butterball (excerpt)

just this

I wonder if I’m being real

Do I speak my truth or do I filter how I feel?

 

Napatalon si Irene nang maramdaman ang malamig na bote ng alak sa kanyang pisngi. Mapang-asar na tawa naman ang isinukli sa kanya ni Wendy.

 

"Bwisit ka," pag-irap niya matapos abutin ang bote at lumagok nang kaunti.

 

Pumwesto si Wendy sa kanyang tabi at inakbayan siya, "You're welcome."

 

Siksikan sa loob ng bar kung saan lagi silang tumatambay kapag gusto nilang tumakas sa realidad. Sakto namang may gig ngayon ang bandang madalas subaybayan ni Wendy, pati na rin ni Irene dahil lagi naman siyang kinakaladkad ng bestfriend niya.

 

G lang naman siya lagi.

 

I wonder, wouldn't it be nice

To live inside a world that isn't black and white?

 

No matter how hard Irene tries, hindi niya talaga magawang idiretso ang tingin sa bandang tumutugtog sa kanyang harapan. The more she tries not to spare a glance, the more she feels the need to. Wendy demands attention; her very presence does.

 

Sino ba si Irene para ipagkait 'yon sa kanya?

 

Maliit ang awang ng bibig ni Wendy habang sumasabay sa kanta. Pansin pa rin ni Irene ang bahagyang pamumula ng mga pisngi nito dahil sa alak kahit madilim. Pero kita pa rin niya ang pagkinang ng mata ni Wendy, blue and purple, too focused on watching the performance on stage.

 

God, she's beautiful like this.

 

Kusang gumalaw ang kamay ni Irene at kinuha sa suot niyang sling bag ang dalang disposable film camera. Hindi na napansin ni Wendy ang pagkalas niya mula sa pagkakaakbay nito. Irene starts rolling the film advance wheel.

 

5.

 

She waits for the flash to fully load bago itutok ang camera kay Wendy. 

 

Right before I close my eyes

The only thing that's on my mind

 

Si Wendy na may maliit na ngiti sa labi, diretso ang tingin sa stage. Si Wendy na nakapikit habang nilalasap ang sandali. Si Wendy na tinamaan na yata at nakikiindak na sa tugtog.

 

Minsan lang 'to. 'Yung pakawalan ni Wendy ang sarili niya. Kuntento na si Irene sa ganito, she feels special this way—to witness Wendy letting down her walls even just for a little while, getting lost in the moment.

 

Kung pwede lang na itigil muna ang takbo ng oras at ang ikot ng mundo. Kasi hindi sapat ang gabi na 'to para kay Irene. Lalo na't walang kasiguraduhan ang mangyayari sa mga susunod na araw.

 

Irene is saving everything in her memory, capturing these precious moments, knowing the films are numbered. 

 

Bilang na rin ang mga sandali nila.

 

Been dreamin' that you feel it too

I wonder what it's like to be loved by you

 

Nakailang shot na si Irene bago pa mapansin ng bestfriend niya ang pagkuha niya ng litrato.

 

"Favorite mo talaga ako ha," todo ngiting saad ni Wendy at makulit na nagpeace sign pa sa harap niya.

 

Napailing na lang si Irene matapos ibaba ang camera. She tries rolling the wheel again pero ayaw na.

 

Ubos na.

 

Tumungga na lang si Irene ng alak na kanina niya pa hawak. Hindi na malamig. Napangiwi na lang si Irene sa pait na dumaloy mula sa bibig pababa sa sikmura niya.

 

Yeah

I wonder what it's like

 

///

 

Hindi na nagtaka si Irene kung bakit mas maraming tao ngayon than usual. 

 

Wendy is a crowd favorite. Gustong tapikin ni Irene ang sarili niya sa likod for making a good choice. Wendy is glowing in that blue v-neck shirt. Lutang na lutang ang maputi nitong kutis at may pasilip pa talagang collarbones.

