Pangatlo: Ang Naulilang Kaluluwa

Tanikala ni Bathala

Gising, school, uwi. Ganoon ang naging takbo ng buhay ni Joohyun buong college life niya. Kung nasa Pilipinas naman ang Papa niya, gising, school, gala, uwi. Minsan tinatambak niya sarili niya ng mga gawain. Laging nakalock pinto niya at hindi siya nagpapaistorbo para lang hindi siya kausapin ng Papa niya tuwing weekends. Lumalabas din sila ng mga kaibigan niya pero bihira lang. She's an introvert afterall. She really prefers to stay home. Minsan nanonood nalang kami ng Netflix at Youtube. Oo, nakikinood ako bakit ba?

'Yung naging takbo naman ng buhay ko... wait, scratch that.

'Yung naging takbo naman ng mga taon ko ay bantayan si Joohyun, aalis dahil death anniversary ko, bantayan si Joohyun, papasok sa panaginip niya dahil birthday niya, bantayan si Joohyun, babantayan ulit si Joohyun, aalis dahil araw ng mga patay, bantayan ulit si Joohyun.

Ganoon lang. 'Di rin ako makapaniwala noong una na ilang taon na pala ang nakalipas. 'Di naman boring. Wala namang boring basta tungkol kay Joohyun. Minsan nga pakiramdam ko na 'yung buhay niya ay buhay ko na rin. Pero ano nga ba ang mangyayari kung ginawa mong sentro ng buhay mo ang isang tao? 'Yung tipong gumigising ka nalang para sa kanya. Your life revolves around her life?

You will became lifeless. Parang may void sa sarili mo na mapapatanong ka kung ano pa ba 'yung layunin at hangarin mo at buhay ka pa rin.

Pero para sakin bilang isang kaluluwa, kabaliktaran lahat. Parang mas nabuhay pa nga ako kasi may panibagong rason ako para manatili sa mundong ibabaw. At si Joohyun 'yun.

Lahat ng magagandang bunga ay may kapalit. Unti-unti kong nawawala ang sarili ko, mga alaala ko tungkol sa dati kong buhay, minsan pati emosyon ko pa nga ay nakasentro na rin kay Joohyun. Tila kontrolado na niya ang buong pagkatao ko pero hindi niya alam. Tuwing malungkot siya, malungkot din ako. Tuwing may mga bagong 'fun memories' siya, nandoon din ako. Sa lahat ng mga nararanasan niya, katabi niya ako.

Ang saklap lang isipin na parang mas kilala ko na nga ata si Joohyun kaysa sa sarili ko samantalang ako hindi niya kilala. Kilala niya lang siguro ako—well, not really—bilang guardian angel niya na laging nagpaparamdam sa panaginip niya tuwing birthday niya.

Ang lungkot din isipin na kahit pag dating kay Joohyun, wala pa rin akong kasiguraduhan sa tunay na nararamdaman at iniisip niya. Hindi pa rin siya nagbabago. Madalas pagnadadala ng sama ng loob, sinusulat niya sa diary niya. Pero sino ba ako para basahin 'yun? Wala akong karapatan.

She's not writing it for someone else. She's writing it for herself. And if it's something she wants to keep to herself, I can't invade her privacy. Kahit na halos parte na ako ng buhay niya.

 

Sa hirap at ginhawa, nandoon ako. Noong grumaduate siya, katabi ko 'yung dean nila habang binibigay sa kanya 'yung diploma niya. 'Di man siya grumaduate na laude, magna laude o summa laude tulad ng gusto ng tatay niya. Proud pa rin ako sa kanya. Besides, summa naman ako... Summa kabilang buhay. Ok bad joke. Anyway...

Kahit nga noong graduation picture taking niya, nandoon ako katabi ng photographer habang kinukuhanan siya ng litrato. Ilang beses ko ginalaw-galaw 'yung continuous lighting para umulit ng pagkuha ng litrato si Joohyun kasi ang panget ng kuha ng photographer.

Nandoon din ako habang nagtitimpla siya ng kape para sa boss niya sa OJT niya. At dahil sa inis na hindi nila binibigyan ng 'experience' o trabaho si Joohyun, tinabig ko 'yung kape sa boss niya. Natapunan tuloy. Kaya ayun may bagong trabaho na si Joohyun: pinabili siya ng bagong polo ng boss niya.

Nandoon din ako tuwing nagsusumbatan sila ng Papa niya. Kadalasan hirap makatulog si Joohyun 'pag nangyayari 'yun kaya niyayakap ko siya hanggang sa makatulog siya. Tuwing death anniversary naman ng Mama niya, kasama ako tuwing binibisita ang puntod nito. Sa mga oras na 'yun, grabe ang kaba ko kay Joohyun. Hindi niya lang nakikita na minsan, may mga multo na malapit sa kanila ng kapatid niya. Pero syempre, walang nagtatangkang magparamdam sa kanya. Kasi nandoon ako at may kung anong kapangyarihang taglay ang samahan naming dalawa.

Nandoon din ako noong board exam niya, binubulong ko sa kanya 'yung sagot kahit hindi naman niya naririnig. Kahit pati noong nagkabalikan sila ni Junmyeon—na ex niya pala noong high school— at tuwing naglalandian sila, nandoon ako! Hindi rin ako makapaniwala noong una na marupok pala si ate niyo Joohyun kay kuya Junmyeon. Noong una nga akala ko magpinsan sila kasi magkamukha sila. Napakarupok talaga. On and off sila buong college years ni Joohyun. Etong si ate niyo Joohyun naman kahit napakaraming red flags, binabalik-balikan pa rin. Pero mabuti nalang, huling pag-uusap nila ay noong nagbreak sila bago magboard exam si Joohyun. Or so I thought...

Ibang usapan bukod sa lovelife ni Joohyun. Nandoon din ako noong na-announce 'yung mga pasado ng board exam. Kasama akong nakikain ng mga handa noong nagpa-party sila dahil pasado siya. Syempre galing sa altar at napakaraming nilagay ng tita niya doon. Kahit lechon nilagay. Proud na proud ang Papa ni Joohyun sa kanya. Civil engineer din kasi ang Papa niya at sino bang magulang ang hindi matutuwa na sumunod sa yapak nila ang kanilang anak? Proud na proud nga silang lahat sa kanya pero si Joohyun, proud ba siya sa sarili niya? Siguro... proud na hindi ganoon ka proud. Gulo noh?

May narating nga siya pero gusto niya ba? Masaya ba siya? Parang hindi... Pakiramdam ko hindi talaga. Nakumpirma ko na tama ang hinala ko noong isang gabi na nagkasagutan sila ng Papa niya.

Death anniversary ng Mama niya noong nakaraang araw bago ang gabing 'yon at nakalimutan ng Papa niya. Noong pinaalala ng kapatid ni Joohyun sa Papa nila, hindi ito umimik at parang wala lang sa kanya. Kung ano-ano pang sinabi na nagsayang lang sila ng oras na magkapatid sa pagbisita sa yumao na. Dala na rin siguro ng alak dahil lasing ito kinaumagahan palang. Nagalit si Joohyun. Binuhos niya lahat ng poot sa ama niya.

