mayonnaise (part three)

just this

"What the , Joohyun?!"

 

Wala ng pakielam si Irene kung nababasa na niya ang passenger seat, car rug o kahit si Wendy mismo. Hindi niya alam kung nanginginig siya dahil sa lamig ng tubig-ulan sa kaniyang balat o sa pagkasabik sa presensya ng girlfriend niyang akala niya ay hindi niya na mayayakap uli.

 

Patuloy lang ang hagulgol niya sa dibdib nito, "I-I'm s-sor—"

 

"," pagpapanic ni Wendy na agad namang ginamit ang malayang kamay na hindi nakakapit kay Irene. In-off nito ang aircon at kinalikot ang dalang bag na nakalagay sa backseat, naghahanap ng tuwalya o damit, "Bakit hindi mo na lang ako hinintay sa entrance?"

 

Umiling siya at mas hinigpitan ang pagkapit kay Wendy. Pilit niya itong hinihigit palapit na parang takot siyang mawala ito na parang bula. Na parang napagkaitan si Irene ng tadhana at ngayong andito na ang hinihiling niya, ayaw na niyang bumitaw.

 

"Shhh, Hyun," pag-alo ni Wendy sa kaniya. Ang mainit nitong palad ay dumadampi sa kaniyang likod, sapat na para hindi ginawin si Irene sa pagkakakulong sa bisig nito.

 

"S-Seungwan…"

 

Ramdam niyang humalik ito sa ulo niya at muling tinapik ang kaniyang likod, "Mamaya tayo mag-uusap. Magbihis ka na muna."

 

Alanganin pang umatras si Irene hanggang sa tuluyan nang nakawala si Wendy sa yakap niya. Tinulungan siya nitong iangat ang basa niyang damit at hindi niya mapigilang kilabutan.

 

Agad namang tinanggal ni Wendy ang suot nitong flannel, "Ipamunas mo 'to. Tuyo naman 'yung bandang likod."

 

Papahina na ang paghikbi ni Irene habang pinagmamasdan si Wendy na kinakalikot ang bawat sulok ng kotse nito. Nang makahanap ng malinis na plastic ay inilagay nito ang basa niyang shirt at saka itinabi sa likod ng kotse.

 

Pumalatak si Wendy nang makitang nakatitig lang si Irene sa kaniya at wala sa loob na idinadampi ang hawak na damit sa balat, "Hyun, magbihis ka na. Sisipunin—Tsk, ayan na nga sinasabi ko."

 

Bumahing siya uli kaya't inasikaso na siya ni Wendy. Isinuot nito ang dalang extra shirt kay Irene na parang batang walang imik at sinusundan lang ang bawat galaw ng kaharap.

 

"Punasan mo 'yang buhok mo," marahang utos nito pero nananatiling nakatulala si Irene. 

 

Para siyang nananaginip. Hindi siya makapaniwala na andito talaga si Wendy sa harap niya. Abot-kamay at walang hadlang. 

 

Wala na.

 

"Sige naman na, mahal. Magkakasakit ka niyan eh," pagpilit nito sa kaniya, "Bilis at iuuwi na kita."

 

Magsasalita na sana si Irene bilang protesta nang mabilis na humalik si Wendy sa labi niya. Natunaw ang reklamo sa bibig niya at hindi na niya maramdaman ang lamig ng pagkabasa niya ng ulan.

 

"Sa'kin," dugtong ni Wendy nang may maliit na ngiti sa labi, "Sa'kin ka uuwi."

 

Tumango siya at tuluyan nang nawala ang pagdududa nang makahanap ng kasiguraduhan sa malamlam na mata ni Wendy. Isinuot na niya ang damit at bumalot sa katawan niya ang pakiramdam ng yakap ng pagmamahal.

