Simula: Humimlay

Tanikala ni Bathala

TW: death, murder

 

Itong istorya ko ay medyo cliché, medyo hindi. Masasabi kong cliché, kasi napakatipikal ng unang pagkikita namin. Tiyaka itinadhana kami. Soulmates. What's more cliché nowadays than stories about soulmates and fate 'di ba?

Naalala ko pa 'yung unang araw na nakita ko siya.

Wait. Pause. 

Medyo cliché 'yung linya na iyon ah.

Anyways...

Nasa isang coffee shop ako malapit sa school namin, mga alas kwatro ng hapon. Nakaupo, tulala at nagkukunwaring may naiintindihan sa binabasang artikulo sa laptop habang paminsan-minsang humihigop ng kape. Habang humihikab ako, tumitig ako sa entrance ng cafe which is approximately 20 feet away from me. 20-20-20 rule. Sabi nila, you should look away from your computer screen after every 20 minutes spent staring at it. Ideally, dapat 20 feet away ang titignan mo for 20 seconds. Ginagawa 'yun to avoid eye strain. Oh 'di ba? Thanks Google.

Back to the topic, sa loob ng 20 seconds na nakatitig ako sa entrance ng cafe pumasok siya sa shop na parang may hinahanap. Nang mapansin na wala pa 'yung hinahanap niya, umupo siya sa gilid at ngumiwi. Cute.

Ayan ang first impression ko sa kanya, hindi ko rin alam kung bakit ko siya napansin noon. I guess it was fate. Naniniwala akong itinadhana na mangyari 'yun. What is the probability na for every after 20 minutes of gazing at my laptop ay may papasok sa cafe? What is the probability rin na siya 'yung pumasok? Do the math. According to my calculations, it is destined to happen. 

 

Mga sampung minuto ang lumipas, hindi siya tumayo sa kinauupuan niya at naging busy sa phone niya. Sa puntong ito, tuluyan ko nang tinakwil sa isipan ko 'yung binabasa kong article. Nagtaka kasi ako kung bakit hindi pa siya umoorder. Wala ba siyang pera? Napilitan lang ba siya na pumunta doon para sa isang meetup? Napansin ko rin ang mga pasaglit na sulyap ng mga workers ng cafe sa kanya. Siguro dahil hinihintay siyang umorder. Punuan na kasi ang shop nang ganitong oras lalo na mamayang labasan ng mga estudyante ng alas singko. Nakakahiya namang hindi ka bumili kasi agawan ng pwesto sa cafe kapag uwian. Pero mukhang wala siyang planong bumili. Kaya ako nalang ang bumili para sa kanya.

 

Tinatanong mo siguro kung ano bang pake ko? Hindi ko rin alam kung bakit prinoblema ko kung bakit hindi siya bumili ng inumin niya. I guess it was fate. I know, I know. Fate doesn't have anything to do with my feelings. It just dictates what will happen whether we are agree with it or not. It is beyond our control. I believe that everything that transpired in that hour in the cafe was bound to happen. It was a way of fate to show me the signs of what could have been the best part of my life. What if 'yung urge to buy her a drink was one of fate's work? Never in my life na ginusto kong bilhan ng kape na mamahalin, let me emphasize the mamahalin part, sa isang 'di ko kilala. Kuripot nga ako sabi ng mga kaibigan ko.  

Love at first sight? No.

Don't get me wrong, hindi ko naman siya gusto. Siguro, nagagandahan lang. Tiyaka noong time na 'yon, iba pakiramdam ko sa kanya. Parang feeling ko, may connection kami bukod sa parehas kaming nakiki-WIFI sa cafe. Looking at her felt familiar. Parang matagal ko na siyang kilala. I just couldn't pinpoint when or where I first saw her. Medyo magulo. Basta, sigurado ako na gusto ko siyang makita palagi at maging kaibigan.

Yes, you read it right. Kaibigan. Friend. Amiga. Chingu. Tamagotchi ay este tomodachi pala. 

Ito 'yung istorya na magkaibigan lang tapos unti-unting mahuhulog 'yung isa. Pero may twist. Hindi sila naging magkaibigan. Medyo lang. Gulo noh? 

 

There was this feeling. The want. The need. I don't know. 'Di ko rin fully maintindihan. Have you ever looked at someone, a stranger rather, and just thought, 'wow, I want to befriend her' or 'be a part of her life'? That is what I felt that day. There was this urge within me to get to know her. Natauhan lang ako sa ginawa ko noong inabot na ng waiter sa kanya 'yung inorder ko para sa kanya at tinuro ako. 

At tumigil ang mundo... Nung ako'y tinuro niya.

I can't believe I just bought a coffee for a stranger. Ma-tweet nga mamaya na nakathread.

Nang makaalis na 'yung waiter, mataman niya akong tinignan. Tumayo siya at lumapit sa kinauupuan ko. Sabay lapag ng iced americano sa table ko at sinabing, "Hindi ako tumatanggap ng kahit anong bagay sa mga 'di ko kilala." 

Ay mukhang maldita. Halatang pilit ang ngiti. Pero ayos lang, maganda naman. Bagay sa kanya. Medyo napahiya ako kasi lumingon 'yung mga katabi ko sa pwesto namin. Sinara ko ang laptop ko. Kung ako siya, tinanggap ko na. Libre na nga eh. Awts gege nalang. 

"Just take it." Sabi ko with matching eye smile pa. In the back of my mind nasa isip ko: Tanggapin mo nalang. Napapahiya ako sayo. 

Biglang nawala ang maliit na ngiti niya sa labi. "Ayoko. Salamat nalang." At umalis na siya sa pwesto ko. Napasandal ako sa kinauupuan ko. Napakasuplada. Wala naman akong ginawang masama 'di ba? Kung tutuusin ako pa nga ang nagmagandang loob. Isang chicken joy na rin sa Jollibee 'yung ginastos ko para sa iced americano niya. 

Ano ba 'yan? 'Di ko man lang nakuha pangalan niya.

Hindi na siya bumalik sa table niya at dumiretso nalang palabas ng coffee shop. 

Umiral nanaman po ang pagka-impulsive ko. 'Di tinanggap ni ate girl. End of thread. Send tweet.

Truth be told, even if she kinda had a sour attitude, I was kind of happy. It felt right doing it. Walang halong pagsisisi. At iyon na 'yung una at huling beses naming nag-usap. Tapos na po ang istorya. The end na po. 

