Panlima: Pangalan ng panaginip

Tanikala ni Bathala

A/N: Hello! Thank you for the 30 subscribers. Thank you rin sa mga nagcomment ng insgihts and sa naghintay for part 2. I really appreciate it. Sorry for the long wait. Anyway, try listening to Jess Benko's A Soulmate Who Wasnt Meant To Be and Munimuni's Tanikala, some songs I found inspiration of in writing this story. Happy SR day pala!

 

 

Tuwang-tuwa ang ama niya nang malamang pumayag na silang magpakasal. Matagal nang ginusto ng Papa niya na magpakasal na siya. Mas takot pa nga ata itong mapaglipasan siya ng panahon. Lagi nitong sinasabi na mahihirapan siyang makahanap ng lalaki na mamahalin siya pati na rin ang anak niya. At tiyaka, 29 years old na siya, mas gugustuhin ng mga kalalakihan ang mas bata at higit sa lahat 'yung wala pang anak. 

Sa munisipyo sila nagpakasal. Nakapasok din si Junmyeon sa isang kumpanya dahil kilala ng Papa ni Joohyun ang may-ari. His previous work did not pay him well and he did not have a stable job. Joohyun's father actually urged Junmyeon to go to Dubai instead. May mga connections din kasi siya doon. But Joohyun disagreed. Ano pa ang punto ng pagpayag niya sa kasal kung hindi rin naman kumpleto ang pamilya nila dahil OFW si Junmyeon? Joohyun knows the void that children feel in having a missing parent. She, herself, experienced it with both her parents. At ayaw niyang maranasan ng anak niya 'yun.

Masaya si Joohyun dahil si Junmyeon ang napakasalan niya. Ganoon din naman si Junmyeon. But there is an unspoken agreement that they are still allowed to fool around with others. Even if Joohyun was not clearly happy about it. Pero inintindi niya, kasi sabi nga niya aksidente lang naman ang lahat ng 'to. All accidents are considered mistakes, 'di ba? Sometimes I ponder whether she considers her child as a mistake. She may never admit it directly o baka hindi lang ganoon ang tingin niya sa anak niya. 


Junmyeon did his responsibilities though. I actually thought he would run away from it. Wala kasi sa itsura niya, parang hindi siya mapirmi sa isang tahanan lang kaya akala ko hindi niya aakuhin ang anak niya. Sa lahat ng check-ups, sinamahan niya si Joohyun. Sa lahat ng suka at paglilihi, nakaantabay siya. Sa baby shower nila, rinig sa boses niya ang tuwa nang malaman na lalaki ang anak nila. Siya pa nga mismo ang nagpangalan sa kanya. 


Jun.


He seriously took his role as a father right from the start. But he failed to do his duties as Joohyun’s husband.

Joohyun pretends that she doesn’t mind. Pinipilit niyang pagtimplahan ng kape araw-araw si Junmyeon tuwing almusal kahit na ayaw niya sa amoy nito. Nagbibingihan siya sa katahimikan nila tuwing nasa hapagkainan. 

A deafening silence. A heavy atmosphere.

Pikit ang mata niya sa bawat marka ng lipstick na nakikita niya sa leeg ng asawa niya. Nilulunok niya ang mga masasakit na salita na sinasabi nito tuwing umuuwi itong lasing. Tinitikom niya ang bibig niya kahit na gusto niyang magsalita at magreklamo. 

Ayos lang sa kanya ‘yun, kasi sa kanya pa rin naman umuuwi si Junmyeon. Medyo masokista noh?

Kung tutuusin pwede niyang i-lock ang pinto at palayasin si Junmyeon tutal sa condominium naman niya sila nakatira. Pero gabi-gabi, naghihintay si Joohyun. Kahit minsan walang pasabi kung uuwi ba ito o hindi. She remained faithful even if she can also do the infidelity Junmyeon does behind her back. Pero matatawag nga bang pangangaliwa ito kung hindi naman nila sineryoso ang mga salitang binitawan nila noong kinasal sila?

