mine

just this

a/n: please take note na wala po akong masyadong alam sa volleyball dahil dakila lang akong taganuod i'm sorry huhu us2 q lng talagang isulat 'to for my own satisfaction kskdksks 

pero ayon, i hope magustuhan niyo pa rin. thank u <3

 

/////

 

Malayo pa lang ay dinig na ni Irene ang malalakas na hampas at pagtalbog ng mga bola, pati na ang tunog ng pag-ingit ng mga sapatos sa sahig. Hindi pa man din siya nakakatuntong sa gym, gusto na agad niyang hingalin.

 

One week din siyang hindi nakaattend sa training dahil busy sa acads. Buti na lang at mabait ang coach nila (na pinsan niya kaya agad din siyang napagbigyan). Dahil na rin siguro sa policy ng school nila about sa grades ng student athletes kaya hindi na nakaangal si Taeyeon. Nag-alanganin kasi si Irene sa isang subject at sa takot na pagpahingahin siya ng Dean niya from playing, todo aral si ate mo for the past week.

 

And now she's back, excited si Irene na makahawak uli ng bola. Namiss niyang maglaro, in fairness. Pati na 'yung mga teammates niya. Lalo na 'yung isa.

 

Eh kaso mukhang hindi siya namiss.

 

No one noticed Irene when she arrived. May kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang mga teammates niya. May mga nagpapapawis na agad, merong naghahabulan, may humihila ng mga poste, at may nakadapa sa gitna ng court... Kumunot ang noo niya.

 

"Cap!"

 

Napatalon pa siya sa gulat nang biglang umakbay sa kaniya si Moonbyul. Malawak ang ngiti nitong binati siya, "Welcome back!"

 

"Thanks," sagot niya at muling minasdan ang kabuoan ng gym. Nang hindi mahagip ng mata ang hinahanap ay napanguso siya.

 

"Rene! Long time no see!"

 

"Caaap!"

 

Todo kaway naman at ngiti si Irene sa bawat pagbati na natanggap niya. Pinalibutan siya ng ibang teammates niya at nakatanaw naman ang ilang hindi pamilyar sa kaniya.

 

"Hoy, Joohyun," saad ni Joy bago dakmain ang tuktok ng ulo niya na parang bola, "Lumiit ka yata."

 

"Tangina mo," pagmumura niya bago mahinang sikmuraan ang kaibigan. 

 

Tumawa lang ang higanteng spiker bago bumaba ang kamay nito para tapikin siya sa balikat, "Isang linggong walang paramdam, ah?"

 

"May ibang nagpaparamdam tuloy," singit ni Yeri na binawal naman ni Seulgi. 

 

"Huy, ingay mo," sita ng middle player while eyeing her reaction.

 

Kumunot ang noo niya sa palitan ng tingin ng dalawa pati na sa pagsali ni Joy sa tawanan ng mga hunghang niyang kaibigan. 

 

May nararamdaman siyang kakaiba.

 

"Anong meron?"

 

"Walaaa." Sabay-sabay na umiling ang tatlo kahit may mga mapaglarong kinang sa mga mata. Muli siyang tinapik ni Joy sa likod bago tumalikod at bumalik sa pinagkakaabalahan, "Maya tayo magcatch up."

 

Naiwan si Irene na nakatayo sa gilid, deep in thought for a few seconds. Parang hindi siya mapakali bigla pero hinayaan na niya kung ano man 'yon. Malalaman din niya sooner or later.

 

Tumabi si Irene kay Moonbyul na nakaupo sa malapit na bench. "Naninibago ako. Ilang araw lang akong nawala pero parang andami ng nangyari?"

 

"Ay oo, wala ka nga pala rito last week. Naayos na 'yung pagtransfer ng mga recruits."

 

"Kung kelan patapos na 'yung season?" Nagtataka niyang sabi, "Ilan lahat?"

 

Nagkibit-balikat ito, "Ewan ko kay Coach. Basta apat 'yung dumating from YGU."

 

Napahanga si Irene kay Taeyeon dahil sa narinig. Galing naman talaga ng gagong 'yon at nagoyo 'yung mga bata na lumipat sa kanila. Sabagay, bulok naman kasi YGU.

 

"Welcome back, Rene," bati ni Seohyun nang madaan ito sa pwesto nila at nakipaghigh five sa kanya. Kinuha nito ang net sa bandang likod bago siya muling hinarap, "Okay na Econ mo?"

 

"Kaya naman nang ipasok sa retention." Irene sighed in relief, nodding. "Akala ko ire-reject feasib ko e. Buti nagawan ng paraan. Hindi ko afford bumagsak."

 

"Hassle mag-ulit," sang-ayon ni Moonbyul. Bigla nitong hinawakan ang kamay niya at alam na agad ni Irene na katarantaduhan na naman ang susunod na lalabas mula sa bibig ng middle player.

 

"Saka 'di ko kaya 'pag wala ka."

 

Tumawa ito nang hampasin siya ni Irene sa braso. "Kaumay ka," sabat naman ni Seohyun na naiiling bago sila iwan para ikabit ang net.

 

Ilang taon na silang teammates pero kinikilabutan pa rin si Irene kapag bumubula ang bibig ni Moonbyul sa sobrang kakesohan. Sinasamahan pa talaga ng tono ng boses nitong nakakakuyom ng kamao 'pag narinig mo. 

 

It feels like someone na ganoon din ang galawan. Nasaan na ba 'yon?

 

"Totoo naman kasi! 'Di kaya ng team." Halakhak nito habang iniiwasan ang mga hampas niya, "'Wag mo namang ipahalatang kinikilig ka, sus."

 

"Para kang tanga," nanggigigil niyang sambit. "Asan na ba 'yung jowa mo at ako ang pinagt-tripan mo?"

 

Sumandal si Moonbyul sa rails at ngumuso para ituro kung nasaan si Solar, "Ayun, kalaro si Jennie. Setter 'yon."

 

Pinanuod ni Irene ang dalawang naglalaro sa hindi kalayuan at wala sa loob na tumataas ang kilay niya sa bawat pitik ng kamay ng recruit.

 

"Ayos 'no? Magilas din sa underhand," rinig niyang komento ng katabi na mukhang nanunuod din. "Nakajackpot si Coach."

 

Tumango si Irene at napaismid, "May pera talaga sa basura."

 

"Gago ka," natatawang saad ni Moonbyul, "Laki ng galit mo sa YGU. Inano ka ba ng mga tao ron?"

 

"Wala, trip ko lang," bagot niyang saad kahit kumukulo ang dugo niya tuwing naaalala niya ang kadayaan na nangyari last year.

 

Kapag namatay siyang single, mumultuhin niya talaga 'yung mga referees na 'yon.

 

Halos maputol ang ugat sa leeg nina Yuri (na dating captain nila na kakagraduate lang last year) at ni Taeyeon sa kakareklamo na ilang beses dumikit ang kamay ng mga kalaban sa net o kaya naman ay check ball. Kung hindi nagpasilaw sa suhol ang mga gago ay nanalo sana sila at malamang ay may jowa na siya ngayon.

 

Ugh. Umiinit na naman ang ulo niya. Balak niya sanang magconfess sa celebratory dinner nila na nauwi sa isang bar para magwalwal at lunurin ang galit at lungkot ng team. 

 

"Ayon si Jisoo," pagputol ng middle player sa pagmumuni muni niya. Sinundan ni Irene ng tingin kung saan nakaturo si Moonbyul. Nakita niya ang tinutukoy nito na nakabilog kasama nina Seulgi, Joy, Yeri, Wheein at Hwasa.

 

Umangat ang kaninang nakasimangot niyang labi nang marinig ang malakas na tawanan mula roon. Buti naman at kahit saglit pa lang na magkakasama ay magkakasundo na ang mga ito. Sabi nga nila, teamwork makes the dream work. 

 

Babawi sila this year. Ngayong siya na ang captain ay sisiguraduhin niyang sila ang magc-champion. Ilang games na lang at makakamtan na niya ang inaasam na makinang na trophy at matamis na oo ng crush niya.

 

Walang basagan ng trip. Hayaan niyo na siyang magpakadelushonal na ic-crushback din siya. Maganda naman si Irene kahit bobo sa math. Okay na siguro 'yon.

 

"Si Lisa," turo ni Moonbyul sa nakadapa sa gitna ng court habang nakatitig sa phone, "Walangyang impostor na nags-scan daw sa Medbay."

 

"Ha?"

 

"Hatdog," palatak ng kausap, "Wala. Boring mo."

 

"Wala akong nagets," naguguluhan niyang sabi.

 

"Kalimutan mo na, tangina. Napakatita mo naman kasi," umiiling na sabi ni Moonbyul na hinampas naman niya sa braso. 

 

"Hindi ko alam anong balak ni Coach sa batang 'yan," pagbalik nito sa topic, "Limang araw na 'yang tagabigay lang ng Gatorade."

 

Natawa si Irene, "Luh?"

 

"Eh hindi ko pa nakikitang humawak ng bola 'yan eh."

 

Minasdan ni Irene si Lisa na ngayon ay nakahiga na sa sahig. Mukha itong posporo sa tangkad at payat, nakasuot pa ng ternong itim na jogging pants at hoodie. Baka kinuha ni Taeyeon panggitna. Pwede na… kahit mukhang mapuputol kapag tinamaan ng bola.

 

Tinignan ni Irene ang oras sa wristwatch niya at nakitang malapit na silang magsimula. Tinanggal niya ang suot na relo at inilagay sa loob ng bag, "Asan 'yung isa? Sabi mo apat?"

 

"Andyan na si Rosé. Lumabas lang kasama ni Wen—" Nagpantig ang tenga niya kaya agad na lumingon si Irene kay Moonbyul na nakanguso sa entrance ng gym. "—Ayon nga. Magkasama silang lumabas kanina."

 

Hindi nga talaga siya namiss.

 

Pumasok sa gym ang dalawa, magkaangkla ang mga braso. Maaliwalas ang mukha ni Wendy na mukhang ligayang-ligaya sa kinukwento nito sa kasama. Tumawa naman 'yung Rosé at may paghampas pa sa balikat ng libero.

 

So eto 'yung nararamdaman niyang kakaiba. Na isang linggo lang siyang nawala ay may iba nang umaaligid. Ayos 'yan. Masaya 'yan. Parang gustong hampasin ni Irene ang bola sa mukha ng gaga.

 

Nakakaasar. Kanina lang ay tuwang-tuwa siya na sa konting time lang ay close na ang mga recruits sa team. Ngayon naman ay gusto niyang mag-amok ng away habang pinapanuod ang dalawa na mabagal na naglalakad na akala mo ba nags-stroll sa park.

 

Parang kay bilis…? Ng 'yong pag-alis? Teka lang? Teka lang muna? Sa'n nagkamali? Pwede bang bumawi? Teka lang? Teka lang muna? Masyado pang maaga?

 

Naputol ang pagkanta ni Irene sa isip niya nang biglang sumulpot si Taeyeon kasunod nila Wendy, "Oh, ayos na! Andito na ba si Irene?!"

 

Hindi naman natinag ng malakas na boses ng coach nila ang pagtitig ni Irene kay Wendy kaya't kitang-kita niya ang gulat na paglinga nito sa kabuoan ng gym. Nang magtama ang paningin nila ay saka lang siya umiwas.

 

"Present, Coach."

 

*

 

Hindi alam ni Irene kung dahil ba napahinga siya ng isang linggo o nawalan siya ng gana dahil sa hindi malaman na dahilan(?), kaya parang gusto na lang niyang humimlay nang matapos ang exercises at drills.

 

Very unusual. Out of shape na ba agad siya sa lagay na 'yon? Nakakasama talaga ang acads sa katawan, tsk.

 

Halos kaladkarin na ni Irene ang sarili para makarating sa malapit na bench at sumandal doon. Pumikit siya at hinayaan na maramdaman ang init ng katawan at sakit ng kamay, braso at hita. Nanunuyo na rin lalamunan niya pero wala na siyang lakas para tumayo at kumuha ng maiinom.

 

Napatili si Irene nang may dumamping malamig na bagay sa pisngi niya. Agad siyang napadilat at bumungad sa kaniya ang bote ng Gatorade. Tumingala siya at nakita ang manghang mukha ni Wendy.

 

"Sorry," paumanhin nito na mukhang labas sa ilong dahil halatang sinadya nito ang ginawa. Malawak ang ngiti at makinang ang mga mata nito na minamasdan ang malamang ay gulat + asar + kilig na ekspresyon ni Irene. "Nadikit lang."

 

"Psh." Inabot ni Irene ang bote bago umirap at lumingon sa kabila. Napadasal siya na sana isipin ni Wendy na dahil lang sa pagod kaya namumula ang mukha niya. "Thanks."

 

Matapos uminom ng ilang lagok ay muli siyang pumikit. Sinusulit ang fifteen minute break bago muling magtraining. Irene felt Wendy sat beside her kaya mas nag-init ang pakiramdam niya.

 

"Napagod ka?"

 

Malumanay ang pagkakatanong ni Wendy na parang bine-baby talk siya. Kainis. Gusto niyang dumilat pero mukhang hindi yata siya ready kung anong klaseng mukha ang bubungad sa kaniya. Baka 'di siya makapagpigil bigla.

 

"Hindi ba halata?" Mahangin niyang sabi.

 

Ilang saglit lang ay naramdaman niyang muli ang malamig na bote sa kaniyang balat. This time on her forehead. Pinigilan niya ang pilit na pag-angat ng magkabilang dulo ng labi niya. Marahang dumilat si Irene at tumagilid. 

 

"Wala." Wendy chuckled when the setter raised her right eyebrow. "Namiss kita."

 

Gustong malusaw ni Irene. Isang linggo ring hindi nabiyayaan ang tenga niya ng matamis na halakhak ni Wendy. Isang linggong hindi niya natitigan ang malamlam na mga mata nito. Isang linggo siyang pinagkaitan ng aruga. Kaloka. Hindi niya rin alam kung pa'no niya kinaya.

 

"H-Hindi halata," nauutal na sagot ni Irene.

 

Tuluyan na itong natawa, though steady pa rin ang pagkakadampi ng bote sa noo niya. Parang hindi naman effective ang pagpapalamig nito. Mas nag-iinit lang ang mukha ni Irene.

 

"Parang hindi nga kasi," pagpipilit niya. Naglakas loob na siya at hinawakan ang kamay ni Wendy para ibaba ang hawak na bote. Kusa namang inilapag ng libero ang Gatorade sa sahig at pinagsalikop ang mga kamay nila.

 

"Ba't ba ayaw mong maniwala?"

 

"It takes one to know one."

 

"Ah, so namiss mo rin ako?"

 

"Wala akong sinabi."

 

"Kulit mo," natatawang saad ni Wendy.

 

Hindi na nagsalita si Irene at hinayaan na lang ang sarili na tumitig sa mukha ni Wendy. Umangat ang kabilang kamay nito para punasan ang noo niyang may mga butil ng tubig na nagmula sa bote ng Gatorade. Marahan siyang napasinghap at kita niyang bumaba ang tingin ng libero sa bahagyang nakaawang na mapupulang labi.

 

Hindi nakatakas sa mapanuring titig ni Irene ang bahagyang pagkunot ng noo, paglunok at pagtiim ng bagang ng libero. Parang nagpipigil. Parang may gustong gawin at sabihin na hindi dapat. Nag-angat ng tingin si Wendy, gaze soft with a hint of wavering resolve.

 

Naguguluhan si Irene, "Seung—"

 

Agad itong tumayo kaya't napabitaw na lang si Irene sa pagkakahawak sa kamay nito. Nagpagpag ito ng damit at sinalubong pa ng fist bump si Taeyeon bago lumayo. Sinundan niya si Wendy ng tingin hanggang sa makaupo ito sa tabi ni Seulgi.

 

"Coach, tara play!"