 

At nakita ko siya sa tagpuan ni Bathala. May kinang sa mata na 'di maintindihan. Tumingin kung saan kape ay pinanggalingan. At tumigil ang mundo nung ako'y tinuro niya (ng waiter).

Ayun na ang engkuwentro naming dalawa.

Hindi kwento. Engkuwentro lang.

 

 

Sabi sa inyo, hindi kami naging magkaibigan eh. Well, para sa kanya. Pero para sakin, magkaibigan kami. Pero 'di ba basta kapag may mutual connection kayo at nasa tabi mo palagi na sinusuportahan ka, magkaibigan kayo? Hindi naman lahat ng bagay kailangang masabi para mapatunayan. Actions speak louder than words, ika nga.

Simula noon sinuportahan ko na siya at lagi ko siyang sinusundan. Nasa isip mo siguro, stalker alert! It's not like I chose to follow her everyday. It became my duty. May isang mahiwagang elemento ang nagbibigkis sa aming dalawa. 'Di ko nakikita pero nararamdaman ko at siguro siya rin. That is our mutual connection.

She could rely on me just like how I could rely on her. We are connected souls. Once lost but now was found. Even for a short period of time, I am happy that I was once a part of her life. Kahit na saglit lang. Kahit na hindi niya alam pangalan ko at siguro hindi niya na matandaan itsura ko. Kahit noong una at huli naming nag-usap, ako lang 'yung masaya talaga. 

Lahat niyan, hindi niya alam. Hindi niya alam na may special friend siyang laging nakabantay sa kanya. Ako lang ang nakakaalam.

 

 

Paano? Kasi matagal na akong pumanaw. Ayaw mong maniwala? May death certificate na ako. Tinago pa ni Mama sa box of memories ko noon. May lapida na rin ako, nakaukit ang pangalan ko, date of birth at date of death. I am legally dead, your honor. 

Kung nagtataka ka kung paano ko naku-kwento 'to, isipin mo nalang na may mga tanong na hindi ka handang malaman 'yung sagot kasi ako mismo hindi ko alam kung paano. Gulo noh? Joke lang...

Siguro, isipin mo nalang na I am dead in the eyes of the mortals but not to the eyes of the immortals. Parang my body is dead but my spirit lives on.

Isa pang pruweba na dead na ako. Nakita ko na si Kamatayan. 'Yung araw na una at huli kaming nagkita ni soulmate ay 'yung araw din na namaalam na ako sa mundong ibabaw. Kung alam ko lang sana na katapusan ko na noong araw na 'yun, siguro mas kinausap ko pa siya. Tragic noh?

 

Iniisip mo siguro, napakalupit naman ng tadhana.

Hindi.

Sa katunayan, hindi itinadhana na maaga akong mamamaalam sa mundo. Hindi itinadhana na mas mauuna akong mamamatay kaysa sa mga magulang ko. Naalala ko tuloy, ilang beses akong pinapagalitan ni Mama sa isang araw kapag maghuhugas ng pinagkainan. Dapat ako raw magliligpit ng pinagkainan kasi ako 'yung bunso at dapat ako raw ang magliligpit sa kanilang mas nakakatanda. Hindi ko rin sure kung ano 'yung correlation ng pagliligpit ko ng pinagkainan sa buhay nila. Pero alam niyo naman, ang mga matatanda mahilig sumunod sa mga pamahiin. 

Bukod pa roon, hindi rin itinadhana na 'yon na ang huling pagkikita namin. Paano ko nalaman? Sinabi sakin ni Kamatayan. Siguro curious ka na kung paano ako namatay. Hindi ko na i-eelaborate pa, kasi ako mismo ayoko nang maalala 'yung gabing iyon. Bumabalik lahat ng negative emotions ko kapag inaalala ko 'yun. At bilang peaceful na kaluluwa, mas magandang puro positive na emotions lang maramdaman ko. Pwede ba 'yun? Kaluluwa na nga, nakakaramdam pa rin ng emosyon? Oo. Pwede. Ako 'yung living proof. Ay joke. 'Di na pala ako living. Pa-leaving na sa Earth at ni-libing na, pwede pa.

Hindi ko na rin sasabihin kung anong petsa at anong oras ako namatay. Matagal ko nang kinalimutan 'yon kahit pati birthday ko. Ayoko na rin masyadong isipin. Good energies only tayo rito. 

 

Gabi na noon, inabot ako ng alas nuwebe sa coffee shop. Tinapos ko 'yung mga homeworks ko para sa mga minor subjects na feeling major. Malapit lang naman yung bahay namin sa school. Isang jeep lang tapos konting lakad. Pagod na ako noon kaya naisipan kong dumaan sa shortcut. Maliit na eskinita lang at medyo madilim. Usually, maraming mga tambay at mga taong dumadaan doon. Kaya hindi ako kinakabahan dumaan dati. Pero noong gabing 'yun, walang masyadong tao. Hindi ko rin alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para dumaan doon. Ang gusto ko lang naman ay makauwi na. Hindi ko akalain na hindi ako makakatuntong sa kabilang dulo ng eskinita noong gabing 'yun. 

May sumusunod na pala saking mama sa eskinita. Hindi nanay. Mama as in manong. Hindi ko napansin noong una hanggang sa narinig ko nalang 'yung mabilis na yapak niya. Cause of death? Yung mama. Anong ginawa? Ayoko sabihin. 

Hindi ko na rin maalala kung ano ang itsura niya pati kung ano na ang nangyari sa buhay niya. I chose not to retain such information. 

Natagpuan nalang akong nakahandusay sa gitna ng eskinita, walang malay, namumutla, nawawala ang bag at basang-basa ng pulang likido sa may tagiliran ng paborito kong dilaw na statement t-shirt na may nakasulat na "YOLO" sa gitna.

You Only Live Once. Sa lahat ng pwedeng suot sa araw ng pagkamatay, etong t-shirt ko pa talaga na may statement na "YOLO" na gusto ko pa sanang ipamana sa mga anak ko. How ironic. Isa pa, 'yung huling tweet ko yung umiral ang pagka-impulsive ko. Kung alam ko lang, sana nagtweet ako ng playlist ng mga dapat itugtog habang hinahatid ako sa libingan.

Isang tanod ang nakakita sakin. Maya-maya, nagkumpulan na mga tao. Buti nalang at nakilala nila agad ako dahil suot-suot ko pa I.D. ko. Nabalitaan na agad ng tambay kong Kuya 'yung nangyari. Kaya noong dumating 'yung ambulansya, kasama ko 'yung pamilya ko simula sa kung paano ako inilagay doon hanggang sa papunta sa ospital. Naisakay nga ako pero hindi ako umabot sa ospital. Dead on arrival.