Para ngang wala silang pinagsamahan kung tratuhin siya ni Junmyeon. Parang hindi sila nagmamahalan dati. 

Napundi na ang ilaw na dating lumiliwanag sa daan papunta sa isa’t-isa. Kaya parehas silang kumakapa sa dilim para sa anak nila. Makahanap man si Joohyun ng kandila sa gitna ng kadiliman, iniihip naman ni Junmyeon ito.

I was there during the times when Junmyeon was not around. I was always there. I never left her. Naging mas madalas ang pagpapakita ko sa panaginip niya. Minsan ako ‘yung hangin na bumubulong sa kanya. May mga oras naman na isa lang akong presensya na nararamdaman niya. Isang yakap na hindi niya mayakap pabalik.

Ako 'yung nagbibigay ng posporong pansindi sa mga kandilang nakikita niya sa daan.

I always let her choose:

either she lights the candle and burn herself or do not light it at all.

She always chooses the former. At ako pa rin ang naglulunas sa lahat ng paso niya. The comfort in the dark. 

Pero sabi nga nila, hindi lahat ng paso ay nawawala. Nag-iiwan ito ng marka lalo na kung hahayaan mo nalang ito. At kahit anong gawin ko, may mga marka pa rin sa balat niya. 

It’s on her if she will just live with these marks, forget and remove these marks, or mark herself more.

May mga gabi na umiiyak si Joohyun dahil sa nararamdaman niya. Pati ako ay hindi mapakali. Lagi niyang tinatawagan si Junmyeon. Mabait naman ang asawa niya kapag tinatawag niya o may pinapabili, sumusunod ito agad. Basta para sa anak nila.

 

But there's this one night that Junmyeon didn't respond to her calls. She looked in front of the mirror and touched the swell of her stomach. Sinusuka niya lahat ng kinain niya kanina kaya mulang-mula ang mata niya at namumutla. Sinubukan niyang tawagan si Junmyeon pero hindi ito sumasagot. Ilang araw na rin itong hindi umuuwi. She gave up after 10 missed calls.

Joohyun stared at her face intently for a few minutes like she is having an internal battle right at that moment. Then, I saw how tears started to form in her eyes.

"Ayoko na..." bulong niya sa hangin.

Napasandal siya sa lababo habang pinupunasan ang mga luha. 

May mga oras na gustong-gusto kong magpakita sa kanya. Gusto kong maramdaman niya ang presensya ko. Those times are torture for me. Gustong-gusto kong magpakita sa kanya noon. Desperada na ako. Kung pwede nga sumapi ako sa kanya para ako nalang ang makaranas ng lahat ng sakit, gagawin ko.

Matamlay siyang bumalik sa kwarto niya. Walang nag-aalalay at dahil sa hilo ay napapasandal paminsan-minsan sa dingding. Pinakaayaw ko talaga kapag nakikita ko siyang mag-isang nahihirapan. Iyon na nga ata ang oras na sobrang hiniling ko na sana bigyan ako ng kapangyarihan na maalagaan siya at maparamdam na hindi siya nag-iisa.

Bathala, kahit ngayon lang...

Sinundan ko siya hanggang sa kwarto niya. Dumiretso siyang humiga vsa kama at umiyak. 

Pinatahan ko siya at hinagod ang likod, nagkukunwaring nasa iisang mundo lang kami. Sinabihan ko siya ng 'magiging okay ang lahat' kahit hindi niya ako naririnig. Niyakap ko pa rin siya kahit hindi niya ako nararamdaman hanggang sa nakatulog siya.

Even in her sleep, her angelic face looked conflicted and so I decided to enter her dreams once again. Angels weep too. 

Ayun lang naman 'yung paraan na alam ko kung saan maririnig, mararamdaman at higit sa lahat makikita niya ako, kung gugustuhin niya man. 

 

When I entered, I was greeted by the horizon and the sea. Parehas ang lugar noong unang pumasok ako sa panaginip niya. She was there seated in the sand, looking at the view in front of her. Mahangin-hangin ang paligid kaya napahalukipkip ako. Eto ata 'yung pinaka-in detail na panaginip niya. Parang totoo. Hindi ko ma-explain.

