Tanikala ni Bathala

Tanikala ni Bathala

Nakaupo akong tahimik sa labas ng kubo ni Joy at nakatitig sa gubat. Seventy years. Ang tagal. Iniisip ko kung paano ko nalampasan ‘yon at hindi pa rin ako makapaniwala. Sa tagal ng panahon, lumisan na ang karamihan ng mga mahal ko sa buhay sa mundong Ibabaw. Pero natiis kong maghintay para kay Joohyun kahit na walang iba pang dahilan para manatili ako roob. Isang taong hindi ko naman kilala noong buhay pa ako. Hindi ko kaano-ano. 

 

Is love for your soulmate innate or is it learned? 

 

Kahit ako hindi ko masagot sagot ‘yan. 

 

Ilang araw na kaming nananatili sa purgatoryo. Naalala kong hawak-hawak ni Joohyun ang kamay ko simula noong humiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya. Nang dumating kami rito at inexplain nina Wendy at Yeri ang mga pangyayari at mga dapat mangyari, unti-unting kumalas ang kamay niya. Ramdam kong malungkot siya at maraming pinagsisisihan. Kahit pala matagal kang mamuhay, may pagsisisi pa rin sa dulo.

Matapos ng pag-uusap namin nina Joy, bumalik si Joohyun sa mundong Ibabaw para sa lamay niya. I haven’t seen her since. I knew that Joohyun wants to be alone and maybe I did the right decision for the both of us. It will also hurt me to see Jun crying.

I’ve come to love that kid. Parang anak ko na rin siya kung tutuusin. Siguro nga, love is innate. Jun was a part of Joohyun and so, I loved him too. I know deep within me that if I were alive, he will also be mine. I don’t know how. Parehas man kaming babae. But I just know that he was meant to be a huge part of our lives.

 

Hindi ko napansin na nandito na pala si Joohyun sa tabi ko. May inabot siyang tasa ng tsaa. 

 

“For the memories. Drink it when you’re ready,” sabi niya habang umuupo sa tabi ko. Ito ‘yung sinasabi ni Wendy sakin na pampaalala raw sa buhay ko dahil sa tagal kong naging kaluluwa, maraming alaala ang nalimutan ko na. 

I was just staring at the cup on my lap. Feeling the warmth of the tea on my palms. 

“Kamusta si Jun?” tanong ko, pambasag ng tahimik. Kumibit balikat si Joohyun. “He will be fine.” There was a smile on her lips. I noticed that she’s feeling a lot better now than before. She’s okay too.

Ininom na ni Joohyun ang tsaa niya. Binaling ko ang tingin ko sa may langit. Asul. Walang pinagkaiba sa Ibabaw. Maya’t-maya uminom na rin ako. I felt my body relaxed as memories flash through my head. Ibang-iba sa pakiramdam noong namatay ako. Tila nangibabaw ang ginhawa sa lahat ng mga pangungulila ko sa pitumpung taon.

“Totoo ba?” panimula ni Joohyun. Lumingon ako sa kanya at medyo nagulat ako na nakatingin pala siya sakin. Sa mga mata ko. Joohyun always looks at the eyes of her loved ones when they’re talking. Something I longed to experience before. Now, she is seeing me. Hindi ko mawari kung kilig ba itong nararamdaman ko o sadyang natutuwa lang ako sa presensya niya.

 “Have you been waiting for me? All this time?” 

“Yes," I smiled genuinely.

“Bakit ‘di mo ko kinuha nalang?” I knew she would ask that. “Hindi mo deserve maputulan ng buhay dahil sakin,” walang preno kong sagot. Dahil totoo naman, iyon ang nararamdaman ko noon. 

“I know that you regretted how everything transpired. Nasasayangan ka. Ramdam ko. Alam kong walang salita ang makakapagpabalik sa nasirang tadhana natin. I’m so sorry for letting you go through it alone, Seulgi.”

