Pang-anim: Ang Biyak Sa Dibdib

Tanikala ni Bathala

TW: death

 

Sa edad na dalawampu't siyam na taon, isinilang niya ang kaisa-isang anak niya.

9 months na dinala ni Joohyun ang anak sa sinapupunan niya pero 'yung hirap niya para sa anak niya ay hindi lang nagtatapos doon.

Kasama nila ako noong sinalubong nila sa mundo si Jun. A bouncing baby boy. Tumigil ang mundo ng mag-asawa nang kinarga nila ang anak nila. Kitang-kita sa mukha ang tuwa. I pictured them to be a perfect family. Joohyun, Junmyeon, and Jun. And I can't help but smile seeing them so happy. Seeing how Joohyun beams. 

Sa mga segundong 'yon, nakita ko ang pinakamatamis na ngiti ni Joohyun. Sa loob ng ilang taon, sa oras lang na iyon ko siya nakitang ganoon kasaya. How can a little fragile body make her glow like the sun shining on the horizon? Iba talaga ang pagmamahal ng isang ina. She had mixed feelings. 'Yung dating pangamba, takot, at sakit ay napalitan ng tuwa at kapanatagan. I also felt her eagerness to take care of her son as I saw the way she looks at Jun.

The little boy's cry touched everyone's heart including mine.

Pinasaya niya si Joohyun.

Pinasaya niya rin ako.

Kaya nangako ako sa sarili ko.

Jun, mamahalin kita katulad ng pagmamahal ko sa iyong ina. Hindi ko man mapapantay ang pagmamahal na ibibigay ng mga magulang mo ngunit mamahalin pa rin kita sa alam kong paraan. Mamahalin kita na parang anak kita.

"Seulgi..." tawag sakin ni Yeri. Ibinaling ko ang tingin ko mula kina Joohyun papunta sa kanilang tatlo nina Wendy at Sehun. Ngumiti ako at isa-isang tumagaktak ang mga luha ko. Hindi dahil sa lungkot, panibugho o galit kundi dahil sa tuwa. Who would have thought?

In those 9 months of waiting for Jun, I grew weary and reluctant. I thought that I would never accept the kid. Oo, wala naman akong karapatang maramdaman iyon. But it hurts to remember that this was not supposed to happen. Hindi naman mabubuo ang bata kung buhay pa ako. Hindi naman siguro...

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano 'yung nararamdaman ko sa siyam na buwan na iyon. Galit ba sa demonyong kumitil ng buhay ko? Selos ba dahil mukhang masaya naman si Joohyun kahit wala ako sa buhay niya? Pagod sa kakahintay kung kailan ba ako makakaalis sa mundong kinalakihan ko? O lungkot...

 

Dahil pakiramdam ko mag-isa lang ako.

 

Kaya ayokong maramdaman ni Joohyun na nag-iisa rin siya. Kasi unang-una, hindi niya dapat maramdaman 'yun dahil nakikita, nakakausap at nararamdaman siya ng mga taong mahal niya at nagmamahal sa kanya. Sa ano mang paraan, gusto kong malaman niya kung gaano siya kaswerte sa sitwasyon niya.

And most importantly, I want her to feel that she's not alone even in closed doors, even if she shuts herself from the world. Because I would always come knocking at her door. A visitor she would never expect nor see but somehow she will feel.

 

Hindi ko rin alam kung saan at kailan nagsimula 'yung nararamdaman ko sa kanya. Siguro walang simula o katapusan ang pagmamahalan ng magkabiyak na kaluluwa. Siguro sa pagmulat ko palang sa mundong ito, alam kong mahal ko na siya. Siguro sa coffee shop palang. Hindi ko maituro kung saan.

Like Joohyun, I think I have found my purpose again. That is to love her, even if I get tired sometimes, even if how long the wait will take. 

Corny mo, Seulgi. 

Sabi sa inyo eh, napaka-cliche ng kwento ko. Ito ata nagiging kalabasan kapag laging nakikinood sa mga romance movies na pinapanood ni Joohyun. Cheesy na.

 

Anyway...

The trio suddenly became a happy family. It's like Jun patched the issues between his parents. Hangga't makakaya, maaga nang umuuwi si Junmyeon mula sa trabaho. Maasikaso ang lalaki hindi lang sa anak kundi pati na rin sa asawa niya. Parang ginayuma silang dalawa ni Jun sa isa't-isa. Nakikita ko na muli ang pag-usbong ng nawalang pag-ibig ng dalawa. 