"Nasaan ka ba noong hirap na hirap si Mama sa sakit na nararamdaman niya? Nasaan ka ba noong naghihirap kami dito para lang makahanap ng pangbayad sa ospital? Nandoon ka sa kabit mo sa Dubai! Nagpapakasasa sa pagmamahal niya! Pero wala kang narinig samin kahit kay Mama. Kasi alam namin kung gaano kahirap maghanap buhay abroad. Tapos ngayon, simpleng bisita lang kay Mama bilang respeto hindi mo magawa? You don't deserve Mama. Sana hindi nalang ikaw ang Papa namin!" Hindi napigilan ng Papa niya na maisampal siya. Napahawak si Joohyun sa pisngi niya at unti-unting tumulo ang luha niya. Akala ko mananahimik na si Joohyun. Pero hindi madaling patayin ang apoy na ngayon lang lumiyab. Hindi ito titigil hangga't upos nalang ang natitira.

"Ganyan ba ang ibabalik mo sakin, Joohyun?! Matapos kita paaralin! Buhayin! Akala mo ba madali lang sakin lahat? Wala kang alam! Pinagmukha mo naman akong demonyong walang konsensya!" Ramdam ko ang panggigigil sa boses ng Papa niya. He was clenching his fist so hard and he was looking at Joohyun with so many emotions. Galit, lungkot, pagsisisi to name a few.

"Oo, pinaaral mo nga ako. Lahat ng gusto mo sinunod ko, Pa! Nag-civil engineer ako kahit hindi ko naman gusto. Tignan mo nga oh!" Kinuha ni Joohyun ang tarpaulin na nakasabit sa likod ng pintuan nila at tinapon 'yun sa sahig na pumapagitan sa kanila. Ginamit 'yung tarpaulin noong nagcelebrate sila sa pagkapasa ni Joohyun sa board exam. "Pasado na ako sa board exam lahat-lahat! Ilang taon na ba nakalipas noong namatay si Mama? Sinong taong may konsensya pa na nakayanang magpakasaya sa piling ng iba habang naghihirap ang asawa niya? Sinong tao ang may natitirang konsensya pa at kapal ng mukha bumalik dito na parang hindi nabiyudo? Sinong may konsensya pa ang kayang talikuran ang buong pamilya niya? Ni minsan hindi ka dumalaw sa kanya! Kahit nga noong libing niya, wala ka! Simpleng hiling lang naman namin na dalawin mo si Mama, hindi mo magawa? Totoo naman eh, wala kang konsensya. Nakayanan mo pa ngang sampalin ang anak mo eh." mapait na sabi ni Joohyun.

Natauhan ang Papa niya. Umakyat na si Joohyun sa kwarto niya at nag-impake. Sinundan siya ng kapatid niya.

"Ate? Sa'n ka pupunta?" Napatigil sa pag-iimpake si Joohyun at nagpunas muna ng luha. Tumayo siya at lumapit sa kapatid niya. "Iiwan mo kami 'te?" dahan-dahan na tanong ng kapatid niya.

"Babalikan kita." Huling salita niya sa kapatid niya bago umalis ng bahay. Hindi siya pinigilan ng Papa niya.

 

Nakitira siya sa apartment ng kaibigan niya, si Jennie. Wala na siyang matakbuhan kundi ang 4 years orgmate niya. Kinupkop naman siya ni Jennie. Sa unang gabi, napagdesisyunan kong pumasok sa panaginip ni Joohyun. Iyon din ang kauna-unahang beses na nag-usap kami sa panaginip niya. Tuwing kaarawan niya kasi, nagpapabigay lang ako ng mga liham sa kanya. Minsan may kasamang flowers o kaya 'yung pagkain na hinanda nila. Wala eh, wala akong pera pambili. Bad naman kung magnakaw ako sa panaginip 'di ba?

Anyways, 'yung scenario sa panaginip ni Joohyun ay nasa loob ng simbahan. Nasa confession booth siya at nasa kabilang panig ako pero hindi niya alam. May isang screen ang pumapagitan saming dalawa. Medyo naaanigan ko ang mukha niya pero pinatagilid ko ang upo ko baka sakaling maanigan niya rin ang mukha ko. Lahat ng mga sama ng loob niya sa ama niya nilabas niya. Nakinig lang ako. Nang matapos siya nagsalita ako...

"Kaya mo pa ba?" tanong ko. Ilang segundong katahimikan. Hindi ko alam kung dahil nagulat siya dahil boses babae ang pari sa kabilang panig ng confession booth o dahil nagigising na siya mula sa panaginip niya. Nakita kong gumalaw siya at medyo nilapit ang mukha sa screen.

"F-father?" tanong niya pabalik. Sabi na eh. Nagtataka siya kung bakit babae ang pari.

"Joohyun, I'm sure na matagal mo nang kinikimkim 'yung mga hinaing mo sa Papa mo. Clearly, you've been holding yourself back. It's one of the few moments I saw that you're true to yourself. To what you feel." Hindi siya nagsalita. Huminga ako nang malalim at pinagpatuloy ang sasabihin ko.

"It's hard to express yourself, I understand. Pero kung lagi mong kinukulong ang totoong nararamdaman mo at lagi kang nagtitimpi, mas mabibigat ang labas ng emosyon mo. And that's not easy to control, isn't it?" Tumango siya.

"Ikaw? May konsensya ka pa ba?" dugtong ko. Nagulat ata siya sa biglang tanong ko. "Opo..." mahinang sagot niya. "'Di mo sure?" patawang tanong ko ulit. Just lightening up the mood.

"Well, kung may konsensya ka pa. Do you regret anything of what you've said earlier?"

"Yes po, Father." Seryoso ba 'tong babaeng 'to? Akala niya pari talaga ako?

"'Wag mo kong tawaging Father."

"Sorry. Mother?" mahinang siyang tumawa. Patawa ka, Joohyun.

Konti nalang, muntikan ko na siyang gisingin noong oras na 'yun.

"'Wag mo nalang ako tawaging kahit ano. Balik tayo sa tanong ko. What do you regret?"

Ilang segundo bago sumagot si Joohyun, "May mga nasabi ako kay Papa na hindi ko naman talaga sinasadya. Galit na galit lang talaga ako kanina. I let my emotions get the best of me." pag-amin nito.

"Reflecting on what you just said, what will you do now?" Pwede na ata akong pumasok sa kumbento.

"I don't know."

"Kaya mo pa ba?" paniniguro ko ulit. Kung hindi mo na kaya, Joohyun. Sabihin mo lang. Kukunin na kita.

"Kakayanin."

Sa unang pagkakataon, humarap ako sa kanya at ngumiti. Nilapat ko ang kanang kamay ko sa screen. Napatingin naman siya sa kamay ko at nilapat ang kaliwang kamay niya, tapat sa kamay ko. Her hand is way smaller than mine.

