mayonnaise (part one)

just this

"Pumili ka, Irene."

 

"Hmm," pag-hum niya habang naglalakad patungo sa cafeteria, "Kahit ano naman."

 

"Shuta 'to," asar na sabi ni Yongsun, "Baka 'pag tinoka ko sa'yo 'yung graph eh ngumawa ka?"

 

"'Wag naman gano'n, mars," biro ni Irene sabay hampas sa braso ng katropa.

 

"Si Changsub kasi intro ang bet. Balak kong ibigay kay Minho 'yung computation kasi magaling naman 'yon sa math. Mamaya ko pa lang tatanungin si Kibum pagdating natin."

 

"Sige, kahit ano na," pagsawalang bahala ni Irene, "Kung ano na lang matira."

 

Nilingon siya ni Solar, "Sure ka?"

 

Mabibilang lang sa dalawang kamay ang mga bagay na kung saan sigurado si Irene. Bukod sa sure siyang maganda siya, alam niya rin na favorite siya ni Lord. Oh, dalawa na agad 'yon.

 

Tumango si Irene kay Yongsun at nauna nang maglakad.

 

Ewan. Hindi niya rin alam kung bakit puno siya ng pagdududa sa mga bagay-bagay. O kung hindi naman, wala lang talaga siyang pakielam kasi hindi naman ganoong kahalaga kung ano maging desisyon niya. Hindi kasinghalaga ng iba.

 

[07/24 Fri, 12:15] Seungwan: sorry, hyun. ot uli si sir :(

 

"Oh? Tatayo ka na lang dyan?"

 

Napabalikwas si Irene at napagtantong nakarating na sila sa table ng mga kaibigan na nagsisimula nang kumain. Kahit si Yongsun ay nakikiagaw na kay Kibum.

 

"Hoy! Bumili ka ng iyo!"

 

"Isa lang naman! Damot nito," irap nito sabay subo ng nadekwat na orange waffle with quail egg, "'Di man lang kasi nagpasobra, alam namang nakipag-usap pa kami kay ma'am eh."

 

Hindi na marinig ni Irene ang pagtatalo ng dalawa dahil nagtungo na siya sa counter. Buti na lang at maikli lang ang pila.

 

"Ate, isang order po ng sisig saka chicken fillet. Tapos tatlong rice," order niya matapos maghintay ng ilang saglit. 

 

Hindi naman sa pagmamadali pero panay ang tingin ni Irene sa kaniyang relo, pati na rin sa phone. Habang nagpapalipas-oras ay tinatapik-tapik pa niya ang paa sa sahig dahil hindi siya mapakali.

 

"Salamat po," sabi ni Irene sabay lapag ng saktong bayad kaya't agad siyang tumalikod matapos makuha ang binili.

 

"Biglaan ka namang nawawala," saad ni Changsub nang bumalik siya, "Ba't umorder ka uli? Eto na 'yung iyo, oh?"

 

Ngumiti na lang si Irene bilang pasensya, "Sorry, bayaran ko na lang mamaya. Sige, akyat lang ako."

 

"Baklang 'to?! Hindi ka rito magl-lunch?"

 

"Tanga, kita mo na ngang may takeaway. Nilayasan na agad tayo eh."

 

"Eh kung may jowa rin ako, hindi ko rin kayo pagtitiisan na kasamang kumain."

 

"Eh ba't si Yong?"

 

"Bakit? Kapag ba kasabay ko maglunch 'yong mokong na 'yon magiging lechon 'tong sisig ko?"

 

"Gaga 'to!" 

 

"Kapagod kaya pumunta sa CAS. Ang init, sayang pa oras."

 

Kahit natatawa sa naririnig na usapan ng barkada ay hindi na lumingon si Irene. Dire-diretso siyang naglakad sa ilalim ng tirik na araw, tanghaling tapat. Sinong tangang lalabas ng ganitong oras? Eh kung hindi niya piniling umalis, busog na sana siya ngayon sa pagkain at tsismis.

 

Pero isa sa mga bagay na sigurado si Irene...

 

Na kapag si Wendy ang isa sa pagpipilian, kahit mali ay iyon pa rin ang magiging sagot niya.

 

Kahit ilan pang baitang ng hagdan ang aakyatin niya. Kahit kumukulo na ang tiyan niya lalo na't nalalanghap niya ang amoy ng ulam na bitbit. Kahit pa halos murahin niya na sa kaniyang utak ang prof nila Wendy kasi tangina? Pa'no na lang kung malipasan ng gutom ang mahal niya?

