Pang-apat: Biyaya Nga Ba?

Tanikala ni Bathala

A/N: Hello, I had to reupload this kasi nagglitch yung AFF while I was arranging the chapters. Ito na talaga yung start ng second and final half ng story. I would like to know your insights and constructive criticisms about the story. I believe may room for improvement pa 'to and honestly, I'm not yet confident in publishing it. But I think it's better if I share it now bago pa magbago isip ko for the nth time. Anyway, enjoy!



Kinaumagahan, nagising nalang ako sa tapik ni Sehun, ang guardian ni Junmyeon. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at saktong bumukas ang pinto ng hotel room nila. Naunang lumabas 'yung alaga niya na mukhang aligaga. Nginitian lang ako ni Sehun bago sinundan ang alaga niya na naglalakad na papuntang hallway. Kuminang saglit ang kwintas ni Junmyeon at naglaho si Sehun. 

Naiwan akong mag-isa sa labas ng hotel room nila na nag-aalinlangan kung papasok ba o hindi. Hindi ko alam kung ano ang estado ni Joohyun sa mga oras na 'yun. Ramdam ko lang na matiwasay ang pakiramdam niya.

No choice. Kaya pumasok ako. Naabutan ko si Joohyun na tulog na tulog. Ang kanyang mga saplot kagabi ay magulong nakapatong sa bedside table. The duvet covering her body from neck to toe. 

Napaupo nalang ako sa gilid niya at pinagmasdan siyang matulog. 

Hindi ka man lang niya ginising matapos siyang makaisa sa'yo.

Nag-ring ang cellphone ni Joohyun at agad-agad na gumalaw siya para mag-inat habang nakapikit. Nakita kong kinapa niya ang tabi niya. Siguro hinahanap si Junmyeon. Nang hindi niya maramdaman ay dumilat ang mata niya. Napabalikwas ito ng bangon habang hawak-hawak ang kumot sa dibdib niya. Lumibot ang mga mata niya sa kwarto at napatingin siya sa kurtina. Kumakaway na ang Haring Araw.

"Myeon?" tawag niya. Nagbabakasakaling nasa bathroom ang hinahanap niya. 

Walang sumagot. Lumukot ang mukha ni Joohyun at inihawi niya ang buhok niya. Inabot niya ang cellphone sa bedside table at sinagot ito.

"Hello?" sagot niya sa tawag. Medyo paos pa ang boses.

"Okay lang ako..." Tumikhim siya nang maramdamang tuyo ang lalamunan niya.

"Oo, wala akong pasok." Inayos niya ang upo niya.

"Nasa hotel"

"Ahh... Wala na siya eh." rinig ko ang dismaya sa boses ni Joohyun. At tila nagsisimula nang mamuo ang luha sa mga mata niya.

"Ha? 'Wag na... 'Di ba may pasok ka?" 

"'Wag mo na akong sunduin. Kaya ko na." Biglang tumayo si Joohyun sa kama. Agad naman akong tumalikod. Nakahubad siyang pumunta sa bathroom. Nang lumabas na siya ay nakarobe na siya.

"'Wag na nga..."

"Hay. Okay. Sige na nga. Hintayin kita rito."

Dumating si Jennie an hour later. Pagkabukas ng hotel room, puno ng pag-alala ang mga tanong niya kay Joohyun. 

"Walang masakit?" Nakangising tanong ni Jennie.

Kumibit balikat lang si Joohyun at bumalik para umupo sa kama at ipagpatuloy ang panonood ng t.v.. Nawala ang ngiti ni Jennie sa kanyang mga labi. Napansin nitong wala sa mood ang bestfriend niya. Umupo ako sa upuan sa may tabi ng kurtina. 

Humalukipkip si Jennie. "You're disappointed." Sabi ni Jennie. Humarang si Jennie sa t.v. pero nag-iwas ng tingin si Joohyun. 

"He disappointed you again." Tumabi si Jennie kay Joohyun sa kama. Hindi nagsalita si Joohyun. "Babanatan ko na talaga 'yun." Seryosong sabi ni Jennie at tumayo para kumuha ng tubig na binili niya. 

"Siya naman siguro nagbayad nitong hotel room. Sige, papalagpasin ko muna. Baka may emergency lang." Inabot ni Jennie ang bote kay Joohyun. Umiling lang si Joohyun. Jennie drank the water instead.

Humiga na sa tabi ni Joohyun si Jennie. Nakatingin lang si Jennie sa kanya habang si Joohyun ay nakatutok pa rin sa t.v.. Mga ilang minuto bago sinira ni Jennie ang katahimikan.