 

Napalingon naman si Irene sa gawi ng mga recruits nang biglang sumigaw si Jisoo. Tumaas ang kilay niya nang maabutan niya si Rosé na mukhang kanina pa nakatingin sa pwesto niya, pero agad namang umiwas at yumuko.

 

"Oo nga, Coach! Kumpleto na tayo, oh? Andito na si Cap!"

 

Muli niyang ibinalik ang tingin kay Wendy na ngayon ay nakikipagtawanan na kila Seulgi. Wala ng bakas ng pag-aalinlangan sa mukha nito.

 

May mali.

 

Mas lalo lang naguluhan si Irene.

 

"Joohyun," tawag ni Taeyeon kaya't nabaling ang atensyon niya. "G?"

 

Nanlalambot pa ang mga tuhod ni Irene nang iangat niya ang sarili mula sa sahig. Napaupo pa muna siya sa bench bago tuluyang makatayo. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari.

 

Bahala na.

 

"Naman."

 

"Nice!" Sigaw ni Moonbyul at lumapit sa pwesto niya, "Team A first six!"

 

Hindi na pinagtuonan ng pansin ni Irene na hindi man lang siya nilingon ni Wendy nang magpunta ito sa side nila ng court. Isinantabi niya muna lahat ng gumugulo sa kaniya.

 

"Daya!" Patol ni Hwasa, "Random, ah! Puro bata nasa'min!"

 

"Ano naman?" Sabat ni Yeri, "Talo naman kami sa height."

 

Aba. Tinamaan siya nang very slight. Tinignan niya ang apat na recruits na nakakumpol na sa other side ng court kasama nina Solar, Hwasa at Wheein. Masarap sa mata ang height. Hindi tulad sa kanila na parang heart rate na biglang taas-baba.

 

"Tangina," rinig niyang natatawang sabi ni Joy sa harap niya. Nasa front row ito kasama nina Seohyun at Seulgi. "Wala talagang preno bibig ni Yerms."

 

"Hayaan mo na nga," saad ni Wheein bago sila matahin, "Mas magaganda naman tayo."

 

Aba. Hindi yata siya papayag do'n.

 

"Hoy, Jung," nakapamewang na sabi ni Irene sa sub-libero, "Bawal magsinungaling."

 

"Shut up, Thunderz."

 

'Wag niyo na siyang tanungin kung bakit siya naoffend kahit na si Seohyun naman talaga ang pinakamatanda sa kanila. Asar talo talaga eh. Pagbigyan niyo na.

 

"Tangina ka—!" Bago pa siya makalusot sa ilalim ng net para habulin si Wheein na tumakbo na palayo ay napigilan na siya ni Seohyun. "Mafacialan ka sana mamaya, gago!"

 

Hinarap ni Irene si Joy na biglang tumigil sa pagtawa at umayos ng tayo nang pandilatan niya, "Patamaan mo sa mukha 'yon ha."

 

"Oh, game na! Umayos na!" Anunsyo ni Taeyeon. "First to 21! Ang matalo, manlilibre mamaya sa team dinner!"

 

"Puta! Game!" 

 

"Tangina, let's go mga pokpak!"

 

"Hoy, seryosohin niyo! Buhay ang nakasalalay dito!" Rinig niyang sigaw ni Jisoo, "Napakatakaw niyang si Seulgi, aba, hindi ako papayag na maubos allowance ko!"

 

*

 

19 - 12.

 

Ayaw mang aminin ni Irene, pero simula pa lang alam na niyang it would be an easy win for them. 

 

Hindi rin naman siya papayag na matalo sila lalo na't this will be her first game, though unofficial, after her one week rest. Saka, duh. Ayaw niyang magwaldas ng pera. Pauso kasi 'tong si Taeyeon.

 

Nilingon niya muna saglit si Joy na nakaposisyon na sa kaniyang likod, bago ilipat ang atensyon sa paparating na bola mula kay Yeri. Irene jumped and slightly bent her upper body backwards, making it look like it'd be high back set to her outside spiker. She saw in her peripheral na tumapat sina Solar at Hwasa kay Joy, ready to block. Using her right hand, she suddenly dumped the ball at the middle kung saan walang tao. 

 

Master na ni Irene ang one-two play. Nahilaw na rin ang pancake ni Wheein at hindi umabot ang likod ng palad nito sa bola. Match point. Uuwing luhaan si Jisoo.

 

"Nice one, Rene!" Puri ni Seohyun nang maghuddle sila sa gitna. "Wala talagang kupas."

 

Ramdam ni Irene ang mga tapik sa ulo at balikat ng teammates niya pero ang mata niya ay nakatuon lang kay Wendy na nakaupo sa bench. Bahagya itong nakabukaka, ang isang siko ay nakatukod sa hita habang nakapangalumbaba. The libero was smirking proudly. Diretso ang tingin ni Wendy sa kaniya, hindi na pinansin ni Irene ang pangungulila sa mga mata nito. 

 

Moonbyul went to the service line for the fourth time. Pagod na yata si gaga kaya short. Sinalo ni Joy ang bola na tumama sa net at pinagulong papunta sa kabilang court. Nagrotate ang kabila, pumasok na sina Lisa kapalit ni Wheein. Ganon din si Wendy na pinalitan si Moonbyul.

 

"Naks, lalaro ka?" Rinig niyang sabi ni Solar kay Lisa.

 

Tumapat si Lisa kay Irene at pinagmasdan niya itong mabuti. Mas seryoso na ito kaysa kanina na puro kaladyaan lang ang ginawa kasama nina Moonbyul at Seulgi. Inilipat niya ang tingin sa mga kasama nito sa front row na sina Solar at Hwasa. Ang tatangkad, plus points din 'yung parang nangangain na aura sa court.

 

"Syempre!" Masiglang sagot nito. Naglahad ng kamay si Lisa sa tapat niya at nakipaghigh five naman si Irene, "Opening performance ko para kay Cap."

 

Napangiti si Irene. Itinuon na niya ang kaniyang atensyon sa laro, signalling a certain play gamit ang daliri niya. When Taeyeon whistled, bahagyang tumagilid si Irene paharap sa team niya, hindi niya na pinanuod na magserve si Rosé. 

 

"Mine!" Sigaw ni Wendy at hindi niya alam kung bakit siya kinilig. Ngayon na lang niya uli kasi narinig 'yon, namiss niya lang.

 

Nagstart na ang rally at agad na nagpalit ng posisyon si Irene at Joy. Kamukha lang ng play na ginawa nila kanina, pero nang hindi agad sinundan ng mga blockers si Joy, the setter inwardly smiled.

 

Good to know na mabilis matuto ang mga teammates niya. She could also be a threat, hindi lang siya basta playmaker at tagabigay ng bola. Kailangan marunong talagang magbasa at magpredict ng possible plays ang kalaban nila.

 

'Yon nga lang, Irene is really hard to read 'pag nasa court.

 

She tossed it high patungo kay Seulgi sa back row. Jisoo was there to dig. Irene would've applauded the recruit for great floor defense kung audience lang siya. Masyadong mababa ang naging pasa kaya napilitan si Jennie na mag-underhand set kay Hwasa.

 

Nahulaan na 'yon nina Irene dahil almost instinct na sa mga ngarag na team ang magbigay sa open. Kaya't timing ang block nila ni Seohyun. The ball bounced back to Hwasa. Buti na lang at nakacover si Rosé sa likod kaya naisalba ito. 

 

Ilang beses ding nagpabalik-balik ang bola sa magkabilang side ng court. It was the longest rally since nagsimula ang laro. A perfect way to close the game.

 

Solar sent a free ball. Pumalakpak ng dalawang beses si Irene, telling the girls to buckle up at tapusin na ang laban. Seohyun stepped back, posing for a running attack. Two blockers lightly followed the middle player's movements.

 

Wendy smoothly passed the ball to her. Irene had half-second para iassess ang position ng team niya. But then, wala na siyang energy para sa bonggang play kaya't pumorsyento na siya kay Joy who only had Lisa as her blocker at the moment. Hindi na aabot si Solar lalo na't nasa ere na ang spiker.

 

Mabilis ang naging pangyayari. Walang naintindihan si Irene bukod sa pagpito ni Taeyeon, signalling the end of the game at ang patong-patong na sigaw ng mga teammates niya.

 

"Putangina?!"

 

"Gago! Lalisa!"

 

"Nice one!"

 

Napanganga si Irene. Hindi agad siya nakarecover sa pagkagulat, sa pagkamangha, tangina, hindi talaga siya makapaniwala. Siya na lang naiwang nakatayo sa pwesto niya habang ang lahat ay nagsisitalon na, inaasar at pinupuri ang middle blocker.

 

Naramdaman niya ang pagdausdos ng kamay ni Wendy sa bewang niya. Tangina, bigla namang sumusulpot 'to kung kelan walang nakatingin. Imbes na kumalma siya ay mas bumilis lang ang tibok ng puso niya. Feeling niya siya 'yung nagkaadrenaline rush.

 

"Fake news si Byul." 'Yon na lang ang nasabi niya. Dinantay niya ang katawan niya sa libero kaya mas humigpit ang kapit nito sa kaniya. "Sabi niya hindi pa niya nakikitang humawak ng bola si Lisa."

 

"Ngayon lang din kasi kami naglaro," kwento ni Wendy. Mahinahong hinahaplos ang braso niya, "Nakikiwarm-up lang si Lisa pero hindi sumasali sa drills. Ayaw lang ni Coach ipaalam sa iba pero nagkainjury kasi last year kaya alanganin pa."

 

"Huh?"

 

"But she's getting better. Nakita mo naman."

 

Binalikan niya ang nangyari. Joy, as usual, spiked the ball real hard. Probably confident dahil duh? Sino ba namang tanga ang susubok na payungan mag-isa ang two-time best attacker? 

 

Si Lisa lang ang nagtangka.

 

And damn she's confidently good at it. Kahit out of bounds at panalo pa rin ang team nila Irene, 'yung moral boost na dulot ng single block… Tangina. Feeling winner siguro si Lisa dahil sa nangyari.

 

Paniguradong pumapalakpak ang tenga ni Taeyeon dahil sa nakikitang future ng team. Ganon din ang nararamdaman ni Irene bilang captain, at malamang lahat ng teammates niya. They're more powerful now. More chances of winning the championship next season.

 

"Kalma guys, ako lang 'to," mayabang na sabi ni Lisa at kunwaring nagpagpag ng balikat. 

 

"Tangina mo, Lisa!" Bulyaw ni Moonbyul, "Impostor ka talagang kuto ka!"

 

"Hindi nga kasi ako 'yon! Si Jennie 'yon!"

 

"Mapagpanggap ka!"

 

At ayon na nga, naghabulan na sa court ang dalawang tukmol. Sanay na siguro ang lahat kaya hinayaan na nila. Masasanay din si Irene na may nadagdag na makulit sa team nila.

 

Ganoon pa rin ang pwesto nilang dalawa ni Wendy, nakayakap ito sa kaniyang gilid. Sabay silang naglakad patungo sa kung nasaan ang mga gamit nila, iniwan na ang mga teammates nila na nagkakagulo pa sa court.

 

"I'm so proud of us…"

 

"Hmm. I'm proud of you, too, Hyun," balik ni Wendy, ang bawat galaw ng labi nito ay ramdam ng kaniyang pawisang sentido, "Welcome back."

 

*****

 

Hirap talaga maging student athelete. Pero passion talaga ni Irene ang paglalaro ng volleyball kaya kahit halos sumakabilang buhay na siya sa pagod dahil sa training ay kailangan niya pa ring mag-aral.

 

Kumalabog ang mga libro sa tapat niya nang dumating si Jennie. Nagtinginan ang mga nasa katabing table pero umiwas din agad dahil mukhang mga takot naman makalmot. Natawa na lang siya.

 

Two weeks since then, naging close na rin si Irene sa apat pero si Jennie 'yung pinakakasundo niya. Though no'ng una, awkward pa ang ilan sa kaniya dahil syempre, siya ang captain. Hindi pa alam ng iba kung pa'no kumilos around her pwera na lang kay Lisa na talagang walangya.

 

Dahil na rin sa every other day na training at ilang tune up games, gumaan ang loob niya sa mga recruits at nasanay na siya sa presensya ng mga ito. Lalo silang umingay, mas naging magulo pero mas sumaya ang trainings. Dahil na rin siguro sa kakulitan ni Lisa at Jisoo. Sa pagtataray ni Jennie. At sa bagong target ng pang-aasar na si Rosé.

 

Okay na si Irene. Actually, kapag naaalala niya ang usapan nila ni Taeyeon no'ng second day after she came back, nagc-cringe siya sa sobrang petty at childish niya. Ew. How could she think of that about her own teammate? Parang tanga talaga.

 

"You okay?" 

 

Nag-aalangan pang nilingon ni Irene si Taeyeon dahil sa biglaang tanong nito. Tumango siya kahit hindi niya alam kung ano ba ang tinutukoy nito, "Ba't naman hindi?"

 

Nagkibit ito ng balikat bago sumandal sa railings, "What do you think, Joo?"

 

Ginaya niya ang pwesto nito at bahagyang ngumiti habang pinagmamasdan ang pagkakaladyaan ng teammates niya, "One word. Power."

 

"Nadali mo," pagtawa ni Taeyeon, "Nakakaexcite. Imagine… Si Joy, Lisa at Seulgi sa harap? Tangina, power nga."

 

"Walang lusot, Taeng. Superb floor defense plus enhanced great wall." Umiling si Irene, isipin pa lang niya ay gusto na niyang kilabutan para sa mga makakalaban nila sa next season. "To think na sinabi ko pang mukhang posporo si Lisa kahapon."

 

"Gaga ka."

 

"Jennie is a great setter. Ngayon pa lang, nakikita ko na 'yung connection niya with Jisoo," pagpoint out ni Irene. "Hindi ko alam kung polished na 'yung plano mong positions nila, but Jisoo would be a great utility."

 

Tumango si Taeyeon, mukhang nililista sa isipan ang bawat suggestion at comment niya about sa team.

 

"Rosé though…" Malakas na tawanan ang sumapaw sa usapan nila. Kitang kita ni Irene ang masayang mukha ng libero habang nakikisali sa pang-aasar kay Rosé. Yumuko siya para mag-iwas ng tingin, mas naging interesado sa makinis na sahig. Tumikhim siya bago magpatuloy, "Mukhang malamya."

 

Napalingon lahat sa gawi nila dahil sa lakas ng halakhak ni Taeyeon. Biglang nahiya si Irene at 'di niya mapigilang mamula.

 

"Tangina, Taeyeon!" Pabulong na sigaw ni Irene sa Coach nilang halos mapaupo na sa sahig sa sobrang kakatawa. "Gago, nakakahiya ka."

 

"Eh k-kasi—Puta," hinihingal na sabi nito, "Nyeta, sakit ng tiyan ko."

 

"Nakakabwisit ka, alam mo 'yon?"

 

"Eh kasi kung makajudge ka!" Pinunasan ni Taeyeon ang naluluhang mata at huminga nang malalim.

 

Binalikan ni Irene ang performance ni Rosé kahapon. Mainam ding naglaro sila dahil naobserbahan niya kung paano ang galaw ng bawat isa at ng team as whole. Lalo na't may mga bagong members. Kumbaga, Irene treated the game as a tryout. And the said girl didn't impress her that much.

 

"As expected, Cap," Taeyeon smirked. "I don't know. Kahapon lang din kasi sila nakapaglaro with you as their teammates. Panay drills lang kami the past week na wala ka," litanya nito. "And to be honest, the girls are more, ewan, reserved? Timid? Kesa no'ng mga nakaraan."

 

"Timid?" Hindi niya makapaniwalang tanong. Dumaan ang tumatakbong si Lisa sa harap nila na hinahabol naman ni Seulgi ngayon. "Ayan? Timid?"