Lumapit ako sa likod niya at tinakpan ang mata niya gamit ang mga nanginginig na kamay ko. I decided to gamble even if I knew the risk. Gusto ko lang maramdaman niya sa oras na 'yun na hindi siya nag-iisa. I may sound selfish, but for once, I wanted to experience what it is like to be the center of Joohyun's attention. Kahit alam ko kung ano ang pwedeng maging kapalit.

Seulgi, one mistake and her life will fall apart. I kept reminding myself. 

She touched my hands that are covering her eyes.Unconsciously, pinigilan kong huminga. Hindi siya nagsalita. I was actually suprised how her body felt real. Parang gising kaming dalawa. Hindi ko maintindihan noong mga oras na 'yun kung bakit pakiramdam ko lumulutang ako. Parang kung saan-saan lumilipad ang utak ko. Hindi ako makaisip ng tama.

"Promise me, you will not look at me no matter what happens." Almost like a whispher, I weakly said to her.

"Ikaw na naman..." Nanginig lalo ako noong sinabi niya 'yun. Nakikilala niya ako? 

"Mangako ka, Joohyun." This is the first time we directly talked. Walang harang at hindi sa hangin. I didn't want to tell her na ako yung soulmate niya, na naghihintay ako sa kanya. Hindi ko rin masabi na kapag tinignan niya ako ay mamamatay siya. I just didn't want to spook her and maybe that would ignite her curiosity more. Gusto ko parang magkaibigan kami na nagkita muli or maybe strangers who just happen to be in the same place and at the same time. 

Tumango siya. "Pangako..." 

I released the breath I was holding and slowly sat on her right. I glanced at her for a second. She looked like the first time I saw her. She looked younger and she had no babybump. 

"Ang daya mo. Sabi mo bawal ako tumingin pero bakit pwede kang tumingin sa'kin?" Palokong sabi niya habang diretsong nakatingin pa rin sa dagat. Natatawang nagkibit balikat lang ako at itinabing ang buhok ko pakanan, nakasampa sa kaliwang balikat ko, para matakpan ang mukha ko sa anggulo niya. Kunwari natatakpan talaga. 

"Magtiwala ka lang sa'kin, okay? You wouldn't like what would happen if you looked my way..." I paused for a while to catch my breath. Para kasi akong nakukulangan sa hangin kasi 'di pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. "Tiyaka, nag-aalala lang ako lalo na't hindi ka okay kanina. I just wanted to check if you're okay here. Na kahit sa panaginip mo may peace of mind ka." I honestly said. 

"Mas na-te-tempt akong tumingin sa'yo dahil sa mga sinasabi mo eh." Natatawa niyang sinabi. Napahawi siya sa buhok niya nang tumama ang hangin dito. "Binabantayan mo ba ako palagi?" I hummed my reply.

"Kahit tulog?" dugtong niya.

"Kahit sa panaginip." sabi ko.

"Stalker. Siguro kahit naliligo noh?" Ang joker naman nito.

"Hindi ah!" Pag-deny ko. 

"Joke lang..." Natatawa niyang sabi. I stared at her for a few seconds. I saw her smile and I realized that I'm beaming wide too. Ngayon lang ata ulit ako ngumiti nang ganito. Maya't-maya naglaho nang kaunti ang ngiti niya at nagbago ang ekspresyon niya na tila may malalim na pinag-iisipan. What goes on in your mind, Joohyun? I want to know. 

"Can I hold your hand?" Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko alam ang mangyayari kung tinupad ko ang hiling niya. It might be her end but because I also wanted her to feel me, I gave in. And maybe because I was becoming weary of being a bodiless mortal. Siya lang naman 'yung buhay na pwede ko pang makausap at kahit kakarampot lang ng buhay niya ang ibigay sa'kin, sobra-sobra na. I just wanted to feel that I'm alive again. Kahit saglit at kahit sa ganitong simpleng paraan. I moved my left hand and placed it openly on top of her lap. She looked at my hand and held it with both of hers. Medyo nanginginig pa nga ang kamay ko. I relaxed when I realized that nothing bad happened. 