"Hyun, real talk lang. Alam mong pranka akong tao. You deserve so much more than this. Ilang taon ka nang ginagago ng lalaking 'yon. Paulit-ulit ka nalang iniiwan sa ere. Tignan mo ngayon, wala ni-isang note na iniwan sa'yo. Iniwan ka na naman. I really don't like him for you. Pero sino ba ako para harangin ka? Eh masaya ka pa rin naman sa kanya." Hindi nagsalita si Joohyun. Natahimik si Jennie. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Jennie sa t.v. at kay Joohyun, pinapakiramdam ang bestfriend niya.

"Sana magising ka na, Hyun." Bumuntong hininga si Jennie. Tumayo at sinabing, "C.R. lang ako tapos alis na tayo."

Nang magsara ang pinto, dali-daling pinunasan ni Joohyun ang tumulong luha mula sa mata niya. Tumayo siya at inayos na ang bag niya. Eto na naman siya, kinikimkim na naman ang nararamdaman.

Nang makauwi na si Joohyun, wala siyang ginawa kundi matulog. Pinatay niya ang cellphone niya para walang maka-contact sa kanya. Bandang madaling araw, lumitaw si Yeri. She had a mix expression. Noong nakita ko palang siya, alam kong may dala siyang balita. Nag-aalalang tinignan niya si Joohyun. Hinaplos niya ang ulo ni Joohyun at sunod ay ang tiyan. 

"May darating..." 

Sa isang iglap, lumiwanag ang buong kwarto ni Joohyun nang biglang bumukas ang kurtina. The moonbeam shone upon her. Nag-amoy kalikasan ang kwarto. Hindi ko maexplain 'yung amoy pero iyon ang naaalala ko sa bawat langhap ng hangin. Napaupo ako sa tabi ni Joohyun na tulog na tulog pa rin. May isang babaeng walang saplot sa pang-itaas ang lumitaw sa harap namin. Kumikintab ang kanyang kayumangging balat, ang mga mata'y kumikinang na tskolate ang kulay, mahaba ang kanyang itim na buhok na nagsisilbing harang sa kanyang mga hinaharap. Hindi ko mawari kung bakit 'di ko matanggal ang tingin ko sa kanya.

Agad-agad na lumapit si Yeri sa babae para magmano. Kaya aligaga akong sumunod para magmano rin sa babae. Hindi ko kasi alam kung anong dapat kong gawin.

Nginitian ako ng babae at hinawakan ang bunbunan ko. "Alagaan mo sila," sabi niya sa'kin. Tumango lang ako kahit hindi ko naintindihan. Sila? Sinong sila?

Lumapit ang babae kay Joohyun at hinaplos ang ulo nito. Dumausdos ang kamay niya sa mukha ni Joohyun. Pababa sa leeg, sa puso, hanggang sa umabot sa ibabang parte ng tiyan nito. 

"Malugod kong ibinabalita sa inyo na binabasbasan ko si Joohyun. Inuukit na ang panibagong tadhana. Sa mga susunod na araw, magsisimulang maghulma ang munting balita."

When she said that, I stiffened.

Hindi 'to pwede. 

I knew what will happen if Joohyun finds out about this. Mahihirapan lang siya lalo at ayokong mangyari 'yun. Alam kong hindi rin magugustuhan ni Junmyeon ang balita. That guy just wants to fool around. He is not going to claim the child. I don't want to see her in pain. Joohyun is not ready yet for this. 

Hindi rin ako handa. Pero magiging handa ba talaga ako sa ganito?

Sa tingin ko, hindi. Kahit planado pa. Hindi ko madaling matatanggap.

Hindi ko alam kung dahil ba sa ayaw kong masaktan si Joohyun o dahil sa pagiging makasarili ko ang naging udyok para lumuhod ako sa harap ng babae at magmakaawa na sana 'wag ituloy ang basbas.

Pero sino nga ba ako? Isa lang akong kaluluwa na naghihintay sa kabiyak niya. At kahit na ganoon, hindi ko hawak ang buhay ni Joohyun. Anong laban ko sa kagustuhan ni Bathala? 

Tadhana nga ba ito ni Joohyun? Isa ba ito sa mga plano ni Bathala? Sabi ni Yeri, kung hindi masusunod ang pinakamalupet na plano ni Bathala ay mayroon pa Siyang ibang plano para sa'min. Kapalaran ko ba talagang masaktan nang ganito o kinalimutan Niya na rin ang tulad ko? Kinalimutan Niya na ata ang mga kaluluwang naghihintay, nasasaktan, at nagtitiis sa mundong ibabaw.

Sa pangilang beses, gusto kong sumigaw. I wanted to run away from there, from my responsibilities. But I knew I would always come running back to Joohyun. It was no escape even if she's the reason why I was hurting so bad.