 

"So, this will be my last song..." Sabi ni Wendy sa mic habang inaayos ang gitarang nakakandong sa hita, "As a college student. Cheers!"

 

Karamihan ng regulars dito ay kapwa nila students from the same univ. Kaya halong hiyawan, palakpakan, at panghihinayang ang isinukli ng audience. Hindi na sila makakasulyap at hindi na sila mahaharana ni Wendy every Thursday.

 

Napainom si Irene sa hawak na bote ng mule. Parang ang sensitive niya these days kapag may nababanggit na gano'n. Para kasing sinasampal siya ng katotohanan ng realidad. Na kahit ayaw niya pa at hindi pa siya tapos magbasa, kusang lumilipat ang mga pahina ng libro at magugulat na lang siya, isang araw, tapos na ang yugtong ito ng buhay niya.

 

Pre-graduation blues.

 

"I'm dedicating this song sa lahat ng taong patuloy pa ring naghihintay... Sa meron man o sa wala."

 

Mukhang nakarelate ang karamihan kaya mas umingay ang crowd. From her place sa open balcony, nakisigaw na rin si Irene at ang ilang katabi niya.

 

"Akala mo lang wala! Pero meron, meron, meron!"

 

Nagtawanan ang mga tao dahil sa hirit ni Irene at may ilan pang siniko siya sa tagiliran at tinapik sa balikat. Pero diretso ang tingin niya sa stage, kay Wendy na may mapaglarong na ngiti na unti-unting lumalawak hanggang sa hindi na rin nito napigilan ang pagbungisngis.

 

"And of course, to my bestfriend, Irene, na finally gagraduate na rin sa Sunday!" Masayang saad ni Wendy while scanning the crowd. "I love you! Nasaan na ba 'yon?" 

 

Itinaas ni Irene ang hawak na beer at agad namang nagtagpo ang tingin nila ni Wendy.

 

"Ayon! My bestfriend, everyone!" Turo ni Wendy sa kaniya. "I love you, Hyun!"

 

Waiting on someone who'll never be yours

It sounds stupid, bizarre

But you stay a little more

Yes, you wait

Oh, you wait

 

Hindi pa rin kumakalma ang puso ni Irene kahit pa nagsimula na si Wendy na kumanta gamit ang malambing nitong boses. Muli siyang lumagok ng alak para maibsan naman kahit papaano ang sakit. 

 

"Walang 'I love you, too'?" Napalingon si Irene nang biglang sumulpot si Sehun sa kanyang tabi. "Hina mo naman, mumsh."

 

"'I love you, too' ka d'yan eh hindi ko naman siya mahal... As a bestfriend." Muli uminom si Irene bago magpatuloy, "Tangina, baks, dalawang beses siyang nag-I love you, pero dalawang beses niya rin akong tinawag na bestfriend. Tama ba 'yon?"

 

"Pakak! Dinaig ang laban bawi at urong sulong." Natatawang biro ni Sehun. "Magkano na ba ang taya natin d'yan? Baon na yata tayo sa utang, luging lugi na."

 

Indeed, Irene's in too deep. Kahit anong pilit nya mag-U-turn, she finds herself driving past the red light. Walang lisensya, hindi nakasuot ang seatbelt, overspeeding dire-dretso patungo sa bangin ni Wendy.

 

"Seven years, Sehun," sagot ni Irene, diretso ang tingin sa bestfriend niya, sa taong minamahal niya pero hindi siya kayang mahalin pabalik. "Seven years."

 

And, oh, this feeling just won't end

 

Unfair, isip-isip ni Irene. Wendy looks so angelic, so innocent habang lumalandas mula sa bibig nito ang lyrics na parang sinasampal si Irene paulit-ulit.

 

Kasi tama si Wendy, dedicated nga talaga ito para sa mga taong naghihintay. Umaasa si Irene na may kapupuntahan ang pitong taon, na naghihintay siya na magkaroon...

