Huli: Obra Maestra

Tanikala ni Bathala

 

TW: death

 

 

Hi guys, it has been a while. This may be the last chapter of TNB. I wrote this way back 2022 pa I think but never had the courage to publish it. I knew then that it was not a justifiable ending. But reading it now, I think it was fitting. Wala ako masyadong binago sa mga sinulat ko noon. And looking back, I feel like I have outgrown writing fanfics. Or maybe I just didn't have the same passion in writing one. Kaya siguro habang binabasa ko 'to ngayon, parang pakiramdam ko hindi ako nagsulat. Kinalakihan ko 'tong fanfic na 'to, that's for sure.

 

Just now, I thought of publishing this chapter as a conclusion to the story. Nag-iisip pa ako dati na magsulat ng epilogue about this. At actually nagsimula na ako magsulat ng another storyline in the same universe. But for now, I have no interest in continuing it. Pero who knows what lies in the future, diba? 


Anyway, I hope you enjoyed reading this story kahit it took a while for me to update. Thank you so much for reading. I really appreciate it.

 

- Son

 

 

-----

 

 

 

When you feel lost, how do you find yourself?

 

 

Isa sa mga naging paraan ni Joohyun para 'makalimot' ay ang paghahanap ng mga bagong hobbies. Most of her goals were set for Jun but she realized that she has to set for herself too. 

 

 

Una, magluto. Marunong naman siya kaso 'di ganoon kagaling. Sinubukan niyang magluto ng iba't-ibang putahe. But she eventually gave up because of the stress she felt in looking for the ingredients. At tiyaka 'yung tipong 'di niya alam kung anong lulutuin niya kinabukasan. Na-stress lang siya doon. Mas matagal pa nga minsan ang pag-iisip niya ng ulam kaysa sa mismong pagluto nito.

 

 

Pangalawa, mag-workout. Her son was really into it. May mga equipment pa ito sa unit nila. Pero hindi talaga mahaba pasensya ni Joohyun sa mga ganoon. Tumagal lang ng isang buwan nang makaramdam na siya ng sakit sa likod. Tumigil na siya dahil doon.

 

“Tumatanda na talaga ako." aniya sa edad na apat na pu't lima. 

 

"Hindi ka ata nakapagstretching muna, Ma." sabi ni Jun habang nagpapagpag ng sinampay sa may balkunahe. 

 

“Ay! Basta, titigil na muna ako." 

 

"Ma, 'yung mga halaman niyo malalanta na..." pagremind sa kanya ng anak habang pinapasok ang mga sinampay.

 

 

"Ay! Oo nga!" 

 

Tumayo na siya papuntang banyo para kumuha ng pandilig.

 

Pangatlo, mag-alaga ng halaman. Magiging certified plantita pa nga ata siya kung hindi lang maliit ang balkonahe nila. 

 

“Parang jungle na rito" asar sa kanya ni Jisu, isang beses na bumisita ito sa kanila. 

 

Etong hobby niya naman na ito ay tumagal talaga. To the point na kahit noong lumipat sila ng bahay sa probinsiya, nag-aalaga pa rin siya. Pero next time ko na ikukweto 'yon. 

 

 

Huli, magpinta. To be honest, it all started with a joke. Mahilig kasi magdisenyo ng kung ano-ano si Joohyun sa unit nila. Minsan makikita mo nalang siya sa gitna ng unit na nakatingin sa dingding o kung saan man na parang nag-iimagine. Kapag bored siya, minsan nagugulat nalang si Jun na iba na 'yung placements ng mga furniture nila sa unit. 

 

"Akala ko maling unit pinasukan ko. Parang last week lang nasa may balcony 'yung sofa. Bakit binalik niyo?" Tinanggal ni Jun ang mga butones ng kanyang polo at sumalampak sa sofa. Pinatong niya sa center table ang bag niya. "Mas maluwag 'yung dati eh."

 

Tumigil si Joohyun sa pagkakalikot ng mga cabinet sa kitchen nila para lingunin ang anak. Agad-agad na kumunot ang noo nito. "'Yang bag mo ha, kapag 'yan iniwan mo na naman dyan." Pagbabanta ni Joohyun. 

 

Kinuha naman agad ni Jun ang bag at pumasok sa kwarto nila para ilagay doon. Nang lumabas na si Jun, nakapagpalit na ito ng damit. "Mas maayos 'yung sala ngayon, Ma. 'Wag niyo na baguhin." Nilagay niya muna sa laundry bag sa may banyo ang mga damit niya, matapos ay tinignan ang kanyang ina na nag-aayos ng mga tupperware sa may kusina.

 

"Kulang nalang pinturahan niyo na rin 'yung sala." Natatawang sabi ni Jun. Tumigil si Joohyun at nagtitigan sila ng anak niya, parang nag-iisip. "Good idea!"