Staying with your soulmate is a blessing?

No.

There's no freedom here. We are both tied up by Bathala's chains.

Yeri held me as I continued begging to the woman. I was practically kissing her feet. Lahat gagawin ko, 'wag lang matuloy. 

"Seulgi... Tama na." Bulong sa'kin ni Yeri. Umiling-iling ako. Basang-basa ang mukha ko dahil sa pighati, ramdam ko rin ang pagkadikit ng mga hibla ng buhok ko sa mukha ko. I don't exactly know why I was crying. 

Hinawakan ng babae ang balikat ko at napatigil ako sa haplos niya. Umupo siya at mahinang tinulak ang balikat ko para paupuin rin ako. Nanatili ang kanan na kamay niya sa kaliwang balikat ko. 

"Sumusuko ka na ba, Seulgi?" tanong niya sa'kin. Hindi ako makasagot. But a big part of me wanted to say 'yes'. Pinigilan ko lang ang sarili ko dahil naalala ko ang sinabi ni Sehun. Mananatili ako dito hanggang may rason pa ako at si Joohyun iyon. Kahit siya ang dahilan ng paghihirap ko. Siya ang sagot sa lahat ng mga dahilan.

Tila alam ng babae ang tumatakbo sa isip ko at ngumiti siya. "Alam kong aalagaan mo sila kahit anong mangyari." Hinawakan niya ang ulo ko, matapos ay tumayo na ito.

"Mararamdaman mo lamang ang panibugho dahil nagmamahal ka. Maaaring dahil sa pagmamahal mo sa sarili mo o sa ibang tao. Gayunpaman, 'wag kang magpapatalo. Madali maging tao, madaling makaramdam ng emosyon ngunit mahirap sugpuin ito." Tinignan niya ulit si Joohyun matapos ay inilahad ang kamay niya sa harap ko. Hinawakan ko ito at itinayo niya ako. Itinabi niya ako kay Joohyun. Matapos ay lumapit siya sa tabi ng bintana.

"Mayroong dahilan kung bakit nananatili pa rin ang mga mortal sa mundo. Hanga ang mga diyos at diyosa sa angking galing niyo. Wala man kayong kapangyarihan ngunit mas malakas pa kayo sa kahit na sinong diyos at diyosa kapag nagmamahal." Ngumiti ang babae sa'min ni Joohyun. 

"Padayon, Seulgi. Magpakalakas ka. Kailangan ka nila lalo na ng kabiyak mo. Nanonood ako," at naglaho ito. Nagsara muli ang kurtina. Ang daming naganap pero ni isang galaw ay hindi ko nakita kay Joohyun. She was fast asleep. Napasinghap si Yeri bigla-bigla at matapos ay nilapitan ako para yugyugin ako.

"Seulgi! May awa si Bathala! Akala ko'y isusumpa ka!" 

Nagtaka naman ako sa sinabi niya, "Bakit?"

"Hindi mo ba kilala sino ang kausap mo kanina?" Umiling ako. Alam kong isa siyang makapangyarihang nilalang. I think she is highly respected by the immortals especially witnessing how Yeri acted when she came.

"Si Dian Masalanta 'yun!" 

"Dian what?" tanong ko.

"Si Maria Makiling! Dian Masalanta! Goddess of love, childbirth and peace. Mabuti nalang mabait siya. Kasi kung hindi, baka isinumpa ka na niya dahil sa pagtutol mo sa basbas niya." 

Nag-ikot-ikot si Yeri, sindak na sindak sa mga pangyayari. "Siya pa mismo ang lumitaw dito. Hindi ang mga anak niya o kahit na sino sa angkan niya. Big deal ito, Seulgi. Ibig sabihin gusto talaga ng diyosa na basbasan si Joohyun. Teka lang, bumukas kanina ang kurtina. Ibig sabihin pati ang buwan..." 

Napatigil bigla si Yeri sa paikot-ikot na lakad. Humarap siya sa'kin at seryosong sinabing, "Narinig mo naman ang sinabi ni Dian Masalanta. Unang pagbati palang sinabi niya nang alagaan mo sila, Seulgi. Gusto niyang manatili kang malaking parte ng buhay ni Joohyun at ng anak niya. Suportado ka niya kung maghihintay ka pa rin. At hindi ako sigurado, pero mukhang may iba pang diyos at diyosa ang nagbabantay sayo."