 

Pinaandar na nito ang kotse at nagsimula na silang bumiyahe pauwi. Mabagal at maingat ang pagmamaneho ni Wendy, dahil na rin sa patuloy na buhos ng ulan at sa madalas na pagsulyap sa kaniya.

 

Wala silang imik kagaya kaninang umaga pero komportable si Irene sa katahimikan. Magaan ang kaniyang loob kahit na hindi pa talaga sila nagkakaayos. Pero ang katunayan na andito siya sa loob ng kotse ni Wendy at kasama niya itong pauwi, na nakapahinga ang magkasalikop nilang mga kamay sa hita nito, na paminsan-minsan ay hinahalikan nito ang likod ng palad niya…

 

Sigurado si Irene na tama ang pinili niya.

 

"Gusto mong magdrive thru? Or goto? Mami? Anything na mainit?" Basag ni Wendy sa katahimikan habang malikot ang ulo na tinitignan ang dinaraanan.

 

Napangiti si Irene sa nag-aalala nitong tono, ang kaliwang hinalalaki niya ay gumuguhit sa balat ni Wendy, "Kakadinner ko lang."

 

"Sus, as if nakakain ka nang maayos."

 

"Hmm, nabusog naman ako," kahit papaano, gusto niyang idugtong pero hindi niya tinuloy. "Umorder si Yerim ng crispy pata."

 

"Putok batok pala talaga." 

 

Ang bungisngis ni Wendy ang umalingawngaw sa loob ng kotse. Napakagat na lang sa labi si Irene at umiling nang magets ang pinupunto ng girlfriend niya.

 

"Kape na lang, Wan."

 

"Okay," tango nito at muling nagtanim ng halik sa likod ng kamay niya.

 

Nang may nadaanang convenience store ay itinabi ni Wendy ang sasakyan at inihinto para pumarada sa harap. 

 

"'Wag ka nang bumaba," sabi ni Wendy at kinuha ang wallet sa bag, "'Yon lang ba gusto mo?"

 

Nag-hum lang si Irene bilang pagsang-ayon, nakanguso dahil sa pagbitaw ni Wendy sa kamay niya. Ilang sandali matapos nito bumaba at pumasok sa gusali ay nagring ang phone nito na nakapatong sa dashboard.

 

Sigaw ng nasa kabilang linya ang bumungad kay Irene nang sagutin niya ang tawag. Mukhang nasa bar ang mga kaibigan ni Wendy dahil sa tugtog at ingay sa background.

 

"Tanginang—"

 

"Shhhh, ang ingay niyo!"

 

"Hoy, turn mo na!"

 

"Awatin n—Hello?! Wendy! Asan ka na?"

 

Kinagat ni Irene ang labi niya bago magsalita, "Seulgi…"

 

"Irene?"

 

"Anong Irene?!" Rinig niyang sabat ni Joy at sumunod ang ilang kaluskos, "Tangina mo, Irene, 'wag kang magpapakita sa'kin kung ayaw mong sabunutan kita!"

 

Nanginginig na ni-loudspeaker ni Irene ang phone dahil masyadong nakakabingi ang lakas ng kaluskos na nasasapawan ng pagbigat ng puso niya sa mga naririnig.

 

"Babe!" Awat ni Seulgi, "Sehun, hawakan mo nga sa tenga—Aray, ba't ka nangangagat—Akin na 'yang phone ko, hoy!"

 

"Nakita mo ba 'yung iyak ng kaibigan natin kanina, ha?! Eh ba't ba tayo nag-iinom ngayon? Dahil sa tarantadong—"

 

"Hindi natin alam 'yung buong kwento, okay?! 'Wag ka ngang makielam sa kanila. Hayaan mo na." Malakas na tunog ng paghablot ng phone ang sumunod, "Pasensya na, Irene, nakarami na kasi."

 

"Kung alam ko lang na pupuntahan ka ni Wendy, pinigilan ko na sana!" Bulyaw ni Joy, "You don't deserve—"

 

Napakurap si Irene nang marahas na hablutin ni Wendy ang phone sa kamay niya at pinutol ang tawag. Ni hindi niya namalayang nakabalik na pala ito.