 

"Joke lang 'yun, Ma... Wait... You're really serious?"

 

The next week bumili si Joohyun ng mga pintura. Tatlong linggo nilang tiniis ang masangsang na amoy nito. Nang matapos na nilang pinturahan ang buong unit, tila nawalan na ng gagawin si Joohyun.

 

“Subukan ko kayang magpaint sa canvas." sabi niya habang nakatingin sa bagong pinturang dingding ng unit nila. Tinignan lang siya ng anak ng ilang segundo at nagkibit balikat. 

 

“Sure, Ma..." Tila walang pakialam na sabi nito pero lingid sa kaalaman ni Joohyun ay may namumuong ideya ang anak. 

 

“Saan ko itatago ‘to?" Dinampot ng anak ang dalawang lata ng pintura. 

 

"'Wag. Dadalhin ko 'yan kina Lolo mo." 

 

"Huh? Bakit?" Nilapag ni Jun ang dalawang lata sa sahig. 

 

"Pipinturahan ko 'yung bahay." 

 

"Baka 'di magustuhan ni Tita Jisu 'yung amoy. Makaapekto pa sa baby." Kasalukuyan kasing nakatira ang pamilya ni Jisu sa bahay nila kasama ang Papa nilang matagal nang nagretiro. 

 

"Dito muna sila matutulog. Doon tayo kay Tatay." At napakamot nalang sa ulo si Jun. 

 

 

Ilang buwan silang nanatili sa bahay ng Papa niya. Nanganak na rin si Jisu sa mga panahon na 'yun pero hindi pa rin sila bumalik kasi napakaraming pinaayos sa bahay. They celebrated Joohyun's birthday there like the old days. Nostalgic nga eh kasi naalala ko ‘yung huling beses na nagdiwang sila ng kaarawan niya na kumpleto silang pamilya sa bahay nila ay noong 40 days ko. Parehas na kaarawan niya ngunit malaki ang pinagkaiba sa mga pangyayari. 

 

I felt genuine happiness from Joohyun especially when her son presented his gift. 

 

It was a painting kit with all the materials needed. Nagtaka si Joohyun kung saan nakuha ng anak 'yung mga pambili. Saglit na nagkatinginan ang mag-lolo bago sagutin ni Jun, "Ipon ko, Ma. Tiyaka kinupit ko 'yung iba sa inyo." Natawa silang lahat. 

 

"Loko-loko ka talaga!" 

 

Doon nagsimula ang pagpinta ni Joohyun. Kadalasan scenery ang mga isinasalarawan niya. At sa lahat ng mga paintings niya, si Jun ang nagbibigay ng titulo. 

 

There's this particular painting that I can't quite comprehend how Joohyun thought of it. Was it from her memory?

 

Paano niya naaalala ang kurba ng mga mata, ang haba ng mga pilikmata, at ang kulay ng balintataw ko? Paano niya ako naalala?

 

I would like to think that it was Dian Masalanta's intention. But why would She even intervene? Right? 

 

Maybe there’s really something about the human brain that we can’t really make sense of. 

 

Nanginginig ako nang mapagtanto ko ang ipininta ni Joohyun noon. Pati ang maliit kong nunal sa itaas ng kaliwang mata ay kuhang-kuha niya. Nagmimistulang nakatingin ako sa salamin tuwing tinitignan ko 'yun. Pero sa 'di niya mawaring dahilan, hindi matapos-tapos ni Joohyun ang obra maestra.

 

"Tapos na 'to, Ma?" Hawak-hawak ni Jun ang canvas habang nakatingin siya rito.

 

“Siguro. Hindi ko na maituloy." 

 

"Kulang pa kayo sa panonood ng Kdrama." Palokong sabi ni Jun habang itinalikod ang tuyo na canvas. Isinulat niya sa ibaba ang date. Sunod ay ang title: "Asul"

 

"Bakit naman ganyan title?" Sabi ng kanyang ina habang ibinabalik niya ang takip ng ballpen. 

 

"Asul kasi blue… Sadness. She’s the personification of sadness.” Sabi ni Jun habang nakatitig sa canvas. Inabot niya na ito sa kanyang ina.

 

His statement broke my heart. Gaano ba kahalata sa itsura ko ang nararamdaman ko?

 

“Tiyaka, ‘di ba nanaginip kayo noong isang gabi na ginising kita? Sabi niyo, 'Seul... Seul... Seul...' na parang may tinatawag kayong pangalan." Tulad ni Joohyun, nagulat ako sa sinabi ni Jun. Hindi ko siya nabantayan sa pagtulog kasi inimbitahan akong mag-tsaa ni Sehun. Napakamot nalang sa ulo si Joohyun at umupo nang maayos para lagyan ng lagda ang painting.