If they're really rooting for me, hindi ba mas mabuti kung may gawin sila tungkol sa sitwasyon ko? I admit it is too greedy of me to demand something from them but after all the unfairness I went through, 'di ba deserve ko rin naman? Hahayaan din ba nila ako katulad ni Bathala? Alam kong kahit sila ay hindi nila mababalik ang buhay ko. Siguro ang naisip nilang paraan nalang ay manatili ako sa tabi ni Joohyun. Maybe there's something good out of it. The goddess wanted me to embrace this news and somehow, it gave me hope of what may occur in the future.  I looked at Joohyun, she was peacefully sleeping. Parang ayokong gisingin. Because once she wakes, she is greeted again by the harsh reality of this world. I am afraid that when she finds out about the new life she will be bearing inside her body, she will break. Takot man ako na mangyari iyon pero desidido akong magiging handa rin akong yakapin lahat.

Yayakapin ko ang buong pagkatao ni Joohyun. Pati na rin ang panibagong kaluluwa na magiging malaking parte ng buhay niya. 

I didn't notice that Yeri was gone while I was deep in my thoughts, staring at Joohyun. I embraced Joohyun in her sleep. I embraced her being and the being inside her, kung nandoon man siya. And I started embracing myself again, accepting what happened, learning more about myself.

Isa sa mga natutunan ko sa mga nakalipas na panahon ay life goes on even if you're dead. Ironic noh? Mali 'yung sabi nilang, learning is a lifelong process. Kasi kahit patay na ako, natututo pa rin ako. Learning is not just for a lifetime.

Back when I was still alive, I never felt this way for a person. It's strange how I wanted to be a part of someone's life so much. Kahit noong unang pagkikita namin, there was this urge within me to talk to her. And I realized at that moment while holding Joohyun in my arms, that maybe right from the start I didn't just want to be her friend. I wanted to know her. Her whole being. Her soul. 

Mahal na nga ata kita.

Hinigpitan ko ang yakap kay Joohyun nagkukunwaring nararamdaman niya rin. Sa ilang taong nakalipas na kasama ko siya, naging magaling na akong magpanggap. Hanggang imahinasyon nalang lahat.

 

Kinabukasan, back-to-work ulit na parang walang nangyari. Gising, work, uwi, tulog. Ilang linggong paulit-ulit ang routine niyang iyon. Halos walang pinagbago ang kilos at katawan ni Joohyun. Nagduda tuloy ako kung tinuloy nga ba ni Dian Masalanta ang basbas. 

Pero isang umaga, nagising nalang si Joohyun at tumakbo sa banyo. It was an unusual sight kaya kahit ako nagmadaling habulin siya. Mahigpit siyang kumapit sa inidoro habang nagsusuka. Hinimas ko ang likod niya, nagbabakasakaling nakatutulong ito para mapagaan ang pakiramdam niya. Matapos ay napasalampak nalang siya sa tabi inidoro at napasandal ang ulo sa ibabang parte ng lababo. Hapong-hapo at napatulala nalang sa nangyari. Kitang-kita sa mga mata ang takot tungkol sa nangyari. 

Umupo ako sa tabi niya. It hurts to see her so helpless and alone. 


Napabuntong hininga siya at napapikit. Parang alam na agad ang rason kung bakit siya nagsuka. Nanginginig na umangat ang kanang kamay niya sa bandang puson niya. 

"May buhay na ba rito?" Mahinang bulong niya. Nanatiling nakadapo doon ang kamay niya. Maya't-maya lumuluha na siya at wala na naman akong nagawa kundi magpanggap na nararamdaman niyang tunay ang mga bisig ko.


Kinagabihan, tinawagan niya ang bestfriend niya para sabihin 'yung suspetiya niya. 

"Kailan ka ba huling nagkaroon?" tanong ni Jennie habang nagtitimpla ng kape. Nakita ko kung paano kumunot ang ilong ni Joohyun sa amoy. 

"Last month pa. Dapat noong unang linggo ngayong buwan pa ako. Akala ko baka na-late lang. Minsan kasi irregular ako. Hindi ako nagkakaroon minsan sa isang buwan." Napasandal si Joohyun sa kinauupuan niya. Umupo naman si Jennie sa harap niya at pinatong ang tasa ng kape.

"Baka kung ano na 'yan kung madalas kang hindi nagkakaroon ng isang buwan. Pero baka iba... Bili kaya ako ng pregnancy kit. Gusto mo ba?" Tanong ni Jennie sa kanya. Umiwas lang ng tingin si Joohyun na tila naiilang. 

"Nagcondom ba siya noong..." Hindi na tinuloy ni Jennie ang tanong nang biglang umiling si Joohyun. 

"Ayoko."