 

"Well... the others. Lalo na si Rosé. Mukhang kabado lagi kapag nasa area of responsibility ka niya."

 

"Kabado? Luh."

 

Eh si Irene pa nga ang dapat kabahan dahil halatang komportable at magaan na ang loob ni Wendy kay Rosé. Partida, isang linggo lang 'yon. One week. Seven days. Pa'no na lang pala kung natagalan pa siya? Wala na siyang babalikan?

 

"'Wag mo kasing tinatakot," pang-asar ni Taeyeon. "Tinarayan mo kasi yata kahapon nung pinakilala ko sa'yo isa-isa."

 

Eh kung sana kasi hindi gano'n ang naabutan niyang eksena, hindi sana nadungisan ang first impression ni Rosé kay Irene.

 

Hindi naman sinasadya ni Irene na tumaas ang kanang kilay niya nang maglahad si Rosé ng kamay sa harap niya for a handshake. Hindi niyo rin naman siya masisisi kung tinitigan niya muna ang bahagyang nanginginig na mga daliri ng recruit for more than five seconds bago tanggapin. Hindi rin naman siguro masama kung bahagya niyang hinigpitan ang hawak niya sa kamay nito. Inisip na lang ni Irene na nagets ni Rosé ang pinaparating niya kaya ito namula at nag-iwas ng tingin matapos niyang bumitaw.

 

"Gagraduate na si Seo this year. Butas na kayo sa gitna," panimula ni Taeyeon. Seryoso ito at nakahalukipkip na. "Mat-train din 'yang bata. Good form. Quick reflex. Pasok din ang height. She has potential—"

 

"Wala namang akong sinabing wala—"

 

"Trust me, Joohyun," madiin na putol ni Taeyeon. "I've watched their finals against FNCU. A- for high schoolers. Mahahasa din 'yan."

 

Hindi na nakaangal si Irene, suddenly feeling guilty.

 

"The team is in good hands with you as the captain." Tinapik ni Taeyeon ang balikat niya, "Do it for the team, Cap."

 

And Irene did, not only for the team pero para na rin sa peace of mind niya. She let go of all unnecessary thoughts and emotions. Hindi niya kelangan 'yon for the upcoming finals. And she did not regret it. The girls are now her good friends. She's thankful for them hindi lang dahil they're great addition to the team, pero pati na rin sa buhay niya.

 

"Pupunta raw sila Jisoo rito," sabi ni Jennie habang nagtetext, "Okay lang? Or ayaw mo ng magulo? Seryosong aral ba 'yan?"

 

Tinitigan ni Irene ang ginagawa niya, "Sige lang. Kaloka kasi ng mga graphs."

 

"Paturo ka sa magaling."

 

Napangiti si Irene nang mapait nang maalala si Wendy. Parang dati lang ay hindi siya nagh-hesitate na itext 'yon kasi alam niyang sasagot 'yon agad. Pero ngayon, ewan. Ramdam niyang may nagbago. Hindi na sila tulad ng dati.

 

May mali talaga. Pero hindi niya pa rin alam kung ano 'yon. Hindi niya sigurado kung gusto rin ba niyang malaman kahit nahihirapan siyang matulog sa gabi.

 

Ilang sandali lang ay hinihingal na dumating si Rosé na maraming bitbit. Tumaas ang kilay ni Irene sa itsura nito, "Oh? Bakit andami mong dala?

 

"Eh sina Lisa kasi!" Reklamo ng bagong dating, "Dadaan pa raw sa canteen bago umakyat dito kaya ako na nagdala."

 

"Patay gutom talaga 'yong dalawa 'yon," side comment ni Jennie. "Mana sa'yo."

 

Hindi ito pinansin ni Rosé at umupo na lang sa tabi niya. Dumungaw ito sa ginagawa niya at napaatras nang bahagya si Irene, "Investment?"

 

Nagulat siya, "Alam mo?"

 

"Ayan, oo nga pala," sabat ng kaharap niya, "Magaling din 'yan sa mga ganyan."

 

"Paturo!" Excited na sabi ni Irene, "Kaloka, ikaw lang pala ang sagot sa tanong—"

 

"Kung bakit ako mahalaga?"

 

"Oo na lang."

 

Tumawa si Rosé at umakbay sa upuan niya. Nagsimula itong mag-explain ng mga bagay na alam nitong concepts, mga formulas, pati 'yung graphs. Mas naliwanagan si Irene sa mga bagay-bagay at napabuntong hininga na lang siya.

 

"So 'yon lang 'yung sinasabi nitong mga tanginang 'to? Time, amount, ta's etong points 'yung difference?" Asar na saad ni Irene, "Karaming linya tapos ganon lang?"

 

"Oo," natatawang sagot ni Rosé, "'Wag ka kasi papasindak sa itsura. Simple lang 'yan."

 

"Ayos, salamat," ngiting sambit ni Irene. Kinurot niya ang pisngi nito na biglang namula, bahagyang mainit sa mga dulo ng daliri niya. Binitawan niya ito nang umangal si Rosé. "Libre kita 'pag nagchampion tayo."

 

"Andaya!" Angal nito, "Antagal pa non saka sure namang manlilibre si Coach no'n!"

 

Tumawa lang si Irene at nagsimula nang magsagot, "O sige, after ng tune up game sa Sabado."

 

"Nice! Thanks, Cap!"

 

"Na ol," sapaw ni Jennie.

 

"Na ol kasi may ambag," balik ni Rosé.

 

"Alam mo…"

 

"Ano, sige, subukan mo."

 

Hindi na pinansin ni Irene ang bulungan ng dalawa at nagfocus na lang siya sa pagtapos ng assignment niya. Ilang sandali lang ay may nagvibrate na phone sa ibabaw ng table.

 

"Uy, punta raw dito sila Wends."

 

Nagpantig ang tenga ni Irene.

 

"Tignan mo 'yang Lalisa na 'yan. Nilamon na yata lahat sa canteen. Mauuna pa sila Wends dito, makita mo."

 

Biglang tumayo si Irene at nagmadaling magligpit ng gamit, "."

 

"Oh? Aalis ka na?"

 

"May klase pala ako ng 1:30," pagdadahilan niya. Agad siyang nagpaalam bago tumalikod, "Sige, mauna na 'ko."

 

Mabilis siyang naglakad palabas ng library kahit hindi niya alam kung saan pupunta. Sa huli, she decided to go to their building na lang din kahit wala naman talaga siyang klase. Nakahanap siya ng bakanteng room at doon tumambay.

 

Okay na si Irene.

 

Pero ibang usapan kapag outside the court niyang makikita na magkasama ang dalawa. Hindi niyo naman siguro siya masisisi kahit natutunan na niyang isantabi ang kirot kapag nagttraining o naglalaro sila. Ilang linggo pa lang ang nakakalipas, hindi naman madaling ibaon ang ilang taong pag-ibig.

 

Ipinagpatuloy na lang ni Irene ang pagsasagot. Hindi naman siya maipapasa ng pagmamahal niya.

 

[09/10 Thurs, 13:24] Seungwan: bakit ka umalis?

 

[09/10 Thurs, 13:25] Joohyun: may klase ako

 

[09/10 Thurs, 13:25] Seungwan: i know your sched, joohyun. what's wrong?

 

Natawa si Irene nang malakas. Buti na lang at mag-isa lang siya kung hindi ay aakalain nilang may saltik siya sa utak. Nalintikan na. Halos hindi na nga siya makatulog sa gabi sa kakatanong sa sarili kung ano ang mali, tapos ibabalik pa sa kanya?

 

[09/10 Thurs, 13:27] Joohyun: ako pa talaga tinanong mo nyan???

 

Ewan, naguguluhan talaga siya. There's something about Wendy's actions na parang may pag-aalinlangan. 'Yung tipong bago pa man nito mapagdesisyonang sumulong, agad na itong uurong. Parang biglang may maaalala, biglang matatauhan.

 

Ganoon pa rin naman ang trato ni Wendy sa kaniya. Ramdam pa rin ni Irene ang pag-asa na baka sakaling gusto rin siya ng libero kapag inaabutan siya nito ng Gatorade, nagbibigay ng towel pamunas ng pawis, 'yung pagtapik sa balikat at ulo kada huddle nila. Ganoon pa rin 'yung init ng bawat sulyap, tamis ng bawat ngiti, higpit ng bawat yakap. 

 

Pero nangyayari lang 'yon kapag walang masyadong nakatingin, o kapag busy ang team. Sobrang dalang na lang, hindi katulad ng dati. 'Yung tipong hindi pa sigurado si Irene kung guni-guni niya lang ba na pinansin siya ni Wendy o namalikmata siya. Hindi naman siya makapagreklamo kasi? Duh? Hindi naman obligado ang libero na pansinin siya 24/7.

 

Baka gano'n lang talaga. 'Wag mo na lang isipin. 'Wag mong damdamin. Masasanay ka rin. Gano'n na lang ang mantra niya lagi.

 

[09/10 Thurs, 13:28] Seungwan: asan ka?

 

'Yon nga lang, minsan talaga hindi niya kayang magpanggap na okay siya. Na okay sila.

 

[09/10 Thurs, 13:29] Joohyun: somewhere na hindi magulo

 

*****

 

"May problema ba kayo ni Wends?"

 

Napatigil si Irene sa pagsisintas ng sapatos dahil sa biglaang tanong ni Joy. Ilang segundo rin bago siya umiling at umupo sa tabi nito, "Wala naman yata. Bakit?"

 

"Ay hindi ka sure?" Tinitigan siya nitong mabuti at nagtaas ng kilay. Nagsalita muna ito bago uminom ng tubig, "Hindi kayo nag-uusap sa loob ng court."

 

Nilingon niya si Wendy na seryosong nakikinig sa mga sinasabi ni Taeyeon sa kanilang apat nina Wheein, Seulgi at Jisoo. Bahagyang nakakunot ang noo nito habang tumatango-tango.

 

Napakagat ng labi si Irene, "Hindi ko rin alam kung bakit."

 

Basta na lang kasing nangyari. Basta na lang naging ganito. Kasalanan din siguro ni Irene dahil hinayaan niya na humantong sa ganito.

 

"Ayusin niyo 'yang LQ niyo bago magstart ang finals. First game na sa Martes," paalala ni Joy.

 

Umangal si Irene, "Hindi 'yon LQ kasi walang lovers."

 

"Sus, bakit kasi kung umasta kayo eh parang kayo?"

 

"Clearly, hindi gano'n ang ganap lately kung napatanong ka kung may problema kami."

 

"Kasi nga ang tahimik niyo. Ang hirap gumalaw," punto ng spiker. "'Wag niyo kasing dalin sa laro 'yung problema. Damay buong team, Cap."

 

Pa'no nga ba kasi ang dapat gawin ni Irene kung ang problema niya eh lumilitaw lang kapag nasa court sila? Ano ba kasi ang problema ni Wendy? Bakit niya pinoproblema ang problema ni Wendy?

 

Tangina. Gaano na ba kalala?

 

"Oh, game, game!" Sigaw ni Taeyeon.

 

Tumayo na si Irene at pumwesto na sa back row, nakagitna si Wendy sa kanilang dalawa ni Joy. Seryoso pero may bahid ng pang-aasar sa mukha ng open niya habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Wendy.

 

Dahil may tune up game bukas at malapit na ang first game ng finals against CUBE, nagdecide uli silang maglaro at magpractice ng mga plays nila. Random na ang lineup dahil mukhang may balak na si Taeyeon na ipasok ang ibang recruits sa laro bukas.

 

'Umayos ka,' Irene mouthed.

 

Umirap ito, 'Kayong dalawa ang umayos kamo.'

 

Bago pumito si Taeyeon ay sinenyasan niya ang mga kasama niya. Tie ang score at 25. Kanina pa sila naghahabulan. Irene was fired up dahil they couldn't seem to get two consecutive points para matapos na ang laro. Her teammates are just so damn good at this sport.

 

Nagsimula ang rally. Solar's serve was kinda short, no choice si Irene kundi sumigaw ng 'mine' as she stepped forward to receive it. Dahil siya ang first touch, the girls made way for Jisoo para maiset nito ang bola kay Rosé. Irene was glad na Taeyeon took her suggestions seriously at ginawa ngang utility si Jisoo.

 

It was a very good set that resulted to a good quick attack, Irene noted. Napangiti siya dahil hindi iyon inasahan ng blockers. 'Yon nga lang, Wheein just had to be where the ball landed kaya nadig ito. Rosé needs to practice ball placement next time. Pero kahit na gano'n, Irene's proud of her.

 

Irene's eyes never left the ball as it was set by Jennie to Hwasa sa back row. Tumama ang bola sa ibabaw ng net kaya bumagal ito, making it easier for Wendy to receive it. She was about to shout 'Nice!' like she used to pero hindi niya alam kung okay lang ba, kasi hindi sigurado ni Irene kung okay lang ba talaga sila.

 

She jumped a little and acted like she was going to set the ball to Yeri pero she tipped the ball backwards for another one-two play. Napapalatak siya nang masiko ni Seulgi ang bola. Tanginang reflex 'yan. Ace talaga.

 

Pero kahit papaano ay hindi inexpect ng kabila ang last play nila. They scrambled to save the ball at sa huli easy over na lang ang balik.

 

"Dalawa na lang, guys! Tapusin na natin!"

 

"Joohyun!" 

 

Agad na ibinigay ni Irene ang bola kay Yeri nang humingi ito. Napamura si Joy nang bumalik sa kanila ang bola dahil nablock ito nina Lisa. Wendy dived para masagip ito. Too low. Rosé, being the closest, lifted it high enough and Yeri took the opportunity for an off-speed hit. It finally went through and the ball was received by Solar.

 

The girls wasted no time to get back to their positions. Ngarag na sila. Tanginang long rally, hingal na hingal na siya. Pero imbes na maasar ay natutuwa siya dahil ilang linggo lang ay grabe na ang improvement ng team.

 

"!"

 

Seulgi's spike went through their defenses. Dumiretso kay Irene ang bola at hindi niya maiwasang mapaupo dahil sa impact. She quickly stood up at agad na inassess ang posisyon nila, "Sa likod!"

 

Jisoo tossed it for a back row attack gaya ng utos niya. Joy flew and alam ni Irene na the rally's over by just seeing her form. She was right. The ball landed right at the corner of the other side. Napahanga na lang si Irene sa kung paano nitong nagawa na magcross-court kahit nasa likod.

 

26 - 25. Finally. Fourth match point. Tangina, isa na lang. Gusto nang humimlay ni Irene. Hindi niya alam kung sasapat ba ang tulog para mabawi ang lakas para sa laban bukas.

 

Pumito na si Taeyeon at tumungo na si Jisoo sa service line. Bahagyang naglakad si Irene patungo sa gilid at kinausap si Joy at Yeri para sa balak niyang play.

 

"Palo ka lang, Rosie," rinig niyang sabi ni Wendy kaya't napahinto siya sa pagsasalita, "Cover lang ako rito sa likod. I got you."

 

Natawa si Yeri, "Sarap naman masabihan ng ganiyan ng libero mo."

 

"I feel you," gatong ni Joy, "Sana ol attacker no?"

 

"Tangina niyong dalawa," nanggagalaiting sabi ni Irene at bumalik na sa posisyon niya, "Humanda kayo mamaya."

 

Safe to say na hindi man lang nabigyan ng bola si Rosé sa buong rally na 'yon. Hanggang sa nakuha nila ang last point at nanalo sila, hindi man lang nakapalo ng bola ang middle player.

 

Buti na lang Rosé did a fantastic job by blocking defensively and slowing down the opponents' attacks sa huling rally. Hindi siya masyadong naguilty. Madali na lang din tuloy para kila Wendy na maibigay kay Irene ang bola para makapag-execute ng play. 

 

Naaasar siya sa sarili dahil hindi niya maiwasang madala ang selos sa court. This better be the last time na magiging ganito siya ka-petty. Bukas at sa mga susunod na games ay sisiguraduhin niyang mau-utilize na niya lahat ng attackers niya.