Mas lumaki ang ngiti ko.

"Alam kong kaya mo. I'm here, supporting you."

At sa isang iglap, nagising si Joohyun mula sa tapik ni Jennie. "Uy sis, nagsasalita ka sa panaginip mo." sabi ni Jennie. Inabot nito sa kanya ang isang baso ng tubig. Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa pagod. Kahit na ilang beses na akong pumapasok sa panaginip ni Joohyun, hindi pa rin ako masanay-sanay.

Nang makainom na si Joohyun nagtanong si Jennie, "Anong napanaginipan mo?"

"May kausap daw akong babae sa confession booth." kwento ni Joohyun.

"Sa simbahan? Nagkukumpisal ka?" Natawa si Jennie sa sinabi ni Joohyun. Ako rin naman ay natatawa rin. Hindi naman ganoon karelihiyoso si Joohyun. Hindi madalas magsimba pero may pananampalataya pa rin naman. At alam 'yun ni Jennie. "Sino?" Dugtong nito.

"Hindi ko nakita mukha niya." Buti nalang.

"Ano naman pinag-usapan niyo?" Ilang segundong tinitigan lang ni Joohyun si Jennie. "Hindi ko na maalala eh."

Bumalik na ulit si Jennie sa pwesto niya sa kama. Magkatabi lang kasi sila dahil maliit lang ang apartment ni Jennie. Tumalikod ng higa si Joohyun kay Jennie. Mula sa sahig na kinauupuan ko, kaharap ko siya at kitang-kita ko kung paano siya ngumiti habang nakapikit at binulong, "Thank you, Guardian Angel."

 

Ilang buwan nag-stay si Joohyun sa apartment ni Jennie. Sa bawat job interview, katabi niya ako. Dahil mala-Miss Universe sumagot 'tong si Joohyun at maganda ang resumé niya, kinuha siya ng top work choice niya. Tatlong buwan siyang nakihati ng bayad kay Jennie sa apartment. Nang mag-iika-apat na buwan na ay tumawag sa kanya ang kapatid niya at pinapauwi na siya. Bumalik na raw kasi ang Papa niya sa Dubai at ibinilin mismo ng Papa niya sa kapatid niya na pabalikin na si Joohyun sa bahay.

Joohyun's first year in her worklife was agonizing. Bukod sa takot siya sa matataas na lugar, kailangan niya pang pagdaanan lahat ng mga harassments na natatanggap niya on site o kahit sa office. Isang beses nga sinabihan siya na ganda lang daw ang ambag at wala namang utak. According sa co-worker niyang inggitero na lowkey may crush pala sa kanya. Utak kinder. Kung kaya ko lang supalpalin ang board exam results ni Joohyun sa lalaking 'yun ginawa ko na. Natatawa ako 'pag naaalala ko 'yung isang gabi na nag-night out sila at umamin siya kay Joohyun. 'Di pa siya umaamin, binasted na ni Joohyun.

Kahit na ganoon treatment sa kanya, pinagpatuloy ni Joohyun. The company pays well at mataas ang tingin ng mga boss niya sa kanya. If she is experiencing discomfort or harrassments, agad-agad na sinosolusyunan ng kumpanya.

I was always there with her. Aakyat man sa mataas na building, sa officer at kahit sa mga bakasyon at weekends na nasa bahay lang siya. Hindi pa rin halos nagbabago si Joohyun kahit ilang taon na ang nakalipas. She is still the Joohyun I know na mahilig magkimkim. And I was still her 'guardian angel.'

Siguro kung magsasabi ako ng isang bagay na ikinabago ni Joohyun, mas naging mature siya. She became more hard to herself. Mas naging seryoso siya at halos sa work at bahay lang umikot ang buhay niya. At dahil doon, she managed to pull through and even got herself a condominium after 5 years since she got the job. Galing 'yun sa pinag-ipunan niya simula college. Sponsor din ang tiyahin niya na nagbayad sa natitirang mga kinakailangang bayarin pero hindi alam ni Joohyun na palihim na nag-abot ng pera ang Papa niya para lang pondohan 'yung condominium. Sa loob ng limang taon na 'yon, hindi nagparamdam ulit ang Papa nila sa kanya. Tanging paramdam niya lang ang buwanang pera na hinuhulog nito sa bank account nilang magkapatid. Matagal nang may suspetiya silang magkapatid na may ibang pamilya ang Papa nila sa Dubai. Pinamumukha man ni Joohyun na hindi siya naaapektuhan sa ideya na iyon sa harap ng kapatid niya, saksi ako na sa tuwing sarado na ang pinto at mag-isa na siya sa kwarto, palihim siyang umiiyak.

Isang araw bigla-bigla nalang umuwi ang Papa niya at sinabing magreretire na siya. Bagong bili lang ng condominium niya a week before at buti nalang may mga gamit na siyang nailipat doon. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Joohyun at nag-impake para umalis ng bahay. But that time, she also asked her sister to pack her things. Desidido siyang umalis doon kasama ang kapatid niya pero pinagpaliban nila nang humiling ang kapatid niya na manatili muna siya sa bahay ng ilang buwan kasama ang Papa nila. Alam ni Joohyun na hindi niya pwedeng pilitin ang kapatid niya na sumama sa kanya kahit ayaw nito. She still knew her boundaries.

Mas malapit talaga ang kapatid ni Joohyun sa Papa niya. And even if their father has inflicted so much pain to their lives, her sister still has a soft spot to their father.

"Naisip ko, we don't really know his side of the story. Hindi naman talaga natin alam kung ano ang sitwasyon niya sa Dubai noong nagkasakit si Mama. Papa pa rin natin siya, Ate. Let's give him the benefit of the doubt." her sister reasoned out once to her when they were eating at Jollibee one night, which left Joohyun quiet.

Magmamadaling araw na rin noong dumating ang Papa niya kaya pinigilan siya ng kapatid niyang umalis. Kaya nanatili doon si Joohyun ng isang gabi. Nakita naman iyong pagkakataon ng Papa niya para kausapin siya. At buti nalang, pumayag si Joohyun. Hindi ko alam kung ano 'yung naging takbo ng pag-uusap nila dahil hinatak ako ni Chanyeol sa baba para magtsaa. Pero base sa ngiti ng Papa niya at sa matiwasay na tulog ni Joohyun noong gabing 'yun, may magandang naidulot ang pag-uusap nila. Hindi ko naman masasabi na naituwid na ang gusot ngunit plantsado na ang ibang parte. A progress is a progress.

Bumalik na ako sa baba pagkatapos kong masiguro na tulog na si Joohyun at saktong tapos na ang pagtitimpla ni Chanyeol ng tsaa. Umupo ako at kinuha 'yung pinakamalapit na tasa mula sa kinauupuan ko at ininom ito.