"Ayaw mong bumili ako ng pregnancy kit... O 'yung hinala dyan sa sinapupunan mo?" Dahan-dahang tinanong ni Jennie. She knew that Joohyun is starting to close herself from the world again. "I'm here to listen, okay? Hindi ka nag-iisa. Okay lang na nararamdaman mo 'yan." Hinawakan ni Jennie ang kamay ni Joohyun na nakapatong sa lamesa na pumapagitan sa kanila. 

Hindi na napigilan ni Joohyun ang umiyak at inalo naman siya ng bestfriend niya. Sa gabing iyon ay bumili rin si Jennie ng pregnancy kit nang pumayag na si Joohyun. Inabot niya ito bago siya umalis. 

Madaling araw na nang magkaroon ng lakas ng loob si Joohyun para i-klaro ang kanyang hinala. Hindi ako sumama sa kanya sapagkat pakiramdam ko wala ako sa posisyon para salubungin ang balita kasama siya. Sa tingin ko sa mga oras na 'yun, dapat siyang mapag-isa.

Pagkagaling sa banyo ay dumiretso na siyang humiga sa kama. Dilat ang mata buong magdamag. Nagmumuni-muni. Tumigil na ang mga luha sa pagtakas. 

Mas naging kakaiba ang kilos ni Joohyun sa mga susunod na araw. Halos araw-araw may morning sickness siya. Hindi ko mawari kung natutuwa ba siya o hindi. Ni isang emosyon ay hindi ko mabasa sa kanya. Parang nakasuot siya ng maskara kahit mag-isa siya. Parang may tinataguan siya.

One night, Junmyeon went to her condominium and she broke the news. Parang kay Joohyun, hindi ko mawari kung anong reaksyon niya noong una.

"Hyun, lasing tayo noon..." 

"Alam ko."

"Nagsisimula palang tayo sa mga career natin."

"Alam ko."

Tumayo si Junmyeon at tumalikod kay Joohyun na nakaupo sa sofa. Napasandal ito sa sliding door papuntang balcony. 

"Hyun, hindi pa pwede. Hindi ko pa kaya..."

"Ako rin... Pero nandito na." Naluluha si Joohyun pero pinipilit niyang iurong ang mga luha sa paglabas.

"What happened between us that night, it was... it was not..." Hindi matuloy ni Junmyeon ang sasabihin niya. 

"...Out of love. Alam ko." 

Napaharap si Junmyeon sa kanya na lumuluha. Niyakap siya nito at humingi ng patawad. Hindi umimik si Joohyun parang namanhid na sa emosyon. Walang emosyong pinatahan niya si Junmyeon. 

Their last breakup was the worst they had. On and off ang relationship nila since college. Parang tug of war na naghihilaan. Pero parang kada nagsasama sila ay nagiging iba ang intensyon. Sometimes, I think that maybe they fell out of love. There are times na hindi ko na makita 'yung spark sa mga mata nila. Para silang bumalik ng relationship dahil lang sa nasasayangan sila sa panahon ng pagsasama nila dati. 

"Paano na 'yung mga taon na 'yun, Hyun? Wala na talaga? Hindi na mababalik?" Naalala ko pang sabi ni Junmyeon sa kanya noong huling taon ni Joohyun sa college. Nagkabalikan sila noong paghaharap nilang iyon. Pero nagbreak din sila matapos ang ilang buwan bago mag board exam si Joohyun. Their last breakup.

In their last breakup, there were only a few words said. They just met over dinner and decided to go on their separate ways, focus on their careers and reaching their dreams. Halatang pagod na pagod na sila sa isa't-isa. 

But what happened at the club, parang bumalik ulit sa dati. Sa umpisa, akala mo may pag-ibig ulit pero habang tumatagal naaalala nila 'yung mga rason kung bakit sila naghiwalay dati. Siguro ganoon talaga. Kapag akala mong 'yung taong nasa harap mo ay 'yung soulmate mo. 

I have heard one of Joohyun and Jennie's conversation before and what Joohyun thinks about her relationship with Junmyeon. They were soulmates para sa kanya kasi kahit na ilang beses na silang naghihiwalay, nagkakabalikan pa rin sila. It was like fate was pushing them towards each other. Joohyun felt that way and even if Jennie says otherwise, Joohyun does not listen.

Linunok ko 'yun. I suppressed my emotions for Joohyun kasi doon siya masaya eh. If thinking that someone else is her soulmate makes her happy then, I'll embrace her. Kahit mahirap tanggapin. Kahit nakakababa ng self-esteem, kung mayroon man ang isang kaluluwa niyon. Kahit masakit. Tutal, hindi naman niya ako kilala. Hindi niya alam na nag-eexist ako kaya may karapatan ba talaga akong ma-offend? Masaktan? O malungkot?