 

"Napakapangit ng ugali mo!" Hinihingal na bulyaw ni Joy habang nakatukod ang magkabilang kamay sa tuhod, "Pagod na pagod na ako!"

 

Medyo naawa naman siya sa kaibigan niya dahil halos sa kaniya lagi dinadala ni Irene ang bola. Pinipilit na lang ni Irene na paniwalain ang sarili na gusto na niyang matapos agad ang laban kaya pumoporsyento na siya kay Joy.

 

"Sorry na," labas sa ilong na hingi niya ng tawad, "Gusto ko kasing makita na mablock ka uli ni Lisa."

 

"And I did!" Todo ngiting gatong ni Lisa. Natawa si Irene dahil sa kacutean nito at hindi niya mapigilang i-pat ang ulo ng middle blocker. Out of bounds man uli ang rason kung bakit nanalo ang team nila ay masaya pa rin si Lisa sa nangyari.

 

"Yes, you did."

 

"Proud ka sa'kin, Cap?" Tanong nito na parang bata kaya pinisil niya ang pisngi ni Lisa.

 

"Oo naman!" Irene stepped back para mapagmasdan ang lahat ng teammates niya. She clapped twice para makuha ang atensyon ng mga ito.

 

"You did well today, girls." Irene softly said pero may conviction. "Let's get that win tomorrow. Let's get that championship next month."

 

Kanya-kanyang sigaw ng pagsang-ayon ang naging sagot ng mga ito. Irene was overwhelmed. Nginitian niya ang bawat isa hanggang sa napatigil siya nang magtama ang mga mata nila ni Wendy. Makahulugan ang tingin at ngiti nito, gustong umasa ni Irene na para sa kaniya lang ang mga 'yon.

 

Eto na naman sila. Sa mga nakaw na sandali. Hindi maintindihan ni Irene kung bakit pakiramdam niya ay naglalaro sila ng tagu-taguan kahit feelings lang naman ang balak niyang itago. 

 

Pero nawala ang lahat ng pagod at pagdududang nararamdaman ni Irene. Dahil kahit bali-baliktarin man ang mundo, sa mga mata ni Wendy pa rin naman niya nahanap ang pahinga.

 

*****

 

Nasamid si Irene sa sariling laway dahil sa biglaang tanong ni Solar. Tinawanan lang siya ng magjowa at nag-abot naman ng tubig ang sub-setter.

 

"Ano ba namang tanong 'yan kasi," pakli ni Irene matapos uminom sa bote. Sumandal siya sa backseat ng kotse ni Moonbyul at minasdan lang ang mapang-asar na mukha ng driver mula sa rearview mirror.

 

"Eh feeling ko lang may something," sabi ni Solar. "Kasi laging nagpapakitang gilas si Lisa kapag may laro tayo. Tapos laging nagv-volunteer as partner mo sa drills."

 

"Feeler ka lang talaga."

 

"Eh kung ibaba kita sa gitna ng kalsada?"

 

"Kotse mo?"

 

"Huy, nubayan," paglubay ni Moonbyul sa asaran nila. "'Di ko pwedeng pabayaan si Cap, babe. Alam mo naman…"

 

Hindi na inusisa ni Irene ang makahulugang tinginan ng magjowa. Masyado na siyang maraming tanong, ayaw na niyang problemahin ang iba pa.

 

"Baka ikaw pala ang may crush sa'kin, Byul," pang-aasar ni Irene.

 

"'Wag mo naman akong ilantad sa jowa ko, Rene," pagsakay nito sa trip niya. Nagtawanan lang silang tatlo habang pauwi.

 

Kung dati ay matic nang hinahatid siya ni Wendy pauwi, ngayon ay madalas kay Moonbyul sumasabay si Irene dahil ito ang laging nag-ooffer. Pero kapag maaga nayayari ang training ay naglalakad na lang siya pauwi. Sina Lisa at Rosé na ang madalas kasabay ni Wendy nang magkaalaman na halos magkakalapit lang pala ang tinutuluyan nilang apartment.

 

Nang makarating sila ay bumaba na rin si Irene matapos magpaalam at magpasalamat sa dalawa. No'ng una ay awkward pa dahil para siyang nakikithird wheel pero dahil matagal naman na sila magkakakilala ay agad din namang nawala 'yon.

 

Dumungaw si Solar sa bintana, "Hoy, Rene, crush ka talaga no'n."

 

Napapalatak na lang si Irene, "Ano na naman ba… Napakachismosa mo."

 

"O baka si Rosé…?"

 

"Tigilan mo na nga 'yan, Yong," bagot na sabi niya, "Pagod lang 'yan. Nahihibang ka na."

 

"Oo nga, babe. 'Wag mo na ipilit," rinig niyang sabi ni Byul, "Wala rin namang pake 'yang si Cap, may ibang gusto eh."

 

"Na hindi siya gusto."

 

"Hindi tayo sure."

 

"Hay nako!" Humarap na si Irene matapos buksan ang gate, "Umuwi na nga kayo!" Pagtaboy niya sa dalawa na nagtawanan lang. Pinaandar na ni Moonbyul ang sasakyan at bumusina pa bago tuluyang umarangkada.

 

Pumasok na siya sa loob habang umiiling sa mga pinagsasabi ni Solar. Napakaimposible namang may nararamdaman si Lisa para sa kanya. Kung meron man, tingin ni Irene ay paghanga lang. Bilang player, bilang captain. Hindi dapat gawing big deal, kumbaga.

 

O siguro, totoo rin ang sinabi ni Moonbyul na wala siyang pake kung sino man ang may gusto sa kaniya unless si Wendy 'yon. Ewan, naguguluhan na naman si Irene. Nagsisimula na namang dumugin ng mga tanong ang utak niya. Bwisit kasi si Solar.

 

Nagpahinga muna siya saglit bago magshower at maghanda para matulog. Kailangan niya ng lakas para bukas. Pero mukhang hindi magpapatulog ang team niya.

 

ESEMYU

Taeyeon: online ba lahat

Seohyun: yes

Solar: (2)

Hwasa: (3)

Wheein: (four)

Lisa: kakauwi ko lang salamat sa concern

Lisa: )5(

Moonbyul: cool ka na nyan @lisa

Lisa: oo baket ano palag @moonbyul

Seulgi: ano na ba last number ?

Yeri: uso backead ew

Yeri: (8)

Jisoo: tanga mo

Jisoo: (9)

Joy: puro bobo ampota

Seulgi: (10)

Joy: hay

Jennie: (6)

Seulgi: ????

Jisoo: ibabalik kita sa daycare @jennie

Jennie: eh kung ibalik kita sa matres ng nanay mo @jisoo

Jisoo: ayie gusto mo lang ako maging baby eh <3

 

Tumigilid ng higa si Irene habang tahimik na binabasa lang ang kakulitan ng mga teammates niya sa gc nila. Napayakap na lang siya sa unan nang mapagtantong hindi pa nagc-chat si Rosé at Wendy. Malamang ay hindi pa nakakauwi ang dalawa.

 

Rosé: kakauwi ko lang hehe

Rosé: anong meron 0_0

Seohyun: iaannounce ni taeng kung sino kalaban natin bukas

Rosé: uwu

Yeri: pasuspense pa kasi sus

Taeyeon: gusto ko eh pake mo ba

Wheein: sana ol gusto

Hwasa: manahimik ka na lang

Wheein: baket nagsasalita ka ba habang nagt-type

Lisa: galing mo talaga jung kaya tayo frens eh

Seulgi: sana ol frens

Jisoo: sana ol

Moonbyul: sana

Jennie: sabihin na agad hano para makatulog na ako hano?

 

Sa totoo lang, antok na antok na rin Irene dahil sa pagod. 'Yung kakulitan na lang sa gc ang nagpapagising sa kaniya. At syempre, hindi naman siya makakatulog hangga't hindi pa nagc-chat si Wendy sa gc para alam niyang nakauwi ito.

 

Solar: baka naman

Joy: anuna

Taeyeon: teka hindi pa kumpleto

Wendy: anyare bakit flood

Yeri: uso backread ew

Hwasa: ayan g na

Taeyeon: wala pa si irene

Wendy: anong wala pa?

Wendy: hindi pa nakauwi si irene?

Wendy: @moonbyul akala ko ba sa'yo sumasabay?

 

[09/11 Fri, 21:54] Seungwan: nakauwi ka na ba?

 

Kung hindi lang masakit ang katawan niya ay nagpagulong-gulong na siya sa kama. Nakakabwisit naman, bakit ba hindi pa rin humuhupa ang nararamdaman ni Irene kahit na parang unti-unti silang lumalayo sa isa't isa.

 

[09/11 Fri, 21:55] Seungwan: joohyun?

 

Moonbyul: hoy inuwi ko yang si cap nang matiwasay hano kala mo naman sakin lab ko kaya yon

Seulgi: sana ol lab

Joy: ah ganon

Solar: ah ganon (2)

Wendy: siguraduhin mo

Rosé: asan ba kasi si cap… :(

 

Moon Byulyi sent a photo.

Moon Byulyi: cap nga oh inaaway ako !!! >;((

 

Screenshot ng convo ni Wendy at Moonbyul ang sinend nito.

 

Wendshon: byulyi…

Byulmoon: present!

Byulmoon: char lang

Byulmoon: inuwi ko nga kasi! para namang tanga 'to marunong akong tumupad sa usapan erps

Byulmoon: baka kasi tulog na??? bakit hindi mo itext <_<

Wendshon: bibigwasan kita sinasabi ko sayo

Byulmoon: batet mo ko inaaway ;( isusumbong kita kay cap!

Wendshon: gago subukan mo sige

Byulmoon: kala mo ha

 

Napakunot ang noo ni Irene dahil sa nabasa. Dumami ang tanong sa utak niya. Anong meron? Anong usapan? Bakit grabe naman 'yung pag-aalala? Bakit ang hot ni Wendy kahit sa chat lang? Bakit siya parang tangang nakangiti sa kawalan?

 

Bae Irene: anong usapan yon?

Moon Byulyi: walaaa wag mong pansinin hehe

Moon Byulyi: basta pagalitan mo cap huhu nasaktan ako sobra :(

Bae Irene: tama lang yan

Moon Byulyi: GRABE HUHUHU I TRUSTED YOU CAP

 

Jennie: wag kasi puro seen @irene

Lisa: sinner naman pala :(

Jisoo: tanga mo talaga

Lisa: nakakasakit ka na ha

Hwasa: magsakalan na nga kayong dalawa

Wheein: sana ol sinasakal

Irene: @taeyeon g na. inaantok na ko.

 

Kunot-noo niyang tinignan ang panibagong notification ng private message ni Wendy at napanguso na lang siya.

 

Seungwan: bakit ba ayaw mong magreply

Joohyun: nagchat na ako sa gc ah?

Seungwan: sakin.

Joohyun: anong iyo?

Seungwan: ikaw.

Joohyun: hindi kita maintindihan

Seungwan: wala na rin akong maintindihan…

 

Kasing gulo na ng isip ni Irene ang gc ng team nila. Hindi na niya nireplyan si Wendy dahil ayaw niyang tuluyan nang masiraan ng bait.

 

Seohyun: ayan na pala

Taeyeon: drum rolls pls

Seohyun: tama na.

Yeri: hahdhdhsha ayon lang may tuldok

Lisa: barz

Irene: drop it

Taeyeon: kj niyo

Taeyeon: jypu kalaban niyo bukas

Moonbyul: HAJSJDJDJSJS AFFATAY

Yeri: HAHDHDS TANGINAAAAA

Yeri: MAMAMATAY NA AKO KAKATAWA

Rosé: why… (・o・;) 

Jisoo: share niyo naman

Hwasa: may nararamdaman akong kakaiba

Wheein: sana ol may nararamdaman

Solar: wheein pwede ba,,,

Jennie: anong meron sa jypu?

Moonbyul: HEHEHEHEHEHE

Moonbyul: mukhang exciting ang laban bukas (✯ᴗ✯)

Yeri: ramdam kong walang mailulusot na bola si @seulgi HAHAHSGDHHA

Joy: tss

Yeri: nako excited ako sa staredown contest niyo ni chou

Hwasa: pakiexplain ,,,

Seulgi: final answer na ba coach @taeyeon

Taeyeon: bakit? ig-ghost mo 'yung game?

Moonbyul: AHSHDHHSHA PUTANGINAAAA

Lisa: ghoster ka @seulgi??? akala ko iba ka sakanila erps

Seulgi: past is past tagal na non im a changed person

Joy: kaya pachange change din ng nilalandi ganon

Rosé: O.O

Jisoo: ekis yon erps

Yeri: HAJDJDHDHSHS ANSAYA

 

Kahit gusto pang makiusyoso ni Irene, mabigat na ang talukap ng mga mata niya. Itutulog na lang niya ang pagod at pagkalito. Wala naman na sigurong mahalagang sasabihin si Taeyeon…

 

Seulgi: bakit ako lang inaatake niyo??? si @wendy din dapat!!!

Lisa: at ang humamon…

Wheein: naglaglagan na nga ho

Moonbyul: ANO PARENG @WENDY SAGOT ABA NAWALAN NG WIFI KAPITBAHAY???

Seulgi: diba ex mo si myoui wends

Irene unsent a message.

Rosé: ooooohhhhh

Solar: fast hands hahshshah

Yeri: KITA KO YON

Wendy: ano yon

Yeri: secret walang clue

Jennie: sarap naman ng tsaa sa gabi

 

Nagising ang diwa ni Irene. Anong antok? Tangina. Sleep is for the weak. Kating-kati na siyang mag-usisa pero parang wala naman sa lugar. Baka mabigyan ng meaning. Baka akalain nagseselos siya. Kahit totoo naman. Bakit ba ang hirap kasi makisakay sa trip ng mga 'to. Sana ol chismosa, mga putangina.

 

Joy: bakit may ibang topic? di pa tayo tapos kay chou

Yeri: oh ikalma mo kipay mo uso pm mars

Jisoo: ede parehas nating gisahin yang dalawa na yan

Wendy: di ko ex yon

Seulgi: wag mong itanggi!!!

Lisa: i am: disappointment

Jennie: tama ka dyan

Wendy: hindi nga talaga??? 

Wheein: weh

Wendy: kulit ampota hindi naman naging kami???

Moonbyul: ay bakit parang hindi pa nakamove on :((

Yeri: okay lang yan wends marami pang iba dyan :((

Irene unsent a message.

Rose: ^_^

Solar: pasmado talaga kamay nitong si cap

Joy: laban tas biglang bawi sus

Jennie: so bantay sarado na nga bawat atake tapos puro mabibigat pa mga palo nung kabila kasi may hinanakit???

Hwasa: ayan na karma niyo mga gago

Wendy: hay ang kukulit niyo

Wendy: tangina mo kasi @seulgi

Seulgi: AKO NA NAMAN

Moonbyul: ipagdadasal ko na lang kayo

Yeri: dedz tau kasbu,,,

Seohyun: mananalo tayo bukas

Taeyeon: matagal mamatay ang masasamang damo

 

*****

 

Sana nga talaga naging damo na lang si Irene. O kahit anong halaman. Para hindi napupuyat kakaisip sa mga katanungang walang kasagutan. Para hindi nakakaramdam ng sakit o disappointment. Pa-sway sway na lang siya kapag malakas ang simoy ng hangin.

 

"Rene!"

 

Agad na umiwas si Irene nang makita ang rumaragasang bola sa kanyang harap. Muntik pa siyang mafacialan kahit hindi pa nagsisimula ang laro. Talk about lutang, jusko.

 

", sorry!" Paumanhin ng player ng JYPU. Lumapit ito sa kaniya matapos kunin ang bola sa likod. Katamtaman lang ang tangkad nito, pero kahit na ganon ay mas maliit pa rin si Irene. Maganda, makinis, mukhang mahinhin.