 

"Ano nga ba panaginip niyo n'un, Ma?" Nang matapos si Joohyun, hinawakan niya ang canvas at tinignan niya ito nang malayuan. "Hindi ko na matandaan." 

 

And as if a premonition, sadness came to take away the life in Joohyun for the next years. 

 

Sa edad na apatnapu’t pito, nagparamdam sa kanya si Kamatayan.

 

It came unexpectedly. A 2 AM call. Jisu was crying on the phone and a faint sound of an ambulance can be heard on speakers. 

 

Napabalikwas ng bangon si Jun nang gisingin siya ng kanyang ina na nanginginig ang kamay habang kausap si Jisu. But he knew, just by looking at her that something wrong happened. 

 

When they arrived at the hospital, it was already too late. Dead on arrival.

 

Next thing we knew, his coffin is slowly being lowered down. Ni isang beses hindi ko nakitang umiyak si Joohyun. Pero alam ko na nagluluksa siya. I guess, everyone has different ways to grieve. 

 

She stayed awake the whole time though. Never slept for more than an hour. She accommodated the visitors. Do all the things her sister couldn’t do. It was obvious that Jisu was the one grieving the most. At lalong lalo na si Jun, na lumaking malapit sa lolo. 

 

I know that Joohyun has a lot of regrets. Maybe unspoken words. Hindi ko alam kung talagang naresolba na ang dating lamat nilang mag-ama. It’s not something they really talk in full disclosure. I wish I had the chance to speak to him. But he never came back. 

 

Nalaman ko nalang noong susunod na pagkikita namin ni Joy na pumasok agad ang kanyang ama kasama ang soulmate neto sa pinto. Walang halong pag-alinlangan. 

 

Just like grieving, people deal with death in different ways.

 

 

Sa edad na apatnapu’t walo, natikman niya ang pangil ni Kamatayan. 

 

At that age, even a mild fever can be a worrisome. Hindi pa graduate ang anak niya. Marami pa siyang plano sa buhay. It hit her that her body is becoming weaker as days pass. 

 

Knowing that you’re sick is frightening enough. Much more, when you learn of that cancer may be present in your body. 

 

I remember how she looked in the hospital hall. Anyone who saw her jittering could know how nervous she was.

 

Parang batang iniwan sa ospital ng magulang. Kitang-kita sa mukha ang takot at pag-aalala. 

 

Napansin niya kasing may namumuong bukol ang kaliwang suso niya. Sinabi niya ito sa kapatid na agad naman nagbook ng appointment. Sa unang check-up niya, kasama niya si Jisu. 

 

Nakumpirma ng doktor na may bukol nga. At kahit ilang beses sabihin ng doktor na maaaring benign ito, ‘di pa rin mapawi ang kaba niya. Kahit lapagan pa siya ni Jisu ng mga statistics na na-search nito sa Internet patungkol sa mga lumps. At kahit sabihin ni Jennie, na cancer survivor mismo, na wala siyang dapat ikabahala dahil naagapan naman niya. 

 

Kaya eto, sa pangalawang balik niya sa ospital, parang pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Mag-isa lang siya dahil ang kapatid niya ay may trabaho. Si Jun naman ay may pasok. Si Jennie naman, matagal nang nangibang bansa ang pamilya nito. Sa New Zealand din ito nagpagamot ng cancer niya na naranasan nito dalawang taon na ang nakalipas. 

 

Sinulyapan ni Joohyun ang mga katabi niya, lahat sila may kasama. Asawa, anak, kapatid, kamag-anak o kaibigan. Alam mong kabado sila pero parang hindi halata dahil may kasama silang nakaantabay sa kanila. Samantalang si Joohyun, pigil na pigil ang luha simula noong dumating siya sa hallway na iyon. 

 

She felt loneliness. Parang walang nagmamahal sa kanya. Parang mag-isa lang siya sa laban na iyon.

 

Pag nakita mo si Joohyun, iisipin mo na sobrang malubha ang karamdaman niya. Maaawa ka nalang. Kinakausap nga siya ng katabi niya. Kinukwentuhan ng experience niya bilang kapwang may ganoong karanasan. Pero gaano man karami ang assurance na ibigay sa kanya ninoman, hindi niya naman talaga maisasawalang bahala ito. Lalo na’t alam niyang may anak pa siyang nakadepende sa kanya. 

 

Nang pumasok siya sa loob ng isang maliit ng kwarto, agad niyang sinabi ang appointment niya sa nurse sa may reception. Pinaupo siya nito sa isa sa mga cubicle. Nakaparte ang apat na cubicle ng mahahabang kurtina na nagagalaw. May mga upuan ito sa loob. Naghintay siya doon kasama ang ilang mga pasyente. 