 

"Lasing na 'yung mga 'yon. 'Wag mo nang isipin."

 

Inabot nito ang paper cup sa kanya at tinitigan lang 'yon ni Irene. Kita niyang umaangat ang usok mula sa mainit na kape at nalalanghap niya ang halimuyak nito. Mapait, gaya ng mga salitang lumabas sa bibig ni Joy.

 

"She's right, I don't deserve you..." Namamaos niyang sabi. Magkasabay na nanginginig ang boses niya't mga kamay na umangat para abutin ang inumin.

 

Nakakapaso ang init na lumandas mula sa labi niya pababa hanggang sikmura. Gamit ang dalawang kamay na nakahawak sa paper cup ay ipinahinga niya iyon sa kaniyang hita. Hindi alam ni Irene kung umepekto na ba agad ito dahil masyado na ang kaba niya sa magiging takbo ng usapan nila.

 

Dahil sa pagtawag ni Seulgi ay napagtanto niyang hindi pa siya dapat makampante. Hindi porket andito si Wendy ngayon ay wala ng problema. Kaya kahit gusto mang sulitin ni Irene ang pagkakataon at palipasin muna ang ulan, alam niyang hindi niya na dapat pang patagalin ito.

 

"I know I don't." Nag-angat siya ng tingin kay Wendy na tahimik lang na nakamasid at hinihintay na matapos ang kaniyang litanya, "Yet I still want you."

 

"Good," marahan nitong pagtango, may maliit na ngiti sa labi, "That's more than enough for me."

 

"Seungwan…"

 

"I don't care who deserves who, Joohyun."

 

"Why…?"

 

"Because it doesn't matter?" Nagkibit ito ng balikat at inabot ang cup noodles sa dashboard. Nagsimula itong humigop ng sabaw habang nakatingin sa kaniya. "You're here. 'Yon ang mahalaga sa'kin."

 

"I'm just… I'm so sorry." Huminga siya nang malalim, kinakapa ang tamang tugma ng mga salita na hindi siya maiiyak. "I'm sorry for keeping this from you. I thought… I was convinced na kapag nalaman mo… You'll let me go. Because I know you don't want me to be in a situation na I have to choose between you and my dad…"

 

"Joohyun…"

 

Mahina ang pagtawa ni Irene nang makita ang lukot na mukha ni Wendy habang hawak ang kinakaing noodles.

 

"See? You'll let me go for sure," diin niya sabay iling. Muli siyang uminom ng kape at nasanay na siya sa pait at init nito. "I can't. I won't let you give up on us just like that."

 

"Yeah, I will probably do that," pagsang-ayon ni Wendy sa kaniya at bigla naman itong nagbiro, "Or maybe not. Malay mo bigla akong sumugod sa bahay niyo ta's lumuhod sa harap ng Papa mo."

 

"Siraulo," pag-irap niya.

 

Ilang minuto rin silang nabalot ng katahimikan, liban na lang sa walang tigil na patak ng ulan at ang tunog ng kanya kanya nilang paghigop ng sabaw at kape. Nang maubos ay muling bumaba si Wendy para magtapon sa basurahan. Pagbalik ay hinarap siya nito.

 

"You don't trust my feelings for you," pagbasag ni Wendy sa katahimikan at sa puso ni Irene.

 

"W-what?"

 

"Maybe you do… Pero hindi sapat para mawala 'yung mga doubts mo." Yumuko si Wendy at pinasadahan ang buhok bago muling mag-angat ng tingin, mga mata nito ay may bahid ng pagtataka at panlulumo, "H-How can you be so sure na papakawalan kita? Mahal kita, diba?"