 

"Okay lang," ngiting tugon ni Irene, "Muntik pa lang naman."

 

Maliit itong ngumiti na bahagyang concerned pa rin ang mukha. Mukhang hindi sanay gumawa ng kasalanan o kababalaghan. Tumango na lang si Irene bago tumalikod at ipagpatuloy ang naudlot na pagw-warm up.

 

Naglakad na palayo ang JYPU player at muling lumingon si Irene sa nakatalikod nitong postura.

 

37. Myoui.

 

Napapikit na lang si Irene. Tangina talaga. She's on captain mode. Wala siyang oras para sa distractions. Sinusubok talaga siya ng kaitaasan.

 

"Cap," tawag ni Joy. Hindi maipinta ang mukha nito at parang isang kalabit lang ay bigla ka na lang hahampasin sa ulo sa pag-aakalang bola ito. Konti na lang din ay mukhang ganito na rin ang kahihinatnan ng mood ni Irene.

 

Ngumuso ito sa court, "Turn na natin."

 

Sinabayan niya ito sa paglalakad sa gitna ng court. Hindi niya alam kung naubos ba ang sigla at kakulitan ng team niya kagabi dahil parang ang tatamlay ng lahat. Mukhang galit pa nga sa mundo ang iba. Hindi na malaman ni Irene kung sabay-sabay bang nagkaroon ang teammates niya o nahipan lang ng masamang hangin.

 

"Wendy!" Sigaw ni Joy para kunin ang atensyon ng libero. 

 

Eto pa isang nakasimangot, kanina pa walang kibo. Nang lumingon ito at dumapo ang tingin sa kanya, tumalikod ito at kinalabit si Wheein. Napataas na lang ang kilay ni Irene.

 

Alam ni Irene na may problema sila pero ano naman ba 'yon? Bakit parang kasalanan naman ni Irene ngayon?

 

Lumapit si Wheein at pumwesto sa kabila ng net. Hindi na rin nagsalita ang spiker at basta na lang hinagis ang bola kay Irene. She set it high and a little far from the net, just how Joy wanted it. The tall girl jumped and aggressively spiked the ball. Matulin at matulis. Umalingawngaw ang tunog ng palo nito. Nadig ito ni Wheein pero malayo ang itinalbog ng bola.

 

Maraming tao ang napa-ooh at wow sa nangyari. Napailing na lang si Irene. Tinawag niya si Seulgi na mukhang batang pinagbawalan maglaro sa labas, nakasimangot at hindi malaman ang gagawin—kung mags-sorry ba o hahayaan na lang muna. Naghagis naman ito ng panibagong bola. Pinaikot muna iyon ni Irene sa palad niya bago ibigay kay Joy.

 

"Kalmahan mo lang," paalala ni Irene, "Baka maubos ka agad."

 

"Sabihin mo rin 'yan sa sarili mo," pakli ni Joy at matama siyang tinignan. "Halatang umiiwas ka lang din."

 

"May laro tayo," pagdadahilan niya at ibinigay na kay Joy ang bola. "Saka parang wala namang—"

 

"Nag-usap sila kanina ah," putol nito at muling inihagis ang bola sa kaniya. 

 

She tossed it to the spiker, "Sino?"

 

Tumalon si Joy at tinira ang bola. Hindi na kasing lakas ng kanina pero halos ganoon pa rin ang impact. Wheein received it with more ease.

 

"Pasali," pagsulpot ni Yeri na may bitbit na bola. Pagkatango niya ay ibinato nito ang bola at agad niya 'yon sinet, lower yet a bit closer to the net.

 

"'Yung mag-ex," sabi ni Joy na kababalik lang matapos magpulot ng bola. 

 

Wala dapat siyang pake dahil wala naman siyang karapatan. Nagkibit na lang siya ng balikat at tumikhim. Wala siyang tiwala sa sarili na magsalita.

 

"Si Wends ba?" Sabat ni Yeri, "Nagkasabay kami sa gate papasok. Mukhang masama yata talaga ang gising."

 

"Sus."

 

"Eh kayo ni Seul kumusta?"

 

"Joohyun," iwas ni Joy, "Pakitaasan nang slight."

 

Nagpatuloy lang ang pagbibidahan nila habang nagd-drills. Nakipila na rin sina Hwasa, Solar at Rosé sa kanila. Busy at ganoon din ang ginagawa ng kalahati ng team sa kabilang gilid ng court. Ilang minuto lang ay tinawag na rin sila ni Taeyeon para makapagpahinga dahil malapit na magsimula.

 

"Cap," mahinang tawag ni Rosé sa kaniyang gilid, "Help?"

 

Agad na dinaluhan ni Irene ang middle player. Umupo siya sa tabi nito at tinanggal ang tape sa mga daliri ni Rosé bago magdikit ng panibago.

 

"Ganito ba talaga kayo kapag official game?"

 

Malumanay ang boses nito na parang nahihiya at nag-aalinlangan. Malamang ay tinutukoy nito ang mood ng team. Napapalatak siya sa isip niya dahil mukhang kailangan niyang magspeech mamaya bago magsimula ang laro para mabawasan naman ang tensyon.

 

Umiling siya, "Hindi ganitong… kaseryoso. Bakit? Naninibago ka?"

 

Bahagya itong natawa. "Uhm, oo. Kahit kasi si Lisa hindi makulit sina Seulgi. Hindi ko kasi gets kung bakit… I don't know, everyone is on the edge... Tune up lang naman. I mean," biglang bawi nito, mukhang nagpanic, "Hindi naman sa ano. I know na dapat gawin pa rin ang best in every game—"

 

"Okay lang, gets ko 'yung point mo." Irene waved it off. She held Rosé's right wrist at inilayo niya ang kamay nito para mapagmasdan nang mabuti ang pagkakatape niya sa joints ng daliri nito. "'Di ba masyadong mahigpit?"

 

"Cap, ako rin!" Biglang sulpot ni Lisa. Hinablot nito ang kamay ni Rosé na hawak niya at isiniksik ang payat na katawan sa pagitan nila. "Andaya! Gusto rin!"

 

"Epal naman nito! Hindi pa maayos 'yung kabila!"

 

Natawa na lang si Irene sa para batang asta ng dalawang middle players. Nagbangayan pa ang dalawa sa harap niya habang siya ay busy maglagay ng tape sa malikot na kamay ni Lisa.

 

"Okay na 'yan!" Sulsol ni Lisa, "Bakit mo kasi sinosolo si Cap? Eh sa gusto ko rin magpalagay eh!"

 

"Nilagyan ko na 'yung iyo kanina!"

 

"Panget ng lagay mo, mahigpit! 'Di ko maibend! Para akong nagpa-Panatang Makabayan!"

 

Akmang babatukan na ni Rosé si Lisa nang dumila ito kaya't binawal niya na ang dalawa. Hindi talaga nagpapaawat si Lisa sa pang-aasar sa isa. Napailing na lang siya, gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano dahil sa kakulitan.

 

"Okay na," sabi ni Irene at tinapik ang kamay ni Lisa. "Okay na 'yang kaliwa, Rosé, maayos na 'yan."

 

"Okay, Cap." Ngumiti ito nang malawak, "Thank you."

 

"Tigilan na ang away-bata ha," paalala niya bago tumayo. "Just focus on the game."

 

Tumango-tango ang dalawa na parang mga masunuring bata kahit kita naman sa mga mata nito na hanggang salita lang ang kayang gawin, "Yes, Cap."

 

Napailing na lang si Irene. Bago pa man siya makatalikod ay pinigilan siya ni Rosé. Napatingin siya sa mahigpit na hawak nito sa kamay niya. Bigla siyang nanlamig. Hindi niya alam kung bakit.

 

"'Di mo naman nakalimutan 'yung pangako mong libre sa'kin, Cap, 'no?"

 

"Hoy, anong libre?" Usyoso ni Lisa at sumimangot, "Sali ako!"

 

"Labas ka na ron! Bakit ba lagi kang saling-pusa ka ha? Kuto ka!"

 

"Eh gusto ko rin ng libre!" Para batang umingit si Lisa, nagmamaktol, "Cap, libre mo rin ako."

 

Ngiting tagumpay si Lisa nang tumango siya. Umismid ito Rosé na ngayon naman ay nakanguso. Natawa si Irene at marahang ginulo ang buhok ng dalawa, "Basta 'pag nanalo tayo."

 

*

 

"'Wag niyo na ipilit unless 200% sure," sabi ni Seohyun habang nakabilog sila. Lima na ang lamang ng JYPU matapos ang offensive single block ni Tzuyu kay Seulgi. "Kita niyo naman payong ni Tzuyu kay Seulgi ilang beses na. Ta's nasa harap na rin si Momo. Babalik lang 'yan."

 

"Iiwas niyo na," sang-ayon ni Irene, "Hangga't nasa harap 'yung dalawa, lagi niyo na lang padaain sa gilid. Palabas. Or just make sure they'll make contact. Be smart." Lumingon siya kay Joy, "Lalo na ikaw. 'Wag puro werpa."

 

Natawa ang ilan sa kanila, "'Di bagay sa'yo maging jeje."

 

Hindi iyon pinansin ni Irene dahil ang tingin niya ay na kay Wendy. Sa kanilang lahat ay ito na lang ang hindi pa nalalaho o nababawasan man lang ang pagkadismaya sa mundo. Kahit nga si Joy ay mukhang okay na at ginawa na lang na motivation ang pagkaasar to make her attacks more powerful.

 

Napabuntong-hininga na lang si Irene, hindi malaman kung ano ang dapat gawin.

 

Tune up game her .

 

Sa takbo ng laro nila, akala mo nakasalalay ang buhay ng bawat isa. May pinaghuhugutan at pinapatunayan ang bawat palo, payong, o puto. Bawat puntos talagang pahirapan maipanalo. At ngayong third set na, gusto na ni Irene na tapusin ang laro.

 

Ilang saglit lang ay nagserve na si Nayeon. Napapalatak na lang si Irene nang dumiretso kay Wendy ang bola. Kanina pa tinatarget ang libero nila pagdating sa service dahil kahit ang kabilang team ay ramdam na off ang laro nito ngayon.

 

As expected, hindi maganda ang naging first ball. Ginawan na lang ng paraan ni Irene ang pagset ng bola kay Seulgi. And as expected, hindi na naman ito nakalusot sa block. Kung bakit ba naman kasi dinadala sa laro ang mga issues sa buhay, hay nako.

 

Buti na lang at nakacover si Wendy sa likod ng opposite hitter kaya't nasagip nito ang bola. Agad na pumwesto si Irene at nagbigay ng signal. Nang makita niyang tumalon si Seohyun for a quick attack, Irene quickly tossed the ball just a bit higher than what the blockers had expected.

 

A fake—the set was really meant for Yeri na nakaabang sa likod ni Seohyun, ilang segundo lang ang delay sa pagtalon nito. She spiked it again at finally, nakalusot ang combination play nila.

 

The other team didn't expect it. Hindi na nagawan ng paraan dahil baon ang palo ni Yeri. Naibuhos yata nito ang frustration dahil tambak sila. 

 

The rest of the team na nanunuod sa sideline ay nagcheer nang matapos ang rally. "Nice play!" Sigaw ni Taeyeon at tumango si Irene nang magthumbs up ang coach nila.

 

Naghuddle sila sa gitna to cheer each other on. Tamang tapik lang sa ulo at balikat, konting pahiran ng pawis at kulitan. Si Wendy ang unang kumalas sa kumpol nila at tumalikod, agad na nakipagpalit kay Moonbyul.

 

Seohyun went to the service line at pumito na ang referee. A floater. Nagmukhang lalabas ang bola pero laking gulat ng kabilang team when it caught the line. An ace. Free point. Napapalakpak na lang si Irene at sinalubong ng high-five ang middle player.

 

"Kaya pa ba tatlo, Seo?" sulsol ni Yeri, "Pagpahingahin mo muna kami saglit."

 

Nagtawanan ang team at umiiling na tumalikod si Seohyun pabalik para magserve. Another long floater. Umatras na si Dahyun, libero ng JYPU, at nireceive ang bola kahit sa pagkakataong ito ay out na talaga dapat.

 

Sa bola lang nakafocus ang mga mata ni Irene. Their setter, Nayeon, made the team's play a little obvious kaya't timing ang block nina Yeri at Moonbyul but Momo made a down the line hit para makaiwas.

 

Halos lampasuhin ni Irene ang court as the setter dived to save the ball. Too late. Napahampas na lang siya sa sahig bago tumayo at pagpagin ang sarili. Tangina, ganon ganon lang ay balik uli sa apat ang lamang ng kabila.

 

Nag-angat siya ng tingin at agad ding umiwas nang makita ang concerned na titig ng libero na nakatayo sa kaniyang harap. Mabilis din itong naglaho at muling nagbalik sa pagsimangot.

 

Walang salitang sumabay si Wendy sa kaniya sa paglalakad pabalik sa loob ng court. Nakipagtanguan ito kay Seohyun nang makipagpalit. Pumwesto si Irene sa tabi ni Joy, ang open spiker ay nakapagitna sa kanilang dalawa ng libero. Kung kelan lang ay nagawa nitong asarin si Irene dahil sa problema nila, ngayon ay seryoso ito sa laro.

 

"Ibigay mo sa'kin mamaya, Joohyun." Utos ni Joy, "Mas mahihirapan makalusot sina Seulgi hangga't ganyan ang harap."

 

Pinagmasdan ni Irene ang players na nasa kabilang side. Nasa front row na ang pinakamalakas na line-up nito—Myoui, Chou, Hirai. Napabuntong-hininga na lang siya. Talaga nga namang sinusubok ang pasensya niya.

 

Joy called for the ball kaya't pinagbigyan ito ni Irene. The spiker swung her arms backwards para bumwelo dahil doble ang effort kapag back row attack. Sinabayan pa rin ito nina Tzuyu at sa tangkad nito, her fingertips made contact with the ball, unfortunately slowing it down and fortunately changing its direction.

 

Dahyun was expecting the ball to go straight to her kaso ay bigla ngang lumiko. Nagkagulo sila dahil doon. Nanatili lang ang defensive stance nila Irene as the other team tried their best to continue the rally. In the end, nagawan ng paraan ng kabila and Mina sent the ball back to them through a free ball.

 

Another opportunity to decrease the gap to three was given and Irene took the matter into her own hands. She tipped the ball right above the blockers' widespread fingers and dumped it fast enough sa gitna bago pa man makapagreact ang kabilang team na hindi pa nakakarecover sa last play nila.

 

"!"

 

"Nice one, Cap!"

 

22 - 19. Konti pa.

 

Nagrotate sila at nasa harap na si Irene. Parang mas umigsi ang pasensya niya ngayong abot-kamay at net na lang ang namamagitan sa kanila ni Myoui. Nakakarami na 'to ng puntos simula pa no'ng first set. Parang gusto na niyang patahimikin habang buhay.

 

Muntik nang hindi maibalik ng kabila ang topspin jump serve ni Seulgi. Pabalik-balik na naman ang bola at tumagal na naman ang rally. Ayaw talaga paawat ng bawat isa.

 

"Regalo!"

 

Napamura na lang si Irene nang agad na ibinalik ni Mina sa court nila ang bolang naoverreceive ni Wendy. Nagkagulatan na lang din sila sa bilis ng pangyayari. And just like that, two points away na lang ang JYPU para maipanalo ang third set.

 

Sa galing ni Wendy bilang libero, hindi madalas umabot ng ganito karami ang errors nito for the whole game. At mukhang hindi pa matatapos ang laban sa loob lang ng tatlong set.

 

Irene was worried, yes, but she was upset more than anything. Nakakaasar isipin na hindi magawang maisantabi ni Wendy kung ano man ang rason nito kung bakit ganyan ang mood nito ngayon. Samantalang siya, nagagawa niyang magpanggap to the point na makalimutan na niyang nagsisinungaling siya sa sarili niya dahil masyado na siyang nasanay.