Sabi ko, hindi ko i-eelaborate pero kinuwento ko na nang buo. Ang gulo ko talaga, noh?

 

Ano nga ba ang pakiramdam sa segundo ng pagkamatay?

Madilim kaya noong una may pag-asa pa ako. Akala ko nawalan lang ako ng malay o tulog lang. Parang nakapikit lang ako pero 'di ko madilat ang mga mata ko. Matapos ay unti-unting nagsimulang mag-flashback sa utak ko 'yung mga alaala ko. Totoo nga 'yung sinasabi ng mga nagka-near death experience. Para ka lang nananaginip. Walang sakit. Just your life flashing right in front of you. Nagpatuloy 'yun hanggang sa nakita ko nalang 'yung katawan ko na nakahandusay sa eskinita. Humiwalay na pala ang kaluluwa ko. Wala akong maramdaman noon. 'Di ko naman naramdaman 'yung sugat sa tagiliran ko. I felt numb. Parang nanibago ako sa sitwasyon. Nakatayo lang ako habang pinapanood kung paano umiral ang pagkataranta at pagkabigla ng mga tao doon. Kahit humiwalay na ang kaluluwa ko, tumitibok pa raw ang puso ko pero mahina na. Kaya dinala pa rin ako sa ospital.

Sa gitna ng kaguluhan ng lahat-lahat, nakita ko si Kamatayan nasa gilid. Nagmamasid. Noong una, hindi ko siya napansin. Para kasing humalo siya sa dami ng tao sa crime scene. Kung ano 'yung iniisip mong mukha ni Kamatayan. 'Yung mga sinusuot sa halloween na kulay black na parang isang mahabang raincoat. Ganoon mismo. Kulay pula ang kanyang mahabang buhok, maputing maputi ang kutis at babae. Nagulat din ako noong una. Malungkot siyang nakatingin sakin. Hanggang sa ambulansya kasabay namin siya. Nandoon siya, sa tabi ng driver nakaupo. Ako naman tahimik lang sa gilid ng katawan ko. 

 

Sa totoo lang, wala akong naramdamang emosyon noong gabing iyon. Parang may void sa puso ko. Parang pakiramdam ko hindi ako kumpleto kaya 'di ko alam kung ano dapat kong maramdaman. Hindi ko pa matanggap noon. Kaya hindi ko pinansin si Kamatayan. Noong dumating na kami sa ospital at naanunsiyo na ng doktor na namatay na ako, doon lang ako natauhan talaga sa kung ano 'yung tunay na nangyayari. It was the reality but it felt like a dream. 

Nakita ko kung paano umiyak, humagulgol at sumigaw sa hinagpis ang buong pamilya ko. Ang sakit. Parang kada bukas nila ng bunganga nila dahil sa pananaghoy, sinasampal ako ng katotohanan. Parang umiiyak sila mismo sa harap ng tenga ko. Rinig na rinig ko kung paano nila ako tawagin kahit na ipikit ko ang mga mata ko at piniling hindi pakinggan iyon. Gusto ko sanang sabihin sa kanila na 'Ma, Pa, Kuya, nandito pa ako. Okay ako. Walang masakit.'

Sa mga oras na 'yun, unti-unti ko nang napagtanto na hanggang doon nalang ang mga gusto kong sabihin. Maiiwan 'yun na hindi maririnig ng kahit sino sa kanila. Isang alingawngaw lang na bumabalik sakin. Hanggang doon nalang ang lahat.

Ang hirap tanggapin noong una. Para akong robot, walang emosyon at awtomatikong kumikilos na parang may program na nakainput sa isip ko ng kung ano dapat gawin. It dawned me during my wake. Doon ko lang narealize lahat ng mga pagkakamali, pagkukulang at mga 'sana' na dapat ginawa ko noong buhay pa ako. Pero 'yun nga, nasa huli ang pagsisisi. Unti-unti ko lang natanggap na wala na ako sa mundo, nang nakita ko lahat ng mga kamag-anak at kaibigan ko na bumisita sa lamay ko. Naaalala ko kung gaano ko kinamumuhian ang sisiw sa ibabaw ng kabaong ko. Dapat ang hindi matahimik ay ang lalaking kumitil ng buhay ko pero bakit parang ako 'yung hindi matahimik? I may not speak but my mind was screaming. Nakidalamhati ako sa sarili kong kamatayan. 

 

Limang araw ang lamay ko. Five days of my silence. Sa gitna ng katahimikan ko, lahat ng mga dasal at pighati nila narinig ko.

Condolence.

Rest in peace.

Masyado pang maaga. 

Bantayan mo kami ha?

Akala ko ba sabay natin aabutin mga pangarap natin?

Rest in paradise.

Be our angel.

Ang daya mo, ba't mo kami iniwan?

Rest easy.

Sana masaya ka na sa heaven. 

Sleep tight, my friend.

You will be missed.

I love you.

Nak, magpapalakas kami para sayo. Kaya namin 'to. 'Wag ka nang mag-alala.

Bakit mo ako inunahang magpahinga, anak?

Ilan lamang iyan sa mga paulit-ulit kong narinig mula sa mga dasal nila. Hindi man nila sinasabi, pero naririnig ko. Nararamdaman ko rin 'yung kalungkutan nila.

 

Sa huling "Amen" ni Father noong binababa na yung kabaong ko sa hukay, medyo gumaan ang loob ko. Medyo tanggap ko na. Naalala ko si Kamatayan na tahimik na nagmamasid sakin sa mga nakalipas na araw na iyon. Pupunta na pala ako sa purgatoryo. Matagal na palang nandito ang sundo ko. 

 

Nang makaalis na 'yung pamilya ko at lahat ng mga pumunta, naiwan kami ni Kamatayan sa harap ng lapida ko.

"Handa na ako." sabi ko habang nakatingin sa lupa. Iyon ang unang beses na nagsalita ako simula ng pagkamatay ko. Dumaan ang isang malakas na hangin. Mga ilang segundo bago ko unang narinig ang boses ni Kamatayan. 

"Hindi mo pa oras." mahina at malamig na sambit niya parang pabulong. Napalingon ako sa kanya. Pinilit niyang ngumiti pero nagmukhang mapait. Siguro para hindi ako matakot sa mga susunod na sasabihin niya. "Seulgi, hindi mo pa oras. Matagal ka pa sana. Matagal na matagal."