"Wala kang guhit sa palad..." sambit niya. Tumango lang ako.

Nawala na ang guhit sa mga palad ko noong namatay ako. I guess normal lang 'yun. Ang mga palad nga ang tinitignan ng mga manghuhula para malaman ang kinabukasan ng isang tao. Tama lang na mawalan ng guhit sa palad ang mga taong wala nang kinabukasan. 

She looked back at the horizon and clasped my hand with her right hand. 

"Feeling ko kilala kita na hindi. You feel familiar. You smell familiar. You sound familiar. Parang kilala na kita buong buhay ko, hindi ko lang matukoy kung sino ka. Parang hindi ka totoo."

"Well, this is a dream..."

"No. Alam kong hindi ka lang produkto ng imahinasyon ko." Natahimik ako sa sinabi niya at nabali ang aking ngiti. Medyo kinabahan ako sa sinabi niya.

"Anong pangalan mo?" Hindi pa rin ako umimik. Contemplating on whether I should tell her or not. Tumambol ang puso ko. May kakayahan pa palang dumagundong ito na parang buhay talaga ako.

"I rather not say... Malilimutan mo rin naman paggising mo." 

Binitawan niya ang kamay ko. I withdrew my hand. Maybe I was wrong for not telling her my name. I immediately regretted it.

"Okay. I respect you. Medyo weird lang kasi na alam mo pangalan ko pero hindi ko alam 'yung sa'yo."

"Maybe next time things will go our way, then I can tell you my name face-to-face. Mahirap intindihin pero may mga rason ako kung bakit hindi mo ko pwedeng makita o kahit malaman man lang pangalan ko. I am afraid that it would hurt you. Ayokong mangyari 'yun."

She snickered. "Pa'no naman ako masasaktan doon?"

"I am serious, Joohyun. Please just trust me." I bravely held her hand once again and squeezed it.

"I trust you with all my heart, stranger..." Natahimik siya nang ilang segundo bago tumuloy. "Ang ironic lang dahil ikaw lang ata 'yung tao na hindi ko kilala pero pakiramdam ko ligtas na ligtas ako sa'yo. Sa presensya mo pa lang, alam kong nararamdaman na kita dati pa at siguro nga hindi lang sa panaginip. Siguro guardian angel kita noh?" Kantiyaw niya. I snickered as a reply, not really admitting it. Pasaglit na tumingin siya sa gilid ko at napaupo naman ako nang tuwid sa nerbyos. Nang mapansin kong nakatingin siya pababa at sa kamay ko na nakasandal, napahinga ako nang maluwag. Inayos ko ang upo ko at inabot sa kanya ang kamay ko. Kinuha niya iyon. Dinugtungan niya agad ang tanong para ibahin ang usapan.

"Nakita mo ko kanina 'di ba? Kung paano ako umiyak sa harap ng salamin?" She was bitterly smiling while her eyes are planted on her feet, playing with the sand. Tila nahiya ang araw at nagsimula itong lumubog. It stayed there dipping in the sea. 

"Naaalala mo pa ba 'yung feeling kapag umiiyak ka noong bata ka? Ako kasi, parang may mababaw na patalim sa puso ko. Hindi ako makahinga masyado, habang sinisigaw ang iyak palabas sa lalamunan ko. As I grew, I noticed how harder it is to cry kahit na mas humihina ang pag-ngawa ko. Siguro kasi alam ko sa sarili ko na dapat mas maging 'emotionally stable' ako lalo na ako 'yung panganay. Pero parang mas naging vulnerable pa ako. 'Yung dating mababaw na patalim ay mas bumaon. Dating habol ng hininga lang ay parang wala nang hanging nasasagap ngayon. At yung dating sigaw ay napalitan na ng hikbi. Pinipilit nalang ikimkim sa sarili kasi takot akong marining ng mundo 'yung mga luha ko."

It was one of the few moments that she freely expressed herself. So, I let her speak to her heart's content. Paminsan-minsan, pinapadama ko sa hawak ko sa kamay niya na nakikinig pa rin ako. 