 

Sure, aware naman siya na hindi sa lahat ng pagkakataon ay maganda lagi ang laro ng bawat isa sa kanila. She was off her game at times. Pero not like this. Irene couldn't shake the feeling na this has something to do with them, with her.

 

Taeyeon called for a timeout. Their coach was trying to break the opponent team's momentum. They circled around her while the recruits were busy handing out towels and refreshers. 

 

"Aba, 'wag niyo naman nang pahirapan ang mga sarili niyo at paabutin pa ng five sets," matamang sabi ni Taeyeon. "Nakakadalawa na kayo, last set na 'to oh? Kaya niyo pang habulin 'yan."

 

Nakinig lang si Irene sa litanya ni Taeyeon habang nagpupunas ng pawis. Ang atensyon niya ay nakay Wendy na bahagyang nakayuko, the setter knew her libero was guilty dahil off ang laro nito.

 

"Cap," mahinang tawag ni Rosé sa kaniya. Nakangiting nag-abot ito ng Gatorade na tinanggap naman niya matapos magpasalamat.

 

Nang ibalik niya ang tingin kay Wendy ay nagulat si Irene nang nakatingin na rin ang libero sa kaniya. Napalunok siya dahil sa panlalamig na naramdaman niya rin kanina bago magstart ang laro. 

 

"Ano, Wends?" Tanong ni Taeyeon kaya naputol ang titigan nila. "Pahinga ka muna?"

 

Tumango si Wendy at umupo. Dumausdos ito bahagya pababa hanggang sa maipatong nito ang ulo sa tuktok ng sandalan, nakapikit at nakakunot ang noo.

 

"Whee!" Sigaw ni Moonbyul, "Takbo!"

 

"Tangina, ba't biglaan naman?!" Agad na tumayo si Wheein at tumakbo paikot ng court para makapagpainit.

 

"Sino pa? Para may energy uli kung sakaling umabot sa fourth set. Yeri?"

 

"Oks pa 'ko, Coach. Tapusin na namin," tanggi ni Yerim, "Si Joy baka gustong magpalamig."

 

"Tangina mo."

 

"Tignan mo, oh! Kainit ng ulo!"

 

Gumaan at nabawasan ang tensyon dahil sa pag-aasaran ng dalawa. Naalala niya tuloy ang pag-staredown ni Joy kay Tzuyu sa tuwing lulusot ang palo ng spiker sa block nito. Kung makamata si Joy sa middle blocker ng JYPU eh akala mo ba napakadumi ng budhi at ng buong pagkatao ni Tzuyu samantalang napakainosente ng mukha nito na parang hindi pa nakakautot in public.

 

Pero hinahayaan lang ni Irene kung ano ang gusto nitong gawin dahil gano'n din naman ang ginagawa niya kay Myoui. Sa tuwing mapapayungan niya ito o basta makascore lang ang team nila, kung hindi lang nakapony ang mga buhok nila ay naghairflip na si Irene at hinayaang humampas ang buhok niya sa mukha ng opposite hitter ng kabila.

 

"Ako, Taeng," sabi ni Irene.

 

Malalim ang titig sa kaniya ni Taeyeon bago ito tumango, "Thought so."

 

Tinawag nito si Solar at pinagwarm-up na rin. Hindi na tinapos ni Irene ang pointers ni Taeyeon at umupo na rin siya dalawang upuan ang layo kay Wendy. 

 

Pumito ang referee at bumalik na ang mga players sa court. Malaki na ang chance na makahabol ang team nila lalo na't lumikod na si Momo para magserve. Isang ikot na lang din at haharap na si Joy. Kaya pa.

 

Hindi na pinagtuonan ng pansin ni Irene ang ongoing rally. Nag-indian seat siya paharap kay Wendy na ganon pa rin ang pwesto mula kanina—nakatingala at nakapatong ang isang braso para takpan ang mata.

 

Gustong lumapit ni Irene, pero baka masaktan lang siya kapag harap-harapan niyang makikita na lalayo si Wendy. Okay na muna 'tong ganito.

 

"S-Seungwan…"

 

Now that she's outside the court, ngayon niya lang napansin ang maingay na reaksyon ng crowd sa bawat hampas o dig ng players. Kapag kasi naglalaro siya, wala siyang ibang pinapansin kundi ang pag-uusap lang nila habang naglalaro para makapagfocus.

 

Halos hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Seungwan kaya dinampot niya ang gamit na nakapatong sa katabing upuan at inilipat sa kaniyang likod. Umusog si Irene palapit kay Wendy, ilang dangkal na lang ang pagitan nila.

 

"A-Ano ulit?"

 

Kita niya ang paghugot nito ng malalim na hininga bago tanggalin ang braso na nakapatong sa mata. Dumilat ito pero nanatiling nakatingin sa taas, "Bakit ka kako nagpasub…"

 

Tumikhim si Irene bago mahinang nagsalita. "You seem out of it and I… I figured we should talk… Hindi tayo nakakapag-usap lately and—"

 

"'Wag mo nang isipin," bagot na sabi nito at nagtiim ng bagang, "Pagod lang ako."

 

"Pwede ba?" May bahid ng pagkairita sa tono ni Irene. "Kahit ngayon lang, 'wag kang umiwas?"

 

"Ngayon?" Nagtiim ang bagang nito at matalim siyang tinignan. "Middle of the game? Seryoso ka?"

 

"Bakit? May iba pang option para magkausap tayo kung lagi ka namang umiiwas—"

 

"Hindi ako—"

 

"You and I both know that's a lie!"

 

Napaayos ng upo si Wendy dahil sa pagtaas ng boses ni Irene. Hindi na niya napigilan. Hindi madali para sa kaniya ang magbaba ng pride at magkusang lumapit. Pero ngayon lang ang nakikita niyang pagkakataon para makipag-ayos sa libero.

 

Yumuko si Irene. Ramdam niya ang bigat ng titig ni Wendy sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit. Maingay ang paligid nang magcheer sina Taeyeon malapit sa kanila. Hindi niya alam kung bakit. Wala pa ring kibo ang libero. Hindi niya alam kung bakit.

 

"I'm sorry," hingi niya ng pasensya matapos ng ilang saglit. "Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit galit ka sa'kin ngayon. Kung bakit ka umiiwas simula pa no'ng dumating ako after my break..."

 

"Check ball!"

 

"Hoy, may touch! Nahawakan niya!"

 

"Taeyeon, ipilit mo! Sure ako!"

 

Humarap si Irene sa court bago magpatuloy, "…Gulong-gulo lang ako sa mga nangyayari."

 

Nakipagtalo ang players pati ang mga coach sa referee. Tinignan niya ang scoreboard, 23-22. Nakahabol pala ang team nila. At kung sakaling mas-settle ang issue, tie ang score.

 

Lumingon siyang muli kay Wendy na lukot ang ekspresyon ng mukha. Ilang linggo nang pamilyar si Irene sa ganitong itsura ng libero—nag-aalangan, nagpipigil, naguguluhan. Bumuntong-hininga ito at ibinuka ang bibig bago muling isara.

 

Naghiyawan ang mga tao, halong pagkadismaya at pagkatuwa nang ibigay ang puntos sa team nila. Nagbalik na uli ang tunog ng paghampas at pagsalo ng bola. Pero mas dinig ni Irene ang kabog ng dibdib niya. Takot sa magiging tugon ni Wendy—sa salitang lalabas sa bibig nito o sa pagtayo at tuluyang paglayo sa kanya.

 

"Putangina! Yes!"

 

"Isa na lang, mga pokpak! Let's go!"

 

"Yerim! Pektusan mo na 'yang serve mo!"

 

Natawa na lang si Irene. Hindi niya alam kung dahil ba sa mga kagaguhang naririnig niyang sinisigaw ng teammates niya o sa katangahang ginagawa niya ngayon. Napalitan ng pagkaasar ang takot na nararamdaman niya dahil sa katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa.

 

Tangina, gaano ba kahirap sabihin kay Irene 'yung rason kung bakit bigla silang humantong sa ganito? Hindi naman siguro kelangan ng formulas at grahs, diba? Sigurado naman siyang maiintindihan niya basta walang kasamang numbers.

 

"What more do you want from me, Seungwan?"

 

Siya na nga ang naglakas loob na lumapit at magsumamo. Siya 'tong hindi nakakatulog sa gabi dahil sa pagbabaka sakaling makahanap ng sagot aa mga tanong. Siya ang naghihintay at nananatili pa rin kahit halos wala ng rason. Si Irene ang nagpupumilit pa rin na maaayos nila kung ano man ito.

 

Hindi niya alam kung saan siya nagkulang.

 

"I want you all to myself."

 

Umalingawngaw ang sigawan ng mga nanunuod pati na ang mga kasama nilang nasa sideline nang magdilang demonyo nga si Joy at napektusan ang serve ni Yerim.

 

"Ace! Tanginaaaa!"

 

"Congrats, mga pokpak!"

 

"Hindi talaga tayo papasindak! May ghoster tayo rito eh!"

 

"Putangina mo, gago!"

 

Nagkumpol na ang team nila sa gitna ng court, lahat ay masaya. Silang dalawa na lang ang naiwan sa gilid, nangangapa. 

 

They won the tune up game. 

 

Pero hindi alam ni Irene kung bakit imbes na matuwa siya sa narinig na sagot ni Wendy ay mas naguluhan lang siya sa sumunod nitong sinabi.

 

"We won. Congrats. Enjoy your date."

 

*****

 

"Ikaw na kasi! Ikaw nagpapalibre eh!"

 

"Eh ikaw 'tong biglang nakiepal!"

 

Gusto na lang sumabog ni Irene.

 

Tahimik niyang inabot niya ang two hundred kay Rosé at sinabing yogurt milktea ang order niya. Iniwan niya na ang dalawa na nagbabangayan at lutang na umupo sa dulo ng shop.

 

Gusto na lang niyang humimlay.

 

Bakit ba ang hirap tagpuin ni Wendy sa gitna? Kung gusto naman pala siya ng libero ay bakit ito umiiwas? At anong date ang tinutukoy ng gagong 'yon? Eh mukha nga siyang nanay ng dalawang batang kulang na lang ay magsaksakan ng straw sa mata.

 

"Cap!"

 

Napabalikwas siya sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Lisa. Umupo ito sa tapat niya at alanganing tumawa, "Sorry, Irene."

 

Irene shrugged it off, "Okay lang."

 

"Hindi," pagpilit ni Lisa, "Iba ang tinutukoy ko."

 

Nagtaas siya ng kilay, encouraging the middle player to continue. Nag-iba ang disposisyon nito at parang biglang nahiya at kinakabahan. Lumingon ito saglit sa gilid para tignan si Rosé na nakapila.

 

Huminga ito nang malalim, "Shhh ka lang, Cap ha. Sorry talaga. Ako 'yung nagpumilit, hindi si Rosé."

 

"Okay lang, Lisa," sambit ni Irene, "Tinulungan niya kasi ako sa assignment ko last time kaya ako nag-aya ng libre. Kung hindi lang busy 'yung iba—"

 

"Ha? Hindi 'yon, Cap."

 

"Eh alin ba?"

 

"'Wag kang magagalit?"

 

Kumunot ang noo niya at ibinuhos na ang lahat ng atensyon kay Lisa na mukhang may aamining krimen. Tumango si Irene at bahagyang yumuko si Lisa.

 

"Ako 'yung pumilit kay Wendy na ilakad si Rosé sa'yo. Hindi ko alam na may something pala kayo kaya—"

 

"Ha?!"

 

"Haw yu layk dat."

 

Kahit talaga seryosong usapan ay walangya pa rin ito.

 

Halos magdikit na ang magkabilang kilay ni Irene sa sobrang pagkunot ng noo niya. Nanlaki rin ang mata niya sa narinig, at parang mauubusan siya ng hangin sa baga.

 

Tangina, ano raw?

 

"T-Teka, anong ilakad—Anong—Ha?"

 

Muli itong lumingon sa pwesto ni Rosé kaya't nakahinga naman ito nang maluwag nang makitang mahaba pa ang pila.

 

"May gusto sayo 'yung kaibigan ko, Cap," pag-amin ni Lisa. "No'ng tinanong ko sila Byul kung sino 'yung pinakaclose sa'yo sa team, sabi nila si Wendy daw. So kinausap ko siya na ilakad si Rosé sa'yo."

 

"Pa'nong—" Hindi malaman ni Irene kung ano ang dapat sabihin. Masyado siyang nagulat sa mga narinig niya. "Last month lang kayo sumali sa team? Pa'nong—"

 

"Idol ka kasi no'n, Cap," paliwanag ni Lisa. "Pero sobrang babaw kumpara sa feelings ni Wendy. No'ng bumalik ka lang saka ko napansin na may mali kaya binawi ko. Kaso sabi naman kasi ni Wends, okay lang naman daw kaya tinutuloy niyang i-push si Rosé."

 

Tumawa ito at umiling, "Gagong 'yon. Napakabait. Hindi ko kayang samantalahin 'yon at magpanggap na hindi ko nakikitang gusto ka ni Wendy. At gusto mo rin siya. Kaya lagi akong nakikiepal sa inyo ni Rosé kasi gusto kong ayusin."

 

Napasapo na lang si Irene sa ulo niya. Hindi niya na alam kung ano ang dapat maramdaman ngayong sinasabi na lahat ni Lisa ang sagot sa mga tanong niya kung bakit gano'n ang inaakto ni Wendy nitong mga nakaraan.

 

"Kaya ka andito ngayon?"

 

"Oo, hehe. Saka gusto ko rin ng libre, syempre."

 

Natawa na lang si Irene habang hinihilot ang sentido. Sumasakit ang ulo niya sa mga nangyari ngayong araw.

 

"Sorry talaga, Irene," sinserong paghingi ng paumanhin ni Lisa. "Narinig ko kasi 'yung pagtaas ng boses mo kanina no'ng nag-uusap kayo sa bench. Kaya ako na 'yung nag-initiate na sabihin sa'yo lahat. Kasi hindi aamin si Rosé sa'yo at hindi rin naman magsasalita si Wendy."

 

Sumandal si Lisa at humarap sa gilid. Napatingin na rin si Irene sa pwesto ni Rosé na nakikipag-usap na sa cashier. Napailing at nakapikit na lang siya, kailangan niya ng time para i-process ang lahat ng nalaman niya.

 

"'Wag ka sanang magalit kay Rosé, Cap," mahinang saad ni Lisa. "May pagka-oblivious din kasi 'yon sa paligid, she wouldn't know unless may magsabi. Hindi niya rin alam na nagkasundo kami ni Wendy."

 

"Of course not." agad niyang sabi. "Aaminin kong nagselos ako no'ng una kasi akala ko she's into Wendy. But now, wala na sa'kin 'yon. This is between me and Wendy. Saka I treat all of you like my sisters, 'di ko kayang magalit."

 

"Edi pala kayo ni Wends?"

 

"Gago." 

 

Ilang saglit lang ay dumating na rin si Rosé. Pagkababa ng bitbit nitong tray ay agad nitong sinapak si Lisa. Habang pinapanuod ang kaladyaan ng dalawa ay unti-unti nang gumagaan ang loob at naliliwanagan ang isip ni Irene.

 

"Bwisit ka! Sabi mo magc-cr ka lang."

 

"Nag-cr naman talaga ako?"

 

"Eh ba't 'di ka bumalik sa pila?"

 

"Kaya mo na 'yon. Malaki ka na."

 

Humarap si Lisa kay Irene na nakangiti habang minamasdan ang dalawa. Itinaas nito ang hawak na milktea at nagpasalamat. Gano'n din ang ginawa ni Rose, malawak ang ngiti at mukhang nakalimutang nag-away sila ng katabi kanina lang.