Umatras ang dila ko. Unang beses na naramdaman kong may nagbabadyang luha sa mga mata ko. For the first time of being a wandering soul, I felt emotions. It felt like I was alive and breathing again. It felt like I was human again.

Masakit makita kung paano ako namatay at kung paano naging reaksyon ng pamilya at mga kaibigan ko sa pagkawala ko. Pero ang mas masakit 'yung nalaman kong hindi ko pa oras, pero humimlay na ako.

Bumuhos ang luha ko noon at walang nagawa si Kamatayan kundi patahanin ako.

 

Hindi ko alam kung paano pero noong tumahan na ako biglang pumitik si Kamatayan at napunta kami sa isang liblib na gubat. Nag-aagaw dilim na noon. Sa harap namin ay may isang babaeng nakasandal sa puno ng balete. Maigsi ang buhok niya at nakasuot ng maong jeans, itim na jacket at nakasumbrero pa. May konting galos sa mukha niya at nakabandage ang kanang kamay niya. Kinabahan ako noong napadpad ang tingin niya saming dalawa. There was sadness in her eyes. Naglakad siya palapit sa amin at bigla akong niyakap. She felt warm and familiar lalo na 'yung amoy niya. I was so confused. Paano ako nakikita ng isang tao kung patay na ako? Tao ba talaga 'to?

 

"Patawad, Seulgi. Hindi kita naprotektahan." Mahinang bulong niya habang yakap ako. "Nakikita mo ako? Kilala mo ako?" 

Hope grew once again. Am I alive? Binalik na ba ni Kamatayan 'yung buhay ko? Did I resurrect from the dead? Ako na ba ang susunod na Messiah? 

"Oo. Simula noong isinilang ka, binantayan na kita." Tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya. Kumalas ako sa yakap at napaatras. Hinawakan ni Kamatayan ang likod ko at sinabing, "Ang weirdo naman ng pagkasabi mo, Wendy." 

Weirdo? Si Kamatayan nagsabi ng 'weirdo'? So weird. Tiyaka, Wendy? Nasa Neverland na ba ako?

Somehow the atmosphere lightened up.

"What's weird with it? Eh, totoo naman. Alam mo, ikaw 'yung weirdo. Nagpakulay ka nanaman ng buhok. Sa lahat ng kulay, pula pa." 

"Tunog stalker ka kasi. Tiyaka, anong weird sa pagpapakulay ng buhok?"

"Alam mo, buti nalang binigyan ka ng mukha ni Kamatayan. Kasi kung 'yung bungo pa rin mukha mo, kamukha mo na si Ghost Rider."

Sa puntong iyon, na-realize ko na hindi tao 'yung Wendy. Walang sinumang tao ang may lakas na loob na laitin si Kamatayan. Teka, siya ba talaga si Kamatayan?

"Nasosobrahan ka na sa pakikipaghalubilo sa mundong ibabaw, hindi na kita maintindihan. Anong Ghost Rider?" Napailing-iling na sabi ni Kamatayan. Naunang naglakad si Kamatayan at sumunod 'yung Wendy na hindi ko pa mawari kung ano siya. Parehas ba kami? Kaluluwa nalang din ba siya? Napansin nilang hindi ako sumusunod kaya napatigil sila sa paglalakad. Lumingon sila sakin. Napansin kong tumingkad ang balat ni Wendy noong ngumiti siya. Wow, nag-Myra E for glowing skin. 

"'Wag kang matakot. Alam kong marami kang tanong. Sundan mo lang kami."

 

Sa gubat na 'yon, may isang kubo. Akala ko iyon na ang pintuan papuntang purgatoryo. Pagbukas ng pintuan ni Kamatayan o kung sino man siya, ibang arkitektura ang bumungad samin. Sa labas mukha siyang kubo, pero sa loob modernized at malawak ang espasyo ng bahay. Umupo kaming dalawa ni Wendy sa couch at nag-alok ng inumin si Kamatayan. Umalis siya papunta siguro sa kusina pagkatapos. Habang wala pa si Kamatayan, nagpakilala sakin 'yung Wendy. Nasagot niya rin ang mga tanong na kating-kati akong malaman ang mga sagot. Sa puntong ito, naging seryoso na ang pag-uusap namin.

Her name is Seungwan. Palayaw lang 'yung Wendy. Matagal niya na raw akong binabantayan dahil siya raw ang guardian ko. Hindi siya anghel. Isa siyang uri ng engkanto o diwata. Hindi raw siya full-blood, di rin siya half-blood. In fact, wala naman daw silang blood. Nagsimula raw magkaroon ng uri niya noong unang panahon dahil sa pagtatalik ng mga engkanto sa mga mortal. Karamihan kasi sa mga diwata dati ay nagkukunwaring mga mortal, nabubuntis at nanganganak. Sila ang mga bunga. Hanggang sa dumami ang populasyon nila at ginawa nalang taga-pagbantay ng mga mortal ni Bathala. Inexplain niya pa sakin na hindi lahat ng mga engkanto ay mababait. 'Yung iba ay mapangahas at madalas ay nanggugulo sa mga mortal. Sila ay 'yung tinatawag na mga aswang o demonyo. Major rule daw sa kanila na hindi dapat nila guluhin o impluwensyahan ang mga mortal. Tagapagbantay lang sila laban sa mga aswang o demonyo na gustong manipulahin ang alaga nila. Once they meddle with the thoughts of mortal beings, they become aswangs. Sa isip pa rin ng tao nakabatay ang kanilang moralidad kaya kadalasan ng mga kasalanan na ginagawa ng mga tao ay dahil rin sa sarili nilang pag-iisip. In my case, a demon was truly the cause of my death. May nakapasok na demonyo sa isip ng nakapatay sakin na may malubhang pinagdadaanan sa buhay. Kaya nagkaroon siya ng lakas para gawin 'yon. His mind was full of negative thoughts already and the whispers of the demon amplified it.

That explains why Wendy has bruises all over her face and a broken hand. Natalo ng demonyo 'yung tagapagbantay ng matanda at nabulungan na raw ng demonyo 'yung mama noong nakita niya. The only way to stop the mortal from doing the heinous crime was to fight off the demon away from the man. Huli na ang lahat noong umatras na sa laban ang demonyo. 