Pwe, lasang dahon. Isip ko noon. My eyes went wide when I realized its taste. At mas lalong lumaki ang mata ko nang makitang lumaki rin ang mata ni Chanyeol dahil napansin niyang maling tasa 'yung ininuman ko.

"Tangina, Seulgi." Unang beses kong narinig magmura si Chanyeol noon. "Bakit mo ininom 'yan?!" gulat na tanong ni Sunny na kabababa lang.

At lumipad na ang isip ko. Literal. Pakiramdam ko lumipad ang utak ko. Nagsimulang sumakit ang ulo ko kaya napasubsob nalang ako sa lamesa at nakatulog ako.

Paggising ko bungad agad sakin ni Sunny ay "Don't panic. Stay still." Nasa lamesa pa rin ako at alas singko na nang umaga.

"Anong nangyari?" tanong ko. "Ininom mo 'yung tsaa ko. Kaya ka nagkakaganyan. Inisang lagok mo lahat. May awa si Bathala at buo ka pa na kaluluwa!" sabi ni Chanyeol at umupo sa kanan ko.

"'Wag kang magugulat sa susunod na sasabihin ko." Hinawakan ni Chanyeol ang mga balikat ko. "Makinig ka, 'wag kang magpapakita kay Joohyun." dagdag niya. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit?"

Bigla-biglang lumitaw si Wendy sa kaliwa ko. "Ano nanamang nangya—" napatigil si Wendy nang makita ako. "Holy !" Pangalawang tagapagbantay na nagmura sa harap ko.

 

Apparently, nagkaroon ako ng panandaliang powers noon. Parang November 2 ulit kung saan nag-iisa ang mundo ng immortal at mortal. Pero 'yung epekto samin lang dalawa ni Joohyun. In short, may tendency na magpakita ako kay Joohyun. At dahil first time ko palang, hindi madaling ma-control iyon. 'Yung ininom ko kasi na tsaa ay 'yung iniinom ng mga tagapagbantay para magkaroon ng enerhiya na mag-anyong mortal. Matapos nila i-explain sakin ay nilagay nila ako sa bubong ng bahay. Doon lang daw ako kasi 'yun lang 'yung lugar kung saan hindi ako makikita ni Joohyun. Kaya hanggang sa magising at makapag-ayos na si Joohyun ay nandoon ako.

Hindi naman daw ako pwedeng dalhin ni Wendy papunta sa puntod ko dahil wala daw magbabantay kay Joohyun. Hindi raw basta-basta lilitaw si Yeri kung nasa magandang kalagayan naman si Joohyun. Hindi ito obligadong lumitaw dahil lamang sa soulmate ng alaga nito na nakainom ng tsaang pang-taga-pagbantay. "'Yun pa si Yeri! Mukhang 'di rin yun papayag. She likes to fool around. Ikatutuwa niya pa na possibleng magkita kayong dalawa." sambit ni Wendy na agad na sinang-ayunan ni Chanyeol.

Kaya ayun, tatlong oras akong nanatili sa bubong. Nang palabas na si Joohyun at pababa na ako ng bubong, pinigilan ako ni Wendy. "Seulgi, hahatid si Joohyun ng Papa niya gamit ang kotse."

"So?"

"'Di ka pwede sumama sa loob. Baka 'di mo ma-control at magpakita ka sa kanya."

"Edi i-teleport mo nalang ako doon." Hinawakan ko ang braso ni Wendy. Tinignan niya lang ako na natatawa. "Madali sanang ganyan eh kaso 'di ko pa napupuntahan condominium ni Joohyun. Hindi ko alam itsura, 'di ko ma-imagine." Natawa si Wendy habang kinakamot ang batok niya at tumingkad nanaman siya.

Kaya ayun, nasa trunk o compartment ako ng kotse nila na parang kinidnap. Habang si Sunny naman ay nakaupo sa likod ng kotse at paminsan minsan ay tumatagos ulo niya papuntang compartment para itanong kung 'humihinga ka pa ba?'. Nakahiga lang ako doon buong byahe at naririnig ko ang mahinang hagikgik ni Sunny sa gitna ng katahimikan ng mag-ama. Nag-stairs ako paakyat ng condo niya samantalang nag-elevator silang mag-ama. Medyo pamilyar na ako sa lugar dahil ilang beses na ring bumisita si Joohyun doon dati. Pag-akyat ko, sinenyasan ako ni Sunny na pwede na akong pumasok habang nasa kwarto si Joohyun. Sinundan ko ang instructions ni Wendy na mag-stay sa pinakabihirang puntahan ni Joohyun. Dahil maliit lang naman ang unit ni Joohyun, sa banyo ako nanatili. Wala na akong maisip kaya doon nalang.

Siguro kapag mag-ccr si Joohyun, tatagos nalang ako papunta sa kabilang unit.

Wala kasing ibang way papasok ng banyo kundi sa pinto. Merong maliit na bintana naman doon pero hindi magkakasya ang isang tao. Planado na 'yung escape plan ko. Kaso sobrang boring sa loob ng banyo. Nabilang ko na ata lahat ng tiles doon, hindi ko pa rin marinig si Joohyun. Matagal nang umalis ang Papa niya at ang huling rinig ko ay ang pagsara ng pinto ng unit.

Ayos sana kung natulog lang ulit si Joohyun pero may bumabagabag sakin na baka umalis din pala siya nang hindi ko alam. Kaya napagpasyahan kong sumilip. Sinubukan kong ilusot ang ulo ko sa banyo pero nauntog lang ako. 'Di ako makapaniwala sa nangyari.

Hindi ako makatagos?!

Panic. Panic. Panic. Panic. Kumakabog ang puso ko nang marinig kong nagbukas at nagsara ang pinto ng kwarto ni Joohyun. Sometimes I hate that Joohyun has sensitive ears. Kahit paghulog ata ng karayom ay naririnig ng babaeng 'yon. Literal na pumikit ako at nagdasal na kay Bathala na sana magpakita na si Wendy at i-teleport ako mula doon. Ngunit hindi naman nagpakita si Wendy. Feel ko magka-kuntsaba na sila ni Yeri.

"Seulgi, kasalanan mo 'to. Ikaw kasi eh!" bulong ko sa sarili ko habang paikot-ikot na naglalakad sa banyo. Napahinto ako nang marinig ko ang yapak ni Joohyun palapit sa banyo. Napamura ako sa isip ko.

Joohyun, 'wag kang papasok dito please.

Napapikit nalang ako nang makita kong pumihit ang pinto ng banyo.

1... 2... 3...

Pero hindi ito nagbukas at narinig ko nalang na bumalik ng kwarto si Joohyun. Napaupo nalang ako sa kubeta at naghintay ng ilang mga oras. Sabi sakin ni Wendy, walang exact na oras ang paghupa ng epekto ng tsaa. It would take 24 hours for the guardians to stay in their mortal form when drinking it. Most likely, the effect would be the same for me, she assumed.

