️
JiHyun12 #2
Chapter 12: Love this story author! Thank you so much!
redlighton #3
Grabe, this story is so underrated! Feeling ko yung movie line na “this is not a love story, but a story about love” applies to here as well. Seulgi’s narration, wala akong masabi. Para lang din akong nagbantay kay Joohyun throught the years. Love is patient nga talaga… I just wished the ending was a bit longer. An epilogue/special would be nice too… or even just add 5 paragraphs just to show a glimpse of the moment of finally meeting again! Feel ko deserve din ng readers yun bukod kay Seulgi na matagal nag antay 🥹
JiHyun12 #4
Tor what if irene’s pov naman kahit isang chapter lang hihi
JiHyun12 #5
Chapter 11: 🥺🥺🥺☹️
KaiserKawaii #6
Chapter 11: Hello author. Ngayon ko lang nabasa to. Pero grabe ka naman sa pagpapaiyak. Sobrang ganda ng pagkagawa. Ganda ng idea. Wow. May nakaisip nang ganitong style. Eto na ata ang fav Filipino fanfic.

Ansakit pala ng idea na forever ka lang nakamasid sa taong meant for you. At maging unselfish.

Sobrang ganda talaga. Wow. Di nga ako nakatulog nang maaga para lang matapos in one seating.
howdoyouknowmee
535 streak #7
Chapter 11: Came from twit and owemgee ngayon ko na lang din naalala to huhu
Usernam31 #8
Chapter 9: Napaka ganda po talaga nito authorrr!!! Waiting po sa nextt chapter.
sevi_ely #9
Chapter 9: Patapos naaaaaa?ಥ╭╮ಥ
Baechu29 #10
Chapter 8: Huhu binasa ko to in one seating author. Hindi ko alam pero basta na lang tumutulo luha ko. Hindi ko alam kung para kay Seulgi ba o kay Joohyun, siguro pareho. Parang bigla kong narealize na dapat sulitin ko ang mga panahon at pagkakataon na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Salamat kasi minulat mo ako ng totoo ngang, 'you only live once'. Salamat dahil madami akong natutunan sa story mo. Looking forward sa mga susunod na chapter. :)