Isa siguro sa pinakamasayang gabi ng mag-asawa ay 'yung 1 year old ang anak nila. Matapos ang maliit na salu-salo kasama ang pamilya at iilan sa mga kaibigan nila sa isang buffet restaurant sa Manila-like what Joohyun preferred-they went home with happy faces. Nakatulog agad si Joohyun dahil sa pagod pagkatapos asikasuhin ang anak. Nagising siya alas onse ng gabi. Pagkalabas mula sa kwarto, bumungad ang mahinang tugtog mula sa t.v. Ang asawa niya ay nasa balcony, nakatalikod mula sa view niya.

Napaupo si Joohyun sa may sofa at bumusangot nang makita ang pakete ng sigarilyo at lighter sa center table. Mahilig manigarilyo ang asawa niya pero lagi niyang sinasabihan ito na tumigil para sa anak nila. Kung tutuusin noong magkasintahan pa sila, ni minsan hindi niya pinagsabihan si Junmyeon na tumigil sa paninigarilyo. Alam ni Junmyeon na ayaw niya ang amoy ng sigarilyo, kaya hindi ito nagsisigarilyo sa harap niya. Exception 'yung gabing iyon dahil mukhang bumalik ulit sa bisyo ang asawa niya.

Nagulantang siya nang biglang kumatok si Junmyeon sa sliding door ng balcony. Sinesenyasan nito na lumapit siya doon, umiling lang si Joohyun. 

"Ayoko. Amoy sigarilyo dyan." Sabi ni Joohyun. Binuksan ni Junmyeon ang sliding door at kunot ang noo na sinabi, "Ano?"

"Nagsigarilyo ka na naman." Dismayang sabi ni Joohyun. Napadpad ang mga mata ni Junmyeon sa pakete ng sigarilyo sa center table. Natauhan ito at umiling-iling. Lumapit ito sa kanya at tinago sa isang lata ang sigarilyo at lighter. 

"Ilang buwan na akong tumigil. Naalala ko lang na tinago ko rito dati..." Inalog-alog niya 'yung lata. "...Dapat susubukan ko ulit. Kaso naalala ko si Jun tiyaka alam kong ayaw mo." Ngumiti ito at dumiretso sa kusina para itago 'yung lata. Nanatili sa pwesto si Joohyun, sa t.v. ang atensyon.

"Kape, gusto mo?" Tanong ng asawa niya mula sa kusina. Bago pa sumagot si Joohyun ay nagsalita ito, "Ay. Ayaw mo rin pala." 

"Ayos lang. Magkape ka lang."

"Hot Choco?" Lumingon si Joohyun papuntang kusina. Nakatingin pala sa kanya ang asawa niya. Marahan na tumango lang siya. Ngumiti naman si Junmyeon at tumalikod para magpainit ng tubig. 

Naiwang nakabukas ang sliding door ng balcony kaya pumunta doon si Joohyun. Masarap ang simoy ng hangin at saktong-sakto ang tugtog na mula sa t.v. I sensed calmness from Joohyun. Parang biglang gumaan ang katawan niya. Sa mga nakalipas na panahon, mas naiintindihan ko na ang kompleksidad ng emosyon niya. Mas nabibigyan ko na ito ng pangalan at mas napapansin nang mabilisan.

 

'Yung pakiramdam niya eto 'yung sinasabi nilang nakaka-senti. 'Yung tipong umuulan tapos nasa traffic ka pero ayos lang kasi nakasuot ka naman ng earphones at nakadungaw ka lang sa bintana. Parang bida ka sa isang pelikula. At parang walang mangyayaring masama kasi 'yung eksena na 'yun sa pelikula ay ginawa para lang maipakita ang kalmadong buhay ng bida matapos ang lahat ng kaganapan sa storya. 

Kung isa akong manunulat talaga, dito ko tatapusin ang kwento ni Joohyun. Dahil matapos ang hindi ko na mabilang sa mga kamay na pagsubok na iginawad ko sa minamahal kong bidang likha, sa tingin ko, nabigyan ko na ng hustisya ang karakter niya. Naiparating ko na ang balita sa mga mambabasa. At wala nang tao o pangyayari ang makakapanakit pa kay Joohyun dahil naituldok ko na, nabigyan ng lagda at nailimbag. Nasa mambabasa na kung anong susunod na mga pangyayari sa buhay ni Joohyun. Nasa inyo ba kung paano niyo mailalarawan ang wakas.