Noong kinwento ni Wendy 'yon, nakarinig ako ng pagsisisi sa boses niya. Humingi siya ng pagpapatawad sakin sa pangalawang pagkakataon. Hindi ko naman siya sinisisi at naiintindihan ko ang pinanggalingan niya. Pero alam niyo 'yun, syempre, hindi ko rin mapigilang manghinayang. Sa isang iglap, nawala lahat ng mga pangarap ko. 

Pinatawad ko naman siya. Ano pa bang magagawa ko? Wala nang paraan para maibalik ang buhay ko. Tinanong ko si Wendy kung ano na ang mangyayari sakin. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit nandoon pa ako. Patay na ako. Bakit naghihintay ako ng kape mula kay Kamatayan at nakikinig sa istorya kung ano ba talaga sanhi ng pagkamatay ko? Hindi ba dapat peaceful na pagkamatay? 'Di ba wala dapat akong maalala? Wala akong emosyon? Wala na dapat akong problema? Nagsisimula na magbilang ng forty days ko, dapat umaakyat na ako sa purgatoryo o siguro ginagawa ang proseso para makaakyat doon. In fact, naririnig ko nga noong mga oras na 'yon na nagdadasal ng rosaryo ang pamilya at mga kamag-anak ko. Nagsisimula na silang magnovena para sa ika-anim na gabi.

Mahinang natawa si Wendy sakin. Normal lang daw 'yon na maririnig ko 'yung mga dasal para sakin. Biglang napalitan ng mapait na ngiti ang tawa niya. Tumingkad nanaman ang kulay ng balat niya sa pag-angat ng labi niya. Nagulat din ako nang mapansin kong walang piltrum o gutli sa pagitan ng ilong at labi si Wendy. But what shocked me more was what she said after.

 

"Hindi ka pa makakaalis dito, Seulgi, kasi 'di mo pa oras. You will wait here until your time has come."

Kailan ba ang oras ko? I was afraid to know. Kasi alam kong manghihinayang nanaman ako. Ilang segundong katahimikan ang pumagitan samin. Nakatitig lang ako sa kanya. Tila pinoprocess ang information. Maya't-maya nagsalita muli siya, "Si Joy na magsasabi kung ano ang mangyayari sayo."

Joy?

Saktong bumalik na si Kamatayan na may dala-dalang tray ng tatlong tasa. Pinakilala rin ako ni Wendy sa kanya. Siya raw si Joy. Anak siya ni Kamatayan. Tulad daw ni Wendy, palayaw lang daw ang Joy. Pinalayawan daw siyang ganoon kasi lagi siyang nakangiti pagsumusundo ng mga taong namaalam sa tamang oras.

Sadista ata 'to. 

Tahimik na uminom sila ng kape. Nakatingin lang sakin si Kamatayan para bang naghihintay na inumin ko rin ang kape na binigay niya. Nag-alinlangan ako noong una pero dahil na-pressure ako sa tingin niya. Sinubukan kong humigop. Binuga ko rin 'yun pagkatapos. Hindi dahil sa 'di kanais-nais ang lasa kundi dahil wala itong lasa. Tinawanan lang ako ni Kamatayan.

Sadista nga. 

"Masanay ka na... Lahat ng mga kakainin at iinumin mo simula ngayon ay ganyan ang lasa." Napatameme ako sa sinabi ni Wendy. Grabe, dead na nga ako, nagdudusa pa rin ako. Malakas na natawa si Joy. "Maliban nalang kung alayan ka ng pagkain. Subukan mong tumikim ng mga nakahain sa altar tuwing may okasyon. Makakatikim ka ulit ng lumpiang shanghai." Dagdag niya pa sabay inom sa kape.

"Ha? 'Di ba magagalit si Lord? Kakainin ko 'yung nakahain para sa Kanya? Baka 'di na ako papasukin sa langit." Nabuga ni Joy 'yung iniinom niya at humagalpak sa tawa. Napailing-iling nalang si Wendy at mahinang natawa.

"Seulgi, ang pagkain na nakahanda sa altar, hindi naman nakakain ni Bathala 'yan. Kaya kayong mga kaluluwa, pwedeng-pwede niyong kainin." 

"Bad influence ka talaga, Joy," sambit ni Wendy habang umiiling. "Totoo naman! Mapapanis lang doon. 'Di naman ginagalaw ni Bathala." resbak ni Kamatayan. 

"'Wag kang makinig sa bungo na 'yan, Seulgi. Puro kalokohan. But... it's kinda true. The offering is still for Bathala and Bathala knows it. Bathala just can't eat it kasi obviously wala Siya rito. Kaya may permiso kayong kumain ng mga hinanda para sa Kanya. Tiyaka, hindi lang naman 'yan ang dahilan kung bakit nag-aalay ng mga pagkain ang mga tao. Para rin to make peace with the entities they can't see. Like us. May mga iba rin na nag-aalay mismo sa mga namatay nilang kapamilya o kaibigan. Kung may nag-alay sa'yo, pwedeng-pwede mo kainin. Don't worry. 'Di naman nila makikita na nabawasan." Sumang-ayon naman si Joy sa sinabi ni Wendy at nagdugtong, "Oo. Kumbaga parang kinain mo lang 'yung kaluluwa ng lumpiang shanghai." Sabay tawa ni Kamatayan.

Masayahin pala 'tong Kamatayan na 'to, kaya naman pala Joy ang pangalan.

Pero sa totoo lang, nakakatakot siyang tumawa. Nagiging itim ang buong mata niya tuwing tumatawa siya. May kakaibang features pala ang mga immortal tuwing nagpapakita ng emosyon. Napansin ko rin na Bathala ang tawag nila kay Lord at hindi sila gumagamit ng mga panghalip na pwedeng tumukoy sa kasarian ni Bathala. Dati, ang iniisip ko lalaki si Bathala. Pero mukhang walang nakakaalam sa tunay na gender niya. Siguro kasi wala naman talaga siyang definite gender. At parang social construct lang ang gender. Gawa-gawa lang mismo ng mga tao. Narealize ko, sobrang layo ng mga pinaniniwalaan namin noon sa totoong nangyayari dito sa kabilang mundo. Makikilala lang talaga natin ang mundo kapag tuluyan na tayong lumisan dito. 

"Tandaan, depende sa kung sino pa rin 'yung pinag-alayan. 'Wag kang kakain ng mga alay para sa demonyo," pagbabala ni Wendy sakin. Napalunok ako.

May mga taong nag-aalay para sa mga demonyo?