Sabi nga nila, we accept the love we think we deserve. If Joohyun thinks that the love she deserves is the love from Junmyeon, anong magagawa ko? 

I just have to watch it all unravel in front of my eyes. I have to suppress all the heartaches, the pain, the sadness and the longing if I want her to be happy. At tulad ni Joohyun sa kaganapan ng gabing iyon, linunok ko lahat ng emosyon ko. 

Sa pagsara ng pinto ng unit ni Joohyun hanggang sa pagsara ng pinto ng kanyang kwarto, pinipigilan pa rin ni Joohyun ang kanyang emosyon. 

Let go. Hayaan mong akuhin ko lahat ng sakit mo. 

 

 

Joohyun spent the night crying until she fell asleep while I spent the night looking at her. As I lay down beside her, I can't help but recall how much time passed between us. 

For the years I have been with Joohyun, I have memorized her facial expressions. Staring at her in that moment, it was kinda funny how she raised her right eyebrow in her sleep. 'Di ko alam kung napapansin niya pero madalas tumaas yung kanang kilay niya. Minsan kapag nakangiti siya, kapag nagsusungit, at kahit 'pag nagugulat. She has exquisite features. I sometimes can't believe how Bathala molded her into a fine woman. But above all her features, I found something in her that is brighter than any other gem. Her personality.

Mas pinapaganda ng katauhan niya ang kanyang panlabas na anyo. Alam ko na mabuti ang kalooban ni Joohyun at sa kung ano mang rason, mas inuuna niya ang iba kaysa sa sarili niya. Tulad ng mga pangarap ng Papa niya para sa kanya, mas inuna niya iyon hanggang sa nalimutan niya na kung ano nga ba ang mga pangarap niya para sa sarili niya. 

She has this motherly vibe in her. Siguro, ganoon talaga ang mga panganay lalo nang naulila sila ng ina. Kaya I think she will be a great mother. She always looked after her younger sister. Tuwing may problema ito, bukas ang dalawang tenga niya para makinig. Pero ni isang beses ay hindi siya ang unang kumausap sa kapatid niya tungkol sa sariling problema niya. Laging napapansin ng kapatid niya kung may problema siya. Maliban sa araw na iyon...

Matapos ang ilang araw mula noong bumisita si Junmyeon, biglaang bumisita sa kanya ang kapatid niya. Ngayon ko lang na-realize na hindi ko pa pala nababanggit ang pangalan ng kapatid ni Joohyun. Her name is Jisu. Matagal na itong nakapagtapos ng pag-aaral at nagsisimula palang ito halos sa trabaho niya. May dala-dala itong mga pasalubong galing sa Dubai. Doon na kasi ito nagtrabaho nang ipasok siya ng Papa nila sa dating agency nito. Tulad ni Joohyun, nakapagtapos din ng civil engineering ang kapatid niya. Ang pinagkaiba lang, mahal ng kapatid niya ang ginagawa niya.

"Alam mo may mga opening sa agency. Pwede kitang irecommend. Lagi akong sinasabihan ni Papa na kulitin daw kita para mag-apply ka. Sabi ko naman, kuntento ka na rito sa Pilipinas." Sabi nito habang kumakain ng ice cream. Kasalukuyang nakaupo sila sa sala habang nanonood ng pelikula. Kinuha ni Joohyun ang remote at pinindot ang pause. "Bakit mo pi- Hala, bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang sabi ng kapatid niya. Pinatong nito ang baso sa center table at inalo siya. Comedy movie ang pinapanood nila.

"Huy... Ate? Anong nangyari?" Hindi mapigilan ni Joohyun ang luha niya. Hindi rin alam ni Jisu kung anong gagawin niya, first time niyang makitang ganito ang ate niya. 

"May ipagtatapat ako sayo... 'Wag mong sasabihin kay Papa, please." Hikbi ni Joohyun. Nanatiling tahimik ang kapatid niya habang hinahagod ang likod niya. "Sige, Ate. Makikinig ako at hindi ko sasabihin kahit kanino..."

At pinagtapat na ni Joohyun ang kanyang munting lihim. Gulat na gulat ang kapatid niya sa sinabi niya. Pero hindi niya sinisi si Joohyun sa nangyari bagkus ay hinayaan niya lang magsalita si Joohyun. For the years I have been with Joohyun, I witnessed how she became a strong pillar for Jisu. She wanted to become a role model to her and Jisu greatly admires her for it. But tonight, her sister became a stronger net for Joohyun to land upon.
 