Sana ganoon nalang kadali iyon.

 

Nanatiling nakasandal si Joohyun sa railing ng balcony. Eto nga lang ata 'yung pagkakataon na hindi siya natakot sa matataas na lugar. Iilang palapag lang naman ang taas ng unit nila pero kadalasan tuwing umaga ayaw mamalagi ni Joohyun dito dahil nalulula raw siya. Isa sa mga bagay na pinagsisihan niya sa napiling unit na binili noon pa man.

Dumating si Junmyeon, may dalang dalawang tasa. Pinahawak nito muna kay Joohyun ang mga ito at bumalik sa loob para kumuha ng upuan sa kanilang dalawa.

 

Umupo lang sila doon, nakatitig sa kawalan, habang paminsan-minsang humihigop sa mainit na inumin.  

"Kumusta ka na?" Simula ni Junmyeon. Wala pa ring pagbabago sa mga routine nila. Kadalasan, ilang araw na hindi uuwi si Junmyeon. Pero 'di tulad dati na walang pasabi, sinasabihan na siya ngayon ng asawa kung hindi makakauwi. Sa ngayon, ang lalaki lang ang may trabaho sa kanila. Pinilit siya ni Junmyeon na 'wag munang magtrabaho dahil kaya naman niyang ibigay ang pangangailangan nila. Sa katunayan, kamakailan lang ay na-promote ito. Bagay na hindi inakala ni Joohyun na mangyayari, knowing how he used to not take work seriously before. Ganoon siguro kung anak mayaman. Nagbago man ang lalaki pero may isang aspeto sa kanya na hindi mawari ni Joohyun kung nagbago na rin. Tumigil na ba ito sa pambababae?

Natawa lang si Joohyun sa tanong niya. "Eto full-time Mom. Ikaw?"

"Eto. Miss ka na." 

Kunot ang noong ibinaling ni Joohyun ang tingin sa asawa niya. Mukhang nagpipigil ito ng tawa habang ibinabalik ang tingin sa kanya. Natawa silang dalawa. 

"Corny mo" 

"Dahil sa ka-corny-han ko kaya ka na-in love sa'kin dati." 
 

"Ano 'to? Ungkatan ng past?" Nakangiting umiling-iling at tumayo na si Joohyun. Lagi niyang iniiwasan kapag napupunta sila sa ganitong usapan. Kahit madalang silang mag-usap ng ganito. 

 

Before she can even leave, Junmyeon stopped her by hugging her from the back.

"Pero totoo talaga. I miss you, Hyun... And I am sorry for acting like I am not grateful for you..." They stayed still for a second and as if on cue, one of the most romantic but angsty song played from the television.

 

Miss You by Juan Karlos

Oh how I'd wanna be

With my love so divine

 

It's like their own bodies communicated that they started swaying.

 

Just you and me

A souls intertwined

 

Hinarap siya ni Junmyeon sa kanya at itinabi ang hawak nilang mga tasa. Automatically, Joohyun clasped her arms around his nape and Junmyeon held her closer by the waist.

 

I wanna see the fireworks with you 

Want to breathe in gun powder with you

Want to witness explosions in the sky

Know I...

 

They continued swaying to the music as if they are in their own world. 
 

Oh how I miss you

Wanna bring you to outerspace

 

Sinabayan ni Junmyeon ang pagkanta at inikot si Joohyun.

 

I wanna kiss you

Be with you on New Year's Eve

 

Mas naglapit sila. Magkayakap na sumayaw sa ilalim ng buwan. At that point, I left the scene. Not because I was bitter about it but I felt that I was not supposed to witness their intimacy. Parang sa kanila lang dapat 'yung alaala na 'yun. Sila lang dapat ang makakita, makaramdam, at makaalala. 
 

Siguro nasa isip mo, ang corny naman ng pagka-kwento ko. Sa totoo lang, hindi ko kasi alam kung paano ko maisasalarawan 'yung eksena na 'yun na walang bahid na lungkot. Kasi sa tingin ko, kung si Joohyun man ang magkukwento, ikukwento niya iyon na walang halong pait. 