 

Susunduin sila ng isang nurse para papasukin sila sa isa pang kwarto. Doon gaganapin ang mammogram nila. Nang dumating na ang isang nurse sa cubicle niya, hindi niya na napigilang umiyak. 

 

Ang kawawang nurse, nagulat sa reaksyon ni Joohyun. Ilang beses nagtanong si Joohyun kung magiging masakit ba, kung paano ichecheck at ano ang dapat gawin niya pagkatapos. The nurse remained patient, like she’s used to these situations. Sinagot niya lahat nang kalmado at klaro habang inaabutan ng tissue si Joohyun. Nang tumahan na si Joohyun tiyaka sila pumasok para sa testing. 

 

Matapos niyon ay niredirect si Joohyun sa doktor para sa ultrasound. 

 

Halos himatayin si Joohyun sa nalamang resulta. 

 

Benign ang tumor. 

 

Ibig sabihin, hindi ito cancerous. 

 

Pero sa reaksyon ni Joohyun, parang kabaliktaran ito. Umiyak ito na agad naman ikinabahala ng doktor. Inakala na baka mali ang pag-intindi ni Joohyun. Pero nawala ang pag-alala ng doktor nang nagpasalamat si Joohyun habang pinipilit ngumiti.

 

Nabunutan siya ng tinik. At ramdam iyon ni Jun sa call nila.

 

“Ma, kumusta?” 

 

“Benign, anak. Benign.” Sabi ni Joohyun na nakangiti habang naglalakad papuntang parking lot. 

 

We heard his sigh of relief. “I’m sorry if I wasn’t there.” Joohyun’s smile grew wider.

 

“Okay lang, ‘nak. Pauwi na pala ako. Anong gusto mong pagkain?” 

 

“Kahit ano. Magsaing ba ako?”

 

“Sige. Nasa bahay ka na ba?”

 

“Opo… Ma… may sasabihin pala ako sa’yo mamaya. Tungkol sa course ko…”

 

Kaya sa edad na apatnapu’t siyam, nilisan nina Joohyun ang Maynila. 

 

Nanirahan sila sa Pangasinan, ang probinsya ng kanyang ama. May naitayo itong dalawang magkatabing bahay sa kanila, na ibinilin sa will and testament nito. Hindi naman ganoon kalaki ang bahay ngunit malaking bagay na ito para sa magkapatid. Isang lupa na malaki ang naibili ng kanyang ama, malapit-lapit ito sa dalampasigan. 

 

At tila bang hulog ng langit ito kay Jun, dahil natupad ang isa sa pangarap niya.

 

At sa edad din na apatnapu’t siyam, nanirahan na muling mag-isa si Joohyun.

 

Ninais ni Jun na maging isang Navy. Ginusto niya rin malibot ang mundo. Hinangaan niya ang kanyang Tito Minho noon. 

 

Labag man sa loob ni Joohyun ang mga gusto ng anak, hindi niya pa rin natiis. Kahit ang ibig sabihin nito ay iiwan siya paminsan-minsan ng anak. Sa Zambales nag-aaral si Jun at doon na rin sa paaralan niya siya natutulog. 

 

Sa pag-aaral palang nito ay naranasan na ni Joohyun ang pakiramdam na mabuhay mag-isa. Siguro masasanay rin siya kung sakaling maisipan ni Jun na mag-abroad.

 

Madalas ay umuuwi si Jisu at ang pamilya nito sa Pangasinan para bumisita. Ngunit ‘di pa rin sila desididong manatili sa lugar dahil sa kawalan ng oportunidad. Mabuti nalang ay may nahanap na trabaho si Joohyun kahit mas maliit ang sweldo nito. Nakatulong din na scholar si Jun at wala masyadong gastusin para sa matrikulasyon nito. 

 

Magaan ang buhay nila. May tahanan, naipapaaral ang anak, naibibigay ang lahat ng mga pangangailangan, nababayad ang mga gastusin, at maginhawa’t malayo sa polusyon ang lokasyon pa nila. Pero para kay Joohyun, parang may kulang. May isang bagay na hindi niya alam pero hinahanap-hanap niya. At dahil doon, nalulungkot siya. 

 

Nagtataka ka siguro, kung paano ko nababasa na ngayon kung anong nararamdaman ni Joohyun. Kung tutuusin, hindi ko rin alam eh. Siguro dahil sa matagal kong pag-oobserba sa kanilang mag-ina, alam ko na ang mga tumatakbo sa isip nila. Siguro binubulong ng mga diyos at diyosa mismo sa’kin ‘yung mga sagot sa mga tanong ko. Siguro biniyayaan ako ni Bathala ng kakayahan para malaman ito upang magbigay ng magandang naratibo sa buhay ni Joohyun. Siguro ito nalang ang saysay ng pananatili ko rito sa mundong ibabaw. 