It was the first time hearing her say my name. At hindi ko nagugustuhan ang mga salita na sinabi niya bago sabihin ang pangalan ko. It hurt me seeing her feel remorseful for my own actions.

“Stop it. Hindi mo kasalanan ‘yun.“ Siguro nga tama siya. Hindi pa rin ako kuntento. Pero hindi naman tama na sisihin niya ang sarili niya sa bagay na hindi niya kontrolado. 

Lumayo ang tingin niya sakin. “Hindi nalang sana kita pinaghintay nang ganitong katagal.”

“Hindi mo naman alam…”

“Ayokong maulit ‘to” Pumikit siya nang mariin, ang isang kamay kinukusot ang mga mata.

 

Inilapag ko ang mga tasa namin sa tabi ko. Hindi ko na napigilan na hawakan ang kamay niya para matigil siya sa pag-iisip. “Joohyun…” tawag ko sa kanya. Nagulat nalang ako nang unti-unting tumulo ang mga luha niya. 

“Kung bibigyan man ako ng pagkakataong baguhin ang nangyari, uulitin ko lang lahat ng mga desisyon ko. Wala kang dapat ikautang na loob. Wala kang dapat pagsisihan dahil lahat ‘yon ginawa ko nang bukal sa loob,” dugtong ko. Hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ito.  

“Minahal mo ba ako?” Napatigil ako sa tanong niya. Nagmulat ang mga mata niya. Ilang segundo kaming nagtitigan. Napangiti nalang ako at natawa nang mahina. “Mahal na mahal, hindi ba obvious?"

Natawa nalang din si Joohyun sa sagot ko. Matapos ay hinawakan niya ang mga kamay ko mula sa mga pisngi niya. Hinatak ako at niyakap. 

“Nice to meet you again. 'Wag mo na ako ulit bibigyan ng iced coffee.”

“Tanggapin mo nalang kasi,” parehas kaming natawa. I vividly remember the first time we met. Wow, effective ang tsaa.

 

Hindi ko rin alam kung gaano katagal kami nag-usap matapos iyon. We kept on talking as if we have known each other ever since. Catching up on our lives before I died. It was like a date after finally meeting again for years. 

Palubog na ang araw. At narinig kong nagbukas ang pinto ng kubo. It was Wendy and Yeri. Kailangan na raw naming pumasok. Tumango lang kami pareho at sinabing papasok na rin kami maya-maya.  

Hindi ko magawang tumayo sa kinauupuan ko dahil pakiramdam kong kulang ang oras namin. I want to know more about her. And there’s this specific question in my mind that I've been itching to know before we go.

 

“Ikaw? Did you ever love me in this lifetime?” Nilakasan ko ang loob ko.

“Honestly… I don’t know. Pwedeng oo, pwedeng hindi. Siguro minahal kita sa mga panaginip ko,” sagot niya. Tanging tango lang ang nasagot ko. Ngumiti ako at tumayo na para mag-inat. Ngunit nanatiling nakaupo si Joohyun. 

“Pero ngayong nakausap kita, I just know that I would have loved you if only I have met you sooner,” she added. Mas lumawak ang ngiti ko. Nakakagulat pero wala akong panghihinayang na nararamdaman ngayon. Maybe because nothing else matters. 

Joohyun is finally here with me. At kahit hindi man niya sabihin, alam kong tanggap niya akong buong-buo bilang kabiyak niya. Kahit hindi niya ako kilala noon. I just know that if our fate were reversed, Joohyun would have done the same. Wala nang mas mahalaga kung hindi itong moment na 'to. Pati ang mga susunod na panahon na magkasama kami. I can't wait what comes next after this. Kahit walang kasiguraduhan sa anong magiging kahahantungan matapos neto. Masaya ako kahit sa kaunting oras na pag-uusap namin at alam kong madudugtungan pa 'to.

Sa awa ni Bathala.

I felt that it was time to go.