It is a special moment for her. One that she truly cherishes in the bottom of her heart. Isa iyon sa mga alaala na alam kong iniisip niya tuwing nasa alaga siya ng kadiliman ng gabi. A memory that left a bittersweet taste in .

Kasi iyon na ang huling beses na isinayaw siya ng asawa niya.

At iyon na ang huling beses na ipinadama sa kanya na mahal pa rin siya nito. Hindi man kasing lalim ng pag-ibig nila noon, pero nandoon pa rin. May parte pa rin sila sa puso ng isa't-isa.

The little things, like remembering what she dislikes and serving her a hot chocolate in the middle of the night, those were very much enough for Joohyun. Kuntento na siya doon. 

And those little things are what she misses the most. 

 

Lumitaw si Sana, kinaumagahan ng gabing iyon. Siya ang soulmate ni Junmyeon.

Nakaramdam ako ng konting kaba at lungkot nang makita kong may kasamang iba si Sehun. Kahit kailan hindi ko siya nakita o kahit man lang narinig na banggitin ni Junmyeon ang pangalan niya. Curious din ako kung magkakilala ba sila o hindi. Ang pagiging chismosa talaga, umaabot hanggang kamatayan. 

She often stares at Junmyeon while he sleeps and I lost count on how many times she sighed. Sa iisang kama na kasi silang natutulog ni Joohyun, malapit sa crib ng anak nila. Si Junmyeon ang laging taga-alo kapag nagigising si Jun tuwing madaling araw. 

We never talked, so I don't really know what happened to her. Ang alam ko lang, naaksidente siya habang nagmamaneho pauwing probinsya. Apparently, a ghost showed in the middle of the road she was taking. Then, ayun. 

I actually wanted to talk to her because I feel like we can relate to each other. No, scratch that. Relate na relate talaga. I saw myself in her. The longing in her eyes to her soulmate. 'Yung pagtitimpi nandoon din. Pero hindi ko magawang maibuka ang bibig ko kasi sa tingin ko wala ako sa posisyon para magsimula ng usapan. Napagdaanan ko rin ang sitwasyon niya at kung ako ang nasa sapatos niya, mas gugustuhin kong mapag-isa muna lalo na't bago palang ang sugat ng pagkamatay.

Nasaksihan ko rin 'yung epekto ng pagkamatay ni Sana sa soulmate niya. Walang sigla si Junmyeon, napansin din 'yun ni  Joohyun.

Unang gabi nang pagdating ni Sana, masayang naglalaro ang magpamilya sa sala.

"Mama..." Paulit-ulit na sabi ni Joohyun habang buhat-buhat si Jun. Nakangiting nakatitig sa kanya ang anak. Binubukas-sara ang bunganga, imitating his mom. "Mama" Tinuro ni Joohyun ang sarili niya. 

"Mmma..." Lalong lumapad ang ngiti ni Joohyun. "Yes, you can do it, baby. Say... Mama." Mas inemphasize ni Joohyun ang pagbigkas. 

"Mama" Napatayo si Joohyun sa tuwa. Karga-karga pa rin ang anak habang iniikot-ikot at hinahalik-halikan ang pisngi. Tawang-tawa ang bata sa lambing ng ina.

"Ok. Ako si Mama." Tinuro niya ang sarili niya. Kinarga niya patayo ang anak. 

"Siya? Si Papa..." Tinuro niya si Junmyeon, nilingon ng anak ang kanyang ama na busy na nanonood ng t.v. 

"Papa..." Sambit ni Joohyun habang nakatitig sa anak. Si Junmyeon naman ay lumingon na rin sa kanilang dalawa. 

"Jun, say Papa." Umupo na si Joohyun sa tabi ni Junmyeon. Nilapit niya ang anak sa ama habang ine-encourage ang anak na magsalita.

"Pa!" 

"You got it baby. Papa."

"Papa" 

Ngumiti ang mag-asawa. Niyakap lalo ni Joohyun ang anak at pinanggigilan ang pisngi. 

"Very good naman ni Jun." Sambit ni Joohyun. Gustong magpakarga ni Jun sa ama, kaya binigay niya ito sa kanya. Saglit na tinignan ni Joohyun si Junmyeon, tila pinapakiramdam. Kanina pa kasi ito mukhang wala sa mood.

"First words ni Jun. Sayang hindi natin narecord." Panghihinayang ni Joohyun. 