 

Years easily pass. Jun graduated and worked abroad. Nagtrabaho ito bilang isang seaman. 

 

Sa edad na limangpu’t apat, kung anu-ano ang mga ginagawa ni Joohyun para malibang.

 

“Lala, Lulu! Uwi!” Pagsita ni Joohyun sa dalawang pusa niya. Nakita niyang sinusundan siya ng kanyang mga alaga. Tumigil ang dalawang pusa at nakatingin lang sa kanya. “Shoo!” Pagbugaw niya gamit ang sketchpad niya. Napaupo ang dalawang pusa. 

 

Kunot ang noo na nagsungit-sungitan si Joohyun, “Kapag kayo nag poo-poo na naman kung saan-saan, itatali ko na talaga kayo sa bahay.” Napabuntong hininga nalang si Joohyun nang nanatiling nakatingin ang dalawang pusa sa kanya na tila nagmamakaawa. “Sige na nga, hali na kayo.” 

 

Tumayo ang dalawang pusa at lumapit sa kanya at sinabayan siyang maglakad. To be honest, I didn’t really expect that she will get a cat. Takot sa hayop si Joohyun. Kahit ibon nga minsan o manok di siya mapakali. One of the hardships in living alone is to kill your own boredom before it kills you. Kaya kumuha siya ng mga pusa.

 

Binigay ng kapitbahay niya si Lala, isang puting pusa. She noticed that Lala gets lonely when she’s out for work. So, she got another cat… for her cat. 

 

Si Lulu, orange naman siya. Pero malungkot si Lulu kapag wala naman si Joohyun sa bahay. Kaya hinahayaan nalang ni Joohyun na sumunod si Lulu kung saan. Eto namang si Lala hindi mapirmi kung wala si Lulu sa paningin. So pwede na natin masabing pusa ni Lulu si Joohyun. Charot lang…

 

 

Anyway, pumunta sila sa baybayin. Same spot every Sunday at 7 am and same routine. Ilalapag muna ni Joohyun ang dala-dalang basket at kukunin ang kahel na kumot mula rito. Ilalatag niya iyon sa buhangin at sabay na uupo si Lulu at Lala sa kumot. Matapos ay uupo siya sa tabi nila at ilalabas ang maliit na thermos at mug. Ilalabas ang sachet ng chocolate drink at magtitimpla. Tiyaka iinom habang nakatingin sa kawalan.

 

 

Peaceful. This is what I am looking forward to everyday. Because at least I can pretend that she knows I’m beside her, basking in the silence. 

 

Minsan sa mga segundong iyon nalilimutan kong patay na pala ako. Nalilimutan ko kung gaano kasakim ang mundo. Kasi katabi ko ang taong pinakamamahal ko at kuntento na ako. 

 

Tiyaka, bilang laking Maynila, isa sa mga inaasam ko dati ay uminom ng kape sa dalampasigan. Wala lang. Feel ko kasi ang gaan sa pakiramdam kapag nangyari iyon. ‘Yung makakita ka ng dagat na kung tutuusin ay magulo dahil sunod-sunod ang daluyong pero kaaya-aya pa rin. Parang lahat ng pagod mo mailalabas mo, dahil may oras kang magmuni-muni sa kaingayan ng dagat. Sa bagay na mas magulo pa sa buhay mo.

 

You’re surrounded by nature that you become a part of it. Then, you will start feeling that you are more significant in this world. More belonging to something you couldn’t even comprehend how it started. And you don’t even need to think anymore. You will just feel contented for everything even though life is ty. 

 

Iyon ang mga bagay na nasa isip ko noon. Na sasalubungin ng dagat lahat ng pagod ko. At totoo nga… Inalon na lahat ng lungkot ko basta makatabi ko lang si Joohyun sa harap ng dagat. 

 

Matapos uminom si Joohyun ay ibabalik niya ang mug sa basket. Sabay ilalabas ang watercolor niya at drawing materials. Tapos magpipinta ng kahit anong mapusuan niya. 

 

Isa rin ‘yon sa mga gusto kong gawin noon. Napapaisip nga ako minsan kung kaninong pangarap ba ang ginagawa ni Joohyun. Sa kanya o sa akin? Dahil parang lahat ng ginagawa niya para sa ikapapanatag niya ay mga pangarap ko noong buhay pa ako.

 

 

Una, makapagtayo ng bahay sa probinsya at tumira doon kapag magreretiro. Check.

 

Pangalawa, magkaroon ng pusa dahil ayaw ng magulang ko na mag-alaga kami noon. Check. At dalawa pa nga.

 

Pangatlo, makapag-emote sa beach. Check.

 

Pang-apat, maipinta ang dagat habang nakikipagtitigan dito. Check. Nakailang beses na nga.