 

Bagay sila.

 

"You're welcome."

 

*****

 

Matapos makauwi at makapagpahinga ay dinampot ni Irene ang kaniyang phone. Hindi na siya magpapalipas pa ng isang gabi nang hindi sila nagkakaayos ni Wendy, lalo na't malinaw na sa kaniya ang lahat.

 

[09/12 Sat, 20:20] Joohyun: can we talk?

 

Ilang sandali lang at nagreply din ito agad.

 

[09/12 Sat, 20:23] Seungwan: joohyun…

 

[09/12 Sat, 20:23] Joohyun: please? i want us to be okay

 

[09/12 Sat, 20:24] Seungwan: we are okay

 

Napakatigas talaga ng ulo nito.

 

[09/12 Sat, 20:25] Joohyun: no we're not. alam ko na kung bakit. so please talk to me

 

Hindi ito sumagot kaya't nainip si Irene at napagdesisyunan na tumawag. Nagring lang ito hanggang sa maputol ang tawag.

 

[09/12 Sat, 20:27] Joohyun: seungwan…

 

Ilang minuto ang lumipas at narinig niyang may bumusina sa tapat. Napabalikwas siya at agad na bumangon para lumabas ng kwarto. Sumilip siya sa bintana at nakita ang kotse ni Wendy sa harap ng gate.

 

Napamura si Irene at dali-daling bumalik ng kwarto para mag-ayos man lang. Pinagmasdan niya ang suot na pambahay, white shirt na mukhang matino naman. Pinalitan na lang niya ang suot na pajama at nagsuot ng maong na short.

 

Mas nataranta lang sa pagsusuklay si Irene nang magvibrate ang phone niya. Sinagot niya ang tawag ni Wendy at ni-lousdspeaker iyon.

 

"Eto na, palabas na," nagmamadaling sabi niya.

 

"Take your time," malambing na sabi nito. "Sorry kung sumulpot ako bigla."

 

"Okay lang, —" Napamura si Irene nang maibagsak niya ang hawak na pulbos. "Okay lang."

 

"Okay ka lang? Ano 'yung bumagsak?"

 

"Wala." Agad siyang nagpabango at dinampot ang wallet para ibulsa. Kinuha niya ang susi ng pinto at tuluyan nang lumabas ng kwarto.

 

"'Wag kang magmadali. 'Di naman ako aalis."

 

Natawa si Irene nang makita ang nakangiting mukha ni Wendy habang nakasandal sa pinto ng sasakyan. Nilock niya ang pinto ng apartment at lumabas na ng gate. Pinatay na niya ang tawag.

 

"Sure ka?" Pang-aasar niya, "Lagi ka kasing umiiwas so baka lang nasanay ka na."

 

Napakamot lang ang libero sa batok at nahihiyang pinagmasdan ang kabuoan niya. Tumikhim ito bago magsalita, "Hindi ka ba nilalamok?"

 

Umiling siya at lumapit na kay Wendy. Parang si Irene pa nga ang gustong maging lamok para makagat siya sa makinis na balat ng nasa harap niya. 

 

"So saan tayo pupunta?"

 

"Ah," nag-iwas ito ng tingin. "Actually, akala ko naglilinis ka sa loob kaya hindi mo agad ako pinapasok... Uhm…"

 

Napabuntong-hininga na lang si Irene. Taragis. Naglipstick pa siya at nagpabango para sa wala? Nag-ayos siya tapos papasok lang uli sila sa loob ng apartment niya? Parang tanga naman.

 

"Kahit saan na," sabi ni Irene at umikot para makasakay na sa passenger seat. "Kahit magpaikot-ikot lang tayo."

 

"Aksaya naman sa gas," tugon ni Wendy. Pumasok na rin ito sa loob ng kotse at pinaandar na ang sasakyan. "How about magdrive thru tayo sa McDo tapos tambay sa park?"

 

Sasang-ayon na sana si Irene nang biglang magsalita si Wendy.

 

"Or nabusog ka sa dinner date mo?" Dugtong nito at nilingon siya habang nagmamaneho, "Nag-enjoy ka?"

 

"Please," pakli ni Irene at umirap. Iniharap niya ang katawan kay Wendy at sinandal ang likod sa pinto ng kotse. Humalukipkip siya at pumadekwatro. 

 

"What?"

 

"It's not a date. Nagmilktea lang kami. Ako pa nga ang nagmukhang thirdwheel dahil sumama si Lisa," paliwanag niya. "Ang kulit nilang dalawa. Bagay sila."

 

"So hindi ka pa nagdinner?"

 

Tumaas ang kilay niya, "Are you changing the topic?"

 

"What? No," litong sabi ni Wendy, "Concerned lang ako."

 

Kita ang amusement sa mukha ni Wendy dahil sa patuloy na panlilisik ng mata ni Irene. Natawa ito at kinagat ang labi, "We will talk about it, okay? Hindi ako tatakas, don't worry."

 

Well, talaga namang hindi papayag si Irene na makatakas pa si Wendy. Dinantay niya ang ulo niya sa headrest at pinagmasdan ang libero na may kinakapa mula sa backseat.

 

"Siguraduhin mo," matama niyang sabi. "Hindi tayo uuwi hangga't hindi tayo."

 

Inilapag ni Wendy ang jacket sa hita niya habang tumatawa, "Agad-agad?"

 

"Pwede mo naman bukas mo na ako iuwi, Linggo naman."

 

"Tangina," bulong nito. Kita ni Irene ang pamumula ng pisngi at tenga nito mula sa mga poste ng ilaw na nadadaanan nila. "Gutom lang 'yan."

 

Nabalot sila ng katahimikan hanggang sa makarating sila at makaorder ng pagkain sa drive thru ng McDo. Ngayon na lang uli naramdaman ni Irene ang maging komportable sa presensya ni Wendy, na hindi nag-aalangan na baka sa isang kilos o salita niya lang ay biglang mawala ang libero sa tabi niya.

 

Tinanggal niya ang wrapper ng chicken sandwich at ibinigay kay Wendy. Tumanggi ito bago dumukot ng fries, "Mamaya na."

 

"Hawakan mo na," pagpilit ni Irene, "Susubuan na lang kita ng fries."

 

Para-paraan. Napakagilas talaga.

 

Napailing na lang si Wendy at sinunod ang utos niya. Pinanuod ni Irene na kumagat ito sa sandwich kaya't hindi niya mapigilan ang kamay na pisilin ang matambok nitong pisngi. The libero whined kaya binitawan na niya ito.

 

Ilang sandali lang ay nakarating na rin sila sa park. Pumarada si Wendy sa may tapat ng poste ng ilaw. May ilang mga naglalakad at nakatambay din sa gilid. Wala silang kibo habang kumakain at wala namang kaso kay Irene 'yon. 

 

Okay na siya basta kasama niya si Wendy. Pero syempre, ang agenda for tonight ay ang makapag-usap sila bago pa man ang lahat.

 

"So…"

 

"Actually, hindi ko talaga alam kung saan magsisimula…" Pag-amin ni Wendy, "May mga bagay na wala ako sa lugar para sabihin…"

 

Napangiti si Irene, hulog na hulog na naman siya. Wendy is so thoughtful and considerate. Tinutukoy siguro nito si Rosé.

 

"I know. It's fine. How about I ask na lang then you answer?" Mahinahong tanong ni Irene. "Honestly."

 

Tumango si Wendy habang umiinom ng coke float. Inubos na ni Irene ang burger na kinakain niya at itinuon na ang buong atensyon sa libero.

 

First things first.

 

"'Yung sinabi mo kanina… when we were talking sa sideline…" Kinagat ni Irene ang labi niya at diretsong tinignan si Wendy. "Did you mean it?"

 

"I did," matamang sagot ni Wendy at nakumpirma ito ni Irene sa makinang nitong mga mata. "I do. I want you all to myself."

 

Kahit pangalawang beses niya na itong narinig ay ganon pa rin ang epekto nito sa kaniya, if not more. Bumilis pa rin ang tibok ng puso ni Irene at napaawang ang labi niya dahil sa kaniyang pagsinghap.

 

"When I realized that, no'n nagulo lahat. Hindi ko pala kayang panindigan. Para akong nakikipag-away sa sarili ko kasi I couldn't let go of my feelings for you pero ayokong maging gagong kaibigan," litanya ni Wendy.

 

Kinuha niya ang kamay ni Wendy at kinanlong sa kanyang hita. Marahan niyang binalangkas ang bawat guhit sa palad nito. Matiyagang naghintay si Irene na mahanap ni Wendy ang tamang salita para maihayag nito ang nais sabihin. Huminga ito nang malalim bago magpatuloy. 

 

"Gulong-gulo lang ako. I couldn't choose a side. I didn't want to. Akala ko kaya kong magstay sa gitna. Pero niloloko ko lang sarili ko," pagak itong tumawa. "The more I push her to you, the more I want to pull you closer to me."

 

"Seungwan…"

 

"I hate myself for confusing you. Hindi ko sinadya. I didn't notice na nahihirapan ka rin sa sitwasyon. Na naguguluhan ka rin. I'm really sorry for that."

 

Hindi alam ni Irene kung ano ang dapat sabihin. Hinatak na lang niya si Wendy at niyakap nang mahigpit ang libero. Hinaplos ni Irene ang buhok at malapad na likod nito habang nakasiksik ang mukha ni Wendy sa kaniyang leeg.

 

"Thank you for acknowledging it, kasi I was really hurt. Akala ko may nagawa akong mali. And I thought maybe... you don't want me anymore."

 

Pagkasabi niya non ay marahas na kumalas si Wendy sa yakap niya at umiling. "No, no! , hindi 'yon—"

 

"I know, Wan, I understand," malumanay niyang sabi. Hinaplos niya ang pisngi ni Wendy, "And I'm sorry din for cornering you kanina sa game. Not an ideal time and place to talk pero I was desperate."

 

Umayos na ng upo si Wendy sa driver's seat at muling uminom ng float, "You must've been really frustrated."

 

"Yes. God, muntik na akong masiraan ng bait," mahangin niyang sabi at marahas na sumandal sa upuan, "Buti na lang talaga may lahing chismosa si Lisa kaya narinig niya tayong nag-uusap kanina. Siya na nagkwento lahat sa'kin."

 

Umalingawngaw sa loob ng kotse ang halakhak ni Wendy. Hindi naman mapigilan ni Irene ang pagngiti. Patuloy pa rin ang pagguhit ng hinlalaki niya sa likod ng kamay ng libero.

 

"Bakit ka nga pala pumayag na ilakad si Rosé?" Tanong ni Irene nang maalala niya. Sa totoo lang, hindi na siya nagtaka na pumayag nga ito. Gano'n talaga si Wendy eh, tipong uunahin ang iba bago ang sarili niya. "And tinuloy mo pa rin kahit sabi ni Lisa 'wag na?"

 

"Oh, I don't know…" Wendy shrugged, "'Di ko na rin maalala kung anong pumasok sa isip ko no'ng time na 'yon. Maybe deep inside kinakain ako ng insecurities ko na I don't deserve you. Na baka nag-aassume lang ako na may something kahit wala naman."

 

"Baka pwedeng pasapak, isa lang." Hindi niya maipigilan ang sarili dahil sa mga naririnig niyang katarantaduhan na lumalabas sa bibig ni Wendy.

 

"Bakit?" Natatawang ilag ni Wendy nang umangat ang kamay ni Irene, "Teka, hoy! Aba, malay ko ba? Aray! Nagkakasundo naman na kasi kayo so I thought I was doing the right thing!"

 

"Are you ing serious?!"

 

"…Yes?"

 

"What the ? And here I thought we were on the same page!" Hindi niya makapaniwalang sabi. "Nakita mo ba akong nanghiram at nagpahiram ng shirt sa kahit kanino sa team natin bukod sa'yo? Sa iba ba ako sumasabay pauwi before this happened? You think kung sino-sino lang ang pinapasok ko sa apartment and hinahayaan kong matulog sa kama ko?"

 

Hindi kumibo si Wendy kaya't pinagpatuloy ni Irene ang pagsasalita.

 

"You think papayag akong magsayang ng oras at tumambay sa building niyo para lang samahan at panuorin kang gumawa ng thesis when I didn't even have a class that time?"

 

"Uhm, baka kasi you don't have anything to do?"

 

"Bull," natatawa niyang mura, "You know how much I love to stay at home pero isang text mo lang, nagkakandarapa ako papunta sa'yo."

 

"Gano'n din naman ako sa'yo?"

 

"Exactly!" Napasapo na lang si Irene sa ulo niya. Pumikit siya nang mariin dahil kumukulo ang dugo niya sa sobrang manhid ni Wendy. "Sa'yo ko lang ginagawa lahat 'yon."

 

"Uhh… I'm sorry…?"

 

Nag-angat ng mukha si Irene at nilingon si Wendy. Nakanguso ito at bahagyang nakayuko, minamasdan siya gamit ang nagsusumamong mga mata. Napabuntong-hininga na lang si Irene at umiling.

 

"Pasalamat ka na lang talaga na mahal kita."

 

Agad na umaliwalas ang mukha ng libero at ngumiti nang malawak, "Thank you."

 

Isang sapak pa, last na. 

 

"'Yon na 'yon?! Taragis talaga." 

 

Hinalikan nito ang likod ng kanyang kamay habang bumubungisngis. Ligayang-ligaya na makita ang asar niyang mukha. Napakagaling mang-inis ni Wendy. Stressemé na ang ate mo Ayren. 

 

"Mahal din kita."

 

Pero napakagaling namang bumawi. Hindi na rin niya mapigilan ang paglapit kay Wendy.

 

"Can I ask you one more thing?"

 

"Yeah?"

 

"Be mine?"

 

Nagulat si Wendy, "Agad-agad?"

 

"Seryoso ako no'ng sinabi kong hindi tayo uuwi hangga't hindi tayo."

 

Kinagat ni Wendy ang labi nito at mukhang nag-isip. Bumaba ang tingin ni Irene roon at mas lalo pang dumukwang papalapit. 

 

"Would you mind if I talk to Rosé first?"

 

Agad na natauhan si Irene, "Right… Of course. Sorry. I just… really want to—"

 

Bago pa man makalayo si Irene ay pinigilan siya ni Wendy. Hinila siya nito palapit gamit ang kamay nilang magkasalikop. Napakapit si Irene sa balikat nito nang dumausdos ang malayang kamay ni Wendy paikot sa kaniyang bewang para alalayan siya.

 

"I want to kiss you too. Can I?"

 

Dumampi ang mainit na hanging ibinuga ni Wendy sa kaniyang labi nang magsalita ito. Marahang pumikit si Irene bilang pagsang-ayon at ilang sandali lang ay naramdaman na niya ang malambot na labi ni Wendy.

 

Parang kakawala ang puso niya mula sa dibdib sa sobrang bilis ng pagkabog nito. Parang sasabog ang baga niya sa kawalan ng hangin. Parang sinabuyan ng asin ang mga insekto sa sikmura niya. Para siyang nilalagnat sa init ng pakiramdam niya.

 

Nalukot na ang damit ng libero sa may bandang balikat dahil sa paghigpit ng kapit ni Irene. Nang tumagilid ang ulo ni Wendy para laliman ang halik ay napaungol siya. Ramdam niyang ngumiti ito at bumungisngis.

 

Marahan niyang sinuntok ang dibdib nito at tuluyan na itong natawa. Namula ang mukha ni Irene dahil sa hiya at pagkaasar.

 

"Namumuro ka na sa'kin ha," saad ni Irene at tuluyan nang lumayo. Umayos na siya ng upo sa shotgun at lumingon sa gilid, pilit pinapakalma ang sarili.

 

Nang may dumamping malamig sa braso niya ay inis siyang lumingon kay Wendy. Hawak nito ang coke float na hindi pa ubos at marahang inalog. Mayabang ang pagmumukha nito at parang gusto niyang burahin ang mapang-asar nitong ngiti gamit ang labi niya.