"Oo nga eh... Sayang." Walang siglang sabi ni Junmyeon habang pinapadede ang anak sa bote. Pinapaunti-unti na kasi nilang itigil ang pagbreastfeed. Lumayo ng kaunti si Joohyun nang mapansin ang pananalita ng asawa. "Hindi ka ba natutuwa?" Nawala ang ngiti ni Joohyun.

"Natutuwa... It's just that... 'Di ko rin ma-explain." Akmang tatayo na si Junmyeon nang pigilan niya ito. 

"Teka, pag-usapan natin 'yan. Anong problema?" 

Kumunot ang noo ni Joohyun pero mas malalim ang kunot ng noo ni Junmyeon, "Hindi mo rin maiintindihan..."

"Pa'no ko maiintindihan kung hindi mo sasabihin?" Mariin na sabi ni Joohyun. Pigil ang boses para hindi madistorbo ang patulog na anak. "Ano nga?" Mas umamo ang boses niya, mga mata'y sinusubukang huliin ang tingin ng asawa na kung saan-saang nakatingin. "Myeon..." tawag niya muli. Napabuntong hininga ang asawa niya at sinalubong siya ng tingin.

"Malungkot ako. Hindi ko alam kung bakit. Parang miserable ng buhay ko." He breathed in and let it out immediately like he is trying to stop himself from crying. Umiwas ito ng tingin kay Joohyun at tumayo na. "Gusto ko munang mapag-isa." sambit nito bago umalis. Sinundan lang ng tingin ni Joohyun ang mag-ama niya. Sumunod naman sa kanya si Sana na kanina pang nakamasid sa isang sulok. Sandaling nagkatinginan kami ni Sana at dumayo saglit ang tingin niya kay Joohyun. Hindi ko mawari kung nalulungkot ba siya sa pag-uusap ng mag-asawa o dahil sa pagkamatay niya.

Iba tuloy ang dating kay Joohyun ng pangyayari. Sa tingin ko, akala niya ay nagsawa na si Junmyeon agad sa kanila. But I feel bad for Junmyeon. Mahirap kontrolin ang emosyon minsan pero mas mahirap kapag hindi mo alam kung bakit mo nararamdaman 'yun. Ganito rin siguro ang naramdaman ni Joohyun dati.

Pakiramdam ng isang naulila ng kabiyak. 

Ilang araw na nawala si Sana. Ang balita ko ay binisita niya ang lamay niya at ilang beses na nagmunimuni kung saan. Hiniling daw nito kay Sehun na bigyan siya ng ilang araw para mag-isip. Pumayag naman si Sehun dahil pagma-may-ari pa rin naman daw ni Junmyeon ang kwintas. 

"Pa'no na 'yan. Kung nandito na si Sana, edi mawawala ka na rin dito?" tanong ko sa kanya habang nagtitimpla siya ng tsaa. "Dito pa rin naman ako kasi ipapamana pa ni Junmyeon ang kwintas kay Jun." 

"Hindi ko pa rin ma-gets kung paano 'yung sistema niyo ng pagmamana. So ngayon, walang guardian angel si Jun hangga't 'di niya pa namamana?"

"I am also his guardian angel. Noong pinanganak palang siya, ako na 'yung naka-assign kasi siya 'yung nakatakdang magmamana ng kwintas."

"Eh pa'no kapag may kambal pala si Jun. Sino 'yung magiging alaga mo sa kanila?" Humarap na sa'kin si Sehun at nilapag ang mga tasa sa hapag. Umupo siya sa harap ko. 

"Seulgi, lahat ng bagay, planado ni Bathala. 'Wag mo nang problemahin 'yun." Humigop ito sa tsaa niya. "Eh pa'no kapag dalawa silang nasa peligro? Pa'no mo sila mapoprotektahan?" Pumalumbaba ako. 

"Si Jun ang uunahin kong ililigtas."

"Eh? Pa'no si Junmyeon?" 

"Kung kaya ko pa siyang mailigtas, gagawin ko. Jun is my top priority because he is the heir." 

"That's cruel..." Napasandal ako sa kinauupuan ko. Napakalupit naman na parang hahayaan na nilang mamatay nalang 'yung alaga nila dahil may tagapagmana na ng materyal na pinamamahayan nila. Akala ko nga tatawag siya ng back-up o kaya may clone siya na tutulong kung ganoon nangyari. Nasabi kasi sakin ni Wendy na higit na malakas si Sehun at ang mga kauri niyang tagapagbantay na nagmamay-ari ng isang bagay kaysa sa kanila. 