"Hindi ako naniniwala sa kasabihan na, life is not for the weak-hearted. Na kada araw na gigising ka, kailangang mas matatag ka para bumangon. I've known ever since my mother died na mahina ako. May mga araw na ayoko nalang gumising. Ang unfair lang kasi ng mundo. Bakit ako hindi ganyan? Why am I not living her life? Bakit nandito ako? Sometimes I wish na hindi nalang ako namulat sa kaisipan na lahat tayo rito sa mundong ibabaw ay hindi pantay-pantay. Parati talagang may mas angat sa'yo. Palaging may mas privileged sa'yo. Palaging may mas maswerte sa'yo. At hindi lahat ng tao ay nabubuo. Madalas kong tinatanong sa sarili ko kung kailan ba ako magiging buo. Kailan ba ako magiging kuntento? Darating pa ba 'yung panahon na 'yun?"

She paused. Breathed in. Like she's stopping her tears from forming. Then, continued.

"Hindi na ako natutuwa pag tumitingin sa salamin. I don't want him to feel that he was just a mistake, na hindi ko siya mahal. Kahit nasa sinapupunan palang siya. Kaso tuwing nakikita ko kung ano na itsura ko at kapag naaalala ko kung anong buhay ko ngayon, hindi ko maiwasang magkumpara sa iba. Ayoko naman maramdaman ng mga mahal ko sa buhay na hindi ako grateful sa kanila. I'm happy that they're still with me. Pero minsan talaga gusto ko nalang sumuko. Ilang beses na rin napadpad sa isip ko kung anu-ano ang mga pwedeng mangyari kung pabayaan ko nalang ang buhay ko o kaya kung mawala nalang ako sa mundo." Dugtong niya.

"Pagod ka na ba?" tanong ko. "Pagod na pagod na." she silently said like she's afraid that someone else would hear her confession.

I clenched my fist. Naisip ko, ito na ba 'yung panahon para kunin ko na siya? Ito na ba 'yung sign para tapusin lahat ng paghihirap niya?

"Ayaw mo na bang gumising bukas?" Ilang segundong natahimik si Joohyun. Tumigil ang paghampas ng alon at ang pagsayaw ng hangin. Napalingon ako sa kanya nang hindi pa rin siya sumasagot. She was smiling while tears were forming in her eyes.

Joohyun, sabihin mo lang. Ako ang magtatapos ng lahat para sa'yo. 

"Mahina akong tao..." pagsisimula niya. Pinunasan niya ang mukha niya. "Minsan may mga araw na gigising ako, na mas mahina pa ako kaysa 'yung ako ng kahapon. Pero heto, nandito pa rin ako. Mahina pero nabubuhay pa rin. Kaya hindi ako naniniwala sa kasabihan na 'yun. Kasi kahit papaano, binibigyan pa rin ako ng lugar dito sa mundong ito. May purpose pa rin ako kasi gising pa rin ako. Matagal ko nang hinahanap kung ano 'yung purpose ko pagkatapos ko grumaduate. I was still learning to love the parts of me that no one claps for. That no one is proud of. Then, he came unexpectedly."  She touched her stomach and suddenly, her stomach swelled. Pakiramdam ko sa mga oras na 'yun na hindi lang si Joohyun ang kausap ko pati na rin si Jun. Seeing her smile as she looks at her swelling tummy, I learned that she loves her son unconditionally. That's something I don't see that much when she's awake. Kahit na hirap siya sa pagdadalang tao at kahit masira na halos ang katawan niya, hindi niya pa rin mabitawan si Jun. She finds happiness in him, hindi man parati pero alam niyang Jun will be so worth it. Nakangiti binalik ko ang tingin ko sa harap ko. Nagsimula na muling gumalaw ang lahat. Unti-unti na ring lumulubog ang araw.

It's your call, Joohyun. Rerespetuhin ko kung ano man ang gugustuhin mo.