 

Hindi magawang mag-iwas ng tingin ni Irene kay Wendy kahit na gusto niyang magtago at iwasan ang lahat ng binabato nito sa kaniya. Hindi siya nakailag. Hindi siya iilag, kasi alam niyang deserve niya ang panunumbat nito.

 

Inako niya ang lahat. Napangunahan si Irene ng takot, pangamba, at pagdududa na baka isuko siya ni Wendy. Kaya siya lang ang lumaban. Akala niya ay kakayanin niyang mag-isa. Nakalimutan niyang hindi na nga pala siya nag-iisa.

 

Kinagat niya ang labi at kakaibang pait naman ang nalasahan ni Irene. Pagsisisi.

 

Na kung sana ay hindi niya pinangunahan si Wendy, kung sana ay maayos silang nag-usap, o kaya naman ay kung sana—

 

"Alam kong ayaw mo akong madamay, o masaktan, and I thank you for it," pagpapatuloy ni Wendy na pumutol sa mga iniisip niya. "But I want to do all of those to you too. Gusto rin kitang maprotektahan, ayaw din kitang masaktan."

 

Sa kahit anong paraan, malamang ay hahantong pa rin siya sa ganitong sitwasyon. Sa ngayong maulan na gabi. Sa pagpili, pagtaya at pagtalikod. Ang kinaiba lang, pinili niya ang mas mahirap na daan—ang manguna at umasa na lang na sa paglingon niya sa likod ay nakasunod pa rin si Wendy na walang galos kahit siya ay naghihingalo na.

 

Imbes na sana ay magkatabi silang dalawa at sabay na haharapin ang lahat nang hawak-kamay. Pareho man silang magtatamo ng sugat ngunit sabay namang maghihilom. 

 

Kinuha ni Wendy ang kamay niya at kinanlong, "And what better way to do those things than by doing it together?"

 

"I'm s-sorry." Kumawala na ang pinipigilang luha ni Irene na agad namang pinunasan ni Wendy. Matapos ay ipinahinga nito ang kamay sa kaniyang pisngi at ngumiti.

 

"I love you," sinserong saad ni Wendy na parehong ipinapahayag ng bibig at mga mata nito, "And I want to fight for you too… For us. 'Wag mong sarilinin, Hyun, kasi andito ako. Palagi. Hindi ako aalis."

 

Dahil sa narinig ay mas napaiyak si Irene. Hindi niya mapigilang suntukin ang dibdib nito bago ikuyom ang kamao sa damit ni Wendy, "B-but you asked for a b-break! A-akala ko ayaw mo na… H-hindi ka na b-babalik…"

 

"I'm here, aren't I? Kelan ko ba pinaramdam sa'yo na hindi ako babalik?"

 

Hindi na siya makadilat nang maayos dahil wala siyang ginawa buong araw kundi umiyak. Pero kahit gano'n ay kita pa rin niya ang mapungay na mga mata ni Wendy na naluluha rin. Ikinulong siya nito sa mga bisig hanggang sa tumahan si Irene.

 

"I'm sorry for my outburst earlier," hingi nito ng tawad. Ramdam ng kaniyang tenga ang bawat galaw ng labi at ang nagsusumamong boses nito. "Sadyang… napuno lang. Hindi ko na napag-isipan nang maayos. I should've handled it better. Dapat pinakinggan kita—"

 

"Shhh," pagputol ni Irene. Mula sa pagkapit sa damit ay umakyat ang mga kamay niya sa balikat nito. Dumampi ang labi niya sa leeg ni Wendy bago magpatuloy, "I understand. Galit ka, and galit din ako sa sarili ko for not doing the things I should've done. I only realized na I ed up the moment you didn't say I love you too to me last night."

 

"I'm sorry..." Umakyat ang labi ni Wendy mula sa tenga nito patungo sa sentido ni Irene, "Ang childish ko sa part na 'yon."