"Yeah... Bathala's rules can be cruel sometimes. Tulad ng ipinasa niyang malaking desisyon sa inyong mga kaluluwang maagang humimlay." Tumingin siya sa'kin. "I'm glad you're still here, Seulgi. I just hope Sana will follow your path." Dugtong niya at mapait na ngumiti. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Hindi niya babantayan si Junmyeon?" 

"Much worse. I am afraid she's threading towards the dark side. Iba 'yung epekto sa kanya noong nalaman niyang hindi niya soulmate 'yung kasintahan niya. In fact, the only reason she wanted to attend her funeral was because of her lover." 

"Hala... Pa'no 'yun? Pa'no si Junmyeon kung magiging multo siya?" Nag-aalalang tanong ko. "He will die." 

Natahimik ako. "Kasi wala na siyang kabiyak dito. There's no point in living." 

So kung magiging multo ako, mamamatay din si Joohyun. Napakalupit naman ni Bathala. Can't people just live without their soulmates?  All my life, I never thought that someone can influence my life in that way. I always believed that we are individual beings and there's someone who is really meant for us. Though, we really influence each other may it be direct or indirect. Hindi naman sa puntong kapag namatay 'yung kabiyak mo, nasa bingit ka na rin ng kamatayan. That was not how I viewed soulmates. Even in the books and movies I've read and watched. Pero may pagkakapareho ang halos lahat ng mga literatura tungkol sa mga magkakabiyak, nagiging buo sila kapag magkasama. Siguro ayun nga lang ang tama sa mga haka-haka ng mga mortal tungkol sa kabilang buhay o sa buhay mismo. Lahat tayo ay may soulmate. Red string of fate. At 'yung paniniwala ng mga Griyego noon na dati ang mga tao ay apat ang mga kamay pati paa at dalawa ang ulo. Pero hinati ni Zeus sa dalawa ang mga tao dahil natakot siya sa kapangyarihan ng mga mortal. May kapangyarihan sa pagiging buo. 

Kahit nga ang relihiyong kinagisnan ko, may konsepto rin ng magkabiyak. It may not be implied in the scriptures, but who you're with in front of the altar while celebrating your matrimony is your soulmate. May isang pagkakamali lang akong napansin sa sumpaan ng kasal.

'Til death do us part.

"What will happen in his afterlife?"

"That's for you to know, Seulgi. I can't answer that." 

He stood up and went back to the kitchen to prepare another tea. "Pero tiwala ako sa tagapagbantay ni Sana, hindi niya pababayaan ang alaga niya. Ang hindi ko lang masisigurado ay 'yung magiging desisyon ni Sana." Humarap siya sa'kin at sinalubong ang tingin ko. Seryoso ang itsura.

"Kung dumating man sa ganoong pangyayari, magpakalakas ka para kay Joohyun, Seulgi."

 

Tila bang nagdilang anghel si Sehun. Dahil kinabukasan niyon ay hindi na nagparamdam si Junmyeon. Umalis ito ng napakaaga. Nagising si Joohyun na may text mula sa kanya na hindi muna ito uuwi. Saan ito tutuloy? Hindi alam ni Joohyun. Pero ilang beses niyang tinawagan ang lalaki para lang alamin kung saan pero hindi ito sumagot. Tumawag pa nga siya sa mga magulang nito, nagbabakasakali na umuwi sa kanyang mga biyenan ang asawa. Ang sabi ay dumaan lang daw ito saglit sa kanila at umalis na.

Dalawang araw na naghintay si Joohyun at ni isang beses hindi sinagot ni Junmyeon ang tawag niya hanggang sa naging out of coverage area nalang ito. Kahit sa trabaho ay wala raw ito. Sa ikatlong araw, may kumatok ng umaga sa condominium nila. Jun might have sensed the news and he cried right away before Joohyun can answer their guest. She was greeted by two men in blue and was asking for her.

May dala raw silang malungkot na balita.

 

 

Sa edad na tatlumpung taon, iniwan si Joohyun ng tinuturing niyang kabiyak niya.