"Maging mapanuri ka, 'wag kang basta-basta kakain ng mga alay porket nasa altar. Alamin mo muna kung para kanino. Kung para kay Bathala, isipin mo nalang na kinakain mo 'yung pagkain sa ngalan Niya." Tumawa ulit si Joy. Masayahin talaga siyang tao noh? Ay. Tao nga ba? 

"Loko-loko ka talaga," sabi ni Wendy. 

Tinanong ko sa kanila kung anong mangyayari kung aksidente akong nakakain ng alay na hindi para kay Bathala. Sabi naman nila, bawal ko raw kainin kung para sa kaluluwa ng iba ang alay. It is a sign of respect for my fellow brothers and sisters. Kapag nakakain naman daw ng alay para sa mga aswang o demonyo, magiging kampon daw ako ng kadiliman. Dahil puno raw 'yon ng mga negative energies. Kaya rin dapat ko raw iwasan na pairalin ang mga negative emotions ko. 'Yun daw kasi ang dahilan kung bakit maraming kaluluwa ang nananatili sa mundong ibabaw. Nakakain sila ng kadiliman. Sila 'yung mga tinatawag na multo. 

 

In short, kung puro negative emotions ako, pwede akong maging multo at hindi ako makakapasok sa pintuan. Noong tinanong ko kung ano meron sa pintuan. Hindi nila ako sinagot. Hindi pa raw tamang oras para malaman ko kung ano ang nasa kabila ng pinto. Makikita at malalaman ko na lamang 'yun kapag magkasama na kami ng taong itinadhana para sa'kin.

"Soulmates?" Naalala ko pa kung paano tumaas ang boses ko sa gulat na halos pumiyok na nang ipinaliwanag nila sa'kin kung bakit kailangan kong manatili sa mundong ibabaw.

"They exist," tumatangong sabi ni Wendy. "So, kailangang kasama ko 'yung soulmate ko para makatawid sa pintuan?" 

"Tumpak!" giit ni Joy. "Kailangang parehas kayong namaalam na sa mundong ibabaw kundi hindi bubukas ang pinto." 

Sa madaling salita, ang gusto iparating ni Joy na dapat parehas na kaming patay para mabuksan namin ang pinto. Tumahimik silang dalawa at napatingin sa isa't-isa pagkatapos. Isa-isa nilang binaba ang tasa na hawak nila na mukhang hindi kape ang laman. Kumunot ang noo ko hindi dahil sa mukhang 'di kape ang nasa tasa nila kundi dahil parang na-gets ko na kung ano ang pinupunto nila kanina.

Kaya siguro sinabi nilang maghihintay ako kasi hihintayin ko ang soulmate ko...

 

"Kailan kami magkikita ng soulmate ko?" Maingat na tanong ko. Sa totoo lang, wala naman akong maisip na taong maituturing ko na soulmate ko. I had romantic relationships and all of it failed. Ewan ko. It just felt that it was never right and I was never contented in those relationships. That's why we broke up. Hindi sa pagmamayabang, marami rin namang mga nanligaw sakin pero iilan lang 'yung nakaramdam ako ng spark. Madalas jinowa ko 'yung mga manliligaw na nakaramdam ako ng 'spark' na iyon. To be honest, I forgot what was the feeling of that love or of being in love. Or maybe I was really not in love? Maybe I was just in love with the thought of someone who will be there for me, who will make me feel complete and contented. Kaya rin siguro marami akong naging karelasyon kasi deep down, I am hoping na sila na 'yung kukumpleto sa malungkot kong buhay. But it seems like I was looking for the wrong person. Kasi mukhang wala pala sa kanila 'yung para sa'kin. 

Napahingang malalim si Wendy sa tanong ko. Umiwas naman ng tingin si Joy. "Buhay pa rin siya, Seulgi." Nanginig ako sa sinabi ni Wendy. I kind of hoped that my soulmate was already dead like me. Inisip ko kaya siguro hindi ko siya mahanap kasi patay na siya. Lingid sa kaalaman ko na nauna na pala ako sa soulmate ko. Kaya pala sabi nila na kailangan kong maghintay. Kailangan kong maghintay hanggang sa huling hininga niya.

 

"Matagal pa sana kayong magsasama ng kabiyak mo. Malayo pa sana ang mararating niyo. Patawad. Gustuhin ko man, hindi ko rin maibabalik ang buhay mo." Malungkot na sabi ni Joy. Nawala ang ngiti sa mga labi nito. Napasandal ako sa kinauupuan ko at napabuntong-hininga. "Hanggang kailan ako maghihintay?" tanong ko sa kanila.

"Years. I can't tell the exact. Hindi mo pa rin pwedeng basahin nang buo ang kapalaran mo kahit wala ka na sa mundong ibabaw." sagot ni Wendy.

Parang nawala ako sa realidad noong mga segundong iyon. Napatulala nalang ako sa mga tasa na nasa harap ko. Umusog si Wendy papalapit sakin at hinimas ang braso ko tila alam niya na kung ano ang magiging reaksyon ko.

"Y-years? I- I have to wait for years? I'll fight these emotions for years?" Napahilamos ako ng mukha. It was a frustrating feeling to learn that I have to wait and have to suffer because of my emotions, my regrets and my memories for years. Ang hirap na pigilan ang sarili ko na isipin 'yun. I find it harder to deal with human emotions now that I am human no longer. How ironic. Isa akong kaluluwa na gustong iluwa ang utak ko para lang hindi mag-overthink, manghinayang at makaramdam ng lungkot at galit sa mundo. 

"Unless..." May sasabihin sana si Wendy pero hindi niya tinuloy bagkus ay lumingon lang kay Joy na parang humihingi ng tulong. Napapikit nang mariin si Joy. "Unless what?" tanong ko. I was starting to slowly detach myself from my past life. Medyo natanggap ko na nga ang pagkamatay ko. Pero kung mananatili pa ako dito sa mundong ibabaw, baka mas lalo akong mahirapan na kalimutan ang lahat.  If there's any way para matapos na itong paghihirap ko, I'll do it. Ayun, ang naisip ko sa mga oras na 'yun. 

"May paraan para hindi ka na mahirapan pa, Seulgi. Subalit may kapalit. Malaki ang impluwensya mo sa buhay ng kabiyak mo at ganoon rin siya sayo. Para hindi ka na maghintay, mayroon kang karapatang kunin ang buhay ng kabiyak mo." diretsong sabi ni Joy.