 

"Oh," mahangin na sabi nito, pilit inaabot ang inumin, "Pampacool down."

 

"Manahimik ka."

 

*****

 

They're now preparing for the second game of the finals tomorrow. The first one, naipanalo nila sa loob lang ng four sets. And kapag nanalo sila bukas, isang kembot na lang next week at sila na ang champion ngayong season.

 

"Joohyun!"

 

Agad na ibinigay ni Irene ang bola kay Seulgi nang humingi ito. Iniwasan ng opposite hitter ang block ni Lisa at Jisoo through a cross-court hit. The ball caught the line.

 

"Iba talaga!"

 

"Good placement, Seul!"

 

"Isa na lang! Deuce ko rold!"

 

Nagkumpol sila para paulanan ng compliments at pointers ang isa't isa. Since hindi nakasali sa official list ang mga recruits, next season pa sila makakalaro. So it's the first six against the half of the team. 24 - 23 ang score. Kaya pang makahabol.

 

"Nice set, Hyun," bulong ni Wendy, lightly tapping the small of her back. Humarap si Irene sa libero at nginitian ito nang matamis.

 

"Alam niyo minsan, naiisip ko na sana hindi na lang kayo nagkabati," sapaw ni Moonbyul, "Mas nakakaumay kayo ngayon."

 

Nagtawanan na lang sila at bumalik na sa kaniya-kaniyang pwesto. Umiiling na naglakad si Irene patungo sa service line.

 

Bumalik na sila sa dati. Well, not really. Sabi nga ni Moonbyul, mas nakakaumay sila ngayon. Dahil nagkaayos na sila at medyo umusad, wala nang pumipigil sa kanilang dalawa. Hindi sila mapaghiwalay, mapaexercises man, drills or sa game mismo. Kahit habang nagpapahinga, magkadikit sila lagi.

 

Irene swung her right hand to hit the ball. Agad siyang pumasok sa loob ng court at pumwesto sa bandang gitna. Rosé received the ball and smoothly passed it to Jennie. 

 

Masaya si Irene sa lagay ng team nila ngayon. Rosé approached her one time to confess and apologize. Tama nga si Lisa, the tall girl blamed herself for the things that had happened.

 

"Sorry, Cap," sabi ni Rosé na mukhang papaiyak na. "Pasensya na kung nakaabala ako sa pagmamahalan niyong dalawa."

 

Pinigilan ni Irene na matawa sa itsura nito at niyakap na lang si Rosé, "No… You don't have to be sorry. Hindi mo naman alam—"

 

"No! I feel like a bad friend. Dapat napansin ko na may something kayo ni Wends una pa lang!" Kumalas si Rosé sa yakap niya at nagtaas ng kamay, "It's just a simple crush, Cap! Promise! Wala akong balak na i-pursue ka or anything! I just really admire the way you lead the team…"

 

"Thank you. I really appreciate you, Rosé," Irene softly said. Kinurot niya ang matambok nitong pisngi, "Si Lisa ang awayin mo mamaya, siya talaga ang pasimuno."

 

"Aawayin ko talaga 'yon! Mamaya!" Pagalit nitong sabi pero agad ding sumimangot, "Pero 'wag kang magalit kay Lisa, Cap… I'm sure she didn't mean any harm…"

 

Tuluyan nang natawa si Irene at umiling, "Bagay talaga kayo."

 

Natauhan na lang si Irene sa malakas na tunog ng pagpalo ni Hwasa sa bola. Lumusot ito sa block ni Moonbyul at Yeri. Nataranta siya bigla.

 

"Mine!"

 

Sabay pa silang napalingon ni Wendy sa isa't isa. Bahagyang namula ang libero at paniguradong ganon din si Irene. Natuod sila parehas dahil sa kilig.

 

Nalimutan na nilang naglalaro sila. Bumagsak ang bola sa gitna nilang dalawa.

 

Talo sila.

 

"Tignan mo 'tong mga baklang 'to," nanggagalaiting sabi ni Joy.

 

Ngiting tagumpay pa rin naman si Irene.

 

*

 

Matapos magkaladyaan dahil sa nangyari ay iniligpit at inayos na nila ang mga ginamit bola at net. Habang nagpapahinga ay nagbigay ng pointers si Taeyeon para bukas. Pinaalalahanan sila ng coach na 'wag dalin ang kalandian sa court. Napayuko na lang silang dalawa ni Wendy sa hiya.

 

"Maaga pa," sabi ni Wendy sa kanyang tabi. Sabay silang naglakad patungo sa parking lot. Nakatingala ito at minasdan ang kahel na langit bago lingunin si Irene. "Saan mo gustong pumunta? Or gusto mo nang umuwi?"

 

Pinatunog ni Wendy ang sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Hindi mapigilan ni Irene ang kiligin. And you know what she deserves after a tiring day?

 

"Ice cream?"

 

Dessert. Sweet, sweet dessert.

 

Tumango si Wendy at inarangkada na ang sasakyan. Ilang kanto lang naman ang layo ng ice cream shop mula sa university kaya agad din silang nakarating. Si Irene na ang nagkusang bumaba para bumili.

 

"Rainbow sherbet sa'kin," sabi ni Wendy at inabot ang wallet nito. 

 

Hindi ito kinuha ni Irene, "Ako na."

 

"Sure?"

 

Ngumiti sya nang nakakaloko, "Yes."

 

Kumunot ang noo ni Wendy sa kinikilos niya kaya agad na siyang bumaba. Mabuti na lang at konti ang tao kaya agad siyang nakabalik bitbit ang dalawang cone ng ice cream.

 

Pinagbuksan muli siya ni Wendy ng pinto at inabot ni Irene ang pinabili nito. Nang makaayos ng upo ay agad niyang tinikman ang biniling ice cream. Nakita ni Wendy ang flavor nito ay suminghap ito nang malakas.

 

"What? Why?" Painosenteng tanong ni Irene. 

 

Hawak ni Irene ang ice cream malapit sa bibig. Pinigilan niya ang halakhak na gustong kumawala dahil sa itsura ni Wendy na puno ng panghuhusga sa kababalaghang gagawin ni Irene. Nang dilaan ni Irene ang ice cream ay napamura si Wendy.

 

"Tangina?"

 

"Bakit ba?" Natatawang sabi ni Irene, "Ano bang problema mo? Ba't hindi mo pa kainin 'yang iyo? Nalulusaw na."

 

Hindi siya nito pinansin at patuloy lang sa pagtitig sa kaniya habang kumakain. Ramdam niya ang panghuhusga sa titig nito kaya't tinuloy niya ang planong asarin si Wendy.

 

"Seryoso ka?" Nagtatakang saad ni Wendy na parang nahihibang na si Irene, "Mint choco?"

 

"What? Masarap naman ah?" Inilapit ni Irene ang hawak kay Wendy, "Wanna try?"

 

" no!" 

 

Wendy her own sweet treat bago paandarin ang sasakyan. Matamis na halakhak ni Irene ang bumalot sa kotse habang patuloy niyang inaasar si Wendy.

 

"Akin na, hawakan ko."

 

"Siguraduhin mong 'yung akin 'yang ipapakain mo sa'kin," matigas na sabi ni Wendy habang malikot ang ulo na pabalik-balik ang lingon kay Irene at sa kalsada, "Subukan mo lang."

 

"Rainbow sherbet 'to!" Pagtawa ni Irene. "Ayan oh! May pink!"

 

Nanlilisik ang mata ni Wendy sa kaniya at sa hawak niya. Nang masiguradong totoo nga ang sinasabi ni Irene, ibinuka na nito ang bibig para maisubo ni Irene ang ice cream.

 

Sarap talagang asarin ng mahal niya.

 

"Hindi ako makapaniwala na bet mo 'yang flavor na 'yan," sambit ni Wendy nang makarating sila sa park para tumambay uli. "Lasang toothpaste kaya!"

 

Sinabayan na siyang kumain ni Wendy, pero imbes na magfocus ito sa sariling dessert ay madalas itong lumilingon kay Irene. Lukot ang mukha nito at parang diring-diri sa nakikita. 'Yung tingin ni Wendy kay Irene, parang nahulog siya sa imburnal at nakatapak ng tae ng kalabaw. Ganong levels ng pandidiri.

 

Hindi na talaga mapigilan ni Irene ang manggigil kay Wendy dahil sa sobrang cute nito. Pinisil niya ang matangos nitong ilong. Plano niya rin sanang magtanim ng halik sa pisngi nito pero agad na umiwas si Wendy.

 

"Kikiss lang ako?!"

 

"Ayoko! Maaamoy ko! Ilayo mo 'yan sa'kin!"

 

"Hay nako, ewan ko talaga sa mga tastes mo."

 

"Luh, eh mahal nga kita."

 

Nabilaukan si Irene. Bilis ng karma talaga. Naubo siya at agad namang nag-abot ng tubig si Wendy. Pabigla-bigla naman 'tong gagong 'to. Walang alarm, walang anything.

 

"Che, ewan ko sa'yo." Muli siyang kumain ng ice cream. Tumawa lang si Wendy at hinaplos ang likod niya. Napasandal si Irene at umirap, "Mahal din kita."

 

"Pero ew pa rin 'yang mint choco."

 

"Tikman mo kasi!"

 

"Natikman ko na nga 'yan dati!" Pag-iwas ni Wendy sa nakaangat na kamay ni Irene na hawak-hawak ang ice cream, "Sabi ni Joy, buko pandan flavor na may choco chips! Tangina no'n!"

 

Nasamid si Joy bigla habang nagd-date sila ni Seulgi. Pero hindi na natin ik-kwento 'yon.

 

"Ayaw mo talaga?"

 

"Ang kulit mo."

 

"Come on, Wan," pagpilit ni Irene. May nabubuong plano sa utak niya. "You can learn to like it!"

 

Marahas na umiling si Wendy at pinagpatuloy ang pagkain ng rainbow sherbet ice cream niya, "Respetuhin mo na lang ako at ang dila ko, Bae Joohyun."

 

Muntik pang sumubsob sa dashboard si Irene dahil sa sobrang pagtawa. Masakit na ang panga at tiyan niya. Ilang sandali rin bago siya makarecover.

 

"Promise," saad ni Irene at nag-angat ng kamay, "Effective 'tong plano ko."

 

Pumalatak si Wendy, "'Di ka talaga titigil?"

 

Umiling si Irene. Maraming beses siyang inire ng nanay niya kaya natural lang na makulit siya. Saka hindi siya papayag na hindi niya magawa ang plano. Deserve niya 'to after ng nakakapagod na training.

 

"O sige," pagbawi ni Irene, "Kapag pumayag ka, tayo na."

 

"Tangina, ang daya naman!" Malakas na angal ni Wendy.

 

Hindi business course ang kinukuha ni Irene at hindi rin siya ang captain ng volleyball team for nothing. Kailangan talagang magaling siyang makipagnegotiate. Kailangan mautak. 

 

"So?"

 

"Do'n din naman tayo papunta so okay lang kahit hindi ako pumayag."

 

"Sure ka?"

 

Napabalikwas si Wendy. Muntik pa nitong mahulog ang hawak, "Tangina?"

 

Tumawa lang si Irene nang mabilisang isinumpak ni Wendy ang natitirang apa at nagpagpag ng kamay. Nang tumitig ito sa kaniya ay ngumiti nang nakakaloko si Irene. Marahan niyang dinilaan ang ice cream na tumulo sa apa na nalusaw na dahil sa bangayan nila. 

 

Ramdam ni Irene ang mata ni Wendy na nakatingin sa labi niyang nakadikit sa sorbetes. Halos hindi na niya makita ang panghuhusga sa mukha nito. Napalitan na ito ng pagkahumaling habang pinapanuod si Irene na kagatin at dilaan ang ice cream.

 

Nang maubos iyon ni Irene ay nagpagpag din siya ng kamay. Napaismid siya nang makitang nakatulala si Wendy, malamlam ang mata at bahagyang nakaawang ang bibig.

 

"Come kiss me, love."

 

Hindi na nagsayang ng oras si Wendy at agad nitong pinagtagpo ang mga labi nila. Kiss is sweeter the second time around talaga. Kung mali man ang quote, 'wag niyo nang tanungin si Irene. Busy siyang maiparamdam kay Wendy ang pagmamahal niya gamit ang mga labi niya.

 

Napasinghap siya nang marahang kagatin ni Wendy ang lower lip niya. Wendy took the chance to let her tongue slide in her lover's warm mouth. Malalim ang halik ni Wendy, tipong kinikilala at nilalasahan ang bawat sulok ng kaniyang bibig.

 

Pinalupot ni Irene ang mga braso niya paikot sa leeg ni Wendy. Hinigit niya ang libero palapit hanggang sa mapasandal na siya sa upuan. Napakapit ang isang kamay ni Wendy sa balakang niya at ang isa naman ay nakatukod sa upuan para suportahan ang bigat nito.

 

Ilang sandali pa ay tinulak na ni Irene ang dibdib ni Wendy. Masyado pang maaga para magkasala. Marahan siyang dumilat para tignan ang reaksyon ni Wendy. Effective naman yata ang plano niya dahil mukhang nag-enjoy ito sa momol sesh nila. Nakapikit pa rin ito at mukhang lasing pa sa nangyari.

 

Wendy's lips were so red and a bit swollen. Hindi nakapagpigil si Irene na muling halikan ito, "How is it?"

 

Idinilat ni Wendy ang mapungay nitong mata at maliit na ngumiti, "Lasang toothpaste pa rin."

 

Very romantic.

 

Sinuntok niya ang balikat nito at tumatawa itong napaupo sa driver's seat. Gusto niyang hampasin ang ulo nito, tutal ay kasing bilog naman ng mukha ni Wendy ang bola ng volleyball.

 

"Tangina mo."

 

"Isa pa nga."

 

"Ayoko na!" Pag-iwas ni Irene sa kamay ni Wendy. Hinampas niya ito palayo, "Taragis na 'to."

 

"Bilis na! Kunwari ka pa eh," pang-aasar ni Wendy. Napatili na lang si Irene nang bigla itong dumukwang palapit, "Gusto ko lang masure kung mas kalasa ba 'yung Colgate o Closeup."

 

"Ewan ko sa'yo, Son Seungwan!"

 

 

a/n part two: sobrang haba i know i'm sorry hindi ko rin inexpect na magiging ganito kahaba huhu pasensya na kung mejj magulo or boring hindi ako confident about this one pero sayang if hindi ko ipost hahahahha ayern belated happy wenrene day!

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pajamagirl
#1
Chapter 6: Nanood ako ng haikyuu para maintindihan ko ng bongga HAHAHAHA
Ghad20
#2
Congratulations on the bid
wenrenes
#3
Chapter 7: welcome back, author! looking forward to this 😩 sana may manlibre sayo lods sa r to v
reveclean
#4
Chapter 7: crowd funding authornim!para sa rv con!para sa next chapter 💪
todayis_wenrene #5
Chapter 6: gago tawang-tawa ako dun sa “mine!” tapos natalo sila 😆 bawal malandi sa game 😆😆😆
wenrenehousemates #6
Chapter 7: Authornim please I suggest crowd funding po! You’re one of the best wenrene authors I know kaya sigurado akong maraming willling mag fund sa stories mo!
wnandehy
#7
Chapter 2: LAWRD ANOBAYAANNN ANLUNGKOT ;)+:);()!!!(!(!!!(
todayis_wenrene #8
Chapter 2: bakit ako napadpad dito at ito naisipan kong unang basahin na chapter?? 😭 gusto ko lang naman magpa-antok author, bakit ang heavy..
LockLoyalist
#9
Chapter 7: tuloy po please hahaha
SEEKER_
#10
Chapter 1: Why naman ang cutie ni wends pag may sakit. Si majaaam ang rupok amp