 

I try not to think of these trivial matters because maybe that’s just how the way it is. As soulmates, we are born to have the same dreams. Or maybe it’s just a coincidence

 

But I was wrong. I was so wrong about it. 

 

I realized it when Jun came back home. His mother was watering the plants when he surprised her. Bukod sa mga pasalubong, may dala rin itong magandang balita. 

 

Mag-travel daw sila. That’s one of my greatest dreams.

 

Kung saan-saang lupalop ng Pilipinas dinala ni Jun si Joohyun. Minsan kasama ang pamilya ni Jisu at ang girlfriend ng anak niya. Pero kadalasan silang dalawa lang. Napakabait na bata ni Jun at halatang maganda ang pagpapalaki ni Joohyun sa kanya para magkaroon ito ng ganitong pagmamahal. Higit pa nga ata sa utang na loob ang pinapakita nito. 

 

When they felt like traveling around the Philippines was not enough, they went abroad. 

 

Singapore. Taiwan. Hong Kong. Korea. Japan. Budapest, Hungary. France. United States. Canada. New Zealand. At kung saan-saan. 

 

Pero isang bansa talaga ang pinakainaasam-asam kong makapunta dati.

 

Sa edad na animnapu’t dalawa, natupad ni Joohyun ang pinakamalaking pangarap ko. Ang makapunta sa Vienna, Austria.

 

Naaalala ko dati, mahilig akong tumingin ng mga tourist spots sa Austria dahil sa paborito kong pelikula na iyon ang setting. Before Sunrise. Somehow, Joohyun went to every tourist spots I wanted. I just couldn’t contain my happiness and it seemed like Joohyun felt it too. 

 

Life may have hindered me from fulfilling these dreams in my own. But the fact that Joohyun is fulfilling the dreams of someone she doesn’t know, maybe we were always meant to fulfill these dreams together. Even if death separates us, we were meant to accomplish these goals. 

 

It actually makes me think if these are just borrowed dreams. Sino ba ang nangarap neto talaga? Ako ba? Si Joohyun ba? Or si Bathala na sumulat ng mga buhay namin?

 

Mga tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko. 

 

Sa huling araw nila sa Vienna, pumunta sila sa museum ng Belvedre Palace. At sa harap ng painting ni Gustav Klimt, isa sa mga pinakahinahangaan kong painter, pinukaw ni Jun ang interes ko. 

 

“The Kiss… Iyon ang title.” Basa ni Jun sa maliit na placard. Hirap na rin makabasa si Joohyun nang maliliit lalo na’t hindi siya nakasalamin. Napatango-tango si Joohyun habang tinititigan ang painting. Ganoon din ang kanyang anak na nasa tabi.

 

“Naniniwala ba kayo sa soulmates, Ma?” Out of the blue question ni Jun. Palokong nakakunot noong lumingon si Joohyun sa anak na nasa kanan. Inakalang nagloloko ang anak. Ngunit nang makita ang ekspresyon ni Jun, alam niyang seryoso ang anak. 

 

“Pwede,” simpleng sagot ng ina. This time, it was Jun’s turn to look at her questioningly. “Bakit naman?” 

 

“Sa tingin ko, tayo ang gumagawa ng soulmate natin. Kung anong sa tingin natin ‘yung ideal. ‘Yung sa tingin nating deserve natin. Ang soulmate mo ay yung taong kayang tumbasan yung pagmamahal na binibigay mo. The love you give is the love you deserve, ika nga.” Tinignan na rin ni Joohyun ang anak. 

 

“Kaya ang soulmate, hindi ‘yan itinakda sa’yo. Hindi mo na kailangang hanapin. You create that soulmate just by loving them. Kaya kung ako tatanungin mo kung nakilala ko na ang soulmate ko? Yes, I met many. Isa ka na rin doon.” 

 

“Wow…” Natawa nalang ang anak sa explanation ng anak. “Pwede na pang Miss Universe, Ma.”

 

“Loko ka. Bakit mo naman natanong?” Jun looked back at the painting with a smile so new, so unfamiliar. May hiwaga. 

 

“Well, I think I’ve met another soulmate this time. Pero iba ‘to sa dati, Ma. Sa tingin ko, siya na talaga.” At mukhang pati si Joohyun ay nagulat sa sinabi ng anak. Pero napalitan agad ito ng ngiti. Mirroring the smile her son was shining. She knew right then that Jun had really grown up. 

 

Tumingin ulit si Joohyun sa painting. “Kahit sino pa ‘yan, anak. Susuportahan kita.” 

 

Sa edad na animnapu’t tatlo, nasaksihan ni Joohyun na ikasal ang tanging anak. 

 

At sa edad na animnapu’t apat, nahawakan ni Joohyun ang kanyang apo. 