Kaya ko ba? Can I end my soulmate's life just for my selfish reasons? I can't. I knew I can't. Kahit hindi ko pa siya kilala. Hindi ko masikmuraang gawin 'yun. The guilt would eat me. It would eat me alive even if I'm dead. These would have been easier if I no longer have human emotions. 

They told me that many others who died because of demons did it already. Maaga nilang kinuha ang kabiyak nila. It was a way of compensation for the sudden loss of our lives. It was never wrong in the eyes of Bathala since Bathala didn't plan for it to happen. Kaya Bathala asked Kamatayan's clan to give chance for us, souls who were deprived of a longer life because of the demons. Ang pagbibigay ng pagkakataong manipulahin ang takbo ng buhay ng kabiyak namin ang kaya lamang nilang maibigay. They can't give us back our lives because that would only destruct the essence of life itself. Magkabiyak kami kaya may karapatan kaming magdesisyon para sa buhay ng kabiyak namin. At in a way, buhay din namin ang buhay nila.

These information were too much for me to handle. So, I excused myself. Lumabas muna ako para magpahangin at magmunimuni. I composed myself. Weighed the pros and cons.

Wouldn't it be better if I don't meet my soulmate? Para wala akong guilt na maramdaman kung sakaling napagdesisyunan kong kunin nalang siya? 

I remember this was one of my thoughts noong gabing 'yun and it stayed at the back of my mind for years. I just wanted it to end. I can't believe that I considered doing it multiple times already. There were times that I really wanted to do it not because I yearned my sufferings to stop but because I wished to end my soulmate's pain. Pero iba pang kwento 'yun. Now, I am just glad that I decided to meet my soulmate because I somehow felt human again in those times. Hindi ako isang walang buhay na kaluluwa na nagdurusa sa mga emosyong pantao. Kasi pakiramdam ko noon, tao pa rin ako. Invisible nga lang.

After a long delibiration in my head, I decided to head back inside of the kubo. I walked towards Wendy and Joy who were still waiting for me on the couch and said,


"Bring me to my soulmate."

 

Parang naglaro lang ng Bring me sa party noh?

Pagkatapos noon, pumitik ulit si Kamatayan at nasa harap na kami ni Wendy ng isang dalawang palapag na bahay sa gitna ng Kamaynilaan. Alam kong nasa Metro Manila kami kasi naririnig ko nang mahina ang mga busina ng bus at sasakyan sa bandang kanan ko. Tiyaka, nakita ko palang ang kawalan ng mga puno at nasinghap ang amoy ng polusyon, nakumpirma ko nang nasa Maynila ako. Naunang naglakad si Wendy papasok ng bahay. Tumagos siya sa gate. Si Kamatayan, she was nowhere to be found. Nanatili akong nakatayo sa labas ng bahay.

Parang ang bastos naman na pumasok nalang kami. Mag-door bell kaya ako?

 

Saktong pipindutin ko na sana 'yung doorbell nang biglang tumagos 'yung ulo ni Wendy sa gate. "Anong ginagawa mo?"

"Mag-dodoor bell."

"'Wag mong subukan. Matatakot lang sila. May CCTV oh. Tignan mo." Tinuro niya ang CCTV na nasa poste sa kaliwa ng gate. "'Pag pinindot mo 'yan at wala silang nakitang tao. Titignan nila sa CCTV. Gusto mo bang matakot soulmate mo?" Pagbanta ni Wendy. Napailing ako. "Makakahawak pa rin ako ng bagay? Mapipindot ko talaga 'yung doorbell?" 

"Yes. But that requires a lot of energy. Don't do it." Pinasok na ni Wendy ang ulo niya at tumuloy na rin ako. Pumasok kami sa bahay. Madilim at may dalawang tao na nakaupo sa may kusina at mukhang nagkakape. Madaling araw palang kasi noon. Mga alas kwatro ng umaga. Napalingon samin ang dalawa. Tumayo ang babae at sinabing, "Nandito na pala ang 'The One' ng alaga ko." Napapalakpak ito sa tuwa. Lumapit siya sakin at nakipagbeso-beso. Napailing-iling naman 'yung lalaking naiwang nakaupo. "Parang tuwang-tuwa ka pa sa naging takbo ng buhay niya ah." 

"Hindi naman. Natutuwa lang ako kasi magiging buo na ang alaga ko." Sabi nito. "Ang sabihin mo gusto mo na makaalis dito," pagsabat ni Wendy. Natawa ito. "Ayun din. Syempre! Pwede na ako maglibot-libot at walang aalahanin sa alaga ko." 

I assumed na 'yung babae ay 'yung guardian ng soulmate ko. Samantalang 'yung lalaki siguro ay tagapagbantay ng isang kapamilya niya. Medyo inexpect ko na lalaki ang magiging tagapagbantay ng soulmate ko kasi akala ko dapat magkaparehas ang kasarian ng alaga at ang kanyang tagapagbantay niya. Hindi ko alam sa mga oras na 'yun na pwedeng magkaiba pala.

Nakumpirma kong tama ang hinala ko nang magpakilala sila. Yeri ang pangalan ng babae at Chanyeol naman sa lalaki. Matapos ay agad-agad akong hinatak ni Yeri paakyat sa pangalawang palapag. Pumasok kami sa isang kwarto na kulay lila. Sa gitna ng kwarto ay may natutulog, nakatalukbong ng kumot. I found the room weird at first. Parang pambabae. Tiyaka 'yung amoy din. 

"Malaki ang epekto ng pagkamatay mo sa kanya. She's feeling blue lately but she doesn't know why." Pagkwento ni Yeri sa akin.

She? Babae ang soulmate ko? How is that possible?

I never liked a girl romantically. Lahat ng mga naging karelasyon ko ay puro lalaki. I realized I was really looking for the wrong person. Kaya pala, pakiramdam ko na may mali palagi sa mga relasyon namin. Kasi unang-una, hindi dapat lalaki ang para sakin. Naramdaman kong hinawakan ni Wendy ang balikat ko kaya napalingon ako sa kanya. Inunahan niya ako, "The body is just a vessel, Seulgi. What's important is the soul." Yeri agreed to what Wendy said.

After that, Yeri gave me a brief background on her life. Her name is Joohyun. About the same age as I was. Ang lungkot isipin noon na halos nasa iisang lugar na kami, 'di pa rin namin nakita ang isa't-isa. Parehas kami ng school na pinag-aaralan. She was in a different department. Almost the same though, she's taking her second year in civil engineering. I was supposed to be an architect, it was my dream. Eto nanaman ako, binabalik ang past ko. Nanghihinayang nanaman ako. 