 

Magkaroon ng higit pa sa kung ano sila ngayon.

 

"Nakakaloka. 'Di ko ba alam kung tanga ka o tanga ka talaga," walang prenong sabi ni Sehun. "I think both siguro."

 

"Eh kung itulak kaya kita ngayon dito?" Inis na sinabunutan ni Irene si Sehun at pakunwaring itinulak. Mahigpit na humawak ang kaibigan niya sa railings ng balcony.

 

"Sorry na. Nakalimutan ko nga pala ang kasabihan."

 

"Ano na naman 'yan?"

 

Tumikhim pa si Sehun at inilahad ang parehong kamay para magmukhang makata.

 

"Magbiro ka na sa lasing at bagong gising," sambit nito na parang tumutula, "'Wag lang sa bading na kulang sa lambing."

 

"Putangina mo."

 

"And I, thank you."

 

Tuluyan nang natawa si Irene. Bwisit talaga 'tong baklitang 'to. Pero this is why she likes Sehun's company, nire-real talk siya lagi imbes na kinukunsinti. Parehas sila ng pinsan nitong si Joy. Kahit balahura lagi ang lumalabas sa bibig, alam ni Irene na concerned lang sila sa kalagayan niya sa bestfriend-zone.

 

Ilang sandali pa ay nagpalakpakan na ang crowd matapos ng kanta. Nagchant pa ang ilan ng 'Isa pa! Isa pa!' pero ngumiti na lang si Wendy at tumayo na. Nakamasid lang sila ni Sehun kay Wendy na naglalakad papunta sa kinaroroonan nila, kumakaway at bumabati sa mga nadadaanang kakilala.

 

"Good set!" 

 

Nakipagfist-bump pa si Wendy kay Sehun nang makalapit ito sa kanila, "Buti nakahabol ka."

 

"Naman! That's what friends are for," may panunukso sa tono ni Sehun, "'Diba, Irene?"

 

Hinampas niya ang kaibigan sa braso at tumawa lang ang hinayupak.

 

"Saka last gig mo na, syempre!"

 

"Well, actually... Kakamessage lang sa'kin nung organizer sa isang music fest na pwede niya raw ako bigyan ng slot."

 

"Edi nice pala! Kelan 'yan?"

 

"Bukas 'yung set ko pero hanggang Sunday 'yung fest," sagot ni Wendy at nilingon si Irene, "Tara Elyu?"

 

***

 

a/n: libre nyo q rv concert tix itutuloy ko to emz

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pajamagirl
#1
Chapter 6: Nanood ako ng haikyuu para maintindihan ko ng bongga HAHAHAHA
Ghad20
#2
Congratulations on the bid
wenrenes
#3
Chapter 7: welcome back, author! looking forward to this 😩 sana may manlibre sayo lods sa r to v
reveclean
#4
Chapter 7: crowd funding authornim!para sa rv con!para sa next chapter 💪
todayis_wenrene #5
Chapter 6: gago tawang-tawa ako dun sa “mine!” tapos natalo sila 😆 bawal malandi sa game 😆😆😆
wenrenehousemates #6
Chapter 7: Authornim please I suggest crowd funding po! You’re one of the best wenrene authors I know kaya sigurado akong maraming willling mag fund sa stories mo!
wnandehy
#7
Chapter 2: LAWRD ANOBAYAANNN ANLUNGKOT ;)+:);()!!!(!(!!!(
todayis_wenrene #8
Chapter 2: bakit ako napadpad dito at ito naisipan kong unang basahin na chapter?? 😭 gusto ko lang naman magpa-antok author, bakit ang heavy..
LockLoyalist
#9
Chapter 7: tuloy po please hahaha
SEEKER_
#10
Chapter 1: Why naman ang cutie ni wends pag may sakit. Si majaaam ang rupok amp