Gabi na dahil madilim na ang labas mula sa bintana. Naririnig ko na rin ang boses ni Mike Enriquez mula sa t.v. ni Joohyun. Bente Kwatro Oras na. 'Yung t.v. show nga lang.

Sana ganoon 'din yung oras mula noong ininom ko 'yung tsaa, noh?

Maya-maya, kumalabog ang pinto. Parang kumakatok si Joohyun.

"'Di ko na kaya! Ihing-ihi na ako. Kung may tao dyan sa loob, may dala akong sandata! At nandito ang tatay kong pulis!"

At nagsinungaling pa nga siya.

Dali-dali kong nilagay ang kamay ko sa dingding, nagbabakasakali na baka lumusot ito sa kabilang unit. No choice at solid na solid ang paghawak ko doon kaya nagtago ako sa may likod ng pinto. Pagbukas ni Joohyun, akala ko hindi niya ako nakita dahil wala naman akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Pero napatingin ako sa salamin na nasa itaas ng lababo sa harap ko. Kahit naka-off ang ilaw ng banyo kitang-kita ko ang expression naming dalawa. Nanlaki ang mga mata namin ni Joohyun at tinuro niya repleksyon ko sa salamin gamit ang isang frying pan sabay tumili. Nanginginig na sinara ni Joohyun ang pinto at narinig ko na parang tinawagan niya ang Papa niya.

"Pa, Pa, may tao sa banyo ko!"

Napabuntong hininga nalang ako. Ramdam ko ang takot at panic ni Joohyun. Hindi ko ine-expect na ganito pala ang magiging pagkikita namin ulit. Magpakafriendly nalang ako siguro. I mean no harm. I come in peace ganoon. Parang alien lang. Sabihin ko nalang na, kanina pa ako nandoon at natatakot akong lumabas simula noong pumasok silang mag-ama.

Hinawakan ko ang doorknob at buti napihit ko iyon. Nasa harap pa rin ng pintuan si Joohyun, hawak-hawak ang frying pan sa kanang kamay at cellphone sa kaliwa, at mukhang gulat na gulat na biglang bumukas ang pinto.

"Joohyun..." tinaas ko ang dalawang kamay ko. I surrender.

"'Wag kang matakot." dugtong ko. Lumabas na ako ng banyo pero hindi ako lumapit sa kanya. Tinaas niya ang frying pan niya at naglakad palapit sakin. Palapit nang palapit. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya. Dahan-dahan siyang lumapit pa sakin hanggang sa... tinagusan niya ako.

Binuksan niya ang ilaw ng banyo at dali-daling inilag ang pinto para tignan kung nandoon pa rin ako. Mas lalong nanginig ang kamay ni Joohyun. Nahulog niya ang frying pan. Tumakbo siya palabas ng unit. Iniwang nakabukas ang t.v.

"Nakatutok kami. Bente kwatro oras!" rinig kong sambit ni Mike Enriquez.

Wendy, akala ko ba bente kwatro oras 'yung epekto?

Nadatnan siya ng Papa at ng kapatid niya na parang tuliro sa labas ng unit nito. Tinawanan ako nina Chanyeol at Sunny. Hanggang sa kotse, tahimik lang si Joohyun. At sa trunk pa rin ako pinasakay ng dalawa kasi baka sakaling 'di pa pala tapos ang epekto ng tsaa. Simula noon, hindi na ako umiinom basta-basta hanggang 'di tinatanong kung ano 'yun. Ayoko na maulit. Kahit na masarap sa feeling na nakikita ako ni Joohyun. 'Yan tuloy, hindi bumalik sa condominium si Joohyun ng isang linggo.

Nasabi ko sa inyo na hindi relihiyoso si Joohyun. Magugulat siguro kayo kung sabihin ko na noong bumalik siya sa condominium ay hindi na siya nag-iisa. Dala-dala niya si Lord. Literal. May altar na sa isang gilid ng unit. At may kasama rin siyang pari para maghouse blessing. Araw-araw din siyang nagsisindi ng insenso tuwing alas-sais ng hapon dahil sabi ng tiyahin niya ay nakakapagtaboy daw ng malas at kung anong masamang espiritu.

Naalala ko tuloy noong naghohouse blessing, may request si Joohyun sa pari. "Father, pwede ho bang ramihan niyo 'yung holy water dito? May nakita po akong kakaiba rito eh."

Tumawa ang lahat ng tagapagbantay sa loob ng unit. Buong mag-araw akong tinawanan nina Wendy at Yeri noon habang may pa housewarming party sina Joohyun at ang pamilya niya pagkatapos ng blessing. At nakumpirma kong sinadya ni Yeri na hindi magpakita noong araw na 'yun at kinuntsaba niya pa si Wendy na 'wag na magpakita habang nagdadasal ako sa banyo.

As the days passed by, bumalik na sa normal na routine ang buhay ni Joohyun. Nasanay na rin siya sa bagong unit niya at hindi na siya takot na mag-cr. Kada araw, mas nagiging pagod siya sa work niya. Naging busy na siyang buhayin ang sarili niya. Naging motto niya na ata 'yung "Work and No play" kasi kahit sa bahay dala-dala niya pa trabaho niya. Lumipas ang ilang buwan na ganoon ang naging routine ng buhay ni Joohyun.

Akala ko nga nalimutan niya na 'yung itsura ko noong engkwentro naming dalawa sa banyo. Little did I know, na tumatak pala 'yun sa isip ni Joohyun. But that's another part of the story. We will get there.

Sa tagal ng panahon na pag-shut off ni Joohyun sa social life niya. Jennie caught wind of how Joohyun was doing and she went over one afternoon. Saktong half-day ang pasok ni Joohyun at day-off niya kinabukasan. They had a few conversations, mostly kamustahan ganoon. That afternoon felt new to me since it's one of the few moments Joohyun told someone what she truly feels.

"Feel ko burnout lang pero parang nawalan ng direksyon buhay ko." Pag-open up ni Joohyun habang nginunguya ang cake na dala ni Jennie. Nasa sofa silang dalawa habang nanonood ng movie sa t.v. sa sala.

Lumingon sa kanya si Jennie at sandaling kinuha ang remote para i-pause ang movie.

"Spill. Labas mo na lahat ngayon. Lahat ng stress mo sa buhay." Inayos ni Jennie ang upo niya paharap kay Joohyun. Hindi magawang ibalik ni Joohyun ang tingin kay Jennie.

"Nakagraduate na ako. Nakapasa na rin ako sa board exam. May trabaho na rin akong maganda ang kita. Lahat naman 'yun, alam mong gusto lang ni Papa. Ngayong na-accomplish ko na lahat ng gusto niya, parang wala na akong bagong goal." Joohyun stated. She placed her plate on the center table and reached for the glass of juice to drink. Hindi pa rin niya tinitignan sa mata si Jennie.

"Kung ayaw mo sa trabaho mo why not quit? It's not like Tito can stop you. Matanda ka na, kaya mo nang mabuhay mag-isa and I think you've proven that to him already. Tignan mo, nakabili ka na ng condo." Jennie pointed out.