May mga binilin pa sakin sina Wendy at Yeri. Things that I should know especially that starting from that time, I will be alone. Pinalitan ni Wendy ang damit ko. Naging isang puting dress. "I figured you don't want to be in the clothes you died in." Sabi niya. 'Yung suot ko noong pagkamatay ko pa rin kasi ang suot ko that time. Mukha akong white lady pero 'di na ako nagreklamo. It was so much better than that YOLO statement shirt. Good energies lang tayo rito.

Matapos ay nagpaalam na silang dalawa sakin. It was only natural for the guardians to leave their appointed person once it is secured that they have found the other half of their souls. Sinabi nila sakin na wala dapat akong ikabahala sa mga demonyo na pwedeng manggulo sa buhay ni Joohyun. The fact that we are together is already enough to vanquish such evil desires. May kakaibang kapangyarihan daw ang pagsasama ng dalawang kaluluwang para sa isa't-isa. May pagbibigkis na nangyayari. It was just me and her until the end.

She was stuck with me, I was stuck with her. Sabi nga ng Red Velvet, stuck on her, ne gyeote yeah. 

 

Naiwan kaming dalawa ni Joohyun. Tulog pa rin siya. Kaya naisipan kong tumingin-tingin sa mga gamit niya. Sa kanan ng kama niya, may mga aparador, cabinets at drawers. Sa kaliwang parte naman ay ang study table niya. Maraming magugulong malalaking papel ang nakapatong doon pati mga drawing instruments. Tinignan ko ang isang papel na may drawing. Ito ata ang plates niya. She's impressive. Pantay na pantay at ang linis ng lettering. Medyo sabog nga lang kasi may mga mantsa ng chocolate sa papel. Kaya siguro umulit. Nagulat ako nang biglang mag-alarm ang cellphone niya. Napalingon tuloy ako sa kanya. Inabot ng kanang kamay niya ang cellphone niya na nasa bedside table ngunit nanatiling nakatalukbong pa rin ng kumot ang mukha at katawan niya.

Come on, ate girl. Show me your face

Pinatay niya ang alarm at bumalik sa tulog. Magaling. Same. Mood. 

 

"Ate!" May babaeng sumigaw sa labas. Narinig ko ang bawat pagtapak neto dahil sa kanyang tsinelas. Hindi sumagot itong soulmate ko kaya tumawag ulit ang babae. "Ate! Nasaan 'yung jacket ko?!" Bigla-biglang bumukas ang pintuan. Isang maliit na babae ang bumungad sakin na nakauniporme. Sa likod nito, nandoon si Chanyeol, kumaway ito sakin. Ito siguro ang alaga niya. 

"Ang aga-aga. Hanapin mo dyan." Inaantok na sabi ng soulmate ko. A bell rang in my head. Her voice sounds familiar. Ay wow, singing competition lang. 

Kinalakal ng kapatid niya, I assume, ang mga cabinet at drawers niya. Nang hindi niya mahanap, bumalik siya sa harap ng ate niya at tinanggal ang kumot. "Wala rito, 'te! Asan? Malalate na ako." 

Napabalikwas ng bangon si Joohyun. Napatameme ako nang makita ko ang mukha niya. Long black hair, alluring eyes, small but tall nose, downturned lips, slightly pale skin and petite body.

No way. Siya? Si I don't accept gifts from strangers girl? 

Tumayo si Joohyun at nagtaka ako kung sino ba talaga mas panganay sa kanilang dalawa. Mas matangkad pa 'yung kapatid niya sa kanya. "Nasa sampayan pa ata." Nag-unat-unat siya. 

"Wala doon."

"Kapag nahanap ko, humanda ka sa'kin." Napatakbo ang kapatid niya pababa. Sumunod naman siya maya-maya. When the door closed, I realized I was holding my breath. 

"Joohyun pala ang pangalan mo," bulong ko sa hangin.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sizterette
After much reconsideration, here is the epilogue. I agree with some of your sentiments regarding sa story but I just got scared of ruining it kasi napaglipasan ko na to ng panahon sa pagsusulat. Thank you so much if you reached this part! Sana naenjoy niyo ❤️

Comments

You must be logged in to comment
turtlenaut_ #1
Chapter 12: saktong sakto sa existential crisis ko author-nim 🙂 thank you! sana nga there's something beautiful on the other side ❤️
JiHyun12 #2
Chapter 12: Love this story author! Thank you so much!
redlighton #3
Grabe, this story is so underrated! Feeling ko yung movie line na “this is not a love story, but a story about love” applies to here as well. Seulgi’s narration, wala akong masabi. Para lang din akong nagbantay kay Joohyun throught the years. Love is patient nga talaga… I just wished the ending was a bit longer. An epilogue/special would be nice too… or even just add 5 paragraphs just to show a glimpse of the moment of finally meeting again! Feel ko deserve din ng readers yun bukod kay Seulgi na matagal nag antay 🥹
JiHyun12 #4
Tor what if irene’s pov naman kahit isang chapter lang hihi
JiHyun12 #5
Chapter 11: 🥺🥺🥺☹️
KaiserKawaii #6
Chapter 11: Hello author. Ngayon ko lang nabasa to. Pero grabe ka naman sa pagpapaiyak. Sobrang ganda ng pagkagawa. Ganda ng idea. Wow. May nakaisip nang ganitong style. Eto na ata ang fav Filipino fanfic.

Ansakit pala ng idea na forever ka lang nakamasid sa taong meant for you. At maging unselfish.

Sobrang ganda talaga. Wow. Di nga ako nakatulog nang maaga para lang matapos in one seating.
howdoyouknowmee
535 streak #7
Chapter 11: Came from twit and owemgee ngayon ko na lang din naalala to huhu
Usernam31 #8
Chapter 9: Napaka ganda po talaga nito authorrr!!! Waiting po sa nextt chapter.
sevi_ely #9
Chapter 9: Patapos naaaaaa?ಥ╭╮ಥ
Baechu29 #10
Chapter 8: Huhu binasa ko to in one seating author. Hindi ko alam pero basta na lang tumutulo luha ko. Hindi ko alam kung para kay Seulgi ba o kay Joohyun, siguro pareho. Parang bigla kong narealize na dapat sulitin ko ang mga panahon at pagkakataon na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Salamat kasi minulat mo ako ng totoo ngang, 'you only live once'. Salamat dahil madami akong natutunan sa story mo. Looking forward sa mga susunod na chapter. :)