 

Jihyun, ang pangalan.

 

Isang Koreanang lumaki sa Pilipinas ang napangasawa ni Jun. Kung tutuusin, may dugong Koreana rin sina Joohyun at Junmyeon. 

 

“Palitan mo na ang diaper ng anak mo. Baka umiyak maistorbo pa si Minji. Maawa ka naman sa asawa mo.” Mahinang sabi ni Joohyun sa may sala habang naggagantsilyo ng maliit na medyas.

 

Napakamot nalang sa ulo si Jun. “Paano?” 

 

“Diyos ko."

 

 

Jihyun was the center of their household. Literally, sa kanya umikot ang buhay nilang tatlo. Hindi magawang iwan ulit ni Jun ang ina kaya nakitira muna si Joohyun sa bahay ng mag-asawa sa Maynila. Kapag bakasyon ni Jun nalang sila umuuwi sa probinsya. 

 

Bilang lola, ang hilig mangspoil ni Joohyun. Something that she wasn't able to give to Jun before. Medyo may pagka-strict kasi ang pagpapalaki ni Joohyun sa anak. 

 

Tulad nalang noong 10 years old si Jihyun, tuwing may gusto itong gawin ay sinusuportahan ni Joohyun. Madalas kasi si Joohyun ang nag-alaga kay Jihyun dahil busy sa trabaho ang mag-asawa. Kaya iba ang atensyon na nabibigay ni Joohyun sa kanya.

 

Sinundo ni Joohyun ang apo sa school. "Nanay!" sigaw ng bata nang makita siya sa may gate. Nakasuot ito ng pang ballet. Gustong-gusto kasi ng apo ang pagsasayaw kaya ang ballet club ang isa sa mga sinalihan nitong extracurricular. Sinalubong ni Joohyun ang yakap ng apo. "Nanay, I want to join a choir." 

 

"Join whatever you want, I support you ok?" 

 

"Teacher said that you need to sign a parent's consent." 

 

Doon nagsimula ang pangarap ni Jihyun na maging singer. Sumunod-sunod na ang mga contests. Mapa singing man o dancing. It's like Jihyun was born to shine in performing arts. At naniwala si Joohyun sa kakayahan ng apo nang sobra-sobra. Siya mismo ang nag push at nagdefend nang hindi nagustuhan ni Jun ang desisyon ng anak. Sa lahat ng competition nandoon si Joohyun. Kahit pati noong nagcontract signing sa isang track record ang apo. Pati nang inihatid nila ito sa airport dahil lilipad na ito para magtrain sa Korea.

 

Sa edad na, pitong pu't siyam namaalam si Joohyun sa apo pansamantala. 

 

Iika-ika na naglakad si Joohyun. Hawak-hawak siya ni Jun. She was intently looking at Jihyun's back. Parang hindi siya makapaniwala sa bilis ng oras. Parang kailan lang... Ang laki na ng apo niya.

 

It was time for their farewells. Jihyun hugged her dad. Nasa Korea na si Minji naghihintay sa pagdating ng anak. 
 

Nang lumipat ang tingin ni Jihyun sa lola, hindi na nito mapigilang umiyak. Niyakap ni Joohyun nang napakahigpit ang apo. It felt like a goodbye. Like they will never see each other again. 

 

"Thank you so much, Nanay. I love you," bulong ni Jihyun sa lola. "I love you too, my superstar." Hinalikan ni Joohyun ang apo sa bumbunan. 

 

In that moment, I realized that Joohyun has fulfilled one of my dreams yet again. I once dreamed to be a singer. Hangang-hanga ako sa mga artista dati na napapanood ko sa tv. But in the Philippines, a performing arts career is not something you can convince your parents to let you venture that easily. And I was afraid of pursuing it. 

 

If I have met Joohyun earlier, she would have believed in me too. I just know it.

 

Ilang buwan mula ng pag-alis ni Jihyun, napagdesiyunan ni Joohyun na umuwi ng probinsya at doon manirahan. Kasama niya si Jisu at ang pamilya nito. Kaya kampante si Jun na iwan ang ina sa pangangalaga ng mga pinsan niya pansamantala.

 

10 years was too quick. In a blink, Jun was in his retirement. Minji and him decided to stay with Joohyun for good after knowing that she was sick. Jihyun has a successful career in Korea as an idol. 

 

Sa edad na siyamnapu, pitumpung taon makalipas nang mamaalam ako sa mundong ibabaw, nakita muli ni Joohyun nang buo ang mga mahal niya sa buhay. Ang anak, kapatid, apo. 
 

Tahimik lang si Joohyun sa may sala ng bahay habang nakasandal sa rocking chair nito. Naguulyanen na siya kung tutuusin. Pero kitang kita sa ngiti neto na masaya siya. 