 

Kabado pa siya na baka magkasalisi sila pero buti na lang at sakto lang ang dating ni Irene. Nakasalubong pa niya ang tinutukoy na prof at dahil hindi siya pinalaking bastos ay binati niya ito at nginitian nang maliit.

 

"Hyun?"

 

Lumawak lang ito sa sandaling narinig niya ang gulat ngunit malambing na boses ni Wendy. Nag-angat siya ng tingin at nakita ang nanlalaki nitong mata, nakataas na kilay at bahagyang nakaawang na bibig.

 

Kung wala lang tao sa hallway ay nagnakaw na si Irene ng halik. Kinagat na lang niya ang labi at itinaas ang bitbit na lunch, "Tara sa loob?"

 

Natatawang umiling si Wendy, may kakaibang kinang sa mga matang diretso ang tingin kay Irene.

 

"Boi, tara na sa baba," malakas na tawag ni Sehun kay Wendy na agad namang napatigil nang makita siya, "Ay hello, Ate Irene."

 

Saglit na nanlamig ang pakiramdam ni Irene nang magtama ang mga mata nila ng isa pang lalaking kaibigan ni Wendy. Diretso at matalim ang titig ni Jongin sa kaniya bago nag-iwas ng tingin at itinulak na si Sehun paliko ng hallway.

 

Saka lang lumuwag ang dibdib niya nang tuluyan nang nawala sa paningin niya ang dalawang lalaki. Doon niya napagtantong kanina pa siya nagpipigil ng hininga. 

 

"Ang daya naman!" Nagbalik sa katinuan si Irene nang biglang may umakbay sa kaniya. Muntik pa siyang mapatili. "Bakit si Wends lang ang may lunch?"

 

Siniko niya si Joy at ang bugak ay tumawa lang, "Bakit? Jowa ba kita?"

 

"Nyenye," pang-aasar nito at hinatak na si Seulgi na tinapik muna si Wendy sa balikat bago magpatianod sa hila ng jowa, "Kaumay kayo."

 

Nang maiwan na sila ay hinawakan ni Wendy ang kamay niya at dinala siya sa kabilang dulo ng hallway. May ilang estudyante rin na nakatambay sa silid pero ayos lang dahil mas tahimik at mas may privacy kuno kumpara sa cafeteria.

 

"Bakit pumunta ka pa rito?" Tanong ni Wendy na nagsimula nang kumain, "Kanina pang 11:30 ang lunch break niyo ah?"

 

"Hmm, wala lang," sagot niya. Gamit ang dulo ng daliri ay pinunasan ni Irene ang sauce sa gilid ng labi ni Wendy at isinubo sa sariling bibig. Matapos ay ngumiti siya na parang kinikilig, "Gusto ko lang."

 

Pigil ang tawa ni Irene nang marinig ang tunog ng paglunok ng girlfriend niya. Napatingin siya sa namumulang mukha nito, "Sarap pala ng ulam mo."

 

Pumalatak si Wendy, "Ni hindi ka nga kumakain ng manok."

 

"May iba namang paraan para matikman."

 

"Joohyun…"

 

"Bakit? Ayaw mo bang tikman 'yung sisig ko?" Painosente niyang tanong at ipinatong ang kaliwang kamay sa hita ni Wendy na muntik pang mabilaukan.

 

Agad na nag-abot ng tubig si Irene habang tumatawa. Baba't taas niyang hinaplos ang likod ni Wendy na nanlilisik ang matang nakatuon sa kanya habang umiinom.

 

"Ano ba 'yan, wala pa nga akong ginagawa na-choke ka na agad."

 

Napatingala na lang si Wendy sa sobrang panggigigil at pagpipigil, "Tangina…"

 

Dumausdos ang tingin ni Irene mula sa nakaigting na panga nito pababa sa makinis na leeg. Nagwawala ang mga insekto sa tiyan ni Irene habang iniisip kung hanggang saan inabot ang pamumula ng balat ni Wendy.

 

"Mamaya ka sa'kin," banta nito at si Irene naman ang nagkulay rosas.

 

"Oof, scary," bawi niya sabay kindat. 

 

Iniligpit na niya ang pinagkainan nila at muling inilagay sa paper bag para itapon sa labas. Nang makabalik ay itinabi niya ang upuan kay Wendy at saka siya sumandal sa katawan nito. Agad naman siya nitong niyakap.

 

Tumikhim si Irene, "Pero ekis ako mamaya kasi may meeting kami nila Yong after class." 

 

Kinabahan si Irene nang maramdamang napatigil si Wendy na agad din namang nakabawi.

 

"So hindi ka sasabay sa'kin pauwi?" Umiling siya at napapikit nang maramdaman ang labi ni Wendy sa kaniyang ulo, "Bukas na lang?"