 

As if magic, we were suddenly transported to the sea. Parehas na dagat kung saan kami nagkita sa panaginip ni Joohyun. Sa may umaalon na tubig nakatayo ang isang pintuan. 

I silently smiled and played the sand beneath my feet. Joohyun was silent too. But the atmosphere was warm and cozy. It felt like home. It felt like I was born for this moment and maybe I will be reborn for another moment like this. 

Tumayo na rin si Joohyun at hinawakan niya ang kamay ko. 

 

“Desidido na ba kayo sa gusto niyong mangyari?” Tanong ni Joy sa gilid namin. Napag-usapan na namin ito kanina ni Joohyun. Hindi ko rin alam pano nila nalaman pero alam kong parehas kami nang tinutukoy. Chismosa talaga ang tatlong 'to.

“Sigurado na kami,” sabi ni Joohyun. I felt her grasp tighten, I squeezed her back. 

Ngumiti ang tatlong imortal sa harap namin at tumabi. Sabay kaming naglakad ni Joohyun papuntang pinto.

Nagkatinginan muna kami nang hawakan ko na ang door knob. She smiled with warmth in her eyes. I feel home. 

Walang pag-alinlangang binuksan ko na ang pinto. Liwanag ang bumungad samin at sabay kaming pumasok nang magkahawak-kamay.

 

Walang pagsisisi.

 

Walang pagdududa. 

 

Walang bumibitaw.

 

——

 

Sabi nila kung sinong pinakaminahal mo sa previous life mo, siya ang kamukha mo sa susunod. 

 

May isang singkit na dalaga na nagngangalang Rowoon ay busy na busy sa student lounge ng isang prestihiyosong university sa Amerika. She was studying for their finals. 

Maya-maya tumabi sa kanya ang kaibigan at kaklase niyang si Irene. 

“You’re late,” sabi ni Rowoon.

“I’m sorry, beh. I woke up late," naghihikahos itong buksan ang bag niya at nilabas ang mga reviewers at kung ano-ano.

“Quit bringing your Filipino time here,” ika ni Rowoon. Si Irene ay isang exchange student mula sa Pilipinas. Nagkataon na nagkakilala sila dahil parte ng isang school organization na naghahandle ng mga exhange students si Rowoon. Siya ang naka-assign kay Irene na maging student buddy. Ang advantage ay parehas sila ng kursong kinukuha at nag-aral nang ilang taon si Rowoon sa Pilipinas, pero hindi ganoon kagaling mag-Tagalog. Sa katunayan, may lahi siyang Filipino.

 

Ilang beses na ring pinagtataka nina Irene at Rowoon ang pagkikita nila. Sa Dubai lumaki si Irene at bumalik sa Pilipinas para mag-aral ng high school. Kung saan dapat mag-aaral si Rowoon ng high school ay doon din siya nag-enroll. Ngunit hindi natuloy rito si Rowoon dahil lumipat na sila sa Korea. Namention ko rin ba na parehas sila ng ospital kung saan sila ipinanganak? 

They knew they were destined to meet one way or another. Marami rin silang pinagkakasunduan na mga hilig tulad ng K-pop. At tila kilalang-kilala nila ang isa’t-isa sa sobrang galing nilang magpakiramdaman at makisama. The moment they met, they clicked. Minsan, nagjojoke sila na baka magsoulmates talaga sila. Lingid sa kaalaman nilang totoo nga iyon.

 

Irene just chuckled. “At least I didn't forget to bring the essentials." Nilapag ni Irene ang iced coffee nilang parehas.

“Wow, americano?”

“Yep, just the way you like it.”

“Salamat po,” Mahinang natawa si Irene sa pagtangkang magsalita ng Tagalog ni Rowoon. 

“Hey, you’re the reason why I didn’t fail the last pop quiz. You deserve it. So where were we last time we ended?” Dugtong ni Irene habang nagsisimula itong magbuklat ng libro. Nakangiting tinuro ni Rowoon ang pahina. At nagsimula na silang mag-aral.