Nagkatinginan kami ni Chanyeol habang binabantayan ang magkapatid. At tulad ng magkapatid, naluha si Chanyeol sa mga nakita niya. Masama akong tinignan nito dahil natawa ako sa itsura niya. Hindi ko rin maipagkakaila na nakakahaplos naman talaga sa puso ang mga pagkakataon na ganito. It was touching to see that Joohyun is finally opening up to the world, and more importantly, to herself. 


Siguro nasa isip mo, seryoso na 'yung daloy ng storya. Ang realidad ay realidad at hindi ko mapapawi ang kabigatan nito kahit gustuhin ko mang pagaanin para kay Joohyun. Papunta palang tayo sa pinakamabigat na parte ng buhay ni Joohyun. At sa kanyang ama nagsimula ang pagpasan ng bigat ng mundo. 

Nakalipas ang ilang araw, Joohyun found herself at the gate of her old home. Ilang taon na rin ang nakalipas noong huling tumapak si Joohyun rito. She rode senselessly like she was going to a destination she doesn't even know. She went there to finally break the news to her father just like what Jisu suggested. Sa gate palang, sinalubong na agad kami ng Papa ni Joohyun kasama si Sunny. 

"Anak, buti napabisita ka. May mga openings sa kumpanya. Nakausap ko na rin sila, pwede ka nila ipasok doon. Ako na bahala, ibigay mo lang sakin 'yung mga documents mo." Bungad ng kanyang ama sa kanya habang inilapag sa harap niya ang isang plato ng mga puto. Umupo sa harap niya ang Papa niya. "Kain ka na." Kumuha ito ng puto at biglang tumayo nang naalala 'yung orange juice na tinimpla niya. Pumunta ito sa kusina. Nanatili pa rin si Joohyun sa pwesto niya, motionless, hanggang sa pagbalik ng kanyang ama. 

Nagsalin ng juice ang kanyang ama at inilapag sa harap niya, matapos ay nagsalin din ang Papa niya para sa sarili niya. Kumain ulit ang ama niya ng puto. Hindi makatingin sa kanya si Joohyun. Katahimikan ang pumagitan sa kanila.

"Hindi pwede..." Pagbasag ni Joohyun ng katahimikan. Napatigil sa pagnguya ang Papa niya at tumitig lang sa kanya tila hinihintay ang mga sasabihin niya. "Hindi pwedeng mag-abroad ako. Ayoko. Alam mo 'yan, Pa." Akmang aangal ang Papa niya sa sinabi niya nang unahan siya ni Joohyun, "At..." Binalik na ni Joohyun ang tingin sa kanyang ama. "Buntis ako." Napahawak si Joohyun sa maliit niya pang tiyan.

Hindi maipinta ang itsura ng kanyang ama. "Sigurado ka ba dyan?" 

Tumango siya. Bago siya pumunta rito ay sinamahan muna siya ng kapatid niya sa ospital para magpacheck-up at nakumpirma ngang may munting buhay na sa kanyang sinapupunan.

"Kailan pa?"

"Mga isang buwan na"

"Sino ang ama?" Joohyun remained silent for a while like she's unsure of the answer.

"Si Junmyeon."

Tumayo ang Papa niya at dali-daling pumunta sa sala. Sinundan naman siya ni Joohyun. Hawak-hawak nito ang susi ng kotse. 

"Pa?" tawag ni Joohyun. "Pupunta tayo sa kanila at hihingi tayo ng sustento. Hindi pwedeng hayaan ka nalang niya." 
Kung umasta ang kanyang ama, parang alam niya kung saan ang bahay ni Junmyeon.

"Napag-usapan na namin 'yan, Pa. Aakuhin ni Junmyeon ang bata." 

Lalong nalugmok ang itsura ni Joohyun sa susunod na sinabi ng Papa niya, "Magpapakasal kayo. Hindi ako papayag na hindi. Tara na."

Hindi na napigilan ni Joohyun ang kanyang ama. Surprisingly, her father knew where Junmyeon's family residence is. Apparently, their parents secretly met before, Joohyun's father initiated it. Wala si Junmyeon sa bahay dahil matagal na raw itong bumukod sa kanila. Ang mga magulang lang ni Junmyeon ang naabutan nila doon. Joohyun remained silent the whole time their parents were arranging an agreement, na parang negosyo 'yung pinag-uusapan nila, na parang hindi nila hawak ang sarili nilang buhay. They're adults, for Pete's sake! Tapos na ang usapan nang dumating si Junmyeon. Tahimik pa rin si Joohyun. 

"Joohyun, papayag ka nalang doon?" Tanong agad ni Junmyeon habang tinuturo 'yung kaganapan sa loob. Kasalukuyang nasa hardin sila para mag-usap. Hanggang ngayon, tahimik pa rin at nakayuko si Joohyun.