 

Tumango si Irene at tinapik ang braso ni Wendy na nakakapit sa bewang niya. Walang salitang bumitiw ito para pagsalikupin ang mga kamay nila. May kaunting pagnginig ngunit mahigpit, walang pag-aalinlangan, sigurado.

 

Sigurado si Irene na ang bahagyang magaspang ngunit mainit na palad ni Wendy ang pipiliin niyang mahawakan habang buhay.

 

"Bukas na lang."

 

*****

 

Pero bago nila marating ang dulo, kailangan muna niyang magsakripisyo.

 

[07/24 Fri, 21:43] Joohyun: love?

 

Walang ibang gustong gawin si Irene kundi itulog na lang ang lahat. Pagod na ang katawang lupa, isipan at damdamin niya na haraping mag-isa ang lahat. Pero wala naman siyang masisi dahil ginusto niya 'to. 

 

[07/24 Fri, 21:45] Seungwan: hmm? bakit gising ka pa?

 

[07/24 Fri, 21:46] Joohyun: can i call? i miss you…

 

Wala pang isang minuto ay nagvibrate na ang phone niya. 

 

"Hey, love," malambing na bati ni Wendy.

 

Kasama ng hanging ibinuga ni Irene ang lahat ng pagod at pangamba na nararamdaman niya. Sa isang salita lang ni Wendy ay gumaling na si Irene. 

 

At ang atin pong itutugon: Amen.

 

"Hyun?"

 

Sa tuwing maririnig niya ang kaniyang pangalan mula sa mapupulang labi ni Wendy, tumitibay ang paniniwala niyang magiging worth it lahat sa huli. Ramdam ni Irene na kaya niya na ulit harapin ang bukas. 

 

Basta't silang dalawa. Bahala na.

 

"W-Wan…"

 

Narinig siguro ng nasa kabilang linya ang panginginig ng boses niya, "Love? What's wrong?"

 

"Wala," iling ni Irene kahit hindi makikita ni Wendy, "I just… Gusto lang kitang makausap."

 

Natawa ito, "'Kala ko mas bet mo texts?"

 

"Gusto kitang marinig. Gusto kitang makita." Bumuntong hininga si Irene at dumapa, pilit ibinabaon ang sarili sa maluwang at malamig na kama, "Mahawakan, mayakap, mahalikan…"

 

Nakakasuka. Parang gustong ilabas lahat ni Irene ang lahat ng kinain niya nitong dinner, kasama ang lahat ng hinaing at dinaramdam. Gusto niyang lumaya at tumakas sa lahat ng pumipigil sa kaniya—sa sarili niya.

 

"Joohyun… You know you can tell me anything, right?"

 

Halos tumalon ang puso ni Irene, "I-I know."

 

"Wala ka bang gustong sabihin sa'kin?"

 

Marami.

 

"Wala naman, Wan."

 

Pero isang malaking duwag si Irene.

 

"Sigurado ka?"

 

Pumili at panindigan.

 

Eto ang paraang napili niya—kimkimin ang lahat ng bagaheng ayaw niyang bitbitin din ni Wendy. Mabigat, matalim, at pakiramdam niya ay hinahati siya sa gitna. Alam niyang hindi deserve ng girlfriend niya ang ganitong klaseng commitment.

 

Sobrang makasarili, oo. Pero hindi niya kayang bitawan si Wendy lalo na't para rin naman sa kanilang dalawa ang ginagawa niya. Kahit may mas mainam na paraan, kahit mali sa paningin ng iba… Eto ang pakiramdam niyang tama. Hindi niya sigurado, pero nasimulan na niya.

 

"Meron pala," bawi ni Irene at pilit na ngumiti. Wala siyang ibang magawa kundi isiwalat ang nararamdaman dahil sa ngayon ay 'yon lang ang sigurado siya, "I love you."

 

"Joohyun…"

 

Nang marinig ang pagbuntong-hininga ni Wendy ay hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha niya. Gusto niyang makapagpahinga sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mahal niya pero bakit mas bumigat lang ang dibdib niya?

 

Alam niyang kasalanan niya.

 

"I love you, Seungwan." Please, be patient with me. I know I'm asking for too much while I'm giving you nothing… Gusto niyang idugtong.

 

Nilunok niya ang bara sa lalamunan at pinanindigan ang desisyon na itago kay Wendy lahat, sa pag-aakalang sa ganitong paraan ay maiiiwas niya ito sa kahit anong sakit. 

 

Kaso ang hindi niya alam (o alam niya pero hindi niya lang pinapansin), hindi lang si Irene ang napapagod.