Tinanggap ko na kung saan papunta ang usapan. At tulad ng dati, maghihintay pa rin ako. Mapapagod ba ako? Siguro, oo. Pero tulad ni Joohyun, pipilitin kong lumaban hanggang sa huli. Hanggang sa makakaya.

"Siguro sabi ni Lord heto na 'yung panibago. Baka siya na 'yung paraan para mas mahalin ko ang sarili ko at tanggapin kung anong meron ako." She squeezed my hand and I looked at her. Ngumiti siya habang nakatingin sa tiyan niya, hinahaplos ito gamit ang kaliwang kamay. "Kaya ang sagot ko sa tanong mo, ay hindi. Gusto ko pang magising kahit napakalupit ng mundo kasi gusto kong makitang mamulat si Jun sa mundong ito. Gusto kong ituro sa kanya na kahit napakaunfair at napakagulo ng mundo, laging may rason para bumangon. Hindi man sa kanya ang mundo, pero lagi siyang may puwang dito." Nakangiting napatitig ako sa tiyan niya. It glowed for a while. I was about to ask Joohyun if she saw it too but...

"Seulgi" Napasinghap ako nang bigla niyang tinawag ang pangalan ko. Umangat ang tingin ko mula sa tiyan niya papunta sa mukha niya at lalong nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin na siya sa'kin. She was staring at me as if she's memorizing my face. Yet she looks at me as if she knows me and it makes me feel things. 

May saglit na kuminang sa likod ni Joohyun pero hindi ko na napansin iyon nang lumapit ang mukha niya at hinalikan niya ang pisngi ko. Hinawi niya ang buhok ko na ginulo ng hangin at tiyaka lumayo.

"Ayun pala ang pangalan mo." Nakangiti niyang sabi sakin. Kahit na napakatamis ng kanyang ngiti, hindi ko magawang maibalik 'yun. Parang tumatakbo ako nang walang humpay sa lakas ng tambol ng puso ko. Ramdam kong nanginginig ang katawan ko sa takot na pwedeng eto na ang magtapos ng buhay niya.

Hinawakan ko ang mga balikat niya. Naramdaman ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Ang daming tanong na nabuo sa isip ko.

Paano mo nalaman ang pangalan ko?

Pero mas inuna ko ang kapakanan niya.

"Bakit mo ako tinignan?" I hysterically asked. Medyo napataas din ang boses ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. 

Nakita ko kung paano unti-unting naghihiwalay-balik ang katawan at ang kaluluwa niya. Napatingin ako sa kabuuan niya. May kung anong bolang matingkad sa loob ng tiyan niya. Si Jun. 

Kung gaano katahimik si Joohyun kapag umiiyak, kabaliktaran ako. Humagulgol. Nagmura. Sumigaw. 

At wala na naman akong nagawa kundi yakapin siya. Even at times I should be strong for Joohyun, I feel powerless. 

I thought that when this moment comes, I would be so happy because I will be finally free.

Pero bakit nagsisisi ako?

"Joohyun, idilat mo ang mga mata mo. Gumising ka." Naluluhang sinabi ko. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko. Sa mukha niya ba na unti-unting namumutla? Sa kamay niya ba na tila sinipsipan ng dugo? Sa tiyan niya na dala-dala ang namumuong kaluluwa ng anak niya? O sa kaluluwa niya na gustong kumalas?

"Salamat, Seulgi." Niyakap niya ako nang napakahigpit.

"Gumising ka!" Pagmamakaawa ko. Dumausdos ang kamay ko mula sa ulo niya hanggang sa likod. Gumulo na ang paligid. Mas lumakas ang hampas ng alon at ang pag-ugoy ng mga puno sa paligid. Kung saan-saang direksyon na nanggagaling ang hangin at naghari na ang buwan sa langit. Behind her, I saw Joy. Umiling-iling ako nang magtama ang mata namin ni Kamatayan. Tinaas ko ang kanang kamay ko para pigilan siya na lumakad palapit sa amin.