I stood up from the dining area and sat on the floor below Joohyun.

"'Di lang ako ang gumastos para dito. Malaking porsyento rin binigay ni Tita sa'kin."

"Kahit na..." rebat ni Jennie. "Bakit ka pa magsi-stay doon kung hindi mo naman gusto ginagawa mo? But I get it, mahirap din magsimula ulit. Mahirap kumayod para magkapera."

Tumango lang si Joohyun. Hinawakan ni Jennie ang kamay niya at sinabing, "Tignan mo ko." Mahinang hinila at tinapik-tapik ni Jennie ang kamay ni Joohyun nang 'di siya tumingin dito. Sinusubukan niyang huliin ang tingin nito. "Hyun..." Nang lumingon na si Joohyun sa kanya, napansin kong nagsimulang mangilid ang luha ni Joohyun. I felt that she wanted to cry her heart out.

Ngumiti lang sa kanya si Jennie. "Kung ano man desisyon mo, I support you, okay? 'Di ka nag-iisa. Kung kailangan mo ng pera, sabihin mo lang."

Umiling-iling naman si Joohyun.

"Hindi problema sakin ang pera. Naiintinidihan ko kung anong gusto mong iparating. Iniisip ko ring magsimula nalang ulit. Pero ang hirap kasi 'di ko alam kung anong gusto kong gawin. 'Di ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung anong patutunguhan ko. 'Yung mga pangarap ko naman noon na hindi natupad, parang nawala passion ko doon. Ang hirap, Jen... Lahat ng expectations ni Papa, naabot ko. Pero parang in the process of doing it, nawala ko ang sarili ko." Tuluyan nang umiyak si Joohyun. Agad na niyakap siya ni Jennie.

"I get you. You've been always goal-oriented kahit noong college pa. And I think naninibago ka dahil wala kang goal sa ginagawa mo. Parang ginagawa mo lang for the sake na matapos mo at magka-pera. And that goal is kinda draining, imbes na ma-motivate ka parang mas napapagod ka. Pero okay lang 'yan, Hyun. Soon, malalaman mo rin ang kung anong gusto mong gawin. 'Wag mo lang sana ikulong sarili mo sa trabaho mo. Explore ka rin. You know what they say, learning is a lifelong process. Learning more about yourself, 'di matatapos 'yan. Alagaan mo rin sarili mo, Hyun. 'Wag na 'wag mo 'yun kalilimutan." Kumalas na sa yakap si Jennie sa kanya at pinunasan ang luha ni Joohyun gamit ang panyo niya. Natawa naman si Joohyun, "Salamat. Alam mo, ang galing mo talaga mag-advice. Saan mo ba napupulot 'yan?"

Natawa lang din si Jennie at kumibit balikat. Tumayo ito at inilahad ang kamay niya, matapos ay hinila si Joohyun patayo. "Magbihis ka na." Tinulak ni Jennie papuntang kwarto si Joohyun. "Huh? Saan tayo pupunta?"

"Walwal. Like college days." Kumindat si Jennie sa kanya at bago pumasok ng kwarto si Joohyun pinalo muna ang puwet neto. "Dalian mo sis." sabi ni Jennie at babalik na sana sa sala nang bumukas ang pinto at pinalo rin siya pabalik ni Joohyun. Tumawa si Joohyun nang malakas. Napahawak nalang sa puwet si Jennie habang natatawa.

Bigla-biglang lumitaw ang guardian ni Jennie nang nakabalik na sa sofa si Jennie. Jisoo ang pangalan niya at bihira lang siya magpakita. Hindi tulad nina Chanyeol at Sunny na laging malapit sa alaga nila, si Jisoo kadalasan ay lumilitaw lang kapag trip niya o kaya 'pag alam niyang nasa delikadong sitwasyon si Jennie. Madalas din nagkukunwari siyang mortal.

Learning what Joohyun was feeling made me feel good. Kasi kahit papaano she is trying to open herself to others. Pero parang mas nangibabaw 'yung lungkot sakin. Kasi wala akong magawa para mapagaan ang loob niya.

If only I was still alive...

Pagkatapos ng preparasyon ni Joohyun, agad silang umalis. Sinundan namin ni Jisoo ang magkaibigan mula sa condominium, sa taxi, hanggang sa isang club sa BGC. It was a very crowded place. Biglang nawala sa paningin ko si Jisoo at maya-maya nakita ko nalang siya sumasayaw sa dance floor malapit kina Joohyun at Jennie. Nagtransform siya into a mortal at masasabi kong ang lakas niyang uminom. Sana all transformer.

I just sat there in the corner, staring at them, at the lights, at the drinks.

Ganto nga pala rito. Isip ko. Ilang beses na kaming nakapunta ni Joohyun sa mga club dati. Pero matapos ang ilang taon, ngayon nalang ulit.

This was one of my regrets. I didn't experience going to bars and clubs. Ilang beses akong niyaya before pero 'di ako sumasama kasi ayokong masanay ako sa ganoong lifestyle. Also, I don't have money to pay for drinks. Looking at Jisoo, who seems to have no money to pay for her drinks but managed to get one, kind of upsets me. I wish I can do that too.

That night was one of my worst nights. Everything suffocates me in a way. Parang naghahalo-halo ang energies sa loob ng club. Nahihirapan akong alamin kung mortal, guardian o kaluluwa ba 'yung mga nakikita ko. I also sense something bad about the place. I felt like Joohyun is not safe here. Pero nagdududa ako kasi baka sa nararamdaman ko lang sa sarili ko. After years of repressing, regret is once again evident in my heart. I don't want to ruin Joohyun's night. This night is for her to be happy and to be stress free. Ngayon ko lang nakita ulit mag-let loose ng ganito si Joohyun since she got her job. Hindi niya kailangang makaramdam ng negatibo na emosyon ngayon sa 'di niya malaman na dahilan.

Bigla-biglang lumitaw si Yeri sa tabi ko. "Seulgi." Hinawakan niya ang braso ko habang nakatingin kay Joohyun na patuloy pa ring sumasayaw. Nahiwalay siya kay Jennie.

"Bakit?" Tumayo ako sa kinauupuan ko. Itinaas niya ang hintuturo niya at itinapat sa labi niya. "May matruculan..."

"Matruculan?" nagtatakang tanong ko. Bago sa pandinig ko iyon.

"Isang aswang na kumakain ng fetus. Kaya nilang mag-anyong mortal." Biglang sumulpot si Jisoo sa likod ko na ikinagulat ko. Mukhang bumalik na sa pagiging anyong immortal ito. "Si Jennie?" tanong ni Yeri na hindi pa rin tinatanggal ang paningin niya kay Joohyun. "'Yan na." tinuro ni Jisoo si Jennie papalapit sa pwesto namin at mukhang hapong-hapo na. Umupo ito sa tabi ng mga kaibigan niya. May mga kaibigan kasi si Jennie na kasabay nila ni Joohyun na pumasok sa club.