 

Ilang sandali pa silang nanatiling magkayakap habang nagsasalitan ng paghingi ng paumanhin sa lahat ng nangyari at nagbibilin ng mga dapat nilang gawin kung sakaling pagdaanan nila ito ulit.

 

Marahang hinahaplos ni Wendy ang likod niya habang naglalaro naman ang mga daliri ni Irene sa maikling buhok nito hanggang sa kumalma silang dalawa at lumipas ang unos. Tapos na. At andito pa rin silang dalawa.

 

Ramdam rin ni Irene na bumibigat na ang paghinga ni Wendy kaya mahinahon niya itong tinapik sa balikat, "Patulog ka naman na yata?"

 

"Hmm, nakailang bote rin ako kanina," inaantok na sabi nito at unti-unting kumalas kay Irene. Bago tuluyang lumayo ay humalik si Wendy sa labi niya na agad naman niyang tinugunan.

 

"Okay na tayo?"

 

Tumango si Wendy at umayos na ng pagkakaupo sa driver's seat, "Uwi na tayo?"

 

"Okay."

 

*****

 

Pagkarating nila sa condo ni Wendy ay agad siya nitong inutusan na maghot shower.

 

"Ayaw mong sumabay?"

 

"Hyun…"

 

"Para tipid sa tubig, mahal."

 

"Mga palusot mo," umirap ito at natawa lang si Irene. Inabot ni Wendy ang spare towel sa kaniya, "Maghapong umulan. Puno na ulit mga dam niyan. Maligo ka na."

 

Tumaas ang kilay ni Irene nang makita ang paborito niyang pajama na ipinatong naman ng girlfriend niya sa kama, "Nasa'yo pala 'yan?"

 

"Ang alin?" Naguguluhan nitong tanong na agad din namang nakabawi nang makita kung saan siya nakaturo, "Ah, oo. Ewan ko ba, andami mo ngang gamit dito sa condo."

 

Nilibot ni Irene ang mata sa kabuoan ng kwarto ni Wendy. Totoo nga, halos sa bawat sulok ay may marka niya. Pictures nila sa bedside table; stuff toy niyang regalo ng Papa niya no'ng bata pa siya na nakapwesto sa gilid ng kama; ilang libro niya sa may study area; 'yung earphones niya na nakakalat sa gilid; PE uniform niya at ilang damit na nakatiklop sa isang tabi; pati 'yung jacket na nakasabit sa likod ng pinto na sa sobrang dalas isuot ni Wendy ay nakalimutan na niyang sa kaniya pala 'yon.

 

Napakurap pa si Irene at napamura nang makita ang itim na bra na nakasabit sa isang upuan. Tangina? Hindi yata naglilinis ng silid 'tong jowa niya. Last week pa niya sinuot 'yon ah?

 

"Joohyun," nakapamewang na tawag ni Wendy, "Ano na? Aba, eh mauuna na akong maliligo—"

 

"Sabay na kasi tayo," pagpupumilit niya bago bumahing.

 

"Ang kulit mo!" Pumalatak si Wendy at tinulak na si Irene patungo sa banyo. "'Di mo 'ko madedemonyo."

 

Kinagat niya ang labi niya at pinasadahan ng kamay ang buhok, "Please?"

 

Bumuntong hininga si Wendy at binuksan na ang pinto ng cr, "Isa pa, sige. Ibabalik kita sa inyo."

 

Wala ng nagawa si Irene kundi tumawa at tigilan na ang pang-aasar sa girlfriend niya. Nagsimula na siyang maglinis ng katawan, ang isip ay lumilipad sa kinahantungan ng mga naging desisyon niya. Matapos ng halos kalahating minuto ay lumabas na siya at si Wendy naman ang nagshower.

 

Matapos gawin ang night routine ay umupo na siya sa kama habang nakasandal sa headboard. Kinuha niya ang kaniyang phone sa bag at alanganing binuksan, takot sa maaaring bumungad na mga mensahe sa kaniya.