"'Di ba napag-usapan na natin 'to?" Hinawakan ni Junmyeon sa magkabilang balikat si Joohyun. Sinalubong ni Joohyun ang tingin ng dating kasintahan. 

"Naisip ko lang. Mas gugustuhin kong magkaroon ng kumpletong pamilya para sa... kanya." Pag-aalinlangan ni Joohyun, hindi alam kung anong itatawag sa anak niya. Hinawakan ni Joohyun ang tiyan niya. "Hindi ko naman tatakbuhan ang responsibilidad ko, Joohyun. Tatayo pa rin akong ama niya. Kaya ko kayong sustentuhan pero kasal? Joohyun, hindi naman natin gustong mangyari 'yun."

"W-wala na ba talagang pag-asa?" mahinang tanong ni Joohyun. Natahimik si Junmyeon at napahilamos ng mukha. Mariin na kumuyom ang kamay ni Joohyun. Nang huminga siya nang malalim, pinakawalan niya na rin ang pagkakuyom. She still wants him. Ako naman ang napakuyom ng kamay.

"I'm sorry, okay? You always have a special place in my heart, you know that. Pero hindi na mababalik 'yung dating tayo... Kaya, please, Joohyun. 'Wag kang papayag nalang." Pagmamakaawa ni Junmyeon. Kahit mukhang ayaw ni Joohyun ang nais na mangyari ng dating kasintahan, ginawa niya pa rin. 

 

Pinaglaban niya. Pinaglaban nila. 

May mga oras lang talaga na sa kalagitnaan ng laban, mapagtatanto mo na may mali sa pinaglalaban mo, na may butas sa mga rason mo. Sabi nga nila, ang pinakamagandang solusyon sa isang alitan ay 'yung maibibigay mo ang kagustuhan ng dalawang panig. Sa gitna ng giyera, sumuko ang isang panig. 

They realized they can still do the things that they want even if they tie the knot. Kaya pa rin naman nilang magtrabaho at maabot 'yung mga pangarap nila. 

Sa papel lang naman. 

At para na rin sa anak nila. 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sizterette
After much reconsideration, here is the epilogue. I agree with some of your sentiments regarding sa story but I just got scared of ruining it kasi napaglipasan ko na to ng panahon sa pagsusulat. Thank you so much if you reached this part! Sana naenjoy niyo ❤️

Comments

You must be logged in to comment
turtlenaut_ #1
Chapter 12: saktong sakto sa existential crisis ko author-nim 🙂 thank you! sana nga there's something beautiful on the other side ❤️
JiHyun12 #2
Chapter 12: Love this story author! Thank you so much!
redlighton #3
Grabe, this story is so underrated! Feeling ko yung movie line na “this is not a love story, but a story about love” applies to here as well. Seulgi’s narration, wala akong masabi. Para lang din akong nagbantay kay Joohyun throught the years. Love is patient nga talaga… I just wished the ending was a bit longer. An epilogue/special would be nice too… or even just add 5 paragraphs just to show a glimpse of the moment of finally meeting again! Feel ko deserve din ng readers yun bukod kay Seulgi na matagal nag antay 🥹
JiHyun12 #4
Tor what if irene’s pov naman kahit isang chapter lang hihi
JiHyun12 #5
Chapter 11: 🥺🥺🥺☹️
KaiserKawaii #6
Chapter 11: Hello author. Ngayon ko lang nabasa to. Pero grabe ka naman sa pagpapaiyak. Sobrang ganda ng pagkagawa. Ganda ng idea. Wow. May nakaisip nang ganitong style. Eto na ata ang fav Filipino fanfic.

Ansakit pala ng idea na forever ka lang nakamasid sa taong meant for you. At maging unselfish.

Sobrang ganda talaga. Wow. Di nga ako nakatulog nang maaga para lang matapos in one seating.
howdoyouknowmee
535 streak #7
Chapter 11: Came from twit and owemgee ngayon ko na lang din naalala to huhu
Usernam31 #8
Chapter 9: Napaka ganda po talaga nito authorrr!!! Waiting po sa nextt chapter.
sevi_ely #9
Chapter 9: Patapos naaaaaa?ಥ╭╮ಥ
Baechu29 #10
Chapter 8: Huhu binasa ko to in one seating author. Hindi ko alam pero basta na lang tumutulo luha ko. Hindi ko alam kung para kay Seulgi ba o kay Joohyun, siguro pareho. Parang bigla kong narealize na dapat sulitin ko ang mga panahon at pagkakataon na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Salamat kasi minulat mo ako ng totoo ngang, 'you only live once'. Salamat dahil madami akong natutunan sa story mo. Looking forward sa mga susunod na chapter. :)