"Joohyun, 'wag kang bibitaw. Bumangon ka. Please! Joohyun!" Hinawakan lang ni Joohyun ang kaliwang braso ko na nakapalibot sa bewang niya. Maya-maya ay tumamlay ang katawan nito, unti-unting natanggal ang paglingkis ng bisig sa balikat ko. Napatigil ako sa pagsigaw at humiwalay sa pagkayakap sa kanya. Then, I saw her lifeless body in my arms and her expresionless soul standing beside Joy. She no longer have the bump on her tummy. No sign of Jun.

Dahan-dahan kong inihiga ang katawan ni Joohyun. Nanginginig ang buong katawan ko. Seeing her body laying there on the sand sparked something within me.

"Joy! Pakiusap, ibalik mo si Joohyun. Hindi niya alam kung anong ginawa niya." Umiiyak na sigaw ko. Tumakbo ako palapit sa kanila. 

"Seulgi, sinabi na sa iyo na huwag kang magpapakita sa kanya sa panaginip at kahit na alam mo ang peligrong hatid na lumapit sa kanya, sinubukan mo pa rin." Malamig na sabi ni Joy. Napailing-iling ito. "Please." Lumuhod ako sa harap niya. "Gagawin ko ang lahat, mabuhay lang siya. Joy, please. Hindi niya pa oras." Hagulgol ko.

"Ayaw mo bang matapos ang paghihirap niya sa mundong ibabaw? Ayaw mo bang matapos ang paghihirap mo, Seulgi? Ilang taon ka nang naghihintay."

"Gusto ko. Gustong-gusto. Pero hindi sa ganitong paraan. Nagkamali ako. Kung gusto pang mabuhay ni Joohyun, mas gugustuhin kong maghintay. Gusto ko pa siyang mabuhay hangga't hindi pa siya buo. Hangga't hindi niya pa gustong lisanin ang mundong ito." Hirap na hirap kong sabi sa gitna ng mga hikbi. "Patawad, Joohyun. Mahina rin akong tao." Dugtong ko. Napaupo ako sa buhangin habang humahagulgol at nagpupunas ng luha. Tila nanghihina rin ako sa mga nangyayari.

May kamay na dumapo sa likod ko. Inangat ko ang mukha ko at nakita ang kaluluwa ni Joohyun na nakangiti. Niyakap niya ako. Pakiramdam ko sa oras na 'yun, binabalik niya lahat ng mga yakap ko sa kanya noon dahil sa mahigpit niyang bisig. "Babangon ako, hindi lang para kay Jun kundi para sa'yo." 

Bigla-biglang akong nasilaw sa liwanag na nabuo sa tabi ni Joy. Same spot sa kung saan nakita kong may kuminang kanina. Nanatili pa ring nakayakap sa'kin si Joohyun. Lumitaw si Dian Masalanta. Nagkatinginan sila ni Joy at ngumiti nang dapuan ng mga mata nila ang sitwasyon namin ni Joohyun.

As if someone whispered in my mind, I knew that Dian Masalanta told Joohyun my name. Nang magpakita ang diyosa, tila nahimasmasan ako. Alam kong ligtas kami. 

At bago pa iniangat ni Joy ang kanyang kamay, may ibinulong sa'kin si Joohyun. 

"Hanggang sa muli, Seulgi."

Sa isang pitik ni Joy, nagising kaming dalawa sa boses ni Junmyeon.

 

"Hyun, gising! Nagsasalita ka sa panaginip mo. Binabangungot ka yata." Nag-aalalang sambit ni Junmyeon. Inalalayan siya ng asawa niyang umupo para uminom ng tubig. Nanatili akong nakahiga sa tabi niya. Dumapo ang kamay ni Joohyun sa mukha niya at nagulat siya nang maramdaman na basa ito. Tumayo na si Junmyeon, dala-dala ang baso at naglakad palabas.

"Anong napanaginipan mo?" Tanong ni Junmyeon sa may pinto, bago lumabas ng kwarto para matulog sa sala. Doon kasi ito talaga natutulog. 

Nagkibit balikat lang si Joohyun. Nagtitigan lang silang dalawa. Blanko ang ekspresyon. Bago tuluyang lumabas ang asawa niya, nagsalita si Joohyun.