She was forced to look directly at the cold and lifeless body of his husband just to verify if it was really him. Mukha siyang hihimatayin sa pagkaputla at nanginginig ang buong katawan niya sa ospital. Dala-dala niya ang kalungkutan kahit saan man siya mapunta. Sa katahimikan palang niya, alam na alam ng pamilya at bestfriend niya na kailangan na kailangan niya sila. 

Junmyeon died in his sleep due to brain aneurysm, according to authorities. He abused his body from drinking and smoking the night before his demise. May family history rin sila ng sakit na 'yun, his mother confirmed. But in the perspective of the immortals and mortals living in the 'other side', it was a different case. Siguro ganoon ang pinapalabas sa mga mortal kung bakit minsan may namamatay nalang habang natutulog. Knowing mortals, we never take the "unknown" for an answer. Lahat may scientific explanation at ayun ang mas kapani-paniwala. We were made unaware of the cruelty happening on the other side. But, I guess that's better than having resentment against the Creator's laws. Ignorance is bliss for the salvation we seek for. 

Iyon siguro ang mga araw na pinakatahimik si Joohyun. Tila nalimutan niya nang magsalita. Pero 'yun din yung mga panahon na bukas siya sa emosyon niya. Kasi kada bukas niya nang bibig niya, hindi niya mapigilang maluha. Lahat naman ay awang-awa sa kanya. Kahit ang mga kaibigan at katrabaho ni Junmyeon na hindi naman niya nakilala. Sino ba namang hindi maaawa sa nabiyudang may karay-karay na isang taong gulang na anak. Hindi mawari ng mga bisita kung sino ang papatahanin nila, si Joohyun ba o si Jun. Alam ng lahat na nagsisimula palang silang pamilya. 

I watched them, holding my own emotions. Ramdam ko ang lumbay ni Joohyun. Ni hindi ko siya nakitang pumikit nang higit isang oras noong lamay ng asawa niya. Ayoko nang dumagdag pa sa bigat na nararamdaman ni Joohyun kaya sinubukan kong hindi makaramdam ng lungkot para sa kanya. I need to be stronger. Ayokong maramdaman niya ang bigat ng hangin kapag mag-isa siya, kasi dapat maginhawa ito. The atmosphere is suffocating enough.

Junmyeon came back on the first day of his funeral. He was with Sana but she eventually left to give him space. Mukhang alam niya na ang totoong nangyari but he treated Sana well even if that's the case. Walang halong pagsisisi o poot. It's like he accepted his fate easily. But I don't really know what happened in his dreams. Kaya baka ginusto rin ni Junmyeon ito. 

He saw me and bitterly smiled. Hindi ko alam kung dahil ba sa selos o lungkot lang talaga. Ako ang unang-unang nilapitan niya noong dumating sila ni Sana. I guess, he also knew what happened to me.

"Salamat..." Sambit niya habang tinitignan namin ang mag-ina niyang naglalaro sa isang sulok. Mugto ang mga mata ni Joohyun pero pinipilit niyang ngumiti sa anak niya para hindi ito sumpungin. Kapag umiiyak kasi si Joohyun ay umiiyak din ito. 

"For what?" 

"For waiting and letting Joohyun live this long. It must have been hard witnessing her life... the way it turned out to be. L-lalo na noong nagpakasal siya sa iba. I'm sorry." Nauutal niyang sabi. Tinignan ko naman siya na parang tinubuan siya ng pangalawang ulo. "Bakit ka naman nag-sosorry?" 

"I just felt like saying it. Kasi pakiramdam ko may utang na loob ako sa'yo dahil hiniram ko 'yung hindi naman para sa akin."

"Joohyun was never mine and will never be mine." Binalik ko ang tingin ko sa mag-ina. Naramdaman kong lumingon siya sa'kin. "Yeah, it hurts seeing her treating someone as her soulmate but I can never blame her for her actions nor what fate dictates her life would be now that I'm dead. We may be fated to each other but I guess not in this lifetime. At kahit na ganoon, hindi ko pagmamay-ari si Joohyun. She owns herself and I own myself. I have no right to do whatever I want to her life without her consent. Kung saan siya masaya, doon ako." 

"You're so selfless..." He commented.

"I'm not" 

"You are. Ilang taon ka nang naghihintay?"

Nagkibit balikat lang ako. Matagal na akong tumigil sa pagbibilang ng araw, buwan o taon. I don't want it to be like I am counting down for her death, like I am looking forward for her life to end.