 

Pero lamang ang pag-aalala niya at siguradong ganoon din ang Mama niya sa kaniya. Patunay na ang tatlong missed calls mula rito at ilang texts mula sa kapatid niya.

 

[07/25 Sat, 18:50] Yerim: utang mo sakin buhay mo mehehehe char lang aylabyu ate ;(

[07/25 Sat, 19:05] Yerim: nakauwi na kami lol awkward ng byahe kwento ko sayo pag okay ka na

[07/25 Sat, 19:10] Yerim: balitaan mo ako agad kung saan ka itatanan ni ate wends para maipadala ko ang crispy pata skjsjsj

[07/25 Sat, 20:32] Yerim: ate anuna nagw-worry na kami ni mama kinukulit ako

[07/25 Sat, 21:29] Yerim: tawag ka agad kay mama ha

[07/25 Sat, 21:31] Yerim: goodnight sana ol masarap ang tulog 

 

Agad niyang tinawagan ang mama niya at hiniling na sana ay gising pa ito. Nakailang ring din bago ito sumagot at bumungad kay Irene ang nag-aalalang boses nito na pinaulanan siya ng tanong.

 

"N-nak? Kumusta? Asan kayo? Magkasama—"

 

"Ma," natatawang putol niya sa litanya nito, "Isa-isa lang."

 

"Hay nako, Joohyun. Nakapatay pa ang phone mo kanina ta's anong petsa ka na tumawag. Hindi tuloy ako mapakali naman, anak."

 

"Sorry, ma," hingi niya ng paumanhin. Nilapit niya ang kaniyang tuhod sa dibdib at niyakap ang sarili, "Inuna ko lang pong ayusin 'yung sa amin ni Wendy…"

 

"Okay naman na kayo? Asan ka ba?"

 

"Nasa condo niya po. Okay na po kami," paninigurado ni Irene. "I'm more than okay, Ma. Don't worry."

 

Naunahan na ng kaniyang ina si Yerim na magkwento ng mga nangyari matapos niyang umalis ng resto. Nakikinig lang si Irene at paminsan-minsang tumutugon habang nakadukdok ang ulo sa magkadikit na tuhod.

 

"S-Si Papa?"

 

"'Wag mo nang isipin ang Papa mo," matamang sabi ng nasa kanilang linya, "Ako na ang bahala."

 

"But he's mad…" 

 

"Natural lang na magalit ang Papa mo dahil hindi niya naiintindihan," paliwanag ng ina, "'Wag mong akuin lahat, 'nak. Hindi lang ikaw ang nagkulang."

 

Alam ni Irene na may pagkakamali siya na dapat niyang pagsisihan at itama. Gusto niyang humingi ng tawad, pero hindi tungkol sa bagay na inaasahan ng kaniyang ama. Dahil hindi siya kailanman magsisisi sa ginawa niyang pagtalikod at pagpili kay Wendy.

 

Siguro ay mainam na hayaan na lang ni Irene ang oras na gawin ang trabaho nitong hilumin ang sakit na naidulot niya sa ama, na wala lang namang ibang gusto kundi ang mapabuti siya. Naiintindihan naman niya. 

 

Sadyang ganon lang talaga.

 

Mas matimbang ang pagmamahal niya. Kaya nga siya pumili. Kaya siya tumaya. Kaya siya nanindigan.

 

Bumukas ang pinto ng cr at lumabas si Wendy. Halos nakapikit na ito, halatang antok na antok na. Hindi mapigilan ni Irene na mapangiti habang minamasdan ang mahal niya na biglang dumapa sa kama at niyakap siya patagilid.

 

"Ma?"

 

"Oh, anak? Tawagan mo rin ang kapatid mo ha. Hindi ko nga lang alam kung gising pa ba 'yong batang 'yon. Wala namang ginawa kundi magcellphone nang magcell—"

 

Agad din namang lumabas sa kabilang tenga niya ang sermon ng ina tungkol sa kapatid. Nalipat na ang atensyon niya sa gumuguhit na daliri ni Wendy sa kaniyang bewang at sa matangos nitong ilong na tumutusok sa tagiliran niya. 