"Pwede bang dito ka muna matulog?"

 

Tumayo na ako sa kama at napatulala nalang sa mag-asawa na nag-aayos na ng higa. Lumitaw bigla si Wendy sa tabi ko, "Pinagbigyan kayo ni Dian Masalanta. Mag-ingat ka na sa susunod, Seulgi. Delikado 'yung ginawa mo."

Tumango lang ako. Magkaharap na pinikit ng mag-asawa ang mga mata nila. Mahinang tinawag ako ni Wendy at sinalubong ko siya ng tingin. Mapakla siyang ngumiti sa'kin. 

"Mas pinaglaban mo pa ang buhay niya kaysa sa sarili mong buhay noon."

I smiled bitterly. At nanalangin nalang na sana kahit kaunti naaalala ni Joohyun ang pangalan o mukha ko o  kahit mapangalanan niya lang ang panaginip kung matiwasay ba ito o hindi. Sana may manatiling buhay sa memorya niya kahit dampis na marka ng mga pangyayari o 'yung mga bungkos na salita na lumabas sa mga bibig namin. Sana man lang maalala niya kung anong pakiramdam ng kamay at yakap ko kasi ako damang-dama ko pa rin 'yung kanya.

Salamat, Joohyun, dahil pinaramdam mo sa'kin na kahit kaluluwa na ako, tao pa rin ako. Mahina, nasasaktan, napapagod pero tulad ng lahat ng mortal na humihinga, babangon pa rin. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sizterette
After much reconsideration, here is the epilogue. I agree with some of your sentiments regarding sa story but I just got scared of ruining it kasi napaglipasan ko na to ng panahon sa pagsusulat. Thank you so much if you reached this part! Sana naenjoy niyo ❤️

Comments

You must be logged in to comment
turtlenaut_ #1
Chapter 12: saktong sakto sa existential crisis ko author-nim 🙂 thank you! sana nga there's something beautiful on the other side ❤️
JiHyun12 #2
Chapter 12: Love this story author! Thank you so much!
redlighton #3
Grabe, this story is so underrated! Feeling ko yung movie line na “this is not a love story, but a story about love” applies to here as well. Seulgi’s narration, wala akong masabi. Para lang din akong nagbantay kay Joohyun throught the years. Love is patient nga talaga… I just wished the ending was a bit longer. An epilogue/special would be nice too… or even just add 5 paragraphs just to show a glimpse of the moment of finally meeting again! Feel ko deserve din ng readers yun bukod kay Seulgi na matagal nag antay 🥹
JiHyun12 #4
Tor what if irene’s pov naman kahit isang chapter lang hihi
JiHyun12 #5
Chapter 11: 🥺🥺🥺☹️
KaiserKawaii #6
Chapter 11: Hello author. Ngayon ko lang nabasa to. Pero grabe ka naman sa pagpapaiyak. Sobrang ganda ng pagkagawa. Ganda ng idea. Wow. May nakaisip nang ganitong style. Eto na ata ang fav Filipino fanfic.

Ansakit pala ng idea na forever ka lang nakamasid sa taong meant for you. At maging unselfish.

Sobrang ganda talaga. Wow. Di nga ako nakatulog nang maaga para lang matapos in one seating.
howdoyouknowmee
535 streak #7
Chapter 11: Came from twit and owemgee ngayon ko na lang din naalala to huhu
Usernam31 #8
Chapter 9: Napaka ganda po talaga nito authorrr!!! Waiting po sa nextt chapter.
sevi_ely #9
Chapter 9: Patapos naaaaaa?ಥ╭╮ಥ
Baechu29 #10
Chapter 8: Huhu binasa ko to in one seating author. Hindi ko alam pero basta na lang tumutulo luha ko. Hindi ko alam kung para kay Seulgi ba o kay Joohyun, siguro pareho. Parang bigla kong narealize na dapat sulitin ko ang mga panahon at pagkakataon na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Salamat kasi minulat mo ako ng totoo ngang, 'you only live once'. Salamat dahil madami akong natutunan sa story mo. Looking forward sa mga susunod na chapter. :)