"Totoo talaga 'yung sinasabi nilang you'll never know what you've got until it's gone. I regret so much now. Isa doon 'yung hindi ko man lang napakita talaga kay Joohyun kung gaano ko siya kamahal. And how much I am grateful for treating me like her soulmate in this lifetime." Tumuloy siya noong hindi ako nagsalita. "Narinig ko na matagal ka nang naghihintay. Sinong selfish ang maghihintay ng ganitong katagal? You're my total opposite. You're like Joohyun. Kaya wala akong duda na ikaw ang soulmate niya. She puts others first before herself and you put her first before yourself." 

I didn't know how to respond. Ayoko ring matrigger ang sarili ko. Sa totoo lang, napakabigat ng pinag-uusapan namin ni Junmyeon pero nagkahalo-halo na ang emosyon ko. Hindi ko alam kung alin ang tama sa sitwasyon na 'to.

"A-and I am the selfish bastard who is going to ask a request to my wife's soulmate for my own gain." 

Liningon ko siya, hinihintay na ibalik ang tingin niya sa'kin. But his eyes were rooted towards Joohyun. He remained silent for a while probably composing what to say. With a sad look in his face, he looked at me eye-to-eye.

"Can I be Joohyun's soulmate for one last time? I-I just want to be with her and Jun until my burial."

And so, I spent the whole funeral looking at the once happy family. Tila bang naging buntot ng mag-ina si Junmyeon. Saan man mapunta ay nandoon siya, nakaantabay parang dati noong buhay pa siya. 

When they were burying his remains, Junmyeon hugged Joohyun one last time, kissed her head while his wife was pouring her eyes out and his son was crying in the arms of his aunt. Hanggang sa dulo ng hukay, sila ang magkabiyak.

'Til death do them part.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sizterette
After much reconsideration, here is the epilogue. I agree with some of your sentiments regarding sa story but I just got scared of ruining it kasi napaglipasan ko na to ng panahon sa pagsusulat. Thank you so much if you reached this part! Sana naenjoy niyo ❤️

Comments

You must be logged in to comment
turtlenaut_ #1
Chapter 12: saktong sakto sa existential crisis ko author-nim 🙂 thank you! sana nga there's something beautiful on the other side ❤️
JiHyun12 #2
Chapter 12: Love this story author! Thank you so much!
redlighton #3
Grabe, this story is so underrated! Feeling ko yung movie line na “this is not a love story, but a story about love” applies to here as well. Seulgi’s narration, wala akong masabi. Para lang din akong nagbantay kay Joohyun throught the years. Love is patient nga talaga… I just wished the ending was a bit longer. An epilogue/special would be nice too… or even just add 5 paragraphs just to show a glimpse of the moment of finally meeting again! Feel ko deserve din ng readers yun bukod kay Seulgi na matagal nag antay 🥹
JiHyun12 #4
Tor what if irene’s pov naman kahit isang chapter lang hihi
JiHyun12 #5
Chapter 11: 🥺🥺🥺☹️
KaiserKawaii #6
Chapter 11: Hello author. Ngayon ko lang nabasa to. Pero grabe ka naman sa pagpapaiyak. Sobrang ganda ng pagkagawa. Ganda ng idea. Wow. May nakaisip nang ganitong style. Eto na ata ang fav Filipino fanfic.

Ansakit pala ng idea na forever ka lang nakamasid sa taong meant for you. At maging unselfish.

Sobrang ganda talaga. Wow. Di nga ako nakatulog nang maaga para lang matapos in one seating.
howdoyouknowmee
535 streak #7
Chapter 11: Came from twit and owemgee ngayon ko na lang din naalala to huhu
Usernam31 #8
Chapter 9: Napaka ganda po talaga nito authorrr!!! Waiting po sa nextt chapter.
sevi_ely #9
Chapter 9: Patapos naaaaaa?ಥ╭╮ಥ
Baechu29 #10
Chapter 8: Huhu binasa ko to in one seating author. Hindi ko alam pero basta na lang tumutulo luha ko. Hindi ko alam kung para kay Seulgi ba o kay Joohyun, siguro pareho. Parang bigla kong narealize na dapat sulitin ko ang mga panahon at pagkakataon na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Salamat kasi minulat mo ako ng totoo ngang, 'you only live once'. Salamat dahil madami akong natutunan sa story mo. Looking forward sa mga susunod na chapter. :)