 

Nagkukwento ang apo sa mga naganap sa kanila sa Korea. Lahat nakikinig kahit pati kaming hindi nakikita. 

 

Pero tila natahimik ang lahat biglaan nang natapos magsalita si Jihyun. At saktong lumitaw si Joy sa may pinto ng bahay. Kasama nito si Wendy at Yeri.

 

I knew right away. It's time to meet my love.

 

"Nanay, matutulog po kayo?" 

 

Isang tanong na sinagot ng isang tango. Nakatulog ang pinakamatanda sa kanilang tahanan.

 

Lumapit sakin si Wendy at itinulak ako papunta sa kinauupuan ni Joohyun. Tinignan ko ang nakapikit na matanda, may munting ngiti sa labi. Nakita ko kung paano tumigil ang hininga ni Joohyun. Parang wala lang. Parang natutulog lang siya. 

 

Lumapit si Jun kay Joohyun, hinagkan ang ina. Pero natigil siya nang may mapansing kakaiba. Tinapik tapik nito ang kanyang ina. At sa isang iglap, nagkagulo na ang lahat. Hinagpis at pangungulila. No one will ever be ready for death.

 

My long wait is over but why do I feel sad? My heart clenched for Jun. For Jisu. For Jihyun. And for all who loved Joohyun so dearly. 

 

Above all, I felt sad for myself. How pitiful life can be. If I were still alive, would I be with her in her dying breath? Would I be mourning with her family? Our family?

 

Nangilid ang luha sa mga mata ko. Hindi ko kayang makita ang pag-iyak ng pamilya ni Joohyun. Hindi ko kayang makita ang nanlalamig na katawan niya.

 

May humawak sa kanang kamay ko. Mainit at mas maliit na kamay. Liningon ko ang kanyang gawi. At tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.

 

Kahit na suot niya ang duster na ikinamatayan niya, bumalik sa pagkabata ang itsura niya. Parehas na parehas sa unang araw ng pagkikita namin. Ngumiti siya at hinigpitan ang pagkahawak sa kamay ko.

 

At sa edad na siyamnapu, kasama ko na si Joohyun. 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sizterette
After much reconsideration, here is the epilogue. I agree with some of your sentiments regarding sa story but I just got scared of ruining it kasi napaglipasan ko na to ng panahon sa pagsusulat. Thank you so much if you reached this part! Sana naenjoy niyo ❤️

Comments

You must be logged in to comment
turtlenaut_ #1
Chapter 12: saktong sakto sa existential crisis ko author-nim 🙂 thank you! sana nga there's something beautiful on the other side ❤️
JiHyun12 #2
Chapter 12: Love this story author! Thank you so much!
redlighton #3
Grabe, this story is so underrated! Feeling ko yung movie line na “this is not a love story, but a story about love” applies to here as well. Seulgi’s narration, wala akong masabi. Para lang din akong nagbantay kay Joohyun throught the years. Love is patient nga talaga… I just wished the ending was a bit longer. An epilogue/special would be nice too… or even just add 5 paragraphs just to show a glimpse of the moment of finally meeting again! Feel ko deserve din ng readers yun bukod kay Seulgi na matagal nag antay 🥹
JiHyun12 #4
Tor what if irene’s pov naman kahit isang chapter lang hihi
JiHyun12 #5
Chapter 11: 🥺🥺🥺☹️
KaiserKawaii #6
Chapter 11: Hello author. Ngayon ko lang nabasa to. Pero grabe ka naman sa pagpapaiyak. Sobrang ganda ng pagkagawa. Ganda ng idea. Wow. May nakaisip nang ganitong style. Eto na ata ang fav Filipino fanfic.

Ansakit pala ng idea na forever ka lang nakamasid sa taong meant for you. At maging unselfish.

Sobrang ganda talaga. Wow. Di nga ako nakatulog nang maaga para lang matapos in one seating.
howdoyouknowmee
535 streak #7
Chapter 11: Came from twit and owemgee ngayon ko na lang din naalala to huhu
Usernam31 #8
Chapter 9: Napaka ganda po talaga nito authorrr!!! Waiting po sa nextt chapter.
sevi_ely #9
Chapter 9: Patapos naaaaaa?ಥ╭╮ಥ
Baechu29 #10
Chapter 8: Huhu binasa ko to in one seating author. Hindi ko alam pero basta na lang tumutulo luha ko. Hindi ko alam kung para kay Seulgi ba o kay Joohyun, siguro pareho. Parang bigla kong narealize na dapat sulitin ko ang mga panahon at pagkakataon na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Salamat kasi minulat mo ako ng totoo ngang, 'you only live once'. Salamat dahil madami akong natutunan sa story mo. Looking forward sa mga susunod na chapter. :)