"Safe naman si Joohyun 'di ba? Buntis naman ata inaatake niyon." Umiling si Jisoo. "Nangbubuntis din sila ng mga birhen. Yeri, nakita ko siya kanina, nakaitim." dagdag nito.

Napatingin ako kay Jisoo nang 'di makapaniwala matapos ay kay Yeri. Alanganin kong hinawakan ang braso ni Yeri. "'Di ba safe pa rin si Joohyun?" Saglit niya akong tinignan nang nakakunot ang noo at ibinaling agad ang tingin kay Joohyun. "Hindi mo ba alam? Sa tingin mo magpapakita ako dito kung ligtas si Joohyun?" sunod-sunod na tanong niya. Seryoso pa rin siyang nakamasid at paminsan-minsang tinitignan ang mga taong malapit kay Joohyun.

"Hindi ko naman alam ang life ni Joohyun. Akala ko kasi may experience na siya dahil nagka-boyfriend na siya." Pagrarason ko. Totoo naman na hindi ko alam.

"Seulgi, lumapit ka kay Joohyun. Babantayan ko kayo rito. Basta, mag-ingat ka sa lalaking nakaitim. Walang palatandaan iyon. Mukha talaga siyang mortal." pag-iibang topic at utos sakin ni Yeri na agad ko namang sinundan.

Tuloy pa rin ang pagsayaw ni Joohyun at kung sino-sino na 'yung nakakasayaw niya. Nasa bandang likod ako ni Joohyun para bantayan kung may lalaki bang nakaitim. May nakita ako na sumasayaw na lalaking nakaitim sa bandang kanan ni Joohyun na sumusulyap-sulyap sa kanya. Tinignan ko lang siya hanggang sa tumigil siya sa pagsulyap kay Joohyun at umupo na. Pagbalik ko ng lingon kay Joohyun, nanlumo ako.

Kahit maingay ang paligid, rinig ko kung paano tumili si Joohyun nang yakapin siya patalikod ng isang lalaking nakaitim. Kumuyom ang mga kamay ko at unti-unti akong lumapit sa kanila. Wala akong pake kung aswang ang haharapin ko basta masigurado ko lang na ligtas si Joohyun.

Napahinto ako nang humarap si Joohyun sa kanya at niyakap din siya pabalik. Nakita kong kumislap ang kwintas na nasa leeg ng lalaki. Mukhang pamilyar ang kwintas at nang medyo humarap sila sa direksyon ko, natauhan ako.

Si Junmyeon lang pala.

 

Hindi ko rin mawari pero parang mas nainis ako noong nalaman kong si Junmyeon pala 'yun. Kahit na break na ilang taong break na sila, they still kept in touch all these years. Ilang beses ay lumabas sila to have dinner.

Kinalabit ako ni Yeri at sinabing wala na raw 'yung matruculan at naglaho nalang. Maya-maya matapos silang maglambingan sa gitna ng dance floor, huminto ang dalawa sa pagsasayaw at bumalik sa pwesto nina Jennie. Uminom sila nang uminom hanggang sa hilong-hilo na si Joohyun na halos 'di na makatayo. Lumapit sa kanya si Jennie na katabi niya para may ibulong sa kanya. Bumulong pabalik si Joohyun. Hindi ko alam kung ano 'yung pinag-usapan nila pero mukhang nagdududa si Jennie sa kung ano man 'yung sinabi ni Joohyun sa kanya.

"Sure ka?" tanong ni Jennie. Tumango lang si Joohyun at ngumiti sa kanya, matapos ay nagthumbs up pa.

Nagkatinginan lang kami ni Jisoo.

Nagyaya na 'yung kaibigan ni Jennie na umuwi na sila at magstay sa condo niya malapit doon. Tumayo na si Jennie pati si Jisoo. Akmang tatayo na rin sana ako nang mapansin kong nanatiling nakaupo si Joohyun at hinawakan niya sa kamay si Junmyeon. Tinignan ni Jennie si Joohyun nang saglit parang 'di sigurado sa gagawin niya. Joohyun mouthed "It's ok" to her. 'Di na napigilan ni Jennie at lumapit kay Joohyun para makipagbeso at nagsabi ng "Ingat ka."

Ahh... Hindi pa pala kayo uuwi.

 

A few more drinks, more rowdy people entering the club and a few makeout session took place before they decided to leave. They got a taxi to the nearest hotel. Palasing-lasing na naglakad sila papuntang elevator. Sobrang lapit nila. Kapit na kapit si Joohyun kay Junmyeon na tila nakadepende kay Junmyeon ang buhay niya. Napakuyom nalang ako ng kamao. Hindi ko rin alam kung bakit naiinis ako noong gabing 'yun. Siguro dahil sa nagpatong-patong na emosyon na naramdaman ko. Binaling ko ang paningin ko sa ibang direksyon.

 

Nakita kong nangningning ang kwintas ni Junmyeon pagpasok nila ng elevator. Sasara na sana ang pinto nang biglang may pumigil sa pagsara nito. Pumasok ang isang makisig na lalaki na mas matangkad saming lahat sa loob ng elevator at pumwesto siya sa tabi ko, sa likod nina Joohyun at Junmyeon. Agad na pinindot ni Junmyeon ang close button ng elevator.

"Sira ba 'tong elevator nila?" giit ni Junmyeon. Sumiksik lalo sa kanya si Joohyun. Hinigpitan ni Junmyeon ang paghawak nito sa bewang niya. "Hmmm?" iyon lang ang lumabas mula sa bibig ni Joohyun.

"'Di mo ba nakita? It suddenly stopped closing tapos bumukas nalang." Inis na sabi ni Junmyeon. Umandar na paakyat ang elevator. "Baka multo. Alam mo ba nakakita ako ng multo sa condo ko? Nandoon siya sa banyo. Akala ko, magnanakaw siya." patawang sabi ni Joohyun.

"Lasing ka na talaga, Hyun. Ang daldal mo na." hinalikan ni Junmyeon sa bunbunan si Joohyun.
 

I suddenly realized what Junmyeon said. I looked at the person beside me. He was staring at me. I just knew right then that he is Junmyeon's guardian, just by looking at the sparkle in his eyes.

Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko ang tagapagbantay ni Junmyeon. I thought that maybe his guardian was like Jisoo. Magpapakita lang 'pag importante o delikado ang kapakanan ng alaga nila.

It was the necklace.

Unang beses na nakita ko ito, iba na talaga pakiramdam ko sa kwintas ni Junmyeon. Bukod sa lagi nitong suot at ilang beses niyang ikinuwento kay Joohyun na pamana sa kanya ng dad niya iyon na mula pa sa lolo niya, alam kong may kung anong enerhiya ang nilalabas nito. Akala ko nga noon ay parang agimat ito. I remember Chanyeol once told me that some guardians inhabits their beloved mortal's prized possession just like how some diwatas are bound to specific parts of nature like forests, mountains, wells, rivers, etc. It's like they "own" it.