 

"I know. Matulog ka na."

 

Napahikbi si Irene, "S-Seungwan?"

 

"Good night, Joohyun."

 

*****

 

'Yung tugtog na nga lang mula sa playlist ni Wendy ang tanging ingay sa loob ng kotse, gusto pa itong patahimikin ni Irene. Hindi naman sila madaldal talaga, pero ngayon lang yata hindi naging komportable si Irene sa ganitong klaseng katahimikan. 

 

Don't you ever think I'm bothered by you

Just say the word and I'll drop everything I do

And I will try to answer all your questions

Just don't be surprised if I have reservations

 

Makulimlim, nagbabadyang magbagsak ng malakas na ulan ang maiitim na ulap kahit anong oras. Parang nakikisama ang panahon kay Irene, na nakatulog nang mabigat ang loob at ganoon pa rin pagkagising. Matabang ang almusal niya kanina, matamlay siyang gumayak, at malamlam ang mga matang nakamasid kay Wendy na diretso ang tingin sa daan.

 

Hindi pa ito sumulyap sa kanya ni isang beses magmula nang dumating ito sa harap ng bahay nila para sunduin siya. Hindi rin ito bumati sa kaniya ng magandang umaga. Hindi pa siya nito kinikibo kahit alam ni Irene na dapat siya ang manguna. Dahil siya ang may dapat sabihin.

 

Pero tikom din ang kaniyang bibig at hinayaan na lang na manatili ang kung ano mang andyan. Tutal ay wala naman siyang lakas ng loob na magsalita sa takot na mas mapalala niya lang ang sitwasyon.

 

Lumingon si Irene sa kanan at itinuon na lang ang atensyon sa paligid. Mas madilim ang langit kumpara kanina pero ayaw niyang aminin sa sarili na meron ngang paparating na bagyo.

 

Baka sakaling hindi mangyari kung hindi niya papansinin.

 

[07/25 Sat, 9:47] Yerim: ate nakaalis ka na pala. kadarating ni papa… fam dinner daw after your class.

 

Pero siguro nga, kahit anong gawin niya ay hindi niya kayang pigilan ang pagbuhos ng ulan.

 

Facts that I admit protect us both

This vow of silence isn't just an empty oath

I really want tomorrow to tell all

And pray to God that it does before the fall

 

Wala siyang magagawa kundi maghanda sa kung anong paparating.

 

[07/25 Sat, 9:48] Ate Joohyun: alam niya na ba?

 

[07/25 Sat, 9:50] Yerim: wala naman siyang nabanggit pero ikaw agad 'yung hinanap pagdating niya…

 

Nagpakawala ng malalim na hininga si Irene at nanginginig na nagtipa.

 

[07/25 Sat, 9:51] Ate Joohyun: thanks bunso see you later

 

[07/25 Sat, 9:52] Yerim: ate…

 

[07/25 Sat, 9:52] Ate Joohyun: don't worry abt me. matulog ka pa uli i know it's still too early for u ;p ily

 

Ibinulsa na uli ni Irene ang phone niya at hinarap si Wendy, na bigla namang lumingon pabalik sa daan at mabilis na kumurap. Bahagya siyang napangiti at sa wakas ay pinutol na ang nakakabinging katahimikan.

 

"Uhm, hindi pala uli ako makakasabay mamaya pauwi," mahinang pagbungad niya, "Nakauwi na pala si Papa and nag-aaya ng dinner after class."

 

Napataas ang kilay ni Irene sa kumawalang pigil na tawa mula kay Wendy. Napailing ito at tinakpan ang mapait na ngiti gamit ang likod ng kaliwang kamay, habang ang braso ay nakapatong sa bintana ng kotse. Mahigpit ang pagkakahawak ng kanang kamay nito sa manibela, halatang nagtitimpi.

 

Handa na si Irene na mabasa ng ulan, pero hindi niya inaasahan na hindi pala langit ang magbabagsak nito.

 

"Sorry," paos na sabi nito, may kaunting panunumbat na pilit tinatakpan ng pagkamangha, "Napaisip lang ako kung ano naman kaya ang excuse mo next time."

 

Isang patak.

 

There are a million little things I wish to tell you

About a million little things that I feel

And a few more little things that I'll keep hidden in the dark

Some little things that'll prevent a broken heart

 

Humarap siya sa kaliwa, "W-What do you mean?"

 

Lumingon si Wendy sa kaniya para saksakin siya gamit ang matalim na titig nito. Pero hindi rin alam ni Irene kung bakit mas nasaktan siya sa narinig niya, "Hindi ako tanga, Joohyun."