 

Tinapik ni Irene ang braso nitong nakapalupot sa kaniya bago siya tumayo at pinatay na ang ilaw. Nanatili siyang nakatayo at nakamasid lang kay Wendy mula sa bandang dulo ng kwarto.

 

"—Nako. Anong oras na pala, anak. Medyo nahihilo na ako sa antok…"

 

"Last na, Ma," hirit niya habang marahang naglalakad pabalik sa kama, "Pwede po bang… 'Yung mga gamit ko po…"

 

Kinuha niya ang kumot at ipinatong kay Wendy. Nakatagilid siyang humiga sa tabi nito, nakaharap sa maamo nitong mukha. Hindi mapigilan ni Irene ang pagbungisngis nang mag-angat ito ng braso at binti para ipalupot sa kaniya.

 

"Iempake ko na, 'nak?" Tanong nito makalipas ng ilang sandali, "Sigurado ka?"

 

Mabibilang lang sa dalawang kamay ang mga bagay na kung saan sigurado si Irene.

 

Sinuklay niya ang buhok ni Wendy bago lumapit at halikan ang noo nito pababa sa labi. Ito ang pinili niya, kaya wala ng ibang gustong gawin si Irene kundi angkinin ito.

 

"Yes, Ma. Dadaanan ko sa Lunes," mahinahon niyang sabi, "I'll move in with Wendy."

 

Matamis na ngiti ni Irene ang sumalubong kay Wendy nang napadilat ito dahil sa sinabi niya. Kahit kumunot ang noo nito at nakaawang ang bibig dahil sa pagtataka, humigpit naman ang kapit nito sa bewang niya.

 

"Excuse me?" Pang-asar na bulong nito, "Hindi pa ako pumapayag?"

 

Umirap lang si Irene, "Pake ko?"

 

"Luh, pauso 'to. Sisingilin kita ng renta, 'kala mo."

 

"'Wag mong kakalimutang dumalaw ha," biro ng ina sa kabilang linya habang natatawa, "Baka makalimot ka niyan."

 

"Ma naman," sabi niya habang pinandidilatan si Wendy na ngayon ay nakatukod na ang ulo sa brasong nakapatong sa unan, "Ilang barangay lang ang layo eh."

 

"O, siya, sige, aayusin namin ng kapatid mo bukas. Matutulog na ako ha. Kayo rin, lalo na ikaw, Joohyun. Magpahinga ka na."

 

"Okay, Ma. Good night po."

 

"I love you," pahabol ng ina, "I'm so proud of you, anak."

 

Naramdaman ni Irene ang init ng pagmamahal, suporta at pagtanggap ng kaniyang magulang dahil sa narinig. Dagdag pa ang marahang paghaplos ni Wendy sa kaniyang tagiliran habang nakangiting pinagmamasdan siya.

 

"I love you too, Ma," marahan niyang sabi, boses ay puno ng sinseridad, "Thank you for everything."

 

Nang maputol ang tawag ay agad na tumalikod si Irene para ipatong ang phone sa bedside table. Matapos ay hinarap niya si Wendy at inaya na itong matulog.

 

Bumalik si Wendy sa pagkakahiga at dumagan naman si Irene sa halos kalahati ng katawan nito. Iinihiga niya ang ulo sa dibdib nito at ipinalupot ang braso't binti sa girlfriend niya.

 

Hinehele si Irene ng tibok ng puso ni Wendy. Ang kabog nito ay tumutugma sa bawat pantig ng pangalan niya. Malalim siyang huminga at hinayaan ang sarili na makapagpahinga sa piling ng mahal niya.

 

Mahal.