Ilang beses kong idinasal ito kay Bathala na sana bigyan ng pagkakataong muling magmahalan ang dalawang ito sa kahit beses na gusto nila. At mukhang napakinggan naman Niya ako. Siguro ito na ang pinakamagandang regalo na pwede naming ibigay ni Yeri sa mga alaga namin. Matapos namin silang mabigo noon. 

Sabi nila, hindi naman lahat ng soulmates ay dapat romantic love. Kung magbibigay ako ng example, silang dalawa ang sasabihin ko. Rowoon and Irene loves each other. Maybe not in the same way as their previous lifetime. But I think this is a better era for these two souls. Both having the chance to be with each other more. Something they have wished and prayed for and it came true.

Pero who knows? Baka magkadevelopan sila. Only Bathala knows. But now, I am just happy that they get to live the life the way they wanted. At kahit matapos man ang exchange program ni Irene, alam kong magkikita pa rin sila at magsasama. Maybe Irene will stay here to pursue her career. O baka bumalik si Rowoon sa Pilipinas sa future. Whatever happens, these two souls will always meet in the end. 

Magbago man ang panahon at magbago man ang anyo, mamamalagi pa rin sa paglingkis ang mga tanikala ni Bathala.

Sila ay para sa isa’t-isa magpakailanman.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sizterette
After much reconsideration, here is the epilogue. I agree with some of your sentiments regarding sa story but I just got scared of ruining it kasi napaglipasan ko na to ng panahon sa pagsusulat. Thank you so much if you reached this part! Sana naenjoy niyo ❤️

Comments

You must be logged in to comment
turtlenaut_ #1
Chapter 12: saktong sakto sa existential crisis ko author-nim 🙂 thank you! sana nga there's something beautiful on the other side ❤️
JiHyun12 #2
Chapter 12: Love this story author! Thank you so much!
redlighton #3
Grabe, this story is so underrated! Feeling ko yung movie line na “this is not a love story, but a story about love” applies to here as well. Seulgi’s narration, wala akong masabi. Para lang din akong nagbantay kay Joohyun throught the years. Love is patient nga talaga… I just wished the ending was a bit longer. An epilogue/special would be nice too… or even just add 5 paragraphs just to show a glimpse of the moment of finally meeting again! Feel ko deserve din ng readers yun bukod kay Seulgi na matagal nag antay 🥹
JiHyun12 #4
Tor what if irene’s pov naman kahit isang chapter lang hihi
JiHyun12 #5
Chapter 11: 🥺🥺🥺☹️
KaiserKawaii #6
Chapter 11: Hello author. Ngayon ko lang nabasa to. Pero grabe ka naman sa pagpapaiyak. Sobrang ganda ng pagkagawa. Ganda ng idea. Wow. May nakaisip nang ganitong style. Eto na ata ang fav Filipino fanfic.

Ansakit pala ng idea na forever ka lang nakamasid sa taong meant for you. At maging unselfish.

Sobrang ganda talaga. Wow. Di nga ako nakatulog nang maaga para lang matapos in one seating.
howdoyouknowmee
535 streak #7
Chapter 11: Came from twit and owemgee ngayon ko na lang din naalala to huhu
Usernam31 #8
Chapter 9: Napaka ganda po talaga nito authorrr!!! Waiting po sa nextt chapter.
sevi_ely #9
Chapter 9: Patapos naaaaaa?ಥ╭╮ಥ
Baechu29 #10
Chapter 8: Huhu binasa ko to in one seating author. Hindi ko alam pero basta na lang tumutulo luha ko. Hindi ko alam kung para kay Seulgi ba o kay Joohyun, siguro pareho. Parang bigla kong narealize na dapat sulitin ko ang mga panahon at pagkakataon na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Salamat kasi minulat mo ako ng totoo ngang, 'you only live once'. Salamat dahil madami akong natutunan sa story mo. Looking forward sa mga susunod na chapter. :)