 

"It's not what you thi—"

 

"Bull."

 

"I'm not cheating on you!" Kahit siya ay nabigla sa pagtaas ng boses niya. Parang kailangan niyang depensahan ang sarili laban sa mga bagay na siya rin naman mismo ang may gawa.

 

Tumawa ito at hindi napigilan ni Irene na manlamig, "Wala akong sinabi. Sa'yo nanggaling 'yan."

 

"Seungwan, please," pagsusumamo niya at pilit inaabot ang kamay ni Wendy, "Makinig ka muna sa'kin. Let me ex—"

 

"Ilang beses kitang tinanong kung may gusto ka bang sabihin sa'kin. Ilang beses kitang binigyan ng pagkakataon to come clean, to explain everything. Tangina," mahinang pagmumura nito at gigil na hinampas ang manibela. Mabuti na lang at nakarating na pala sila sa harap ng building nila Irene.

 

Napaigtad si Irene at pakiramdam niya ay tinamaan siya ng kidlat sa sumunod na litanya ni Wendy.

 

"Wala ka bang tiwala sa'kin? Tingin mo ba hindi ko maiintindihan?"

 

"N-no, hindi sa ganon," garalgal na paliwanag niya, pinipigilan na sumabay ang luha sa pagpatak ng ulan. "Natatakot lang ako na baka masaktan kita—"

 

"Puta," hindi na mapigilan ang bibig nito, "Mas nasasaktan ako kasi you don't trust me enough to tell me what's happening. Ano 'yon? You think I'm okay being left out in the dark, samantalang ikaw, you're fighting these battles alone na pwede namang may kakampi ka sana."

 

"I'm sorry... I didn't—Hindi k—" Wala ng ibang nagawa si Irene kundi humikbi, "Ayoko lang na madamay ka sa issues ko with my dad... I know I'm selfish… I want to be a good daughter but I just can't let you go. I won't."

 

"So you expect everything will be fine basta may mauuwian ka after your family fights and dinner dates?"

 

There are a million little things I'll never tell you

About a million little things I wish were real

And a few more little things I'll keep forever in the dark

Some little things that'll save us from broken hearts

 

Malabo na ang paningin ni Irene dahil sa patuloy na pag-anod ng luha sa mga mata niya pero maliwanag pa rin ang nararamdaman niya. Kinuha niya ang kamay ni Wendy at pinisil ito, "I'm fine with anything as long as I have you."

 

Hindi ito sumagot. Ang tugtog lang, ang malakas na pagpatak ng ulan sa ibabaw ng kotse, at ang papadalas na paghikbi ni Irene ang ingay na dumadampi sa tenga nila.

 

Tumunog ang bell, hudyat na kinse minutos na lang ay magsisimula na ang klase. Pero halos masapawan ito ng kabog ng dibdib ni Irene dahil sa kaba sa kung ano man ang kapupuntahan ng pag-uusap nila.

 

"Seungwan…"

 

Hinatak nito palayo ang kamay at muling ibinalik sa manibela. Diretso ang tingin sa labas, matigas ang ekspresyon maski ang boses, "Pumasok ka na."

 

 

a/n: sabi kasi ng friend q hatiin q raw masunurin lang po aqng bata ;( pero don't worry, tiwala lang tayo sa irene's choice hahaha charot belated happy anniversary <3

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pajamagirl
#1
Chapter 6: Nanood ako ng haikyuu para maintindihan ko ng bongga HAHAHAHA
Ghad20
#2
Congratulations on the bid
wenrenes
#3
Chapter 7: welcome back, author! looking forward to this 😩 sana may manlibre sayo lods sa r to v
reveclean
#4
Chapter 7: crowd funding authornim!para sa rv con!para sa next chapter 💪
todayis_wenrene #5
Chapter 6: gago tawang-tawa ako dun sa “mine!” tapos natalo sila 😆 bawal malandi sa game 😆😆😆
wenrenehousemates #6
Chapter 7: Authornim please I suggest crowd funding po! You’re one of the best wenrene authors I know kaya sigurado akong maraming willling mag fund sa stories mo!
wnandehy
#7
Chapter 2: LAWRD ANOBAYAANNN ANLUNGKOT ;)+:);()!!!(!(!!!(
todayis_wenrene #8
Chapter 2: bakit ako napadpad dito at ito naisipan kong unang basahin na chapter?? 😭 gusto ko lang naman magpa-antok author, bakit ang heavy..
LockLoyalist
#9
Chapter 7: tuloy po please hahaha
SEEKER_
#10
Chapter 1: Why naman ang cutie ni wends pag may sakit. Si majaaam ang rupok amp