 

"Seungwan?" Pagtawag niya nang bigla siyang may naalala.

 

Garalgal itong humuni kaya't nag-angat ng tingin si Irene. Napangiti siya nang makitang pilit itong dumidilat. Hindi niya mapigilang idampi ang mga labi sa magkabilang mata nito.

 

"Sorry," hingi niya ng pasensya dahil sa paggambala niya sa pagtulog nito. Alam niyang kanina pa ito inaantok, at hindi rin nakatulong na nakainom pa ito kanina. "May naalala lang kasi ako."

 

"Hmm?"

 

Hinaplos ni Irene ang pagitan ng kilay nito para tanggalin ang pagkakakunot. Lumandas ang daliri niya sa matangos na ilong at marahan itong tinapik, pababa sa mapupulang labing bahagyang nakaawang.

 

"Alam mo ba kung bakit sigurado akong mahal kita?"

 

Minasdan ni Irene ang pagtaas ng kilay ni Wendy, sumunod ang hirap nitong pagdilat. Kahit may bahid ng antok ay kumikinang pa rin ang mga mata nito, hinahatak pa rin siya hanggang sa malunod siya sa lalim ng pagmamahal na bumubuhos mula roon.

 

"Tell me."

 

Yumuko si Irene at pinagtagpo ang kanilang mga labi. Malumanay, malalim, at magkatugma ang bawat halik. Sinusulit ang oras nang walang halong pagmamadali. Dahil alam nilang panghabang buhay na ang tinatahak nilang daan.

 

Umatras si Irene para huminga at bigyang linaw ang katanungang iniwan niyang walang sagot noong tumalikod siya at sumugod sa ulan.

 

"Kasi araw-araw kitang pinipili."

 

 

a/n: charaaaan hinati ko sa three parts para sakto sa fave quote ko from my prof: pumili at panindigan. pumili at magtaya. pumili at angkinin.

and!!! 'yung line na "alam mo ba kung bakit sigurado akong mahal kita? // dahil araw-araw kitang pinili" is from a movie called hintayan ng langit <3 nakakuha ako ng inspiration na magsulat kasi sakto sa 'irene's choice' kskdjdjdjs

 

 

bonus:

 

"Aray, puta!"

 

Hindi mapigilang mapamura ni Irene sa sakit ng pagsabunot ni Joy.

 

"Ano?" Maangas nitong sabi bago dekwatin ang ulam niyang sisig with mayonnaise, "Diba sabi ko naman sa'yo 'wag kang magpapakita sa'kin kasi sasabunutan kita?"

 

 

happy wenrene day! <3

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pajamagirl
#1
Chapter 6: Nanood ako ng haikyuu para maintindihan ko ng bongga HAHAHAHA
Ghad20
#2
Congratulations on the bid
wenrenes
#3
Chapter 7: welcome back, author! looking forward to this 😩 sana may manlibre sayo lods sa r to v
reveclean
#4
Chapter 7: crowd funding authornim!para sa rv con!para sa next chapter 💪
todayis_wenrene #5
Chapter 6: gago tawang-tawa ako dun sa “mine!” tapos natalo sila 😆 bawal malandi sa game 😆😆😆
wenrenehousemates #6
Chapter 7: Authornim please I suggest crowd funding po! You’re one of the best wenrene authors I know kaya sigurado akong maraming willling mag fund sa stories mo!
wnandehy
#7
Chapter 2: LAWRD ANOBAYAANNN ANLUNGKOT ;)+:);()!!!(!(!!!(
todayis_wenrene #8
Chapter 2: bakit ako napadpad dito at ito naisipan kong unang basahin na chapter?? 😭 gusto ko lang naman magpa-antok author, bakit ang heavy..
LockLoyalist
#9
Chapter 7: tuloy po please hahaha
SEEKER_
#10
Chapter 1: Why naman ang cutie ni wends pag may sakit. Si majaaam ang rupok amp