I suppose Junmyeon's guardian owns that necklace.

 

Bumukas ang elevator sa floor nila at lumabas sila. Sinundan namin silang dalawa na pasuray-suray na naglalakad sa hallway. Nang mahanap na nila ang kwarto nila, pumasok silang dalawa. Hindi ko magawang pumasok sa kwarto at mukhang ganoon din 'yung tagapagbantay ni Junmyeon. I felt that he was still looking at me.

Umupo nalang ako pasandal sa pinto ng kwarto nila at umupo sa harap ko ang tagapagbantay. Naririnig ko ang mga kalabog nila, kaliskis ng mga paa at ang pag-ugoy ng kama. Patay malisya ako kahit medyo kumikirot ang puso ko. Hindi ko man nakikita, alam kong may nangyayaring milagro sa loob ng kwarto. Ramdam ko, sa kabog palang ng puso ni Joohyun. Judging by the fire in their eyes at the club, I knew something intimate would happen between them.

Bakit ko ba nararamdaman ito?

Napayuko nalang ako at napapikit. Pinipigilan ang sarili ko na isipin ang mga nangyayari sa loob ng kwarto nila. Gusto kong magalit sa hindi ko malaman na dahilan. Gusto kong umiyak. Gusto kong pigilan silang dalawa.

Hindi. 'Wag. Hayaan mo sila, Seulgi.

Paulit-ulit kong pinagsabihan ang sarili ko na wala akong karapatang makigulo sa buhay ni Joohyun. She deserves happiness. I can't be the reason for her to be deprived of it.

"You are her soulmate." Biglang sabi ng nasa harap ko na mukhang hindi pa rin humihiwalay ang tingin sa'kin. "Why are you still here? You have the power to end your suffering now."

Napakibit balikat lang ako.

"Matagal na kitang binabantayan. Akala ko hindi na muli magku-krus ang landas nilang dalawa. Every time they see each other, it surprises me. Not because of their undying love even after their breakups but because she's still alive and you are still here, with her."

Tinignan ko lang siya dahil wala naman akong maisagot sa kanya. Wala akong gana.

"Do you love her?" He asked a question that I, myself, couldn't answer. Napakadaling tanong lang iyon kung tutuusin pero ang hirap manigurado. What if I am just blinded by the thought that she's my soulmate kaya sa tingin ko mahal ko siya? What if my judgment is clouded by my beliefs that's why I am still here and not because I love her? Hindi ko kayang tuldukan ang buhay ni Joohyun dahil sa pansariling rason lamang. What if I am just confused? What if I don't really love her?

"Why am I even asking such a mundane question? Kahit sa pag-iisip nagdudusa ka. 'Wag mo na pansinin 'yun. Alam kong magulo pa rin ngayon at mahirap magdesisyon. I salute you for waiting all these years. Konti lang kayong kaya 'yun..." I didn't say a thing so he continued.

"Here is my advice for you. I bet that you have a thousand reasons to leave this world but you're being held by one reason to stay. Hanggang sa may rason ka pa para manatili dito, manatili ka. Iyan lang ang paraan para masiguradong walang pagsisisi hanggang sa dulo."

The guardian scooted beside me. He patted my head. "Ayos lang umiyak, Seulgi. Ilabas mo lang."

After years of suppressing my feelings, I cried again. My voice echoed in the hallway. It's still hard for me to embrace my death. It remained to me as a bitter experience. Isang napakalaking pagkakamali.

Sayang talaga.

I do have a lot of reasons to leave. Totoo na may isang rason lang kung bakit hindi ko makayanang kitilin ang buhay ni Joohyun. Seeing her happy, makes me contented in my place. Joohyun became my reason to stay. She became my reason to wait.

Pero ngayon ko lang naramdaman ang pait na kapalit ng ngiti ni Joohyun. Ngayon lang ako natauhan. She's happy even if I am not with her, even if she doesn't know me. I am just a tiny fragment of her memory. A person she stumbled upon in a coffee shop. A guardian angel who she may think as a figment of her imagination. I am no one to her but she means my whole existence to me. Hawak-hawak niya na ang buong pagkatao ko.

Akala ko siya ang naulila sa aming dalawa nang lisanin ko ang mundong ibabaw. Ba't parang ako 'yung naulila saming dalawa?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sizterette
After much reconsideration, here is the epilogue. I agree with some of your sentiments regarding sa story but I just got scared of ruining it kasi napaglipasan ko na to ng panahon sa pagsusulat. Thank you so much if you reached this part! Sana naenjoy niyo ❤️

Comments

You must be logged in to comment
turtlenaut_ #1
Chapter 12: saktong sakto sa existential crisis ko author-nim 🙂 thank you! sana nga there's something beautiful on the other side ❤️
JiHyun12 #2
Chapter 12: Love this story author! Thank you so much!
redlighton #3
Grabe, this story is so underrated! Feeling ko yung movie line na “this is not a love story, but a story about love” applies to here as well. Seulgi’s narration, wala akong masabi. Para lang din akong nagbantay kay Joohyun throught the years. Love is patient nga talaga… I just wished the ending was a bit longer. An epilogue/special would be nice too… or even just add 5 paragraphs just to show a glimpse of the moment of finally meeting again! Feel ko deserve din ng readers yun bukod kay Seulgi na matagal nag antay 🥹
JiHyun12 #4
Tor what if irene’s pov naman kahit isang chapter lang hihi
JiHyun12 #5
Chapter 11: 🥺🥺🥺☹️
KaiserKawaii #6
Chapter 11: Hello author. Ngayon ko lang nabasa to. Pero grabe ka naman sa pagpapaiyak. Sobrang ganda ng pagkagawa. Ganda ng idea. Wow. May nakaisip nang ganitong style. Eto na ata ang fav Filipino fanfic.

Ansakit pala ng idea na forever ka lang nakamasid sa taong meant for you. At maging unselfish.

Sobrang ganda talaga. Wow. Di nga ako nakatulog nang maaga para lang matapos in one seating.
howdoyouknowmee
535 streak #7
Chapter 11: Came from twit and owemgee ngayon ko na lang din naalala to huhu
Usernam31 #8
Chapter 9: Napaka ganda po talaga nito authorrr!!! Waiting po sa nextt chapter.
sevi_ely #9
Chapter 9: Patapos naaaaaa?ಥ╭╮ಥ
Baechu29 #10
Chapter 8: Huhu binasa ko to in one seating author. Hindi ko alam pero basta na lang tumutulo luha ko. Hindi ko alam kung para kay Seulgi ba o kay Joohyun, siguro pareho. Parang bigla kong narealize na dapat sulitin ko ang mga panahon at pagkakataon na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Salamat kasi minulat mo ako ng totoo ngang, 'you only live once'. Salamat dahil madami akong natutunan sa story mo. Looking forward sa mga susunod na chapter. :)